AMONG US I

By exoleyxion

354 143 0

The killer... Is Among Us. More

AMONG US
CHAPTER 1: ABOUT TO BEGIN
CHAPTER 2: SIGNS
CHAPTER 3: AS RED AS BLOOD
CHAPTER 4: FAME SCANDAL
CHAPTER 5: FLAMES CANDLE
CHAPTER 6: CUTS
CHAPTER 7: THE FORENSIC
CHAPTER 9: WHO COULD IT BE?
CHAPTER 10: D IS FOR?
CHAPTER 11: ENDEAVOR
CHAPTER 12: THE DISAPPEARANCE
CHAPTER 13: CONNECTED BY BLOOD
CHAPTER 14: ABDUCTED
CHAPTER 15: FAMILY LOVE
CHAPTER 16: MIX AND MATCH (SELECTION PART)
CHAPTER 17: MIX AND MATCH (MIXING PART)
CHAPTER 18: THE SECRET RELATIVE
CHAPTER 19: GOODBYE KISS
CHAPTER 20: HER DEADLY ADMIRER
CHAPTER 21: THE STRANGE FALL I
CHAPTER 22: THE STRANGE FALL II
CHAPTER 23: NO SECRETS

CHAPTER 8: TRUST

17 12 0
By exoleyxion

“SAAN KAYO pumunta ni Wave kahapon, Zivienne?” tanong ni Paris at kinagat ang donut niya.

Recess na namin kaya nandito na kami sa cafeteria. Panay tingin naman sa gawi namin sina Danica at Pristine. No wonder, kasama kasi namin si Tobias and we all know na may gusto si Danica kay Tobias. Si Wave naman ay nanatili lang sa classroom. Mukhang wala siya sa mood ngayon. Nagiging cold na naman siya eh.

“Ah, nakipagkita kami kay Kuya Lucas,” sagot ko sa mababang tono. “Eh kayo? Diba may pinuntahan kayo ni Sir Villejo?” Bumaling naman ako kay Hazel. “Kayo rin ni Shaunie, diba?”

Mukhang iba yata ang pagkakaintindi ni Hazel sa sinabi ko kaya mabilis siyang umiling-iling. “Walang kami ni Shaun, ‘no!” aniya na ikinatawa namin.

“Hazeline Dominguez, ang ibig kong sabihin ay may pinuntahan din kayo ni Shaun diba? So, saan kayo pumunta?” tatawa-tawa kong tanong. “Iba kasi iniisip mo eh. Crush mo siguro si Shaunie, ano?” tukso ko pa. Namula naman ito at biglang nagtago sa likod ni Paris.

“Never!” she hissed which made us laugh again. Halata ka na Hazeline huehuehue.

“So, saan nga kayo pumunta?” tanong ko muli kaya umayos ito ng upo.

“Sa burol ni Camille,” she replied. “Doon din pumunta sina Sir Villejo at Paris. Mas nauna lang kaming dumating.”

“So, ano natuklasan niyo?” Tobias asked in a low voice. We are whispering to each other so that no one will hear our conversations. “Is there something suspicious there?”

Umiling si Shaun. “Nothing suspicious. It’s just like a normal wake,” he replied. “Pero nagtataka ako kung bakit nandoon sina Vivian at Quialla? Eh, hindi naman sila close kay Camille.”

“You’re so stupid talaga, Shaun!” maarteng saad ni Hazel. “Malamang makikiramay sila dahil kaklase natin ‘yung namatay! Nandoon din naman si Sir Cavalor, eh hindi naman niya estudyante si Camille.”

“Maka-stupid ka ah.” Shaun pouted. “Pasalamat ka gusto kita,” bulong niya na tanging kaming dalawa lang ang nakarinig. Nasa tabi ko kasi siya nakaupo.

“Ano kamo?” Hazel asked.

“Wala.”

“Pero baka pumunta lang sina Vivian doon para maka-hingi ng kape at tinapay,” natatawang saad ni Donna.

“Huy yawa ka mamsh, huwag namang gano’n,” ani Hazel at tumawa rin.

“Okay, seryoso na tayo,” awat ni Paris kaya tumigil na sina Donna at Hazel sa pagtawa. “Vivian is really kinda suspicious there.”

