The Boy in the Mirror

Bởi Serialsleeper

298K 27.1K 15.3K

Life was hard enough for Helga Santana in the small, cold town of La Bianco. However, everything changes once... Xem Thêm

foreword
epigraph
chapter one | the town freak
chapter two | the painting in the basement
chapter three | the ray of hope
chapter four | the unlikely companion
chapter five | the paper time machine
chapter six | the nostalgia
chapter seven | the new ally
chapter eight | unbeknownst
chapter nine | hello, twins
chapter ten | the boy in the mirror
chapter eleven | the promise
chapter twelve | the first good night
chapter thirteen | by your side
chapter fourteen | oh, brother
chapter fifteen | never alone
chapter sixteen | the life we long for
chapter seventeen | prisoner
chapter eighteen | beneath the bright lights
chapter nineteen | run
chapter twenty | favor
chapter twenty-one | the new normal
chapter twenty-two | remember this
chapter twenty-three | renata lake
chapter twenty-four | what have you done
chapter twenty-five | another you
chapter twenty-six | the past, the future, and the dead
chapter twenty-seven | where's ringo?
chapter twenty-eight | the death of you
chapter twenty-nine | the death of me
chapter thirty | the one who can't let go
chapter thirty-two | goodbye starkey
chapter thirty-three | the last as five
chapter thirty-four | the choice
chapter thirty-five | bloodlines
chapter thirty-six | hear me out
chapter thirty-seven | the last santana
chapter thirty-eight | the prophecy
epilogue
note

chapter thirty-one | the fallout

3.6K 396 183
Bởi Serialsleeper


Pilit kong nilulunod ang isip ko sa trabaho, ngunit kahit anong gawin ko'y paulit-ulit kong naalala ang galit sa mga mata ni Andrea, pati na ang umiiyak na mukha ni Chaplin.

"Kayo ang problema ko! Ayokong makasama kayo! Leave me alone!"

"Just accept it, no one wants to be friends with a freak like you!" 

"Kung gano'n susukuan mo rin ako nang gano'n gano'n na lang?"

Pumikit ako nang mariin at pilit na umiling upang mawakli ang mga boses nila mula sa isip ko. Hindi ko na mabilang kung ilang kaibigan ang bumitiw at tumalikod sa akin. Naiintindihan ko ang mga dahilan nila, at hindi ko sila masisisi sa paglayo, ngunit napakasakit pa rin.

"Ba't nag-iisa ka?" 

Napalingon ako at muling kumawala ang mga luha ko nang makita ang nakangiting si Drystan na nasa pintuan ng shop. 

"Ba't ka umiiyak?" Naglaho ang ngiti sa mukha niya't agad niya akong nilapitan. 

"W-Wala . . . " Umiling ako't pilit na ngumiti sa kabila ng mga luha kong panay ang pagpatak. 

"Helga . . . " Kunot-noo at puno ng pag-aalala niyang sambit.

Umiling-iling ako't nagpunas ng luha. "Wala nga . . . "

Sa kabila nito, lumapit pa rin sa akin si Drystan. Pumasok siya sa counter na kinaroroonan ko at  binalot ako sa isang mahigpit na yakap. Sa puntong iyon ay tuluyan akong napaiyak nang malakas. Idinaan ko na lamang sa iyak ang labis na sakit ng damdamin ko.

***

"Bukas na bukas din ay kakausapin ko sina Chaplin at Andrea," may determinasyong wika ni Drystan habang nagbibisikleta kami sa gitna ng daang napagigitnaan ng iba't ibang pananim. Gaya ng dati, siya ang nagpapandar ng bisekleta at ako naman ay nakaupo sa bandang harapan.

Umiling ako at marahang pumikit, dinadama ang malamig na hanging sumasalubong sa amin. "Huwag na. Hihintayin ko na lang kung ano man ang itinakda ng panahon para sa amin."

