Poisonous Love

By kyprettiiest

498 183 114

I lost my Sun while i'm waiting the Moon. More

:)
One
1
2
3
4
5
6
7
8
10
11
Epilogue
Poisonous Love

9

19 13 0
By kyprettiiest

Irish Clare POV

[ March 4, 2016 ]

"Ma'am, gising na po. May pasok pa po kayo," Our maid said. I growned. Why do i have to wake up early if my classes starts late naman?!

"5 minutes more, yaya. Please," I pleaded. Nag talukbong ulit ako ng kumot at pinilit na matulog.

Mag aala una na akong nakatulog kagabi dahil hindi ako pinatulog ni Ven, tapos ala sais palang ay kailangan ko ng mag gayak para pumasok.

"Okay, fine! Get out of my sight now. Na-eembyerna ako sa muka mo," Inirapan ko ang dalagang katulong namin. Ang aga-aga, bwisit!

Wala akong choice kundi mag gayak at pumasok dahil ilang araw nalang ay finals na.

"Napaka sungit talaga ng anak ni Sir Richard, palibhasa ay hindi minahal ng magulang!" Nag puyos ako sa galit ng marinig ang pag uusap ng mga katulong sa kusina. Malayo pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang tawanan nila habang pinag chichismisan ako.


"Yaya! Nasaan na ang almusal ko?" Nag bingi-bingihan ako sa narinig. Wala namang mangyayari kung papatulan ko sila, ako pa rin naman ang amo at sila pa rin ang katulong.

"A-ah! Ma'am e-to po! Kanina pa po kayo, Ma'am?" Nauutal na saad nito. Halatang kinakabahan.

"How pathetic." Sarkastiko ko itong nginitian at tinalikuran.

Bago umalis ay tumigil muna ako at nilingon sila. "Anyways, wag mong kakalimutang mag kuskos ng kobeta, Yaya, baka masisante ka nyan."

~

"I miss you, Adelina.." Napangiti ako sa sinabi nya. "Miss na rin kita, Ven.." Narinig ko naman ang biglang pag tahimik nya na syang nag pangiti sa akin. Cute.

"Gusto na kitang makasama, mahal.." I bit my lower lip to prevent myself from smiling.

"Gusto na rin kitang makasama. Kailan ba kasi tayo mag kikita?" Imbes na matawa dahil sa pabebe kong boses ay mas lalo pa akong napangiti. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari, hanggang ngayon kasi ay sariwa pa rin saaking isipan ang nangyari noon.

"Pwede ba, tumigil ka nga. One night stand lang iyon!" Hindi ko na makontrol ang sarili ko kaya tumalikod na ako para pumasok. Nakakainis! Hindi nya ba nararamdamang ayaw ko syang makita!

"You don't have a choice. Saakin at saakin ka pa rin sa ayaw at gusto mo." Iyon ang huling sinabi nya bago ko sya talikuran.

Kinabukasan ay gulat na gulat ako pag baba ng makita si Ven sa harap ng aming bahay. Nakasandal sya sa kotse nya. Hindi ako pamilyar sa kanyang sasakyan dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganoong bagay, ngunit masasabi kong mamahalin ito.

"Anong ginagawa mo dito?" Pinasadahan ko ang buo nyang katawan. Naka shades pa ito ng kulay yellow, simpleng short at blue na sando kaya kitang kita ang malalaki nyang biceps.

Tumikhim ito at ngumisi ng mapansin ang pag tingin ko sa katawan nya. "Baka matunaw ako nyan."

Napa irap ako at tinignan sya ng diretso sa mata. "Ano bang ginagawa mo dito?" Naiinis akong makita ang pag mumuka nya.

"Mag b-breakfast." Simpleng saad nya at may kinuhang plastik. Ano nanaman bang trip nito?

Bago pa man ako makapag protesta ay nauna na syang mag lakad. Huminga muna ako ng malalim saka sya sinundan papasok. Anong nalang ang sasabihin ni mommy?

"Hello mommy," Nginitian nya si Mommy na parang close sila ngunit ang mas lalong nakapag pagulat sa akin ay ang sinagot ni mommy. "Mabuti at narito ka na, Xage. Halika't kumain na tayo." Ngumiti rin si mommy at hinila sya papasok ng dining.

Sumunod nalang ako sakanila sa dining dahil wala naman akong choice. Nakapasok at naka upo na sya sa upuan habang pinag hahandaan sya ng mga katulong namin. Ang iba ay nag aagawan pang pag silbihan si Ven.

"Oh, Irish, anak. gising ka na pala, halika't sumabay na sa amin ni Ven na kumain." Malambing ani ni mommy na syang nag pataka sa akin. Tama ba ang narinig ko? Anak?