“I saw her smirking while looking at Camille who’s lying inside of her coffin,” patuloy nito. “Vivian is creepy. Parang natutuwa pa siya na namatay si Camille.”

“Baka namamalik-mata ka lang Paris,” Donna said. “Hindi sila close ni Camille pero mabait naman si Vivian at mukhang friends naman sila ni Camille pero lowkey lang.”

“Nasaan pala si Zhaivo?” biglang tanong ni Hazel.

“Aba’y ewan namin,” pabalang na sagot ni Shaun. “Bakit mo ba sinisingit sa usapan ang lalaking iyon? Kitang importante pinag-uusapan natin dito eh.”

Hazel rolled her eyes at Shaun. “Pake mo ba?”

Rerebat pa sana si Shaun ngunit pinigilan ko na ito. Magbabardagulan na naman sila dito. Baka mauwi pa sa totoong away ‘to.

“Hazeline, you should not talk about someone else while we’re talking upon a very important matter,” saway ni Paris sa seryosong tono kaya umamo naman ang mukha ni Hazel.

“Sorry,” she said. “Hindi na po mauulit.”

Nilingon ko naman si Shaun at napansing namumula ito. Palihim naman akong ngumisi nang mapagtantong nagseselos siya. Hayss…

“Ah guys, mauna na kami ni Shaun ah. Tuturuan ko pa siyang pumana,” I said and chuckled. Hinila ko si Shaun patayo. “Gusto niya kasing masungkit ang puso ng isa diyan hihi.”

“Mabuti ka pa, Zivienne. Alam mo kung sino ang gusto ng damuhong ‘yan,” nakangusong saad ni Hazel. Humagikhik naman sina Paris at Donna kaya napatingin sa kanila si Hazel. “Alam niyo rin?” she asked them. Kumibit-balikat lang sila at nagpatuloy sa pagkain.

“Bye guys!” Hinila ko na si Shaun papunta sa Archery Room na nasa kabilang building. Archery room is meant for Maple High Archers. The room is also open for everyone who wants to learn or do archery.

Sinimulan ko nang turuan si Shaun pero habang ginagawa ko ‘yon ay tinutukso ko siya. Nginungusuan niya naman ako kapag hindi niya natatamaan ang center.

“Ako naman.”

I positioned myself and released the arrow. I heard a ‘woah’ from Shaun when I hit the center.

“Ang galing talaga,” puri niya. “Anyway, Zivienne, kung sakali bang may nagawa akong mali sa’yo… I mean sa inyo, will you forgive me?” he asked in a serious tone which made me face him.

“Why did you asked?” kunot-noo kong tanong.

“Naisipan ko lang itanong,” he replied, maintaining his serious expression.

“Hmm…” Napaisip ako. “Well, depende sa nagawa mong mali,” sagot ko at ngumiti. “Kung may mabuting rason ka naman para gawin ang pagkakamaling iyon, then we will forgive you.”

“Paano kung—“ I cut him off.

“I trust you,” I said. Bakit ba siya ganito? Kinakabahan ako kapag nagiging seryoso siya eh.

“What if I broke your trust?” he asked again.

“Why? Do you have plans on breaking it?” tanong ko pabalik. Yumuko naman ito at dahan-dahang umiling. “If ever you break my trust, I will forgive you. I… I will trust you again.” I smiled. “Same goes with Donna, Hazel and Paris.”

“If ever they break my trust, I will still forgive them. I will still trust them,” patuloy ko. “Because I know that there’s a good reason behind it.”

“Paano kung hindi maganda ang rason namin? Paano kung taksil talaga kami? Mapagbalat-kayo? Paano kung… n-niloloko ka lang pala namin? Niloloko lang pala kita? Paano kung kinaibigan lang kita dahil may plano akong masama sa’yo?”

Napatawa ako kaya nagtataka itong tumingin sa’kin pero agad din namang yumuko ulit. “Si Shaun ka nga talaga,” iiling-iling kong saad. “Iyan ba ang itchura ng may planong masama sa’kin? Lumalambot sa harap ko?”

“We’ve been together for so so long. I have been there for you during your ups and downs and you have been there for me during my darkest moments,” I added. “At ni hindi mo nga gusto na napapahamak ako eh. Mas gusto mo pa na ikaw nalang ang mapahamak kaysa ako.”

