Unwanted Wife (COMPLETE)

By reynangelena

145K 2.3K 242

Bilang asawa sa lalaking pinakamamahal ko ng lubos, hanggang saan nga ba ang kaya kung tiisin? Palagi kong na... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Epilogue

Chapter 85

734 8 0
By reynangelena

Margaux POV

Hindi ko naisip na darating ang araw na magkikita muli kami ni ate Jewel, hindi ko akalain na mapupunta siya kung nasaan man ako. Matagal na akong namumuhay kasama si Nanang, no'ng mga panahon na akala ko ay mamatay na ako ay maswerteng nakaligtas ako bago pa sumabog ang kotse. Nawalan ako ng malay kaya hindi ko na alam ang nangyari at ng magising ako ay nasa hospital na ako at do'n ko nakilala si Tatang na siyang nagligtas sa akin, siya ay asawa ni Nanang.

Sila ang nandiyan ng mga panahong nagpapagaling pa ako at kinupkop nila ako pero namatay si Tatang dahil sa isang aksidente at naiwan na lang kaming dalawa ni Nanang, malaki ang utang na loob ko sa kanila, kung hindi dahil sa kanila ay baka tuluyan na akong namatay.

Nakiinig lang ako sa kwento ni Ate Jewel at ramdam ko ang sakit na dinadamdam niya, alam kung isa ako sa nagpahirap sa kanya noon at masasabi ko na hindi niya deserve ang masaktan ng ganito dahil isa siyang mabait na tao. Ng matapos siyang magkwento ay niyakap ko siya ng mahigpit dahil umiyak na ito, nalaman ko din na buntis pala siya ngayon.

"Tahan na ate, makakasama 'yan sa baby. Kailangan mong maging malakas dahil may pamilya pang naghihintay sa'yo." wika ko habang hinahagod ang kanyang likod.

Hinayaan ko lang muna siyang umiyak para kahit papaano ay mailabas niya ang sama ng kanyang loob, pagkatapos ng ilang minuto ay tumigil na din ito at hikbi na lang ang naririnig ko mula sa kanya.

"Pero ate hindi mo ba muna kakausapin si kuya Thunder? Baka naman kaya niyang ipaliwanag 'yon o kaya baka may rason naman siya kung bakit hindi niya muna sinabi sa'yo." saad ko.

"Hindi ko alam kung kaya ko na siyang harapin, hindi ako kapag isip ng maayos ngayon Marga sariwa pa din sa isip ko ang nalama ko at hindi madaling tanggapin."

"I get your point ate, alam kung hindi madali ang pinagdadaanan mo ngayon lalo pa't magkakaanak kayo ulit. Hayaan mo munang makapag isip ka ng maayos at kapag handa kana ay harapin mo na si kuya. Alam kung matapang ka at hindi mo hahayaan sirain ng kung sino lang ang pamilya mo at naniniwala ako na gano'n din ang asawa mo. Ipaglaban mo ang kung ano dapat sa'yo dahil ikaw ang asawa at kahit man totoong may anak siya sa iba ay hindi magbabago na ikaw ang legal." mahabang pahayag ko.

Ngumiti naman ito sa akin, alam kung kahit papaano ay napagaan ko ang kanyang loob. Ito lang ang tanging paraan ko para makabawi sa kanya.

"Tara na sa loob ate at gabi na. Baka mahamugan ka pa. At isa pa ay kailangan mo ng magpahinga dahil malayo din ang naging byahe mo kanina, mabuti na lang at si Nanang ang nakakita sa'yo." ani ko.

"Destiny na siguro na siya ang makabangga ko dahil may dahilan at ikaw 'yon." saad niya naman.

Sabay ba kaming pumasok sa loob para pareho na din kaming makapagpahinga dahil gabi na. Sinamahan ko pa siya sa kanyang kwarto hangga't sa makatulog na ito saka ako lumabas at pumasok na din sa sarili kung silid.

