Mona
BINABA ko sa lamesita ang tinadtad kong inihaw na liempo na natira. Nagdala na rin ako ng mga tsitsirya. Nasa lamesa na ang isang malaking bote ng brandy at dalawang baso na si sir Edward pa mismo ang kumuha. Naglapag din sya ng ice bucket na puno ng ice cubes.
"Upo ka na." Utos nya sa sa akin. Naupo na rin sya sa sofa.
Alanganing umupo din ako. "Sir Edward, sigurado po kayo?" Tanong ko
Tumango lang sya at binuksan ang bote ng brandy. Naglagay sya ng tig dalawang ice cubes sa baso at sinalinan ng brandy. Hindi naman nya ito pinuno at umalabot lang ng kalahati.
Napalunok ako ng ilapag nya sa harap ko ang isang baso. "Sir Edward ano.. hindi po ako marunong uminom." Kakamot kamot sa ulong sabi ko.
At saka bakit ako pa talaga ang inaya nyang uminom? Ano ba akala nya sa akin tomador?
Nilagok nya muna ang laman ng baso at tiningnan ako. "Madali lang yan. Kunin mo yung baso."
Hindi ako natinag at tiningnan lang sya kung seryoso ba.
"Sige na." Untag nya sa akin.
Kakamot kamot sa pisnging kinuha ko ang braso at inamoy ang alak. Napangiwi ako. Amoy pa lang ang lakas na ng tama.
"Sa umpisa lang yan, sige try mo." Udyok nya sa akin habang tumutusok na sya ng inihaw na liempo.
Sinunod ko naman sya at nilapat ang nguso ng baso sa bibig ko at tinulak. Nakapikit na ininom ko ang laman ng baso sabay lagok. Gumuhit ang init at hindi ko maintindihan na lasa sa lalamunan ko.
"Ang gara ng lasa! Lasang di maintindihan!" Bulalas ko at nilabas pa ang dila. "Ack!
Tumawa naman ang walang hiya kong amo.
"Masasanay ka rin." Aniya at muling sinalinan ang dalawang baso.
Wala na akong nagawa kundi kunin ito. Hindi naman ganun kasama ang lasa siguro nga ay masasanay din ako.
"O cheers tayo." Sabi nya at tinaas ang baso nya.
Tinaas ko rin ang baso ko at ipiningki sa baso nya at sabay naming nilagok na dalawa ang laman.
"Grrrr!" Shinake ko ang ulo at piniga ng dalawang kamay ang pisngi.
Ngunit tinawanan lang ulit ako ng amo kong malakas ang trip ngayong gabi. "Para kang sinasapian."
"Ito na yata yung sinasabi nilang espirito ng alak, sumasanib na sa akin." Sabi ko. Nakakadalawang shots pa lang ako maiinit na ang pakiramdam ko.
"Wala pa yan, nakakadalawa ka pa lang eh. O heto pa." Muli nyang sinalinan ang baso ko pati ang baso nya. Nagcheers ulit kami at sabay na uminom.
"Hah! Hooo! Ang jinit sa feelings!" Pasigaw na sabi ko. Tumusok ako ng liempo at sinubo.
Umiling iling lang si sir Edward at nangingisi habang nakatingin sa akin.
"So hanuna sir Edward? Bakit kayo nag aya uminom? At ako pa talaga ang inaya nyo ha? Celebration po ba to kasi hiwalay na kayo ni ma'am Clea?" Tahasang tanong ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na magtanong ng ganito sa kanya. Siguro ay sa alak.
Sinalinan nya ulit ang mga baso namin at kinuha nya ang kanya. "Wala lang, namiss ko lang ang uminom ng may kasama." Tinaas nya ang baso sa akin sabay inom.
Kinuha ko rin ang baso ko at ininom ang laman. Napapapikit pa ako kapag gumuguhit ang init. Medyo nasasanay na nga ako sa lasa.
"Pwede naman kayong sa bar uminom ah! Doon marami kayong makakainuman." Sabi ko.
"Ayoko don, pag naglasing ako hindi ako makakapag drive pauwi."
"Kunsabagay."
