Roses And Melody (Under Revis...

By PotatointheCloud

17.6K 471 190

Aryka Alcazar has a past that she wants to forget when she was a kid. That's why to cover up her wounds from... More

Work of Fiction
Warning
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Epilogue
Special Chapter 2

Special Chapter 1

451 11 3
By PotatointheCloud


5 years later...

Nakaupo ako sa sofa ng marinig kong magbukas ang main door ng bahay at iniluwal nito ang dalawang bata.

"Mommy!"

Tumayo ako upang salubungin sila ng yakap.

Binuhat ko ang batang babae at hinawakan naman ang lalaki sa kamay.

Sabay kaming nagsi-upo sa sofa.

"What's wrong sweetie?" Nag-aalalang tanong ko.

"Kuya, anong nangyari sa kapatid mo?"

Ipiniling niya ang kaniyang ulo. "Hindi ko po alam, Mommy. Basta kaninang pagkasakay namin sa car bigla na lang siyang umiyak."

"Kasi naman kanina we have a test."

"And then?"

"My hands hurt because we should write our names on the paper, and guess what? We have five tests!" Itinaas pa nito ang kaniyang nakabukang daliri.

"So that's what you're complaining about right now?"

"Bakit kasi ang haba-haba ng name ko? I hate you, Mommy!"

Namumula na ang ilong, tainga at pisngi nito dahil sumisinghot siya.

"Why are you hating me? Blame your daddy. He's the one who named you sweetie."

Kaiden and I have two children and they are twins.

'Yung umiiyak ay ang bunsong babae.

Her name is Kia Ashira Celestine Nayela Alcazar Sandoval.

Chubby ito na maputi ang kutis, mahaba rin ang buhok niyang umaabot hanggang sa balakang, malalantik ang pilikmata nito at magka-iba ang kulay ng kanyang mga mata, sa kaliwa ay light green at sa kanan naman ay light blue, hindi ko rin alam kung bakit pero bihira lang daw ang nagkakaroon ng gano'n. Kahit bata.

Iyakin din siya at hindi mahilig makipaglaro sa ibang bata at mas gustong nandito lang sa loob ng bahay, o 'di kaya ay nasa lola't lolo niya.

Samantalang ang kambal niya naman na mas naunang lumabas ay si Kai Alcazar Sandoval. He was named after Kaiden's mom's nickname on him.

Bagsak ang buhok niyang two-block haircut din tulad ng sa ama. Maputi at makinis din siya, mahahaba ang pilikmata at sakto lang ang nipis ng kilay. Kulang brown naman ang kulay ng kanyang mata na nakuha rin sa ama. Mapula rin ang kaniyang labi na kakulay ng mansanas.

Carbon copy siya ni Kaiden noong bata.

Kabaliktaran naman ang ugali ni Kai kay Kia dahil bibo siya at mahilig makipaglaro sa kahit na sinong batang makakasalamuha niya, mas gusto rin niyang hindi natao dito sa bahay at madalas na sumasama sa Tito Delvian niya.

Para sa amin ay milagro silang dalawa dahil nagkaroon ng komplikasyon noon sa panganganak ko, mababang porsyento lang daw kasi na mailabas ko silang dalawa ng buhay.

Nang dahil doon ay hindi na ako pwedeng manganak pa ulit.

"Where's, Daddy?" An'ya sa naiinis na boses.

"Nandito na pala ang mga baby ko." Nakasandal si Kaiden sa may pinto malapit sa kusina.

"Dad!" Aning Kai sabay takbo sa ama para yumakap.

"Hey, kiddo. Daddy misses you."

"Me too!"

"How about my Nayela, don't you want to hug your dad?"

"Ayoko nga, galit ako sa 'yu!" Itinirik niya ang mga mata at nagpout ang manipis na labi.

Bukod pala sa iyakin ito ay attitude rin, ewan kung kanino nagmana.

Si Kaiden na lang ang lumapit at lumuhod sa tapat ng anak para magpantay sila.

"Baby, don't be angry. You have a very beautiful name and it is unique."

"Bakit si Kuya Kai, maiksi lang?"

"Kas-"

Bago pa masagot ni Kaiden ang tanong ay nagbukas na ang pinto.

"Sino nang-aaway sa pretty na 'yan?"

"Uncle Theo!" Patakbong tinalon ni Kia si Theo.

Napangiwi ako ng pinaghahalikan niya ang bata sa pisngi. Buti na lang mabango ang lalaki kung hindi e, di, no way.