Habang nakahiga ako sa kama ko ay hindi ko maiwasan ang hindi mapaisip, sino naman kayang babae ang na anakan ni Kuya Thunder? Kung tutuusin ay malabo 'yong mangyari dahil mahal na mahal niya ang asawa niya. Hindi kaya nagpapanggap lang 'yon?

Gusto ko man tawagan si Kuya Thunder para ipaalam kung nasaan si ate pero ayaw ko naman itong pangunahan dahil baka kailangan niya pang mag isip isip muna. Mas mabuti ng nandito siya dahil may kasama siya at maalagaan namin siya kahit 'yon na lang ay magawa ko sa kanya after what I did to them.

FASTFORWARD

Isang linggo na ang nakalipas simula ng makasama ko si Ate Jewel sa iisang bahay, saksi ako sa kung paanp siya nahihirapan dahil halos gabi gabi siyang umiiyak at halata ko na namimiss niya na ang asawa at anak niya.

Katatapos ko lang maligo at magbihis dahill sasamahan ko siya na magpacheck up, ng makalabas ako ng kwarto ay naabutan ko sila ni Nanang na masayang nag uusap.

"Oh nandiyan kana pala anak, halika na at kumain na para makaalis na kayo ni Jewel para hindi kayo masyadong tanghaliin." saad ni Nanang.

Agad naman akong umupo sa tabi ni Ate Jewel at nagsimula ng kumain, hindi din natagal ay sabay kaming natapos kaya umalis na kami para hindi masyadong mainit sa labas.

Malapit lang naman dito sa amin ang clinic ng OB kaya isang sakay lang ang gagawin namin, kailangan lang namin na maging maaga dahil baka marami ang tao.

Nang makarating kami do'n ay swerte lang dahil kami pa lang ang nauna kaya mabilis na nakapag check up kami, kinausap lang si Ate Jewel at binigyan ulit ng mga resita ng gamot at listahan ng pagkain na kailangan niyang kainin.

Pagkatapos ay doon na din namin binili ang mga gamot dahil meron naman silang tinda kaysa magpunta pa kami sa pharmacy. Akala ko ay uuwi na kami pero niyaya ako ni ate na dumaan daw muna kami sa mall para mag ikot ikot at saka do'n na lang din kami bibili ng pagkain namin para hindi na magluto pa si Nanang.

Nandito kami ngayon sa isang restaurant dahil dito ni Ate gustong kumain, marahil ay hinahanap ng kanyang sikmura ang pagkain na nandito. Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakain, halata ang pamumugto ng kanyang mga mata.

"Ilang months na lang ate mahahalata na 'yang tiyan mo." anas ko.

"Oo nga eh, mukhang matakaw nga ito dahil kain ako ng kain. Nakakahiya tuloy kay Nanang." sagot niya naman.

"Ano ka ba, huwag kang mahiya. Masaya si Nanang sa ginagawa niya at gusto niyang maalagaan ka din." ani ko.

"Eh ikaw? Anong plano mo?"

Napatigil ako sa pagsubo dahil sa tanong niya. "Siguro ka pag maayos na kayo ulit nga asawa mo saka ako magpapakita sa kanila mommy."

Ngumiti naman siya sa akin. "Mabuti naman at nakapag isip kana, matutuwa ang mga 'yon kapag nalaman nila na buhay ka at isa pa pwede mo din namang dalhin si Nanang."

"Iyon din ang plano ko ate, kapag nakabalik na ako sa amin ay isasama ko si Nanang ayaw ko naman kasi siyang iwan na mag isa dito lalo na't wala na siyang kasama sa buhay." wika ko.

Nagpatuloy lang kami sa pagkain at ng matapos kami ay nag ikot ikot lang kami at umuwi na din.

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
1.3M 15.8K 55
Hanggang kailan ako aasa? Oo, mahal ko siya. Sobra. Pero hanggang kailan ako aasa na balang araw, mamahalin rin niya ko? Di ba di naman yun inaaral...
119 75 25
Tartini is known for being a brat, rude and step on other people's feelings. Her dad wants her to handle their farm that's why she was sent there wit...
3.4M 93.5K 62
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...