Love Against Time (COMPLETED)

By NightArchers

18.7K 1K 65

GABRIELA ALCANTARA is one of the most successful models and businesswomen in the country. At the age of 20, s... More

Author's Note
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER I
SPECIAL CHAPTER II
Plugging

CHAPTER 28

311 13 0
By NightArchers


Nauna akong naglakad, naramdaman ko naman ang pagsunod sakin ni Silas, ng makarating kami sa labas ng masion ay tiningnan ko siya but he remain silent, matiim lang niya akong tinitingnan

"Hmm I don't know that you can speak English fluently" basag niya sa katahimikang namamayani sa pagitan naming dalawa

"Hmm" tanging saad ko lang

"Totoo bang kayo na ni Miguelito?" Tanong ni Silas kaya napatingin ako sa kaniya

"Yes we are in a relationship Silas" sagot ko sa kaniya, napayuko naman siya sa sagot ko

"May problema ba Silas?" Tanong ko sa kaniya

"Hmm.. Wala naman" tipid na saad niya

"So bakit mo ko gustong maka-usap?" Tanong ko dito

"Gusto ko lang sanang kamustahin ka, and I can see that your doing fine" saad niya sakin, may kung anong emotion din ang nasa mukha niya na hindi ko matukoy

"Oum yeah, I'm doing fine, Miggy is taking care of me" sagot ko sa kaniya, bigla naman siyang natahimik ulit

"Hmm Sorry Silas pero may iba ka pa bang sasabihin? Ang sabi ko kasi kay Miggy ay babalik ako agad" Tanong ko dito

"Wala na" sagot niya sa akin, nandon paring ang hindi ko mawaring emosyon sa mga mata niya

"Hmm sorry talaga, gusto ko din namang maka-usap ka ng matagal pero baka mag-alala kasi si Miggy, pasensya na talaga Silas, promise babawi talaga ako sayo" nakangiti kong saad

"Ano ka ba ayos lang, sorry din sa abala" saad niya, nagaalangan pa akong iwan siya dito

"Ehh kung doon ka nalang umupo sa upuan namin para makapag-usap parin tayo kahit papaano" suhisyon ko sa kaniya, nag aalangan man ay tumango parin siya

"Sige" sagot niya lang.

Nakakunot na noo ni Miggy ang unang kong napansin ng makabalik kami ni Silas sa pwesto namin

"What took you so long hon?" Tanong nito sa akin habang may bakas ng pagkairita sa mukha niya

"Ohh anong mukha yan Miggy?" Sa halip na sagotin ang tanong niya ay tinanong ko na lamang siya

"Kanina pa ganyan yan simula ng umalis ka Maria" saad ni Felix

"Para ngang mangangain siya ng buhay ehh" natatawang saad ni Thea

"Hindi nga niya pinapansin ang mga business partners niya na lumalapit sa kaniya" saad naman ni Bea

"Lambingin mo na Maria ng mabawas bawasan naman iyong pagkunot ng noo niya" natatawang saad ni Paul, na ikinatawa din ng mga kasama namin

"Tumahimik nga kayo" naiirita nitong saad ngunit tinawanan lang siya ng mga ito

"So bakit nga ganyan yang mukha mo hon?" Tanong ko ulit dito

"Ang tagal mo kasi, I miss you already" nakasimangot na saad niya at bigla akong niyakap

"Ayon gusto lang pala ng yakap ehh" natatawang saad ni Philip

"Tsk" saad lang naman ni Miggy, hindi    parin inaalis ang yakap sakin

"Bakit ba ang sungit sungit mo ngayon Miggy?" Bulong ko dito

"Tsk can't you see it hon? I'm jealous okay" saad niya, kaya agad na napataas ang kilay ko

"At kanino ka naman nagseselos aber?" Tanong ko dito

"Kay Mr.Davies of course" naiirita niyang saad

"Hes just my friend hon, there's nothing to be jealous Miggy I'm yours okay" nakangiti kong saad, tumingala naman siya sakin hindi parin bumibitaw sa pagkakahawak niya sakin

"Tskk don't you see how he look at you, Lalaki ako Gab kaya alam ko kong anong tingin ang ginagawad niya sayo, he likes you and I hate it" naiinis niyang saad, bigla naman akong nakaramdam ng kaba, ganyan din ang sinabi sa akin ni Nanay Rosa, natatakot akong malaman kung totoo ba na may gusto sa akin si Silas, coz I know to my self na masasaktan ko lang siya, and he's my friend and I don't want to ruin the friendship we have, sasagot na sana ako kay Miggy ng may nagsalita gamit ang mikropono