Lumipas ang isang oras ay lampas kalahati na ng bote ng brandy ang nainom namin. Pero tuloy tuloy pa rin kami. Ako na nga minsan ang nagsasalin sa baso namin. Masarap din naman pala ang uminom. Parang kang nasa heaven! Orayt!
"So yun na nga ser, hayskul lang ang nataposko, kase maagang nategi shi tatay. Tinamaan ng kidlat sa bukid hayun. Iniwan na nya kame. Kung ano anong trabaho ang pinashok ko para lang kumita ng pera para makatulong kay nanay." Pagkukwento ko sa kanya habang hawak ko sa isang kamay ang basong may lamang alak.
"Apat kase yung mga kapatid kong nag aaral, kaya tinanggap ko na ang alok ni ma'am Noemi na maging kasambahay nyo dito sha Maynila kahit medyo jirita ako sha inyo kase masungit kayo."
"Naiirita kasi akin?" Nakataas ang kilay na tanong nya at nakangisi. Hawak din nya sa isang kamay ang basong may lamang alak. Nakasandal sya at nakadekwatro habang nakasampay sa headrest ng sofa ang isang braso.
"Dati yun, pero di na ngayon. Nasanay na ko sa kashungitan nyo eh. Iniisip ko na lang may dalaw kayo." Sabi ko sabay tawa.
Nangunot naman ang noo nya. "Anong dalaw?"
"Dalaw, yung sa aming mga babae. Buwan buwan may dalaw sa madaling salita regla."
"So iniisip mo na lang na may regla ako kaya masungit ako?"
"Pero minsan lang yun ser." Natatawang kabig ko.
"Ikaw naman ser magkwento. Kwento mo na kung bakit kayo naghiwalay ni ma'am Clea?" Pagiiba ko ng usapan sabay inom sa laman ng baso.
"Tsismosa ka rin no."
"Hindi ah! I'm just curious you know hehe. Lashing na yata ako, napapa inglish na ko eh."
"Hindi ka pa lasing, o inom pa." Sabay salin nya ng alak sa baso ko.
Kinuha ko naman iyon at ininom ulit. Medyo parang magaan na ang pakiramdam ko.
"Siguro kaya kayo naghiwalay ni ma'am Clea kase may ginawa sya sha inyong kasalanan? Ano yun ser? Susugurin ko yun para sha inyo." Matapang na sabi ko. Aba! Kahit masungit tong amo kong pogi na to palalabs ko to.
"Talaga gagawin mo yun?" Natatawang tanong nya.
"Oo, para sha inyo. Ganyan kita ka labs ser kahit masungit ka pa." Sabi ko at kinuha ang bote ng brandy at nagsalin ulit sa baso.
Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakitang nakatingin lang din sya sa akin.
"Bakit ser Edward?"
"Love mo ko?" Tanong nya.
"Ha?"
"Ang sabi mo love mo ko."
"Ha? Sinabi ko ba yun?" Naguguluhang sabi ko. Di ko na kasi matandaan kung ano ang sinasabi ko kanina.
Pinaningkitan nya ako ng mata. "Yes, kasasabi mo lang kanina."
Napakamot ako sa pisngi at inalala. "Di ko na matandaan na shinabi ko yun kanina."
"Tsk."
"Pero may aaminin ako sha inyo ser Edward."
"Ano yun? Siguraduhin mo lang na matutuwa ako dyan ah kung hindi babawasan ko ang sweldo mo." Banta nya sa akin.
"Wag naman ganun ser." Nakangusong sabi ko.
"Kaya nga siguraduhin mong matutuwa ako."
"Eh ewan ko kung matutuwa kayo sha aaminin ko."
"Sabihin mo na at ako ang huhusga."
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Ang totoo nyan ser Edward crush ko kayo." Lakas loob na sabi ko.
Saglit naman syang hindi nagsalita at nakatingin lang sa akin.
Naku! Mukhang hindi yata sha natuwa. Dapat pala hindi ko na lang sinabi. Baka totohanin nyang babawasan ang shahod ko.
"Totoo?" Tanong nya.
"Po?"
"Totoong crush mo ko? Wag mong sabihin hindi mo na naman natatandaan ang sinabi mo, delay talaga ang sahod mo." Pagbabanta nya sa akin.
