Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

By donnionsxx04

88.1K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Chapter 85:

259 8 0
By donnionsxx04

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Ros! Ros!"

Napatigil naman sa pagkagat ng tinapay si Ros nang makita ang nagsidating samantala ako ay tinigil ang paghahalo ng sinangag para makita ang mga taong iyon.

"Ros!" Bulalas nilang lahat nang makita si Ros.

Lumapit naman ang mga ito at dinumog.

"Namiss ka namin!" Sabay turan nila Bossbrad at niyakap si Ros.

"Sandali! Di ako makahinga!" Sabi naman ni Ros. Kinuha ni Jero ang tinapay na nasa kamay nito sabay pasok sa bibig nito."Hoy! Akin 'yan!" Sabi niya dito.

Tumawa lang si Jero habang may laman ang bibig nito.

Nakita ko naman si Ryan na kakapasok lamang ng kusina. Nang tumama ang tinginan namin, ngumiti ito ng natural sabay nag-wave ng kamay.

"Ryan, kamusta kana?" Tanong ko dito.

"Ayos pang po." Mahiyahin pa ring sagot nito.

"Umuwi na pala kayo, bakit di n'yo kami ginising!" Pagtatampo ni Bossbrad at binitawan na sa pagkakayakap nito sa leeg ni Ros. Panay ubo naman ito dahil sa ginawa ng mga kaibigan nito.

"Papatayin n'yo ba ako?!" Sabi ni Ros dito at umubo ulit habang sapo ang leeg.

Naupo si Bossbrad sa harap ng lamesa at kumuha ng tinapay.

Ala una na ng madaling araw kami nakauwi at ito nga, alas sais palang gumising na ako ng maaga para makapag-handa ng hapunan. Papasok pa ko mamaya sa trabaho, night shift.

"Tulog na tulog kasi kayo ni Ryan kaya di na namin kayo pinagising sa mama mo." Paliwanag ko. Humarap na ako sa niluluto ko at sinimulang haluhin ang niluluto kong sinangag."Dito na kayo mag-almusal, nagluto ako ng marami ngayon." Yaya ko sa kanila.

"Wow! Salamat, Beth!" Sabay sabi ni Jake at John.

Mabilis naman pinalo ni Ros ang kamay ni Jero nang tangkang kukuha ulit ito ng tinapay.

"Wag mo ubusan si Lady Beth!" Suway niya sa kaibigan.

Napa-pout na lamang si Jero habang sapo ang kamay na pinalo ni Ros.

Naupo na nga si Ryan sa kabilang upuan. Nakangiting binigyan ito ni Ros ng pandesal. Mahinhing nagpasalamat naman siya dito.

"Oo nga pala, Beth. Muntikan nang kidnap-in si Ryan noong isang gabi."

"Ano?!" Bulalas ni Ros sa sinabi ni Bossbrad.

Natigilan naman ako sa ginagawa, nanlalaki mata na tumingin ako dito.

"Ah?" saad ko.

"Buti nalang may tumulong sa amin." Sagot kaagad ni John.

"Zero ang pangalan. Binigyan pa niya kami ng contact number niya." Sulpot ni Jake habang ngumunguya.

"Tawagan namin daw siya pag kailangan namin ng tulong niya." Dagdag naman ni Jero.

Gulat lamang na nakatingin ako sa kanila dahil sa sinabi nila.

****

Malalim ang iniisip na naglalakad ako papunta sa sakayan para pumasok ng trabaho. Sari-saring problema ang iniisip ko ng oras iyon halos hindi ko na napansin ang nadadaanan ko.

"Hindi mo siya kapatid! Ni hindi mo nga siya kadugo pero bakit sobra kang nagtitiwala sa lalaking iyon?!"

"Wala tayong alam, wala tayong ni ka-ide-deya ng totoong pagkatao niya!"

Mga katagang sinabi ni Lemuel na nagpapagulo ng isip ko.

"May pumunta kasi dito. Panay tanong kung nasaan kayo."

Naalala kong sinabi ni Kuya Kiko sa akin.

"Yung kikidnap na sana kay Pubg, mukhang kilala siya ng mga ito..." sinabi naman ni bossbrad.

Halo-halo na ang iniisip ko. Hindi ko alam kung ano po-problemahin ko sa sinabi nilang tatlo. Feeling ko nasa mood ako ngayon ng pagiging overthinker ko.

Namo-mroblema ako kay Pubg, hindi ko alam ang pagkatao niya at bakit balak siya kidnap-in ng mga armadong lalaki. Mas lalong napapaisip ako kung sinong naghahanap sa amin ni mama, kung si papa ba o kamag-anak namin. Iniisip ko rin si Ros. Natatakot ako na baka...na baka iwan niya ako pag bumalik na ang alaala niya.

