Drifting with the Waves (Elyu...

By hanmariam

872K 36.2K 18.3K

ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a q... More

Drifting with the Waves
Prologue
Part I: The Rise
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Part II: The Fall
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Part III: The Shore
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Bonus Chapter
Character Profile

Chapter 42

13.6K 629 224
By hanmariam

Nagising ako sa bayolenteng tunog ng cellphone ko. Iignorahin ko sana ito kaso tumunog ulit kaya napilitan akong bumangon para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin ng alas sais ng umaga.

Tita Belinda...

I sighed and picked up the call. Hindi pa man ako nakakapagsalita, rinig ko na ang malakas niyang iyak sa kabilang linya.

"Raya! Sereia!" paulit-ulit niyang tawag sa akin kaya kinabahan ako.

"Tita, bakit po?"

"Hindi ko na alam ang gagawin ko!" she said between her sobs. "—lintek mong pinsan, wala nang ibang ginawa kundi ipahamak ako!"

"Ano pong nangyari, Tita?" kalmado kong tanong sa kaniya dahil nakakahawa ang pagpapanic niya. Puro iyak ulit ang narinig ko kaya inulit ko ang tanong. "Tita... ano pong nangyari?"

"Si Don, inaresto kagabi kasama ang mga walang kwenta niyang barkada! Nakuhanan sila ng marijuana, pero ang sabi sa akin itinanim daw ng mga pulis ang ebidensiya. Wala kaming pang-pyansa sa kaniya, Raya, hindi ko na alam ang gagawin ko!"

Napuno ulit ng iyak ang kabilang linya. I shut my eyes, trying to think of a solution to this. Noong buhay pa si Papa, madalas niya kaming dinadala sa bahay nina Tita Belinda para makikain tuwing may birthday ang isa sa mga anak niya, lalo na kung wala kaming makain. She'd always tell us to bring some food to eat at home, and she made sure that none of my siblings were bullied by her much-older, much-bigger sons.

Isa pa, hindi siya nag-alinlangang tulungan kami nung magkasakit si Papa. Alam kong ang layo ng biyahe niya galing sa kanila patungo sa bahay namin, pero wala akong narinig na reklamo sa kaniya kahit minsan. Up until my father's last breath, she was there.

"Ako na po ang magp-pyansa. Saang presinto po ba?" sabi ko sa wakas.

Sinabi sa akin ni Tita Belinda kung saang presinto naroon si Don. Pagod kong ibinaba ang tawag at binalingan si Ivo na kakagising lang. Kinusot-kusot niya ang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Anong meron?" he asked groggily.

"Magbihis ka, pupunta tayo ng presinto." Sabi ko nalang sa kaniya at tuluyan nang tumayo para makaligo.

Ivo jumped off the bed, his eyes wide with shock. "Presinto?! Bakit tayo pupunta ng presinto?!" tanong niya habang nakahawak sa braso ko.

I chewed my bottom lip, embarrassed of what I am about to say.

"Na-aresto kasi ang pinsan ko..."

Dahan-dahang binitawan ni Ivo ang kamay ko at tumango. Hindi na siya nagtanong pa ng kung anu-ano at kaagad nang naligo at nagbihis. Each time he had a day off, he'd spent it with me in my apartment. Madalas wala ako sa mood na gumala kaya nasa loob lang kami, nagmo-movie marathon at nagluluto. Date na iyon para sa amin.

"Raya!" sinalubong kaagad ako ni Tita Belinda nang makalabas ako sa kotse. Hindi pa kami kumakain ni Ivo ng agahan dahil gusto kong makarating kaagad sa Elyu. Ivo said that he'd park the car properly and would join us later.

Nag-mano ako sa kaniya bago kami pumasok doon. Kinausap ko muna ang pulis doon at nagulat sa laki ng pyansa ni Don.

"15 grams marijuana," the police officer said in a monotone, reading the report. "Arrested around 11 pm yesterday after an anonymous source tipped us of a marijuana session in the house next to them. Matagal na pala nila 'tong ginagawa..."

Bumuntong-hininga ako at pumayag na bayaran ang pyansa ni Don para lang makalabas siya. Tumango lang ang pulis sa akin at pin-rocess ang mga papeles. Ivo joined me after a while, staying silent by my side. Pagkatapos ng mahigit isang oras, pinalabas na nila si Don.

Sampal kaagad ang sumalubong sa kaniya galing kay Tita Belinda pagkalabas niya. Ivo and I flinched. She started wailing again.

