Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]

By Leonna_PHR

13.7K 515 213

Galing si Jam sa pamilya ng mga pulis. Isang forensic expert ang ate niya at senior police officer naman ang... More

Author's Note
CHAPTER ONE: The Guy In The Wishing Tree
CHAPTER TWO: Ang Mga Kintanar
CHAPTER THREE: Ang Pinakapaboritong Bagay Ni Percy Sa Buong Mundo
CHAPTER FOUR: Naniniwala Na Ako Sa Forever
CHAPTER FIVE: The Story Of Creation From The Book Of Genesis
CHAPTER SIX: Pero
CHAPTER SEVEN: The Fight
CHAPTER EIGHT: All For You
CHAPTER NINE: The General Steel's Suspicion
CHAPTER TEN: Ang Bulong Ng Damdamin
CHAPTER ELEVEN: Bahala Na
CHAPTER TWELVE: Of Society and Discrimination
CHAPTER FOURTEEN: Last Hope

CHAPTER THIRTEEN: The Hardest Choice

525 30 3
By Leonna_PHR

CHAPTER THIRTEEN

The Hardest Choice

NANG IMULAT ko ang aking mga matang inaantok pa ay biglang nanlaki ang mga ito. Pero was staring at me while I was still asleep! At ngayong gising na ako, may kasama pang ngiti ang titig nito.

            "Good morning, Mahal." Akmang lalapit si Pero sa akin para halikan ako sa labi ngunit mabilis na tinakpan ko ng unan ang aking mukha.

            "Pero!" sigaw ko sa ilalim ng unan. "Bad breath pa ako."

            "So what? Good breath man o bad breath, I don't care. It's still you." He moved closer to me and imprisoned me in his arms. Mukhang wala na talaga akong kawala.

            Umikot na lang ang mga mata ko. Ang aga-aga ay pinakikilig ako nito. "Pero, umayos ka. Baka gusto mong ibalibag kita."

            Agad namang kumawala si Pero sa pagkakayakap nito. "Bumangon ka na kasi diyan. Mag-toothbrush ka na para mahalikan na kita!"

            Was that a command? Gusto kong magtitili sa sobrang kakiligan dahil sa mga sinasabi nito. Talagang mababaliw ako sa pag-ibig ko rito kung ganito ba naman ang routine namin sa bawat araw na ginawa ng Diyos.

            It has been more than a week since we resided in Tita Diella's house. On the third day of our stay, umamin kami kay Tita na kami ay magkarelasyon na. Tuwang-tuwa naman si Tita Diella dahil isa itong LGBT advocate.     

            She asked if we were doing it. Nagulat talaga ako nang tanungin ako ni Tita ng ganoon. I shook my head repeatedly. Si Pero naman ay natawa lang, sabay tumingin sa akin nang nakakaloko.

            To be honest, wala pang nangyayari sa amin ni Pero. We just kissed, that's all. It was probably a gesture that could kindle out love between a couple, but I personally felt that spark that could rev up my guilty carnal pleasures on him. Pinigilan ko ang sarili ko.

            I never made anything like that with anyone else. Virgin pa ako, pero hindi ibig sabihin na wala akong alam pagdating sa mga ganoong bagay. Yes, I do play alone, but I fantasize women.

            I lived in a principle of the relationship of men and women and their sexual boundaries. Ngayon lang ako na-expose sa ganitong uri ng set-up where I had this feeling of arousal towards Pero. At tanging dito lang. Wala nang iba.

            However, I didn't really want such actions serve as the foundation of our relationship, kahit na ang hirap-hirap na itago ang nararamdaman kong iyon kay Pero, lalo na kung makikita ko ang kahubdan nito. There was this one time that I woke up in the middle of the night just to drink a glass of water. Sa paggalaw ko sa kama ay nakita ko ang kahandaan nito na sumisilip sa ilalim ng karsunsilyo nito. I pushed him to the opposite side, to keep my stare away from it. Kung ito ay handa, ako naman ay hindi pa. At hindi pa ako handang ipaalam sa lahat kung sino ako.

