That One Night

By gabbiesalazar

1.7K 51 8

It should be a tequila night only but I ended up having Damara and Layon-That One Night. More

DISCLAIMER
TON I
TON II
TON III
TON IV
TON V
TON VI
TON VII
TON IX
TON X

TON VIII

206 5 0
By gabbiesalazar

SPRING's

Days had pass and yes, Autumn is now here in my house.


True to what I've said, wala siyang ibang iintindihin kundi ang sarili niya lang. As much as possible ayaw ko rin na nasstress siya or nagpapakapagod sa trabaho. Kung pwede nga lang na dito na lang siya bahay eh, why not? Kaso I don't want to be selfish.


We made a deal na kapag, malaki na ang tiyan niya, she needs to stop working though she's on work from home already.


Well, we also made a deal that whatever is happening between us, it should remain private lalo na ngayon. Parehong mainit ngayon ang mga pangalan namin. Simula kasi nung lumantad ang mukha ko sa publiko, hindi sa pagmamayabang pero talagang naging instant famous ako.


And I hate it. I am a private person.

-

FLASHBACK

"Papayag ako. Pero! In one condition." Autumn stated.

"Name it."

"Magkaibang kwarto tayo. You don't have the rights na pakielaman ako sa mga gagawin ko. Hindi mo rin ako pwedeng mandohan... and lastly, I should be the one to give name to our baby."

Napangiti naman ako nang marinig ko na sabihin niyang "our baby".

"Huy ano?! Is it a deal or ngingiti ka na lang habang buhay?" Pagtataray nanaman niya sa akin.

"Deal." I quickly answered. Baka magbago pa ang isip.

Nagulat naman ako nang tumayo na siya. "W-wait?! where are you going?" I asked.

"Oorder lang ako ng pagkain. Gutom na kasi talaga ako." She shyly said.

Napangiti naman ako.  "Sige na umupo ka na, ako na lang ang oorder." I volunteered. "Ano bang gusto mo?"

"Donut. Original glazed lang tas coffee—"

"Ah ah ah no!" Agad naman akong kumontra kaya awtomatikong napataas ang kilay nito sa akin. "Hindi ka pwede ng kape. Ibahin mo na lang."

She rolled her eyes. "Fine. Just buy me any drinks." She sarcastically smiled and rolled her eyes again.

Napailing na lang ako.

"Sige na oorder na ako."

I sighed as I walk towards the counter. "Lord, give me the patience I need."

END OF FLASHBACK

-

"Ang tagal mo naman!" Autumn groans impatiently.

"Wow ha! Akala mo ba madaling makahanap ng atis na walang buto??" Pabirong asik ko sa kaniya. Hindi naman gaanong ka-weird ang cravings niya pero mahirap siya hanapin, as in.


"Whatever." Pagtataray ni Autumn and walks toward me, to get the eco bag that I am holding.


"Oh ayan ubusin mo." I chaff and go up stairs. Autumn was left alone downstairs.


I immediately go downstairs after changing my clothes and I found her munching her seedless atis.


"I will just go somewhere, huwag mo na akong hintayin baka gabihin ako." I said.


Autumn with her never ending eye roll whenever I speak just acted up again. "As if naman hihintayin kita. Huwag ka ngang feeling."


I just shook my head and sighed before leaving the house.

-

It was hell for me during the first and second month of Autumn's pregnancy—well, not totally cause she just moved in but still it's hell—especially her mood swings. May pagkakataon nga noong nanonood kasi siya that time and ako kararating ko lang sa bahay from work tapos kapapasok ko pa lang ng bahay nagsusungit na agad ni hindi ko naman siya pinansin tapos nung akmang tatalikuran ko na siya bigla na lang umiyak—I thought I did something—nung nilapitan ko na tsaka ko nalaman kung bakit naiyak. Iniiyakan niya yung toy story.


Napailing na lamang ako habang nagmamaneho.


"Hoy Spring! Ano nasaan ka na?!" Iyan ang bumungad sa akin pagkasagot ko ng tawag ng pinsan ko.