“You have saved me so many times already and it is enough for me to trust that you won’t do anything that could put me in danger…” Ngumiti ako sa kanya kahit hindi naman niya nakikita. “I think, kapag sinira mo ang tiwala ko sa’yo, mag-aaway kami ni trust,” tatawa-tawa kong saad.

“Kasi pagkakatiwalaan pa rin kita kahit sinira mo na siya.” I looked at him. “I will keep looking for beautiful reasons to defend you just so you could get it back. My trust.”

Nag-angat ng tingin si Shaun at nakita kong umiiyak ito. Malumanay akong ngumiti sa kanya. Ang gwapo niya pa rin kahit umiiyak, hayss.

“Zivienne… it will be hard.”

Unti-unti ring namuo ang luha sa mata ko habang nakangiting nakatingin sa kanya. “It won’t be, because I love you.” Nagsimula na nga’ng umagos ang luhang namumuo sa sulok ng mga mata ko. Naramdaman ko ang init ng mga iyon pababa sa aking pisnge.

Tumakbo papunta sa’kin si Shaun at niyakap ako ng mahigpit. He buried his face on my shoulder and cried harder. Niyakap ko naman siya pabalik at hinimas ang kanyang likod para patahanin siya samantalang ang isa kong kamay ay ginamit kong pampunas sa basa kong pisnge.

“I l-love you, Z-Zivienne…” he uttered in between his sobs. Para siyang batang iniwan ng magulang niya.

“Aww… alam ko,” sagot ko. “Mahal na mahal kita, Shaunie ko. Pero sana ‘wag kang ma fall sa’kin HAHAHA.”

Unti-unti nang humihina ang hikbi niya kaya siya na mismo ang kumalas sa yakap at tumingin sa’kin. Pinunasan ko ang luha sa pisnge niya at nginitian siya. “Big boy na ang Shaunie ko pero iyakin pa rin,” tukso ko at mahinang tumawa.

“Naiiyak din ako kakanood sa inyo!”

Napatingin kami sa pinto at nakitang nakatayo ang tatlo doon habang umiiyak din. Lumapit sila sa amin at niyakap kami.

“Nakaka-tampo kayo! Hindi niyo kami sinama sa drama serye niyo!” reklamo ni Donna. “Pero okay lang. Narinig naman namin lahat huhu.”

“If I were Zivienne, I would say the same to you guys,” wika ni Paris.

“Me too,” segunda ni Hazel. “Treachery might be painful but I love you guys so your treachery would meant nothing HAHAHA.”

I smiled. I can’t imagine my life without them. Gagawin ko ang lahat, hindi lang kami masira.

“Huwag ka nang umiyak Shaun. Mall tayo mamaya,” yaya ni Hazel.

“Libre mo?” tanong ni Shaun.

“Umiyak ka nalang pala ulit,” ani Hazel na ikinatawa namin.

“My treat,” sabi ni Paris. Tuwang-tuwa naman sina Shaun at Hazel sa narinig. “But let’s go back to the classroom for now. May klase pa tayo, remember?”

Tumatawa kaming bumalik sa classroom. Hindi pa naman time kaya wala pa ang iba naming kaklase. Napatingin sa akin si Wave nang makaupo ako sa tabi niya.

“Did you cry?” he asked with a worried expression. “Is there something wrong? Tell me.”

Napangiti ako. “I’m fine. Tears of joy ‘yan HAHA.”

He gently smiled at me. “Okay.”

“Hey dude,” tawag ni Shaun kay Wave. He leaned closer to us. “Sama ka sa’min mamaya,” he whispered. Bumalik na sa dati ang sigla ni Shaun. Mabuti naman.

“Where to?” bulong din ni Wave.

“Mall.”

“If it’s okay to you, then I’ll come,” sagot ni Wave.

“Okay na okay,” singit ni Hazel at humagikhik.

Pati si Tobias at Sir Villejo ay niyaya nila kaya nandito kaming siyam ngayon sa mall. Oo siyam kasi sumama rin si Zhaivo. Mag-u-update sana kami kay Sir Villejo tungkol sa pag-eembestiga namin kaya lang ay nandito siya.