            Probably, at this point in time, lantad na sa buong mundo ang mga ganitong uri ng relasyon. Hindi pa nga lang bukas ang isipan ng mga nakararami dahil sa pagkakaiba-iba ng ating mga paniniwala. Kaya ako, ang tanging magagawa ko na lang ay ang pagbibigay ng respeto sa isa't isa, dahil doon lang din ako makakakuha niyon.

            "Sira-ulo ka talaga," Bumangon na ako sa kama ngunit agad namang sinunggaban ako nito at hinalikan nang mabilis sa aking mga labi.

            "Pero!" sigaw ko. Nakakapang-init talaga ng ulo si Pero.

            "Waaaaah!" Napatakbo ito dahil alam nito na hahabulin ko ito. Bago pa man ito makalabas ng silid ay naabutan ko ito. Pumasan ako sa likuran nito at pinagkukutusan ko ito.

            Habang naghaharutan kami dalawa ay nakarinig kami ng tatlong beses na pagkatok sa pinto. Bumukas iyon at iniluwa niyon si Tita Diella. Imbes na 'Good morning' ang bati sa amin ni Tita ay natawa na lang ito.

            "You know what, Jam, ang hirap-hirap sigurong makatabi si Percy sa gabi." iiling-iling na wika ni Tita.

            "Tita!" sigaw ko rito.

            Napahagikgik pa si Tita. "Be at the dining area in thirty minutes. Maaga akong aalis ngayon dahil magdya-judge ako sa isang ice sculpture contest sa Marikina. Kung gusto niyong sumabay sa kotse, kumilos na kayo at mamayang gabi na kayo maglandian."

            "Tita, okay lang ba kung sabay kaming maligo ni Jam para mas mabilis kaming matapos?" malokong tanong ni Pero na agad kong sinagot ng isang kaltok.

Napatili si Tita Diella. "That would be a wonderful idea, Percy. Pero I doubt kung matatapos agad kayo. Haaaay. Kinikilig ako sa inyong dalawa. I feel like a teenager right now."

            Sa buong isang linggong magkasama kami ni Pero ay hindi pa kami nagkasabay sa pagligo. We still had that privacy because I wasn't ready for anything like that. Siguro sa ngayon ay masaya na ako na nag-level up na kaming dalawa from best friends to more than best friends. (See, nao-awkward-an pa rin ako kapag sinabi kong boyfriend ko na ito.)

            "Tita, susunod na lang kami sa dining area." Tumalon ako mula sa likod ni Pero at mabilis na tumakbo patungo sa CR. Pero tried catching me but he was already late. Naisara ko na ang pinto. Na-double lock pa.

            When I got inside, napasandal na lang ako sa pinto at napadausdos pababa sa sobrang kakiligan. I even made that kilig sound softly. "Iiiiiiiiiih!"

            "Jam, huwag ka masyadong kinikilig d'yan sa loob. Buksan mo na ang pinto at sabay na tayong maligo." Dinabog pa ni Pero ang pinto mula sa labas.

"Mukha mo!" bulyaw ko.

"Guwapo! Isa sa mga dahilan kung bakit ka na-in love sa akin." pagtutuloy ni Pero.

Bago pa maubos ang thirty minutes ko ay naligo na ako. Kailangang palamigin ko ang pisngi kong kanina pa nag-iinit sa kilig. Pakiramdam ko ay puwede nang pakuluan ng tubig iyon sa sobrang init.

—-


"OH, LOVEBIRDS. Hanggang dito ko na lang kayo ihahatid, ah? Out of way na kasi kung liliko pa ako sa tapat ng gate ng DATU, eh."

            Tiningnan ko na lang nang masama si Tita Diella mula sa rearview mirror nito, pero hindi ko mapigilang hindi mapatawa. Dinilaan pa ako nito.

            Humawak naman ito sa balikat ni Pero. Katabi ito ni Tita sa driver's seat. "Percy, ingatan mo ang pinakamamahal kong pamangkin, ha?"

            "Tita," Lumingon pa talaga sa akin si Pero. "I promise you. Hangga't kasama ako ng pamangkin mong mahal na mahal ko, walang mangyayaring masama dito."

            What's so irritating was when I had no other choice but to bear Tita's screeching scream inside the car. "Tita, bababa na kami, ha. Pero, tara na."

