Still into you (Professor Ser...

By penxeal

19.7K 677 154

Eleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain... More

02
Simula
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Wakas I
Wakas II
02

Kabanata XLVIII

306 17 9
By penxeal

Kabanata XLVIII

Ruined

Tahimik kaming dalawa sa sasakyan habang papunta sa building. Dmitri's in deep thought. Ganoon din ako.

Noong kumalma ako sa pag-iyak, doon ko kinwento ang lahat kay Dmitri. Because he has the right to know about what happened. Ayaw kong itago sa kanya ang bagay na ito kahit pa takot akong baka hindi niya na ako tanggapin pagtapos ng malalaman niya. Hindi siya nagtanong nang matapos ako. Instead, he held my hand and started driving.

Kumalma ako sa ginawa niyang iyon. Because I'm not sure I'll be able to answer his question if ever he has. And I'm not ready for anything he has to say to me.

I'm just really thankful that he's here with me. That I'm now not alone. Because I have him.

Nang makarating kami sa office, nandoon silang lahat na naghihintay. Agad akong sinalubong ng yakap ni Mommy at tinanong kung ayos lang ako. Nagulat nga ako nang makita si Kuya Ethan na naroon katabi ni Daddy!

"Are you okay, anak?" medyo naluluhang tanong ni Mommy.

Lumapit si Daddy sa akin at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Habang si Kuya Ethan ay sinalubong si Dmitri at kinausap. I saw how Daddy looked at Dmitri and then to me. Pero wala siyang sinabi.

"Tita already told me about what's that all about.. And I'm really sorry to hear about it...." sabi ni Miya nang kausapin niya ako.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Nangilid ang luha ko pero pinilit kong hindi iyon tumulo. Ram was also there. Nalaman ko ngang pauwi na dapat siya pero bumalik nang makita ang kumakalat sa internet at agad na tinawagan ako at binalita kay Miya iyon.

"Hindi namin alam kung kanino unang nanggaling ang mga kumakalat. Sa sobrang dami nang pinagmumulan ngayon, medyo mahirap alamin kung saan talaga ang source," pagpapaliwanag ni Miya sa amin.

Mr. Anderson was also there. Nagulat na lang ako nang pumasok din siya sa kwarto kung nasaaan kami.

"But we'll make sure to take down all of the videos and pictures circulating online. Pinapahanap ko na rin kung saan iyon nanggaling.." si Mr. Anderson.

Ram held my hand. "This will be over soon..." he said with so much concern in his eyes.

Tumango ako. I've been so blessed to have someone like him. To have these people in my life.

Everyone looks so worried about what's happening. Daddy looked angry but I know he's keeping it in.

"Tomorrow, we will release a statement to the public. Hindi mo na muna kailangan pumunta rito, Eleanor. Magpahinga ka muna. Kami na ang bahala rito..." Miya said to me.

"W-What about the last shoots?" tanong ko.

"That can wait, anak!" medyo naghihisteryang sabi ni Mommy at nasapo ang noo.

Mr. Anderson agreed, "Pwedeng ipagpaliban iyan. Just take a rest for a while until the issue subside. Your mental health is more important than this,"

Hindi na ako nagsalita pa at tumango na lang. Nagpatuloy sila sa pag-uusap kung paano aaksyunan ang nangyaring ito. They've decided to take it to the press and make sure to press charges sa taong nagpakalat nito.

Kuya Ethan, Daddy, and Dmitri were in the corner of the room. Seryoso ang mga mukha at mukhang seryoso rin ang pinag-uusapan. They all look angry but they are so calm while talking silently.

"Hindi nakulong..." narinig ko sa pinag-uusapan nila.

Mas lalo nilang hininaan ang boses nang makita nila akong nakatingin sa banda nila.

Nang matapos na kami roon ay pinaalalahan nila ulit akong huwag na munang lumabas at magtingin sa online. Sila na ang bahala sa lahat at aayusin iyon bukas na bukas.

Mommy was so worried she didn't leave my side. Alam kong nag-aalala sila ni Daddy pero hindi lang sila nagsasalita masyado. Naiwan si Dmitri at Mr. Anderson na nag-uusap. Pero nang umalis si Mr. Anderson ay pumalit si Kuya Ethan at nag-usap silang dalawa.

Nagulat ako nang lumapit sa akin si Kuya Ethan.

"Okay ka lang ba? Ate Ester called, baka pumunta sa bahay bukas. Pupunta rin kami ni Ate Thalia mo sa bahay..." he said.

Tumango ako at huminga ng malalim.
Ram offered to sleep in my room that night pero agad ko siyang tinanggihan. I think I can handle it on my own. I need to. Ayaw kong makaabala pa sa kanya lalo na't may sarili rin naman siyang pino-problema. Hindi man niya sinasabi sa akin, pero alam ko.

Pery called me that night. Nabalitaan nila ang nangyari at agad akong kinumusta. Gusto pa nga nila akong puntahan pero pinigilan ko sila. Kaya naman sinabing kinabukasan na lang pupunta. 

Malapit nang magmadaling araw nang tumawag sa akin si Keiffer. I was still up because I couldn't sleep at hinihintay ko ang text ni Dmitri na nakauwi na siya.

Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila ni Kuya Ethan dahil magkasama silang umalis nang maihatid ako rito pauwi. He said he'll text me when he got home, wala pa rin hanggang ngayon.

"Was it Colt?" tanong ni Keiffer sa kabilang linya pagtapos kong sabihin sa kanya na hindi na niya kailangan pumunta bukas dahil okay naman ako.

It's just that, I saw some comments online that I find unfair. Pinagpipyestahan pa ang mga video at pictures. Masyado silang mabilis gumawa ng kwento at kung ano ano ang pinagsasabi sa akin.

Sabi pa ng iba ay ginusto ko raw iyon dahil hindi naman ako mapupunta sa sasakyan na iyon kung hindi ako sasama.

How could they judge me so easily when they don't even know the whole story? Sino sila para sabihin iyan? Sino sila para magmarunong at sabihing alam nila ang nangyari? Wala silang alam ni katiting sa kung ano man ang totoong nangyari sa kumakalat.

Were people really this unfair, insensitive, and cruel?

Hindi ako nakakibo. I couldn't deny it. I couldn't lie. I couldn't feed him lies.

"That night when we couldn't get ahold of you. It's not because you left... Isn't it? Kaya rin nawala ka ng ilang araw. Pati si Colt!" he cursed on the other line when he realized all about it. "I'm sorry, Eleanor... We tried to find you that night, hindi ko alam..." narinig ko ang pagsisisi at galit sa boses niya.

Hindi naman talaga nila kasalanan ang nangyari. Hindi nila alam na mangyayari iyon. Colt was their friend. And mine, too. Walang nakaisip na pu-pwedeng mangyari iyon. Hindi nila hawak ang isip ni Colt.

"You don't have to come, Eleanor. Naiintindihan ko. Mas gugustuhin kong magpahinga ka na lang din muna..." aniya nang mabanggit ko ang birthday niya next week.

"I'm fine, Keiffer. Pupunta ako..."

Natatakot ako na baka sa susunod na taon ay hindi ko na mapuntahan ang mga alok niyang ganito. Baka mas maging busy kami pareho at mas mawalan ng oras. Keiffer is a good friend. Ayaw kong palagpasin ito. He's been good to me ever since. Kahit hindi ko siya masyadong nakakasama na, alam ko 'yon. Kasi ganoon talaga siya. And this is one way of telling him I'm thankful for him.

Huminga ako ng malalim bago bumaba ng sasakyan. Mommy and Daddy were against this. Ayaw nila akong paalisin. Kahit sina Miya lalo na't presko pa sa isip ng mga tao ang kumalat tungkol sa akin noong nakaraan linggo. But I convinced them.

Hindi naman ako lumabas gaya ng sinabi nila. Balita ko ay marami ang nakaabang sa labas ng building ng agency, siguro ay iniisip nila na baka maabutan ako roon at gustong interviewhin sa nangyari at sa nilabas na statement. Pero noong tumagal ay hindi na ulit sila nag-abang pa, siguro napagtanto nilang hindi naman ako pupunta roon.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang, lahat na ng mata nila ay bumaling sa akin. Gulat ang iba at nagbulungan na. Ang iba naman ay medyo nahihiya akong binati at kausapin.

"Sino ba 'yong lalaki? Sabi wala raw consent 'yon.. Rape ba?"

"Attempted rape lang ata, hindi naman natuloy..."

Bumaba ang tingin ko nang marinig ang usap-usapan nila. My agency mentioned that part. Hindi ako umapela, it's up to them if they'll believe it. Ayaw ko lang magsinungaling pa. Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye sila Miya tungkol doon. Because they're focused on finding the culprit behind it. May kutob ako, pero ayaw kong isipin. Kasi sino bang posibleng magkalat no'n kundi ang mismong nagvideo?

Their eyes are not leaving me. Umiiwas lang ng tingin kapag napapatingin ako sa kanila o kaya naman ngingitian ako.

Madali kong nahanap si Keiffer na nakikipag-usap sa mga may dalang bote na naroon. Sa likod nkya ay andoon sina Rein. Medyo marami ang tao dito at mukhang halos galing sa school, ang iba ay hindi ko kilala kahit sa mukha. Malaki naman ang bahay nila Keiffer kaya hindi masyadong siksikan.

"Eleanor!" tawag sa akin ni Keiffer nang mapalingon siya sa gawi ko.

Kumaway ako at nginisihan siya. Kasabay non ang paglingon sa amin nina Rein. Sinalubong ako ni Keiffer.

"Sabi sa'yo kahit h'wag ka na pumunta. Ang kulit mo talaga," sabi niya pero ngiting ngiti sa akin.

"Happy birthday! Bomba 'to. Mamaya mo na buksan 'pag nakaalis na mga tao para ikaw lang sasabog," aniko at inabot sa kanya ang regalo ko.

Napanguso siya at tinanggap ang regalo ko. Mukhang natuwa dahil niyakap niya ako at agad din namang humiwalay.

"Sorry..." he said pertaining to his hug. "I should have asked first, right? Lalo na...."

Umiling ako at pinutol ang sasabihin niya, "That's fine..." tumawa ako.

"Oh my gosh, Eleanor! Buti nakarating ka? We all heard about your scandal! Akala namin hindi ka pupunta dahil doon," malakas na sabi ni Neri at diniinan pa ang salitang scandal.