"Driving...Malapit lapit na rin naman." I simply answered.


"Bilisan mo pare, ikaw na lang ang kulang baka mamaya bigla mo na naman kaming di siputin eh."


"Sige na sige na, malapit na nga ako." I said and ended the call.


My cousin's place wasn't that far from my house. Three months na rin simula noong huling gimik namin kaya ganoon na lamang sila kasigurista na dadating ako. This past weeks or days palagi ko kasing dinedecline ang mga aya nilang gimik dahil nga hindi ko naman maiwan ng basta ang nanay ng magiging anak ko.


"Spring! Finally sinipot mo rin kami!" Salubong sa akin ng pinsan ko habang may hawak hawak na bote ng beer.


"Parang bakla naman to oh." I jested dahil may pagakbay pa sa akin.


"Tarantado namiss ka lang namin! Wala na kasing nanlilibre ng drinks eh." Biro naman niya na ikinatawa din ng iba pa naming mga kaibigan na nandito din.


The night was spend with catching up and lots of talking, dinaig pa ng mga kaibigan ko ang babae kung magkwentuhan but the main purpose of this get together was our friend's announcement of his wedding.


"Congrats bro!" I said and tap his shoulder.


"Ayan na ha! Isa isa na nagsesettle down...baka naman mamaya mayroon ng may anak dito, hindi lang nagsasabi ha!" Nasamid naman ako dahil sa sinabi ng pinsan ko.


He offered me a drink—beer exactly. "Oh okay ka lang Spring? Beer, gusto mo pa?" Nagtawanan naman sila.


"Tarantado ka!" I chaff


Hindi na rin naman kami nagtagal pa dahil may mga pasok pa rin naman kami bukas.




AUTUMN's

"Anak naman, huwag mo namang pahirapan si Mama." I talked to my child while caressing my tummy. Third month of being pregnant and it's killing me—namana pa ata ng anak ko ang pagiging maarte ko.


It's past midnight already pero hindi pa rin ako nakakatulog dahil—dahil...hinahanap hanap ko yung amoy ni Spring.


"Anak huwag ka namang maarte, please na." I'm at the verge of crying already, I don't know if it's my pregnancy hormones acting up again and again.  Sa dinami dami naman ng pwede kong icrave bakit naman amoy pa ni Spring.


Hindi na ako mapakali.


I decided to go downstairs, maybe a warm milk can help me fight my weird weird weird craving and oh by the way Spring and I don't share the same room, sapat ng sa iisang bubong kami nakatira.


I'm preparing my milk when I heard the sound of Spring's car engine outside. "Andiyan na ang damuho." Aniya ko sa kawalan. Nagmadali naman akong tapusin ang tinitimpla ko para hindi na kami mag-abot pa.


Pahakbang pa lamang ako sa unang baitang ng hagdan nang iluwa ng pinto si Spring.


"Bakit gising ka pa? Anong oras na ah." I heard him asked kaya wala akong nagawa kundi harapin siya.


"I can't sleep, nagtimpla lang ako ng gatas." I replied.


Tumango naman siya. "Sige na, matulog ka na pagkaubos niyan. Masama para kay baby kapag napuyat ka." Aniya niya at naglakad papunta sa kusina. Hindi naman na ako nagaksaya pa ng minuto kaya umakyat na rin ako.


Settled in bed already but my pregnancy hormones still won't let me sleep. "Anak, matulog na tayo oh, anong oras na." I kept on talking to my baby baka sakali na makisama na ito pero wala, maarte nga ang anak ko.


Left with no choice.


Kailangan kong kapalan ang mukha ko para sa kaartehan ng anak ko—o kaartehan ko ata.


I was about to knock to the room adjacent to mine when someone spoke from behind. "Gising ka pa rin?"


"Ay nanay mo!" At tinawanan lang ako ng damuho.


"Hmm bakit nga gising ka pa?" He asked again, his arms folded in front of his manly chest.


I rolled my eyes before answering him. "Wala, sabi ko nga matutulog na ako e." I lied.


"Hmmm...sige na tulog ka na, wala ka naman ng kailangan diba?" Nang aasar na aniya ni Spring.