            "Bye, Tita. See you later. Ipagluluto kita mamaya ng masarap na ulam. Ano ang gusto mo?" tanong ni Pero, pagkabukas ng pinto ng sasakyan.

            "Oh, gosh. Marunong kang magluto?" bulalas ni Tita Diella. "Sige, I want... Kare-kare."

            "Okay. Save your gustatory cravings for later. Bye, Tita!" Isinara na ni Pero ang pinto ng sasakyan.

            Kumaway naman ako kay Tita Diella hanggang sa humarurot muli ang sasakyan nito sa daan. Kami naman ni Pero ay nagkatinginan.

            "Hindi ko alam na marunong ka palang magluto ng kare-kare?" Nakakabilib talaga ito. Since that week started, I had more of his fun facts that I never knew when we were still best friends.

            "Marami ka pang hindi alam sa akin, Jam. Hayaan mo, we have all the time in the world to keep our relationship fun and interesting. I promise you, mas magiging masaya tayo ngayong tayo na." He nailed his sentence with a smile.

            At nalusaw na naman ako sa kilig. Wala nang ibang ginawa si Pero simula nang maging kami kundi ang pakiligin ako. That's what I feel, okay?

            Napaisip nga ako. Kung si Pero ang madalas na magpakilig, at ako ang madalas na kinikilig, does it mean that I am the more effeminate between the two of us? Ako ang babae, at ito ang lalaki?

            I really didn't know because I was clueless about everything in a man to man relationship. Basta isa lang ang alam ko. Mahal ko ito at mahal ako nito.

            Imbes na mag-react pa ako ay lumakad na ako patungo sa aming paaralan. Sumunod naman ito sa akin, saka umakbay sa aking balikat. Kinalabit ako ni Pero at napalingon naman ako rito.

            "Jam, mamaya ba ay may break—"

            Napahinto si Pero sa pagtatanong nang huminto ang isang puting van sa harap namin. Bumaba ang tatlong lalaking nakatakip ang mukha at sinikmuraan si Pero, saka pinaamoy ng isang panyo. Biglang nahimatay ito.

            Ipinasok ng dalawang lalaki si Pero sa sasakyan habang ang isa ay tinutukan ako ng baril sa noo. "Sumunod ka sa lumang warehouse sa Sgt. Alberto Albaneza street sa Marikina. Kapag hindi ka dumating bago magtanghali ay hindi mo na aabutang buhay ang kaibigan mo. Huwag kang magsusumbong sa mga pulis dahil walang magagawa ang mga ito."

            Wala pang isang minuto ay umalis na ang sasakyan. Hinabol na lang ng aking tanaw ang van na iyon. Ang tanging naiwan lang sa akin ay ang plate number ng kotseng iyon.

            BWP 135

            Shit. Parang alam ko na kung sino ang kumuha kay Pero.

—-


"MATALINO ka talaga."

            That I heard from the person whom I owe my life with... then. "Papa!"

            Sinasabi ko na nga ba na ito ang may pakana sa pagdukot kay Pero. Mayroong mga nakapalibot na mga kasamahang pulis nito sa tabi nito.      "Ito ba ang ipinagmamalaki mong Percival Enriquez?"

            Napatingin ako sa direksyon na tinuro ni Papa. Bumulaga sa akin si Pero na nakaposas sa pader in an X-position, na nakahubad. Bigla kong iniwas ang aking mga mata sa nakita, hindi dahil nahihiya akong makita si Pero na nakahubad, kundi dahil duguan ito at walang malay. Humihinga pa naman ito ngunit nakalaylay na ang katawan nitong masigla. Marahil ay dahil sa matinding pagkakabugbog dito.

            "May maipagmamalaki naman pala ang kaibigan mo, Jambiya." Tinuro ni Papa ang pagkalalaki ni Pero. "Talaga ngang malaki iyon. Ang kaso, gusto kong putulin, eh."

            Nagtatagis na ang mga ngipin ko. Nanlilisik na ang mga mata ko. Mahigpit na nakuyom ko na ang aking mga kamao. "Papa! Ano ba ang ginawa ko at ginanito mo ako?"

