Rebel Hearts

Por heartlessnostalgia

1.8M 76.1K 39K

Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely liv... Más

Peñablanca Series #2: Rebel Hearts
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27 (Part One)
Kabanata 27 (Part Two)
Kabanata 28 (Part One)
Kabanata 28 (Part Two)
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas

Kabanata 4

47.4K 1.9K 1K
Por heartlessnostalgia

Kabanata 4

Damon Montezides, ang bangungot ko!

"Boss, tulala ka?" tanong nila Junard pagkalabas namin ng campus habang naglalakad papunta sa burgeran sa kanto.

"Shh! H'wag kang maingay, Junard! First time niya kasing maakbayan ng lalaki!" sabat ni Eunice.

"Oh? Bakit? Naaakbayan naman namin si boss Revel, ah?" ani Jere at umakbay pa sa akin.

"Oo nga! Inaakbayan naman namin si boss, ah?" umakbay din si Junard sa kabila kaya dalawa sila sa tagiliran ko.

Ngumuso lang ako at 'di sumagot, hinahayaan silang nagkakagulo sa tabi ko. Mabigat pero tamad akong iangat ang kamay ko. Wala 'kong time makipaglokohan habang nag-iisip pa 'ko paano mapapabagsak ang presidente!

"Tanga! Mali pala ang pagkakasabi ko. First time niyang akbayan ng gwapo!" singhal ni Eunice at humagalpak ng tawa.

"Anong sabi mo?" singhal ng dalawa, "gwapo naman kami, ah—"

"Naakbayan na 'yan si Revelia ng mga maasim pero first time na amoy baby cologne!" ulit pa niya.

"Ano? Anong sabi mo? Sinong maasim?" singhal ni Junard sabay layo sa 'kin, "oh! Amuyin mo kili-kili namin ni Jere!"

"Kili-kili powers! Ipaamoy kay Eunice na walang ligo puro balakubak!" sabay habol ni Jere.

Nang habulin nila si Eunice na tumitili sa takot ng kili-kili nila ay nailing ako at pinagmasdan ang mga kaibigan.

Pagod akong napailing.

Mga buang talaga 'tong barkada ko, ako na lang ata ang matino!

"Cap, crush mo, oh!" nanigas ako sa narinig at mabilis na sumalisi.

Bakit nandito 'tong mga 'to? Sa kabilang gate sila madalas lumalabas, ah?!

"Revel! Hello!" napatigil na ako sa tawag sa 'kin. "Tingin ka naman dito!"

Tang ina... tang ina... 'di pa rin ba tapos ang kahihiyan ko sa araw na 'to? Kahit uwian?!

Tumikhim ako bago inayos ang uniporme at nilingon sila.

"Hello!" bati ko kina Alan at sa grupo nila, pilit na iniiwasan ng tingin si Damon Montezides.

"Uwi ka na?" tanong ni Alan.

"Ah, oo." Tamad akong ngumisi, "kayo ba?"

"Pauwi na rin, madaming aasikasuhin bukas, eh." Sumulyap siya kay Damon, "tamang-tama at pauwi na rin 'tong si Cap! Bakit 'di mo siya ihatid pauwi, Cap?"

"Huh?" gulantang akong sumulyap kay Damon na nakapamulsa lang at seryosong nakatingin sa akin. 'Di ko mabasa ang ekspresyon.

Umalon na naman ang sikmura ko, naisip na naman ang pag-akbay niya sa akin kanina at pagpisil sa pisngi ko.

"H-Hindi na! Ayos lang, baka busy si Pres.!" Mabilisan kong sinulyapan si Damon na hindi inaalis ang tingin sa akin at ngumisi, "next time na lang, love! Baka busy ka pa!"

Pilit ko pang pinagaan ang boses at pinalambing para ipakitang 'di ako kinakabahan kahit kabaligtaran no'n ay ang pag-alon ng puso ko.

"Hindi, hala! 'Di naman busy si Cap, 'di ba?" sulyap ni Alan kay Damon na wala pa ring imik.

Ang mata ko'y napunta sa burgeran para sana humingi ng rescue sa mga kaibigan pero nakanganga lang silang lahat habang nanunuod, nagniningning ang mata.

"Tulong!" I mouthed after covering my mouth from Damon's direction.

Sabay-sabay ang tatlong pinakitaan ako ng puso sa kamay sabay thumbs-up. Muntik ko nang masapo ang noo.

