Reincarnated as a Stupid Daug...

DemLux_Pain tarafından

6.5M 330K 238K

Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey... Daha Fazla

RSDMB
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
CHARACTERS (So far)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96

Chapter 87

72.4K 4.7K 6.7K
DemLux_Pain tarafından

Pasimple akong napalunok nang marinig ang boses ng animal na mahilig mang-torture sa nobela. Kung boses niya palang ay hindi na mapakali ang kaluluwa ko, paano pa kaya ngayong nakaharap na siya sa'kin diba?!


"Carnelia, hinga ka lang! Huwag mong ipahalatang kinakabahan ka sa animal na 'to!"


Geez! Sino ba naman ang hindi kakabahan kapag yung doctor mo ay may hawak-hawak na scalpel sa kamay habang pinaglalaruan ito? Idagdag mo pa na gabi na ngayon at medyo madilim na sa kwarto ko dahil nakapatay ang ilaw.


Aiya. Bakit naman kasi ang dilim palagi ng kwarto ko kapag napupunta ako sa hospital? Ano yun nagtitipid ng kuryente?


Napailing na lang ako sa naisip na kalokohan nang makitang ang pagkunot ng noo ni Alexio. Siguro napansin niyang may malalim akong iniisip dahil hanggang ngayon ay nakatingin pa rin ako sa mukha niya.


Well, hindi ko naman sinasadyang mapatagal ang titig ko sa kaniya. Sadyang marami lang akong katanungan ngayon sa isip ko na nagpapabaliw sa'kin. Aish! Ano nga ulit ang tinanong niya sa'kin kanina?


"Don't stare too much." Nakangisi na namang sabi ng animal habang inaayos ang salamin nito sa mata.


Napaayos tuloy ako ng upo sa narinig. Hindi rin naman kasi mapagkakaila na talagang malakas ang appeal nitong si Alexio. Idagdag mo pa ang suot niyang white coat na lalong nagpagwapo sa kaniya.


Tsk! Kung hindi ko nga lang siya kilala sa nobela ay maiisip ko na mabuti siyang doctor. Yung tipong crush ng mga nurses at ng mga pasyente sa hospital. Ganoong vibe ang makikita mo sa aura niya. Yun nga lang may nakakakilabot na hobby. In conclusion, he's so scary!


"Dr. Virion, it's you..." Nakangiti kong sabi habang pinapakita pa rin ang gulat sa mukha. Kung tutuusin ay totoo naman talaga na nagulat ako na may mamamatay-tao na doctor sa harap ko no!


"Yeah, you seem surprised." Sabi pa niya na nakatingin sa hawak nitong papel.


"Well, it's normal. You're a prominent doctor, so I didn't expect you to be here since my situation is not that critical." Sabi ko na lang habang pinipilit ang sarili na mapangiwi.


Hindi ko kasi matanggap na may animal na naman akong poproblemahin. Isa pa, bakit ba siya nandito? Iilang sugat lang naman ang natamo ng katawan ko. Hindi din naman ako mamamatay na. Kaya anong meron at itong animal pa na 'to ang gumamot sa'kin?


Aiya! Kahit pa na nakaka-feeling special ang peg ko ngayon ay hindi pa rin ako natutuwa na kailangan ko na namang umarte! Alam mo yung nabubugbog ka na dahil kailangang nasa role ka pa rin, tapos ngayon ay aarte ka naman dahil may human lying detector sa harap mo?


"Geez! This is so stressful! I need my daddy... P--pfft! Ehem! Ehem! Saan mo nahugot yan, Carnelia?!"


Napatingin na lang ako kay Alexio nang masalita siya. Pagkatapos kong marinig ang mga sinabi niya ay gustong-gusto ko na talagang upakan si Lieutenant dahil sa problemang binibigay niya sa'kin. Aish!

"Well, Mr. Roosevelt personally asked me to treat you. That's why I'm here." Naka-poker face nitong sabi na tinanguan ko na lang.


Kung pwede ko nga lang sabihin na umalis na siya ay ginawa ko na. Kaya lang nakakatakot ang scalpel ng animal na 'to. Hindi ko tuloy malaman kung nandito ba siya para manggamot o manakot?


My goodness! Siya na talaga ang magpapatunay na abnormal ang mga male characters ng siraulong author sa nobela niya!


"I see..." Sabi ko na lang at inayos ang kumot sa hita ko.


