HBB2: Her "Perfectly Imperfec...

By marisswrites

128K 3.9K 650

His Boyish Bestfriend Book 2 || When she finally moved on and find the real happiness. But God gave her the m... More

HBB2: Her Perfectly Imperfect Boyfriend
HPIB: Chapter1
HPIB: Chapter2
HPIB: Chapter3
HPIB: Chapter4
HPIB: Chapter5
HPIB: Chapter6
HPIB: Chapter7
HPIB: Chapter8
HPIB: Chapter9
HPIB: Chapter10
HPIB: Chapter11
HPIB: Chapter12
HPIB: Chapter13
HPIB: Chapter14
HPIB: Chapter15
HPIB: Chapter16
HPIB: Chapter17
HPIB: Chapter18
HPIB: Chapter19
HPIB: Chapter20
HPIB: Chapter21
HPIB: Chapter22
HPIB: Chapter23
HPIB: Chapter24
HPIB: Chapter25
HPIB: Chapter26
HPIB: Chapter27
HPIB: Chapter28
HPIB: Chapter29
HPIB: Chapter30
HPIB: Chapter31
HPIB: Chapter32
HPIB: Chapter33
HPIB: Chapter34
HPIB: Chapter35
HPIB: Chapter36
HPIB: Chapter37
HPIB: Chapter38
HPIB: Chapter39
HPIB: Chapter40
HPIB: Chapter41
HPIB: Chapter42
HPIB: Chapter43
HPIB: Chapter44
HPIB: Chapter45
HPIB: Chapter46
HPIB: Chapter48
HPIB: Chapter49
HPIB: Chapter50 (Final Chapter)
HPIB: Epilogue
HPIB: Acknowledgements

HPIB: Chapter47

1.7K 53 11
By marisswrites

HBB2: Her Perfectly Imperfect Boyfriend

HPIB: Chapter47

Aubrey's POV:

Hindi ko akalain na magagawa ni Nikko kay Gabby yon! Napaka-walang kwenta talaga ng hayop na yon. Tuwang-tuwa pa naman ako nang malaman ko na sila na. Tapos ngayon, sasabihin niya na siya ang may kasalanan kaya nasagasaan si Gabby ng kotse dahil pinilit niya itong makipag-break sa kanya!

At ang dahilan ay ang malanding impaktitang baliw na si Rhianne!

May pa-best friend best friend pang nalalaman, eh gusto lang pala niyang landiin ang boyfriend ng kaibigan ko. At ang malupit, nagpalandi ang gago!

Sumabay pa yung emotera kong kapatid na binusted yata nung Witch na kaibigan ni Gabby. Ang tapang talaga ng hiya nun. Akala mo maganda. Binusted yung Kuya ko eh ang gwapo na nga. Tsssssss.

"Hala, Beb!" Sigae ni Yves sa tabi ko.

"Bakit na naman?!" Bulyaw ko sa kanya. Kanina pa kasi ako inaasar.

"Umuusok na ilong mo, oh. Chill. Gigising rin si Gabby." Sabi ni Yves tsaka ako inakbayan.

Nandito kami sa room ni Gabby sa hopital. Kahapon pa naka-confine si Gabby at hanggang ngayon, hindi pa siya gumigising. Yung best friend naman niyang isa pang gago, iyak ng iyak nang makita si Gabby. Sabagay, kahit ako, hindi ko napigilang maiyak. Si Witch naman, pinauwi na muna ni Tito Antonio dahil kahapon pa daw dito. Si Mike, hindi na umalis dito at binantayan si Gabby. Si Kuya Greg, nasa tabi ni Gabby habang kinakausap ito kahit na walang malay.

Naiyak ako kanina nang makita ko si Kuya Greg na iyak ng iyak at paulit-ulit na humihingi ng tawad kay Gabby sa hindi ko malamang dahilan. Si Tito Antonio, alam kong gusto na niyang umiyak pero pinipigilan niya.

Si Nikko, sinuntok siya kahapon ni Kuya Greg sa nalaman. Galit na galit si Kuya Greg kay Nikko. Tinanggap ni Nikko lahat ng masasakit na salita na ibinato sa kanya ni Kuya Greg. Si Mike, hindi na nakialam dahil alam niya na ang pinaka may karapatan sa pagsabi ng lahat ng iyon ay si Kuya Greg. Siya ang pinaka-close ni Gabby sa lahat. Siya yung best friend, boyfriend at Kuya ni Gabby. Kaya naiintindihan ko kung bakit ganyan na lang siya ngayong hindi parin gumigising si Gabby.