"I have a gift for you, pretty."

Pumalakpak ito. "Talaga uncle nasaan po?"

"Andoon sa car kukunin natin later."

Mukhang bumalik na ang bata sa mood.

Favorite niya kasi si Theo, palibhasa spoiled siya rito.

Sa likod nito ay nakasilip si Alea at Delvian.

"Uncle Mac!" Si Kai naman ang tumakbo sa gawi ni Delvian para magpabuhat.

"Hey, kiddo."

"Ano at narito kayo?" Nakapamaywang na tanong ko.

"Susunduin lang namin anak niyo girl, pupunta kasi kami sa mall at isasama namin si Kia.

"Ikaw naman?" Tumingin ako kay Delvian.

"Pinapasundo ni Uno at Dos, maglalaro raw sila."

Tumingin ako kay Kaiden para magtanong kung okay lang, mabuti at tumango naman ito.

"Osya, ibalik niyo sila bago mag five."

"Mauuna na kami pretty." Paalam ni Theo.

Marahil ay nakapagtatakang tawag din ni Theo kay Kia ay pretty, dahil para daw kay Theo ang anak ko ay ang batang version ko, at si Kai naman ay kamukha ni Kaiden.

Pero sa tingin ko naman ay mas magkakamukha silang tatlo kaysa sa akin.

Pagkaalis nila ay umakyat na ako ng second floor at tumungo sa kwarto.

Sa may balcony ako dinala ng aking mga paa.

Habang nakatunghay sa malawak na bakuran ay nagsisagi sa aking isipan ang mga nangyayari sa buhay namin nitong mga nakaraang taon.

Pagkatapos ng kasal namin ni Kaiden ay napagpasyahan niyang magpatayo ng Mansyon dito sa isa rin nilang property at malapit lang sa Sandoval's mansion para raw kahit papaano ay makabisita ang parents ni Kaiden.

Ang sabi ko sa kaniya ay ayaw ko ng malaking bahay, 'yung sakto lang sana ang kaso nakapatayo na pala siya bago niya ako komprontahin.

Hindi ba talagang desisyon siya. Natural naman ipagiba ko ang mansion na ito.

Sa Canada ko rin ipinanganak sila Kai at Kia dahil doon ang payo ni Doc Louis at ng umabot na sila ng isang taon ay bumalik na rin kami dito.

Wala kasi talaga akong balak na tumira sa ibang bansa. Ang gusto ko kung saan ako ipinanganak ay doon ako.

'Yung mga company ko naman ay ipinangalan ko na kay Kaiden at siya ang kasalukuyang nag mamanage ng mga 'yon.

Hindi ko na kasi mahaharapan ang mga kompanya sa totoo lang. Mas gusto kong mag focus sa mga anak ko. Gusto ko na maalagaan ko sila at makita ang paglaki nila. Ayaw din kasi ni Kaiden na magtrabaho pa ako.

'Yung isa naman na kompanya ay ibinigay ko na kay Mr. Diaz bilang tanda ng pasasalamat ko sa lahat ng nagawa niya para sa akin, naalala ko pa nga na ayaw niyang tanggapin eh, siguro mga isang buwan bago siya pumayag.

Gano'n din si Kaiden, lahat ng property na meron siya ay naka pangalan sa akin.

Siyempre pag na tyugi siya ay siguradong sa akin babagsak ang pag-aari niya.

Natawa na lang ako sa naiisip.

At 'yung mga kaibigan ko naman? Si Theo at Alea ay kinasal na tin 3 years ago at may nag-iisang anak silang babae. Akalain mo nga naman na sa dami ng pinagdaanan nila sa buhay ay sa huli sila pa ang nagkatuluyan. Pati iyong si Delvian ay kinasal nga limang buwan pagtapos ng kasal namin ni Kaiden. Naging kaibigan din namin ang asawa niya dahil mabait siya. At si Ash naman ay na sa Italy, talagang pinursue niya na magtrabaho doon dahil dream country niya, tinulungan naman siya ni Kaiden dahil malaki rin ang impluwensya niya sa Italy lalo pa't si Mommy Genevieve ay half Italian.

"What is your plan now, wifey?"

Hindi ko napansing na sa likuran ko na pala si Kaiden, hilig talagang sumulpot ng lalaking ito.

"Anong plano ko?" Balik tanong ko sa kaniya.

"Maybe you want to go back to the States for our vacation this year."