Hindi ko rin maiwasan ang mapalunok dahil sa sobrang awkward ng vibe sa buong kwarto. Tahimik lang kasi siya habang abala pa rin sa hawak nitong papel. Seryoso niya 'tong tinitignan na para bang may importante siyang inaaral.


Aish! Bakit kaya hindi niya yan gawin sa labas para naman hindi siya nakakabulabog ng kaluluwa dito, diba? Pasimple ko na lang siyang tinarayan bago tumingin sa labas ng balcony.


Tutal hindi naman siya nagsasalita ay mas pinili ko nang manahimik. Hindi kami close para bigla na lang magbigay ng topic. Baka mamaya mabara pa ako nang wala sa oras ehh. Isa pa naman si Alexio sa mga male characters na sobrang ma-attitude!


Kumbaga magkaparehas sila ng bibig ni Vance, masiyadong mapanakit! Ewan ko nga kung paano natiis ni Lilian ang ibat-ibang ugali ng mga characters ehh. Siguro dahil na rin sa mahal siya ng author kaya konting kilos lang niya ay okay na sa mga animal.


Samantalang heto ako at samu't-saring problema ang kinahaharap. Ang unfair lang diba? Aish! Kung pwede ko lang masakal ang siraulong author ng nobela na 'to ay ginawa ko na!


Sa hirap ng binigay niyang role kay Heavenhell ay kulang pa ang sampal at sabunot para gumaan ang loob ko.


"Tsk! Tsk! Kalma ka lang, Carnelia. Wala ka pa nga sa umpisa ng istorya ay ang dami mo nang reklamo, bruha ka!"


Napailing na lang ako at inalala ang iilang impormasyon sa libro. Base sa pagkakatanda ko sa nobela ay hindi naging maganda ang unang pagkikita ni Lilian at ni Alexio.


Paano naman kasi magiging maganda, kung ang unang scene ng animal at ng female lead ay yung panahon na may pinapahirapan itong si Mr. Torturer?! Kahit sinong tao ay hindi magkakaroon ng magandang impresyon kung 'yon ang makikita nila.


Isipin ko pa lang ay nababaliw na ako. Makakita ka ba naman ng gwapo na may hawak na ibat-ibang klase ng patalim para magpahirap ng iba ay talagang nakakawala 'yon sa wisyo.


"Aiya. Ang hot din siguro non! Bwahahaha! P--pfft! Ehem! Wala don ang point, Carnelia, kaya huwag kang malandi!"


"Are you uncomfortable?"


Agad akong napatigil sa pag-iisip nang marinig na nagsalita na si Alexio. Buti nga at nagparamdam na sya, dahil muntik ko nang makalimutan na may kasama pa pala ako sa kwarto. Tsk!


"No, I'm fine." Sagot ko na lang bago umayos na ulit ng upo. Nasa akin na kasi ang atensyon ng animal kaya lalo akong hindi mapakali.


"Are you sure? Do your wounds hurt?" Tanong niya ulit na agad kong inilingan.


"Not really, doc." Maikli kong sagot habang nakatingin na rin sa kaniya.


Ngayon kasi ay mas naaaninag ko na kabuohang ayos nito. Siguro dahil sa nasanay na rin ang mata ko sa dilim ng kwarto, kaya mas nakikita ko na ang seryosong mukha ni Alexio.


"Good. I've seen some bruises on your waist, but it's not that severe." Seryoso nitong sabi na agad kong kinatigil. Wait, don't tell me...


"You saw my bruises, so..." Putol kong sabi nang maisip na baka assuming lang ako.


"So what, Ms. Caventry?" Nakataas-kilay nitong tanong na kinalunok ko.


"Is it you who changed my---never mind. It's impossible that you---"


Hindi ko natuloy ang dapat sasabihin nang agad na nagsalita si Alexio na kinagulat ko. Damn!


"Yeah, it's me." Nakangisi na nitong sabi na kinalugmok ko.


Nagbibiro lang naman siguro ang animal na 'to no? Aiya! Nakalimutan mo ba, Carnelia na si Alexio ang kaharap mo! Sh--shit!


"Wa--wait! What do you mean?" Kunwaring wala kong clue na tanong sa kaniya.


Hindi ko kasi matanggap na isa sa mga siraulong male characters ang nagbihis sa'kin kanina. Like duh? Kahit na galing ako sa modern world ay mala-80's naman ako kung umasta noon.


