AMONG US I

By exoleyxion

357 143 0

The killer... Is Among Us. More

AMONG US
CHAPTER 1: ABOUT TO BEGIN
CHAPTER 2: SIGNS
CHAPTER 3: AS RED AS BLOOD
CHAPTER 4: FAME SCANDAL
CHAPTER 5: FLAMES CANDLE
CHAPTER 7: THE FORENSIC
CHAPTER 8: TRUST
CHAPTER 9: WHO COULD IT BE?
CHAPTER 10: D IS FOR?
CHAPTER 11: ENDEAVOR
CHAPTER 12: THE DISAPPEARANCE
CHAPTER 13: CONNECTED BY BLOOD
CHAPTER 14: ABDUCTED
CHAPTER 15: FAMILY LOVE
CHAPTER 16: MIX AND MATCH (SELECTION PART)
CHAPTER 17: MIX AND MATCH (MIXING PART)
CHAPTER 18: THE SECRET RELATIVE
CHAPTER 19: GOODBYE KISS
CHAPTER 20: HER DEADLY ADMIRER
CHAPTER 21: THE STRANGE FALL I
CHAPTER 22: THE STRANGE FALL II
CHAPTER 23: NO SECRETS
CHAPTER 24: THE TREACHERY

CHAPTER 6: CUTS

19 12 0
By exoleyxion

“S-SINO po ang gumawa nito sa a-anak ko?”

Nandito kami sa bahay nina Bridgette. Since wala naman kaming pasok ngayon ay napagdesisyunan nalang naming pumunta dito at tumulong sa pag-aayos ng burol niya. Kaming lima lamang ang pumunta dito. Si Wave, ako, si Sir Villejo, si Hazel, at si Tobias.

“Hindi pa po namin alam kung sino,” Sir Villejo replied. “Pero ginagawa na po ng mga pulis ang lahat para mahuli ito.”

“Nakita niyo ho ba ‘yung video niya?” Tobias calmly asked.

Tumango-tango ang ginang. “Oo,” sagot nito at tumangis. “Pero hindi namin siya pinagsalitaan ng m-masasama dahil alam naming may rason naman kaya niya n-nagawa iyon.”

“Gumawa siya ng b-bagay na maaaring makasira sa kinabukasan niya pero hindi naman namin siya s-sinisisi dahil alam namin ang pinagdadaanan niya at n-naiintindihan namin siya.”

“Ang hindi lang namin maintindihan ay kung bakit nangyari ito sa kanya…”

“Bakit siya pinatay?”

Humagulgol na naman ang ginang kaya pinagpahinga muna namin siya at kami na ang nag-ayos ng paligid. Maya-maya lang ay dumating na ang kabaong ni Bridgette at inayos ito ng mga taga-punerarya sa loob.

Hindi naman kami nagtagal doon dahil pagsapit ng alas dose ng tanghali ay umalis na kami. Pumunta kami sa isang Café at nag-usap doon.

“What happened to Bridgette is really disturbing,” ani Sir. “A forensic friend of mine who autopsied Bridgette’s body said that her private part was brutally damaged. Namamaga daw ito at puno ng sugat. Parang sinaksakan daw ng matalim na bagay.”

Parang hindi maipinti ang mukha namin ni Hazel dahil sa narinig. How brutal.

“Hindi kaagad siya nakatakbo palabas dahil wala na siyang lakas at nagdurugo pa ang private niya,” dagdag niya. “That’s what Detective Austria had concluded.”

“Base rin sa imbestigasyon, mga bandang alas  kwatro o alas sinko daw nangyari ang sunog dahil mainit-init pa ang lab nung dumating ang rescue noong alas sais.”

“Wala po bang witness?” tanong ni Hazel na inilingan naman ni Sir Villejo. “Eh, bakit kaya nandoon na si Bridgette nang gano’n ka aga? Eh diba, late siya palagi tuwing may pasok?”

