Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

By donnionsxx04

87K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Chapter 88:

281 13 7
By donnionsxx04

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Kanina pa kami kakahintay sayo sa food court. Kung hindi pa kami nagtanong kanina, baka hanggang ngayon naghihintay pa kami sayo." Wika ni Bossbrad.

"Hanggang ngayon di pa kami kumakain." Naka-pout na sabi ni Jero.

"Ako rin." Sabi rin ng dalawa sabay hawak sa tiyan nilang wala pang laman.

"Wag na kayo magtampo, ililibre ko kayo." Nakangiting turan ni Ros at bumangon na sa pagkakahiga.

Tuwang-tuwa naman ang tatlo halos nag-appear-an pa ito. Samantala si Anthony napailing-iling na lamang dito.

"Okay kana, Ros? Baka may masakit sayo?" Alalang tanong kaagad ni bossbrad dito nang mapansing balak ni Ros na umalis sa pagkakahiga sa kama.

"Baka hindi ka pa okay?" Tanong ko sa kanya at hinawakan ang braso niya para alalayan.

Nakangiting matamis na bumaling ito sa akin. Sa ngayon, nakaupo na siya sa gilid ng kama na kinahihigaan niya kanina.

"Relax. Makita lang kita, okay na okay na ako." Pagkasabi niya'y kumindat siya sa akin sabay labas ng killer smile niya.

Kinilig naman ako sa ginawa niya. Mabilis ko naman nilagay ang palad ko sa mukha niya.

"Ungas!" Sabi ko na lamang sa kanya at hindi mawala sa labi ko ang kilig.

Tumawa lamang si Ros.

"Oh sya! Balik na rin ako sa Uphone baka hinahanap na ako ni Sir Johnser." Paalam ko sa kanila.

"Hayst! Naalala ko na naman ang bokbok na 'yon." Turan ni Ros sabay kamot sa ulo.

"Sige na, aalis na ako. Anthony, pakitingnan nalang si Ros baka mahimatay na naman siya at baka hindi na sa elevator 'to mawalan ng malay." Baling ko dito.

"Sure!" Nakangiting sagot naman sa akin nito.

"Kami na bahala kay Ros, Beth. Pag may umaaligid na babae dito, text ka namin kaagad. Lapitin kasi si Ros dito ng magagandang babae." Sulpot naman ni Jake.

Mabilis naman ito nakatanggap ng batok kila John at Jero.

"Baliw ka." Mahinang sabi ni Jero dito sa kaibigan.

"Baka nakakalimutan mo, ikaw bumubugaw kay Ros." Bulong naman ni John dito. Biglang umiba naman ang ekspresyon sa mukha nito ng bumaling ito."Sige, Beth. Mag-iingat ka." Nakaiting pilit sabi nito sa akin.

Nag-wave hand na nga ako sa kanila. Pagkabukas ko ng pinto, sakto naman na papasok din sa loob si Mr. Kailes.

"Aalis kana?" Tanong nito sa akin.

"Opo. Hindi kasi ako nakapagpaalam sa boss ko baka pagalitan ako." Magalang na sagot ko.

"Mag-iingat ka."

Tumango ako."Salamat po, Mr. Kailes. Aalis na po ako."

Nakangiting tumango din ito bilang sagot.

Lumabas na nga ako ng clinic at naglakad na para umalis.

MR. KAILES POV:)

"Okay kana?" Tanong ko dito pagkaalis ni Elizabeth.

Tumango ito."Okay na okay na."

Bumaling ako sa mga kaibigan niya."May inorder akong pagkain. Mauna na kayo sa office. Susunod na lang kami ni Ros, may pag-uusapan lang kami."

"Sige po." Sabay sagot ng mga ito at lumabas na nga ito sa loob.

Lumabas na din ang assistant ko at kami na lamang natira sa loob ni Ros.

"May bumalik ba sa alaala mo?" Tanong ko dito nang lumapit ako sa kinaroroonan nito.

"Meron," nakatingin ng seryoso sa ibaba na sagot nito."Alam ko na ano pangalan ng isa sa mga kumidnap sa akin."

