My Everything In His Past (2n...

By VR_Athena

61K 5.7K 2.2K

"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything." More

Mood Board
Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Author's Note
Chapter 19
Artwork
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Author's Note
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
Chapter 57
Chapter 58
Author's Note
Chapter 59
Chapter 60
Wattpad Filipino Block Party: 2022
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Past Life (WarLyn's Special Chapter)
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Teaser for "My Sin In His Past" (Pedro)
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Author's Note
Chapter 74
Teaser for "My Sin In His Past" (Victoria)
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Author's Note
Author's Note
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Update Question
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Character Inspiration
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
ON-HOLD
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Epilogue
Special Chapter 1: WarLyn's Teaser
Special Chapter 2
Story Playlist

Chapter 68

451 45 11
By VR_Athena

Apple Pie felt like a private investigator while staring at the cute boy in front of her. Halos isang linggo na kasi ang nakalipas simula nang malaman niyang may crush si Pedro kay Kuya Zy. Bilang isang dakilang fujoshi ay hindi niya malaman kung ang active imagination niya lamang ba ang umiiral o talagang may nangyayari sa dalawang iyon.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa may upuan katabi ng lamesa na hinakot palabas nina Kuya Zy kanina. Nilagay ng mga ito iyon sa may garden para makalanghap ng sariwang hangin ang asawa ni Xav. Kasama niya roon sina Elisa, Eloisa at Pedro na masayang nagkwekwentuhan. Hindi nga niya maintindihan kung bakit ang bilis naging mag-bestfriend ng dalawang babae kahit pa man sabihing may alitan ang mga ito noon. Si Pedro naman ay halatang nakikisama lamang para sa Ate Elisa nito. Siya naman ay 50/50 pa ang nararamdaman kay Eloisa. She doesn't talk to her but at least she was still civil.

Anyways, wala kay Eloisa ang atensyon niya. Na kay Pedro at sa mga mata nitong halos hindi na matanggal kay Kuya Zy. Ang mga lalake kasi pwera lamang kay Pedro ay nandoon sa may di-kalayuan at nagsisibak ng mga kahoy. Pawisan na nga ang mga ito kaya naman wala ng pang-taas ng suot. Wala namang iba na makakakita sa mga ito dahil pinauwi muna ni Xav ang mga katulong nito sa mansyon. Naging hang-out tuloy nila ang bahay nito lalong-lalo na at alam nilang magiging maselan ang pagbubuntis ni Elisa.

She spent the past few days observing Kuya Zy and Pedro. Malaya siyang gawin iyon dahil maagang umuuwi si Yohan. Nagulat nga siya nang pumayag na ito na si Kuya Zy o si Xav na lang maghatid sa kaniya papauwi. Mukhang busy rin ang lalakeng iyon sa mga negosyo nito kaya hindi na siya nagreklamo. Besides, their complicated relationship was slowly turning into a better one. 

They make-out . . . a lot. Hindi nga lang talaga nila pwedeng ipakita kina Kuya o kay Xav dahil paniguradong masisita sila. Patago lamang ang pagiging pisikal nila sa isa't-isa kaya naman sa tuwing umuuwi siya galing kina Elisa ay diretsong halikan ang nangyayari sa kanila ni Yohan.

Pinilig niya ang ulo dahil sa kung saan-saan na naman napupunta ang isipan niya. Tinuon na lamang niya ang kaniyang atensyon sa ginagawang wig. Tinotoo kasi niya ang pangako kay Pedro na gagawan ito ng wig. Nalaman rin kasi niya mula kay Elisa na mukhang matagal ng gusto ni Pedro na makasubok na magkaroon ng mahabang buhok pero alam nitong malalaman ng mga tao na bakla ito kung gagawin iyon.

She concentrated on the frame that she was holding and decided that she should finish that wig as soon as possible. Malaki-laki rin ang nagasto ni Xav para sa buhok na ginagamit niya ngayon. Syempre si Elisa ang nanghingi kaya naman handang gumasto yung isang mokong. Inayos niya ang frame at siniguradong hindi niya iyon masisira. Block of wood lang kasi iyon na may dalawang pins na sumusuporta . May nakakonektang tatlong strings sa bawat end niyon. Gumamit siya ng diagram ng isang pattern at iyon ang sinunod sa pagtatahi ng buhok. Nasubukan na niya ito noon kaya naman alam niya ang over-under motion na ginagamit para doon. Kung titignan, napakasimple lamang talaga ng pattern pero talagang kailangan na kailangan ng intense concentration sa ginagawa niya upang walang buhok na maling maitahi o di kaya'y magbuhol.

