Once Upon A Book

By phoeberryah

118 0 0

They first met at the library. Will this place also be their last moments together? More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48

Part 38

2 0 0
By phoeberryah

Mga two hour ride din mula sa amin papunta sa province ng lola ni Hikaru.

Wala ng masyadong tao doon dahil nasa cementery halos lahat. Ngayon na ililibing ang lola ni Hikaru.

Nang makapasok kami sa bahay nila ay sinabi sa amin na nasa cementery si Hikaru ngayon kaya pumunta kami doon.

Bumili kami ni Dusk ng bulaklak para sa lamay ng lola ni Hikaru.

Pagkarating namin doon ay paalis na ang mga tao.

Nakita ko si Hikaru na nakatingin sa burol ng lola niya. Sobrang lungkot niya.

Lumapit kami sa kanya.

Pumunta ako sa tombstone ng lola ni Hikaru at nilagay doon ang isang piece ng bulaklak. Hindi na kami nakahabol noong ilalagay ang bulaklak sa loob ng libingan ng lola niya.

Bumalik ako sa gawi nina Hikaru at umiiyak na ngayon si Hikaru sa bisig ni Dusk. Siguro ilang araw din niyang kinimkim ang iyak niya.

Nang tumahan na si Hikaru ay inabutan ko siya ng tubig. Kinuha naman niya ito at ininom.

Nang medyo um-okay na siya ay inalalayan namin siya na maupo sa bench.

Inabutan ko siya ng pastry na binake ko.

"Kumain ka. Baka mag-alala ang lola mo nyan." Sabi ko. Napansin ko na namayat si Hikaru kahit isang linggo ko lang siyang hindi nakita.

Tinanggap niya ang binigay ko pero kakaunti lang ang kinain niya.

"Pwede bang iwanan ninyo muna akong mag-isa? Gusto ko lang mapag-isa." Sabi ni Hikaru.

"Sige. Uwi ka agad kapag naambon na ha." Sabi ko at umalis na kami ni Dusk.

Madagim kasi ang langit. Parang nakikiramay sa libing ng lola ni Hikaru.

Nararamdaman ko na close talaga sila ng lola niya. Bago kami umali ay lumapit siya sa grave ng lola niya at parang kinakausap ito.

Dumaan muna kami ni Dusk sa convenient store para magpagpag.

Since naandoon na rin naman kami, bumili kami ng snacks. Hapon na kasi nang makarating kami dito sa probinsya.

Mamayang gabi ay uuwi rin kami at baka hindi na kami makakain ng dinner dahil mahaba ang oras sa byahe.

"Anong gusto mo? May korean foods dito." Sabi niya.

"Kunin natin lahat ng variations? Nagugutom na ako eh." Sabi ko at tumango siya.

Pumunta ako sa chichirya section at kumaha ng chichirya. Pagkatapos naman ay sa cold drinks.

Parang gusto kong i-try ang coffee in can kaya pinili ko ito saka tubig.

Napadaan ako sa mga ice cream kaya pumili ako ng dalawa. Gusto ko iyong sandwich kaya pinili ko ito.

Lumapit ako kay Dusk at tinanong siya.

"Anong gusto mong flavor ng ice cream?" Tanong ko.

"Iyong vanilla na lang." Sabi niya at bumalik ako sa fridge.

Dahil gusto ko rin ng ice cream in cone, kumuha pa ako ng isa para sa akin.

Pumunta na kami sa cashier at binayaran ito.

Nang mabayaran na umupo kami sa isang table dito.

"Ang dami mo namang binili." Sabi niya.

"Eh gutom na gutom na ako eh. Saka gusto ko rin i-try itong mga bagong nakita ko dito." Sabi ko.

"Oh, dalawa pa ang ice cream mo?" Tanong niya at tumango ako. Napailing na lang siya.

Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kaming dalawa. Siguro dahil gloomy ang araw na ito.

Nang matapos na kaming kumain ay dumaan kami sa bahay ng lola ni Hikaru.

Wala na iyong mga bisita doon. 

Mabuti na lang at naandoon na si Hikaru.

"Okay ka na?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya.

"Medyo gumaan ang pakiramdam ko noong umiyak ako kanina." Sabi niya.

"Mabuti naman. Ilang taon na ang lola mo?" Tanong ko.

"Magse-seventy-three sana siya this September pero hindi man lang umabot. Balak ko pa namang umuwi dito at mag-travel kami dahil mahilig siya mag-travel pero hindi natuloy dahil wala na siya." Sabi niya.

"For sure matutuwa si lola kahit na hindi natuloy ang travel ninyo. Tuwang-tuwa siguro sa iyo iyon dahil napaka-sweet mo na apo." Sabi ko at ngumiti siya.