Ayokong nakikitaan ng kahit na anong parte ng katawan ko. Kung pwede nga lang na lagi akong nakatalukbong ay ginawa ko na!


Yan din ang dahilan kung bakit lagi akong napapagalitan ni mommy. Kailangan niya pa kasi akong pilitin magsuot ng gown na sleeveless at backless para sa mga social gatherings. Yikes!


Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng walang hiyang mukha para magsuot ng mga dress at gown na medyo showy. Tulad nga nung palagi kong sinasabi ay talagang matino at shy type ako sa Earth. Hehe!


"I changed your clothes into a hospital gown." Dinig kong sagot ng animal na nagpabalik sa'kin sa nakakainis na reyalidad.


Iniisip ko kasi kung anong problema ang kahaharapin ko kung hindi ko natanggal kanina yung mga weights sa katawan ko? Siguradong mabubuko agad ang lola niyo kung nagkataon!


"Did you take off my clothes?" Kunwaring nahihiya kong tanong sa kaniya kahit wala naman ako non.


Pasimple kong tinignan ang itsura ko ngayon. Nakasuot na ako ng hospital gown pero laking pasasalamat ko pa rin na nakasuot pa rin sa'kin ang pants ko. At least, hindi niya nakita lahat, diba?!


"Bra at hinaharap mo lang ang nakita niya, Carnelia, kaya kumalma ka. S--shit! I can't! Feeling ko mamamatay ako sa hiya kapag nai-imagine ko kung paano niya 'yon ginawa kanina?!"


Napailing na lang ako para maalis ang mga kababalaghang naiisip. Pero hindi pa ako nakaka-move on ay agad namang nagsalita itong si Alexio na lalong nagpagulo sa utak ko. Damn!


"No, it's a waste of time undressing you." Diretso nitong sabi na nagpalaki ng mata ko. Ano raw?! Anong ibig niyang sabihin sa, "it's a waste of time undressing me?"


"So, what did you do?" Kalmado kong tanong kahit na gusto ko na siyang sapakin.


"I just cut through your shirt. What else?"


Literal na nanlaki ang mata ko sa narinig. "No way..." Mahina kong sabi habang pinipigilan ang sarili na mapatawa.


Bigla kasing umandar ang kabaliwan ko kaya kung ano-ano na naman ang pumapasok sa utak ko. Yikes! Parang ang wild naman kasi ng male character na 'to kung makapagsalita!


Tinignan ko na lang siya na naka-poker face na ngayon. Sa itsura niya nga ay para bang wala siyang kinalaman sa pinag-uusapan namin?


"I'm a professional. Stop thinking weird things, Ms. Caventry." Nakangisi niyang sabi na kinataas ng kilay ko. Kung ngingisi siya ng ganiyan, paano ako maniniwala aber?


Atsaka napapansin ko na palagi na lang akong nasasabihan na huwag mag-isip ng kung ano-ano. Mukha ba akong manyak o kung ano man sa paningin nila?


"Geez! Mukhang ang sama ng imahe mo sa mga male characters, Carnelia! Kailangan mo na talagang mag-seryoso. Pero ang tanong don, paano ba 'yon? Bwahahaha! P--pfft! Ehem! Ehem! Nababaliw na naman ako dahil sa animal na nasa harap ko!"


"But you're a man!" Balik pag-arte ko na lang na sabi matapos ang pakikipag-away sa sarili ko.


Syempre talagang pinakita ko na hindi kuno ako komportable na may lalaking nakakita ng katawan ko, para dama niyang ayoko sa kaniya. Pero ang animal mukhang walang pakialam at talagang tinaasan pa ako ng kilay.


"And?" Tanong niya na sinimangutan ko na lang.


"You can just call any female nurse to change my clothes since I'm not in a critical condition. My body can wait, so what's the rush?" Kunwaring naiilang ko pa rin na tanong sa kaniya.


Kung tutuusin ay talagang napakawirdo nitong si Alexio. Tama naman ako sa nurse ang magpapalit ng damit kung talaga ngang hindi kaya ng patient.


Atsaka, wala naman ako sa kritikal na kondisyon para gupitin niya ang damit ko no! Mabuti sana kung inaatake ako sa puso o kung talagang emergency na kailangan agad-agad na gamutan ang gagawin nila.


