In The Right Time [Prayer of...

By iam_casmy

331 6 0

Erick Dave De Villa, A great bully and a bassist at their school and church. He was also a graduating studen... More

Author's Letter
PROLOGUE
CHAPTER 12

CHAPTER 13

5 0 0
By iam_casmy

Pagdating namin sa canteen ay madami dami pa din ang estudyante, buti nalang ay mabilis lang ito umusad kaya naman nakabili din kami ka agad ng pagkain namin at agad din na bumalik sa loob ng classroom namin.


Pagpasok namin sa classroom namin ay malamig na atmospera na agad ang bumungad sa'min. Binuksan na pala ng boys yung aircon kaya naman pagpasok namin ay medyo malamig na. 


Buti nalang at magkakautak din kami nitong mga boys. Malamang mga nainitan din ang mga 'to sa morning activities namin.


Sino ba naman kasing hindi maiinitan at mapapagod sa parade at zumba, diba?


 Mabilis na lumipas ang oras at tapos na agad ang break time namin kaya naman kailangan na ulit namin pumunta sa gymnasium dahil may treasure haunting na magaganap.


Anong hahanapin? Gulay at prutas na nakatago at nakakalat sa buong campus. Hindi ko na maalala kung saan namin tinago yung ibang gulay at prutas. Ganito kalala ang utak ko. Pagkadating namin sa gymnasium, ramdam nanaman namin yung init.


"Ayel, alam mo kung saan nakatago?" pang uusisa sa'kin ni Rylle.


Napatingin silang lahat sa'kin dahil sa tanong ni Rylle.


"Ay teh, pasensya na dahil hindi ko na talaga maalala kung saan natago yung mga gulay at prutas. Alam mo naman yung utak ko." pagpapaliwanag ko sa kaniya.


"Sayang. Kung naalala mo lang baka manalo pa tayo dito." bakas sa boses ni Anne ang pagkadismaya.


Obvious naman na tropahan kami ng pagka competitive no? Gusto namin manalo pero malay naman natin manalo pa kami.


"Kayo naman, magtutulungan naman tayo para makarami tayo ng hanap nung mga nakatagong gulay at prutas malay naman natin," pag papaalala ko sa kanila.


"Oo nga! Kaya naman 'to. Tayo pa ba papatalo?" pag sang-ayon naman sa'kin ni Yssiah.


"Tsaka ayos lang naman kahit hindi tayo manalo, since ginawa namin 'to para makapag enjoy tayo," sabi ko.


"Pero sadyang mga competitive tayo, bakit ba tayo ganito?" natatawa kong sabi sa kanila.


Natawa din tuloy sila sa sinabi ko at syempre mga guilty sa competitive dahil ganoon naman talaga kami, nakakapagod na din 'to ha.


"Lagi nalang ba tayong ganito?" madramang sabi ni Valerie sa'min kaya naman mas natawa kaming lahat.


"Mag hiwalay na lang tayo kung ganoon." pag sabay ni Rylle sa kadramahan ni Valerie.


"Hoy! Iba na 'yan ha! Anong drama yan? HAHAHAHA!" suway ko sa kanila dahil parang hindi na tungkol sa pagiging competitive ang usapan.


"Students, please be ready for our next activity which is the Treasure Hunting." pagsasalita ng emcee sa stage at inexplain niya din ang aming gagawin.


"May nakakalat at nakatagong iba't ibang gulay at prutas sa loob ng campus at kailangan niyo itong mahanap. Bibigyan namin kayo ng 1 hour sa paghahanap at ang grade level na may pinaka madaming mahahanap ay syempre ang mananalo!" masiglang pag eexplain ng emcee sa'min.


Hindi kaya kami malugi neto? Malamang alam ng ibang SSG Officers kung nasaan ang ibang gulat at prutas dahil parang halos lahat ng Officers ay tumulong sa pagtatago ng mga 'yon.


Siguro naman hindi nila sasabihin kung nasaan at mananahimik nalang ang mga Officers para maging fair sa lahat ng estudyante ang Treasure Haunting na 'to.


"Students, your Treasure Haunting time starts... Now!" Anunsyo ng aming emcee.