Zhaivo seemed to be harmless but we can’t be sure of it. He is still stranger to us since ngayon lang namin siya nakasama ng matagal. Nagtataka pa ako kung bakit late na siya nag-enroll sa Maple High at kung bakit siya nag transfer doon sa kabila nang sunod-sunod na patayan na sigurado akong nasabi na sa kanya.

“Uhm Zhaivo,” I called. Tumingin naman ito sa’kin at nginitian ako. “Have you heard of the recent killings in Maple High?”

Tumango ito. “The Principal told me. Why?”

“So why did you still chose to enroll there?” I asked again. “Hindi ka ba natatakot na baka madamay ka sa patayan?”

“Wala naman akong pakealam sa patayan,” kampanteng sagot nito. “I transferred there because of you.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Ano?!” Nagbibiro ba siya? Kay layo-layo ng Barangay Pilapil dito pero nag-transfer pa rin siya sa Maple High para lang… sa akin?

“I think it’s crush at first sight,” nakangiti niyang saad kaya napangiwi ako. “You’ve got my attention that’s why I convinced my Dad to transfer me in your school.”

“You’re unbelievable,” hindi makapaniwalang usal ko.

“Now that we’re on the same school already, can I get to know you more so I can…” Ngumiti siya ng matamis. “Court you?”

Napaubo ako sa sinabi niya samantalang napa-smirk naman si Wave. Mabuti nalang at kaming tatlo lang ang nandito. Kapag narinig ‘yon ni Shaun, sure akong hindi na makakalapit sa’kin ‘tong si Zhaivo.

“What’s with that face?” Zhaivo asked when he noticed my blank expression. Nagulat ako nang bigla nalang siyang tumawa. “Just kidding!” Napahinga naman ako nang maluwag. “The real reason is that my cousin is studying there and she wants me to transfer there too.”

“Ohh…”

Sinabi ko sa kanilang magba-banyo lang ako at tuluyan nang umalis doon. Nang makarating sa restroom ay pumasok ako sa isang cubicle at umupo sa bowl. Hindi naman nagtagal ay may narinig akong nag-uusap habang papasok sa loob. Magbabanyo siguro kaya nang matapos ay tumayo na ako at lalabas na sana ngunit napatigil ako nang marinig ang pinag-uusapan nila.

“Kawawa naman si Ysabelle, dapat hindi mo na ginawa ‘yon,” sabi ni Shaina. Nakilala ko agad ang boses niya dahil kaklase ko ito.

“Ano ka ba, huwag mong kaawaan ‘yon,” sagot ng kasama niya at humalakhak. “Bagay lang ‘yon sa mga malalanding kagaya niya.” Si Danica.

“Pero hindi ka pa sigurado, Dan. Malay mo, may tinanong lang kay Tobias,” wika ni Shaina.

Did Danica bullied Ysabelle? Just because of Tobias? Hindi naman siya girlfriend ni Tobias ah. Ni hindi nga siya pinapansin nito.

“Lumapit pa rin siya kay Tobias! Deserve niya ‘yon!” Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at dali-daling nag-record.

“Ginawa mo rin dati ‘yon, diba?” Shaina asked in a low voice but enough for me to hear it. “Kay Coraline.” Nagulat ako at napalunok. “Sinabunutan mo siya kaya na-damage ang anit niya. Naalala kong isang buwan din siyang hindi pumasok dahil lumala ‘yung lagay ng anit niya. Napalakas kasi pagkakasabunot mo.”

“Kung hindi mo ako pinigilan noon, edi sana nakalbo ko na ng tuluyan si Coraline!” reklamo ni Danica. “Pasalamat nga si Ysabelle at ginupit ko lang ang buhok niya. Sa susunod na lalapit pa siya kay Tobias ay itutulad ko siya kay Coraline.”

Napatakip ako sa bibig ko habang nakikinig sa kanila. How dare her? Anong mali ang ginawa ni Coraline sa kanya?

“Paano kung magsumbong si Ysabelle?” Shaina asked.

“Subukan niya lang.” Danica smirked.

“Sa tingin ko, may gusto si Tobias kay Zivienne,” biglang sabi ni Shaina. “Hindi naman sila nagpapansinan dati eh pero ngayon palagi ko na silang nakikitang magkasama. Ngumingiti pa si Tobias kapag kaharap siya. Okay din diba? At least nakikita mong masaya si Tobias.”