"Wala akong tiwala sa panahon. Kakausapin ko pa rin sila," pabiro niyang giit at pasimpleng pinatong ang mukha niya sa ibabaw ng balikat ko. "Ayoko na pinapaiyak ka nila."

"Iyakin lang talaga ako," biro ko na lamang at iniwas ang katawan ko mula sa kanya. Mamaya marinig niya pa ang puso kong dumadagundong na naman dahil sa presensya't mga kilos niya.

"Mas iyakin si Chaplin," giit niya naman kaya hindi ko tuloy mapigilang matawa.

"Oo nga! Biruin mo, naiyak siya do'n sa pelikula ni Dolphy, e nakakatawa nga 'yon!" komento ko at bahagyang lumingon sa kanya.

Sa isang iglap ay ngumuso siya at bigla akong sinamaan ng tingin. "Helga, ako 'yong naiyak sa pelikula ni Dolphy."

Pabiro akong suminghap, namimilog ang mga mata. "Hala! Edi ikaw 'yung pinakaiyakin!"

"Iyakin pala ha!" Bigla na lamang niyang binilisan ang pagmamaneho. Sa sobrang bilis hindi ko napigilang tumili at matawa nang malakas. Mabuti na lang talaga't walang laman ang kalsada maliban sa amin.

Nang muling binagalan ni Drystan ang pagmamaneho, napasulyap ako sa kalangitang walang bahid ng kahit isang bituwin. Pakiramdam ko tuloy ay nalulungkot din ang kalangitan kagaya ko.

"May naaalala akong sinabi sa akin ng ama ko noon . . . " wika ni Drystan.

"Talaga?" I beamed, happy that he's finally starting to gain more memories from his past. "Ano 'yon?"

Huminga nang malalim si Drystan at bumuntonghininga. "Lahat ng sugat ay naghihilom. Nakasalalay sa atin kung hanggang kailan."

May dalang hindi maipaliwanag na haplos ang kanyang mga salita. Hindi ko napigilang ngumiti. 

Kusang dumako ang mga mata ko sa kadilimang tatahakin namin. Ngunit sa kabila nito ay wala akong nararamdamang pangamba dahil alam kong hindi ako nag-iisa.

***

Nagising ako na mabigat ang puso't mga mata. Nanghihina rin lalo ang buo kong katawan. Gusto kong isiping panaginip lamang ang nangyari sa pagitan namin nina Chaplin at Andrea, ngunit alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. Mabuti na lang at sabado, hindi ko sila kailangang makita sa eskuwelahan.

"Helga?" Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Drystan na nakasuot pa ng apron at may hawak na sandok.

"Wala si Helga. Tulog pa si Helga." Inaantok kong pagmamaktol. Nagtalukbong ako ng kumot at sumiksik sa kama ko. 

"Dapat gumising na si Helga!" tutol niya na may halong pagtawa. Narinig ko ang mga yapak niyang papalapit, at laking gulat ko nang bigla na lamang siyang tumalon sa kama, dahilan para tumalbog ako nang bahagya.

"Drystan!" Napatili man, hindi ko napigilang matawa lalo nang sinimulan niya akong kilitiin.

I kept squirming and thrashing as he tickled me from outside the blanket. Pakiramdam ko tuloy ay para akong isang hito na gustong kumawala mula sa isang lambat.

As our screams and laughter filled the room, my chest suddenly felt tight. It grew tighter and tighter that I ended up coughing over and over again, while gasping for air.

Nahirapan akong huminga kaya naman taranta kong winasiwas ang kumot na nakatalukbong sa akin.

"Helga?" Huminto sa pagtawa at pangingiliti si Drystan. "Helga, sandali!" Napuno ng pag-aalala ang kanyang boses at dali-dali niya akong tinulungang kumawala mula sa kumot.

Napasinghap ako nang tuluyang makawala. Masarap sa pakiramdam ang preskong hanging walang limitasyon, ngunit naninikip pa rin ang dibdib ko.

"Helga!" Hinawakan ako ni Drystan sa balikat at marahang inalo.

