Breaking the Stoneheart (La T...

By issakalsada

4.5K 158 21

LA TIERRA DE CONDE SERIES Series 2 Breaking the StoneHeart SYNOPSIS "No matter how strong a person you are, t... More

Breaking the Stoneheart
SYNOPSIS
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 26

69 1 0
By issakalsada

Chapter 26
Sobra

Bakas sa aking mukha ang kasiyahan matapos akong maihatid ni Cross dito sa eskwelahan. Araw-araw na niya akong hinahatid kahit hindi naman kailangan. I can commute and pay for myself. Pero hinahayaan ko nalang, except sa makakatipid ako, magaan din ang loob ko kapag kasama ko siya.

Tumambay muna ako sa likod na palagi kong tinatambayan, maaga pa naman at paniguradong wala pa ang iba kong mga kaklase sa room.

Pinagmasdan ko ang paligid. Sumasayaw ang mga puno at halaman dahil sa maagang simoy ng hangin. Unti-unti na rin dumarami ang mga pumapasok na estudyante. Masaya silang nagkukulitan at nagaasaran na parang mga bata.

A smile plastered on my lips but it fade away immediately. Sari-saring emosyon ang namutawi sa aking katawan.

Naalala kong muli si Mama. Paano niya nakakayanan na mawalay sa kanya ang anak niya? Matagal na ako dito sa probinsya pero kahit isang araw, hindi niya manlang ako madalaw. Ganoon na ba talaga kalaki ang galit niya sa akin? Kasalan ko ba talaga kung bakit nangyari ang lahat ng ito sa kanya?

Sa tagal kong namalagi dito, I learned how to keep my emotions all by myself. And I guess, that's the toxic trait about me. I am so good at it. I never let my inner thoughts and emotions and be read by someone not until I met Cross. Siya lang ang may kakayahang basahin ang isip maski ang nararamdaman ko na hindi ko kailanman pinakita o pinaramdam sa lahat.

Tumayo na ako at nilakasan ang loob.

"Make sure na maayos lahat. I'm counting on you guys."

"Yes, Pres."

Diretso lang ang lakad ko sa pasilyo papunta sa classroom namin nang matanaw kong papalabas ng council room si Kian at ang iba niyang kasamahan.

Nang matanaw ako, bumaling muna ang atensyon niya sa mga kasama at may sinabi, pagkatapos ay agad na sinalubong ako.

Fuck! What happened last time is still fresh for me. I couldn't imagine that he has feelings for me in just a short period of time! I composed myself. He was drunk the time when he confessed to me, baka naman nakalimutan na niya iyon ngayon. I'll just pretend that it didn't happened.

Dire-diretso ako ngunit hinarang niya ang katawan niya para hindi ako makalagpas.

"Hi, Rielle." Nangingiti niyang bati sa akin na agad ko naman sinuklian iyo ng ngiti. "Pwede ba tayong mag-usap?" Kinabahan ako bigla. Fuck! I don't want to talk about it! Magagalit si Cross! Damn it, Rielle! Bakit si Cross pa ang iniisip mo ngayon.

"T-tungkol saan?"

"About what happened—"

"Don't worry, you're just drunk that time. Ayos lang, naiintindihan ko." Sabi ko nalang medyo kabado pa.

"Free ka ba next week? Aayain sana kita. Next week na kasi ang send off party namin, kung ayos lang sayo."

Oo nga pala, malapit na ang graduation nila.

"Si—" Naputol ang sasabihin ko sana nang may magsalita sa likod ko at lumitaw siya sa harapan naming dalawa ni Kian.

"She's not available, Kian. You know that." Quinn's said with his cold baritone voice.

Ah! Here he is. This motherfucker! Akala niya hindi ko malalaman ang mga pinagsusumbong niya kay Cross? Gago din talaga ang isang ito!

"Ayos lang, Pres. Free ako." Tinaasan ko ng kilay si Quinn. Wala namang masama kung sasama ako, ah.

"Talaga? Thank you, Rielle!" Sambit ni Kian at kami tinalikuran.

Tinaasan din ako ng kilay ni Quinn na para bang nanghahamon pa ata sakin bago sumunod kay Pres. Magsusumbong na naman iyon sa pinsan niya kaya uunahan ko na. Ke-lalaking tao, tsismoso. Psh.

Mabilis lumipas ang araw.

Alas otso na ako sinundo ni Cross para maihatid sa eskwelahan, doon kasi gaganapin ang send off party ng school sa mga fourth year students.

Noong sinabi ko sa kanya na sasama ako kay Kian sa party, medyo hesitant pa siya no'n. Wala naman siyang magagawa at hindi niya ako pwedeng pagbawalan. In the first place, hindi kami. Hindi niya ako girlfriend. Sinabi niya rin na siya na lang daw ang maghahatid sa akin doon at susundo pauwi.