"Tarantado ka talagang bata ka! Pumayag na nga ako na hindi mo tapusin ang pag-aaral mo dahil sabi mo maghahanap ka ng trabaho tapos hihithit ka lang ng marijuana?! Hindi ka ba nahihiya sa pinsan mo na siya pang nagbayad sa pyansa mo, huh?!"

"Uh... okay lang po, Tita..." kinakabahan kong wika dahil ang sama na ng tingin ni Don sa akin.

"Gusto mo bang mamatay ako dahil sa atake sa puso, huh, Don?! Iyon ba ang gusto mo?!"

As much as I want to sympathize, this whole scene is causing me so much stress. Hindi ako lumaki sa bahay na sumisigaw-sigaw ang mga magulang. Siguro kapag nagagalit lang noon si Mama sa amin, pero hindi naman iyon araw-araw. Si Papa, ni minsan, hindi rin kami nasigawan. Tita Belinda is draining me with her wails and miseries and the way she makes sure that her problem is everyone else's.

"Mag-sorry ka! Mag-sorry ka!" tinulak-tulak pa ni Tita Belinda si Don patungo sa akin. Nakayuko lang ito at walang kahit anong bakas sa mukha na pinagsisisihan niya ang nangyari.

"Sorry..." labas sa ilong niyang wika.

"Ayos lang, Don. Tita, ayos na po. Huwag niyo nang pagalitan si Don..."

Nang makalabas kami sa police station, medyo kalmado na si Tita Belinda. Inihatid namin silang dalawa ni Ivo dahil hindi raw niya kayang mag-commute ngayon at nahihiya siya sa mga kakilala niya. Naiintindihan ko naman kaya nakisuyo na din ako kay Ivo at inihatid sila sa kanila. Pagkatapos, nagpaalam na kami at nag-drive pabalik ng Pangasinan.

I heaved a huge, drained sigh.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Ivo. Wala siyang sinasabi kanina habang nasa tabi ko siya at sa totoo lang, nahihiya ako na kailangan niya pang makita ang ganung side ng pamilya ko.

"Ayos lang..." mahina kong wika.

"Kain tayo?" he offered gently.

Tumango lang ako. I'm glad he didn't ask me where to eat. Wala na ata akong energy para isipin pa kung saan kami kakain. Huminto si Ivo sa tabi ng daan kung saan may nagtitinda ng bibingka at buko. Meron ding cassava cake, empanada, at turon. Naupo ako sa kahoy na upuan habang bumibili si Ivo sa tindera.

Nagulat ako sa dami ng binili ni Ivo. Nawalan ata ako ng gana kumain pagkatapos ng nangyari pero ngumiti lang ako sa kaniya at kumuha ng bibingka.

"Ilang taon na si Don?" tanong ni Ivo sa wakas.

"29?" nag-aalangan kong sagot. "Matanda siya ng dalawang taon sa akin, eh."

Tumango-tango si Ivo. "Kung gusto niyo, pwede siyang magtrabaho sa kompanya bilang janitor o maintenance..." he offered kindly. Gulat akong napatingin sa kaniya. "Palagi nalang siya ang bukambibig ng Tita Belinda mo noon tuwing nakakasabay ko siyang maglinis sa bahay. Gusto nalang daw niyang mag-asawa si Don para umalis na sa puder niya..." he let out a nervous laugh.

I sighed. "Huwag na, Ivo. Huwag mong problemahin ang problema ng iba. Hindi naman matututo si Don kung alam niyang palaging may sasalo sa kaniya, eh. Pinagbigyan ko lang si Tita Belinda dahil iyak siya nang iyak. I know heart problems run in the family so..." I looked down at my food.

"Natatakot kang magkaroon din ng sakit sa puso ang Tita Belinda mo?"

Tumango ako nang marahan. Ivo nodded, thinking.

Tahimik lang kaming kumain. Pinabalot nalang din namin ang hindi naubos na bibingka saka umalis. Ivo has to go back to Manila this afternoon. I was looking forward to spending the morning with him but it was stolen by an unexpected circumstance. Nakasimangot tuloy akong nagpaalam sa kaniya. Ivo laughed upon seeing my reaction.

"Babalik pa naman ako sa susunod na day-off..."

Hindi ko siya sinagot at napanguso nalang. Ivo ruffled my hair and kissed me in the cheeks. Pagkatapos, lumabas na ako at pumasok sa apartment. Napahiga ako sa sobrang pagod at ipinikit ang mga mata nang makarinig ulit ng tunog ng cellphone.

