ATAS: Ang Misyon ng Dayanghir...

By lawrence087770

10.6K 556 223

Tunghayan muli ang ang kuwento nina Haliya, Sidapa, Venus at Rosendo! Maghanda na sa digmaang magpapasya ng k... More

Panimula
Uno: Ang Sultana ng Pinagbuklod na Kapuluan
Dos: At Dumilim ang Minolo
Tres: Lira
Kuwatro: Ang Sultana
Singko: Setre
Sais: Wakas ng Pagsubok
Siyete: Paglikom
Nuwebe: Basagin ang Itim na Baluti!
Diyes: Isla ng mga Sinaunang Babaylan
Onse: Elindro
Dose: Katapusan ng Sumpa
Trese: Ang Huling Sangkap
Katorse: Hinikalimtan Bulawan

Otso: Ang Bihag

446 31 11
By lawrence087770

Medyo nagiging mabilis po ang ating update. Sana manatili ang aking kakayahang ma-sustain ang ang mabilis at maayos na abilidad na mag-update. Nawa'y makisama ang aking trabaho upang maging smooth sailing ang lahat ng aking plano para sa Atas :-)

Guys, as of this writing, mayroon na tayong 12 likes sa Official FB Page ko. Ang link po ay:


https://www.

facebook

.com/lawrence087770


Sana dumami pa tayo! Please share your warm support :-)


This update goes out to @TECHKILLA :-) Ikaw kasi ang nagbigay sa akin ng idea to take this story to the next level :-) Thanks sa inyong lahat! Please be and bear with me till the very end!


-Kuya Lawrence :D

--

"Nasa aking mga kamay na ang mga anito nina Dian Masalanta, Loos Klagan, Sirinan at Kadaklan. Pinahirapan ako ni Kadaklan sa pagwasak niya sa kanyang sariling anito ngunit hindi pa din nagbabago ang aking kinakailangan sa rito: ang anito ng lahat ng lakan at lakambini, buo man o hindi. Ang mahalaga ay nasa akin kahit ang piraso ng kanilang mga anito. Sa Tawalisi naman ako tutungo ngayon. Panahon na upang-"

Naputol ang pagsasalita ng Dakilang Kasamaan sa kanyang sarili noong may biglang nagpumiglas sa loob ng kanyang isipan. Wala itong iba kundi ang malay ni Urduja. Muntik pang malaglag mula sa himpapawid ang katawan ng dalaga matapos nitong makipag-agawan para sa kalamnan. Sa huli, nanaig pa din ang presensya ng Dakilang Kasamaan sa dalaga.

"Palabasin mo ako dito! Anong ginagawa mo sa katawan mo! Itigil mo na 'to, pakawalan mo ako!" pagpupumiglas ni Urduja sa loob ng isip ng Dakilang Kasamaan.

Pumikit ang Dakilang Kasamaan at sumisid patungo sa kailaliman ng kanyang kamalayan. Sa loob ng malalim at madilim na silid sa kanyang isipan, naroon nakatali si Urduja, na tanging mga kadenang nakapulupot sa kanya ang nagsilbi niyang kasuotan.

"Hindi pa pala sapat ang nilapat kong tanikala sa iyo. Marahil ito'y makakatulong upang manahimik ka na sa aking kamalayan!" sigaw ng Dakilang Kasamaan na gumawa ng maitim at mahabang espada sa pareho niyang mga kamay. Sabay niya ito sinaksak sa mga braso ni Urduja. Hindi pa ito nakuntento at gumawa ito muli ng dalawang espadang kanyang tinarak sa magkabilang hita ng dalaga. Naulit pa ang paggawa ng dalawang espada at ngayon nama'y sinaksak niya ito sa dibdib at tiyan ng kaawa-awang dilag.

Umalingawngaw ang nakakadurog-pusong hiyaw ni Urduja. Dumanak ang dugo mula sa kanyang katawan. Nanginig ang dalaga sa sobrang sakit na kanyang naramdaman. Nawalan na siya ng kakayahang umiyak at lumuha. Tanging sakit at pighati ang pumuno sa kanyang puso't isipan. Mahina man, pinilit magsalita ng dalaga laban sa Dakilang Kasamaan. "Pa...ta..yin... mo... na... ak-" at hindi na niya nagawang tapusin ang nais sabihin dahil tuluyan na siyang pinanawan ng diwa.

Marahang nilapit ng Dakilang Kasamaan ang kanyang labi sa tenga ni Urduja. "Hindi ka maaring mamatay, Urduja... Kailangan ko pa ang iyong laman, para sa ganap at muli kong pagbangon mula sa aking kamatayan. Tinitiyak ko na hindi ka na makakaahon pa mula sa pagkakalunod mo sa aking kadiliman." Bago nagpatuloy ang Dakilang Kasamaan ay kumumpas ito sa kanyang mga kamay at bumuo ng pulang usok na dahan-dahang nitong hinipan sa mukha ng dalaga. "Bibigyan kita ng matamis na panaginip... Isang panaginip na kamamatayan mo sa tuwa." Pagtatapos nito na makalipas lamang ng ibang sandali ay humawi ng hangin sa kawalan at bumuo ng isang anino na hugis tao na may tangang espada. "Alalahanin mo ang iyong kapatid, si Haliya. At sa bawat gunita mo sa kanya, ISANG SAKSAK SA IYONG KATAWAN ANG IYONG MARARAMDAMAN! MATA MO LAMANG ANG WALANG SUGAT! SUMPAIN MO ANG IYONG BUHAY, SUMPAIN MO ANG KAPATID MONG DINALA KA SA impiyerno NG BUHAY!"

