Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

By donnionsxx04

88.1K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 74:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Chapter 84:

272 11 19
By donnionsxx04

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

"Sir?" Tawag ko kay Sir Dylan nang makitang kakapasok lamang niya sa court. Tumigil naman ito at binalingan ako."Nakita n'yo po si Ros?" Tanong ko.

Alas dos na ng hapon, hindi ko pa siya nakikita mula kanina. Sinabihan niya ako kanina na sabay kami magla-lunch pero hindi siya sumipot sa oras  na pinag-usapan namin.

Nagwo-worry ako, kung kumain na ba siya o hindi pa.

Sasagutin na sana ni Sir Dylan ang tanong ko sa kanya nang may humakbang nalang sa akin.

"Wag mo na hanapin ang hilaw na 'yon. Nandyan lang sa tabi-tabi 'yon." Sino pa ba iyon e di si Lemuel."Tara? Lugaw tayo?" Yaya nito sa amin. Tiningnan pa kami nito at hinihintay ang magiging sagot namin.

"Hmm..." Tanging nasambit ko lang. Hindi ko alam kung may mood ako mag-meryenda ngayon. Nag-aalala talaga ako kay Ros.

Alam ko naman na hindi mapanganap sa lugar namin pero yung nararamdaman ko---parang may pinapahiwatig.

Nasaan kaya siya? Kasama kaya siya ni Sir Johnser?

"Miss Mandy!" Tawag ni Lemuel na dahilan nahinto ako sa aking pagmumuni.

Napatingin naman kami sa aming likuran. Nakita naman naming papalapit sa kinaroroonan namin si Mandy habang hawak niya ang ID niyang naka-sabit sa kanyang leeg.

"Yes?" tanong nito pagkalapit. Nang makita nito si Dylan, mabilis naman ito umiwas ng tingin dito.

"Sama ka? Maglu-lugaw kami." Nakangiting sabi ni Lemuel dito.

"S-sure." Nautal na payag nito.

"Tara!" Mabilis naman ako hinila ni Lemuel habang hawak ang kamay ko.

Sumunod naman ang dalawa sa amin. Kakaunti na rin ang tao sa court at may nag-aayos na dito ngayon. Mamayang gabi kasi may okasyon dito, dahil nga fiesta na bukas at last na ngayong celebrasyon sa barangay. Ganito sa amin, kaya nga nakakamiss ang probinsya dahil sa kasayahan dito.

Napahinto na lamang si Lemuel na kinataka ko naman. Nakita naman namin ni Lemuel si Sir Johnser na kasama ang assistant ni Mr. Andrew. Mukhang naipakilala at naipasyal na niya dito.

Nang makita din ito nila Sir Dylan at Mandy, tumigil ito sa paghakbang.

"Sir." Sabay bow si Lemuel dito bilang paggalaw.

Napasinghap ako sa gulat nang mahuling nakatingin sa akin ang assistant ni Sir Andrew. Naiilang na umiwas ako ng tingin at nag-bow dito bahagya.

Sa palagay ko, nag-iisip na ito ng iba dahil nga nagtataka ito bakit kasama ako sa field trip nila Sir Johnser. Isang hamak na janitress lang ako na nagtatrabaho sa kompanya nila. Possible ring malaman ito ni Sir Andrew at mukhang iinit lalo dugo niyon sa akin.

Pag-angat ko ulit ulo, nakita ko naman nakatingin sa akin si Sir Johnser. Nginitian ako nito kaya pabalik ring nginitian ko siya pero di pa rin mawala sa akin pagkailang. Kahit hindi ako nakatingin sa assistant ni Mr. Andrew, ramdam kong sa akin siya nakatingin.

Balak sana namin naglugaw pero hindi natuloy. Nandito kami ulit sa court, nagtutulungan na mag-ayos dito. Tinatagal na namin yung mga tent na ginawa namin at binabalik na ang nga ibang gamit sa truck. Tatalikod na sana ako para lumabas ng tent dala ang box na naglalaman ng mga gamot na walang laman nang bumangga na lamang sa lamesa ang hawak ko kaya nabitawan ko iyon. Nagkalat ang laman iyon sa sahig.

Lumuhod ako para pulutin ang mga iyon.

Napahawak na lamang ako sa ulo ko nang maramdamang parang may bumunot ng buhok ko. Paglingon ko sa likod, napasinghap ako nang makita si...

"Paano ka nakasama dito?" Tanong nito sa akin. Bakas sa boses nito ang pagiging bossy.

Kinabahan naman ako.

Kinakabahan na tumayo ako sa pagkakaluhod at humarap dito."K-ka-kasi..."