Nawala ang tawa ko sa narinig sa kanya. She's smiling at me. Ang ngiti nina Rein na nakatingin sa akin ay nawala sa biglaang sinabi ni Neri. Napatingin din ang iba sa amin.

"I'm so sorry to hear about it! Kailan ba nangyari 'yon? Recently lang?" dagdag pa niya.

Doon na nangunot ang noo ko. Medyo natahimik ang mga nakapaligid sa amin. Para bang naghihintay rin ng isasagot ko.

"Neri!" medyo galit na sabi ni Keiffer at nakakunot na rin ang noo.

"Pre..." sabi ni Deither na medyo seryoso.

"Sawayin mo naman kasi 'yang girlfriend mo. Walang preno 'yong bibig," medyo galit pa ring sabi ni Keiffer.

Pinigilan ko si Keiffer dahil totoong galit na nga talaga 'to. Hindi ko pa kailanman nakikita si Keiffer na galit tulad ngayon. This is the first time.

"Nagtatanong lang naman, bawal ba?" painosenteng sabi ni Neri nang lapitan siya ni Deither.

Hinatak siya ni Deither palayo sa amin at kinausap. Ang itsura naming lahat ay gulat sa nangyari.

"S-So! Gusto mo ng drinks, Eleanor?" alok sa akin ni Rein.

Umiling ako, "Uh.. I won't drink tonight," aniko at sinusubukang walain ang nangyari.

Unti unti na ring nag-ingay ulit ang nasa paligid namin. Para bang kinalimutan na lang na rin agad ang nangyari kanina.

"Neri's a bit bitchy right now..." kumento ni Yvonne.

Napatingin ako sa kanya at lumipat iyon sa katabi niyang Neil. Nagtagal ang tingin ko kay Neil na nakatingin din sa akin. Paano niya nasisikmura 'yong ginagawa niya kay Yvonne?

Umiwas ako ng tingin.

"Baka meron lang..." tawa ni Rein.

"That's not an excuse to be so insensitive," si Keiffer.

"Baka curious nga lang," kibit balikat ni Benedict at ngumiti sa akin, "Good to see you," he casually said.

Uminom siya nang alak at hindi nakatakas sa mata ko ang tingin niya kina Yvonne at Neil habang lumalagok.

"Ikaw rin?" 'di makapaniwalang sabi ni Keiffer.

"Keiffer...." awat ko dahil nararamdaman kong umiinit na naman ang ulo nito.

Tumingin siya sa akin. Para bang may gustong sabihin sa akin pero hindi na tinuloy. Nakita ko kung paano niya subukan kumalma pero hindi niya nagawa.

"Dito muna kami..." aniya at hinila ako paalis doon.

Pumunta kami sa gilid at hinarap ako sa kanya. He's trying to calm down but his face says otherwise.

"Gusto mo bang iuwi na kita? Kakapunta mo lang pero..." huminga siya ng malalim. "If you're uncomfortable, I can take you home. I just want to make sure nothing happens when you go home.. Hindi kita mapagkatiwala sa kanila. They didn't know who did it to you. Hindi ko sinabi dahil ayaw kong pangunahan ka... I can't trust them on this.." he said.

Nanlaki ang mata ko sa huli niyang sinabi.

"They're your friends, Keiffer!"

"They're your friends, too, Eleanor! But they don't act like one. Kaya hindi mo ako masisisi kung hindi kita maiiwan sa kanila at maipagkakatiwala na sila ang maghahatid. If you can't call your driver, ako ang maghahatid. Kung ayaw mo, tatawagan ko si Dmitri para siya ang mag-uwi sa'yo,"

Nagulat ako. "Alam mo?"

Sa tanong kong iyon, doon lang nagbago ang mukha niya. Para bang nakahinga ng maluwag at tumango sa akin.

"Kaibigan mo ako kaya alam ko. Hindi porket hindi na tayo nagkakasama madalas wala na akong alam sa'yo. Kahit 'di sabihin, kita ko naman," mayabang niyang sinabi at humalukipkip pa.

Napanguso ako at unti unting napangiti bago siya yakapin ng mahigpit.

"Thank you..." aniko at humiwalay sa kanya.

He shrugged his head and, thankfully, chuckled. Ginulo niya ang buhok ko. Akala ko buong gabi na siyang mainit ang ulo. I thought I ruined his night.

"Tara, roon tayo..." aniya at may tinuro na grupo ng mga tao.

Pinakilala niya ako sa mga nandon. Maybe some of his trusted friends. Kasi nang ipakilala niya ako, walang bahid na kung ano sa mukha nila. The way some people looked at me, they're different. Normal lang at sincere.

"Kukuha lang ako inumin..." paalam ko sa kanya.

Napatigil siya sa pakikipag-usap sa kasama namin. "Iinom ka?"

Natawa ako, "Juice lang,"

"Samahan kita?"

Umikot ang mata ko sa sinabi niya at mas lalo siyang tinawanan.

"I can handle myself, Kei. Babalik ako agad. Baka gusto mo ipa-eroplano mo pa ako?"