            "Bakla ka kasi." dinig ko mula sa aking likuran. Hindi pa man ako nakakaikot para harapin ito ay tumama na ang dulo ng baril sa aking sentido. Lumapit ito sa akin at ipinakita ang sarili. Si Kuya Kat pala ito. "Ang ginagawa sa 'yo, binubura sa mundo."

            "Shit ka, Kuya. Wala kang kasing-sama. Kaya mo akong patayin para lang mawala ang bakla sa pamilya?" Unti-unting nawawala ang amor ko sa taong ito.

            "Puwede rin, pero dahil kapatid kita, naniniwala akong kaya mo pang magbago. Matalino ka kamo, 'di ba?" Idiniin pa ni Kuya ang dulo ng baril sa sentido ko. "Naniniwala akong nasa utak mo lang 'yan, Jam. At mawawala iyan, kung mawawala din ang lalaking nagpabakla sa 'yo." Itinaas ni Kuya ang isa pa nitong kamay at itinutok kay Pero.

            "Kuya!" nanggagalaiting sigaw ko. "Kuya Kat, alam mo na kayang-kaya kitang patumbahin ngayon kahit pa may dalawang baril ka. Hindi mo pa naipuputok ang mga iyan ay nakuha ko na agad iyan sa mga kamay mo."

            "Tama ka, Jambiya." singit ni Papa. "Totoong bihasa ka sa combat fighting. Si Katana naman ay bihasa sa shooting at fire arms. At ang ate mo na si Stiletto ay bihasa sa mga kemikal. Huwag kang mag-alala. Hindi babarilin agad ni Katana ang kaibigan mo. May mga mapagpipilian ka."

            Ibinaba ni Kuya Kat ang mga baril. Sinenyasan naman ni Papa ang isang pulis na naroroon. Umalis ito at sa pagbalik nito ay may dala itong isang tray na may dalawang syringes.

            "Kilala mo ba si Alan Turing, Jambiya?" tanong ni Papa.

            "Hindi," tugon ko. Sino si Alan Turing?

            "Gumagamit ka ng computers, hindi ba?" dagdag pa ni Papa.

            "Gumagamit." matipid na wika ko. "Pero bakit?"

            "Si Alan Turing ang unang taong nakaimbento ng mga makinang ginamit para i-decode ang mga patagong mensahe ng mga German noong panahon ng giyera. Ito ang nakaimbento ng unang computer sa mundo."

            "Bakit niyo sinasabi sa akin ito ngayon?" naguguluhang katanungan ko.

            "Si Alan Turing ay isang bakla." saad ni Papa.

            I winced comically. "You see how relevant that person in this world? Lahat tayo ay patron na ng teknolohiya dahil sa kagagawan ng isang bakla. You should be proud, 'Pa!"

            Nagkatawanan ang lahat ng mga naroroon. "Alam mo ba kung paano namatay si Alan Turing?"

            Umiling lang ako.

            "Nagpakamatay si Alan Turing. Hindi na kasi nito kinaya ang matinding kahihiyan nang makasuhan ito ng gross indecency noon sa Britain, dahil ilegal ang mga katulad mo sa Britanya noon. Nang kasuhan si Alan Turing ay pinapili ito ng parusang maipapataw dito. Una, ikukulong ito nang dalawang taon sa bilangguan, at pangalawa, tuturukan ito ng gamot para mawala ang pagkabakla nito. Pinili nito ang pangalawa dahil hindi nito maiwan ang makinang ginawa nito na kung tawagin nito ay Christopher. Pinangalanan nito ito ayon sa lalaking minamahal nito. Ayaw mahiwalay ni Alan sa kanyang obra kaya mas pinili nitong 'gamutin ang sarili'. Naniniwala kasi ang mga tao noon na isa itong sakit na magagamot sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga hormone nito. Ang tawag ng mga ito dito ay chemical castration. At ang mga herengilyang ito ang magbibigay niyon kay Percival." paliwanag ni Papa.

            Napatingin ako sa mga pulis na kasama nito. Parang tuwang-tuwa pa ang mga ito sa mga sinasabi ni Papa. Umaapaw na ang pagkainis ko sa mga ito.