Lumabas muna ako ng room ni Gabby dahil nagugutom na ako. Sinamahan naman ako ni Yves my loves. Paglabas namin, nakita ko si Nikko na nakaupo sa labas ng room ni Gabby.

"May lakas ng loob ka pang pumunta dito matapos ng ginawa mo kay Gabby?" Malamig na tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita. Nag-smirk ako sa kanya. "Pinag-katiwalaan kita dahil mahal ka ng kaibigan ko, tapos ganito lang ang gagawin mo? Para saan pa yung halos limang taon mong paghihintay sa kanya kung ganito lang rin pala ang mangyayari sa inyo? Ang tanga mo."

Pagkasabi ko niyan, nilampasan ko na siya dahil inaawat na ako ni Yves. Umakbay pa siya sa akin.

"Alam mo, minsan, naiintindihan ko si Nikko. Ang hirap din non, ah? Magpa-pakamatay yung best friend mo kapag hindi siya ang pinili mo." Sabi ni Yves habang naglalakad kami palabas ng ospital.

"Malala pa siya kay Gabby dati, eh." Sabi ko naman.

"Oo. Pero yung kay Gabby, naiintindihan ko. Lumaki kasi siya na kasama si Mike kaya ganun na lang ang naging reaksiyon niya nung nalaman niya na sila na ni Faith. Ang pagka-kamali lang niya, hindi siya nagtiwala sa sarili niyang best friend at iniwan niya pa 'to ng walang paalam. Nakakaawa talaga si Mike nung kasalukuyang nasa Canada si Gabby. Akala ko mababaliw, eh. Tapos ayaw pang kausapin ni Gab. Haaay." Mahabang dalfal ni Yves.

"Yung ganun naiintindihan ko pa, eh. Pero yung magpa-pakamatay para sa isang lalaki? Nakaka-fuck, di ba?" Reklamo ko. Naiinis talaga ako kay Rhainne.

"Minahal kasi ni Nikko si Rhianne ng higit pa sa bagay na meron sa kanila. At pakiramdam niya, wala nang nagmamahal sa kanya, walang nagpa-pahalaga sa kanya. Hiwalay kasi ang magulang niya, di ba? Tapos naiwan pa ng boyfriend. Haaay. Poor Rhianne." Dagdag niya pa. Tiningnan ko siya ng masama.

"At paano mo nalaman ang mga yan?" Naiirita kong sabi.

"Ugh, kinwento ni Nikko?" Sabi niya in a matter of fact tone. Niyakap niya ako habang naglalakad kami. "Wag ka nang magselos. Ikaw lang naman ang mahal ko."

Ahihi. Kiligz.

Pumunta na kami sa pinaka-malapit na fast food chain sa ospital at kumain doon.

**

Mike's POV:

Lumabas ako ng room ni Gab para magpahangin muna dahil simula kagabi, nang mabalitaan kong nasagasaan siya habang nagbi-bike, hindi pa ako umuuwi. Dinalhan ako kanina ni Faith ng pagkain dito. Dumalaw na rin sila Mama dito at pinagdala ako ng damit. Nang makalabas ako ng kwarto ni Gab, nakita ko na nakaupo doon si Nikko. Nang mapansin niyang nandoon ako, tumingin siya sa akin. Gusto kong maawa sa nakita kong sakit na nararandaman niya, pero sa tingin ko, wala siya sa posisyon para kaawaan ko. Si Gabby ang naargabyado dito.

Kung kanina at kagabi, nagawa kong pigilan ang sarili ko para saktan siya dahil alam kong mas may karapatan si Greg na gawin iyon, narealize ko na ako ang best friend ni Gab simula noong anim na taong gulang pa lang kami. Siguro, may karapatan rin akong ipamukha sa kanya  lahat. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Sinuntok ko siya gamit ang natitirang lakas ko kahit na pakiramdam ko, wala na akong lakas dahil hindi pa ako natutulog at halos wala pa akong nakakain.

Lumingon sa akin si Nikko na nakahandusay sa sahig at nakita kong dumugo ang gilid ng labi niya. May nga sugat at pasa pa siya na galing kay Greg.