Natawa siya sa sinabi ko at tumango rin, "Balik ka agad. Dito lang ako,"

Tumango ako at umalis na roon ng tuluyan. Mabuti na lang at hindi na ako masyadong tinitingnan ng mga tao. Hindi katulad kanina parang ayaw nila ako lubayan ng tingin.

Medyo maingay dahil sa sabay sabay na pagsasalita nila. May tugtog naman pero hindi ganon kalakas, kaso nga lang ay nakakadagdag din ito sa ingay.

Lumiko ako papunta sa kwarto ni Kieffer. He said I can use his room anytime. Ngayon, I'll use his toilet. Naiihi na rin kasi ako, mamaya na lang ako kukuha ng juice pagtapos.

Ayaw kong gumamit ng restroom sa baba, medyo maraming tao. Kahit pa may lock 'yon.. Ayaw ko pa rin. It's much safer here.

Pagtapos kong umihi ay inayos ko muna ang sarili ko. Pero agad na napatigil sa paglabas nang may marinig na nag-uusap sa mismong kwarto ni Keiffer.

"Yvonne knows he's a cheater! Pero siya mismo ang ayaw humiwalay. Pinatawad niya na. Ilang buwan naman nang hindi na nahuhuli-"

"Kakakita ko nga lang noong nakaraan, Rein! Nakikinig ka ba?" pagpuputol ni Benedict.

"Bakit hindi ikaw ang magsabi? Sa amin, ikaw ang pinakamalapit sa kanya, Ben! Bakit ba kasi ako ang pinapasabi mo?"

"She trusts you!"

"She trusts you more than me!" balik ni Rein.

Hindi ko narinig na nagsalita si Benedict.

"Nagbubulag-bulagan ka dati sa mga nakikita sa kanya. Sa ginawa niya kay Eleanor, sa mga sinabi niya. Sumasang-ayon ka pa nga sa mga masasamang kumento. Pero bakit ito lang 'di mo pa masabi? Don't tell me... you like her?"

Bumagsak ang tingin ko sa door knob sa mga naririnig. Hindi ko alam kung tama bang lumabas na ako.

"Bakit hindi mo masabi sa kanya kung ganon lang naman pala kadali sabihin? Bakit hindi mo kinampihan si Eleanor noon kahit nakita mo naman na meron talagang ganon?" balik na tanong sa kanya ni Benedict.

Humigpit ang hawak ko at napatitig sa pintuan sa gulat. Bakit hindi ko 'to alam?

"Because Yvonne's my friend!"

That's when I decided to go out. Binuksan ko ang pintuan. Pareho silang napatingin sa akin. Tiningnan ko sila pareho. Gulat silang makita ako at hindi nakapagsalita. Lumakad ako at nilagpasan sila pero huminto  nang nasa tapat na ng pintuan palabas sa kwartong iyon.

Hinarap ko sila at tiningnan. I looked at Rein's face. She looks guilty and still shocked. Ganoon din si Benedict.

"But I was your friend, too." mahina kong sinabi at tiningnan si Rein. "Right, Ben?" aniko at tiningnan si Benedict.

"E-Eleanor..." sabi ni Rein.

I looked at them with so much disappointment. It was wrong of me to expect more from them. Ako ang may mali rito.

Agad ko silang tinalikuran at umalis na roon. Para akong sabog habang pababa dahil lumilipad ang isip ko sa nalaman kanina. May ilan pa akong nakakabunggo dahil hindi ko napapansin habang naglalakad. Nakita ko pa si Yvonne na nakita akong bumababa. Hindi ko siya pinansin.

Dumiretso ako sa kusina at kumuha roon ng tubig para subukang ikalma ang sarili sa mga nalaman. Tama si Keiffer. I was also their friend, but they don't act like one. Ganoon ba talaga dapat? Kapag napasama ka sa magkakaibigan na dati pa, they treat you less than what you deserve? Is this how it's supposed to be?

"Eleanor," narinig kong tawag sa akin ni Yvonne.

Inubos ko ang tubig ko bago siya lingunin. Hindi ako kumibo. Ang gusto ko lang naman, kumuha ng juice kanina. But look what I found out, and going to find out.

Hinugasan ko ang baso. Yvonne walked towards me.

"I think you have something to say to me..."

Nangunot ang noo ko at tiningnan siya. "I don't know what you're talking about," iling ko at pinunasan ang baso.

Pumunta ako sa kinuhanan ko non at ilalagay sana pero agad na napahinto sa sinabi niya.

"You know what I'm talking about. I know that look. That look you gave Neil earlier. Nakita ko 'yon," mariin niyang sinabi.

I looked at her. Seryoso ang mukha niya. She looks so eager to know what's that all about.

"I don't have anything to say to you, Yvonne," pagdidiin ko at tuluyan nang niligpit ang baso.

Pinunasan ko ang kamay ko at naglakad pero sinalubong niya ako at hinarang.

"I know you have, Eleanor! Alam ko 'yong tingin mong iyon. I know you saw something!" nangungunot noo niyang sinabi.

Is she really going to push this? Kasi kung oo, hindi na ako makakapagtimpi. I've had enough from all of this.

"Bakit hindi mo tanungin 'yong boyfriend mo? You trust him more than anyone, right? Kaya bakit ako ang tinatanong mo sa bagay na 'yan? And besides, ask your friends! Si Neri bakit hindi mo tanungin?!" nawawalan ng pasensya ko nnag pasensyang sinabi.