“Papansin din kasi ‘yang si Zivienne eh.”

“Dan, binabalaan na kita. Huwag na huwag mong sasaktan si Zivienne,” pagtatanggol sa’kin ni Shaina. “Napakabait no’n.”

“Tsk. Malandi rin ang babaeng iyon! Nagbabait-baitan lang ‘yon!” Napakuyom ang kamao ko. Sino siya para tawagin akong malandi at nagbabait-baitan? Kahit kailan, hindi ako naging malandi.

“Basta Dan, ‘wag.”

“I can’t promise.” Padabog na lumabas si Danica at sumunod naman si Shaina. I turned off the recording and sighed.

So Danica is also a bully. I never expected this. I always see her as a kind and lovely person but I think that is really not her. In truth, she is an obsessed person. A liar and a bully.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kabilang cubicle at nagmadaling lumabas ang taong nanggaling doon. Lumabas na rin ako at matamlay na bumalik kina Wave. So that person beside my cubicle also heard Danica and Shaina’s coversation. Sana lang ay hindi niya inintindi ang mga sinabi ng dalawa.

“What took you so long?” Wave asked when I sat beside him. Nag-aalala niya akong tiningnan nang makitang paiyak na ako. “Are you okay? Did something happen in the restroom?”

Umiling ako at malumanay na ngumiti. “I want to go home,” I whispered but enough for him to hear it. “Where are the others?”

“Sir Villejo left first with Hazel and Shaun,” sagot niya. “Donna and Paris went somewhere. Let’s wait them for a while, hmm?”

I nodded. “Tobias?” I asked him.

“He saw Hillary so they went home together.” Tumango-tango ako. “Zhago also went home already. His Dad called him.”

Tumango ulit ako. “Are you really okay? You don’t look fine.”

“I’m… tired,” mahinang sambit ko.

Maya-maya ay dumating na sina Donna at Paris kaya umuwi na rin kami. Binigyan pa kami ni Donna ng burger bago pumasok sa bahay nila.

“Bye Zivienne!” paalam ni paris bago pumasok sa gate nila. I just waved my hand at him.

Tahimik lang kaming naglalakad ngayon ni Wave. Takip-silim na pero marami pa ring tao sa kalsada. May mga bata ring naghahabulan sa tabi.

“Wave.” Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin siya. Uminit ang gilid ng mga mata ko nang maalala ulit ang narinig ko sa restroom kanina. “Wave…” ‘Yon lang ang kaya kong sabihin habang naluluhang nakatingin sa kanya.

Napuno ng pag-aalala ang mukha nito nang tuluyan na akong umiyak sa harap niya. Hinakbang niya ang pagitan namin at mahigpit akong niyakap kaya napahagulgol ako sa dibdib niya.

“Zivienne,” he called softly while caressing my hair. “I know you’re not okay. Please tell me what’s wrong.”

“I… I h-heard them.” I can’t speak properly because of my sobs. “Coraline…”

“Hush, Zivienne.” Patuloy lang si Wave sa pag-alo sa akin hanggang sa unti-unti nang humina ang mga hikbi ko. Kumalas siya sa yakap pero nasa bewang ko pa rin ang isang kamay niya. Pinunasan ko ang pisnge ko at inabot sa kanya ang aking cellphone. Naka-kunot ang noo niya itong kinuha at pinakinggan ang record.

Sumeryoso ang mukha ni Wave matapos niyang pakinggan ang recording. “Wave.”

Nang makarating sa bahay ay nagpaalam na ako kay Wave. Wala naman siyang sinabi at basta nalang umalis kaya pumasok na ako sa loob. Nadatnan ko sina Mom at Dad na nanonood ng movie sa sala. Sinalubong nila ako ng yakap nang makita nila ako. Aww… they have no idea how  badly I needed this right now.

“You look tired, anak,” komento ni Mom nang mapansing pumupungay ang mga mata ko. “You should take a rest first. I’ll call you if dinner’s ready, okay?”

Ngumiti ako at nagpaalam na sa kanila. Agad akong napadapa sa kama matapos magbihis ng pantulog. It’s really tiring. Maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Ang mga sinabi ni Shaun kanina at ang narinig ko sa restroom.