Tutok na tutok na talaga siya sa ginagawa ngunit nang marinig niya ang pagtayo ni Pedro ay mabilis siyang napalingon dito. "Saan ka pupunta?" nagtataka niyang tanong dito.

"Kukuha po muna ako ng tubig para kina Ginoong Crisostomo. Tiyak na nauuhaw na po ang mga ito," paliwanag nito sa kaniya.

"Kailangan mo ba ng tulong?" tanong niyang muli nang akmang aalis na sana ang bata. Ang payat kasi talaga nito kaya naman nag-aalala siya na baka bigla itong maputol kung sakaling magbuhat ito ng mabigat.

"Hindi na po. Kaya ko na po," nakangiting tanggi nito bago tuluyang naglakad pabalik sa loob ng bahay.

Ibabalik na sana niya ang paningin sa ginagawa ngunit nahagip ng mga mata niya ang mga lalake sa may di-kalayuan. Nagsisibak pa rin ang mga ito ngunit biglang napahinto si Kuya Zy at napalingon sa pwesto nilang mga babae dito. Kitang-kita niya mula rito ang pagkunot ng noo nito at ang unti-unti nitong pagbaba ng sibak. She saw him say something to Yohan and Xav before walking towards her.

Aaminin niyang sa abs nito siya nakatutok ngunit agad na nagising ang diwa niya nang magsalita si Kuya Zy. Nakalapit na pala ito sa kaniya ngunit hindi niya napansin.

"Nasaan siya?" tanong nito gamit ang baritonong boses nito. Hindi na niya kailangang magtanong kung sino ang meaning nito. Halatang-halata naman dahil iisang tao lamang ang umalis dito.

"Pumunta sa kusina, kukuha ng tubig," sagot niya dito at binalik ang mga mata sa wig na ginagawa. Ayaw niyang ipakita dito na curious siya sa nangyayari sa mga ito ngayon. She sneakily glanced at Kuya Zy when he started walking towards the house. 

I smell something fishy . . .

Pinanood niya munang makapasok si Kuya Zy sa mansyon at naghintay ng ilang minuto bago niya naisipang tumayo at sundan ang dalawa. Inilapag muna niya ang ginagawa sa kaniyang upuan at pasimpleng naglakad rin papasok ng bahay. Para pa nga siyang tanga dahil binagalan lamang niya ang paglalakad nung nasa labas pa siya pero nang makapasok na siya sa mansyon ay tila nasa karera siyang tumakbo sa may kusina. Bumagal lamang siya ulit nang nasa malapit na siya. Ayaw niyang marinig ng mga ito ang paglapit niya.

Tiptoe siyang lumapit sa may pintuan ng kusina at sumilip doon. She gasped upon seeing the two people inside. Kuya Zy was standing in front of Pedro while the small boy was entrapped between the giant man and the kitchen sink. Ang dalawang kamay ni Kuya Zy ay nakapwesto sa magkabilaan ni Pedro kaya naman parang dagang kinulong ang bata. Kuya Zy was leaning down towards the young man, their faces so near to each other. Kita niya ang pagbuka-sarado ng bibig ni Kuya kaya alam niyang may sinasabi ito. Si Pedro naman ay namumula at pilit na iniiwas ang mga mata sa higanteng lalake na nasa harapan nito. Mukhang hindi iyon nagustuhan ni Kuya Zy dahil hinawakan nito ang baba ni Pedro at pinaharap dito. 

Nakatakip lamang ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig dahil gusto niyang tumili. Gusto niyang manadyak at manuntok dahil sa kilig. 

Tuwang-tuwa na sana siya kakapanood doon kung hindi lang may biglang nagsalita sa may likuran niya. "Anong ginagawa mo diyan?"

"Ay puchagis!" gulat niyang ika bago lumingon sa may likod niya. Naroon na pala si Yohan at nakakunot na nakatingin sa kaniya. 

Sumilip rin ito sa loob bago binalik ang atensyon sa kaniya. "Huwag kang mangialam diyan," tipid nitong ani bago siya maingat na hinila papalayo doon. 




Nakabusangot ang kaniyang mukha habang nakatingin ng diretso kay Kuya Zy. Nauna ng umuwi si Yohan sa kaniya kaya naman ang kapatid nito ang naghahatid sa kaniya papauwi. Ang problema nga lang ay gustong-gusto niyang malaman kung anong nangyayari sa pagitan ng dalawa ngunit ayaw naman siyang sagutin ni Kuya Zy. Tahimik lamang sila buong biyahe at nang makarating nga sa bahay ay iisa lamang ang sinabi nito nang tanungin niya ito patungkol kay Pedro.