Nanlaki ang mata niya, "May nakita ka nga? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" she said as if she's betrayed by me.

"Why would I tell you?" naguguluhan kong sinabi. "I did it once, you didn't believe me. Kaya bakit ko sasabihin sa'yo?" I said with so much disbelief.

"Because you're my friend!" medyo galit niyang sinabi.

"I was, Yvonne! I was your friend when I told you the first time I found about your cheating boyfriend! Pinagmukha mo akong sinungaling, inggitera, selfish, at self centered noon! Sino ka para magdemand niyan ngayon?!" galit kong sinabi at nangilid ang luha nang maalala ang pinagsasabi niya sa akin noong gabing iyon.

All the things I've heard and felt for the past few years. Bumalik lahat. 'Yong sama ng loob ko, bumalik. Wala siyang karapatan na sabihin sa akin 'yan. Walang wala.

"You don't even trust me. You don't even like me as your friend! Kaya bakit sa'kin ka lumalapit para sa bagay na 'yan na dati kong binigay sa'yo pero hindi mo naman pinakinggan? Bakit, Yvonne?" mariin kong tanong sa kanya. "Kasi alam ko kahit anong bagay na gawin ko para sa'yo, ako pa rin naman ang mali."

Her lips parted. Gulat dahil sa mga sinabi ko. Hindi ako ganito, hindi ako nagtatanim ng sama ng loob. Pero hindi ko mapigilan. This is too much. They are too much.

"Don't use that word again. Because you don't deserve to be my friend. All I did was to be your friend, and be friends with you again. Friends don't treat each other like shits. But somehow, that's how you treated me..." iling ko at tinalikuran siya para iwan doon.

Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko. I held it in. I minded my own business like what she wanted. Hindi ko sinabi dahil wala namang mangyayari. Ako lang ang magmumukhang sinungaling at masama tulad noon. Pero ngayong hindi ko sinabi, ako pa rin ang masama. Why is it always me?

Wala naman na akong pinanghahawakan pa na maaayos pa ang pagkakaibigan naming lahat. They're better off without me. And I, at least, have my peace of mind without them. I have Keiffer and that's enough.

I've realized that it's really better to have a small circle of friends. At least you know they're true. You trust them, they trust you. They want the best for you and they really care about you. Because they're like family.

Napahinto ako sa paglalakad nang may matanaw ako na pinagkakaguluhan. Kinusot ko ang mata sa pag-iisip na namamalikmata lang ako. He has matured, bigger built, taller, pero kahit ano pang pagbabago ang mangyari sa kanya tandang tanda ko ang mukhang 'yan.

Kinilabutan ako nang makumpirmang siya nga iyon lalo na nang nagsigawan ang mga lalaking kasama niya.

"Welcome back, Colt!" sigaw noong mga kasama niya.

Colt was laughing with a beer on his hand. Agad akong napatalikod nang makitang umikot ang mata niya sa kinatatayuan ko. I shivered. Ang daming tao pero nakaramdam ako ng takot. Sobrang takot. The thought of him looking at me makes me shiver. The thought of him knowing I'm here makes me want to cry.

Parang biglang umikot ang mundo ko. I couldn't think straight. Napayakap ako sa sarili ko at sinubukang umalis doon. Hindi ako makadaan sa harap para lumabas dahil andoon siya nakaharang. Kaya dumiretso ako papunta sa likod.

Naramdaman ko ang panginginig ko sa takot. Nanlalambot ako. Just thinking that we're in the same room, binabalot na ako ng takot.

Bakit siya nandito? Did Keiffer invite him? Imposible! He knows about Colt! He knows! Hindi niya iyon gagawin! Kaya sino?! And he's here in the Philippines! Kailan pa! Akala ko hindi na siya babalik, hindi na dapat! So why?!

"Bakit mo ba siya inimbita, Deither?! You should have asked me first! You should have told me he's here!" galit na sigaw ni Keiffer ang narinig ko sa isang kwartong nadaanan ko.

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Kaibigan naman natin 'yan kaya anong masama kung imbitahin ko? Ang tagal nating hindi nakita 'yan oh!"

Narinig ko ang galit at malulutong na mura ni Keiffer.

"Hindi ko alam magagawa ko sa'yo 'pag nakita ni Eleanor-"

"Ayan ba ang ikinakainit ng ulo mo? Si Eleanor? Ano naman? Edi masaya kasi magkikita sila ulit! Gusto ni Colt si Eleanor 'di ba?! You don't like me for her, but you like Colt for Eleanor?!" galit ang boses ni Deither na narinig ko.

"Gago ka! 'Di mo alam pinagsasabi mo!"

Napapikit ako ng mariin. With a shaky breathe and hand, I opened the backdoor. Hindi ko na kaya pang pakinggan I sila. Gusto ko mang awatin sila, hindi ko na kaya pa.

The fear I'm feeling makes me want to puke. The only thing I want to do right now is to get out of the house. Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa takot. Kung ano ano nang pumapasok sa isip ko. I can't forget that face, that look on his face. It makes me shiver.