"Good evening, Can I have your attention ladies and gentlemen?" Saad ng MC kaya nabaling ang tingin namin sa kaniya

"We all gather here to celebrate the the 25th wedding anniversary of Mr and Mrs.Fuentes" saad niyang muli, wedding anniversary pala nila Tita ngayon, Miggy didn't mention it ang alam ko lang ay may party ngayon dito

"Let's welcome our couple who's celebrating today, Mr.Conrad Fuentes together with his gorgeous wife Mrs.Esmeralda Fuentes, let's give them a round of applause please" saad ng Mc, umakyat naman sila Tita at Tito sa Mini stage dito sa loob ng Mansion, binigay niya ang Mikropono kay Tita at tinanggap niya naman ito

"Good evening ladies and gentlemen, we would like to thank all of you for coming here tonight, to celebrate this special day with us, but this celebration is not just for our wedding anniversary but also for the engagement of our son Miguelito" nakangiting saad ni Tita nagsipalakpakan ang mga bisita, pero ako heto at naguguluhan parin, bigla namang napatayo si Miggy

"Miggy? Kanino ka ma e-engaged?" Nagtataka kong saad

"I don't know too hon, wala silang sinasabi sakin, posibleng kay Victoria dahil hindi pa naman pinuputol ni Mama ang kasunduan nila ng mga magulang ni Victoria, but don't worry hon I won't let them control me anymore" saad ni Miggy, napayingin ako kay Tita Esmeralda may malawak siyang ngiti sa mga labi

"I would like to call Victoria my soon to be daughter in law and my son here" nakangiting saad ni tita para naman aking nabuwal sa kinatatayuan ko

I thought gusto na niya ako para sa anak niya, akala ko ba susuportahan na niya ang anak niya sa kung anong gusto nito, akala ko hindi na niya kokontrolin ang anak niya, pero ano toh? Ehh para saan ang pag-iyak niya sa harapan ko, ang paghingi niya ng tawad, ang lahat ng iyon, is that all for a show

"M-Miggy akala ko ba okay na, akala ko ba hahayaan ka na niya, akala ko ba susuportahan niya na ang relasyon nating dalawa, akala ko ba babawi na siya" naiiyak kong saad

"Akala ko din Gab, akala ko natauhan na siya hindi parin pala, mas importante parin pala sa kaniya ang pera kisa saking anak niya" wala sa sariling saad niya

"Hi everyone thank you for coming here tonight, tonight you will all witness our engagement, Our wedding has been planned but of course we need to be engaged first, we are rushing things up since Miggy and I are having a baby" nakangiting saad ni Victoria, nagpalak pakan na naman ang mga tao sa paligid, sayang saya sa mga nalaman but here i am crying in pain

I look at our friends and all of them are shock too, tiningnan ko si Miggy ng nagtataka, hindi siya nagsasalita pero bakas din ang gulat at pagkagulo sa mga mata niya

"M-Miggy? Totoo bang magkaka-anak na kaying dalawa?" Umiiyak kong saad

"I don't know hon, hindi ko alam" saad niya, hindi ganyan ang gusto kong marining mula sa kaniya, I want him to deny it but he didn't

"May nangyari ba sa inyo? Answer me Miggy, meron ba? Are you doing something behind my back? Sagotin moko" umiiyak na sigaw ko, napatingin nadin ang mga tao sa amin

"Hindi ko alam hon, hindi ako sigurado, I'm sorry Hon pero hindi ko madedeny na walang nangyari sa aming dalawa, kasi nagising ako sa tabi niyang walang saplot kahit isa I'm not sure if we really did it, hindi ko matandaan" umiiyak na saad, putangina naman ang sakit sakit na ng puso ko ng malaman kong nagkukunwari lang pala si Madam Esmeralda na boto na siya sakin, tapos heto malalaman ko na magkaka anak na si Miggy at si Victoria

"K-Kelan nangyari toh? Bakit hindi mo sinabi sakin? Miggy bakit?" Umiiyak kong saad napaluhod narin ako sa harapan niya

"N-Noong araw na nagpicnic tayo, iyon din ang araw na nagising ako na katabi ko si Victoria, pero maniwala ka hon hindi ko iyon ginusto, hindi ko nga alam kong bakit siya naroon, wala akong naalala" umiiyak ding saad niya