"Iyan, ngumiti ka na!" Sabi ko.

Tinawag naman ako ng tita ni Hikaru. Sinabi niya na kumain daw kami.

"Sige po tita." Sabi ko.

"Tara na?" Tanong ko kay Hikaru at pumunta kami sa dining area.

Kaunti lang ang kinain ko dahil busog pa ako kanina sa kinain namin sa convenient store.

"Tita, uuwi rin kami ngayon gabi." Sabi ni Dusk.

"Ayaw ninyong mag-stay dito? Gabi na oh." Sabi ni tita.

"Huwag na po tita. Mag-aaral pa po kasi kami dahil may exams po kami next week." Sabi ni Dusk.

"Ay ganoon ba? Sige, mag-iingat kayong dalawa." Sabi ni tita.

Lumapit naman si Dusk kay Hikaru.

"Gusto mong sumabay sa amin? Dala ko ang kotse ko ngayon." Sabi ni Dusk.

"Bukas na lang ako uuwi. Kakalibing lang ni lola eh." Sabi niya.

"Sige. Una na kami. Gagabihin kami pauwi eh." Sabi ni Dusk.

"Sige. Ingat kayo." Sabi ni Hikaru.

"May iniwan nga pala akong pastries dyan. Binigay ko kay tita kanina. Kainin mo iyon ha." Sabi ko kay Hikaru.

"Sige. Salamat."  Sabi ni HIkaru at nagpaalam na kami sa isa't isa.

Sumakay na kami ni Dusk sa kotse at umuwi na.


Nang makarating na kami sa bahay ko ay bumaba na ako.

"Ingat ka ha." Sabi ko kay Dusk.

"Sige. Good night!" Sabi niya.

"Good night!" Sabi ko at pumasok na sa loob ng bahay.

Kinabukasan ay nasa bahay lang ako. Finals na kasi namin next week at kailangan na namin mag-aral.

Gumawa ako ng kape bago mag-aral para ma-relax ako at magising.

Habang nag-aaral ako, hindi ako masyadong makapag-focus kaya naisipan kong lumabas.

Nag-search ako ng coffee shop kung saan tahimik at maganda ang view.

Ako lang mag-isa ang mag-aaral ngayon dahil kapag kaming dalawa ni Colette ang magkasama ay mag-uusap lang kami.

Inayos ko na ang gamit ko at pumunta na sa coffee shop kung saan ako magre-review.

Nakarating na ako sa Crate Cafe.

Crate Cafe

(credits to the owner)

Ang maganda sa cafe na ito ay open area ito saka maganda pa ang view.

Pumunta ako sa parang mini house nila at nag-order doon.

Bukod sa coffee ay may iba pa silang tinitinda ddon. Dahil magtatagal naman ako dito sa coffee shop na ito, nag-order na rin ako ng pagkain.

Nilagay ko ang gamit ko sa chair after ko sabihin ang order ko. Dadalhin na lang daw ito kapag ready na.

(credits to the owners)

Dito ko naisipan umupo dahil maganda iyong upuan saka maganda pa ang view.

Bago ko ayusin ang mga libro na dala ko, nagpa-picture muna ako doon sa coffee shop.

I can't miss the oppurtunity to take pictures here! Masyadong maganda para hindi picturan.

Mabuti na lang at mabait ang staff nila dito. Nagpakuha ako ng pictures sa kanya at kuha lang siya ng kuha ng picture.

Nang matapos na ako magpa-picture ay nagpasalamat ako doon sa staff. Tumango naman siya sa akin.

Umupo na ako sa chair at inilabas ang mga reviewer at books na dala ko.

Magre-review na lang naman ako ngayon kaya maunti na lang ang dinala ko.

Nang dumating na ang in-order ko ay nagsimula na akong kumain.

Masarap ang doughnut nila. Vegan baked donut daw ito. Tinary ko pareho ang oreo at walnut doughnut nila.

(credits to the owner)

Dahil dine in ang order ko, nakalagay sa glass ang iced coffee ko. 

Ang cute nga ng baso nila eh saka iyong small tinidor para sa doughnut. Nakakasosyal kapag kakainin na.

(credits to the owner)

Nagsimula na akong mag-review habang nakain. 

Wala naman masyadong tao dito kahit na Sunday ngayon kaya tahimik at makakapag-review ako ng mabuti.

Mabuti na lang at maayos ang panahon at hindi naulan kaya magandang mag-stay dito sa coffee shop na ito.

About forty minutes ay dumami na ang tao. Sabagay, lunch time na kasi. 