"Beth?"

Napapikit-pikit na lamang ako nang may pumutol sa pagmumuni ko. Napatingin naman ako kay Ros na nakahawak sa pulsuhan ko. Nalimutan kong kasama ko pala siya.

"Okay ka lang?" tanong niya sa akin.

"Okay lang." Sabay napahawak sa noo. Mukhang kanina pa ata nagsasalita siya at hindi ako nakikinig sa kanya.

Nagulat ako nang ipaharap niya ako sa kanya at dumampi ang palad nito sa aking noo.

"Wala ka naman sakit. Sigurado ka bang okay ka lang?" Alalang tanong pa din nito.

"Okay lang ako..." mahinang sagot ko.

"Kagabi ka pang ganyan. May bumabagabag ba sa isipan mo?" nagtataka nang tanong pa rin nito.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot."Okay lang talaga ako."

Tiningnan pa ako nito para makasiguro. Kumibit-balikat nalang ito sa huli. Hinawakan nito ang kamay ko at nakangiting bumaling ulit sa akin.

"Wag kang mag-alala. Hindi kita lolokohin, kahit bumalik ang alaala ko, pipiliin na pipiliin kita..." Pahayag nito.

Napangiti na lamang ako sa sinabi nito. Dahil doon, nabawas-bawasan rin ang pangangamba sa damdamin ko.

Hindi ko ba alam kung mind reader na siya pero feeling ko alam niya kaagad ang tumatakbo sa isipan ko.

"Tara na?" Yaya nito na nito.

Nakangiting matamis na tumango ako.

Naglakad na nga kami habang magkahawak kamay.

JOHNSER SY POV:)

"Congratulations everyone!" Masayang bati ni Mr. Kailes sa amin.

Nagsitayuan naman ang lahat at nagsipalakpak. Nakipagkamayan naman ako sa mga investor at shareholders dahil successful ang project ng pagsasanib pwersa ng tatlong kompanya. Nandito kami sa conference room ng oras ngayon, kakatapos lang namin panoorin ang isang videos na nangyari sa Out Reach Program sa Bicol.

"Congratulation, Johnser." Bati ng mga ito.

"Thank you!" Nakangiting natural na tinanggap ko naman ang mga pakikipagkamay ng mga ito.

Nakipagkamayan rin ako kay Mr. Kailes at kay Tito Leandro.

Nang bumaling ako ng tingin kay papa, napatigil ako sa aking kinatatayuan nang makitang nakatingin ito ng seryoso sa akin. Kinakabahan na lumapit ito sa kinaroroonan ko. Wala akong nakikitang mga emosyon sa mukha nito kundi pagiging seryoso lamang.

Hindi ko alam kung may pagkakamali na naman ako sa ginawa o hindi siya kumbinsido sa ginawa ko.

Di inaasahan na umangat na lamang ang kamay ni papa para makipagkamayan sa amin.

"Congrats," he said.

Tila nabuhayan ang loob ko sa nasaksihan ko ngayon.

Taos-puso ko namang tinanggap ang pakikikamay ni papa."Thank you, Dad."

First time kong makatanggap ng bati mula sa kanya. Ibig sabihin lang iyon, may napatunayan ako sa kanila at nagustuhan ni papa ang performance ko.

Tinapnap pa nito ang braso ko bago sumama na sa mga nagsilabasang tao sa conference room. Nang makaalis ang mga ito, masayang nagsipalakpakan naman si Dylan at Mandy. Nakipag-appear-an naman ito sa akin. Pagbaling nilang dalawa sa isa't-isa bigla silang natigilan at nawala ang masayang ngiti sa mga labi nito. Napalitan ng pagiging mahiyahin .

Tila napilitan na nagkamayan ang dalawang ito na may pagkakailangan sa bawat isa. Nag-iiwasan pa sila ng tingin na akala mo may nangyari sa kanila na may nakakahiyang nangyari.

*****

Masayang pumasok ako ng office ko. Dahil sa masayang nararamdan, lumapit kaagad ako kay Elizabeth nang makita ko itong nagpupunas ito ng mga libro sa bookshelves.

Pagharap nito, ngumiti ito sa akin ng matamis sa akin."Congrats, Sir! Sabi nila successful 'yong---"

Niyakap ko kaagad ito na kinagulat nito. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya na mas lalo namang nagpalaki ng mga mata nito.

"Masaya ako...masaya ako dahil first time kong makatanggap ng bati kay papa." Madamdaming pahayag ko.

Di nagdalawang-isip na niyakap rin niya ako pabalik."Deserve mo ang isang malaking palakpak, Sir. Nakaka-proud kayo..." parang anghel na wika nito.