Naawa ako sa kanya nang makita ang nag-aalala niyang mukha at tarantang kilos. Kahit hinang-hina at humahangos, pinilit ko na lamang na ngumiti at umupo nang maayos. "O-Okay lang. Naubo lang."

"S-Sigurado kang okay ka lang? Wala bang masakit sa 'yo?" sunod-sunod niyang tanong, hindi matanggal-tanggal ang pag-aalala sa mga mata.

Lumunok ako nang mariin, at kahit mahirap ay pinilit kong tumawa't tumango. "W-Wala. Naubo lang talaga."

"P-Pasensya ka na, Helga." He gently tucked some of my hair to the back of my ear, and rubbed my shoulder gently.

"Wala 'yon!" paniniguro ko sa kanya sabay wasiwas ng kamay ko. "Okay lang talaga ako, pangako."

"Hoy! Anong nangyari sa inyo diyan?!"

Pareho kaming napalingon ni Drystan at nalaglag ang panga ko sa gulat nang makita si Chaplin na kumakain ng pandesal. Isinasawsaw niya pa ito sa dalang tasa ng tsokolate. 

Magang-maga man ang mga mata ni Chaplin, hindi pa rin nawawala ang mapang-asar niyang ngisi.

"Chaplin . . . " Hindi ko napigilang ngumuso, mangiyak-ngiyak sa tuwa na makita ang kaibigang akala ko'y hindi ko na ulit magiging kasundo.

Ngumiwi si Chaplin at dinuro si Drystan. "Hoy, 'yong niluluto mo, bumaba ka na roon!"

"Hala, oo nga pala!" Dali-daling tumayo si Drystan. Nakakailang hakbang na siya nang bigla siyang umikot at lumapit ulit sa akin para lang guluhin ang buhok ko. Pagkatapos nito ay dali-dali na siyang tumakbo palabas ng kuwarto.

Sumunod naman kaagad sa kanya si Chaplin, wala nang ibang sinasabi.

Chaplin's actions made me breathe a sigh of relief. Masama pa rin ang pakiramdam ko, pero kahit papaano ay gumaan ang puso ko dahil alam kong walang nagbago sa pagkakaibigan namin.

***

"Sisiguraduhin nating makakausap natin nang maayos si Andrea, ngayong araw na 'to mismo. Magpakumbaba tayo kasi baka pakiramdam niya ay pinagtutulungan natin siya—Helga, 'wag kang umirap!" sigaw ni Chaplin habang sabay-sabay kaming tatlong nag-aagahan.

"Huwag nang magtataray!" Pinanlisikan ako ni Chaplin, parang nanay lang na pinagsasabihan ang anak. 

Bumuntonghininga na lamang ako. Iniyuko ko ang ulo ko't nagpatuloy na lamang na kumain. "Bahala ka kung ano ang gusto—Aray!"

Napasigaw ako sa sakit nang bigla na lamang sinipa ni Chaplin ang paa ko mula sa ilalim ng mesa.

"Aray!" sigaw din kaagad ni Chaplin nang sipain ni Drystan ang kanyang paa.

Hindi ko napigilang bumungisngis at humarap kay Drystan na nasa tabi ko lang. Nagtaas ako ng hinlalaki at gano'n din siya. 

"Sige, magkampihan kayong dalawa! Sige!" pasaring ni Chaplin, may pa-irap-irap pa, kunwari nagtatampo.

Pagkatapos mag-agahan at makapaglinis ng bahay, sabay-sabay kaming tumungo sa video shop. Hinayaan ko na lang si Chaplin sa pinaplano niya at nag-focus na lamang sa pagtatrabaho sa loob ng counter.

Masakit, pero tanggap ko nang ayaw na ni Andrea na makipagkaibigan sa amin. At kahit ayokong makita si Chaplin na umasa sa wala, ayoko rin namang sumama ang loob niya sa akin kaya pinili ko na lamang na sumuporta sa binabalak niya. 