"Ay shempre natatandaan ko ser, totoo ang sinabi ko. Crush ko kayo. Pekshman! Mamatay man ang lahat ng kuko sha paa ni ma'am Clea." Tinaas ko pa ang kamay.
Hindi ko na nakita ang reaksyon nya dahil ininom nya ang baso nyang may laman na alak habang nakatingin sa akin. Parang may kung ano namang sumipa sa dibdib ko na nagpakabog dito.
"Nagkaboyfriend ka na ba Mona?" Tanong nya pagkababa nya ng baso.
"Po?" Nabigla ako sa tanong nya.
Ngumisi sya. "Iba pala ang epekto sayo ng alak, nabibingi ka."
Kumamot ako sa pisngi. "Eh kase nakakabigla ang tanong nyo ser eh."
"Anong nakakabigla dun. So ano nagkaboyfriend ka na?" Ulit nya sa tanong.
Umiling ako. "Hindi pa po."
"Eh di wala ka pang first kiss?"
Umiling ako kasabay ng pagiinit ng mukha ko.
Tinapik nya ang sofa. "Halika dito."
"Bakit po?" Nagtatakang tanong ko.
"Basta lumapit ka dito."
Tumayo naman ako at lumapit sa kanya.
"Umupo ka." Tinapik nya ang espasyo sa tabi nya.
Naguguluhang umupo naman ako. Ngunit ang dibdib ko ay naguumpisa na namang kumalabog dahil halos magkadikit na ang mga katawan namin at nararamdaman ko ang init ng singaw ng katawan nya.
"Ano po ba yun ser?" Kumamot ako sa pisngi. Alam ko sa sarili kong may tama na ako ng alak dahil nakaraming shot na ako pero alam ko pa rin ang nangyayari sa kapaligiran ko.
Tumingin sya sa akin. Gumala pa ang mga mata nya sa mukha ko pero mas nagtagal sa labi ko. Wala sa sariling diniliaan ko ang labi at napalunok.
"Gusto mo nang magka first kiss?"
Napaawang ang labi ko sa tanong nya. Malinaw kong narinig.
"Naku bossing, lashing ka na yata." Sabi ko at umusod palayo ng bahagya sa kanya ngunit pinigilan nya ako sa braso.
"Hindi ako lasing. So ano gusto mo?" Ulit pa nya sa tanong. Ang boses nyang malaki ay namamaos pa at tila nang aakit.
At ako naman ay tila naaakit. Napalunok ako.
"Si-Sino ang magbibigay ng first ko? I-Ikaw?" Nauutal na sabi ko. Parang biglang nawala ang tama ng alak sa sistema ko.
"Sino pa ba? Hindi naman ako makakapayag na iba." Bahagya pang tumalim ang mata nya.
"Eh bakit kailangan ikaw?" Nahihiyang sabi ko.
"Bakit? Sino ang gusto mo? Yung ka chat mo?" Pasikmat nyang tanong sa akin.
Tukoy nya sa lalaking nakilala ko sa mall na friend ko na ngayon sa fb at madalas nga kaming magchat. Minsan nahuhuli nya ako at sinisita nya.
"Hindi ah!" Nakangusong tanggi ko. Hindi ko naiimagine na hinahalikan ko si Chris kahit na ba may hitsura din ito.
"Hindi naman pala eh." Mababa na ang boses na sabi nya. Unti unti na nyang nilalapit ang mukha sa akin.
Pinigilan ko naman sya sa dibdib. Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko na parang gusto ng kumawala sa loob. Mukhang seryoso nga talaga syang hahalikan ako.
"Pero sir Edward, boss ko po kayo." Mahinang sambit ko.
"Wag mong isipin yun, ang isipin mo ako ang lalaking gustong gusto mo." Sabi nya sabay kabig sa batok ko.
Napasinghap ako at nanlaki ang mata kasabay ng pagwawala ng puso ko ng sakupin ng bibig nya ang labi ko.
*****
Aliw ako sa mga comments nyo guys. 😆
Anyway bukas ulet. Need ko ng matulog. Goodnight 😽♥️