I just want to run. I just want to hide. Pakiramdam ko bumabalik ako sa dati. The way he touched me. Ang paghagod sa hita ko. Napapikit ako ng mariin at sinubukang iwala ang iniisip. Gusto kong nang umuwi.

"Saan ka pupunta? Aalis ka na?" pagharang sa akin ni Neri na nakahalukipkip pa.

Wala masyadong tao sa banda namin. Pero konting lakad ay naroon na kami sa front gate. At iyon ang pakay ko. Makapunta roon at makaalis na ngayon.

I gathered my strength and looked at her.

"I don't have time for this, Neri," mariin kong sinabi.

"Pagtapos mong sirain ang gabi ko, aalis ka?" galit niyang sinabi.

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Pero hindi ko na pinansin at lumakad na para lagpasan sana siya kaso bigla niyang hinila ang palapulsuhan ko at ibinalik sa pwesto ko. Gulat ko siyang tiningnan! That hurts! Naramdaman ko ang pagbaon ng kuko niya sa akin!

"Hindi pa tayo tapos mag-usap. Saan ka pupunta?!" she shouted.

"What the hell are you doing?!" frustrated kong sinabi.

Because I couldn't think straight, ngayon ay dumadagdag pa siya! Gusto ko nang umalis pero ganito ang ginagawa niya!

"I'm stopping you from leaving! H'wag kang bastos 'pag kinakausap!"

"Ayaw kong makipagtalo sa'yo, Neri!" nainis ko nang sinabi.

Can she just leave me alone?! Ayaw ko nang tumagal pa dito! Every second that passes by, lumalala ang kaba ko! Ang takot na bumabalot sa akin! He might be watching me right now!

"So you're just going to leave because you got what you wanted? Nagalit sa akin si Keiffer! Deither even talked to me to be nice to you! Hindi ka talaga nadadala?" nakakunot noo niyang sinabi.

Napahinga ako ng malalim. Do we really have to do this now?! Napatingin ako sa paligid sa pag-aalala bago bumaling muli sa kanya.

"It's not my fault! Bakit mo ba pinapasa sa akin ang kasalanan mo naman?" naguguluhan kong sinabi.

"Because it is! Now that they trust me, now that they've become my friends... bakit mo nilalason ang isip nila na magalit sa akin?! Pinaghirapan kong kunin sila sa'yo! I've replaced you! I've become like you so they could like me! And then you're showing up again here para ano? Manggulo?! We don't need you here, Eleanor! You're useless!"

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Lahat ng atensyon ko napunta sa kanya. Napatitig ako sa kanya. All this time...

"It was all your plan..." hindi ko makapaniwalang sinabi.

Nawala ang takot ko at napalitan ng ibang emosyon. Nakaramdam ako ng galit. Hindi ko pinansin dati dahil hindi ko naman magawang pag-isipan siya ng masama. Even if she's indifferent towards me, I chose to think it's not her fault.

"I have now become who I wanted to be. I now have what I wanted to have. The attention, my friends, I even tried to get Deither from you because he likes you. Kinuha ko lahat ng sa'yo because I want you to lost everyone around you, because I want what you have. Kaya sino ka para kunin ang dapat na akin?!" she was fuming mad.

Tiningnan ko siya ng maigi. The way she dressed, the barrette on her hair, the length of it, kahit ang hati no'n, parehong-pareho sa akin.

Ngayon ko lang napagtagpi tagpi lahat. Lahat ng napansin ko sa kanya. Lahat ng nakikita ko. Lahat ng nangyari.

I should really have trusted my instinct.

"If you've succeeded, bakit ka nandito sa harap ko? Bakit mo ako pinipigilan umalis? Are you that threatened? I'm just merely stopping by, Neri! Baka mas lalo kang kabahan kapag nanatili pa ako rito ngayon?"

Sa sinabing kong iyon, mas lalo siyang nagalit. Hindi ko siya pinansin at tuluyan nang nilagpasan. Masyado na akong maraming nalalaman ngayong gabi. Sa lahat ng nakita at narinig ko, para na akong sasabog.

Pero nang malapit na ako sa front gate nagulat ako nang sumigaw siya!

"You're really an attention seeker 'no?! Pumunta ka lang talaga dito para manggulo. Tama nga si Yvonne, na baka gusto mo lahat ng lalaki sa'yo magkagusto! Kahit pati si Dmitri inakit mo! Wala ka bang delicadeza?!"

Napahinto ako sa sinabi niya habang nanlalaki ang mata. Umapaw ang galit ko sa kanya. She triggered me. How dare she bring up Dmitri's name?! Mabuti na lang walang nakarinig dahil mukhang abala ang lahat! Paano na lang kung narinig nila?!

"Oh?! Are you threatened?!" panggagaya niya sa sinabi ko kanina.

Doon napatingin ang mga tao sa amin dahil sobrang lakas ng sigaw niya! Ganito ba siya kapapansin para ipagsigawan pa 'yan?!

Lalong nagsalubong ang kilay ko. Sinubukan kong kumalma dahil ayaw kong patulan siya lalo na't may mga tao nang nakatingin sa amin. I don't want to ruin Keiffer's night.