"Pupunta ba talaga ang kambal dito?" tanong ni Drystan habang nagsasalang na naman ng kung anong pelikula ni Dolphy sa VHS player.

"Pupunta 'yon!" Humalakhak si Chaplin, confident na confident. "Tumawag ako sa kanila kagabi. Sabi ko, may natitira siyang multang kailangan bayaran dito. 'Di ba late niyang nasauli 'yong 'The Princess Bride?'"

Napairap na lamang ako ulit at inangat ang log book kung saan nakasulat ang mga na-rentahang tape. "Late mo ring sinauli ang 'Romeo and Juliet' pero siningil ba kita?!"

Biskwit na Chaplin. Ako pa talaga ang ginamit na bala. 

Bumingisngis si Chaplin at parang isang penguin na lumapit sa akin, malilit at pagewang-gewang ang bawat hakbang. "Helga, naman. Alam kong paborito mo ako kaya hinding-hindi mo ako sisingilin."

Tumikhim bigla si Drystan at kaswal na sumandal sa counter na kinaroroonan ko. "Ako ang mahal kaya hindi ba dapat ako ang paborito?"

Gusto ko biglang ihampas ang log book sa ulo ko.

Agad napasimangot si Chaplin at halos magsalubong pa ang kanyang mga kilay. Bago pa man siya makaganti sa pinagsasabi ni Drystan, bigla na lamang bumukas ang pinto.

Pare-pareho kaming napalingon, at pare-pareho rin kaming nagulat nang makita si Andrea na nakasuot lamang ng pambahay na oversized shirt at pantalon. Hindi kagaya noon na bihis na bihis at laging maayos ang postura, ang Andrea na nasa harapan namin ay tila ba walang pakialam sa sariling hitsura. Ni hindi man lang niya nagawang magsuklay o maglagay ng pulbo—malayong-malayo sa dating sarili.

"Andrea!" Masayang bati ni Chaplin, akala mo hindi pinahiya ni Andrea sa maraming tao kahapon.

Hindi kumibo si Andrea. Ni hindi man lang siya tumingin kay Chaplin. Dirediretso siyang lumapit sa counter na kinaroroonan ko at naglabas ng isang daang papel. Marahas niya itong inilapag sa harapan ko at diretso akong tinitigan sa mga mata, nakataas pa ang isang kilay. "Heto. Masaya ka na?"

Napako ako sa kinatatayuan. Hindi makapaniwala sa narinig at nasaksihan. Kung hindi lang dahil sa pride ko, siguro umiyak na ako't nagmura nang todo dahil sa sobrang galit.

"Andrea!" sigaw ni Chaplin, hindi rin makapaniwala sa narinig.

Umirap si Andrea at dire-diretsong lumabas ng shop. Dali-dali siyang hinabol ni Chaplin samantalang ako'y naiwan sa kinatatayuan, paralisado ng magkahalong galit at gulat.

Bakit niya sinabi sa akin 'yon? Paano niya nasabi sa akin 'yon? Masyado bang nakakadiri ang reputasyon ko't kinalimutan na niya ang lahat ng pinagsamahan namin?

"Helga, okay ka lang?" Namalayan ko na lamang na nasa harapan ko na si Drystan, labis ang pag-aalala.

Ilang sandali akong napatulala, hindi pa rin makapaniwala. Napasinghap ako't umiling-iling. "Hindi . . . "

Sa isang iglap, bigla kong naalala ang simula ng pagkakaibigan namin ni Andrea.

"Helga, magkaibigan na tayo, ha?"

"Bakit gusto mo pa ring maging magkaibigan tayo?"

"Kasi pareho lang tayong pinagbibintangang demonyo. Ayaw mo no'n? Isang multo, isang dating multo na naging tao, dalawang pinagbibintangang demonyo, at isang mukhang lamang-lupa na gustong makakita ng multo—pare-parehong magkakaibigan."