Agad namang nagsilabasan ng gymnasium ang karamihan ng estudyante at nag-umpisa na sa paghahanap ng mga nakakalat ngunit mga nakatagong gulay at prutas sa labas,loob, gilid, harap at likod ng buong campus. Mukhang lahat ata ng estudyante dito competitive hays.


Hindi ko nga alam kung may price ba kapag ang level niyo ang nakahanap ng pinaka maraming gulay at prutas. Baka mamaya tamang frutos lang maging premyo, baka masakal kami ng grade level na 'yon. 


O 'pwede din naman na ang mga gulay at prutas na mahahanap nila ay paghahatian na nila at pwede na nilang iuwi sa mga bahay nila. Ewan, hindi ko talaga alam.


Yung totoo? SSG Officer ba talaga ako? Aba hindi ko alam kung anong tunay na rules dito at premyo eh, grabe na talaga 'tong utak ko. Hindi na ako natutuwa.


Inuna namin maghanap sa loob ng gymnasium total andito na din naman kami. Nilibot namin ito hanggang sa...


"Hoy! May ampalaya dito, guys!" sigaw sa'min ni Gerald, isa sa classmate namin.


"Ay ampalaya! Mga bitter kasi kayo, anak!" pang-aasar sa'min ng Adviser namin.


"Syempre, Ma'am! Aba mana kami sa inyo eh!" sabi ni Yssiah sabay kindat kay Ma'am.


Kapag itong si Yssiah nahambalos ni Ma'am ng wala sa oras tatawanan ko talaga 'to.


"Itong batang 'to!" sabi ni Ma'am kay Yssiah.


HAHAHA!, napapala mo Yssiah, my friend!


"May plastic ba kayong dala?" tanong ko muna kay Gerald.


"Meron naman, maghiwa hiwalay tayo para mas madami tayong makita at maipon." sabi niya sa'ming lahat.


Tumango lamang kami at nag-umpisa na din pumunta ang iba naming classmates sa ibang parte ng campus para maghanap. Samantalang kami ay pumunta sa bandang canteen para doon maghanap.


"Ang hirap pala nito, paano kapag wala tayong nakita at makuha kasi naunahan na tayo ng iba?" saad bigla ni Valerie habang papunta kami sa loob ng canteen.


"Tsk, hindi 'yan. May makikita tayo wait ka lang." sagot sa kaniya ni Anne


"Silipin natin sa ilalim ng mga tables baka mayroong nakatago doon." banggit ni Yssiah.


Agad naman akong pumunta sa mga upuan para tignan kung mayroon pang hindi nahahanap at nakikita doon. At kung sinuswerte nga naman, meron nga!


"Heto oh, may isang patataas na nakasiksik sa ilalim ng table," sabi ko sa kanila.


Agad ko naman itong kinuha at inilagay sa plastic na dala namin. Sunod naman naming pinuntahan ang washing room at ibang restrooms para tignan kung mayroon din doon.


Buti nalang at meron pa din kaming nakikita at nakukuha. Marami pa kaming ibang parte ng campus na napuntahan tulad na lamang ng laboratory, library, computer room, at ibang classrooms ng high school.


Lumipas ang ilang oras at narinig na namin ang bell at isa itong hudyat na tapos na ang oras na inilaan para sa Treasure Haunting. Natuwa naman kami ng makita naming halos mapuno ang plastic namin na ngayon ay hawak na ni Yssiah dahil masyado na din siyang mabigat para buhatin pa naming mga babae.


"Aba, nakarami din tayo ha!" masigla kong sabi sa kanila habang pabalik kami sa gymnasium.


"Sabi sa inyo eh, makakarami din tayo ng hanap." sabi ni Anne sabay sulyap kay Valerie na ngayon ay nakatingin sa plastic na halos mapuno ng iba't ibang gulay at prutas na nahanap namin sa buong campus.


"Sa dami ng nakuha natin, ang bigat mga pre!" reklamo ni Yssiah na mukhang nahihirapan nga sa pagbubuhat.


Deserve, charot!