"Kaya ba nag-aya kang makipagdate kasi naguiguilty ka? M-Miggy putangina naman ehh, ang sakit sakit, pinagkatiwalaan kita ehh, minahal kita kahit mundo na ang kalaban ko, kahit magkaiba tayo ng estado, minahal kita kahit nasasaktan nako sa bawat pangungutya ng mga magulang mo" umiiyak kong saad

"Ngayon naman kung saan akala ko ayos na ang lahat, iyong akala ko magiging masaya na tayo, nangyari tohh, ayokong maniwala, gustong kong magpakatanga, putangina Miggy gustong gusto kitang ipagdamot, pero ng marinig ko sa mga bibig mo na maaring nabuntis mo nga si Victoria, parang libo libong patalim ang tumarak sa puso ko, nangako ka kasi sakin na hindi moko sasaktan, ako naman tong si tanga naniwala naman, now look, tingnan mo kung anong nangyari sakin ng isinugal ko ang puso ko sayo" may hinanakit kong saad habang bumubuhos ang luhang nakatingin sa kaniya, na ngayon ay lumuluha narin sa harapan ko

"Pero walanghiya naman magkaka-anak kana, hindi ko alam kong ipaglalaban pa ba kita o bibitawan na, kasi sa totoo lang Miggy nawalan na ko ng rason para lumaban pa, kasi alam ko sa sarili kong talo nako, siguro nga tama sila ang isang mayaman ay para lang sa kapwa nito mayaman, siguro dapat na nating itigil tohh" saad ko tsaka tumayo, nakita ko naman si Mina at Bea na umiiyak na nakatingin sakin, ngumiti lang naman ako sa kanila, kahit gustong gusto ko ng tumakbo sa kanila at umiyak

"N-No please hon, d-don't do this to me, huwag naman ganito ohh, mahal na mahal kita Gab, please parang awa mo na huwag mo naman akong sukuan, hon p-please I'm begging you" nagmamaka-awa nitong saad habang umiiyak sa harapan ko, at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa, lumuhod siya sa harapan ko, kita ko ang gulat sa mga taong naririto may iba ring naiiyak na

"H-Hon please huwag mokong iwan, pangako aayosin ko lahat ng tohh, please just don't leave me, nangako ka sakin diba, na mananatili ka sa tabi ko kahit anong mangyari, please hon stay" saad niya habang umiiyak na hinahawakan ang kamay ko, i hate it ayukong nakikita siyang ganito, ayuko siyang nakikitang magmakaawa

"Alam mong gustong gusto kong manatili Miggy, gustong gusto ko, pero hindi na pwede magkaka-anak ka na, sorry Miggy pero hindi ko na atah matutupad iyon" umiiyak ko paring saad, I forcefully pull my hands bago nanghihinang tumalikod sa kaniya, narining ko pa ang pag-mamakaawa niya, pero nagbingi bingihan ako, masakit man pero kailangan ko siyang iwan, kailangan ko siyang bitawan, mahal na mahal ko siya pero walang patutunguhan ang pagmamahal ko sa kaniya kung ipagpapatuloy ko pa

Nang makalabas ako ng masion ay agad akong tumakbo, takbo lang ako ng takbo hindi alam kong saad patungo, puno ng luha ang mga mata hindi napapahod sa kakaluha

Takbo lang ako ng takbo ng may humablot sa akin, nagpupumiglas ako sa hawak niya at nag-umpisa nadin akong sumigaw, pero may kung anong siyang itinakip sa bibig at ilong ko, na dahilan ng biglang paglabo ng mg mata ko, unti unti naring bumibigat ang talukap ng mga mata ko, nagpumiglas ulit ako trying my very best na makawala pero unti unti na akong kinakain ng dilim

Ang huling nakita ko nalang ay isinakay nila ako sa isang Van and everything went black

----------------------------

Yow it's a long chapter my stars but hope you enjoy it

And I'm sorry if my story don't reach your expectations, I'm really really sorry for that, but i hope you still support me until this journey end, mwuaps

Your vote and comments are higly appreciated, thank you in advance my stars^°^

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 89.5K 23
#Book-2 in Lost Royalty series (But can be read standalone ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spr...
699 80 27
isang babae na matayog ang pangarap sa buhay,nabigo at nadapa pero babangon muli...
7.5K 168 22
#The Truth To Be Told Season 1 Aubrielle Aria Sullivan and her mother live peacefully and they are happy even though they are just two but for Aubrie...
1.6K 272 62
Top one supportive ako sa aking kaibigan, simula pag kabata, ako na ang kasa kasama nya at tinutulungan kosyang mas gumaling sa sports na gusto nya. ...