Tuwing naalala ni Urduja si Haliya, mula sa simple hanggang sa mga detalyadong alaala ay sinasaksak ang kanyang katawan ng anino. Sa leeg. Sa mukha. Sa dibdib. Sa tiyan. Sa buo niyang katawan. Napuno ng galit ang puso ng dalaga, ng poot laban kay Haliya. At habang lalo siyang nanggagalaiti para sa kanyang kapatid, lalo naman siyang nasakdal sa indayog ng mapanakit na saksak ng aninong ginawa ng Dakilang Kasamaan. Unti-unting nabura ang huwisyo ng dalaga at mabagal ngunit tiyak naman itong napalitan ng galit; walang-hanggan at walang-sukat na tindi at sidhi ng poot laban sa kanyang sarili at sa mapait na kapalarang bumalot sa kanya. Nanuot sa kanyang isipan ang dahilan kung bakit niya dinaranas ang sakit na hindi niya inakalang mararanasan niya sa kanyang buhay. Wala itong iba kundi dahil sa kanyang kapatid, si Haliya.

***

Maikli man ang pagkakataon, sinikap ng Tawalisi na maghanda laban sa pagdating ng Dakilang Kasamaan. Sa tulong ng mensahe mula sa Calamian na kanilang pinakalat sa iba pang mga bansa, Ibayong pagtatanggol ang binuhos ng mga mananawal sa proteksyong ng Bulkang Lalahon, ang saribulkang kinalagyan ng lakambini ng apoy.

"Reyna Zita, natapos na po ang aming paglikas sa mga mortal." pag-uulat ng isa sa mga kawal sa kampo kung saan nagaganap ang pulong ng mga mataas na sundalo at ni Orasyones Zita, reyna ng mga mananawal.

"Hindi ko alam kung sasapat ang lakas ng mga tangke at bomba laban sa Dakilang Kasamaan, ngunit kailangan nating gawin ang lahat upang ubusin ang oras ng bruhang iyon. Kailangang matagalan ang kanyang paglapit sa mausoleo ni Lalahon. Hindi ganap ang kapangyarihan ng mga mananawal sa paggawa ng temporyal katulad ng mga babaylan, kaya't dapat nating gawin lahat ng maaring umubos ng oras ng Dakilang Kasamaan hanggang sa magawa naming ilipat sa ibang lugar ang silid ng lakambini. Bawal kaming pumasok sa loob ng mausoleo, kaya't bukod sa mas malaking bagay na dapat naming paglakbayin sa temporyal, kailangan naming ng mahabang panahon upang maitayo ang temporyal." na sinundan ng malalim at mabigat na buntong-hininga ni Zita. "Kailangan nating magtagumpay kung saan nabigo ang Calamian. Hindi ko alam kung ako ang balak ng Dakilang Kasamaan sa mga anito, ngunit nakakatiyak ako na hindi ito para sa ikabubuti ng mundo. Nawa'y gabayan tayo ng Dakilang Maylikha sa ating laban."

Tumayo at sumaludo ang mga sundalo at mananawal bilang tanda ng determinasyon ng Tawalisi na pigilan ang maitim na hangarin ng Dakilang Kasamaan. Ang Calamian ay lumaban sa Dakilang Kasamaan sa pangunguna ng mga mangkukulam, mambabarang at ng mga prinsesang Tresmaria. Ang bansa ng Tawalisi ay nakipagtulungan sa sandatahang-lakas ng mga mortal, sa pag-asa mapipigil ng mga mortal na sandata ang halimbaw at makapangyarihang Dakilang Kasamaan.


Mula sa malayo ay tanaw na ng mga radar at teleskopyo ang isang mabilis at hindi maipaliwanag na bagay na lumilipad papalapit ng Tawalisi. Nakabuntot sa likod ng lumilipad na bagay malakas at masamang kaulapan, na tila nagbabadyang masungit na bagyong sasalanta sa buong bansa.

Binigay na ang hudyat; isang malakas na putok ng baril. Kasabay nito ang sunud-sunod at walang-tigil na birada ng bala ng baril, bomba at paputok mula sa mga tangke at kanyon. Matulin at walang kahirap-hirap nailagan ng Dakilang Kasamaan ang lahat ng atake laban sa kanya. Wala kahit isang sandata na tumama sa kanya!