May lumapit na staff sa akin at sinabi sa akin kung okay lang na may ka-share ako sa table. Occupied na daw lahat ng table nila at mag-isa lang naman iyong makiki-share sa akin. Tumango ako.

Nang umupo na iyong customer sa kabilang chair ay tiningnan ko kung sino ito.

"Oh, naandito ka rin?" Tanong ni Eros sa akin.

"Oo. Dito ko naisipan mag-review kasi hindi ako makapag-focus sa bahay namin." Sabi ko.

"Ah ganoon ba. Naandito ako kasi dito ako madalas mag-review dahil sa view at ambiance." Sabi ni Eros.

"Eh? Kaka-discover ko lang nitong cafe na ito. Ang ganda nga eh kasi outdoor saka kita mula dito ang bundok." Sabi ko.

"Mas maganda dito kapag gabi kasi bukas na ang mga lights nila dito." Sabi niya.

"Balak ko hanggang gabi dito para maabutan ko na bukas na ang lights." Sabi ko.

"Anong subject ang inaaral mo?" Tanong niya. Sinabi ko naman ang subject na nire-review ko ngayon.

"Ay nakalimutan kong dalhin ang libro ko dyan. Pwedeng hiramin ko iyong iyo mamaya? Pagkatapos mo mag-review." Sabi niya.

"Sure." Sabi ko.

Dumating na ang order ni Eros. Isang slice ng cake at iced coffee ang in-order niya.

(credits to the owner)

Nag-aral kami ng tahimik doon.

After thirty minutes ay nagpahinga muna ako. Kapag nag-aaral ka o nagre-review, kailangan ay may break time ka para makapagpahinga ang brain mo saglit.

Nag-take muna ako ng ten minute break at naglakad-lakad sa cafe. Kanina pa kasi ako nakaupo at ang sakit na ng pwet ko.

Nilibot ko ang cafe. Humangin nang dumaan ako sa maraming puno.

Sakto lang ang panahon ngayon. Hindi masyadong mainit at mahangin pa.

Napansin ko naman na tumayo rin si Eros at lumapit siya sa akin.

"May alam pa akong ibang coffee shop na may maganda na view. You want to go there next time?" Sabi ni Eros.

"Sure! Minsan doon tayo mag-aral." Sabi ko at ngumiti siya.

After ten minutes ay bumalik na kami sa table at nag-aral muli.


Dumating na ang hapon at kita ko ang sunset mula kung saan kami nakaupo ngayon.

(credits to the owners)

Napakaganda ng view ngayon. Nilabas ko ang phone at pinicturan ang sunset.

"Sana ganito lagi ang nakikita ko kapag pahapon na. Ang ganda!" Sabi ko.

"Ang ganda nga." Sabi ni Eros.

"O-order ulit ako. Ikaw?" Tanong ko kay Eros.

"Sige um-order ka lang. Hindi pa naman ako nagugutom." Sabi niya.

Tumayo na ako at pumunta sa counter para mag-order. Namukhaan ako ng staff kasi siya iyong kanina na nagtanong kung pwede na may makiupo sa table ko kaya binigyan niya ako ng free macaroon. Nagpasalamat naman ako.

Bumalik na ako sa table namin ni Eros.

Napansin ko naman na iba na ang binabasa niya.

"Binabasa mo rin pala iyan?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Kanina pa kasi ako nagre-review kaya ito naman ang binasa ko." Sabi niya.

"Maganda ang book two nyan." Sabi ko.

"Nabasa mo na iyon?" Tanong niya.

"Oo naman! I like science fiction novels." Sabi ko.

"Same! Ano pang ibang scifi books ang mayroon ka?" Tanong niya at sinabi ko lahat ng libro na mayroon ako bna science fiction ang genre.

Natutuwa ako dahil pareho kamiing mahilig sa science fiction ni Eros. May ilan siyang libro na wala ako at hihiramin ko ito sa kanya at ganoon din siya sa mga libro ko.

Nang dumating na ang order ko ay nagsimula na akong kumain. Natakam si Eros sa order ko kaya nag-order ulit siya.

(credits to the owners)

Since nag-order na naman ako kanina ng iced coffee, hot coffee naman ngayon. Ang ganda ng design na nasa coffee ko.

Ang in-order ko ay brownies at slice of cake kasama ang macaroon na in house. Si Eros naman ay doughnuts, croissant at frappe.

Nagsimula na kaming kumain.

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
6.5M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...
211K 5K 52
When your happiness only refers to one thing, acceptance. What can you do to get the acceptance you want? How far can you fight? Handa ka bang tangga...
21.5M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...