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Namalayan ko na lamang na tumatakbo ako palabas ng shop, at nakasunod naman si Drystan sa akin. 

Pareho kaming nahinto ni Drystan sa pagtakbo nang makita sina Chaplin at Andrea na nakatayo sa gitna ng maliit na parke, napapaligiran ng mga puno't halaman.

Lumapit ako sa kanila, ngunit kaagad din akong nahinto sa paglalakad nang marinig ang halos sumisigaw nang si Chaplin.

"Hindi mo kailangang lumayo sa amin! Wala kang dapat ikahiya kung nagseselos ka sa pagiging malapit nina Ringo at Drystan! Normal lang 'yon! Ako rin naman, a? Nagseselos din ako minsan kasi pakiramdam ko'y pinagpapalit na ako ni Helga kay Drystan!" 

Labis akong nagulat at nanlumo sa narinig. My heart ached, not for myself, but for my best friend Chaplin. Si Chaplin na sumalba sa akin mula sa matinding kadiliman at kalungkutan. Si Chaplin na walang ibang ginawa kundi maging isang mabuting kaibigan sa akin.

Nagagalit ako sa sarili ko dahil wala man lang ako kaide-ideya na ganito ang nararamdaman ng kaibigan ko.

"Hindi mo naiintindihan!" Iyak ni Andrea at marahas na nasapo ang sariling sentido. "Hinding-hindi ninyo maiintindihan!"

"Paano namin maiintindihan kung sinasarili mo lang?! Andrea, nandito kami para sa inyo! Para sa inyo ni Ringo!" tugon naman ni Chaplin.

"Ayaw ko nga sa inyo! Mas importante sa akin ang kapatid ko! Ayoko na siyang mawala ulit, kaya tantanan n'yo na ako! Si Ringo ang pamilya—"

"Tama na! Tumigil na kayo!"

Dumagundong ang isang napakalakas na sigaw at kasabay nito ang pag-ihip ng napalakas na hangin. Wala sa sarili akong napaikot at kitang-kita ko ang pag-angat ng mga damo at patay na dahon sa ere. Kahit ang mga buhok namin ay bahagya ring umangat. 

Kung gaano kabilis umihip ang malakas na hangin, gano'n ito kabilis nalusaw at naglaho. 

Namalayan na lamang naming nakatayo na si Ringo sa tabi ni Andrea, lumuluha.

Walang ano-ano'y, bigla na lamang tumakbo si Andrea palayo. Dali-dali naman agad siyang hinabol ni Ringo.

Napatakip ako sa bibig ko, gulat sa mga narinig at nasaksihan. Awang-awa ako sa mga kaibigan ko. Wala man lang akong magawa upang tulungan sila.

It felt as if time stood still as I watched Chaplin turn and walk towards us, all alone and crying. By the time he raised head and our eyes met, tears began to fall from my eyes.

"K-Kanina ka pa ba rito?" Chaplin pointed at us with trembling fingers, his mouth hanging wide open.

I burst into tears and ran toward him, wrapping him in my tightest and warmest embrace. "Chaplin, sorry! Hindi ko sinasadya! Sorry! Chaplin, sorry!"

Galit na galit ako sa sarili ko dahil wala man lang akong kamalay-malay sa sakit na naidulot ko sa kaibigan ko. 

Chaplin was the only person who stayed, but I made him feel left out and abandoned.

"Helga! Ba't mo narinig?!" Iyak pabalik ni Chaplin at niyakap din ako nang mahigpit.

Lalo akong napahagulgol. "Sorry! Chaplin, sorry!"

***

Halos hindi na namin marinig ang audio ng palabas dahil sa pare-pareho naming paghikbi't paghangos. Nakaupo kaming tatlo sa sahig ng video shop, napapalibutan ng napakaraming piraso ng lukot na tissue. 

"Tangina n'yo. Ampapanget n'yo umiyak," bulalas ni Chaplin sabay singa. Nakuha pa niyang lukutin ang tissue at ibato sa amin, dahilan para magsigawan kami't mag-ilagan ni Drystan.