Mabilis na nagpakawala ng naglalakihang mga latigo ng espiritwal na lakas ang mga mananawal sa kalangitan na nagwawala nilang winasiwas sa ere. Hindi man nito matamaan ang Dakilang Kasamaan, napapasabog naman nito ang mga bomba at paputok sa alapaap na siyang nakadagdag sa kahirapan ng bruha na makalapit sa Tawalisi. Mula sa dagat ng bansa ay biglang tumalon palabas ang isang dambuhalang itim na tigre na nagtataglay ng mga matatalim na kuko na tulad ng mga espada at matatalas na pangil at kuko na kasingpula ng mata nitong kulay dugo. Wala itong iba kundi ang Hantu Belia, ang tapat na engkantong likod ng reyna ng mga mananawal. Maliksing bumuga ng malaking pula at malakas na espiritwal na bola ng kapangyarihan ang halimaw na siyang muntik nang tumama sa Dakilang Kasamaan, kung hindi lamang ito nakagawa ng harang na yari sa tubig na kasingtatag ng matigas na bakal.

Nakadama ng dahan-dahang tinitipon na espiritwal na lakas na naglalaho sa kawalan ang Dakilang Kasamaan mula sa loob ng saribulkan ng Bulkang Lalahon. Nabatid na ng bruha ang nais maganap ng mga mananawal. "Sa tingin ba ninyo hindi ko nauunawaan ang nais ninyong mangyari?! Hindi kayo magtatagumpay sa paglipat ng silid ng anito ni Lalahon sa ibang lugar!" sigaw nito na makalipas ang ilang sandali ay nagsambit ng isang orasyong bumalot sa nakakanginig na lamig sa buong sanlibutan. "Sapira, waripa ma yekwuto mt rakatagam! Ladapam amt matdadapamt nta apomt susuhta ha hampiyugam! (Halika, dakila na berdugo ng karagatan! Pawalan ang nagwawalang mga along huhusga sa sanlibutan!)"

Sumabog ang dagat ng Tawalisi at naging isang higanteng pader ng alon na bumayo sa buong bansa. Nilinis nito ang lahat: ang mga tangke, mga gusali, mga sundalo at mga mananawal. Padami ng padami ang mga bangkay na inaanod sa dalampasigan sa bawat hampas ng tubig sa pangpang ng dagat. Tila nilamon tubig ang buong Tawalisi.

Binaha ng nagwawalang katubigan ang saribulkan ng Lalahon. Tinangay nito palabas ng bulkan ang mga mananawal na kasama ni Reyna Zita na ilang segundo na lamang mula sa paggawa ng temporyal na sana'y naglaho sa mausoleo at anito ni Lalahon mula sa Dakilang Kasamaan. Bumulusok ang tubig at putik papasok sa mausoleo ng lakambini ng tubig. Gumawa ng harang na yari sa nagbabagang apoy ang anito ni Lalahon subalit hindi nito nagawang pigilan ang matindi at malakas na bulusok ng tubig na umapula sa alab na pansumandali lamang napigilan ang inaasahan: ang matagumpay na pagkuha ng Dakilang Kasamaan, sa katauhan ni Urduja, ng anito ng lakambini ng apoy.

Pilit sanang papalag ang reyna ng mga mananawal, ngunit natigilan siya matapos niyang makita ang kalunos-lunos na sinapit ng Tawalisi at ng mga sundalo't mananawal na nagtangkang lumaban sa Dakilang Kasamaan. Kinailangan ng kanyang mga kababayan ang paunang lunas at agarang paglalapat ng kagalingan sa mga matinding nasugatan. Tutop nang mahigpit ang kanyang mga kamay, galit na galit sa kanyang kabiguan habang masuka-suka siya ng tubig at putik si Reyna Zita. Nabigo ang Tawalisi. Habang lumilipad papalayo ang Dakilang Kasamaan, batid na ng reyna ng mga mananawal na wala nang panahon upang magpatumpik-tumpik pa.

"Sinisira ng Dakilang Kasamaan ang mga bansang kinalalagakan ng mga anito ng mga lakan at lakambini. Habang binabalot niya sa kaguluhan at mundo, nagagawa niya ang kanyang nais sa mga susunod niyang mga biktimang bansa. Hindi ko hahayaang maganap ang lahat ayon sa iyong kagustuhan, Dakilang Kasamaan." Matapos igala ni Orasyones ang kanyang mga mata, nakita niya na may mga mangilan-ngilan na mga mananawal na may kakayahan pang lumakad at tumulong sa iba pa niyang mga kababayan. "Ikaw," umpisa niya, "Mayroon akong mensahe para sa iba pang mga bansang maaring lusubin ng Dakilang Kasamaan. Ipakalat mo ito sa lalong madaling panahon."

Nasa kamay na ng Dakilang Kasamaan ang mga anito nina Kadaklan, Sirinan, Dian Masalanta, Loos Klagan at Lalahon. Saan siya susunod na Lulusob? Ano ang kapalarang naghihintay sa pagitan ni Urduja at Haliya?

Continue Reading

You'll Also Like

175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...