"Kayang kaya mo na 'yan. Ayaw mo non? Lalaki mga muscles mo, mapapansin ka na nung crush mo!" asar sa kaniya ni Anne.


"Anong crush? Walang ganon, hoy!" pag tanggi ni Yssiah kay Anne.


"Wushu, walang ganon daw." sabat ni Anne saka inirapan si Yssiah.


Oh, ano ka ngayon Yssiah. Minsan nangangamoy asaran na may kasamang selosan itong dalawa eh, anong meron guys? What's the tea?


Pagdating naman namin sa gymnasium, nakita namin ang classmates namin na nakapila sa din kaya naman agad din namin silang dinaluhan doon. Marami din laman ang mga plastic na dala nila at nakakatuwang makita na nag-enjoy ang bawat isa sa Treasure Haunting na 'to.


"Aba, ang galing niyo mga, Anak. Ang dami niyong nahanap. Plus points kayo sa'kin pag nanalo tayo!" biglang sabi sa'min ni Ma'am.


Oh, no. Buti na lamang at ngayon sinabi ni Ma'am 'yan. Siguro kung kanina niya sinabi 'yan, for sure baka nagkagulo na ang level namin sa kakahanap ng gulay at prutas. Knowing na lahat kaming nasa room ay mga competitive at uhaw sa grades, HAHAHA!


"Totoo ba 'yan Ma'am? Baka mamaya pinag titripan niyo lang kami ha." paninigurado naman ni Anne.


Go, President! Ipaglaban mo ang plus points natin! Ako na bahala sa judge, charot!


"Syempre tunay 'to. Ako bahala sa inyo eh!" sabi din ka agad ni Ma'am.


Sana manalo kami...


Napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang 11 am na pala, Ibig sabihin may isa pang activity bago ang lunch time namin.


"Nag-enjoy ba ang lahat sa Treasure Hunting?" tanong ni Ma'am Anni sa'ming lahat. Siya na ulit ang may hawak ng mic. Nawala kasi siya kanina.


Bigla namang umingay ang gymnasium ng sumagot ang karamihan ng estudyante ng "Opo" kay Ma'am Anni.


"For our last activity this morning, magkakaroon naman tayo ng Poster & Slogan making. And yes, this will be on the spot. Sa classrooms naman natin ito gagawin and kung maaalala ninyo may mga art materials kayo sa kaniya kaniya niyong classrooms." paliwanag ni Ma'am Anni sa aming next activity.


"Yung art materials natin sa room kawawa. Lalo na yung cartolina." sabi ni Anne,


"Ginawang espada!"


Nagkatinginan kaming apat nila Anne, Rylle, at Valerie dahil sabay at parehas ang aming mga sinabi. Natawa nalang din kami dahil sa nangyari. Usong uso kasi sa room namin ang pagiging espada nung mga cartolina lalo na noong elementary kami.


"Grade 7, come on stand up." utos sa'min ni Ma'am dahil babalik kami sa classroom namin.


"Sa wakas, makakapag aircon na din sa room." sabi ni Yssiah na sumabay na sa amin sa paglalakad .


"Kaya nga, ang init talaga ngayon." sabi din ni Valerie.


Mabilis lang kaming nakarating sa room namin dahil malapit lang din naman ang room namin sa hagdan. Pagkapasok palang namin ng room ay bumungad sa'min ang malamig na hangin. Panigurado hindi nila pinatay kanina yung aircon.


Sabi nga "Hayaan nakabukas ang aircon para pagpasok ulit mamaya, malamig na ang room" at ayan, ang lamig nga ng room namin at baka mamaya magkasakit kami sa ginagawa namin.


"Okay. Mag start na kayo gumawa ng Slogan and Poster niyo. Tungkol sa Nutrition Day ha baka mamaya ibang topic ang mga gawin ninyo." paalala sa'min ni Ma'am.


"Ma'am pwedeng ano, flag of the Philippines?" tanong ng isa naming classmate.


"Hay nako, kayo ang bahala." stress na sabi ni Ma'am sa'min. Pero kahit na ganiyan si Ma'am nakikipag biruan pa din sa'min 'yan. Ganiyan lang ang tono ng voice niya, hahaha.