"Chap, may salamin," biro naman ni Drystan sabay tulo sa pinto. Gaya namin, pulang-pula ang mga mata niya't barado ang ilong.

"Magang-maga na ang mga mata ko mula kahapon. Magmumukha na akong panda nito," biro ko naman sabay punas muli ng mga mata ko.

Nagbibiruan man kaming tatlo, mabigat pa rin ang kalooban ko. Una ay nasaktan ko si Chaplin. Pangalawa, nagkamali ako kay Andrea.

Chaplin was right all along. Andrea has her reasons, and I am sorry for doubting her.

Takot na takot lang si Andrea na mawala ulit si Ringo. Sa sobrang takot niya, handa siyang isuko at kalimutan ang lahat. Kung ako ang nasa posisyon niya, handa rin akong isuko ang lahat para sa pagkakataong makasama ang pamilya ko.

"Naglaho kaya talaga si Ringo dahil sa atin?" Wala sa sariling sambit ni Chaplin, malayo na ang tingin at luhaan pa rin.

"Sa tingin ko, nakikita pa rin natin si Ringo kasi hindi pa nakaka-move on si Andrea . . . Pero dahil naging masaya si Andrea noong mga nakaraang lingo, unti-unting naglaho si Ringo. Nakabalik lang siya ulit nang maging malungkot ulit si Andrea . . ." paghuhula ko.

"Mas mabuti pang tanungin natin si Ringo." Huminga nang malalim si Drystan at tumayo. Lumapit siya sa pinto at nagulat kami nang pumasok si Ringo, luhaan din kagaya namin.

Mabilis akong tumayo. "Chap, nandito si Ringo."

"H-Helga, help!" Iyak ni Chaplin at nakita kong napulikatan pala siya sa paa kaya hindi makatayo nang maayos. Nang iabot niya ang kamay sa akin, tinanggap ko ito at agad siyang hinawakan sa baywang. Hinila ko siya patayo at nakuha niya pang umakbay sa akin, tuloy nagmukha akong rescuer at siya ang pasyente.

Binalik ko ang tingin kay Drystan na nakangiting sinalubong at pinapasok si Ringo. Pareho mang may bahid ng luha ang kanilang mga mata, alam kong natutuwa pa rin silang makita ang isa't isa. Hindi maikakaila ng kahit na sino na tila ba magkapatid na rin ang turingan ng dalawa.

"Kumusta si Andrea? Okay na ba siya?" tanong kaagad ni Drystan.

Tumango si Ringo at napatingin sa amin isa-isa, hindi naglalaho ang banayad na ngiti sa labi. "Alam ko kung paano aayos ang kalagayan niya, at kailangan ko ng tulong ninyo."

***

Nakaupo kaming tatlo nina Drystan at Chaplin sa magkakatabing silya. Tahimik kaming lumuluha, ni isa walang nagsasalita pagkatapos marinig ang gustong mangyari ni Ringo.

"Guys?" Pukaw ni Ringo sa mga atensyon namin. Hindi ko alam paano niya nagagawang tumayo sa harapan namin at ngumiti sa kabila ng nangyayari.

"K-Kailangan mo ba talagang mamaalam?" Wala mang kaemo-emosyon ang mukha't pananalita, walang tigil sa pagpatak ang mga luha ni Drystan.

Tumango si Ringo, nakangiti pa rin sa kabila ng luhaang mga mata. "Matagal na dapat akong namaalam, pero heto, umaabuso. Tuloy, nasisira ang buhay ng kapatid ko."

"You're not ruining her life, you make her happy! You make all of us happy!" giit ko naman. My heart was in my throat. It took everything in me to speak without bursting into tears.

"Salamat, Helga. Nakakatuwang malaman na napapasaya ko pala kayo." Ringo grinned shyly, making me tear up even more.