"Kaya ka nga siguro nagkakaron ng scandal dahil ganyan kang klase ng tao. Nasa pala loob ang kulo! Kahit sino sigurong lumapit sa'yo ay papatusin mo! You even made an excuse saying that you were almost raped but in fact you really wanted-"

Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil mabilis akong lumakad papunta sa kanya at buong lakas siyang sinampal. Sa sobrang lakas ay napagilid ang ulo niya. Kahit hindi ganon kaliwanag, nakita ko kung paano unti unting pumula ang pisngi niya. Nangilid ang luha ko.
Narinig ko ang pagsinghap ng mga nasa paligid namin.

"Neri!" narinig kong sigaw ni Deither.

Agad niyang dinaluhan si Neri na hawak pa rin ang pisngi at gulat na gulat sa ginawa ko. Galit na tumingin sa akin si Deither.

"What did you do, Eleanor!" galit niyang sigaw sa akin.

Hindi ko siya pinansin. At galit na galit na tumingin kay Neri na unti unti nang umaarteng iiyak.

"How dare you twist the truth! How dare you insult me! I didn't know you're this low to bring that up. Ganyan ka na ba kadesperada?!" sigaw ko sa sobrang galit ko sa kanya.

"Eleanor!" sigaw ni Deither sa akin.

"I don't know what she's talking about.. Bigla niya na lang akong sinampal. Tinatanong ko lang naman siya kung saan siya pupunta at..." hilbi ni Neri. "P-Pinigilan ko lang naman siyang umalis tapos..." hindi niya na natapos ang sasabihin dahil umiyak na siya ng tuluyan.

Mas lalong nag-alab ang galit sa akin. Fucking liar!

"Anong nangyayari dito?!" gulat na gulat na tanong ni Keiffer at nagpalipat lipat sa amin ang tingin nang dumating siya. Nag-aalala niya akong tiningnan.

Nagsidatingan na rin sina Rein, Benedict, Yvonne at Neil. Lahat silang lahat ay nagulat nang makita ang itsura ni Neri. Pulang pula ang mukha at umiiyak. Si Deither ay galit na galit na nakatingin sa akin.

Nakita ko ang pabubulong bulungan ng mga tao na nakapalibot sa amin. Gulat na gulat rin sa nangyayari.

Hindi ako kumibo nang makita ang pagdagsa nila kay Neri. They checked Neri's face, even asking her what happened. Parang may kumirot sa akin habang pinagmamasdan sila. I didn't thought I'll be affected and hurt from what I'm seeing. But turns out, I am.

"Alam kong galit ka, Eleanor, bakit dinadamay mo pa si Neri rito?!" galit na sigaw ni Yvonne.

"Yvonne!" sigaw ni Keiffer.

"Ano na naman, Keiffer? Si Eleanor na ang mali rito, kakampihan mo pa?! H'wag kang bias! Kita mo ngang namumula ang pisngi-" pagsabat ni Rein na agad namang pinutol ni Keiffer.

"Hindi mo alam ang nangyari-"

"Bakit, alam mo ba?!" galit na sigaw ni Rein kay Keiffer.

Natahimik si Keiffer. Lahat sila ay kay Neri nakatayo. Only Keiffer is standing between us. I can sense their anger towards me and their disappointment.

"You're better than this, Eleanor..." galit at disappointed na sinabi ni Benedict.

Kahit hindi ko pakinggan lahat ng sinasabi nila. Pagkarating na pagkarating pa lang nila, alam ko na kung sino ang kakampihan nila. Pumatak ang luha ko at agad kong pinalis 'yon.

Ang mga mapanghusgang tingin na binibigay nila sa akin. Alam ko na agad. Keiffer's the only one looking so concerned about me.

Parang pakiramdam ko hindi ko kilala ang mga taong nakasama ko ng ilang taon. I've only been good to them. Hindi ko alam na ganito sila kababaw mag-isip. Hindi ko alam na ganito ang magiging tingin nila sa akin.

Ano bang inaasahan ko sa kanila? Ano bang dapat kong asahan pa?

"No. You're all better than this..." galit kong sumbat sa kanila at diniinan ang bawat salita na binigkas. "You could at least have asked me what happened, but you already concluded it's my fault. Ganyan ba kababaw ang tingin niyo sa akin? Gan'to ba kayo kababaw mag-isip?" naiiyak kong sinabi.

"Sino bang hindi mag-iisip ng masama kung makikita namin na sinaktan mo si Neri habang ikaw ay walang galos manlang?!" galit na sigaw ni Deither.

"Deither!" galit na sigaw ni Keiffer.

How dare them raise their voices at me?

"E kung ako ang sinampal at nasaktan, you're still not gonna take my side, are you?"

Natahimik siya at hindi nagsalita. Because I was right. Kahit isa sa kanila, walang nagsalita.

"See? Walang makasagot sa inyo, because you only want your truths. You never bothered about my side of truth. Kasi madali sa inyong magbulag bulagan at magbingi bingihan. Sino ba naman ako, 'di ba? Kahit pa ang mali rito ay si Yvonne, siya pa rin ang kakampihan niyo, 'di ba?" galit ko silang tiningnan lahat.

Ito ang gusto nila, 'di ba?! Lahat ng takot ko kanina nawala dahil sa sobrang sama ng loob, sakit, at galit na nararamdaman ko ngayon. Lahat sila bulag at bingi sa katotohanan at sa kung ano ang tama. Wala na akong pakialam kung marinig ng ibang tao ito. Because I want this to be the last time I'll talk to them.