“Baka may kikitain siya…”

“Kikitain nang gano’n ka aga?” Hazel asked. “Sino naman?”

“Hindi kaya si Zero?” hula ko.

“Her phone,” biglang sabi ni Wave. “We can search for calls or messages.”

“Pero wala ang phone niya sa mga gamit na nakuha ng mga pulis sa labas ng crime scene,” sagot ni Sir Villejo. “Tinanong ako ni Mrs. Salazar kung baka raw nakuha ko.”

“Hindi niyo naman po kino-confiscate mga phones namin…”

“Kaya nga…” Napaisip si Sir Villejo. “Baka nasa salarin.”

I heave a sigh. Ni hindi nga namin alam kung sino ang salarin.

Pagsapit ng hapon ay nagsi-uwian na kami. Umidlip ako sandali ngunit naalimpungatan ako nang tumunog ang cellphone ko senyales na may tumatawag. Wala sa isip kong sinagot iyon habang nakapikit.

“Hmm, helloo?”

“Did I wake you?” mahinang tanong ng nasa kabilang linya. I just groaned which made him chuckle. “I apologize for interupting your sleep.”

Kinusot-kusot ko ang mata ko at bumangon. Madilim na sa labas at mahangin, mukhang uulan yata.

“No, it’s fine,” I replied and yawned. Isasara ko na sana ang bintana ngunit biglang lumakas ang hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. “Ang lamig naman.”

“Yeah,” sagot ni Wave. “I think it will rain. Close your windows.”

“M m.” Isinara ko na ang bintana at muling nahiga sa kama. “Ba’t pala napatawag ka?”

“I was scrolling on my facebook’s newsfeed and saw Camille’s post. It’s bothering me,” he said.

“Why? What about it?” I asked. “Ay wait, titingnan ko.”

I turned on the speaker and stalked Camille’s account. May naka-pin na post doon. It says, “I planted small  cuts all over her body. Nagsisisi na ako. I’m so sorry…”

“Sino ang tinutukoy niya dito?” I asked.

“I don’t know,” sagot ni Wave.

“Mabait si Camille,” I said. “I never heard that she bullied someone.”

“But you can’t be sure that she’s not a bully,” ani Wave. “You don’t know what she’s doing when you’re not looking at her.”

Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin bago ko iyon basagin.

“Kakain muna ako, Wave,” paalam ko. “Tatawag ka ba ulit… mamaya?”

He chuckled. “Why? Do you want me to call you again?”

Namula ako. “I-ikaw bahala.”

“Okay, I’ll call again. Eat well,” sagot niya bago ko patayin ang tawag. Malawak ang ngiti ko nang bumaba ako para kumain.

“Nginingiti-ngiti mo diyan?” Kuya asked when I sat beside him. Tumikhim naman ako para pigilan ang pangngiti. “Uyy, si Zivienne may boyfriend na.”

“Wala ‘no,” tanggi ko. Sinundot ako ni Kuya sa tagiliran kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Ma oh, si Kuya.”

“Hayaan mo na ang kapatid mo, Zievo,” saway ni Mom at bumaling sa’kin. “Okay lang naman magka-boyfriend, anak. Just know your limits.”

“Ayaw ko pa no’n, Ma. Crush crush lang muna ako HAHAHA,” sagot ko at tumawa.

Pagkatapos kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko. Tiningnan ko ulit ang post ni Camille. Nabo-bother din kasi ako eh. Who could this be?

THIRD PERSON

Pauwi na ako galing sa malapit na Grocery store nang may humampas sa likod ko kaya nawalan ako ng malay. Nagising na lamang ako nang may nagbuhos sa’kin ng malamig na tubig. Napaubo ako at dahan-dahang dumilat. Madilim ang paligid, mukhang nasa isang abandonadong bodega ako.

“Hello, hello!”

Napatingin ako sa kanan at nakita ang isang babae na naka-maskara at may hawak na patalim. Nakakatakot ang awra niya.

“S-sino ka?” I asked nervously.