Oo nga pala, every year ay nagtatravel kami abroad para magbakasyon.

Come to think of it, kailan na nga ba ang huling nakatungtong ako ng state? Hindi ko na rin maalala.

Madalas kaming nag-iibang bansa pero hindi ako makauwi sa State.

"Wifey, I want to officially ask for your hand in front of your father even though we are already married. That is one of my wishes."

This guy never fails to make my heart feel soft towards him.

"Let's do that, the four of us."

"Pero kailan ba?" Tanong ko ulit.

"Tomorrow."

"Agad-agad?"

"Yes."

Ihinilig ko ang aking ulo sa kaniyang balikat at ninamnam ang masarap na simoy ng hangin.

Kaiden did what he promised when he proposed to me. That he would make sure that I would be very happy. Sa mga taon na lumipas ay mas lalo ko lang siyang minahal at sa limang taon na lumipas ay hindi siya nagbago ng pagtrato sa akin. Palagi niyang pinaparamdam na mahal niya ako at mahalaga ako sa kaniya, kami ng mga anak niya."

♪♪♪

"Mommy where are we going?"

Tanong ni Kia habang nilalantakan ang ice cream na binili nila.

Kakahatid lang sa kaniya rito sa bahay at ito kumakain nanaman. Si Kai naman ay nandito na rin at halos magkasunod lang silang hinatid kanina.

"We are going to visit Lolo."

"Si Dada Viktor po?"

"No, sweetie, your other Lolo."

"Wow! Si Dada Sebastian." Masayang harang ni Kai.

Naikwekwento ko rin sa kanila ang Daddy ko siyempre, pero hindi na ang totoong sino ito. Mas gusto kong mga magagandang bagay lang ang nalalaman nila at natututuhan ng dalawa.

Pagdating ng tamang oras ay babanggitin ko sa kanila ang lahat ng pinagdaanan ko pero hindi sa ngayon.

"Yes, Sweetie."

"Pero how we should visit him po, sinabi mo sa akin Mommy na nasa heaven na siya. Papakamatay po ba tayo?" Tanong naman ni Kia.

Mahinang natawa ako sa sinabi nito, kanino niya ba nalalaman ang mga ito?

"Of course not, bibisitahin natin siya sa cemetery, do you know what that is?"

"Yes Mommy, doon po kayo ililibing pag tumanda na pati ako."

Napatanga ako sa sagot niya, "Ikaw na bata ka saan mo ba natutunan iyan?"

"Malamang kay Theodore." Sabat ni Kaiden na lumapit sa akin at humiga sa aking mga hita.

Pumalakpak si Kia.

"Correct Daddy, silang dalawa ni Tita Alea at Tito Theo."

Si Kai nanaman ang sumagot. Bakit ba parang ang hiling sumabat ng mag-aama ko.

"Hoy! Umalis ka nga diyan at nag-aayos ako ng damit." Saway ko kay Kaiden.

"Mamaya na 'yan, inaantok ako."

"E, di doon ka sa kama at huwag dito."

"I can't sleep when you are not by my side."

"Andami mong ka artehan."

Sinimangutan niya ako. "Hindi ba ako pwedeng maging maarte minsan?"

"Oo, hindi."

"Ano 'yun kapag nag-aaway, kayong mga babae lang pwede suyuin? Kayo lang din pwedeng magpalambing tyaka mag attitude?"

"Pwede naman tapos pasuyo ka kay Theo."

"Wifey!"

"Biro lang naman, ikaw masiyado kang nagseseryoso."

"Palagi naman akong seryoso sa 'yo."

Humalik ito sa labi ko na ikinabigla ko, smack lang naman.

"Hey!"

Smack ulit.

"Kaiden!"

Tapos smack nanaman.

Hahalik pa sana ito ulit kung hindi ko lang nasapak.

Wala tuloy siyang nagawa, isinubsob niya na lang ang kanyang ulo sa may tiyan ko.

"Ew, so cheesy, my eyes hurt." Nakalapit na pala ang mga bata sa amin.

Nakatakip ang mga mata nila pero may siwang naman.

"Who's cheesy, baby?"

"Both of you."

"Halinga kayo rito." Ani Kaiden.

Kiniliti ni Kaiden si Kia habang si Kai ay nagpupumiglas sa kamay ko para makalayo sa amin.

Hanggang sa napuno nanaman ng masayang sigawan ang kwarto.

♪♪♪

"Here we are, Kaiden."

Nandito na kami ngayon sa isang private cemetery kung saan nakalibing si Dad.