"You know the truth but you chose to turn a blind eye. You didn't even bother asking me if I'm alright. Lahat kayo pinaramdam niyo sa akin na parang ako ang may mali, parang ako ang may kasalanan..." my voice broke.

Gulat na tumingin sa akin si Keiffer at umiling. Kahit sila ay nagulat sa sinabi kong iyon.

"Ikaw ang lumayo non, Eleanor! Ikaw ang kusang hindi nagparamdam!" galit na sabi ni Yvonne.

"Kasi 'yon ang gusto mo! Don't you remember? I reached out to you. Sa inyong lahat! Pero wala! You all made me feel like it was my fault even if it's not! Kahit ang pagsama ko sa inyo, kinakagalit mo!"

Muling tumulo ang luha ko nang maalala ang mga pinagdaanan ko noon dahil sa kanila. Pinunasan ko iyon. They don't deserve my tears anymore. I'm not gonna cry for them again.

"Hindi namin 'yon pinaramdam sa'yo, Eleanor! Kaibigan ka namin-"

Pinutol ko ang sasabihin ni Rein, "Kaibigan? You know Yvonne hated me but you didn't do anything. Alam ninyo ni Benedict ang totoo pero hindi manlang kayo nagsalita. Saan ang kaibigan doon, Rein? I'm your friend when it's convenient for you? Pero kapag hindi, patapon na? Is that your definition of friend?" I said.

"It was wrong of me to expect more from all of you. Because I thought you're all better than this.. Ngayon, totoong mali pala ako." galit kong sinabi at tiningnan sila isa isa.

Nilingon ko si Keiffer na punong puno ng pag-aalala sa akin at parang namumula pa ang mata.

Agad ko silang tinalikuran at naglakad na palabas. Paglabas na paglabas ko nang gate ay nakaramdam ako ng paghila sa palapulsuhan ko. It was Keiffer.

"Eleanor...." basag ang boses niyang sinabi.

Nilingon ko siya at huminga ng malalim para pigilan ang pag-iyak. Parang nakahinga ako ng maluwag. Because all the burden I've been carrying this whole time, nailabas ko at nasabi ko sa kanila. Hindi man lahat, but still.

"I'm sorry I ruined your night...." I sincerely apologized and bowed my head.

"No... I'm sorry. Wala akong ginawa.. I shoul have stepped up for you before pero wala akong ginawa...." he said with so much regret in his voice.

Doon na tumulo ang luha ko. Because it was the first time someone apologized to me. And it's coming from the person who truly cares about me.

Tumango ako at pinunasan ang luha ko. "I just want to go home..." aniko at tumingala sa kanya.

Nakita ko ang pagkurap niya ng maraming beses. He sniffed and slowly nodded.

"Ihahatid na kita..." he said with a bloodshot eyes.

Agad akong umiling sa kanya, "Just go back inside," aniko at kinuha ang phone ko.

Naintindihan niya ang ginawa ko at hindi na siya nagtanong pa. Siguro dahil alam niyang kailangan ko rin naman mapag-isa. Kaya naman lumakad na ako para tuluyang umalis doon. Agad kong tinawagan si Dmitri.

Hindi ko akalain na gan'to ang mangyayari ngayong gabi. Hindi ko akalain na may sakit at kirot pa rin pala sa puso ko na makitang hindi nila ako kakampihan ng harap harapan, na hindi manlang nila ako tatanungin. Ang gusto ko lang naman sana, alamin nila ang totoo. I thought this time they'll be different. Hindi pala. Kasi tulad dati, kung anong gusto nilang paniwalaan ang tanging pinakinggan nila

Liningon ko si Keiffer na hindi pa rin umaalis sa pwesto niya. Kasabay non ang pagsagot ni Dmitri sa tawag ko.

"How's your night?" I heard his sweet and soft voice on the other line.

Nakahinga ako ng maluwag. At parang gusto kong umiyak sa kanya.

"I miss-" nabitawan ko ang phone ko nang may huminto sa harap kong van.

May lumabas na dalawang lalaki roon at nagulat ako nang hilahin ako ng isa habang ang isa ay lumikod sa akin at may itinakip sa ilong ko habang hinihila ako papasok sa sasakyan.

Pumalag ako nang pumalag sa naramdamang takot. Sinubukan kong sumigaw pero hindi ako nanalo. Binalot ako ng takot nang maramdaman na napasok ako sa sasakyan. I tried to fight but it was no use. Hanggang sa nakaramdam ako ng panlalabo ng mata at pagkahilo.

And the next thing I knew, everything went black.

Continue Reading

You'll Also Like

9.7M 162K 62
Highest rank so far #2 in Romace Timothy Vidales can be classified as one of the hottest bachelor in the country. He has everything before he was ev...
4M 99.3K 47
No LOVE is greater than that a FATHER'S LOVE for his SON- Alora Nicole Colley **** Another inspirational Story from Palibhasa_pusa ^^
167K 5.2K 33
(Completed) April Mercado met his damsel and distress prince charming, August Marquez. He met the guy once, pag katapos ng pagkikitang iyon ay hindi...
644K 7.1K 47
Too dumb to trust the devil.