Mga traydor!

"B-Busy siya," sinabi ko na sabay hawak ng bag pack, awkward na natatawa, "una na pala ako! Nando'n barkada ko!"

Muli kaming nagkatinginan ni Damon kaya dali-dali akong nag-iwas.

"Cap, grabe ka naman! Hinahayaan mo ang crush mong umuwing mag-isa?" ani Alan pero wala na akong pakialam!

Gusto ko na lang maglaho! Mawala sa mundong ibabaw o kaya lamunin na lang ng kanal makaalis lang!

"Shut up, Alan," narinig kong boses ni Damon.

Tama, tama 'yan! H'wag kang papayag—

Malakas na daing ang namutawi nang may malakas na pwersang tumama sa katawan ko. Nawalan ako ng balanse nang may palad na sumalo sa akin at hinila ako patayo.

Tumama ang likod ko sa pader. Ang mainit na palad ay nanatili sa baywang ko at ang mga mata'y natulala sa itim na hoodie sa harapan ko.

"The fuck, Alan?!" baritono pero galit na singhal ng boses.

"Sorry! 'Di ko napigilan ang kamay ko!" humagalpak ang huli.

Unti-unti kong inangat ang tingin at nasalubong ang seryoso at malalim na mga tingin ni Damon. Ang isang palad niya'y nasa itaas ng ulo ko habang ang isa'y pinipirmi ako.

"Ayos ka lang?" seryoso niyang tanong sa akin, sa sobrang lapit ng mukha ay damang-dama ko na ang init ng katawan niya.

Hindi ako nakasagot kaagad at napatitig sa kanya.

Itim na itim ang mata, mas gumanda at mapupungay dahil walang eye glasses. Matangos ang ilong, manipis ang mapupulang labi at maganda ang hubog ng panga. Malinis ang kanyang buhok at—

"Maria," he called.

Natauhan ako at tumalim ang mata, "anong Maria?! Ilan beses ko bang sasabihin sa 'yong—"

"Love?" tinaasan niya ako ng kilay.

Nagwala ang puso ko kaya iritado ko siyang hinawakan sa hoodie at hinila papalapit sa akin. Hindi naman ako nahirapan at hinayaan lang niya ako.

"Ginagago mo ba ko, Pres.?" mariing bulong ko.

"Foul language. That's second warning, love," he whispered back. Tumama ang hininga niya sa tainga ko kaya suminghap na ako at mas kinuyom ang hawak sa hoodie niya.

"Okay," humugot ako ng malalim na hininga. "With all due respect... gago ka ba, Damon?"

Naramdaman ko ang pagkakatigil niya at matagumpay na tumaas ang sulok ng labi ko nang makitang muli ang nalilitong reaksyon niya.

Tumaas ang sulok ng labi ko.

Akalain mo nga namang marami talagang ganitong moments ang perfect na president!

Pinaraanan ko siya ng maliit na halik sa pisngi para mang-asar bago siya tinulak papalayo sa akin at harap kina Alan.

"Busy siya, guys!" paliwanag ko, hindi pinapansin na natulala lang din sila sa nasaksihang lapit namin ni Damon.

"Oh?" kumurap si Alan, "busy ka, Cap? Saan?"

"Aba, kung ayaw mo, Cap! Willing kaming maghatid kay Revel," ngumiti sa akin si Bryan na kasama niya rin sa SSG at basketball.

Ngumisi ako pabalik.

Gwapo naman nito!

"No, I'm not," nawala ang ngisi ko nang may kumuha ng bag pack sa balikat ko paalis, bagnot na bagnot. "I'll carry your bag. I'm taking you home."

Ano? Ano?

Nanlalaki ang mata akong tumingin kay Damon na nakaigting na ang panga, halatang hindi tatanggap ng rason o palusot bago ako talikuran.

Mas nagwala ang puso ko at muntik nang sumigaw sa irita kay Damon pero nang makita ko si Mindy na kinukuyom na sa galit ang hawak na plastic cup habang masama ang tingin sa akin ay napangiti.

Ano ka ngayon, Vice? Sinong aabangan sa kanto?

Sabay-sabay pa 'kong inirapan ng group of friends niya kaya pinalipad ko rin sa ere ang braid kong ginawa ni Eunice sabay kaway kina Alan at habol kay Damon.

Ang bag ko'y nasa balikat niya kasama ng bag niya, nakapamulsa habang naglalakad sa harapan ko lang.