“Nakalimutan mo na ako, Ca?” she asked and laughed.

“H-hindi kita kilala!”

“I’m someone related to Coraline.” Napaawang ang labi ko sa pangalang binanggit niya. “At nandito kami para maningil.”

Nanlaki ang mata ko. “H-huwag po! Nagsisisi na po ako sa ginawa ko kay Caroline!”

Naglakad siya palapit sa’kin habang nilalaro ang patalim sa kamay niya. Nagpumiglas ako ngunit nakagapos ang parehong paa at kamay ko sa silya.

“Huwag kang mag-alala, mag-e-enjoy ka bago ka mamaalam,” aniya at tumawa nang malakas. “Kuya, pwede mo nang simulan.”

Napatingin ako sa pigurang papunta sa gawi ko. Nagulantang ako nang maaninag ang mukha niya. Bago pa ako makapagsalita ay tinakpan na niya ng panyo ang ilong at bibig ko.

“Enjoy,” huling narinig ko bago ulit ako mawalan ng malay.

ZIVIENNE

“Kamusta na kaya si Zhaivo?” Hazel suddenly asked during our video chat. “Sayang at hindi natin siya nakasama nang matagal.”

“Miss mo ba, Haze?” Donna teased.

“Miss na miss,” sagot ni Hazel. “Puntahan ko kaya siya sa Barangay Pilapil?”

“Isama mo ako!” Donna exclaimed.

Napansin kong nakanguso si Shaun habang nagku-kuwentuhan sina Donna tungkol kay Zhaivo. Kanina pa ‘to tahimik at nakikinig lamang sa usapan namin.

Tumikhim ako at napangisi. “Why are you so silent, Shaunie ko?” tanong ko na may halong tukso. Mas lalo itong bumusangot nang mahimigan ang panunukso sa tanong ko.

“Pwede bang iba nalang pag-usapan natin?” aniya. “May update na ba kayo doon sa nangyayaring patayan?”

“Ay oo nga.” Napatango-tango ako. “May nalaman kaming kaunti ni Wave.”

“Gagawa nalang ako ng group chat at kayo na ang bahalang mag-add sa iba,” Hazel volunteered. Ilang minuto lang ay nag-pop na nga sa messages ko ang bago naming group chat. “Zivienne, add mo naman sina Wave at Tobias. Hindi kasi kami friends.”

Matapos kong e-add ang dalawa ay nag-invite ng video call si Sir. Villejo. I accepted it immediately. Natawa ako nang makitang kisame lang ang pinapakita ni Wave.

“Sir, may nalaman daw po sina Zivienne at Wave,” biglang sabi ni Hazel.

“It’s about Camille’s post,” sagot ni Wave. “I think it is meant for someone whom she bullied before.”

“Camille is a bully?” Sir. Villejo asked. “I never heard that she bullied anyone.”

“Same Sir,” segunda naman ni Hazel.

“Pakitang tao kasi siya,” ani Donna. “Nakit—“

Bigla na lamang na-end ang call kaya nag-chat nalang ako sa kanila na matutulog na kahit hindi pa naman. Nag-reply naman si Sir Villejo na magkita-kita nalang daw kami bukas sa abandonadong Amusement Park since wala namang klase.

Papatayin ko na sana ang cellphone ko nang may tumawag na naman. Agad ko itong sinagot sabay hikab.

“You’re sleepy already?” Wave asked.

“Antukin talaga ako,” sagot ko na ikinatawa niya naman nang mahina. “Ikaw? Hindi ka pa ba inaantok?”

“No,” agarang sagot nito.

“Wave, pwede bang mag-request?” wala sa sarili kong tanong.

“What is it?”

“Pwede mo ba akong sunduin bukas? Sabay na tayong pumunta sa Amusement Park,” I replied.

He chuckled. “You don’t have to say that. I’ll still fetch you even though you don’t ask for it,” he said which made me blush. “But how about your friends?”