Pero ano pa ba ang magagawa mo, Carnelia? Tapos na niyang gawin kaya wala ka ng choice kung hindi tanggapin na siya ang naggupit ng damit mo!


Hindi na ako magtataka kung bakit wala akong naramdamang kahit na ano kanina, ganoong professional pala ang nagtanggal ng damit ko. Aiya!


Napasimangot na lang ako sa naisip, Lalo na nang makita ko ang nakangisi na naman na si Alexio. Bakit ang hilig nitong ngumisi? Sa itsura niya ay mukha siyang may balak na masama!


"Who's the doctor?" Tanong niya na kinakunot ng noo ko.


"You?" Sagot ko na tinanguan nya naman. Okay? Anong trip niya? Pinapahiwatig niya ba na siya ang doctor sa'ming dalawa kaya dapat siya ang masusunod?


"Who knows best?"


"My mother?" Pigil-tawa kong sagot nang makita ang pagbabago ng ekspresyon niya. Kung kanina ay nakangisi siya, ngayon ay bigla na lang siyang napakunot ng noo sa sinagot ko. Hehe!


"Idiot!"


Literal akong napanganga nang marinig ang sinabi ng animal. Tama ba ang dinig ko? Ako? Tinawag niyang idiot?! No, ayoko! Hindi ko matatanggap na mapapasama ang matinong ako sa, "The Three Idiots" ng nobela! Ano 'yon, three-in-one plus one?


"Ouch!" Madrama kong sabi na agad niyang kinalingon.


"What happened?" Agad niyang tanong. Marahil ay akala niya ay may masakit sa'kin. Well, totoo naman na nakakasakit siya ng ulo!


"Did you know that your words have the power to kill, doc?" Nakasimangot kong tanong sa kaniya na mabilis niya namang inilingan.


"What I know is that you need a psychiatrist, Ms. Caventry. Malala ka na." Walang preno nitong sabi habang nakatingin sa'kin na parang may sira ako sa ulo na dapat niyang layuan. Seriously?!


"What I also know is that you need to put your scalpel away from your patient, doc. Malalang takot ang dala mo." Nakangiti kong sabi sa kaniya.


Ngunit agad din akong napaatras nang imbes na lumayo ay nilapit niya pa mismo sa'kin ang hawak nitong scalpel. Pasimple akong napalunok habang nakasandal sa headboard ng kama.


Hindi pa ako tuluyang nakakahinga ay mabilis kong naramdaman ang paglamig ng paligid.


Ang kaliwang kamay ni Alexio ay agad na dumapo sa panga ko. Mahigpit niya itong hinawakan na nagpangiwi sa'kin. Idagdag mo pa ang ngisi sa kaniyang labi na talaga namang nakakakaba.


"O--oh my goodness! Ito na ba ang araw ng aking kamatayan? Kung oo ay kailangan ko munang magpaalam kay daddy. P--pfft! Ehem! Ehem! Mamamatay ka na lang, Carnelia pero puro kalokohan pa rin ang naiisip mo?"


"You have a glib tongue there, miss. I wonder if I can also cut that to put it in my human anatomy collection." Nakangisi pa rin na sabi ng animal na nagpatubig sa mata.


Kunwari nga ay natakot ako sa sinabi niya dahil kung hindi ay baka maisama niya ako sa koleksyon na sinasabi niya. Totoong mga organs pa naman ang nandoon, kaya sigurado din ako na galing 'yon sa mga taong pinatay niya. Yikes! He's so creepy!


"Yo--you're a scary doctor." Nakanguso kong sabi habang napapayuko na lang dahil sa mukha ni Alexio na medyo malapit sa'kin.


"Right? Like what you said before, I'm a torturer." Bigla nitong sabi na nagpaangat ng mukha ko na. Da--damn!


Mukhang maling desisyon ang pagtingin ko sa kaniya, dahil mas lalo yata kaming napalapit sa isa't-isa. *Gulp*


"Th--this is so weird! Bakit ang intense naman ng atmosphere sa kwartong 'to?!"


"A torturer of a million hearts, that's what I said." Agad kong sabi nang mapakalma ang sarili.


Geez! Bakit ang tatalas ng memorya ng mga male characters? Nababaliw tuloy ako sa pagpapalusot dahil din sa sarili kong gagawan!


"*Sighs* Dapat kasi matuto kang itikom minsan ang bibig mo, bruha para wala kang problema!"