I grunted, fishing the phone out of my bag. Huminto ang tunog at umulit na naman kaya mas lalo akong nainis. Kumalma lang ako nang makita kung sino ang tumatawag.

"Attorney, hello?" sagot ko kaagad.

"Ms. Montanez," he briefly greeted. "I finally found you a potential buyer."

Napabangon kaagad ako sa kama, nanlalaki ang mga mata. "Talaga, attorney?!"

"Yes. I figured you're busy so I sent a real estate agent to show the house to the buyer. Sasama din daw ang Tita mo kaya hindi mo na kailangang pumunta roon."

Napahinga ako nang maluwag. I was afraid I'd spent the afternoon driving to La Union again when I've just arrived.

"Salamat po, Attorney..."

"I'll update you tonight."

I ended the call and started cleaning my apartment. Gusto ko lang sanang magpahinga kaso nang makita ko ang laptop sa lamesa, naupo ako at hindi namalayang nagtatrabaho na pala. I grunted and paced around, eager for the lawyer's call.

Tumawag din si Ivo sa akin para ipaalam na nakarating na siya sa Manila. I excitedly told him that we have a potential buyer and he seems genuinely happy about it. Simula nung sinabi ko sa kaniya na hindi niya pwedeng bilhin ang bahay, hindi na rin siya nagtangka pa.

Tinawagan ko din si Mama para ipaalam sa kaniya na may tumitingin na sa bahay. Dahil annulled na silang dalawa, sa akin mapupunta ang pera pero pinag-usapan na naming hahatiin namin 'tong magkakapatid. Ayoko namang solohin ang perang hindi sa akin.

When my phone started ringing, I jumped in my seat. Mabilis kong sinagot ang tawag nang makitang si attorney yun.

"Sereia, we were able to close the deal at 3.2 million. Is this okay with you?"

My eyes welled. Of course, it is! Sobra pa sa inaasahan ko. But there's a part of me that shattered knowing that I'm finally letting go of the house.

"This is just a rough estimate but given the taxes, the commission fee for the agent and my firm, you'll have approximately 3 million to split with Ms. Belinda."

Natigilan ako sa narinig. "Huh? Si Tita Belinda?"

"Yes, you're going to split the money with her."

"Bakit?" kumunot ang noo ko.

"I'm sorry, am I missing something here?" the attorney really sounded concerned. "Months before your father died, he signed a memorandum, transferring the house title from you to your Tita Belinda. Ang sabi niya ay alam mo na ang tungkol dito. You're not supposed to get a dime, but she agreed to split the money with you."

Natulala ako sa narinig. "Uh... n-nakalimutan ko po ata na sinabi yun sa akin ni Tita..." I said, trying to convince him and myself.

"So, this is good? 3.2 million?"

I chewed my bottom lip, trying to calm myself. "Actually, I need to think about it first. Can I call you again?"

"Sure."

Pinatay ko ang tawag at kaagad na tinawagan si Tita Belinda. Ni hindi man lang siya nagualt sa sinabi ko.

"Huh? Hindi ko ba nasabi sa iyo?" tumawa pa siya. "Iyong Papa mo kasi, gusto niya akong pasalamatan sa pag-aalaga sa kaniya kaya ibinigay niya ang bahay. Nag-aalangan pa nga ako, eh, kasi buhay pa naman ang mga anak niya tapos gagawin niya yun. Sinabi ko nalang kay attorney na kahit ako na ang may-ari ng bahay, hahatiin nalang natin yun kapag nabenta na."

Napapikit ako. I felt betrayed right now.

"Wala pong nabanggit si Papa tungkol sa memorandum, Tita." Mahina kong wika.

"Sinasabi mo bang nagsisinungaling ako?!" she started sounding hysterical again. "Tandaan mo, Raya, nung mga panahong nasa Amerika kayo, walang ibang nag-alaga sa Papa mo kundi ako. AKO. Ni hindi ko na mabantayan ang sarili kong mga anak dahil halos araw-araw akong nagpupunta sa kaniya!"

She started crying again and I just want to hit my head against the wall.

"Alam mo bang miss na miss kayo ng Papa mo?! Kayo palagi ang hinahanap sa tuwing nagpupunta ako doon! Tapos isang beses sa isang taon lang kayong bumisita?!"

"Tita, alam ko po..."

