AMONG US I

De exoleyxion

354 143 0

The killer... Is Among Us. Mai multe

AMONG US
CHAPTER 1: ABOUT TO BEGIN
CHAPTER 2: SIGNS
CHAPTER 3: AS RED AS BLOOD
CHAPTER 4: FAME SCANDAL
CHAPTER 5: FLAMES CANDLE
CHAPTER 6: CUTS
CHAPTER 8: TRUST
CHAPTER 9: WHO COULD IT BE?
CHAPTER 10: D IS FOR?
CHAPTER 11: ENDEAVOR
CHAPTER 12: THE DISAPPEARANCE
CHAPTER 13: CONNECTED BY BLOOD
CHAPTER 14: ABDUCTED
CHAPTER 15: FAMILY LOVE
CHAPTER 16: MIX AND MATCH (SELECTION PART)
CHAPTER 17: MIX AND MATCH (MIXING PART)
CHAPTER 18: THE SECRET RELATIVE
CHAPTER 19: GOODBYE KISS
CHAPTER 20: HER DEADLY ADMIRER
CHAPTER 21: THE STRANGE FALL I
CHAPTER 22: THE STRANGE FALL II
CHAPTER 23: NO SECRETS
CHAPTER 24: THE TREACHERY

CHAPTER 7: THE FORENSIC

16 11 0
De exoleyxion


NAGING PAYAPA ang nagdaang linggo. Nag-aral lang kami at nag-imbestiga. Wala pang bagong biktima. Oo, wala 'pa'. Sa loob ng isang linggo ay paulit-ulit na sinasabi sa'kin ni Tobias na marami pa ang mamamatay kaya tinanggap ko na lamang ang katotohanang iyon kaysa masaktan na naman ako kapag may bago na namang mamatay sa mga kaklase namin.

Pero ayaw kong pati ang mga kaibigan ko ay madamay sa kaguluhang ito. Ayaw ko na may mamaalam sa kanila.

Pagkatapos ng naging usapan namin kasama si Kuya Lucas, napagpasyahan ni Sir Villejo na magpares-pares kami sa pag-iimbestiga para mas mapadali ang aming imbestigasyon.

Nalaman namin ni Wave na binubully pala dati nina Alyana, Camille at Bridgette si Coraline. May her soul rest in peace. At umamin rin ang iba pa naming kaklase na nambu-bully rin sila. Halos lahat sila.

Pero hindi lang naman si Coraline ang nakaranas ng pambu-bully mula sa kanila. Sinabi sa'min ni Roy na nilagyan daw ng lupa ni Bridgette ang bag niya noon. He's not physically hurt but what Bridgette did is still considered as bullying. May mga nabully rin daw sila sa ibang section at maging sa lower grade levels.

Akala ko mababait sila, matitino. Pero masasama rin pala ang ugali nila. Sa ilang taon na nakasama ko sila, akala ko kilala ko na sila pero hindi pa pala. Marami pa rin silang itinatago at hindi inaamin.

Tiningnan ko isa-isa ang mga kaklase ko. Mukha silang mga inosente kagaya ng mga unang biktima. Kung hindi nangyayari ang patayang ito sa amin ngayon, malamang ay iisipin kong napakabait nilang lahat.

I sighed. I can't trust them anymore. Ang pagtitiwala ko sa kanila ay biglang naglaho. Kung hindi kami namatayan ng mga kaklase ay hindi ko pa malalaman na may kasama pala kaming abuser. Ang mga kaibigan ko nalang at si Sir Villejo ang kaya kong pagkatiwalaan sa lugar na ito.

Napatingin ako kay Tobias na walang emosyong nakatingin din sa mga kaklase namin. We're not really close and I also can't say that we're friends, but I trust Tobias. Papatayin ko talaga siya kapag nagtaksil siya sa'kin... sa'min.

Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kaniya kaya napatingin din siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Nginitian ko siya at sa hindi ko inaasahan ay nginitian niya rin ako. Isang sinserong ngiti na ngayon niya lang ipinakita. Gwapo rin naman pala siya kapag nakangiti. Magkadugo yata sila ni Wave eh.

Tiningnan ko naman si Wave na nakaupo na ngayon sa tabi ko at tahimik na nagsusulat sa notebook niya. Cold person din si Wave but I already had a glimpse of his soft side. He's also making me feel comfortable around him. Palagi niyang pinaparamdam sa'kin na dapat ko siyang pagkatiwalaan at deserve niya ang tiwala ko. Subukan niya lang talaga na baliin ang tiwala ko sa kaniya, makikita niya si San Pedro nang wala sa oras.

Tumigil si Wave sa pagsusulat at tumingin sa'kin. "Stop chukling, you're creeping me out," he said. Nginitian ko lang siya na siyang ikinasimangot nito. Nagiging komportable na ako kay Wave at hindi na ako nahu-human shock sa kanya HAHAHA. "Is there anything you want to say?"

Humikab ako. "Inaantok ako." Ihihiga ko na sana ang ulo ko sa lamesa pero pinigilan niya ako. Nilagay niya sa lamesa ang nakatupi niyang jacket at pina-ulon ang ulo ko doon. "Thank you." Ngumiti siya at muling nagsulat. I stared at him. Pinapakita niya na rin ang gentlemen side niya.

Muli itong napalingon sa'kin. "Zivienne, are you okay?" he asked and I nodded. Pinatong niya rin ang ulo niya sa lamesa paharap sa'kin. "Tell me what's wrong."

"Nothing's wrong," sagot ko.

"Then why do you keep staring at me?" Kumunot ang noo niya. "What are you thinking?"

"I trust you..." bulong ko na ikinangiti nito.

"I know," agarang sagot niya. "I trust you more."

Umayos na kami nang upo kasi dumating na si Sir Villejo. Monday ngayon at regular class kami. Nababalot pa rin ng takot ang buong Maple High pero kailangan naming mag-aral kaya kahit natatakot pumasok ay pumapasok pa rin kami.

"Good morning class," bati nito.

"Good morning Sir Villejo."

"We have been facing a serious matter these past weeks but I hope everybody is doing fine," he said. "Anyway, I would like you to meet your new classmate."

Pumasok ang isang lalaking hindi namin ini-expect. Walang emosyon itong naglalakad at tumigil sa tabi ni Sir. Napatulala sa kaniya ang mga kaklase namin maging sina Hazel at Donna.

"Since kakasimula pa lang naman ng school year ay inaccept nalang siya ng school," ani Sir Villejo. "He transferred late so I hope you can share your notes to him."

"Hello everyone. Zhaivo Shivore, 18," pagpapakilala nito at inilibot ang tingin sa amin. Ngumiti ito nang makita ako kaya alanganin ko rin siyang nginitian.

New classmate? Why would he transfer here?

"You may now take your seat, Mr Shivore. Your seat is behind Zivienne, table 4."

"Omg ang gwapo gwapo naman niyaaaa!" tili ni Vivian.

"Pangalan pa lang, hottie na."

"Hi Fafi hihi," bati ni Pristine at humagikhik.

Naglakad palapit sa'kin si Zhaivo at nginitian ako. "Hello pretty Zivienne, we meet again."

"Hello!" bati ko at tinuro ang upuan sa likod ko. "Your seat is behind mine."

Ngumiti ito at tumango-tango. "Thank you, pretty!"

Umalis na ito at umupo sa likod namin. Kinalabit ako ni Wave kaya napatingin ako sa kanya. Nakanguso ito na parang bata kaya napakunot ang noo ko. Na ano ito?

"Bakit?" tanong ko ngunit hindi naman ito nagsalita bagkus ay nakatingin lang ito sa akin. "Wave?" tawag ko. Hala naano ito?

Tinapik-tapik ko nang mahina ang pisnge niya. "Ano'ng nangyayari sa'yo Wave?" nag-aalalang tanong ko nang makitang namumula ang mukha nito. I cupped his face and leaned closer to him. Mas lalo itong namula sa ginawa ko. "Are you okay?"