"Hindi mo naman kailangang gawin ito, Cross." Pangungumbinsi ko sa kanya.

"I want to do this, Rielle. Hayaan mo na." He said firmly. Kanina pa namin ito pinagtatalunan ngunit wala talaga siyang balak na pumayag sa gusto ko.

"A-anong oras mo ako susunduin?"

"Dito lang ako sa labas, hihintayin kita." Namilog ang mga mata ko, nagulat sa tinuran niya.

Dali-dali na akong nag-ayos ng gamit para bumaba na at makauwi lang kaagad. Nakakahiya sa kanya na maghihintay pa talaga siya sa akin.

I heard his chuckles dahil sa pagkataranta ko. Hinaplos niya ng marahan ang kamay ko at ganoon na lamang ang paghaharunentado ng puso ko.

"Don't rush, Rielle. Mag-enjoy ka doon. Call me when you need anything. Dito lang ako." He assured me. Unti-unti akong tumango at lumabas na.

Lumingon ako saglit sa sasakyan at nakita ko siyang nakakunot ang noo habang nakatitig sa damit ko. Napangiti ako ng bahagya. I'm just wearing a simple long silver dress na hapit na hapit sa akin, lumitaw ang kurba ng katawan ko. It has long slits on the side kaya kitang-kita ang mahaba kong legs.

Nang matanaw ni Cross na nakatingin ako sa kanya, nawala ang pagkakunot ng kanyang noo at napalitan ito ng ngiti kaya sinuklian ko din.

Tumalikod na ako at pumasok. Natanaw ko si Kian sa gilid na para bang kanina pa siyang naiinip. Para bang may hinihintay. Nang dumantay ang tingin niya sa pintuan papunta sa akin, nabuhayan siya bigla at masaya niya akong sinalubong.

"Hi, Rielle. Akala ko hindi ka na pupunta. By the way, you look even more beautiful." He complimented.

"Thank you." Sabi ko naman, medyo nahiya sa sinabi niya.

Naramdaman ko ang kamay niya na dumausdos sa bewang ko. Gustuhin ko man na sawayin siya na tanggalin iyonn, hindi ko na ginawa lalo na at marami ang mga matang nakatingin sa amin.

My eyes roam around the whole place. Ayon kay Kian, kanina pa nagsimula ang party, kumakain na din ang iba at ang iba naman, nagsasayawan na sa gitna ng dance floor.

"Dito tayo, Rielle." Iginiya niya ako diretso sa lamesa kung saan nandoon ang mga kasamahan niya sa Council.

I saw Quinn's smirks when his eyes darted to Kian's hand on my waist. May ibinulong sa kanya ang kasamang babae pero nakangisi pa rin sa amin.

Marahan kong tinanggal ang kamay ni Kian sa akin, nagtaka siya pero mabilis lamang iyon at binalewala lang din agad. Nang bumaling ako kay Quinn, mas lalong lumapad ang ngisi niya na ikinairita ko.

Inirapan ko siya at hindi nalang pinansin.

Binigyan ako ng pagkain ni Kian at nanatili sa tabi ko.

"Mic test. Mic test." Tumigil ang tugtog at nagsibalikan ang mga estudyante sa kani-kanilang mga lamesa. "Good evening, guys! I hope everyone is enjoying this party. I just want to dedicate this song to my one and only, Quinn Javier! Babe, this one is for you." Naghiyawan ang lahat dahil sa tinuran ni Irah.

Nilingon ko si Quinn. Inaasar siya ng mga kasama ngunit binalewala niya lang. Nakaakbay na siya ngayon sa katabing babae na hanggang ngayon ay may ibinubulong pa rin sa kanya. Nakakunot ang kanyang mga noo at matalim ang titig kay Irah na ngayon ay nasa stage, nagsisimula ng kumanta.

Napangisi ako.

Pagkatapos ng madramang kanta ni Irah, bumalik lang ulit sa pagsasayaw ang mga estudyante. Inaya ako ni Kian na sumayaw, pumayag na din naman ako

Pag lingon ko, wala na si Quinn sa upuan niya, ang babaeng katabi na lamang ang nandoon, nakabusangot pa.

"Ang ganda mo talaga, Rielle." Panimula ni Kian habang nagsasayaw kami.

I tilted my head down to hide my face. He tugged some strands of my hair behind my ears.

"Stop staring. I hate it." Pigil ko sa kanya. Kanina pa kami nagsasayaw at kanina niya pa rin ako tinitingnan. Nakakainis lang.

"Then you should stop being damn so pretty first." At humalakhak siya ng marahan.