Tinignan ko na lang ang mga mata ni Alexio habang pasimpleng hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa scalpel. Nang hindi siya gumalaw ay mabilis ko yung nilayo sa'kin.


Well, nakatutok lang naman sa leeg ko ang scalpel niya kanina. Kaya nga halos mawalan ako ng hininga dahil sa lalaking 'to ehh!


Tama ba namang tutukan mo ng patalim ang pasyente mo? Kung gumalaw lang ako ng konti kanina ay siguradong matutusok niya ako. At kapag natusok niya ako, syempre magdudugo 'yon! Aiya!


"Hahahaha! You're funny." Natatawa nitong sabi na kinatulala ko na lang. Hindi naman siguro masama kung aaminin kong ang gwapo niyang tumawa diba? 


*Gulp*


Atsaka, hindi ko inaasahan na tatawa ang animal na 'to sa hindi ko malaman na dahilan. Wait... Hindi kaya natawa siya sa ginawa kong paglayo ng scalpel niya sa leeg ko? O baka naman, ako mismo ang tinatawanan ng abnormal na 'to?!


Dahil tuloy sa naisip ay lalong sumama ang loob ko. Ang panget naman kasi kung talaga ngang ako mismo ang tinawanan niya diba? Mukha ba akong clown?


"Thank you." Nakasimangot kong pagpapasalamat sa kaniya na inilingan niya lang.


Nang lumayo na siya sa'kin ay doon na ulit ako nakahinga nang maluwag. Pakiramdam ko kasi ay aatakihin ako kapag nasa malapit siya. Isipin mong may creepy na doctor kang kasama sa medyo madilim na kwarto, diba nakakakaba?!


"Are you hungry?" Bigla nitong tanong sa'kin na mabilis kong tinanguan.


"Yeah, super!" Nakangiti kong sabi nang makitang nakatingin na siya sa'kin.


Hindi ko naman siya pwedeng samaan ng tingin dahil hindi niya pa ako nakukuhaan ng pagkain. Mamaya mainis 'to tapos 'di na ako pakainin. Aba'y mahirap nang magutom ang demonyo baka mangain ng kung sino-sino. Heh!


"All right, I'll go get it. Don't move around." Seryoso nitong sabi na agad kong sinang-ayunan na para bang mabait talaga ako.


Nang makita ang paglabas niya sa pinto ay tsaka naman ako pabagsak na humiga sa kama. Parang naubos kasi ang lahat ng enerhiya ko sa katawan dahil sa pakikipag-usap sa doctor na 'yon.


Mas may effort pa nga akong nilalaan sa pag-arte kapag siya ang kaharap ko kaysa kay Vile. Si daddy naman kasi kahit alam niyang nagsisinungaling ako minsan ay hindi naman niya pinapakitang alam niya.


Naiisip ko tuloy kung nakikisakay lang sa'kin si Vile o inosente lang talaga siya? Hmm...


"He's weird, but he's mine! Bwahahaha! P--pfft! Ehem! Ehem! Huwag kang bumanat, Carnelia kung ayaw mong banatan din ng female lead sa hinaharap!"


Tsk! Tsk! Iba rin kasi talaga ang appeal ng male lead kaya hindi na ako nagtataka kung bakit maraming female characters ang may gusto sa kaniya. Kumbaga siya ang pinakapaboritong tauhan ng siraulong author, kaya magagandang katangian din ang nabigay sa kaniya.


Well, bukod sa kawalan nito ng emosyon ay masasabi ko talaga na siya na ang pinakaperpektong male lead na nabasa ko.


Kaya naman hindi ko rin kasalanan kung bakit napakagwapo ni Vile sa paningin ko. Siya tuloy lagi ang naikukumpara ko sa mga gwapong characters na meron sa nobela. Aiya!


Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang pumasok si Alexio na may hawak-hawak na tray ngayon. Muntik pa nga akong mapatawa nang makita ang medyo gulo-gulo nitong buhok. Hindi naman siguro siya sumabak sa labanan para magkaganiyan diba?


"What happened to your hair, doc?" Pigil tawa kong tanong na kinakunot ng noo niya. Aiya! Nagtatanong lang naman ako no!


"Don't mind them." Seryoso nitong sabi bago nilapag sa bed tray table ang hawak nitong pagkain.


"Here's your food. You should eat it now and rest after." Dagdag pa nito na kasalukuyang pinapanatili ang pagiging seryoso niya.