Seryosong napatingin naman ako dito. Nanatili pa rin itong nakatingin sa ibang direksyon at seryoso pa rin.

"Tomas...Tomas ang pangalan niya," sagot din nito."Hindi lang siya, may isa pa siyang kasama. Pero sa palagay ko, mabait iyon kaysa sa Tomas na iyon." Dagdag niya halos napahawak siya sa ibabang baba niya.

"Alam mo na ba sino ang nagpapatay sayo dati?" Tanong ko dito.

"Hindi ko pa sigurado, may kulang pa sa alaala ko. Pag bumalik na ang alaala ko, malalaman ko kung sino ang kalaban at sino ang pagkakatiwalaan ko." seryosong pahayag ni Ros.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Pagkarating ko kaagad sa Uphone, tarantang pumunta kaagad ako sa locker. Nilagay ko na ang gamit ko doon pati cellphone ko. Pagtalikod ko, nagulat na lamang ako na nasa harapan ko si Sir Johnser halos napasindig ako sa gulat sa locker.

"S-sir!" Sambit ko. Tumingin ako sa paligid, wala na yung ibang tao dito at mukhang lumabas kasi nandito si Sir."A-ano po ginagawa n'yo dito---"

Di ko napatuloy ang sasabihin ko nang maalala ang dahilan bakit nandito si Sir. Maaring dahil hindi ako nakapagpaalam sa kanya kanina bakit basta-basta na lamang ako umalis.

Napapikit na lamang ako sa maling ginawa ko.

Nahihiyang yumuko ako."S-sorry, Sir, kakabalik ko lang po. Pasensya na po kung hindi ako nakapagpaalam. Hinimatay kasi ang kapatid ko kaya---"

Nagulat na lamang ako nang yakapin niya ako.

"Bakit tinatanggi mo pa rin," makahulugang wika ni Sir.

"P-po?" Takang saad ko.

Humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin at seryosong tumingin sa mga mata ko.

"Alam ko na..." Makahulugan paring saad nito.

"Na ano po, Sir?" Clueless na tanong ko.

"Wala. Never mind." Sabi na lamang ni Sir."Kumain kana ba? Tara! Sabayan mo ko kumain, di pa ko nagtatanghalian." Nakangiting matamis yaya ni Sir.

Kanina ang seryoso ng mukha niya, ngayon umiba. Okay lang kaya siya? May pinagdadaanan na naman kaya si Sir?

Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon.

DYLAN LORENZO POV:)

Hindi anak ni Mr. Leandro si Beth. Ibig sabihin, may ibang karelasyon ang mama niya noon?

Napatigil na lamang pagmumuni ko nang marinig ang paghugot ng malalim na hininga ni Kuya Ramon. Nakita ko naman sa mukha nito ang puno ng pagtataka sa mukha nito.

Nandito kami ngayon sa office, pareho nakaupo sa desk namin.

"Okay ka lang, Kuya Ramon?" Tanong ko dito."Oo nga pala, asan ka kaninang umaga bakit ngayon ka lang?" Naalalang tanong ko sa kanya.

"Galing akong hospital." Nakabusangot na sagot nito. Uminom ito ng kape at humugot na naman siya ng hininga pagkatapos.

"Hospital? Ano ginagawa mo doon?" Napataas-kilay na tanong ko pa rin dito.

"Pinakuha sa akin ni Sir Johnser yung test result."

"Test result?" Napakunot-noo na saad ko.

"DNA Test Result," sagot nito sabay tingin sa akin.

Nagulat naman ako sa nalaman.

"Ewan ko nga sino pina-test ni Sir. Siguro hindi siya sigurado kung anak siya Sir Cedric." Sabi nito.

Mas lalong dumagdag naman ang iniisip ko dahil sa narinig mula dito.

JOHNSER SY POV:)

"Sir, ang dami naman nitong inorder n'yo." Manghang bulalas ni Beth nang makita ang madaming pagkain."Sigurado ka Sir na kakainin natin lahat ito?" Di makapaniwalang turan niya.