"I'm fine," sagot nito at umiwas ng tingin. Umayos na rin ako ng upo dahil magsisimula na ang first period. Naging tahimik naman ang buong umaga ko dahil hindi ko na katabi si Hazel. Nag-swap kasi sila ni Wave sa hindi ko rin malamang dahilan.

"Bakit mo ako hinintay?" tanong ko kay Wave habang nagtatali ako ng buhok. Nadatnan ko kasi siyang nakasandal sa pader pagkalabas ko sa locker room.

"Let me." Kinuha niya ang pantali sa kamay ko at siya na ang nagtali ng buhok ko. Hindi na ako nagulat dahil siya na talaga ang nagtatatali ng buhok ko since last week. Para ko siyang boyfriend hihi.

Nang matapos siya sa pagtali ng buhok ko ay sabay na kaming pumunta sa gymnasium. PE class namin ngayon and we're gonna play basketball with section D. Naglalaro na ang team nina Neon at Hillary. Noong una ay chill pa silang naglalaro pero nagulat nalang kami nang biglang batuhin ni Hillary si Neon ng bola at natamaan ito sa mukha. Galit na nilingon siya ng huli.

"WHAT'S YOUR PROBLEM?!" Neon hysterically asked. She walked towards Hillary and pushed her. The later pushed her back. Hinawakan sila ng kani-kanilang teammates bago pa sila magpisikalan.

"YOU! YOU ARE MY PROBLEM!" singhal ni Hillary. "Alam mo kanina ka pa eh! Rinding-rindi na ako sa mga inaakusa mo sa'kin!"

"Bakit? Totoo naman ah," ani Neon. "You are a criminal! Ikaw ang pumatay kina Bridgette at Alyana!"

"Nasaan ang pruweba mo? Nakita mo bang pinatay ko sila?!"

"Ikaw lang ang may motibong patayin sila, Hillary! Nakaalitan mo si Bridgette dahil pinagbintangan ka niya na ikaw ang nag-upload ng video niya!" hinihingal na wika ni Neon. "Baka napuno ka na at pinatay mo nalang siya for good."

"Aba'y-" Hindi na natapos ni Hillary ang sasabihin nang magsalita ulit si Neon.

"Dati na rin kayong nagkaalitan ni Alyana, hindi ba?" Humalukipkip si Neon. "Galit na galit ka pa nga noon sa kanya eh."

"Stop it, Neon!" pigil ni Tobias. "You have no rights to accuse Hillary of something she did not do."

"Huwag mo siyang ipagtanggol, Tobias!" singhal ni Neon. "She is a murderer!"

"I am not!" depensa ni Hillary.

"Iisa lang ang killer, hindi ba?" Yuan asked. "Ipaliwanag mo nga sa amin kung bakit papatayin ni Hillary si Camille?"

Natahimik si Neon sa sinabi ni Yuan. Marahil ay hindi rin nito alam kung ano ang isasagot niya.

"Bibintang-bintang, wala namang pruweba."

"Feeling niya kasi alam niya lahat."

"SHUT UP!!" sigaw ni Neon at tumakbo palabas ng gym. Sumunod naman sa kanya sina Enara at Mia. Himalang hindi nila ipinagtanggol ang kaibigan nila.

Uwian na kaya nagliligpit na ako ng mga gamit ko. May pupuntahan kami ngayon ni Wave. Isasama sana namin sina Hazel kaso may lakad din daw sila ni Shaun. Yieee huehuehue.

"Hey Shaun," Zhaivo called. "Can I exchange seat with you?"

"No way, dude," sagot ni Shaun.

"Why?"

"Because I want to sit beside my bestfriend," anito at sinukbit ang braso niya sa braso ko. Napailing-iling nalang ako at sinukbit na ang aking bag. Tumawa naman si Zhaivo sa inasta ni Shaun.