Wala na akong nagawa kundi bumalik sa kwarto ko. Nakakabwisit hindi man lang nakaramdam pero hindi ako magbababa ng pride sa kaniya. Kaya ko naman na sigurong matulog ngayon?


"Anak naman, matulog na tayo." Konti na lang talaga iiyakan ko na itong anak ko.


Nagulat naman ako ng may kumatok sa pinto. Well, ako at si Spring lang naman ang nakatira dito sa bahay. Hinayaan ko na lang siyang kumatok, wala ako sa mood makipagbwisitan sa kaniya ngayon.


"Di ka pa rin tulog?" Hindi na ako nagulat na nandito na siya sa loob ng kwarto.


"Hindi, tulog na talaga ako." I sarcastically uttered. "Obvious naman na di ako makatulog diba?" Pagtataray ko pa.


He sighed first. "May gusto ka ba—si baby? May gusto ba si baby?" He softly asked, concern is evident on his soft tone.


Nailang naman ako dahil nakatingin siya ng diretso sa akin habang tinatanong niya ako. Medyo nabawasan angas ko don ah.


"W-wala—"


"Ano nga? Huwag ka na mahiya, isipin mo na lang palagi na para kay baby yung ginagawa ko." He confessed.


Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kaniya o ano. Baka kasi mamaya tawanan lang ako nito sabihin pa na paraparaan ko lang iyon pero gusto ko na rin kasi talagang matulog.


"Kung wala naman, sige na matulog ka na. Lalabas na ako."


"W-wait! Si baby, baby wants your smell." Nakita ko naman kung paanong nagulat siya sa sinabi ko.


"H-ha?" Iyan lang ang naging sagot niya.


Napairap naman ako at tinalikuran na siya, he is now facing my back. "Alam mo sana hindi ka na lang nagtanong, dinagdagan mo lang yung pagkabwisit ko ngayong—" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng maramdaman ko na nakayakap na siya sa akin. Agaran akong napaharap sa kaniya.


Magsasalita na sana ako ng takpan niya ang bibig ko. Bastos talaga to.


"Shhh matulog ka na, dito lang ako hanggang makatulog ka na." He said at bahagya akong hinapit palapit sa kaniya.





SPRING's

Bahagya ko siyang hinapit palapit sa akin. Awkward.


Alam ko na normal lang naman sa mga buntis lalo na sa first trimester nila ang magkaroon ng weird cravings at matinding mood swings.


Hanggang ngayon ramdam ko na hesitant pa rin siya kaya ako na ang yumakap sa kaniya. "Sige na matulog ka na...walang malisya to, para lang kay baby." I said.


After few minutes naramdaman ko naman na nakatulog na siya dahil sa pagbigat ng paghinga niya. Pinagmasdan ko lang siya, ang amo amo ng mukha niya—An angel.


Napansin ko naman na malalim na ang tulog niya, aalis na sana ako pero nagulat ako ng kumapit ito sa braso ko. "Dito ka lang." Mahinang aniya niya. Hindi ko tuloy alam kung tulog na ba talaga to o ano pero nanatili siyang nakapikit.


Wala naman na akong nagawa kundi ang manatili dahil baka kung umalis ako ay magising pa ito, kawawa naman ang nanay ng anak ko kung mapupuyat pa ito. "Autumn sana lagi ka na lang tulog, ang amo mo tignan eh. Pag gising ka kasi, kulang na lang apoy pwede ka ng dragon." Bulong ko sa kawalan.


"Sana totoo na lang ito." I kept on talking to her. "I am falling, falling deep and hard for you. Nakakatakot, lalo at alam kong kahit kailang hindi magiging mutual ang nararamdaman natin sa isa't isa." I kissed her forehead.


"Love at first sight, as what others say." I sighed and closed my eyes.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 17.3K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
246K 6.1K 52
⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ જ⁀➴ 𝐅𝐄𝐄𝐋𝐒 𝐋𝐈𝐊𝐄 .ᐟ ❛ & i need you sometimes, we'll be alright. ❜ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...