Nandito kami sa office ko ni Elizabeth para mag-tanghalian. Pareho pala kami na hindi pa kumakain.

"Oo." Nakangiting sagot ko."Kaya ubusin mo yan."

Nakangiting masaya na sinimulan na kumuha ng pagkain si Beth at kumain. Parang bata naman ito at parang first time lang makakain ng mga ito.

"Salamat, Sir!" Masayang pasalamat nito.

Ngumiti lamang ako dito.

Naging seryoso na lamang ang mukha ko nang may maalala habang nakatingin dito.

***Flashbacks***

"Hindi na ako natutuwa."

Sinundan ko si Elizabeth at Lemuel.

"Ah?" Hindi maintindihan na ni Beth. Nandito ako sa isang puno, nagtatago. Malapit lamang ako sa kinaroroonan nila.

"Sa ginagawa n'yo! Sa pagpapanggap ninyo ni Ros!" galit na saad ni Lemuel.

Pagpapanggap?

"Lem, wala naman kaming ginagawang masama..."

"Wala nga pero nakakairita ang pinaggagawa n'yong dalawa!"

"Hindi maintindiha---"

"Hindi mo siya kapatid! Ni hindi mo nga siya kadugo pero bakit sobra kang nagtitiwala sa lalaking iyon?!" Punong emosyon na pahayag ni Lemuel na dahilan natigilan ako."Ampon mo lang siya! Ampon mong walang maalala. Dapat hanggang doon lang! Dapat hindi ka nagtitiwala sa kanya. Paano kung mamamatay tao siya? Paano kung noon rapist pala siya? Wala tayong alam, wala tayong ni ka-ide-deya ng totoong pagkatao niya!"

Para akong nabunutan ng tinik dahil sa mga nalaman ko. Noon, pinaghihinalaan ko ang pagkatao ni Ros, ngayon mas buo na iyon. Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib at hinala na ngayon ko lang ulit naramdaman.

****

Habang nagliligpit na kami ng damit dahil aalis na kami, tumingin muna ako sa paligid. Nakita ko naman busy ang mga kasama namin sa pag-aayos ng gamit. Lakas loob na nilapitan ko si Ros na nakatalikod para luhanan ng buhok.

"Aray!" Sabay tingin sa akin.

Mabilis ko naman tinago sa bulsa ko ang buhok na kinuhanan ko sa kanya.

"Sorry, nasiko ata kita." Pagsisinungaling ko.

Hinirapan lamang ako nito.

Pa-sekreto na nilagay ko ang buhok niya sa panyo.

****

"Sir, andito na po ang pinapakuha nyo." Sabi ni Ramon pagkapasok sa office ko.

"Salamat."

Nag-bow muna ito bago umalis. Pagkalabas nito, mabilis na pinunit ko ang pinaglalagyan ng resulta. Pagkabukas, nanghina na lamang ako nang makita ang resulta ng DNA. Hinang-hina na npaupo ako sa swivel at lakas ng kalabog ng puso mo. Sari-saring emosyon ang nararamdaman ko ng oras iyon.

Napatunayan ko na tama itong pakiramdam ko sa kanya pagkakita ko palang sa kanya noo.

Positive na si Ros at Clive ay iisa...

**End of flashbacks***

LEANDRO YU POV:)

**Flashbacks**

Dahil naka-break ang assistant ko, ako nalang ang magbibigay ng importanteng files kay Mr. Andrew nang napahinto ako sa pagpasok sa office nito nang marinig ang nakakahinalang pinag-uusap ng assistant nito.

"Ang ina ni Elizabeth na si Cassandra Villatorte at si Cassandra Villafalcon ay...iisa."

Napakunot naman ang noo ko sa narinig. Si Cassandra?