"Ewan ko sayo. Umupo na nga lang tayo." Aya ko sa kanya.

Inalalayan niya din naman ako pabalik sa lamesa namin. Nagpaalam na ako sa kanya kalaunan na uuwi na ako.

"Ihahatid na kita."

"Hindi na, Pres. May sundo ako, nasa labas siya. Salamat sa pag imbita."

"No, Rielle. Thank you kasi pinaunlakan mo ako. Sana maulit ito, na tayong dalawa na lang." Mapait akong ngumiti sa kanya. Hindi na kaya pang dagdagan ang sinambit.

Hinatid niya ako sa labasan at bumalik din agad sa loob. Nunit pag lingon ko, natanaw ko si Cross sa labas, nakahilig sa hood ng kanyang sasakyan. He's with Thea, kinakausap siya pero diretso at mariin ang tingin niya sa akin na para bang may ginawa akong hindi niya nagustuhan ngayong gabi.

Nairita ako. Tss.

Umayos siya ng tayo at iniwan si Thea, sinalubong niya ako.

"Uuwi na tayo?" Mariing tanong niya sa akin.

"Kung ayaw mo pang umuwi, maiwan ka na dito. Uuwi na ako." Pinagdiinan ko ang mga katagang sinambit pagkatapos ay hinanap si Thea sa likod niya ngunit wala na ang babae.

"Let's go. Uuwi na tayo, malamig na dito." Hinila niya ang palapulsuhan ko at nagpatianod na lamang ako.

Actually, ayoko pa sanang umuwi sa bahay. Nabagot na ako doon sa party sa loob at gustong-gusto kong sa labas na lang dahil nandito si Cross pero paglabas ko, ganito nalang ang maabutan ko? I know that I'm being unpredictable. Wala akong karapatang magalit dahil hindi naman kami. Pero shit lang! Inamin niya na mahal niya ako pero may babae pa rin na susulpot-sulpot sa tabi niya.

I'm being unreasonable, I admit! Hindi maiiwasan iyon lalo na at kilala siya dito sa buong bayan, gwapo pa.

"You okay? How's the party?" Tanong niya nang maramdaman na wala akong imik kanina pa.

"I'm fine." The I rolled my eyes looking outside the window. "It's fine." I guess.

"You don't look fine."

"Then stop looking." Bulyaw ko sa kanya.

"What's the problem, Rielle? Tell me." Nanginig ang kalamnan ko nang hawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lap ko.

"Wala."

"Bumaba lang ako sa sasakyan, hindi ko inaasahan na nandoon si Thea at nilapitan ako." Paliwanag niya kahit hindi ko naman iyon kailangan.

Inirapan ko siya. Fuck him! He really knows how to read my mind!

"Kinakausap niya ako pero hindi ko naman naiintindihan. I was fucking so busy thinking about your dress. I'm pretty sure lots of assholes there will watch your every move." Mariin na sabi niya. Nanginig ako.

He squeeze my hand smoothly at medyo gumaan ang pakiramdam ko. Nawala ang galit at iritasyon sa dibdib ko na kanina ko pa iniinda.

I looked at him and smiled to assure him that it's okay, I'm fine.

Shit, Rielle! Ganoon na lang kadali? Isang haplos lang ni Cross, ayos na? Hindi ka na naiirita? Ang galing mo din eh, noh?

Bumaling ulit ako sa labas at tumingala.

"Ang ganda ng buwan." Sabi ko na lamang.

"Sobrang ganda." Bulong niya. I saw him in my peripheral vision that he's looking at me, hindi tuloy ako makalingon sa kanya.

"Mag drive ka na lang, Cross. Baka mabangga tayo." Sita ko sa kanya pero di maalis ang ngiti sa aking labi.

"That's not gonna happen, Rielle. Lalo na at kasama kita." Then I heard his chuckles.

Cross. Ano ba itong ginawa mo sa akin!

Naghanda na ako dahil natatanaw ko na ang bahay namin ngunit nagulat na lamang ako nang lumagpas ang sasakyan. Aalma sana ako nang magsalita siya.

"Sa akin ka uuwi ngayong gabi." He said with finality.

Continue Reading

You'll Also Like

25K 2.5K 13
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...
36.3K 722 27
Clay Verdera is an actor while Isla Aurora Randal is just a typical person. Makabagong panahon ngunit makalumang paniniwala pa rin ang nananalaytay...
677K 17.3K 74
Celestine was ghosted by her best friend turned boyfriend Nathan. He broke up with her over the phone with no reason and when he came back into sight...
504K 5.9K 44
When Royse's parents died, all the responsibilities of his siblings and their business were left to him. He never had a chance to mourn his parents'...