Humiwalay ako sa pagkakayakap dito. Tinitigan ko ito sa mga mata nito samantala nakangiti pa ring nakatingin sa akin si Beth. Dahil sa bugso ng damdamin ko, hinawakan ko ang kabilang pisngi nito at siniil ito ng halik.

Nanlaki naman ng mata si Beth sa ginawa ko.

Humiwalay na lamang ako sa pagkakahalik sa kanya nang makarinig ng bagay na nahulog na lamang sa sahig.

Napatingin na lamang ako sa pintuan at nakita ko na lamang si Ramon na nakatayo doon. Gulat itong nakatingin sa amin dahil sa nasaksihan halos nahulog nito ang mga folder na hawak nito.

"S-sorry, Sir." Tarantang hinging patawad nito at mabilis na lumabas ng office.

Pagbaling ko ulit kay Beth, mabilis ito lumayo sa akin.

"Elizabeth---" tangkang lalapitan ko sana siya ulit nang umatras ito.

"E-excuse me, Sir." Nautal na paalam nito at mabilis na umalis at lumabas ng office ko.

Naiwan akong nagsisisi dahil sa ginawa ko.

ANDREW SY POV:)

Abala ako sa binabasa kong mga dokumento nang bumukas na lamang ang pinto at ang panauhin na pumasok doon ay walang iba ang assistant ko.

Patuloy pa rin sa binabasa na lumapit ito sa kinaroroonan ko.

"Dala mo na ba?" Tanong ko nang maramdamang nasa harapan ko na ito.

"Dala ko na po."

Bumaling ako dito. Kinuha ko mula dito ang DNA test. Tatlong araw ko din hinintay ang resulta nito at ngayon malalaman ko na ang totoo.

"Pag lumabas na positive ito, alam mo na ang gagawin mo sa janitress na iyon..." Misteryosong sabi ko at binuksan na nga ang folder.

"Opo."

Maingat na kinuha ko na nga ang nasa loob ng folder. Binuksan ko na nga ang papel para makita ang resulta. Napakunot-noo na lamang ako sa nakita.

CEDRIC SY POV:)

"Hindi pa rin ba nagigising si mama?" Tanong ko sa tagapang-alaga sa aking ina, si Miss Eladia.

Tumayo naman sa pagkakaupo ito nang makitang nasa paanan ako ng pinto. Binaba nito ang librong binabasa nito sa aking ina.

"Hindi pa rin po, senyorito." wika nito.

Pumasok na ako sa loob at tumungo sa kinahihigaan ni mama. Hinawakan ko ang kamay nitong nagpapamahinga sa kama. Hindi ko kayang makitang nakaratay ang ina ko sa kinahihigaang ito. Mula nang mawala si papa, nawalan rin ng kalahating buhay si mama. Ang nagpapasya na lamang sa kanya ang aking anak na si Ros. Pero dahil sa nangyari sa anak ko, para siyang nalagasan ng mga bunga sa kanyang punong tinaniman.

"Kamusta ang pinapa-imbestigahan ni mama na kaso?" Tanong ko kay Eladia pagkabitaw ko ng kamay kay mama. Kinuha ko ang upuan at naupo, pinagmamasdan ko pa rin ang natutulog kong ina.

"Wala pa rin pong balita senyorito pero may napansin po ang nga pulis." Sabi nito na napatingin naman ako dito."Sira po lahat ang mga CCTV na papunta sa Uphone kaya po wala pa rin silang makitang lead kung paano sumabog ang sinasakyan ni senyorito Clive." Nakayuko pa ring sagot nito.

Napaisip naman ako ng malalim ng marinig iyon.

Kung sira lahat ang CCTV na dinaanan ng anak ko bago siya ma-aksidente, maaring...

Napatigil na lamang ako sa pagmumuni nang tumunog ang aking cellphone. Mabilis ko ito kinuha sa bulsa at sinagot.

"Sir, nagkakagulo po sa Uphone!" bungad kaagad ng assistant ko.

"Bakit?" kunot-noong tanong ko.

"May natagpuan pong janitress sa rooftop na walang buhay!"

Gulat na napatayo naman ako sa aking kinauupuan.

To be continued...

Don't forget to comment, like and follow me.

Continue Reading

You'll Also Like

15.2K 570 77
How will you able to forget and move on if everything you dreamed about or looking for someone to love, was already with the person you wanted to bur...
34.9K 1.7K 40
Yes,I have all the material things and money that i want. But i cant decided on my own. Like my own happiness. My friends. My Studies. My Image. My f...
29K 720 42
Ako si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kam...
8K 357 52
Isang lalaking halimaw ang pinag experimentuhan ng isang baliw na scientist.What if this monster turned into a goodlooking person what will you do?