"Aalis din kayo ni Hazel, diba?" I asked Shaun. Tumango-tango naman ito. "Sabihin mo sa'kin kung sino crush mo."

"Order ba 'yan?"

I nodded. "So sino nga?"

Lumapit ito sa tainga ko at bumulong. "Ikaw po."

Pinandilatan ko ito ng mata at hinampas. "Ayusin mo." Sasabihin na sana niya pero pinigilan ko ito. "On the second thought, 'wag nalang pala. Alam ko na kung sino hehehe."

Nanlalaki ang matang napatingin ito sa'kin matapos kong ibulong kung sino sa tingin ko ang crush niya.

"Oo siya nga! Huwag mong ipagkakalat ah."

"Sure," nakangisi kong sagot. "O siya, mauuna na kami ni Wave. Bye bye Shaunie! Babye Paris!"

Lalabas na sana kami sa classroom pero hinarangan kami ni Zhaivo.

"Where are you going?" he asked.

"None of your business," walang emosyong sagot ni Wave.

"Can I come?" he asked again, totally ignoring Wave.

Awkward akong ngumiti sa kanya. "Sorry but you can't," sagot ko. "Importanteng lakad kasi, Zhaivo. Maybe, next time?"

Ngumiti ito. "Next time, it is."

Nang makalabas kami ni Wave sa gate ay narinig ko itong bumubulong-bulong habang nakakunot ang kanyang noo. Hindi ko na lamang siya pinansin. Nasapian na naman siguro ang lalaking 'to.

Sumakay kami sa bus dahil medyo malayo ang pupuntahan namin. First time kong pumunta sa medyo malayong lugar na si Wave lang ang kasama ko. Nakapagpaalam naman ako kina Mama na may lakad kami ni Wave at bukas na ako nang umaga makaka-uwi. Tinukso pa ako na baka raw magtatanan na kami ni Wave.

Si Wave na ang nagbayad sa kondoktor. Inaantok ako kaya pinilig ko ang ulo ko sa bintana. Inilipat naman ito ni Wave sa balikat niya kaya naging komportable ako. Nakatulog nga ako sa biyahe kaya pupungay-pungay pa ang mga mata ko pagbaba namin sa bus. May araw pa naman, alas sinko pa lang kasi.

Saktong pagbaba namin ay nakita namin si Kuya Lucas na nakaupo sa isang bench. Lumapit ito sa amin nang makita niya kami. Pumunta kami ni Wave rito dahil may importante raw na sasabihin si Kuya Lucas tungkol kay Coraline.

"I apologize for making you travel far," he said.

"No worries, Kuya," magalang na sagot ni Wave.

"Doon tayo sa mansyon," aya niya at nauna nang maglakad. Sumunod naman kami ni Wave. Palinga-linga sa paligid si Kuya Lucas habang naglalakad kaya kinabahan ako. What if si Kuya Lucas 'yung killer at kami na ang isusunod niya?

Hinawakan ni Wave ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Wala siyang emosyon na pinapakita pero ramdam kong hindi siya natatakot.

Nawala ang kaba ko nang makapasok kami sa gate ng isang mansyon. May mga bata kasi na naghahabulan sa garden ng mansyon.

"Magandang hapon po," bati namin ni Wave sa medyo may-kaedarang babae na tumigil sa harap namin.

Nginitian kami nito. "Magandang hapon din sa inyo." Bumaling ito kay Kuya Lucas. "Sila ba ang iyong mga bisita, anak?"

"Opo Nana," sagot ni Kuya Lucas. "Ito sina Zivienne at Wave. Mga estudyante po sila ni Kuya Gavin," pakilala nito sa amin. "Guys, ito naman si Nana Dory. Siya ang Mayor doma sa mansyon."

"Nice to meet you po!"

"Ikinagagalak ko rin kayong makilala," anito. "O siya sige, pumasok na kayo sa loob at gagawan ko kayo ng miryenda."