            "Pero hindi lang iyan ang puwede kong gawin. Gaya nang sinabi ko kanina, kaya kong putulin ang ipinagmamalaki nito. Akin na ang jambiya." Isang pulis ang lumapit kay Papa at inabot ang isang jambiya dito. "Ito ang kakambal ng jambiya na nasa iyo, Jambiya. Mayroon din ako nito."

            "Hindi mo gagawin iyan, 'Pa." wika ko.

            Hindi ako pinansin ni Papa. Bagkus ay sumenyas lang ito sa isang pulis na itulak ang wheelchair nito patungo kay Pero.

            "Huwag!" Tatapak sana ako papalapit dito, ngunit pinigilan ako ni Kuya. Mahigpit na hinawakan ako ni Kuya, ngunit mabilis namang ibinalibag ko ito. Hinatak ko ang baril nito at tumakbo ako patungo kay Pero. Itinutok ko ang mga baril ni Kuya sa mga ito.

            "Jambiya, itigil mo ang kahibangan mo!" bulyaw ni Papa.

            "'Pa, ngayon lang ako nagmahal nang ganito. Mahal na mahal ko kayo nina Mama, pero sana ay hayaan mo na ako sa nararamdaman ko. Ito ako. Tanggapin mo na lang ako." Naluluha na ako nang wikain ko iyon.

            "Hinding-hindi kita matatanggap!" sigaw ni Papa sa akin, akmang ibabato ang jambiya sa akin.

            "M-m-ma-mahal n-na m-mahal k-kita, J-Jam." bulong ni Pero sa likuran ko, na hinang-hina na rin.

            Inasinta ako ni Papa gamit ang jambiya. Seryoso nga talaga ito na ibato sa akin ang punyal na iyon. Ngunit bago pa nito ito maibato sa akin ay binaril ko ito.

            Binaril ko ang punyal na hawak nito, sanhi para makabig nito ang dibdib.

            Nawala na ako sa huwisyo. Ang huling ala-ala ko na lang ay nagtatakbuhan na ang mga pulis para asikasuhin si Papa. Napapikit na lang ako at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

—-


"AAAAH!"

            Napasigaw na lang ako nang makita ko ang aking paligid. Nasa loob ako ng isang hospital room. Tiningnan ko ang aking sarili. Wala namang kahit anong nakalagay sa akin na suwero o kable na pang-ospital.

            Sinubukan kong alalahanin ang lahat ng mga nangyari. Ang tanging rumehistro sa aking isipan ay ang pagkahimatay ko matapos kong barilin ang jambiya sa kamay ni Papa. Sigurado ako na hindi ko tinamaan ang kamay ni Papa at ang punyal ang tinamaan ko dahil tumilapon ito mula sa kamay ni Papa, at ang kamay na humahawak sa punyal ang ginamit nito na pangkabig sa dibdib nito.

            "Jam!" It was Tita Diella, coming inside the room. Lumapit ito at yumakap sa akin. "Ano'ng nangyari? Nang tawagan ako ni Kat ay umalis na agad ako sa event at pinuntahan ko kayo rito."

            "I'm fine, Tita. Si Pero? Nasaan siya?" agad na tanong ko. Bumaba na agad ako sa aking kama ngunit pinigilan ako ni Tita.

            "Kumalma ka lang, Jam. Naroroon siya sa kabilang silid, kasama ni Ate Divine at si Professor Wong. Ito ang natawagan ni Katana na guardian ni Percy. Ito kasi ang nakalagay sa ID nito na contact person in case of emergency. May nararamdaman ka ba?"

            "Wala naman, Tita. I'm perfectly fine. Nahimatay lang siguro ako dahil sa malakas na pagputok ng baril at panghihina. I almost killed Papa, Tita." Napayakap ako nang mahigpit kay Tita.

            "Sssshhh..." pagpapakalma ni Tita. "Don't worry. Okay ang vital signs ni Kuya Nante. Kagagaling ko lang din doon. Nasa dulo ang kuwarto nito. Nabigla lang din marahil ito. Ang kaso, under observation pa rin ito. Baka kasi matuluyan na ito sa bilis ng tibok ng puso nito noong dinala daw ito sa hospital."