Nadaanan ko si sina Eunice na nagpapanggap pang busy kakanguya ng burger!

"Yari kayo sa 'kin bukas," singhal ko sabay pakita ng gitnang daliri sa tatlong inabandona ako.

"Go, boss!" Ngisi ni Junard. "Ilaban mo ang bandera ng The Kilabots!"

"President, pakiingatan itong Maria namin, ah!" ani Eunice, "sensitive kasi 'to! Dapat walang galos 'to pag-uwi!"

"S'werte mo nakapag-VIP ka sa mga manliligaw niya, medyo mahaba kasi ang listahan nito!" ani Jere.

"MaMon! MaMon! MaMon!" parang ritwal nilang sinabi hanggang sa makalagpas na kami sa kanila.

Hinabol ko ng kaunti ang lakad ni Damon para magkasabay kaming dalawa at inabot ang bag ko.

"Akin na," kuha ko pero iniwas niya lang at inilipat sa kabila.

"Ako na," sabat niya rin, diretso ang tingin sa daan kaya humalukipkip ako.

"Bakit ka pa ba um-oo? Dapat sumang-ayon ka na no'ng sinabi kong busy ka!" sumimangot ako.

"Tapos? Sinong gusto mong maghatid sa 'yo? Sina Diaz?" he shot me with an annoyed look.

"Diaz?" napaisip ako, "ah, si Bryan? Edi, oo! At least walang issue—"

"And what? Make me look like I'm not a gentleman?" sagot niya, "the elections are coming. I don't want them to think I'm irresponsible."

"OA naman nito," umiling ako, "iba naman 'yon. Magaling ka namang president kaya for sure re-elect 'yan! 'Di naman siguro maaapektuhan..."

"You started this, Miss Santo," sinulyapan niya ako, iritado. "Now that I'm here joining your scheme, ikaw naman ang ayaw? In that case, maybe we should drop this and tell everyone this isn't real—"

"Hep! Hep! Masyado ka naman atang advance, Pres.!" Inangat ko ang kamay, "ang sabi ko lang naman dapat 'di ka um-oo, bakit itigil na agad? Baka nakakalimutan mong nakita kitang tumalbog sa hagdan?"

Mas tumalim ang tingin niya't umigting ang panga, dire-diretsong naglakad kaya mas binilisan ko ang takbo para maabutan siya.

Haba naman kasi ng biyas nito! Isang malaking hakbang niya dalawa na sa 'kin!

"Sandali!" tawag ko at muling inayos ang buhok na magulo nang salubungin kami ng malakas na hangin.

Wala nang masyadong tao sa parteng iyon. Ang pila ng traysikel ay nasa kabilang kalsada. May mga estudyante ring naglalakad kasama namin pero nasa unahan.

Malamig ang simoy ng hangin. Kahit may mga traysikel na may mga usok ay 'di bumabaho ang hangin dahil sa dami ng puno sa lugar.

Maliwanag na maliwanag din ang langit nang inangat ko ang tingin sa mga ulap, hindi maiisip na hapon na at maya-maya'y mag-gagabi na.

Nang tumapat kami sa may sakayan ng traysikel ay hinarap ko na si president at inilahad ang kamay ko para kunin ang bag.

Wala pa ang driver dito at nakikipagkwentuhan pa sa may kantunan sa kabilang kanto pero ayos lang naman sa 'king maghintay. Maya-maya lang ay marami nang sasakay.

"Salamat, pres.," pinakitaan ko siya ng pilit na ngiti.

Tumango siya, hindi pa rin gumagalaw habang nakatingin sa akin. Ako na ang kumuha sa balikat niya ng bag ko.

"Uh, bye?" nagugulang tanong ko nang 'di pa rin siya gumagalaw pagkatapos kong kunin ang bag ko.

Tinaasan niya ako ng kilay at sumulyap sa traysikel.

"Pasok," utos niya.

"Ay, hindi ako madalas sa loob, eh," sagot ko. "Mas gusto ko sa likod ng traysikel, doon, oh?" tinuro ko ang likod. "Masarap ang hangin lalo na sa gabi."

"What?" mas naging seryoso siya. "You're wearing skirt, Revelia. Get in."

"Ayos nga lang," nagkibit-balikat ako, "maya-maya pa may mga estudyante rin kaya mapupuno ang traysikel. Walang may gusto sa likod kaya ako na lang. Sanay naman akong sumabit."