I know that there is something wrong with Shaun. The way he said those words. The way he act like that. Something’s wrong with him. But I trust him kaya hahayaan ko muna siya.

Shaina and Danica, I think we have some things to talk about.

My thoughts was interrupted when someone knocked on my door. Dali-dali akong tumayo at binuksan ‘yon. Napapikit ako at sinandal ang ulo ko sa pader sa tabi ng pinto nang makaramdam ako ng hilo dahil sa biglaan kong pagtayo. Nawala din naman agad iyon kaya nilingon ko ang tao sa pinto. Bahagya pa akong nagulat nang makita si Wave na nakatayo doon.

“What happened?” he worriedly asked. “You okay?”

“Nahilo lang ako.” Kumunot ang noo ko nang may mapagtanto. “Bakit ka nandito? Gabi na ah.” Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka-pajama ito at tshirt na white.

“Sweetie,” Mom called. Lumapit siya sa amin at ngumiti. “Dito raw muna itong si Wave. His parents called, may aasikasuhin sila sa Korea.” Tumango ako. “Okay lang ba sa’yo na magtabi kayo? Nasa kwarto kasi ngayon ng Kuya mo ang kaibigan niya. Nakiki-sleep over.”

Napatingin ako kay Wave na tahimik lang sa gilid. Ilang beses naman na kaming nagtabi kaya okay lang sa’kin. “Okay na okay po,” nakangiti kong sagot at binuksan ng malaki ang pinto.

“Diyan na muna kayo ha, hindi pa kasi tapos maluto ang dinner eh.” Nagpaalam na si Mom kaya pinapasok ko na si Wave at sinara ang pinto. Nilibot niya ang tingin sa paligid at nilapag ang bag sa maliit na sofa. Ang dami niyang dala ah.

Humiga ulit ako sa kama at tumitig sa kisame pero hindi nagtagal ay bumangon din ako at hinarap si Wave na nakatayo sa tabi ng kama. Sinenyasan ko siya umupo sa tabi ko na sinunod naman niya.

Kinuha ko ang laptop sa may study table at dinala sa kama. I inserted the flash drive and turned on the laptop.

“Tamang tama na nandito ka kasi balak kong tingnan ang laman nito,” I said. Nilingon ko si Wave dahil hindi ito nagsasalita. Nakatingin ito sa maliit na shelf sa gilid ng sofa. “Wave?”

Pumunta siya doon at kinuha ang isang libro tiyaka siya bumalik sa tabi ko. “Nagbabasa ka nito?” he asked and showed me the book. “Agatha Christie’s The ABC Murders.”

I nodded. “Mhm.”

“You can borrow it if you want.” Tumingin ulit ako sa laptop at inopen ang mga folders doon. Ito rin ang mga ipinakita ni Kuya Lucas noong pumunta kami sa mansyon niya. Wala namang kakaiba rito kaya sinara ko nalang ang laptop at nahiga. Si Wave naman ay nagbabasa ng libro.

I yawned and stared at the ceiling. Maya-maya ay humiga rin si Wave sa tabi ko.

“I always thought that this would be hard.” Mhm. Sa simula pa lang, alam ko na na mahirap pero itutuloy ko pa rin ‘to. Para sa aming lahat ito.

“Kung hindi ko man malalaman agad kung sino ang pumapatay, aalamin ko kung sino ang isusunod niya.” I sighed. “I’m sure there are patterns or order.”

“Order.” Napatigil ako. Sabay kaming napatayo ni Wave at napatingin sa isa’t isa. Tila ba iisa ang utak namin at sa tingin ko ay parehas kami ng iniisip.

“Alphabet!”

|•|end of chapter 8|•|
◍exoleyxion◍

Continue Reading

You'll Also Like

192K 496 6
'Yung story ng buhay ko araw-araw? Halos ganito. Kaya maniwala kayo sa mga kwentong kagaya nito. *u* Strictly no soft copies and plagiarism, please...
4K 246 14
Book 2 ng Zombie Sila Tanga! Nagtapos ang Story ni Sam, Jun at Angel sa pagiwan ni Sam kay Jun at Angel sa mall at ang pagdisisyon ni Sam na pumunta...
56.1M 989K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
138K 4.1K 79
A series of one shot stories :-)