"Beth!"

Tumakbo naman patungo sa akin si Miss Mandy. Nang makita niya ang assistant ni Mr. Andrew, ngitian lamang niya ito.

Mabilis naman pumulupot ang kamay nito sa akin."Beth, samahan mo ko sainyo. Naiwan ko kasi ang cellphone ko. Pasama na rin sa bundok, online lang ako madali. Please?" Sabi ni Miss Mandy sa akin.

"S-sige po." Nautal na payag ko.

Hinila na nga ako ni Miss Mandy paalis sa tent. Naiwan namin ang assistant ni Mr. Andrew ng mag-isa.

JOHNSER SY POV:)

"Uuwi na kaagad kayo?" Tanong ko nang makitang papasok na sana ito sa kotse.

Bago paman sagutin ako, may nilagay muna ito sa loob saka bumaling sa akin.

"Oo, hindi na ako magtatagal dito. Chini-check ko lang kalagayan n'yo dito." Kalmadong sagot nito."Mauuna na akong uuwi sainyo. Sumunod nalang kayo."

Tumango lamang ako sa assistant ni Tito Andrew.

Sumakay na nga ito sa kotse nito. Bago paman umalis, bumusina pa ito.

MR. ANDREW ASSISTANT POV:)

Habang nagmamaneho, kinuha ko naman ang cellphone sa pinaglalagaya  ko nito. Pauwi na ngayon, tinawagan ko ang numero ng aking boss para ipaalam nito ang natapos kong misyon.

"Nagawa mo na pinapagawa ko?" Bungad kaagad nito.

"Yes, Boss. Nakuhanan ko na ng buhok ang anak ni Mr. Yu," naka-smirk na sabi ko sabay tingin sa kabilang upuan sa tabi ko. Nakalapag ang isang plastic na naglalaman ng isang hibla ng buhok ng janitress.

"Good."

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Kanina pa namin hinahanap si Ros. Nag-aalala na kami kung nasaan siya. Kanina pa siya nagwawala at nagtutulong-tulong na ang lahat para mahanap siya.

"Ros!" Tawag ko.

"Hilaw?!" Tawag rin ni Lemuel.

Hindi namin alam kung saan ba siya pumunta at saan namin siya hahanapin.

"Baka nasa bahay na? Nauna nang umuwi?" Sabi naman ni Sir Dylan pagkarating namin sa daanan papasok sa kinaroroonan ng bahay namin ni mama.

"Tingnan natin baka nauna nang umuwi." Giit naman ni Miss Mandy."Sure akong nagdaya na naman 'yon. Ayaw mapagod e!"

Pumayag na lamang ako. Sama-samang tinungo namin kaagad ang bahay ko. Pagkarating namin doon naabutan naman namin si Sir Johnser na nagkakape sa sala habang nakatutok sa laptop nito.

Mas nagulat kami ng makita lahat si Ros na nasa tabi nito, nagkakape rin at pinapanood ang ginagawa ni Sir Johnser.

"Aba't! Ganda ng buhay n'yo ah? Nauna pa kayong nakauwi dito." Turan naman ni Miss Mandy dito halos napa-cross arms ito at mataray na nakatingim sa dalawa.

Sabay naman na napatingin ang dalawa sa amin. Nang makita ako ni Ros, sumilay na lamang ang magandang ngiti nito sa mga labi.

"Beth!"

Tumayo kaagad ito sa pagkakaupo sa sahig at lumapit sa akin.

"Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap." Alalang tanong ko halos ako na humawak sa kamay niya.

Napaisip naman si Ros tila inaalala ang nangyari kanina.

"Di ko rin alam e." Napapailing na sagot nito.

"Naabutan ko siyang natutulog dito. Hindi daw niya maalala paano siya nakarating dito." Si Sir Johnser na ang sumagot kaya napatingin ako dito. Pagkatapos humigop ito ng mainit na kape saka ulit bumaling sa ginagawa nito.

Bigla na lamang nag-click sa alaala ko ang nangyari sa kanya pag sumasakit ang ulo niya.

"Inatake ka na naman?" tanong ko kaagad dito pagkabaling."Ano nangyari? Nauntog ka ba? Nawalan ka ng malay?" Alalang tanong ko at hinawakan ang ulo nito para tingnan kung may natamo itong sugat.

"Okay lang ako. Di ko lang talaga maalala paano ako nakarating dito. Saka wala ako malaala na balak kong umuwi at matulog dito." Paliwanag naman ni Ros halos napakamot ito sa ulo dahil pinipilit nitong alalahanin ang nangyari sa kanya kanina.