"Uh-huh?" tumaas ang sulok ng labi niya, "ano ka, unggoy?"

"Hoy!" singhal ko, "hindi, ah! Wala kang alam kasi nakasasakyan ka naman palagi. May driver! Sa aming mga mahihirap—"

"Ang tigas ng ulo," umabante siya sa akin. Nanlalaki ang matang lumaban ako at hinarap din siya. Hindi papatalo.

"Ano? Ano? Akala mo ba porket president ka, 'di kita lalabanan?" hamon ko, "kapag nasa labas tayo, si Damon ka lang!"

Ngumuso ako para mas maangas. Matakot ka sa kilabot na hatid ko, Montezides!

"Alam ko," pinitik niya ang labi ko. Umangil ako. "Pumasok ka sa loob."

"H'wag mo 'kong utusan!" laban ko.

Nagtitigan kaming dalawa. Mata sa mata. Walang gustong sumuko pa at competitive. Kung possible nga lang na may laser na lumabas para magkasunugan kaming dalawa ay abo na kami panigurado ngayon.

Sa huli ay siya na ang umiwas at napapikit.

"You're feisty, aren't you?" sa muling pagmulat niya ay nawala ang pader na ipinalibot sa akin at napalunok sa lapit naming dalawa. "It's dangerous outside. What if you lose your grip and fell?"

"Sanay na 'ko," humalukipkip ako, "kaya nga 'ko palaging nagdya-jogging pants para mas komportable."

"And you can't wear that in uniform," pagtuturo pa niya ng leksyon. "Haven't you read the handbook? P.E. uniforms are strictly and only for Fridays."

"Blah, blah, blah," humugot ako ng hininga. "Kahit nasa labas na president ka pa rin. Oo na, oo na. 'Di na 'ko masyadong magsusuot pero p'wede mga twice a week?"

"Guidance?" Seryoso siyang tumitig. Napalunok ako at kinagat ang labi.

"Si President naman, 'di mabiro!" tumawa ako pero nawala iyon nang mula sa likuran niya ay nakita ko sina Mindy sa distansya.

Lord! Akala ko pa naman wala nang lilitaw na kakilala?!

"O-okay na 'ko rito! Sige na, salamat sa hatid. Una ka na baka inaantay ka na ng driver n'yo!" tinulak ko si president sabay salisi.

Mabilis akong pumasok sa loob ng traysikel at nagtago ng mukha. Nawala rin si Damon sa gilid sa labas, baka papunta na rin sa driver nila.

Tumaas ang kilay ko at sumilip ulit kina Mindy na kasama ang barkada niya at nagtatawanan. Wala ako sa mood makipag-irapan ngayon at may regla ako!

Nang makalagpas na sila ay 'tsaka lang ako nakahinga ng maluwang. Sumandal ako sa loob ng traysikel at kinuha ang phone kong kulay puting Nokia C3. Kinuha ko rin ang orange na earphone na buhol-buhol para hindi ma-bored.

Mga kinse minutos pa siguro ang driver at labasan ng ibang estudyante na. Ipinikit ko ang mata at isinabay ang ulo sa indak ng kanta, ang daliri ay umaangat pa sa ere at pinapakinggang mabuti ang lyrics para makabisado.

May pumasok sa loob. 'Di ko binuksan ang mata at nagpatuloy sa pakikinig. Nakaisang kanta ata ako nang naramdaman kong umandar ang traysikel.

Kunot ang noong nagmulat ako at sumilip sa driver, napansing walang tao sa likod niya.

"Kuya, bakit umalis na tayo?" malakas kong tanong para marinig niya, "'di pa puno, ah?"

Saglit niya akong tinignan bago sumagot, "ah, nabayaran na lahat ng sakay."

Nahila ko paalis ang earphone.

"Huh? Sinong magbabayad? Ako?!" malakas kong tanong, "naku, Kuya! Wala akong sinasabi d'yan, ah! Wala akong pambayad sa lahat—"

"Tanong mo sa kasama mo, siya nagbayad," aniya.

Dali-dali akong sumulyap sa tabi at napasigaw nang masalubong ko ang mukha ni Damon Montezides.

Tinaasan niya 'ko ng kilay. Tinakpan ko ang bibig.

"Pres.?!" singhal ko, "bakit ka nandito? Atsaka—"

"I paid for the ride," aniya sabay sandal at pikit ng mata.