"Akala ko mapipigilan ko pa ang sarili kong saktan ka, Nikko. Kaso sa tuwing nakikita ko yung pagmumukha mo, paulit-ulit nitong ipinapaalala sa akin ang kagaguhang ginawa mo kay Gab." Seryoso kong sabi habang nakatingin sa kanya.

"Gawin mo lahat ng gusto mo. Huwag mong pigilan ang sarili no. Tutal, deserve ko naman lahat ng yan, eh." Walang enosyon niyang sabi.

Nainis ako sa narinig ko kaya sinugod ko sita at kinwelyuhan. Para naman siyang walang pakialam sa ginawa ko. Parang ito pa ang gusto niyang mangyari.

"Tangina ka, Nikko. Ano bang nangyayari sayo?! Bakit mo nagawa kay Gabby yon?!" Sigaw ko sa kanya.

"Ayokong masaktan ng paulit-ulit si Gab."

Sinuntok ko ulit siya matapos kong marinig ang isinagot niya.

"Gagong gago ka na ba talaga, Nikko?! Sinaktan mo na si Gabby, tapos yan ang dahilan na sasabihin mo sa akin?!"

Tinulak ako ni Nikko palayo at nakita kong tumulo ang luha niya.

"Mike, anong gusto mo? Paulit-ulit na masaktan yung taong mahal mo, o biglain mo na lang siya sa bagay na hindi niya inaasahan at kailanman ay hinding hindi niya aasahang mangyari? Ginawa ko yun dahil ayokong maramdaman niya ang nararamdaman ko, Mike. Ginawa ko yun dahil gulong-gulo ako. At ginawa ko yun kahit alam kong may posibilidad na hindi na niya ako mapatawad. Masakit! Pero ginawa ko parin kasi ayokong maramdaman niya yung sakit na nararamdaman ko!" Sigaw sa akin ni Nikko.

Hindi ko makuha ang pinupunto niya, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, pero alam kong napagdaanan ko na ang gulong nararamdaman niya.

"Tangina, Mike. Di ko na kaya." Sabi niya at umiyak na ng umiyak.

Hinayaan ko siyang umiyak ng umiyak. Nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman niya. Pero may isang bagay ang pumasok sa isip kong itanong sa kanya.

"Niloko niyo ba ni Rhianne si Gabby?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin ng naka-kunot ang noo.

"Kahit kailan, hindi pumasok sa isip ko na lokohin si Gabby. Inamin kong minahal ko si Rhianne higit pa sa meron kami. Pero kahit kailan, hindi ko siya niloko. Ginawa ko lang ang sa tingin kong tama. Ginawa ko yun dahil nag-baka sakali akong magiging maayos ang lahat at magiging maayos ang isip ko. Sa pagkakataong ito, Mike, mas gugustuhin ko na lang mamatay kesa makitang unti-unting nawawala sa akin ang taong mahal ko."

Napa-iwas ako ng tingin nang makita at marinig ko ang malakas na pag-iyak ni Nikko habang nakaupo sa sahig. May mga napapadaan at napapatingin sa amin dahil mukha kaming eng-eng dito. Napabuntong-hininga ako.

"Tumayo ka dyan." Halos pautos na sabi ko. Tiningnan niya lang ako na parang hindi maintindihan ang sinabi ko. "Tumayo ka dyan at pumasok sa loob ng kwarto ni Gab. Kung si Greg ang iniisip mo, wag kang mag-alala. Kakausapin ko siya. Basta siguraduhin mo lang na ito na ang huling pagkakataon na lalapit ka sa kanya. Alam ko kung gaano ka kamahal ni Gab. Pero hindi na ako papayag na masaktan mo ulit siya."

Pagkasabi ko nun, pumasok ulit ako sa loob ng kwarto ni Gab.

"Greg." Pagtawag ko kay Greg na nakaupo sa tabi ni Gab at hawak ang kamay nito.

Tumingin siya sa akin, tapos ay sa likod ko. Nakita kong nag-alab ang galit sa mukha niya bago tumayo at sugurin ang nasa likod ko.

"Ang kapal ng mukha mong hayop ka!" Sigaw ni Greg kasabay ng pagsugod niya.