Pagpasok namin ay agad kong nilibot ang tingin ko sa paligid. Ang daming pinto. Marami siguro ang nakatira rito.

"Dito po kayo nakatira, Kuya?" I asked. Tumango-tango naman ito bilang sagot. "Marami po yata ang kasama niyo rito. Marami po kasing pinto."

He chuckled. "You're right, Zivienne. Marami nga'ng nakatira sa mansyong 'to," sagot nito.

Maya-maya lang ay dumating na si Nana Dory at nilapag sa center table ang tray na may pagkain.

"Maiwan ko na muna kayo. Aasikasuhin ko pa ang mga bata. Kailangan na rin kasi nilang maligo at kumain," paalam niya at lumabas.

"Ang mga bata po sa labas, dito rin po ba sila nakatira?" tanong ko ulit.

"Yes," sagot niya. "Galing sila sa nasunog na bahay ampunan. Saktong napadaan ako doon kaya inuwi ko nalang sila."

My lips formed an 'o'. "Ang bait niyo naman po pala," I commented which made him chuckle. "Eh 'yung parents mo po?"

"Nasa states sila, nagtatrabaho." Napatango-tango ako. "Do you still have questions? You can ask me as many as you want."

"Wala na po hehe," nahihiya kong sagot. "Anyway, pwede niyo na po bang sabihin sa'min 'yung gusto niyong sabihin tungkol kay... C-Coraline?"

"Oh yes yes." Umayos ito ng upo. "As I said the last time, I am the one who handled Coraline's forensic case."

"She is very young that time. I think she's just in her 8th grade," patuloy nito. "She suffered a lot."

"Lips were stitched, hair was burned. Maraming pasa, lapnos, paso, hiwa at kung anu-ano pa sa katawan." May inabot siyang envelope na agad naman kinuha ni Wave at binuksan. Napatakip na lamang ako sa aking bibig nang makita ang mga litrato ng isang babae na hindi na makilala dahil sa mga natamo nito.

Napatakip ako sa bibig ko at pinipigilan ang sariling maluha habang tinitingnan ang mga litrato. Tiningnan ko rin ang autopsy report at tuluyan na nga akong naluha matapos mabasa ang lahat nang nakasulat doon.

Bakit nangyari 'to kay Coraline? Ano'ng nagawa niyang masama para mangyari 'to sa kanya?

"You're crying." Pinunasan ko ang mga luhang umaagos sa pisnge ko. "She must be dear to you."

"She's... a good friend," I said. "Sobrang bait niya kaya walang dahilan para mangyari 'to sa kanya!"

"This is the result of bullying..."

"However, I think a student can't do this kind of crime without an accomplice who is older than him or her," anito kaya napatingin kami sa kanya. "Sa tingin ko ay dalawa o higit pa ang gumawa nito. A student and a teacher thandem or a student and a parent thandem."

"A teacher?" I asked.

"Since malapit lang sa school niyo ang crime scene, at biktima pa siya ng pambu-bully, I assume that maybe a teacher is included in the scene," sagot nito. "Sa mga ganitong kaso kasi, kadalasan magkasabwat ang guro at estudyante."

"Are we still talking about the late Coraline's case or is this something else?" Wave asked.

"The late Coraline's case and the new cases," Kuya Lucas replied. "I have a hunch that the late Coraline's case and the killings in Maple High is connected."

He sighed. "Don't worry, I'll do all my best to help you," he said. "Pero walang dapat na makaalam sa pinag-usapan natin maliban nalang kay Kuya Gavin."

"Okay po," sagot ko samantalang tumango naman si Wave.

Napatingin kami sa batang lalaki na tumatakbo papunta sa amin.

"Huwag kang tumakbo, baka madulas ka," saway ni Kuya Lucas.

"Kuya, kakain na raw po sabi ni Nana," sabi ng bata. Ang gwapo naman ng batang 'to.

"Lorcan, ito si Ate Zivienne at Kuya Wave. Magpakilala ka."

"Hi po! Ako po si Lorcan Adelano. Nice to meet you po," pagpakilala nito.