"Ayoko nang pag-usapan ang tungkol sa titulo ng bahay! Kung gusto mong kunin, kunin mo! Balewalain mo ang huling hiling ng Tatay mo at sayo na ang bahay!"

"Tita, hindi naman po sa ganun... nagulat lang po ako."

"Ay, basta! Kung gusto mong kunin, puntahan mo ako rito sa La Union. Ibibigay ko 'to ng walang pag-alinlangan, pero hindi ko alam kung bakit gusto mo pang maghabol sa bahay eh ang yaman-yaman mo na! Barya lang 'to sa iyo, eh..."

I sighed and asked to end the call because it's stressing the both of us. Ibinaba ko ang cellphone at tumitig sa screen. Tita Belinda must've thought the call has ended because I heard her mumble.

"Nakapag-Amerika lang, ang yabang-yabang na..."

In-end ko ang tawag at pagod na humiga sa kama. Tears trickled down my face as I stared at the ceiling. Ganun ba kalaki ang tampo ni Papa sa amin na hindi man lang niya sinabi ang tungkol sa memorandum? Wala namang problema sa akin kung ibinigay na pala niya kay Tita Belinda ang bahay. Hindi na sana ako gagastos ng malaki para sa renovation at hayaan nalang siyang asikasuhin tutal siya naman ang bagong may-ari.

I curled in my bed, thinking about my father. Of course, he's mad at us. He was sick and we left him. Naiintindihan ko kung bakit niya ginawa yun. Hindi ako naging mabuting anak sa kaniya at iniwan ko siya sa oras na kailangang-kailangan niya ako.

Umiiyak kong tinawagan si Mama. Pati siya ay nagulat rin sa narinig. She looked at me in sorrow.

"Ibigay mo nalang sa kaniya, anak. Mas lalo lang kayong magkakagulo kung pipilitin mo pang kuhanin ang bahay gayong pinirmahan naman pala ng Tatay mo ang memorandum. Umuwi ka nalang dito sa Amerika..." malungkot niyang wika.

I cried harder. Alam ko namang may karapatang magalit si Papa sa amin para gawin niya yun, pero ang sakit-sakit pa rin, eh! I treasured that house as much as I treasure my family. Dun ko sila inalagaan, dun ko pinalaki ang mga kapatid ko. I'm not sure what to make of everything that's happening right now.

Nakatulog akong umiiyak. Pagkagising ko kinabukasan, nag-text ako kay Tita Belinda at humingi ng sorry sa inasal ko. She must be disappointed in me. Akala niya siguro nagbago na ako ngayong nakapag-Amerika ako at malaki na ang sinasahod ko.

Pumasok pa rin ako sa trabaho at pinilit na tapusin ang mga articles na kailangan kong i-proofread. Yung iba, ako na mismo ang nag-revise dahil wala akong ganang makipaghalubilo sa mga tao ngayon.

Hindi nag-reply sa akin si Tita Belinda, bagay na pinag-alala ko dahil baka nagtatampo talaga siya sa akin. I confided to my mother about it and she said to just give her time. Alam na din ni Sonny at Selena ang tungkol sa bahay at dalawa silang walang interes dun o sa perang makukuha kaya sumuko na din ako.

"Eh ano naman kung binigay na ni Papa ang bahay sa kaniya? Huwag mo na yang problemahin, Ate," ani Selena. "Umuwi ka nalang dito. Miss na miss ka na ng pamangkin mo, oh!"

"Oo nga, Ate. Hindi naman namin kailangan ang pera. Ayos lang kung kay Tita Belinda mapunta ang lahat. Pinirmahan na yun ni Papa, eh. I-respeto nalang natin ang desisyon niya..."

I followed my sibling's advice and just gave up. Sinabi ko kay attorney na ipagpatuloy ang pagbebenta sa bahay. If Tita Belinda decides to split the money with us, I will split my share with my siblings, too.

"Ginagawa mong tambayan ang clinic namin, ah?" pang-aasar sa akin ni Celeste habang may inaayos siya sa desk.

Napanguso ako. Their clinic doesn't look like a clinic at all. It's a dental clinic catering to kids, so everything about this place is lively and bright. May malaking aquarium pa na may iba't ibang mga isda. Ang sabi ni Celeste, parte daw ng job description niya ang pagpapakain sa kanila.

Lumapit ako sa aquarium at pinagmasdan sila. They're all just swimming peacefully. Celeste has been here long enough that she started naming the fish in the tank. Wala din namang kaso sa dentista at mukhang naaaliw pa 'to.