Di ko tuloy maiwasang mag-alala sa kanya. Dahil sa sobra kong pag-aalala kay Ros, nalimutan kong nakatingin sa amin sila Sir Johnser at naghihinala ang mga ito sa kinikilos namin.

"Hep! Hep!" Sulpot ni Lemuel, hinawakan nito ang kamay ko kaya napabitaw ako sa pagkakahawak sa kamay ni Ros."Mag-ayos na kayo, may lakad pa tayo mamayang gabi. Manonood tayo ng Miss Gay." Sabi nito sa mga kasama namin.

"Wait! Miss Gay? Yan ata 'yong napapanood ko online, nakakatawang pageant." Tumawa naman si Miss Mandy pagkasabi.

"Oo kaya hiramin ko muna si Beth. May sasabihin lang ako sa kanyang importante." Paalam niya sa kasama namin.

Pipigilan na sana ni Ros si Lemuel sa binabalak nang mabilis na niya ako hinila palabas ng bahay. Nang makalayo sa bahay, mabilis ako hinarap nito.

"Hindi na ako natutuwa." Nagpipigil na emosyon na pahayag nito.

"Ah?" Hindi maintindihan na turan ko lamang.

"Sa ginagawa n'yo! Sa pagpapanggap ninyo ni Ros!" galit na wika nito.

"Lem, wala naman kaming ginagawang masama..."

Hindi ko napatuloy ang gusto kong sabihin na magsalita kaagad ito.

"Wala nga pero nakakairita ang pinaggagawa n'yong dalawa!" Tumaas na ang boses na sabi nito.

"Hindi maintindiha---"

Hindi ko ulit napatuloy ang sasabihin ko nang hawakan nito ang magkabilang braso at galit na tumingin sa mga mata ko na dahilan natahimik ako.

"Hindi mo siya kapatid! Ni hindi mo nga siya kadugo pero bakit sobra kang nagtitiwala sa lalaking iyon?!" Punong emosyon na pahayag nito."Ampon mo lang siya! Ampon mong walang maalala. Dapat hanggang doon lang! Dapat hindi ka nagtitiwala sa kanya. Paano kung mamamatay tao siya? Paano kung noon rapist pala siya? Wala tayong alam, wala tayong ni ka-ide-deya ng totoong pagkatao niya!"

Tahimik lamang ako habang nakatingin kay Lemuel. Sa mga sinabi niya, gumulo ang isipan ko. Unti-unti na ring umiinit ang gilid ng mga mata ko.

Humihigpit na rin ang pagkakahawak niya sa mga braso ko.

"Beth, sana alam mo ang limitasyon mo at dapat hanggang doon lang." Dagdag pa nito.

"Oo, alam ko." Mahinang sagot ko. Inalis ko ang kamay niya sa mga braso ko."Papahinga muna ako," pagpapaalam ko.

Tumalikod na ako at naglakad pabalik sa bahay. Hindi pa ako nakaka-limang hakbang, nagsalita ulit si Lemuel na dahilan nagpatigil sa akin.

"Oo, alam ko. Alam kong kayo na ng Ros na iyon." Pahayag niya na kinagulat ko naman."Kaya ganito ako ngayon dahil nag-aalala sa'yo..."

Natahimik na nakatayo lamang ako sa kinatatayuan ko.

****

"Maraming salamat po!" Sabay-sabay na pasalamat ng mga kasama namin.

Alas dos na ng hapon at babalik na kami sa maynila. Napag-celebrate na din namin ang kaarawan ng fiesta sa amin at lahat kami ay babyahe ng busog.

"Maraming salamat din sainyo!" Pasalamat din ni Aling Lorna sa kasama ko.

"Balik ulit kayo dito ah?" Nakangiting sabi naman ni Mang Trino.

"Sure kaming makakabalik kami dito." Nakangiting pahayah naman ni Sir Johnser.

Napatingin na lamang ako sa taong lumapit sa akin."Beth, may sasabihin lang sko..." Makahulugang sabi nito.

"Kuya Kiko, maraming salamat po." Panimula kong sabi nang makalayo na kami sa kasama ko.

"Beth, mag-iingat ka. Tawagan mo lang ako pag may kailangan ka." Nakangiting sabi nito.

Nakangiting nag-bow ako dito."Opo, maraming salamat po, Kuya Kiko. Di bale, pag nakaraos na ako, di ko kayo kakalimutan."

Ginusot naman ni Kuya Kiko ang buhok ko."Kahit kailan talaga hindi ka pa rin sumusuko sa pangarap mong yumaman."

"Syempre naman. Walang nararating ang tao pag walang plano sa buhay." Wika ko.