“It’s fine with them,” sagot ko. “Hindi rin naman kasi kami magkasabay minsan kung hindi papunta sa school. At isa pa, Hazel will be glad na mauuna ako.”

“Why?”

“Because she will have the chance to see my brother,” natatawang sagot ko.

THIRD PERSON

Muli kong ginising ang babae upang masimulan ko na ang exciting na part. Nakatali ang hubad nitong katawan sa isang silya at may busal ang bibig nito. Panay ang angil niya nang mahimasmasan. Malamang ay dahil iyon sa pagkirot ng maselang parte niya. Grabe kasi energy ni Kuya eh HAHAHA.

“Handa ka na bang makita ulit si Coraline?” nakangising tanong ko. Nanlaki ang mga mata niya nang lumapit ako sa kaniya habang pinapa-ikot ang kutsilyo sa kamay ko.

Napasigaw siya nang unti-unti kong nilalagyan ng hiwa ang balat niya. Mula sa mga kamay nito, mga paa, hanggang sa buong katawan niya. Bawat daplis ng kutsilyo sa katawan niya ay umaangil siya. Parang musika ito sa aking pandinig.

Ang dugo nito ay umaagos sa maduming semento. Nanghihina na ang babae at namumutla. Nauubos na ang dugo nito dahil sa mga hiwa sa katawan niya.

“Paalam, Villanueva.”

Ilang minuto lang ay hindi na ito gumalaw, ibig sabihin ay patay na siya. Sinenyasan ko si Kuya na tapos na kaya ngumisi naman ito at lumapit sa’min. Nagsuot muna kami ng gloves at pinagtulungang buhatin ang bangkay ng babae. Itinapon namin ito sa malapit na kanal at dali-daling nilisan ang lugar.

“3 down…”

ZIVIENNE

“Good morning, Zivienne,” bati ni Wave nang makita akong palabas ng gate. I smiled and greeted him back. “How’s your sleep?”

“Not good,” I replied and yawned. Nagsimula na kaming maglakad. Maaga pa naman kaya wala pang masyadong tao sa daan. “I dreamed of Caryl. I gave her something and then she suddenly choked me.”

“Sabi sa’kin ni Lola, kapag daw naaalala ko ang nangyari sa panaginip ko, may ibig sabihin daw iyon,” dagdag ko. “Maaari raw na isa itong pangitain o babala. Maaari ring magkatotoo.”

Napansin kong tahimik lang si Wave kaya nilingon ko siya. Seryoso ang mukha nito at mukhang may malalim na iniisip. Napatingin rin siya sa’kin nang mapansin niya akong nakatingin sa kanya.

“Ano’ng iniisip mo?” I asked.

“Wala. Don’t mind me,” sagot niya at ngumiti. “Anyway, kumain ka na ba?”

Umiling ako kaya niyaya niya akong kumain muna sa Jollibee. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa abandonadong Park. Luminga-linga pa kami dahil baka may nakamasid sa amin.

“Good morning, Sir,” bati namin ni Wave kay Sir. Villejo na nakaupo mag-isa sa isang bench. Ito rin ‘yung pwesto kung saan kami nakaupo noong nakaraan.

“Good morning.” Magkatabi kaming umupo ni Wave sa kabilang bench. Makaraan ang ilang minuto ay dumating na rin ang lima.

“Wala talaga kasi akong alam na may na-bully si Camille eh,” ani Sir Villejo.

“By any chance, do you still remember C-Coraline?” I suddenly asked. Hindi ko rin alam kung ba’t ko naitanong iyon.

“Why Zivienne?” Sir Villejo asked.

Napalunok ako. “One t-time, I saw some cuts on her wrist,” wika ko. “Tinanong ko siya kung saan nanggaling iyon pero sinabi niyang aksidenteng nahulugan lang daw ng sanga ng puno.”

“The next day, nadatnan ko siyang nagbibihis sa Comfort Room,” patuloy ko. Taimtim naman silang nakikinig samantalang si Wave ay nagsusulat sa notebook. “I saw many cuts on her back. Parang nilaslas ng blade.”