Naghanap na ako ng materials dito sa cabinet kung saan nakalagay yung ibang artwork materials namin. Required din ba akong gumawa? SSG naman ako, charot. Wala pa talaga akong naiisip na gagawin. Baka magtitigan lang kami ng materials na mahahanap ko, jusq.


"Ano kayang pwedeng gawin?" tanong ni Anne sa'kin.


"Hindi ko din alam gagawin ko eh, baka makipag titigan nalang ako sa materials." natatawang sagot ko sa kaniya.


"Sus, mamaya ang ganda pa nung gawa mo. Clown ka, remember?" natatawang utas sa'kin ni Anne.


"Parehas lang tayong clown no." tawa ko din sa kaniya.


Pagkatapos kong kumuha ng materials ay napag desisyunan kong umupo sa sahig dahil mas comfortable gumawa ng mga ganitong artworks kapag nasa lapag lang. Nasanay na siguro kasi nung elementary ganito din kami. 


Nakakamiss din maging elementary eh, kahit sobrang gulo ng section namin non.


Kumuha lang ako ng Oslo paper, coloring pencil, ruler, lapis, at ballpen. Nag-iisip pa din ako kung anong pwedeng gawin. Baka abutin ako ng siyam siyam dito kakaisip kung anong pwedeng gawin na poster or slogan. Parang mas madali gumawa ng Slogan e.


Tamang "Kumain ng gulay para humaba ang buhay". Malas mo nalang kung nasaksak ka bigla sa kanto.


Halos lahat ng classmate namin ay kumikilos na at ginagawa na ang kanilang poster at slogan. Hindi ko alam kung ilang minuto muna akong naka tunganga bago ko napag desisyunan kung anong ilalagay ko dito sa art materials ko.


Ano ba kasing pwedeng ilagay? Aha!


Naisipan kong gumawa ng poster na may nakalagay na "Healthy Living" at dinagdagan ko ng drawing ng iba't ibang klase ng prutas at gulay. Maging mga exercises na pwedeng gawin para maging healthy.


Akala mo naman talaga mahihilig mag exercise, hays!


Saktong sakto lang ang pag tunog ng bell, isang hudyat na tapos na ang poster and slogan making namin ng matapos na din ako sa ginagawa kong Poster.


"Patingin ako nung gawa mo, Ayel." sabi sa'kin ni Anne at agad ko din namang hinarap sa kaniya ang poster na ginawa ko.


"Naks! Healthy Living naman pala!" asar niya.


"Shh, this month lang 'to. Expired na next month, HAHAHA!" sagot ko sa kaniya.


"Kunwari healthy living this month," nagtawanan kami dahil sa pinag-uusapan namin.


Mga clown talaga eh,


"Okay guys, Let's pray na para maka kain na kayo ng Lunch ninyo. Dito na kayo sa classroom niyo kumain dahil panigurado puno ang canteen ngayon." pagpapaalala sa'min ni Ma'am.


Pagkatapos namin mag pray ay dumiretso na din kami sa canteen para bumili ng lunch. Tama nga si Ma'am, ang daming tao dito sa canteen. Mabuti na lamang ay hindi pa ganoon kahaba ang pila kaya mabilis lang din kaming nakabili ng pagkain.


Ako na ang sunod sa pila at nagulat ako kung sino ang nagtitinda sa'kin ngayon,


"Oh, Lola sungit anong gusto mong Lunch?" tanong sa'kin ni Erick at naka ngisi pa, tsk.


"Hmm, ang alam ko Vice President ka ng SSG pero bakit bigla ka atang naging tindero?" tanong ko sa kaniya at halata din sa aking boses na inaasar ko siya.


Akala mo ikaw lang ang marunong mang-asar ha.


"Ganito talaga kapag isang mabait at gwapo ang Vice President ng SSG, kaya anong order mo?"


Magsasalita na sana ako ng bigla nanaman siyang dumada,


"Inuy, oorder ka ba talaga o baka naman gusto mo lang ako maka-usap at sumilay sa'kin." sabi niya at naka ngisi pa.