Pa-sekreto namang pinakinggan ko ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Base sa nakuha kong impormasyon, pinabago niya ang kanyang apelyido sa kanyang birth certificate bago siya umalis at piniling manirahan sa lugar kung saan taga doon ang nag-iisang kamag-anak niyang patay na at siya ang nagmana ng naiwang ari-arian nito,"

"Kung naisip na po ninyo, oo, tama kayo. Anak nila Cassandra at Leandro ang janitress na kinahuhumalingan ngayon ni Johnser," dagdag nito."Bago umalis si Cassandra, nagdadalang-tao na siya,"

Napa-atras naman ako sa nalaman. Nanlalaking mata na nanghina ako sa mga narinig halos dahan-dahan pa akong umatras sa pinto at napahawak na lamang sa pader. Napahawak ako sa dindib ko dahil sa hindi maintindihang nararamdaman ko.

Naalala ko na lamang ang huling pagkikita at pag-uusap namin ni Cassandra noon.

"Lalayuan na kita, lalayo na ako sainyo." Tumutulo ang mga luha sa mata na sabi nito sa akin.

Tangkang lalapitan ko na sana siya na mabilis umatras ito palayo sa akin. Nasaktan naman ako sa ginawa nito.

"Cassandra---"

"Leandro, wag mo na pahirapan ang sarili mo. Nahihirapan na rin ako, nahihirapan na din ako at natatakot ako baka ma-apektuhan ang batang nasa," Di nito pinatuloy ang sasabihin."...baka ma-apektuhan na ang buhay ko." dugtong nito.

"Cassandra, kaya kitang ipaglaban..." Hindi ko napatuloy ulit ang sasabihin ko na umiling-iling ito.

"Iisipin kong panaginip lamang ang nangyaring ito...panaginip lamang kita." Tila nahihirapang sabihin pero sinabi pa rin nito.

Tumalikod na ito at tumakbo palayo sa akin.

Naiwan akong durog na durog at nakatingin sa kanya na papalayo sa akin.

Nang maalala iyon, naalala ko na lamang ang personal na janitress ni Johnser.

"Sabi ng mama ko pag malungkot o nai-stress kayo, kumain lang daw kayo ng chocolate." Nakangiting sabi nito sa akin.

Nanghihinang napaluhod na lamang ako sa nalamang rebelasyon. Di ko maiwasang matulala at maisip si Cassandra at ang anak namin. Sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko nakilala kaagad ang anak namin. Nasa malapit pala siya sa akin, hindi ko man lang siya napansin.

"Sir, sigurado kayo na anak n'yo ang janitress---" di napatuloy ang sasabihin ng assistant ko nang tiningnan ko ito ng nakakatakot na tingin."S-sorry, Sir."

Bumaling ulit ako sa resume ni Elizabeth na nasa harapan ko."May ipapagawa ako," sabi ko na lamang.

Lumapit naman bahagya ito."A-ano po iyon?"

"Lahat na tangkang kukuha ng test result namin ng anak ko, i-peke mo." Seryosong pahayag ko.

**End of flashbacks**

"Sir?"

nandito ako sa office ko, nakatingin sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang kagandahan ng maynila. Lumagok muna ako ng alak bago tumingin dito

"Andyan na ba ang result?" Tanong ko dito.

Pagkalapit nito sa akin, binigay nito sa akin ang hawak niya."Andito na po." sabay bow.

Kinuha ko nga iyon dito."Yung test result nila Mr. Andrew at yung isang lalaki?" Tanong ko pa dito.

"Na-peke ko na po." Nakayuko pa ring sagot nito.

"Iwan mo muna ako."

Umalis nga ito at lumabas ng office ko. Nang ako nalang mag-isa sa loob, saka ko binuksan ang DNA test.

Nanlaki mata na lamang ako sa nakitang resulta. Tumulo na lamang ang mata ko habang nakatingin dito at nagsimulang manginig ang kamay ko habang hawak ang test result.

"Positive nga, anak ko siya..." Sa loob-loob kong sabi.

To be continued...

Revelation is coming!😍💕
Mag-ingay naman kayo dyan MBDEM readers!👋😍

Continue Reading

You'll Also Like

823K 16.9K 77
COMPLETED I'm Living with the arrogant and cold blooded king. --- Most impressive ranking; Rank 1 in maid category Rank 1 in exo category Rank 1 in...
262K 14.5K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
351K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...