"Ano?!" malakas kong tanong, "bakit? Umuwi ka na, 'di ba?"

"I told you, I'm taking you home, Revelia." Nakapikit pa rin niyang sinabi.

"Ayos na nga ako! Nasa traysikel na rin naman kaya 'di na kailangang ihatid, 'di ba, may driver kayo?"

"I rarely ride there, I'm commuting like you," sagot niya. "And lower your voice, my ear's about to burst."

Kinagat-kagat ko ang labi pero tinikom din ang bibig at mahinang nagsalita.

"Pero 'di mo nga kailangang bayaran ang lahat,"

"Matagal pang mapupuno 'yon at may meeting sa clubs ang freshmen at sophomore," sagot niya. "Gagabihin ka ng uwi."

Nag-aalala siyang gabi ako makakauwi?

Ngumisi ako at siniko siya, "ikaw, President, ah? May lihim kang pagtingin sa akin, 'no?"

Tumaas ang sulok ng labi niya, nakapikit pa rin at nakasandal.

"Wake up, love. Not even in my nightmares."

"Sama talaga ng ugali ng presidenteng 'to," bumusangot ako. "Pero bakit mo nga binayaran ang buong sakay sa traysikel aside sa nag-aalala kang gabi na ako uuwi? Atsaka wala namang masama ugali rito sa 'tin na alam ko. Kung mayro'n man, edi sapakin ko sila. Tulog agad 'yon. Basagin ko pa itlog nila, eh."

"Would you even wait for something to happen before thinking of your safety?" nagmulat siya at sumulyap sa akin, seryoso na naman. "Una, sa likod. H'wag mong sabihing hinahayaan ka lang ng mga barkada mo na sumampa sa likod? Dalawang lalaki 'yon, ah?"

"Una, ayaw ni Junard masira ang buhok niyang sagana sa gel. Pangalawa, payat si Jere. No'ng huling kapit niya sa likod muntik na mapigtas 'yong braso niya. Pangatlo, volunteer ako. Masaya kaya sa likod, parang may aircon sa ilalim ng palda."

Bumuntonghininga siya at sinapo ang mukha.

"You're ridiculous," bulong-bulong niya, "why did I even insisted of taking you home?"

"Crush mo kasi 'ko, in denial ka lang," siniko ko siya ulit. "H'wag kang mag-alala, pres., tanggap ko namang crush mo 'ko kaso sorry 'di ko maibabalik ang paghanga mong tunay."

"Shut up, my head's spinning," hinilot niya pa ang sentido habang humahalakhak ako sa tabi niya.

"Yieee, amin-amin din kasi kapag may time," siniko ko siya, "magpasalamat ka sa 'kin atsaka do'n sa letter no'ng Valentine's! Aba, ako na ang kumilos pala para sa paghanga mo sa 'kin. Napansin ka na ng crush mo, President, anong feeling?"

"Feeling?" tumitig siya, "feeling ko magpapababa na ako at ikaw na magbayad sa lahat." Sumulyap siya sa labas, "Manong, paki—"

Hinila ko si Damon sa may batok at pinalibot ang braso para takpan ang bibig sabay sulyap sa driver.

"Ano 'yon, hijo?" ani ng driver.

"Ah, wala po, Kuya! Diretso lang," tawa ko.

Nang bumaling siya pabalik sa daan ay handa na akong bulyawan si Montezides kung 'di lang nagtama ang ilong namin at natanto ang pwesto. Natigilan ako.

Ang braso ko ay nasa batok niya habang ang palad ay nasa labi. Dahil sa hatak ko ay magkalapit ang mukha namin, sa tangkad niya'y nakababa ang tingin sa akin.

Nagkatitigan kami. Ang kakaibang kalabog ng puso ay muling nagparamdam sa lapit naming dalawa, ang alon sa sikmura ay umaakyat na sa lalamunan.

"Ganyan din kami no'ng kabataan ng asawa ko," narinig naming sinabi ng driver kaya sabay kaming napatalon palayo.

Natulak ko si Damon, 'di pinansin nang biglang may lumagabog sabay ayos ng upo.

"Hindi, Kuya! Friends lang kami!" sagot kong malakas.

"Sus," tumawa siya, "friends lang din kami ni Cora dati! D'yan kami sa ganyan nagka-develo-pan."

"Hindi! 'Di ba, Pres.?" iling ko pa bago sumulyap kay Damon, napatalon bigla nang ang matalim niyang tingin ang nasalubong ko habang nakahawak siya sa ulo.