"Oh sya! Aalis na ata kayo. Mag-iingat nalang kayo."

"Opo." Magalang na sagot ko sabay bow ulit dito.

Tatalikod na sana ako nang tinawag ulit niya ako.

"Beth?"

Nakangiting lumingon ako dito."Yes, kuya?"

"May na-kwento ba ang mama mo tungkol sa nakaraan niya?" Tanong na lamang nito na nagpakunot bahagya ng aking noo.

"Po?"

"May pumunta kasi dito. Panay tanong kung nasaan kayo." Dagdag nito.

Napaisip tuloy ako dahil sa narinig ko mula kay Kuya Kiko.

"Beth!" tawag na ng mga kasama ko.

"Oh sya! Tinatawag kana nila! Mag-iingat ka nalang sa Maynila." Nakangiting paalam ni Kuya Kiko.

"Salamat ulit, Kuya Kiko."

****

"May pumunta kasi dito. Panay tanong kung nasaan kayo."

Paulit-ulit na nagpi-play sa isip ko ang sinabi ni Kuya Kiko. Mas lalo tuloy dumami ang iniisip ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko na alam kung ano na gagawin ko. Wala akong maalala na may kinuwento si mama tungkol sa mga naging kaibigan niya. Naalala ko lang ang kinuwento niya tungkol sa sinapit sa kanila ni Papa.

Ang alam ko naman wala nang kamag-anak si mama. Sino naman maaring maghahanap sa amin? Si papa kaya?

"Okay ka lang?"

Napapikit-pikit na lamang ako nang bumaling ang pagkatino ng isip ko. Tumingin naman ako sa taong gumising sa malalim kong pag-iisip.

Naalala ko naman na kasama ko si Ros at katabi.

"Hindi mo siya kapatid! Ni hindi mo nga siya kadugo pero bakit sobra kang nagtitiwala sa lalaking iyon?!"

"Wala tayong alam, wala tayong ni ka-ide-deya ng totoong pagkatao niya!"

Napa-pikit na lamang ako nang maalala ang sinabi ni Lemuel.

"Bakit? Ano nararamdaman mo?" Alalang tanong ni Ros at hinawakan nito ang mukha ko.

Gulong-gulo ang isip na tumingin ako sa mga mata nito.

"Wala. Naho-homesick lang ako." Wika ko at ngumiti ng pilit.

Pinahiga naman niya ang ulo ko sa balikat niya habang naka-akbay siya sa akin. Nakasakay na kami sa bus ngayon at pauwi na kami sa Maynila.

"Pahinga kana, mahaba pa byahe natin."

Pinikit ko na nga ang mga mata ko.

Kailangan ko magpahinga, ayaw ko muna mag-isip ng mga problema. Mahaba pa ang byahe namin at kailangan nga namin mag-rest. Pagkarating namin ng maynila, back to normal ulit.

ANDREW SY POV:)

Nandito ako ngayon sa hospital, pagkadalaw kay mama dumiretso kaagad ako sa rooftop. Napag-usapan na dito kami magkikita ng assistant ko.

"Dala mo na?" Saad ko habang nakatanaw sa labas.

"Opo." Sagot naman ng assistant ko.

Lumapit ito sa akin at binigay ang plastic na naglalaman ng buhok ng janitress. Kinuha ko naman iyon at inangat para makita ng malapitan.

Napangisi na lamang ako nang makitang nagtagumpay nga itong nakuhanan ng buhok ang kinahuhumalingang babae ni Johnser.

"Ipa-DNA test natin 'to..." makahulugang turan ko  na may ngiting nakakaloko.

To be continued...

Nakaka-walang gana pala pag walang readers na nagko-comment.
Di ko tuloy alam if may nagbabasa nito.
Pag maraming readers na nag-comment, saka ako mag-uupdate kasunod nito.
Have a nice day!

Continue Reading

You'll Also Like

137K 4.4K 116
[HIGHEST RANK: #2 in Chicklit] Paano ba idedescribe ang itsura ng pangit na mataba pa? Dahil siguro pangit kaya hindi ko ma explain pangit nga kasi...
72.5K 1.5K 42
He initially disliked her, treating her as desperate and unworthy woman. However, when her cousin entered the scene and posed as her new lover, he be...
478K 11.8K 37
Taylor klinn el ruego -she belongs exclusively to me, no one else is permitted to claim her from me. You must pass through my coffin before you can t...
463K 10K 64
"Woman, I will be loyal to you. I will love you but please love me back " "Gusto kong magsikap at abutin ka, masyado kang mataas. Tinitingala ka ng m...