Talaga lang, huh?


Agad ko siyang inirapan at sinabi ang order kong pagkain, "Isang order ng beef steak tsaka Mogu Mogu." agad naman niyang sinulat ang order ko at tumango tango. 


Mahirap na baka mag assume 'to na crush ko siya baka basagin ko bungo niya.


"Sige, wait lang prepare ko lang." seryoso niyang sabi sa'kin at hinanda na nga ang inorder kong pagkain. Ngayon ko lang din napansin na lahat ng kumikilos dito ay puro Grade 10 student.


Anong meron? Nilubos na ata nila ang experiences nila dito sa school bago sila grumaduate?


"Ito na yung order mo, Lola." pag-abot sa'kin ni Erick ng order ko. Agad ko din namang binigay sa kaniya ang bayad ko doon sa inorder ko.


"Ano 'to, keep the change?" sabi niya, 


"Utot mo keep the change, akin na ang sukli!" at agad siyang hinampas. Tinawanan niya lang ako at nakita ko namang kumukuha na siya ng panukli sa'kin.


"Salamat!" kinuha ko ang sukli ko mula sa kaniya at dinala ang lunch na inorder ko. Nagulat ako dahil sobrang dami ng tao dito sa canteen. Sinabihan ko sila Anne na sa labas ko nalang sila ng canteen hintayin dahil masyado ng matao ang canteen.


Umupo muna ako saglit sa bench at hinintay doon sila Anne. Marami din na table dito sa labas ng canteen kung saan pwedeng kumain ang ibang mga estudyante, kaya lang ngayon ito ay puno na. Ang iba naman ay sa classrooms na kumain.


"Huy!" gulat sa'kin ni Rylle, 


"Bakit ka ba nang gugulat?" tanong ko sa kaniya sabay hampas. 


Nagulat ako don ha, 


"Para ka kasing nawawalang bata eh, tara na akyat na tayo." kaya naman umakyat na kami sa taas at kumain sa loob ng classroom namin.


Halos lahat din pala kami ay dito din sa classroom kumain, pati na rin si Ma'am. Nakakagulat lang dahil medyo tahimik yung room namin. Kapag kasi lunch time namin, usually ito din ang oras ng riot dito sa room. I mean, oras ng riot ng buong high school department.


"Oh, himala tahimik niyo ngayon ah," siko ko kay Yssiah na katabi ko ngayon na kumakain.


"Syempre andito si Ma'am, mamaya pa ang riot." sagot niya sa'kin habang ngumunguya pa ng pagkain niya.


Pustahan, Grade 10 nanaman ang kasama nila sa riot mamaya. Ewan ko ba ang gulo gulo din talaga ng Seniors ngayon. Karamihan pa naman sa kanila mga SSG Officers, HAHAHA!


"Ginawa niyo nang daily habit ang riot, hindi ba kayo nagsasawa?" sabi ko kay Yssiah.


 Napapansin kong araw araw nalang may gulo dito sa High School Department at sila sila lang din naman ang nagrarambulan.


"Wag ka, buong school year 'tong riot namin." pagmamayabang niya sa'kin.


Talaga lang ha... 


"Alam ko kung kailan kayo titigil sa kaka riot niyo" napatingin ako kay Yssiah at tinuloy ang aking sasabihin,


"Kapag pinatawag na ang High School Department sa Principal's Office dahil sa kaka riot niyo." saka ko pinisil ang kaniyang pisngi at diniinan ang pag pisil dito hanggang sa mamula.


Deserve, Yssiah!


1 Hour ang lunch break namin at tumambay lang kaming magkakaibigan sa loob ng room habang nagpapahinga. Yung iba naming classmates ay naglalaro, natutulog, nagchichismisan at iba pa. Habang kami naman ay nakabilog at nakaupo sa sahig ng room namin. 


Naglalaro ng truth and dare.


Si Yssiah ang nagpa ikot ng bote at tumama ito kay... 


"Yssiah!"


"Truth or Dare?" tanong ni Anne sa kaniya. 