"Hi Lorcan! Ang gwapo mo namang bata," komento ko at mahinang pinisil ang cute nitong pisnge.

"Hey kiddo," bati naman ni Wave at pinat ang ulo ni Lorcan.

"Sige na, kumain na tayo," aya ni Kuya Lucas kaya pumunta na kami sa dining area nila. Nadatnan namin doon si Nana Dory na nilalagyan ng pagkain ang plato ng mga bata. Mayroong anim na bata at kabilang na roon si Lorcan.

Umupo kami sa mga bakanteng upuan sa harap ng mga bata. Napatingin ang mga ito sa amin at nginitian kami. Isa-isa silang nagpakilala at gano'n din kami. Ang babait nila. Mukhang naturuan sila ng mabuting asal.

Ang pinakamatanda sa kanila ay si Karina na 15 na ang edad. Sina Lorcan, Gio, Savannah at Mike ay 9 years old at ang pinakabata sa kanila ay si Honey na 5 years old pa lang. Mukha itong manika dahil sa kulot niyang buhok na naka-two ears.

"Kuya Wave, ang gwapo niyo po. Kamukha mo po si Baekhyun," Karina commented. "Pwede ka po bang maging boyfriend ko? Hihihi."

"Karina," saway ni Kuya Lucas. "May girlrfriend na ang Kuya Wave mo."

Bumaling sa akin si Karina at nginitian ako. "Ate Zivienne, ikaw po ba ang girlfriend ni Kuya Wave?" she asked.

"Yes, she is," biglaang sagot ni Wave kaya nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya. Umiwas din agad ako ng tingin nang makitang seryoso ito. Alam ko namang sinabi niya lang iyon para hindi siya kulitin ng bata pero bakit kinikilig ako?

"Ayy sorry po hehe."

Nagkukuwentuhan kami habang kumakain kaya hindi ako na-boryo. Curious din ang mga bata sa amin kaya marami silang tanong. Wala namang kaso iyon kasi hindi naman mahirap sagutin ang mga tanong nila.

Nandito kami ngayon sa kwartong tutuluyan namin at nandito rin sina Lorcan, Savannah, Mike at Honey. Matutulog na dapat sila sabi ni Kuya Lucas kaso gusto pa nilang makipaglaro sa'min kaya pinayagan nalang niya ang mga ito.

Kakatapos ko lang magbihis at nadatnan kong nakikipaglaro si Wave sa mga bata. Napangiti ako nang makitang ang saya nito. I think he likes kids.

"Ate Byen!" tawag ni Honey kaya umupo ako sa tabi niya. "Ate Byen pretty!"

Ngumiti ako. "Aw, thank you Honey," I said and pinched her cheeks which made her giggle.

Nakipaglaro muna kami sa kanila bago sila nagpaalam na matutulog na. Nang makalabas na sila ay ni-lock ni Wave ang pinto at diretsong humiga sa tabi ko. Wala nang bakanteng kwarto kaya nagtabi nalang kami dito. Okay lang naman sa'min pareho. Wala namang malisya 'to.

"Why did you lock the door?" mahinang tanong ko at humiga paharap sa kanya. "As if naman papasukin tayo dito."

"Kuya Lucas told me to lock the door and the windows before we sleep," bulong nito. "He said that robbers are active at night and even rapists."

Tumalikod ito sa akin at humarap sa bintana. Siya ang malapit sa bintana at ako naman ang malapit sa pinto. Makalipas ang ilang minuto ay tahimik na si Wave kaya dahan-dahan akong bumangon at tiningnan siya. Humiga ulit ako nang makitang tulog na siya.

Napalingon ako sa bintana nang makarinig ako ng kaluskos doon. May makapal na kurtina na nakatabon doon pero dahil sa liwanag na nagmumula sa labas ay may naaninag akong pigura ng isang lalaki.