Bago pa siya makalapit kay Nikko, hinarangan ko na siya. Tiningnan niya ako ng nagtataka, pero tiningnan ko lang rin siya. Sa tingin kong iyon, parang naintindihan niya na ang gusto kong iparating kaya lumabas na siya. Si Nikko naman, lumapit kay Gab na hanggang ngayon ay unconscious parin. Ako, nanatili lang ako sa pwesto ko.

Umupo siya sa tabi ni Gab at hinawakan ang kamay nito.

"Gabby. . ." panimula ni Nikko bago inilagay ang kamay nito sa labi niya. Nakita kong sunud-sunod na tumulo ang luha ni Nikko.

"Gabby, sorry." Sabi ulit ni Nikko. Bakas sa boses niya na nahihirapan na siyang mag-salita.

"Sorry. Nang dahil sa akin, nakahiga ka dyan at hindi pa nagigising. Sorry, Gabby. Sorry kung nasaktan kita. Alam kong hindi na maibabalik ng sorry ko ang lahat lahat. Alam kong walang magagawa ang sorry ko para magising ka. . .para mawala lahat ng sakit at galit na nararamdaman mo sa akin."

Huminto sa pagsasalita si Nikko dahil sa sobrang pag-iyak, pero pinagpatuloy niya pa rin.

"G-Gusto ko lang malaman mo, na ginawa ko ang lahat para hindi mo maramdaman lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama. Pinrotektahan kita, Gabby. Maniwala ka. Pero naguguluhan ako. I'm sorry kung hindi ko natupad ang pangako ko na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. Sorry kasi, minahal ko siya ng higit pa sa meron kami. Pero Gabby, maniwala ka. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Ikaw lang ang minahal ko ng higit pa sa sarili ko.

"Alam kong baka hindi mo na ako mapatawad pagkagising mo. Alam kong kinamumuhian mo na ako ngayon. Alam kong hindi mo na ako babalikan sakaling gustuhin ko man. Pero gusto ko lang malaman  mo, hindi ako susuko. Hindi ako susuko. Dahil kapag nagkaroon na ako ng pagkakataon na ibalik ka sa buhay ko. . .hinding hindi ako susuko. Mahal na mahal kita. Sana mapatawad mo pa ako."

Matapos sabihin ni Nikko ang lahat ng yon, hinalikan niya si Gab sa noo at lumabas na ng kwarto.

Ilang minuto kong tinitigan ang walang malay na si Gab. At hindi ko alam kung namnalik-mata ba ako, pero nakita kog sunud-sunod na tumulo ang nga luha ni Gab mula sa mga mata niya.

__________________

Author's Note:

Laaaaaaaaaast threeeeeeeee chaaaaaapteeeeeeers!!!!

Ohmayghadz. Why? T_______T

Salamat sa mga nagcomment at naglabas ng saloobin nila sa previous chapter. Sana lang hanggang dulo, suportahan niyo ito at ang mga susunod ko pang isusulat na stories. :"> Salamat talaga. Hihihi.

Ito lang ang maibibigay ko sa inyo tonight dahil may lagnat ako. Phone lang gamit ko ngayon kaya pagpasensiyahan niyo na po kung may mga typos. :3 Bawal din ako maexpose sa phone ngayon kaya ito na muna. Bukas naman yung next chapter. :DDD

Next chapter will be very important. Kailangan niyong basahin at intindihin. Hahaha. First time yun kaya sana, magustuhan niyo. Hihi.

Pagtiyagaan niyo na muna itong chapter na ito, guys. Yan lang talaga ang kaya kong ibigay, eh. :(

Salamat ulit! :)))))

-MarisolMariano ❤

(@MarissRocks_)

Continue Reading

You'll Also Like

899 160 50
[Soon to be Published] BLURB Eve I. Meneses, a principled fourth year Architecture student and an artist who started hating people after what happen...
15M 193K 86
Hanggang ngayon, nagsisisi pa rin akong pinakawalan kita. Kasi alam mo, mahal na mahal pa rin kita. - John Christian. [Unedited. Maraming errors dito...
10.6K 503 27
|| SELF-PUBLISHED|| Paano kung isang gabi, nagkaroon ka ng misteryosong panaginip, at may nakita kang isang tao na sa panaginip mo lang nakilala? Pa...
6.3K 262 14
You'll never know when will your happiness lasts. So savor the moment before it fades like a smoke. MAIN CHARACTERS: Vera Hernandez Levon Keith Ferr...