“What Zivienne is trying to say is that, Camille bullied Coraline.” Napatingin ako kay Wave. May alam din kaya siya sa pinagdadaanan noon ni Coraline?

“How is that?” Shaun asked.

“Zivienne said that she saw cuts on Coraline’s back and wrist,” sagot ni Wave. “Tugma iyon sa post ni Camille.”

“We never know, baka iba ang may gawa no’n kay Coraline at hindi si Camille,” ani Tobias.

“To make everything clear, why don’t we just ask Camille?” Paris suggested.

Sir Villejo volunteered to call Camille. “Out of coverage eh,” he said and tried again but still, no answer. Ilalapag niya na sana ‘yung phone niya nang may biglang tumawag. He excused himself and answered the call. Bumalik din naman siya kaagad.

“Camille’s mother called me,” Sir Villejo said with a worried expression. “Hindi pa raw umuuwi si Camille simula kagabi.”

Nakaramdam ulit ako ng kaba. Could it be that, she’s dead? Oh no no no. Ano ba ‘tong mga iniisip ko?

“Baka po hindi lang umuwi kasi gustong mapag-isa,” ani Hazel na sinang-ayunan naman ni Sir. “Kamamatay lang ng dalawa niyang kaibigan. Malungkot pa iyon.”

“Tama na ang pag-iisip ng kung anu-ano,” ani Sir. “Umuwi na muna tayo at magpahinga.”

Humiwalay sa amin si Sir Villejo nang makalabas na kami sa abandonadong Amusement Park. Sabay-sabay naman kaming pito na naglalakad pauwi. Tahimik lang ako habang sila ay panay ang kuwentuhan.

“Naisip niyo na rin ba na baka si Neon ang pumatay kay Alyana?” Shaun suddenly asked which caught our attention. “Kasi diba, sabi ni Donna, dating magkaibigan sina Neon at Alyana? Tapos may nangyari kaya galit na galit si Neon sa kaniya?”

“What if hindi na nakapagtimpi si Neon kaya pinatay niya nalang si Alyana? ‘Yung footage sa may CR, diba nakita natin na pumasok si Neon at siya ang unang nakakita sa bangkay ni Alyana?” Kumapit siya sa braso ko. Habit na talaga ni Shaunie na bigla-biglang kumakapit sa braso ko. “Pero iisa lang ang pumatay kina Bridgette at Alyana. Wala namang problema sina Neon at Bridgette sa isa’t isa.”

“Ka gulo naman!” reklamo nito at napakamot sa ulo.

“Ka gulo nga,” I whispered and sighed.

***

“Hubo’t hubad na bangkay ng isang dalagita ang natagpuan sa isang kanal sa Dona Vilesta nito lang umaga…”

Kinuha ko ang miryenda na gawa ni Nanay Gloria at tumabi kay Kuya na nanonood ng balita. Saturday ngayon ng hapon at walang work si Kuya kaya buong araw nanonood ng tv. Chismoso rin kasi siya kaya palaging naka-tutok sa balita.

“Isang karumal-dumal na katapusan ang sinapit ng isang dalagita na natagpuan sa isang kanal sa Dona Vilesta.” Saktong pagtingin ko sa tv ay may lumabas na litrato pero censored ito. Sa tingin ko naman ay ito ang picture ng babaeng natagpuang patay.

Ayon sa imbestigasyon, kagabi pa patay ang biktima ngunit kaninang umaga lamang ito natagpuan ng isang ginang...”

“Ang biktima ay hinihinalang na-rape ng ilang beses. Nakatamo rin ito ng hindi mabilang na laslas sa buong katawan at blood loss o kawalan ng dugo ang naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.”

“Hays, grabe naman ang nangyari sa babae,” komento ni Kuya. “Sino kaya ang gumawa niyan?”

Tumayo ako at naglakad palapit sa lababo para hugasan ang pinagkainan ko ngunit napahinto ako nang marinig ang sunod na sinabi ng reporter.