"He's cute."

Fucking hell! Iyon lang sinabi nito at ni hindi nga nakatulong. Aba't as a fujoshi, her vision, and mission in life are to ensure that all BL couples would end up together and live happily ever after. Sa sagot ni Kuya Zy ay hindi niya alam kung may gusto rin ito kay Pedro o nawiwili lamang ito sa mga reaksyon ng bata sa tuwing nagkakalapit ang mga ito. Baka kasi ang mangyari ay umasa ang batang iyon pero naglalaro lamang si Kuya Zy. 

"Gago yun ah . . ." pabulong niyang anas habang naglalakad papasok ng bahay ni Yohan. Ginabi na rin siya ng uwi ngunit nasanay na siya. Besides, dahil sa connection ni Kuya Zy ay hindi sila nasisita ng mga gwardya-sibil na nagpa-patrol.

Masyado na sigurong natuon ang atensyon niya sa dalawang iyon dahil ngayon niya lamang natandaan ang pag-iiba ni Yohan this past few days. It was not that big, it was actually really, really subtle. Nagsimula iyon nang lagi na lamang maagang umuuwi si Yohan. Hindi niya alam pero para bang may bumabagabag sa lalake. Aaminin niyang binalewala lamang niya iyon dahil akala niya ay trabaho lamang nito ang dahilan niyon. Ngayon niya lamang napagtanto na baka may mas malalim pang dahilan sa inaakto ng lalake ngayon.

Napagdesisyunan niyang magtanong na kay Yohan ngayong gabi upang lumuwag na ang kaniyang pakiramdam. Pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan ay agad namang napakunot ang noo niya. Wala kasing nakasindi na ilaw ni isa. Sanay siyang maliwanag pa rin ang bahay dahil hindi pinapapatay ni Yohan ang mga kandila sa mga katulong hangga't hindi pa siya nakakapasok ng kwarto. Buti na nga lang at kahit papaano ay nag-adjust na ang mga mata niya sa dilim. Nasanay na talaga siyang walang kuryente sa panahong ito.

Maingat siyang naglakad papasok ng sala at didiretso na sana sa hagdanan papuntang kwarto niya ngunit nahagip ng peripheral vision niya ang mumunting kislap ng ilaw mula sa silid na nasa gilid ng bahay. Sa pagkakaalam niya ay iyon ang drawing room ni Yohan at bago niyo man isiping pagpipinta ang ibig sabihin niyon ay i-clear na niya ahead. Ang drawing room ay ang kwarto kung saan tumatanggap si Yohan ng bisita. 

Weird ng name, I know pero ang sabi sa kaniya ay galing daw iyon sa word na "withdrawing" kung saan pwedeng pumunta ang mga bisita kung kinakailangan ng mga ito ng privacy. 

Malimit lamang ginagamit iyon dahil usually ay sa sala kinikita ni Yohan ang mga bisita nito. Hindi niya alam kung bakit naisipan nitong tumambay roon sa gitna ng gabi tapos wala pang ilaw sa ibang parte ng bahay maliban doon.

Kahit na nag-aalangan ay lumapit siya sa kwartong iyon at mahinang kumatok sa may pintuan. Bahagyang nakabukas iyon kaya naman napansin niya ang ilaw na nanggagaling sa isang kandila. "Yohan?" tawag niya sa lalake habang binubuksan ang pinto. "Yohan, nandito ka ba?" tanong niyang muli ngunit agad siyang natigilan nang makita ang pamilyar na porma ng lalake na nakaupo sa may sofa ng silid na iyon.

He was sitting so arrogantly on that sofa while his whole attention was on multiple papers. Noong una ay hindi niya maintindihan ang nangyayari ngunit nang unti-unti siyang nilingon ni Yohan ay tila ba nag-click sa isipan niya ang lahat.

He was holding Heneral de Castro's letters.

Continue Reading

You'll Also Like

14.6K 694 14
✓ | In a world full of living, Aidee Montes can only see death.
5.9M 101K 55
When Miss Genius Gone Mad Book 2 Copyright 2015 All Rights Reserved
195K 1K 7
The Kings Series #1: Jeron Louis Montecastillo
68.9K 5.7K 30
Kuwento ng isang makulit na Aristokrata at ng crush na crush niyang Mr. Principal. Latest Book Cover: Coverymyst Image Credits: Jeon Ji-hyun and Lee...