"Truth" confident na sabi Yssiah, matapang 'to ah. Nag-isip kami ng pwedeng itanong dito kay Yssiah, yung mahirap sana at ng matauhan naman.


"Sinong crush mo nung Graduation natin nung Grade 6?" biglang tanong ni Rylle sa kaniya habang naka ngiti ng malawak. 


Nako, halatang may alam si Rylle kung sino, hmm.


"Seryoso?" halatang nagulat si Yssiah sa tanong ni Rylle, 


"Sagutin mo na, bilis!" sabi ni Anne kay Yssiah dahil kanina pa kami actually naghihintay ng sagot. Mukha ba kaming nakikipag lokohan dito Yssiah?


"Si Aira hehe!" nahihiyang sabi niya sa'min. Aira? Yung kambal kambal ni Mareng Clara.


"Weh? naging crush mo pala 'yon? Eh diba ka love team ni Kevin 'yon? Parang sila pa nga ata non eh," sabat naman ni Anne sa usapan.


Mauuwi na 'tong truth or dare namin sa chismisan mamaya, sinasabi ko sainyo! 


"Akala ko naman si Anne ang crush mo noon!" bulong kong sabi kay Yssiah, napakamot tuloy sa buhok niya. 


"Akala mo hindi ko maaalala na love team din kayo nung Grade 6 hmm..." pang-aasar ko pa sa kaniya. 


"Tigilan mo'ko, Ayel. Ikaw nga eh, ex mo yung unggoy." asar niya sa'kin pabalik.


Ano ba 'yan, mang-aasar na nga lang yung unggoy pa na si John babanggitin. 


"Pero hindi mo na ba crush si Anne?" seryoso kong tanong sa kaniya ngayon. 


"Hindi ko alam, basta nung patapos na school year nung Grade 6, ang crush ko nun si Aira." pagpapaliwanag niya sa'kin.


Sayang naman, ship ko pa naman sila ni Anne. Pero sa nakikita ko ngayon, super close sila... close friends. Mabuti na 'yon bata pa naman kaming lahat no.


"Kaya naman pala nung mismong Graduation day natin, ngiting tagumpay ka, Yssiah." pang-aasar ni Rylle, kaibigan nga pala ni Rylle 'yon.


"Hoy! hindi kaya, ikaw ha andaming mong alam basta nasasagi sa usapan si Aira!" pag depensa ni Yssiah.


Bakit naman kaya? Anong ganap non? Magandang debate 'to ah, este usapan.


"Anong hindi, diba ka partner mo si Aira doon sa Graduation dance natin? Hindi ka nga maka tingin ng tuwid sa kaniya mula practice hanggang nung mismong Graduation day e." kwento ni Rylle sa'min. 


Kaya naman pala "memorable ang Graduation Day" para kay Yssiah.


"Issue ka, Rylle! kay Pareng Kevin kasi 'yon nung Grade 6, pero hindi ko alam kung bakit ko naging partner 'yon sa sayaw." sigaw ni Yssiah kay Rylle. 


"Halata namang alam mo 'yon. Bukam bibig mo nung Grade 6, crush mo lang talaga si Aira tsaka may Kevin na siya ganito ganiyan." sabi ulit ni Rylle. 


Nanahimik na si Yssiah pero itong si Rylle may pa habol, HAHAHA! Sakit na ng tiyan ko sa dalawang 'to. Kanina pa sila nagbabangayan tungkol sa topic na 'yan.


"What if, walang Kevin nung mga panahong 'yon si Aira, kikilos ka ba if ever?" tanong ni Rylle, napatingin kaming lahat kay Yssiah. Blanko na mukha nitong si Yssiah sa tanong ni Rylle at naghihintay kaming lahat ng sagot.


"Depende, pero masyado pang bata noon. Atleast kahit alam ni Aira na crush ko siya, friends pa din kami at ni Kevin, diba?" sagot niya sa tanong ni Rylle.


Congrats, Yssiah! Sa wakas, may naisagot kang matino sa tanong ni Rylle. Minsan kasi napaka barumbado sumagot nito. Nambabara nalang minsan o di kaya iniiba yung topic. Nagbago na si Yssiah, charot!


-----

🌻

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...