"Yan si Sushi, tapos si Flash, tsaka si Bubbles. Yung masungit tingnan, si Jaws. Palagi yang bad trip lalo na kapag lumalapit si Bubbles kay Flash."

I looked at the gold fishes, puzzled. How can she identify them separately when they all have the same face and color?! There are minor differences, like the spots and the size of the tails but to me, they're all just the same.

Tumawa lang si Celeste nang sinabi kong pare-pareha lang sila ng mga mukha.

Habang nakikipag-kwentuhan ako kay Celeste, biglang tumunog ang phone ko. My heart leapt to my throat when I saw it was Tita Belinda. Sinagot ko kaagad ang tawag.

"Hello po, Tita?"

"Raya, birthday ng pinsan mo ngayon. Punta ka sa bahay. Magdala ka na rin ng kaibigan. Alam mo naman si May Ann, walang masyadong kaibigan kaya tuloy konti lang ang dumalo eh ang dami-dami ng niluto ko!"

I was relieved that she started talking as if nothing happened to us last week. Though I'm a bit uncomfortable that she's just glossing over the issue, I'd still take my chances with her.

"Sige po, magdadala ako ng mga kaibigan..." pangako ko sa kaniya at pinatay ang tawag.

Napatingin sa akin si Celeste. "Anong meron?"

"Birthday party. Gusto mong pumunta?"

"Tamang-tama, nagtitipid ako!" she said in an excited voice. "May lumpia ba sila dun?"

I shrugged. "Siguro? Birthday party, eh."

Tinawagan ko din si Lulu na nasa La Union ngayon pati na sina Yari at Karlo. Karlo is busy with his work in Manila, so it's only Yari who promised to come. Pupunta rin si Avery kung walang magdadala ng boyfriend kaya tumawa ako at nangakong walang boyfriend na pupunta sa handaan.

Nag-early out si Celeste para may oras pa kaming sunduin si Lulu sa kanila. She'll be leaving her daughter with her mother and mentioned that Kael is busy with his work so he most likely won't come.

"Raya!" she squealed in delight when I rolled down the window. Napanguso siya nang makitang nasa shotgun seat na si Celeste. "Ba't ako sa backseat? Ang daya!"

"Hoy, buntis, huwag ka nang mag-reklamo at sumakay ka na. Susunduin pa natin si Yari at Avery..." Celested chided.

She mumbled something under her breath and circled the car, opening the backseat. She leaned over to join the conversation, giggling and laughing all the time.

"Nakakatuwa, parang noon lang!" she said with a dreamy sigh.

"Wala pa tayong car nun kaya lakad pa nang lakad!" Celeste agreed, laughing too.

"Tanga kasi si Ivo, ang tagal niyang tinanggap ang kotse na regalo ng parents niya. Kung hindi ko sasabihan, baka gagraduate nalang kayo ng college na naglalakad pauwi!"

I just laughed and drove to our high school. So many memories flooded me when I saw the familiar gate. Avery is standing at the waiting shed, looking at her phone. I honked to get her attention. Ngumiti siya nang malawak at mabilis na naglakad patungo sa kotse. Binuksan niya ang backseat at tumabi kay Lulu.

"Ang init, grabe! Kaninong birthday nga ulit 'to, Raya?"

"Sa pinsan ko..."

"Di naman required ang regalo, ano? Wala akong dala!" Lulu panicked a bit.

I laughed. "Hindi, Lulu. Simpleng handaan lang yun."

Huli naming pinick-up si Yari sa bahay nila. She's still wearing a coat. Mukhang kakagaling pa sa trabaho pero masaya pa ring pumasok sa sasakyan.

"Hay, salamat! May libreng pagkain na rin sa wakas!" she said while fixing her hair in the car.

Sobrang ingay nila sa kotse at kung anu-anong pinagkukwentuhan habang nagmamaneho ako. I felt guilty while driving, thinking about how Tita Belinda commuted just to get to my father. Tama lang na ibigay sa kaniya ang bahay pagkatapos ng maraming sakripisyo niya.

Nang makarating kami sa bahay nila, may mga puting upuan at lamesa na mukhang nirentahan pa ang nasa labas. May mga kapitbahay silang lalaki na nag-iinuman na, kasama si Don at ang isa ko pang pinsan. Tumango lang siya sa akin at itinuro ang loob kung nasaan si Tita Belinda.