"Bakit? Bakit?" nag-aalalang tanong ko. "Bakit ka nakahawak sa ulo? Ayos ka lang?"

"After I bumped my head when you pushed me? Yes, of course. Ayos na ayos lang ako, Maria," malamya niyang sagot at hinilot ang sentido.

"Sorry..." tumawa ako, "ikaw kasi, kitang wala akong pambayad ng traysikel ta's ipapasalo mo pa sa 'kin!"

Umingos siya at hinawakan ang ulo.

"Sorry na nga," medyo nakakasuka pero pinalambing ko ang boses.

"Wow, that was the most genuine apology I've ever heard," bulong niya sabay sulyap sa akin at nahuli akong pinapanuod siyang natatawa. "Alright, whatever. Just shut your loud mouth and let me take you home in peace."

"Okay," tumawa ako, "mabait ka rin pala, Pres., ano? Akala ko nagmumukmok ka lang dati sa pag-aaral, eh. O kaya sa SSG at basketball. May humor ka rin pala sa katawan?"

"I'm not a clown, Maria." Umiling siya at sumulyap sa bubong ng traysikel nang may madaanang batuhan at tumama ang bunbunan niya.

Matangkad siya kaya parang ang liit-liit ng traysikel sa kanya.

"Oo nga, pero akala ko 'yon lang. Nerd ba gano'n," sagot ko.

"Nerd?" ang mapungay niyang mata ay tumitig nang tinagilid niya ang ulo para panoorin ako. "I am not wearing glasses now. This still a nerd to you?"

Tumitig ako sa kanya, ang mga tingin niya'y tila may magic na kasamang humahatak sa akin palapit—umiwas ako.

"Nerd pa rin," sabat ko at sulyap sa phone ko pabalik sa kanya na nanatiling gano'n ang ayos, binabantayan ang kilos ko. "Gusto mo mag-soundtrip?"

"What song?" tanong niya kaya ang isang earphone ay inilagay ko sa tainga niya habang ang isa ay ang sa akin.

Pinili ko ang kanta at pinatugtog, ang pamilyar na liriko ay pumapailanlang.

Mamahalin kita ng walang hanggan

At hinding-hindi ka iiwan

Walang masama kung tayo'y magkasama

Narinig ko ang mahinang tawa niya, "what's this song?"

"Magkasama ang title," sulyap ko sa phone. "RYDN ang artist. Uso 'yan ngayon."

At kahit tayo'y nagkakamali

Hiling na sana'y di nalang nangyari

Pero ayus lang basta tayo'y magkasama

"Hmm," he nodded, "it sounds familiar, baka napatugtog na ni Hunter 'to."

Simula ng makilala ka, iba nadarama

Puso ko ay sigurado na ikaw na nga

Ang paglalaanan ko ng buong mundo

Bibigay ang buhay ko, para lamang sa iyo

"Hunter?"

"My brother," sagot niya. "He'll be in his first year next school year."

Narinig ko na na may mga kapatid siya pero ngayon ko lang nalaman ang pangalan!

Pag nangako ka hindi ako aalis

Makamtan ko lang ang pag-ibig mo na kay tamis

Ano ba dapat gawin para makita mo

Nandito lang ako, hindi ako lalayo

"Ohh..." tumango-tango ako, "ilan kayong magkakapatid?"

"Three," sagot niya. "Panganay ako, Hunter's the second one. Bunso si Atlas."

"Lahat lalaki?" napangiti ako, "masaya siguro maraming kapatid, 'no? Isang anak lang kasi ako, eh."

"It's great having brother," sagot niya. "Masakit lang sa ulo at mga bata pa, hindi masaway. Parang ikaw."

Nagkatinginan kami. Napatawa ako't tumaas ang sulok ng labi niya.

"Ilang beses nang sinasabihan sa uniform at ID, hindi nakikinig," umiling siya.

"Sorry na, Pres.," ngumisi ako. "Susubukan ko na sumunod, baka stressed ka na masyado. Ayaw ko namang mamuti kaagad ang buhok mo kakapanuod sa 'king tumatalon sa pader."

"You should," he smiled lazily. "Or else I'll take you myself to the guidance. What do you think they'll think after seeing their president bringing his crush to the office?"

"Sasabihin nilang wala kang kinikilingan, walang pinoprotektahan!" I chanted, ginagaya ang balita sa T.V. "President Damon Montezides, re-elect sa pagiging presidente! Serbisyong totoo lamang!"