            Napaluha na lang ako. "Tita, I'm so sorry."

            "Hindi, Jam. Wala kang dapat ihingi ng paumahin. Ginawa mo lang kung ano ang sa tingin mo ay tama." Hinaplos-haplos ni Tita ang ulo ko. "Somehow, Percy is recovering. Marami lang siyang mga sugat at pasa, pero malakas ang kanyang katawan. Wala namang butong nabali o nadurog. Talagang bugbog lang ang katawan nito. In a day or two, puwede na natin siyang iuwi."

            "Puwede ba natin siyang puntahan, Tita?" alalang wika ko.

            "I guess so. Ang sabi din naman ng doktor kanina na kausap ko ay kailangang mo lang ng pahinga, dahil nahimatay ka nga. Will you be fine, Jam?" tanong ni Tita.

            I nodded. "Let's go, Tita."

            Inalalayan naman ako ni Tita patayo. Nakaya ko namang balansehin ang aking sarili. Parang normal na ulit ang pakiramdam ko.

            Agad kaming tumungo sa mga kuwarto sa dulo. Nasa magkatabing silid lang pala si Papa at Pero. Sa gitna ng silid ay may isang bench. Napaupo muna ako. 

            Masyado nang naapektuhan ang pamilya ko sa mga nangyari. Masyado nang maraming nasaktan. Ang lahat ng iyon ay dahil sa kagagawan ko.

            Nagmahal lang naman ako ng isang lalaki. At ito ang lalaking tanging nagmahal din sa akin nang hindi ko inakala. Ganoon nga siguro ang pag-ibig. Bigla ka na lang mahuhulog. Walang pasabi, walang babala.

            "Oh, bakit? Nahihilo ka ba?" tanong ni Tita Diella.

            "Medyo." pagsisinungaling ko. "Sige, Tita. Susunod na lang ako sa loob."

            "Will you be fine?"

            "Yes, Tita."

            "Okay. Nandito lang kami sa loob."

            Sumilip ako sa pagbukas ng pinto at namataan ko si Professor Yolanda Wong. She smiled at me, holding our favorite book, The Story Of Creation. Saka sumara ang pinto.

            Nasapo ko ang aking ulo. How could I be so selfish not to think that these things would not happen? Ganito ba ako kasamang tao? Bakit hindi ko naisip na aabot ito sa puntong kailangang masaktan nang ganito?

            I must think. Should I let go of my feelings for Pero just to go back to my family and reconcile with them, especially Papa? Or should I keep walking and face the future while holding Percy's hand?

            Para naman akong walang utang na loob kung iiwan ko na lang ang pamilya ko na nagpalaki sa akin, nagpakain, nagbihis at nagpaaral sa akin kung aalis na lang ako para sa isang lalaki. Ngunit sa tindi ng pangyuyurak ng mga ito sa katauhan ko ay lalo ko lang nararamdaman na sana ay hindi na lang ako binuhay at itinuring na pamilya ng mga ito nang ako ay sanggol pa. Gulong-gulo na ako.

            Uunahin ko ba ang mga taong naging parte ng aking pinagmulan o ang taong maaari kong makasama sa hinaharap?

            I should make a choice to end this hardship. Ayoko nang may masaktan pang kahit sino sa mga ito.

            There were two doors. Papa's room was located in the left, Pero's in the right. Kung saang silid man ako papasok ay sisiguraduhin kong ito na ang kahuli-hulihang beses na makikita ko ang taong ito, para matapos na ang lahat.

            I stood on my feet and moved to the door that would end all of our sufferings. Sa pinto ni...

Continue Reading

You'll Also Like

560K 24.9K 29
BROMANCE BOYXBOY YAOI Pagkatapos ng mga samu't-saring pinagdaanan nila Eiji at Buknoy noong high school, sila'y nagbabalik para sa isa na namang adve...
331K 8.9K 31
Kakaibang drama ni Kash at Kylan. || HEART SERIES: Pounding Heart (boyxboy) [Completed] Copyright © All Rights Reserved.
3.9K 170 6
SHORT STORY COMPLETED VERON SO
110K 3.3K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...