Nakakahiya ma'y umupo nalang ako at nag simulang kumain. Hindi na ako mag tataka kung walang laman ang upuan ni daddy dahil palagi naman itong wala. Either nasa kompanya sya o nasa business meeting sa ibang bansa.

Sa isang buwan ay isang linggo nga lang namamalagi si daddy rito sa bahay. O, kahit nga na meron si daddy rito hindi ko naman ito nakakausap dahil silang mag asawa lang naman ang nag bobonding.

Naging maayos naman ang pag kain ko ng almusal, napuno ng tawanan ang hapag ngunit hindi ako masaya.

Nag tataka man sa nangyayari ay hinayaan ko na lamang sila.

Akala ko iyon na ang huling pag uusap namin ni Ven dahil dalawang araw syang hindi nag paramdam hanggang sa isang araw ay bigla na lang syang sumulpot sa labas ng unibersidad na pinapasukan ko at niyaya akong mag date.

Nag aalangan pa akong sumama sa kanya dahil may pasok pa ako mamayang hapon, sinabi nya namang ibabalik nya rin ako agad kaya pumayag nalang ako.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko rito at tinignan syang seryoso sa pag kakabit ng seat-belt sa akin. Sobrang lapit nang muka nya kaya amoy na amoy ang mabango nyang hininga. Medyo natutusok rin ang mga mata ko gawa sa buhok nya.

"Mag dadate tayo." Ani nya at nag simulang pa andarin ang sasakyan. Hindi na lang ako kumibo at hinayaan syang mag drive. Napagod kasi ako kanina sa pa quiz ni sir.

Tahimik lang akong nakasandal sa gilid ng bintana habang si Ven naman ay seryosong nag dadrive habang ang kamay ay nakapahinga sa aking hita.

Kahit hindi komportable sa kanyang kamay sa aking hita ay ipinagsawalang bahala ko nalang ito dahil kahit naman anong tanggal ko ay ibinabalik pa rin nya.

"Are you hungry?" Napalingon ako sa kanya ng mag salita ito. Oo nga pala, tanghali na.

"Oo, mag drive-thru nalang tayo."

"Anong gusto mo?" Tanong sa akin ni Ven.

"Burger." Inirapan ko ito dahil naiinis ako.

Kanina pa kasing titig ng titig etong babae kay Ven. Ngayon lang ba sya nakakita ng lalaki?

"Miss, matagal ka paba? Hindi pagkain ang kasama ko," Umirap ako sa kawalan.

Tila naman natauhan ang babae at inihanda na ang order namin. Si Ven naman ay pangisi-ngisi habang nakatingin sa akin.

Ipinark muna ni Ven ang kanyang kotse at sumabay sa aking kumain. Nag order lamang ako ng burger at fries samantalang si Xage ay nakikikuha sa fries ko.

Gusto kong itanong sakanya kung bakit sya nawala ng dalawang araw at bigla na lamang susulpot. Pero baka isipin nyang nag dedemand ako ng atensyon nya, 'noh.

Pag katapos kumain ay nag pahinga muna sya sandali at nag simula na ulit na mag drive. Habang nasa byahe ay wala naman kaming imik. Ang isa nyang kamay ay nakalagay na ngayon sa bintana habang nakahawak naman sa manubela ang isa.

Naka side-view sya ngayon kaya hindi ko maiwasang pasadahan sya ng tingin. Kitang kita ko rito kung gaano katangos ang ilong nya. Pati ang mahaba-habang pilik mata at ang jaw nya. Dumako ang tingin ko sa adams apple nya ng gumalaw ito.

"Done staring me, Irish?" Napabalikwas ako ng mapabalik sa reyalidad. Nandito na pala kami. Nagtataka ko syang tinignan. "P-paano mo nalaman ang tunay kong pangalan?" Nanunuyot ang lalamunan ko dahil sa sinabi nito.

"Connections." Mayabang nitong saad at kinindatan ako. Para namang may mga bulaklak na nag liliparan sa aking tiyan nang kindatan nya ako. Ano ba 'to! Natatae ata ako.

Bago pa nya mahalata na namumula ako ay nauna na akong bumaba. Nandito kami ngayon sa isang subdivision na halata namang pang mayaman lang ang nakatira.

Hinintay kong bumaba si Ven dahil hindi ko alam ang daan rito. Andaming pasikot sikot. Nang makababa si Ven ay sinundan ko kung saan ito patungo.

Nanlalaki ang mata kong tinignan ang paligid. Napaka ganda!

"Putangina! Omygash!" Inilabas ko agad ang aking selpon at pinicturan ito. Ipapakita ko 'to kay Maureen dahil mahilig rin syang mag painting.

Napaka ganda talaga. Lumapit ako sa isang painting na nakakuha ng aking atensyon. Napatakip ako ng bibig habang pinag mamasdan ito.