Mahina siyang natawa. Napangiti na rin ako.

"Then, be my guest. I'll happy taking you captive to the guidance," tumaas ang sulok ng labi niya. "Basta ako lang huhuli sa 'yo."

Mamahalin kita ng walang hanggan

At hinding-hindi ka iiwan

Walang masama kung tayo'y magkasama

Sa maingay na tunog ng makina ng traysikel, sa pag-alog nito't pagtama ng likod ko sa gilid dahil sa nadaanang batuhan at tugtog ng kanta sa earphone ay mas malakas ang kalabog ng puso ko.

At kahit tayo'y nagkakamali

Hiling na sana'y 'di na lang nangyari

Pero ayos lang basta tayo'y magkasama

Hindi ko mapigil ang sarili sa pagtitig sa kanya at mukhang gano'n din siya sa 'kin. Unti-unti'y nawala ang ngisi ko at napalunok nang makitang nahulog ang tingin niya sa labi ko.

"Dito na," nahugot ko ang hininga at sumulyap sa driver na nakangiti sa amin sa loob. "Ganyan talaga ng buhay estudyante, bitin ang ligawan kapag uwian."

"Hindi nga kasi ligawan, Kuya," sa pagsulyap kong muli kay Damon ay nakalabas na siya.

Sumunod ako at nagtaka pa nang ilagay niya ang palad sa may labasan para hindi tumama ang ulo ko sa traysikel hanggang sa makalabas.

"Salamat, Pres., nag-abala ka pa." nangunot ang noo ko nang may naisip, "pero oo nga pala, paano mo nalaman ang bahay ko? 'Di ko naman sinabi, ah?"

"Huh?" his jaw clenched and looked around, "well... I'm the president." Tumikhim siya at namulsa sa harapan ko.

"Anong connect?" humalukipkip ako at may malisyang napangisi, "ikaw, Pres., ah? Baka stalker ka—"

"I have the student's records, Revelia," seryoso niyang sabi.

"Oh? Tapos, tinignan mo ang akin?"

"No, well..." tumikhim siya at sinuklay ang buhok niya, "yes, I looked for you info."

"Huh!" natawa ko, "sabi ko na nga't may crush ka sa 'kin—"

"Nope, you have a lot of uniform violations and I'm taking records. That's why I checked," gumaan ang ekspresyon niyang tila natatawa sa sinabi niya, "don't expect an easy access about your good morals."

"Hala! H'wag namang gano'n, President!" singhap ko pa pero sa halip ay may kinuha lang siya sa bulsa at ipinasuot sa leeg ko.

Bumaba ang tingin ko sa ID pabalik sa kanya.

"I took care of your ID," aniya. "Now, go home before it gets dark. We'll go once you're inside."

Tumalon ang puso ko at mahigpit na humawak sa lace ng ID.

"Thank you ulit, President," ngumiti na ako at unti-unting umatras, "bukas na ulit kita guguluhin!" kumaway ako habang tumatakbo papunta sa bahay.

Pagkapasok ay sumilip ako sa bintana at nakita si Damon na inililibot ang tingin bago may sinabi sa driver at muling pumasok sa loob, inantay lang na makapasok ako.

Napahawak ako sa dibdib at dinama ang kalabog ng ingay nito. Nahulog ang talukap ng mata, napapailing.

Nababaliw ka na, Revelia. Kailan ka pa kinilig sa kahit kanino bukod sa One Direction?

Ipinagsawalang-bahala ko iyon. Nagsaing ako, naglinis ng bahay at nagluto ng ulam habang inaantay si Mama makauwi galing sa trabaho niya sa may salon malapit sa munisipyo.

Nagbasa muna ako ng librong sapilitan pang binili para sa English subject namin at may book fair kami sa school. Kunwari lang may book review pero gusto lang talaga nilang may benta sila.

Diary of a Wimpy Kid

Nalibang ako sa kakabasa at kinuha ang ballpen para magdagdag ng drawing sa illustration sa loob, napapangiti nang mas nagkabuhay dahil sa dagdag kong kulay at illustration.

Nalibang ako pero sa pagtulog sa gabi'y muling binagabag ni Damon Montezides at ng itim na mga mata niya.

Matagal ko na siyang kilala at baka gano'n 'di siya sa akin. Dito na ako simula elementary, gano'n din siya at dati pang matalino. Suki sa quiz bee, spelling bee, Valedictorian pa no'ng bago kami mag-high school.