Napasinghap ako nang makitang sinusubukan niyang buksan ang lock ng bintana kaya dali-dali akong umusog palapit kay Wave at niyakap ito mula sa likod. Nagulat naman ako nang humarap ito sa'kin at niyakap ako pabalik.

"W-Wave..."

"Shh... I'm here." Siniksik niya ang ulo ko sa dibdib niya tiyaka niya hinila ang kumot at itinabon sa buong katawan namin. "They can't get in."

Maya-maya lang ay tumigil na nga ang kaluskos sa bintana kaya nawala na rin ang kaba ko. Nilingon namin iyon at wala na akong nakikitang anino ng tao roon.

"I put nails there while you're changing clothes," anito. Napalaki naman ang mata ko.

"Ano?!" Kinurot ko ang likod nito. "Nilagyan mo ng pako ang bintana? Baka pagalitan tayo ni Kuya Lucas!"

"He's the one who told me to nail it," mahinang sagot nito. "Now, sleep."

Umiling ako. "Baka bumalik 'yung lalaki! Natatakot ako!" Mahina itong natawa at mas hinigpitan pa ang yakap niya sa'kin.

"You're safe in my arms," he said and closed his eyes. Namula naman ako kaya siniksik ko nalang ang ulo ko sa leeg niya at niyakap din siya ng mahigpit. Imbes na ma-ilang ako ay mas gumaan ang pakiramdam ko habang nakayakap sa kanya. I felt secured.

Nang magising ako kinabukasan ay gano'n pa rin ang pwesto namin ni Wave. Nakita ko sa wall clock na alas kwatro y media na kaya ginising ko na si Wave. Maaga pa dapat kami aalis dahil medyo malayo pa ang biyahe pauwi.

Matapos magligpit ng mga gamit ay nagpaalam na kami kay Nana Dory. Tulog pa ang mga bata kaya hindi kami nakapag-paalam sa kanila. Makakabalik pa naman siguro kami dito.

Hindi na namin sinabi ang tungkol sa nangyari kagabi. Hindi rin naman nakapasok ang taong iyon.

"Wait me here, I'll get my car," ani Kuya Lucas at akmang aalis na pero pinigilan siya ni Wave.

"Don't bother, Kuya. We'll take the bus," he said.

"You sure?" Tumango-tango kami. "Okay then, thank you for coming." Inabot nito sa akin ang isang flash drive. "Keep it. It might be a help."

Hinatid kami ni Kuya Lucas sa bus station. Kinawayan naman namin ito nang umandar na ang bus. Binilin namin sa kanya na sabihin sa mga bata na dadalaw nalang kami kapag may free time kami. Syempre nagpaalam din kami sa kanya, siya may-ari ng mansyon eh.

Tiningnan ko ang flash drive na hawak ko. "Mukhang laman nito ang mga forensic records nina Alyana at Camille. Pati na kay Coraline."

"Mhm."

Napansin kong tinitingnan ni Wave ang maskuladong lalaki na naka-hoodie at nakaupo hindi kalayuan sa amin. Maya-maya lang ay umusog ito palapit sa'kin at nilapit ang bibig niya sa tainga ko. "Lower your voice and keep the flash drive in your bag," he whispered. Sinunod ko naman ang sinabi niya at dali-daling tinago ang flash drive sa sekretong bulsa ng bag ko.

"Do you think we can trust Sir Lucas?" tanong ni Wave sa mababang boses. "He's a little mysterious and suspicious."

"We can, but not fully. You know, as they say, always leave a room for doubts," I replied. "But one thing is for sure..."

"That forensic, Kuya Lucas, can help us end this case."

|•|end of chapter 7|•|
◍exoleyxion◍

Continuă lectura

O să-ți placă și

Project LOKI â‘¢ De akosiibarra

Polițiste / Thriller

24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
138K 4.1K 79
A series of one shot stories :-)
Project LOKI â‘  De akosiibarra

Polițiste / Thriller

56.1M 990K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
Chasing Hell (PUBLISHED) De KIB

Polițiste / Thriller

63.4M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!