𝗔𝘃𝗲𝗿𝗮𝗴𝗲 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗮𝗹: 93
𝗪𝗮𝗴 𝗮𝗸𝗼, 𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗿𝗮𝗶𝗻𝗹𝘆 𝗮𝘁𝗮 𝘁𝗼!
____________________________________________________________________________
Nasa bahay palang kami ay kung ano-ano na ang tumakbo sa utak ko
Im an insecured person, parang dati lang sobrang confident ko, pero nung tumama tong bwisit na lockdown, na depress ako, at sinugod ako ng napakaraming insecurities
Maide-describe ko ang buhay ko na...
Isang napaka tagal na HIDE AND SEEK
Ayoko na kase nagpapakita sa ibang tao, parang INTROVERT lang, ayaw makipag usap sa kahit na kanino, at hindi maka tingin sa mata ng mga tao
Tss,
I dont like drama, kaya kwento ko na yung enrollment ko
____________________________________________________________________________
Pumunta ako don na walang kaayos-ayos, naka short na maong, naka t-shirt tapos hindi ko pa napansin na may sira na pala yung t-shirt na iyon
Bago pa ako pumasok, nakikita ko na yung nga istitikin na mga estudyante, karamihan sa kanila ay mga babae
Niyuko ko nalang ang aking ulo, at nagpatuloy sa paglalakad
Sa mga oras na'to, gusto ko na mag back out, halos lahat sila ay naka make up, rebonded, yung iba kulot pa, tapos yung amoy ng pabango nila, naamoy ko kahit naka mask ako
Nung pumila na ako, malapit ako sa may gate kaya nakikita ko yung hitsura ng mga dumadating, and it made me feel more insecured
Pero THANK GOD hindi umabot sa point na gusto ko nalang magtago
To be honest, mas komportable ako kapag walang nakaka kita sakin, tapos patay yung ilaw
Kapag patay yung ilaw at walang tao, dun lang ako iniiwan ng insecurities ko
BALIK SA KWENTO, AYOKO NAMAN MAGING DRAMA TO
____________________________________________________________________________
Habang nasa pila, yung mga palabas ng gate na tapos na mag enroll, lahat sila natingin sakin, hindi ko mabasa ang nasa isip nila
Pag dating ko dun sa may table na pag eenrollan, pati mga teacher estitikin na, lahat sila naka make up, tipong mga naka wolfcut tapos naka salamin
Tapos, sobrang ganda pa nung nasa likod ko, mala korean beauty ba
Nung modules palang, atat na atat ako na mag f2f na kase naiinggit ako sa kapatid ko f2f na ang elem e, tapos ngayon f2f na, parang gusto ko mag module nalang ulit, feeling ko ako nag iisang kulelat sa room namin e
GANUN KAGULO ANG MUNDO! HAHA
Habang nag fifilll up ako ng form, nanginginig ang mga kamay at namamasa yung kilikili ko, ang pangit tuloy ng handwriting ko
____________________________________________________________________________
Pagkatapos mag fill up, dapat pumunta sa room para ibigay yung card sa adviser
Naligaw pa kami, ay kasama ko pala yung nanay ko
Bakit? Lahat naman sila may kasama ah, para narin may katulong akong humanap sa classroom ko
Yun na nga, naligaw kami
May sinusundan kasi kami sa harapan namin, yun pala hindi ko naman yun kaklase
Di namin namalayan na nandun na kami sa court, sa flag ceremony area
Sobrang daming room, apat sa kaliwa, apat sa kanan, meron pa sa likod, tapos may second floor pa
Ano yun iisa isahin?
Hanggang sa may nakita kaming dumating at sinundan nanaman namin
Sa pagsunod sa kanila, pumunta sila sa isang room na may teacher sa labas, dun nila inabot yung card nila, pero hindi ko parin sya kaklase
Isang oras na kami nag gagala dun, kaya nagtanong na kami
"𝐒𝐚𝐚𝐧 𝐩𝐨 𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐫𝐨𝐨𝐦 𝐧𝐢 𝐌𝐚𝐚𝐦 *****" tanong ni nanay dun sa isang tao
Tapos yung pinagtanungan namin...
"𝐀𝐇, 𝐝𝐨𝐨𝐧 𝐩𝐨" sabay turo
Pero sa dami ng classroom ay hindi namin malaman kung ano ang tinuturo nya
"𝐒𝐚𝐚𝐧? 𝐀𝐥𝐢𝐧 𝐩𝐨? 𝐄𝐭𝐨?" Tanong ko
"𝐃𝐮𝐨𝐧 𝐝𝐮𝐨𝐧!" Turo nung pinagtanungan namin
Mukang may ginagawa sya kaya nagpanggap nalang kami na nagets namin yung sinabi nya
Lumakad kami sa direksyon na tinuro nya, pero mas marami pala yung classrooms doon, hanggang sa classroom pala yun ng mga grade 7
Hello? Anlaki ko na ah, do i look like a grade 7 student?!
May sinabayan kami at finally natunton na namin ang hide out ng mga kriminal
Uy! Uy! Joke lang, pa serious kasi ng pa serious
Yun na nga, natuntun na namin ang classroom na hinahanap namin for the past 19 years, CHAROTT!
Yun! Binigaw ko na yung card sa adviser at inexplain kung papaano namin sila aarestuhin
De jwk lang, tinuro nya lang kung anong araw kami papasok, kase hindi lahat ng students sabay sabay, per set lang kami
And sa set B ako, wednesday and thurday lang ang pasok
So it means, hindi ko pa kailangan mag babye sa phone ko
Yun na! Umalis kami at umuwi.
WAIT NALANG KAYO SA "First day of f2f" chapter na gagawin ko
BABYE