"May Ann! Happy birthday!" bati ko sa pinsan at binigyan siya ng regalo. Ni hindi ko na 'to na-wrap nang maayos dahil nagmamadali kami kanina papunta rito.

"Thank you, Ate..." nahihiyang tinanggap ng pinsan ko ang regalo niya. Sobrang talino ni May Ann kaya nanghihinayang ako na hindi siya makakapag-aral nung sinabi ni Tita na gipit sila sa pera. Since then, I've been sending for her allowance and tuition fees.

"Raya! Nand'yan na pala kayo..." biglang lumabas si Tita na may dalang malaking lalagyan ng spaghetti. Celeste almost squealed in joy when she saw another one of my cousins trailing after her, carrying a foiled container of lumpia. Inilapag nila 'to sa lamesa.

"Tamang-tama, kakaluto lang nito. Kain na kayo..." aya niya sa mga kaibigan ko. Nagkahiyaan pa sila kaya nauna si Celeste na kumuha ng plato. Natawa si Tita. "Huwag na kayong mahiya..."

"Oo nga, Raya, huwag kang mahiya. Kain ka na." pang-aasar sa akin ni Celeste.

Napailing ako at kumuha na din ng plato. Sinulyapan ko si Tita Belinda pero abala na siya sa pagtulong kay May Ann na buksan ang regalo niya. I felt a bit embarrassed. It's just a simple silver necklace that I thought would suit her. Wala na akong oras para bumili pa ng matinong regalo at sa totoo lang, nakalimutan ko talaga na birthday niya ngayon.

"Oh, May Ann, magpasalamat ka sa pinsan mo..." udyok ni Tita Belinda sa bata at itinulak pa palapit sa akin.

"Salamat po..." mahinang wika ni May Ann at kaagad na umalis bago pa man ako makasagot.

Tita Belinda laughed. "Hindi ko alam kung saan siya nagmana sa pagkamahiyain niya, eh. Hindi naman ganun si John Mark."

Tumango lang ako at ngumiti sa kaniya. I'm not sure if she'll ever bring up about our fight the way she's acting like this. Ang mga kaibigan ko naman, kumuha ng mga upuan at nagsimula nang kumain.

"Hoy, grabe ka makagamit ng ketchup, Avery! Refill-an mo..." reklamo ni Celeste dahil wala ng ketchup para sa lumpia niya.

"Ayoko! Nahihiya ako!" kaagad na tanggi ni Avery. Dumami na kasi ang mga tao nang magsimula kaming kumain. Nagpunta rin dito ang mga kapitbahay ni Tita Belinda kaya ang ingay-ingay na.

"Ako nalang..." tumayo kaagad ako bago pa sila mag-away at kinuha ang platito. I went to the long table to find some ketchup but I couldn't find any. Tinanong ko si May Ann kung saan pwedeng kumuha ng ketchup.

"Sa kusina po, Ate..."

Tumango ako at nagtungo sa kusina nila. Tahimik na sa loob ng bahay dahil nasa labas naman ang mga bisita. I tip-toed inside the house, heading for the kitchen when I heard angry voices.

"—ano?! Susuntukin mo ako?! Susuntukin mo ang sarili mong nanay?!"

My eyes widened when I heard a glass breaking. Kaagad akong nagtungo sa kwarto para makita kung anong nangyayari dahil kinakabahan ako sa tono ng boses ni Tita Belinda.

"Sinasabi ko sa iyo nang paulit-ulit, wala nga akong pera, eh!"

"Tangina naman, anong wala?! Eh ang dami mong nahuthot kina Raya?! Ni hindi mo nga binibili ng gamot ang pinapadala nila noon tapos sasabihin mo wala kang pera?"

"Eh antagal na nun, tarantado ka!"

"Eh di gatasan mo ulit! D'yan ka naman magaling diba, ang magpaawa para mabigyan ka ng pera?! Ang dali lang nung utuin ni Raya, hindi mo pa magawa!"

I froze, my pulse racing. Tulala lang akong nakatingin sa kanila at nahulog pa ang hawak na platito. Nabasag ito kaya napatingin silang dalawa sa akin.

A tear fell from my eye.

"Binulsa mo ang panggamot ni Papa noon?"

-

#HanmariamDWTWChap42

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
3.4M 94.9K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
2.5K 60 2
Wicked Girls Edition #2
31K 1.8K 41
Suarez Series II: Gone With The Ring A book about waiting. Czeila Aryeza Nam Suarez, the youngest and the only girl among the five Suarez siblings, i...