“Ang biktima ay kinilalang si Camille Villanueva, dise-otso anyos at residente ng Villa Cosana…”

Dali-dali kong tinawagan si Wave at sinabing wala na si Camille. Tama ang kutob ko, patay na nga si Camille. Napabuntong-hininga ako at bumalik sa tabi ni kuya na nagulat din sa narinig.

“Diba kaklase mo ‘yon, Zivienne?” he asked. Tumango naman ako. “Kawawa naman siya.”

Hindi alam ni Kuya na nagpapaka-detective ako ngayon. Wala rin siyang alam sa mga nangyayaring patayan sa amin. Pero tiyak na pagagalitan niya ako kapag nalaman niyang ginagawa ko ‘to.

Kinabukasan ay nag-chat si Sir Villejo na pupunta raw kami sa kaibigan niyang forensic kaya nagbihis na ako at nagpaalam kay Kuya. Ang paalam ko ay gagala lang kami nina Hazel at Shaunie. Linggo naman ngayon at kagagaling lang naming simbahan. Nayayawa tuloy ako.

Pagkalabas ko sa gate ay nandoon na si Wave. Ngumiti ito nang makita ako kaya nginitian ko rin siya. Mas lalo siyang nagiging gwapo kapag nakangiti siya. Sayang lang at palagi siyang naka-poker face sa school.

“Shaun! Sabihin mo na kasi sa’kin kung sino ‘yung crush mo!”

Napalingon kami ni Wave sa kalsada at nakitang hinihila ni Hazel ang tshirt ni Shaun habang naglalakad ang mga ito papunta sa amin. Agad na tumakbo si Shaun palapit sa’kin at nagtago sa likod ko.

“Na ano na naman kayo?” I asked.

“Eh Zivienne, si Shaun kasi ayaw sabihin kung sino crush niya!”

“Eh sa ayaw ko kasi!” singhal ni Shaun.

“Akala ko ba no secrets tayo?” padabog na umayos nang tayo si Hazel. “Ang daya mo Shaun!”

“Ikaw din naman eh! Ayaw mo rin sabihin kung sino’ng crush mo!”

“Sinabi ko na sa’yo na si Mingyu nga!” Hazel pouted. “Bakit kasi ayaw mong maniwala?”

“Ah basta, ayokong sabihin.”

“Zivienne oh,” pagsumbong ni Hazel.

“Enough okay,” awat ko sa kanila. Si wave naman ay nakangiti habang nakatingin sa’min. Biglang tumakbo si Shaun at hinabol naman siya ni Hazel kaya napailing-iling nalang ako bago bumaling kay Wave. “Ikaw. Why are you smiling?”

“I find your friendship cute,” he replied. “I’ve never had friends.”

“You have me,” agaran kong saad na ikinabigla niya. I tapped his shoulder. “I know we’re not close but...” Tinuro ko ang bahay namin kaya napatingin siya doon. “You know where my house is. Just press the doorbell if you need me.”

He smiled widely. He’s so cute omg. Mas lalo akong nai-inlove sa kanya. Kung sakali bang tuluyan na akong mahulog, sasaluhin kaya niya ako? Charot lang, sabi ko kina mama crush crush lang muna hehehe.

Hinintay namin si Sir Villejo sa plaza at sabay-sabay kaming pumunta sa isang Café. Dito raw namin ime-meet ‘yung kaibigan niya. Hindi naman nagtagal ay may pumasok na isang gwapong lalaki na sa tingin ko ay mas bata lang ng ilang taon kay Sir Villejo.

“Lucas!” tawag ni Sir Villejo sa lalaki. Nakingiti namang tumungo ito sa kinaroroonan namin.

“Hi,” bati nito. “The name is Lucas Videl Adelano.”

Isa-isa naman kaming nagpakilala sa kaniya. Siya na nga ang kaibigan ni Sir Villejo na Forensic. Ang gwapo naman niya hikhik.