"Kahit hindi kita nakikita, sana alam mong kaibigan din ang turing ko sa 'yo," wika naman ni Chaplin sa pagitan ng kanyang bawat paghangos. "Hanggang ngayon naiinis pa rin ako dahil nakikita ka nila, pero ako hindi!"

Hindi namin napigilang magtawanan, ngunit kasabay nito ang paglakas ng iyakan namin.

"Ringo, baka may iba pang paraan. Kausapin mo si Andrea," giit ni Drystan. Awang-awa ako sa kanya dahil kitang-kita naming ayaw niya pang bumitiw kay Ringo.

Umiling-iling naman si Ringo, tila ba buo na ang pasya.

Sandaling tumingala si Ringo at huminga nang malalim. "Alam n'yo, akala ko noon si Andrea ang dahilan kung bakit hindi ko makita ang sinasabi nilang liwanag . . . pero ang totoo, ako 'yong hindi kayang bumitiw."

Nakita kong napayuko si Drystan kaya hinawakan ko ang kanyang kamay nang mahigpit. At dahil nasa gitna nila ako, hinawakan ko rin ang kamay ni Chaplin.

"I'm holding my sister back." Rumagasa ang mga luha ni Ringo pero pinilit niya paring manatiling nakangiti at taas-noo. "Noong buhay pa ako, hindi nagkaroon ng kaibigan ang kapatid ko dahil sa kagagawan ko. Ngayong wala na ako, kinailangan niya pa kayong bitiwan para lang manatili ako sa tabi niya. Hindi uusad ang buhay ni Andrea kung palagi siyang lilingon sa akin. Hindi na rin ako puwedeng manatili sa mundong hindi na para sa akin."

Umiling-iling ako. "Ringo, baka may iba pang paraan. Baka may—"

Umiling-iling din si Ringo, may determinadong ngiti sa luhaang mukha. "Ang totoo niyan, nakita ko na ang liwanag. Natamasa ko na ang kapayapaan. Natanggap na ng mga magulang ko ang nangyari at nagsimula na ring matanggap ni Andrea ang lahat—pero masyado akong naging makasarili. Tuloy, heto't nagulo ko na naman ang lahat."

"Wala kang ginugulo!" Umiiyak namang giit ni Drystan. "Hindi mo kailangang umalis sa mundong 'to!"

Narinig kong humikbi si Chaplin. Hindi niya man naririnig ang sinasabi ni Ringo, alam kong nararamdaman niya ang mga nangyayari.

Sa isang iglap, bigla na lamang bumukas ang pinto. Pare-pareho kaming nag-angat ng tingin at laking gulat namin nang makita si Tiyo Salvador. Nakasuot pa ito ng kulay brown na suit at may bitbit na briefcase.

"Tama ang desisyon mo, Hijo." Tinanggal ni Tiyo Salvador ang suot na sumbrero at itinatapat ito sa kanyang dibdib. Marahan siyang yumukod kay Ringo at umayos muli ng tayo. "Walang pinipili ang kaparusahan ng langit, lahat ay puwedeng madamay. Hindi madaling bumitiw, pero ito ang tama. Para ito sa kapakanan mo, at sa kapanan ng mga minamahal mo."

Pare-pareho kaming nagkatinginan nina Ringo, Chaplin at Drystan sa sobrang gulat.

"Tutulungan kitang makatawid," wika pa ni Tiyo Salvador.



//

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

6.3M 308K 79
(FHS#2) You better watch out, you better not cry, and you better not fall cuz the f*ckboys just waged a war against Filimon Height's one and only so...
The Fool's Gold Bởi bambi

Tiểu Thuyết Chung

966K 83.7K 69
FHS # 6 | Dubbed as the golden girl of Filimon Heights, everyone thinks Joana Cohen has everything a girl could ever want. However, what she has is...
128K 8.8K 27
Filimon Sides #1: The Goodbye Girl ▬ "Everyone calls me Tree, but most people know me as The Goodbye Girl. In our University, people would pay me to...