Kilala ang mga Montezides sa buong Tuguegarao at Peñablanca at Mayor ang lolo nila ng matagal na panahon. Kilala rin sila at ang Mommy at Daddy nila ang palaging guest speaker sa events at mga graduation.

Kaswal lang kami noon, 'di nag-uusap ng parang magkaibigan dahil 'di naman kami talaga gano'n. Minsan ay nagkakasalubong pero walang pansinan.

S'yempre, lowest section ako at siya ang highest section. May linya talaga na naghahati sa dalawa at bawal magsama.

Isa pa, napapansin lang naman ako ni President sa violations ko at ng barkada ko. Naalala ko no'ng first year na nag-cutting kami para sana manuod ng Dota nitong nina Jere at Junard nang may mangyaring 'di ko makakalimutan.

'Di pa siya presidente ng SSG noon at miyembro lang pero isa na siya sa tinitingalang leader. Miski nga seniors ay hanga d'yan.

IQ niya pang-Einstein. Genius na.

Tumalon kami sa pader at nahuli ako nang maabutan kami. Nakatalon ang tatlo at tinatawag ako pero ang pesteng palda ko ay sumabit sa hollow blocs at nagkasugat pa ako.

Kapag tumalon ako, mapupunit ang palda ko at makikita ang shorts kong puti at panty na may schedule na Tuesday kaya 'di ko ginawa.

"Revel!" sigaw ni Eunice.

"Mapupunit ang palda ko!" sigaw ko.

"Okay lang 'yan!" sigaw niya.

"Makikita panty ko!" singhal ko.

"What are you doing there? Get down, now!" sigaw no'ng matangkad na first year, nakasalamin man ay kita ang talim ng mata habang pinapanuod akong nakaupo sa itaas.

Umangil ako.

"Bilis, boss! Saluin kita! Mababa lang naman!" sigaw ni Junard pa kaya suminghap ako.

"Get down here!" utos no'ng Montezides.

Yabang naman nitong nerd na 'to!

"Ayoko!" singhal ko sa kanya.

"Now, Miss!" mariing sinabi niya sa akin. "Bababa ka o..."

"O ano?" laban ko, "bakit kita susundin, aber? President ka ba? Peace officer ka naman!"

"So? It doesn't matter!" singhal niya, "get down, now!"

"Heh! Kapag president ang nag-utos atsaka ako papayag!" singhal ko sabay tayo at hila ng palda na may punit para maghandang tumalon kina Jere sana pero 'di ko napansing nasabit din ang kabilang parte ng palda ko kaya nawalan ako ng balanse at pabaligtad na nahulog.

Sa halip na kina Jere ay sa pwesto nina Damon ako nahulog. Napasigaw ako, hindi inaasahan ang nangyari, takot na takot na mababagok pero may brasong sumalo sa akin bago kami natumbang dalawa sa lapag.

May lumagabog. Malakas akong suminghap nang napaibabaw ako sa kanya, galit na galit na.

Pakialamero! Peace officer lang naman!

"Ikaw! Bastos!" singhal ko pa pero napawi lang nang matantong ang lalaking nasa ilalim at nadaganan ko ay nakapikit. "H-hoy! Gising!" tinapik ko ang pisngi niya pero nanatili lang siyang nakapikit.

Nahulog ang braso niyang nakapalibot sa katawan ko. Nahulog ang panga ko.

"Dame!" sigaw ng secretary na si Mindy. "Oh my, God!"

"H-hoy, gago ka, 'tol! Patay ka na?!" Binalot ako ng pag-aalala at napasinghap na at sinampal ang mukha ni Montezides pero tumagilid lang at 'di sumagot.

"Bakit mo sinampal si Dame, tanga ka?!" sigaw ni Mindy at nang dumating ang ilang miyembro ng SSG ay dali-dali akong napalayo kasabay ng matinis na sigaw ni Mindy.

"Nahimatay si Damon!" sigaw niya at nakatulala lang ako habang sabay-sabay nilang binuhat si Peace Officer Damon Montezides na parang lantang-gulay sa stretcher papunta sa clinic.

Seguir leyendo

También te gustarán

4.6M 15.1K 7
Dennis saw how Rurik secretly adore Rossette which made her challenged to steal the man. The fate must be on her side as Rossette chose her family an...
316K 21.9K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...