“Matanong ko lang Kuya Lucas, ilan taon ka na po?” Hazel asked.

He chuckled. “I’m 22 and single,” sagot nito.

“Wow, 22 ka pa lang po? Ang bata niyo naman para maging Forensic. Dapat college pa lang kayo ngayon,” komento ni Donna. Napatawa naman si Kuya Lucas.

“Wala pa kasing Senior High noon,” he said. “Anyway, Kuya Gavin, walang na trace na fingerprint sa mga gamit na binigay mo sa’kin.”

“Sigurado ka?” Tumango-tango si Kuya Lucas. “Kung gano’n ay baka gumamit ng gloves ang suspect o hindi kaya ay nilinis na niya ang mga gamit na iyon bago iwanan sa crime scene.”

Napatingin kami kay Sir Villejo. “Ano po’ng ibig niyong sabihin, Sir?” Paris asked.

“Kahapon ay pumunta ako sa Dona Vilesta upang mag-imbestiga,” sagot niya. “Bago pa maibalita ang nangyari kay Camille, her mother already called me.”

“So I did an investigation. Hindi ko na muna kayo isinama dahil baka naroon pa ang killer,” he added. “May abandonadong warehouse malapit sa kanal kung saan natagpuan ang bangkay ni Camille. Maraming dugo sa loob kaya sigurado akong iyon ang crime scene.”

“May nakita ako’ng kutsilyo doon at blade,” patuloy nito. “Kaya ibinigay ko iyon kay Lucas upang ipa-test kung may mga naiwang fingerprints…”

“Unfortunately, there aren’t any,” dugtong ni Kuya Lucas.

“Tatlong estudyante ko na ang namatay,” malungkot na saad ni Sir Villejo. “Maaaring sa susunod na mga araw ay may mamamatay na naman.”

“Kaya pa naman nating pigilan Sir,” ani Hazel.

“Kahit naman pigilan natin ang kamatayan ng isa, may mamamatay pa rin,” biglang sabi ni Tobias

“Let’s find out who the killer is then,” sagot ni Shaun.

“Like it’s so easy to know who.”

“So, ano’ng gagawin natin ngayon?” Shaun asked.

May iniabot si Kuya Lucas na folder kay Sir Villejo. Kinuha naman ito ni Sir at tiningnan kung ano ang nasa loob. “What is this?” he asked.

“Bridgette and Alyana’s file,” sagot ni Kuya Lucas. “You can start from there.”

“Those cases are familiar to me. I think nangyari na rin iyan sa isang babaeng na-autopsy ko noon,” he added. Napatingin naman kami sa kaniya. “Grabe rin ang nangyari roon sa babae. Ilang gabi akong hindi nakatulog at ilang linggo rin akong binabangungot dahil sa kaniya.”

“Bakit po?” Hazel asked.

“Napaka-brutal kasi nang nangyari sa kanya,” sagot nito. “Halata sa bangkay niya na halos lahat ng klase ng pagpapakahirap ay dinanas niya. Parang demonyo ang gumawa no’n at hindi tao.”

Nakita ko kung paano dumaan ang salit sa mga mata ni Kuya Lucas habang sinasabi niya iyon.

“Mukhang lubha po kayong naapektuhan sa nangyari sa kaniya. Ano po ba ang relasyon niyo sa babae?” Donna asked.

“Naalala ko ang sarili ko sa kaniya noong high school ako. Nakaranas din ako ng ganoon pero hindi ako pinatay,” he replied. “Galit ako sa mga nambu-bully at nananakit ng kapwa nila.”

“Sino ho ba ‘yung babaeng tinutukoy niyo?” Paris asked.

Kuya Lucas sighed.

“Coraline Alajar…”

|•|end of chapter 6|•|
◍exoleyxion◍

Continue Reading

You'll Also Like

83.3M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book ļ¼ƒ1 || Not your ordinary detective story.
17.6M 660K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...
21.8M 756K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
25.6M 855K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)