Halos dinaanan na rin talaga ito ng panahon pero hindi pa rin nawawala ang ganda ng tahanan niya at mismong si Mr. Diaz ang may gawa nito.

"Dad, how have you been?" Ipinatong ko ang bulaklak na dala namin at pinagtirik siya ng kandila.

"I'm with someone right now."

"Dada, Hewwo!" Si Kia.

"Hello po, Lolo." Sunod naman ni Kai.

"She is my daughter and Son, Dad. Mga apo niyo po."

"It's shocking, right? You are probably wondering about this news but I know you are happy."

"I did what you wanted, to be happy with someone I love."

"He is right beside me and he wants to talk to you."

"Come on, Kaiden." Ngumiti ako sa kanya.

Sandaling iniwan ko muna si Kaiden dahil nagpapahatid na sina Kia at Kai, kay Mr. Diaz doon sa may kotse.

Inaantok na raw kasi sila, paano ba naman pagkababa ng flight namin ay dito na kami dumiresto.

At sinong may plano? Tanong niyo kay Kaiden.

Speaking of him ayon natatanaw ko at presenteng nakatayo sa harap ng puntod.

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan. Siyempre isip niya 'yun e, di siya lang ang may alam.

Ilang hakbang na lang ako palapit sa kaniya ng narinig ko siyang nagsasalita.

"Ako na po ang bahala sa prinsesa niyo Sir, I will do everything to protect her, and my family."

"Alam kong hindi kami nagkakilala ng maayos pero naging kami naman po sa huli, hindi rin naman ako papayag kapag hindi."

Mahina akong natawa sa huli niyang sinabi.

"I know I married her already and have a children, but I still want to ask your daughter for her hands in front of you and your grave as a sign of my respect."

"Wifey, I know you are behind me." Lumapit na ako sa kanya at tumabi.

Alam niya na palang na sa likod niya lang ako.

"So wifey, would you still want to continue your story with me?"

"Of course, YES. It will always be my answer Kaiden no matter what." Walang pag-aalinlangan na sagot ko.

"Thank you for accepting me, Ari."

"No, thank you for being the light and the right path when I lost myself. Thank you for accepting me. Thank you for loving my scar and flaws. Thank you for loving me wholeheartedly. Thank you for giving me the best family. Thank you, because you exist in my life. Thank you for everything." Hindi sapat ang salitang thank you para sa lahat ng ginawa ni Kaiden sa akin. Kaya ipaparamdam ko na lang sa kanya iyon habang nabubuhay ako.

"Oh, and I love you."

"I love you too, wifey."

Can I still find another man like him? Probably not.

Nagtagal lang kami sandali at pumunta na rin kami kina Mr. Diaz.

"Mommy, Faster na!" Kumakaway-kaway ang maliliit na braso at kamay ni Kia saamin.

"I thought you were going to sleep?

"Hinihintay niya kayo, young lady." Sagot ni Mr. Diaz.

"Tagal-tagal niyo po kanina pa kayo."

Ang batang ito nag hi lang naman kay Dad napagod na ata agad.

"E, di dapat natulog ka na. Where's Kuya Kai?"

"You know naman na I can't sleep kapag wala ka sa tabi ko 'di ba? And Kuya is sleeping na." Sabay na pinaikot nito ang kanyang mga mata.

Aba nangingisnab ah! Pigilan niyo ako, anak ko ito.

"Nagmana sa 'yo iyan." Bulong ni Kaiden na nasa tabi ko.

"Anong sa akin? Mas kuha sa 'yo."

"Tama na nga 'yan Mommy, Daddy tara na mamaya na ang sweet moments, patulugin niyo na muna ako."

"Opo, ito na."

Gosh, this little girl is so maattitude.

--------------------------------------------------------------

Kaiden's POV will be the last chapter.

Continue Reading

You'll Also Like

85.2K 1.5K 12
"I've waited for her since I was a kid," he said. "What makes you think that I would give up waiting just because you told me to do so?" he confident...
291K 12.5K 40
In a white room laid a weak petite girl with wires inserted into her body and with her last breath, she thanked her doctor who had been taking care o...
230K 5K 29
Book 2 to 'Without A Choice' °°° What if your friends were in great danger. But you couldn't help them without putting yourself in danger. Would yo...
24.7K 709 29
Athena County Arnais is a woman who loves freedom. At the age of 22, for the first time, she decided to disobey her family's domination over her. She...