Isang babae na nakatalikod habang nagtuturo sa mga bata. Mahaba ang kanyang mga buhok at medyo may katangkaran sya. Napaka ganda!

"Sino gumawa neto?" Itinuro ko ang painting at nilingon si Ven na ngayon ay nakapanghalumbaba habang tinititigan ako. Nilingon nya rin ang painting at bigla syang namutla.

"A-ako." Mahina nyang ani pag katapos tumayo at kinuha ang painting saka lumabas. Huh?

Imbes na sundan ay hinayaan ko nalang ito at nag libot sa kanyang Art Exhibit. Gulat na gulat ako habang tinitignan ang mga painting rito. Parang galing talaga ito sa mahusay na painter.

Bumalik si Ven pag katapos ng ilang minuto. May dala na itong mga plastic bags at nag latag ng kumot sa ibaba. Inilapag nya rin ang mga pagkaing pinamili atsaka lumapit sa akin.

"Tita Sylvia said you love to pain and draw.." Mahinang ani nya.

"Sinabi nya 'yon?" Tinitigan ko sya. Imposibleng mag kwento si Mommy tungkol sa akin dahil ikinahihiya nya ako.

"Oo. Kaya i thought you will like if i bring you here." Ngumiti sya sa akin.

Agad akong umiwas ng tingin nang tignan nya ako. Katulad kanina ay naramdaman ko nanaman ang mga paro-paro sa aking tiyan.

"Simula noong bata ako ay mahilig na ako sa arts. Ang sabi ng mga tita ko ay namana ko ito sa tunay kong nanay." Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit parang gusto kong mag kwento sa kanya. Siguro, dahil ay parehas kami ng gusto?

"Kung ganoon, bakit pagtuturo ang kinuha mong kurso?" Tanong nito na nag patahimik sa akin. Bakit nga ba?

"Dahil.. dahil, iyon ang kursong kinuha ng kaibigan ko." Dahil, hindi ko kaya. Hindi ko kaya kung mag isa ako.

Hindi ito umimik kaya tumalikod na ako at nagtungo sa pinag latagan nya ng pag kain kanina. Ayokong mapahaba pa ang usapan namin dahil baka may mabunyag pa ako.

Hindi ko pa sya ganoong kilala para pag sabihan nang malalalim kong problema.

"Mahal? Irish? Hey?" Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ang nag-aalalang boses ni Ven.

"Ha? Ano 'yon? Sorry.." Nag-guilty tuloy ako dahil mukang nag kwekwento sya tapos di ko napakinggan.

"Its fine. Baka mag sisimula na ang class mo. You should go now," Wika nito at nag paalam na. Itetext ko pa sana si Ven na mag kita kami sa weekend nang pumasok si Maureen.

"N-nana, kanina ka pa?" Natataranta kong itinago ang aking selpon sa bag. Hindi nya pa alam ang tungkol kay Ven at sigurado akong kukutusan nya ako kapag sinabi ko dahil iisipin nyang baka maloko ako!

"Bakit parang natataranta ka? Kararating ko lang, bakit?" Simpleng saad nya saka ako tinitigan. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nya.

"Uhm, wala. Tara, sa locker ko. Samahan mo kong ilagay eto," Nginitian ko ito ng matamis at nauna nang mag lakad samantalang sinundan nya naman ako habang sinesermonan.

Kaibigan ko si Maureen simula noong elementarya. Inagaw ko sa kanya noon ang laruan nyang doll dahil inggit na inggit ako.

Hindi naman ako naiinggit dahil mayroon syang barbie doll kasi marami akong ganoon, iba't ibang klase pa nga. Kaso, iyon ay mismong bigay ng kanyang Ama na syang nagpa puyos sa akin sa galit dahil hindi ko pa nararanasang regaluhan ni Daddy ng regalo.

Mag kaibang-mag kaiba kami ng estado sa buhay ni Nana. Ang kanyang tatay ay mag sasaka sa probinsya, at ang kanyang nanay naman ay labandera. Pero itinaguyod pa rin nilang pag aralin si Nana rito sa isang sikat na unibersidad.

~

NANG matapos ang aming subject sa umaga ay pumuslit muna ako palabas upang puntahan si Ven.

Ilang araw pa lang ang lumipas ngunit daig pa namin ay mag syota ng isang taon. Tunay ngang walang pinipiling oras ang pag mamahal dahil sa apat na buwan naming relasyon noon ni James ay ni minsan hindi ko naramdaman ang mga nararamdaman ko ngayon kay Ven.

Speaking of that, kumusta na kaya ang ex-bestfriend kong si Adelina? Sana mabuhay pa sya ng matagal.

Continue Reading

You'll Also Like

297K 20.9K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.8M 53.3K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
2.2M 56.2K 58
| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-proclaimed Queen Bee ng campus nila. "May...
573K 15K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...