Kung kanina ay ngisi pa siya nang ngisi, ngayon ay nakakamatay naman sa kaba ang pagiging seryoso nito. Geez! Huwag mong sabihin na isa rin siya sa mga male characters na sinasapian ng kung ano-anong elemento kaya paiba-iba ng ugali?


"Aiya! Masanay ka na lang sa mga animal na 'yan, Carnelia! Like duh? Kailan ba nagkaroon ng matinong characters ang nobela na 'to? Siguro nga ay ikaw na lang ang natitirang normal sa mundong ibabaw ehh!"


"Okay, thank you!" Pagpapasalamat ko na lang sa kaniya.


Tinignan ko ang pagkain at sa pagkakataon na 'to ay isa rin siyang soup na kulay puti na medyo malabnaw ang sabaw. What the heck is this?!


"Anong tawag sa soup na 'to, doc?" Tanong ko na lang kay Alexio habang tinitikman ang magiging lasa nito.


"Tamorin soup," diretso nitong sabi na agad kong kinaubo. Fu--fuck! Ano raw?! Madumi lang ba ang utak ko o talagang may mali sa pangalan ng soup?


"Does it taste awful?" Biglang tanong ng animal. Napansin niya siguro na bigla-bigla na lang ako napaubo at napatigil nang mabanggit niya ang pangalan ng sabaw na 'to.


"No, it's delicious." Nakangiti kong sabi habang pinipigilan ang mapatawa. Hindi ko kasi alam kung trip na naman 'to ng author o baka green minded lang ako kaya kung ano-ano ang nai-imagine ko!


Huminga ako nang malalim at inalis ko na rin sa utak ko ang mga maduduming naiisip. Pinagpatuloy ko na lang ang pagsubo sa sabaw na nasa kutsara habang nakatingin kay Alexio.


Kasalukuyan niya kasing inaayos ang buhok nito kaya nag-animo'y slow motion ang paghawi niya sa kaniyang buhok. Kung tutuusin ay pwede na siyang maging endorser ng Head & Shoulders na shampoo. Lakas maka-dandruff free ang dating ehh!


"It's nice that you like it. That's the best-selling soup in this hospital." Tumatango-tango pang sabi ng animal na agad kong kinatingin sa kaniya.


"Oh, I see! It seems like many people love this Tamorin soup." Nakangiti kong sabi habang hindi pinapahalata na natatawa ako. Isipin mong marami pa lang may gustong higupin ang sabaw ng Tamorin soup?!


"P--pftt! Ehem! Ehem! Kalmahan mo ang utak mo, Carnelia! Masiyado ka nang nababaliw!"


"Why are you looking like that? You look like you're thinking about something dirty." Naghihinalang niya pang sabi na nginitian ko na lang.


Syempre kailangan ko na namang umarte na inosente sa harap nitong animal na 'to. Hindi ko nga alam kung anong nakain nitong si Alexio at ang haba niya ngayong magsalita.


Ang weird lang diba? Pero kunsabagay mas maigi na 'to kaysa mamatay ako sa katahimikan. Ngayon pa nga lang ay boring na boring na akong kausap siya, paano pa kapag hindi na talaga siya nagsalita, diba? Aish!


Napailing na lang ako sa naisip bago sinagot na yung sinabi niya kanina sa'kin tungkol sa pagkain.


"Of course not. I really love the taste. It's unique and new to my tongue." Nakangiti kong sabi na inilingan lang ng animal.


"Good. You finish that quickly and go to sleep after a short rest." Seryoso na namang sabi ni Alexio.


Ngayon tuloy ay alam ko na kung sinong male characters ang kaparehas nitong animal na 'to. Well, sino pa ba bukod kay Theo na walang hiyang sumampal sa'kin sa party!

Napansin ko lang naman na parehas silang bipolar na papalit-palit ng trip sa buhay. Tsk! Tsk!


"Yes, doc!" Pagsang-ayon ko na lang kunwari.


Mabilis kong hinigop ang soup nang maalala na hindi ko na nga pala ulit nakita sina Clive at Deyl mula kanina.


"Where are Clive and Deyl?" Tanong ko na lang sa kaniya habang inaayos na ang pinagkain ko sa lamesa.


"You call them by their names now, huh?" Nakataas-kilay nitong sabi na kinakunot ng noo ko. Kung makatingin kasi sa'kin itong si Alexio ay para namang may nakakagulat talaga siyang nalaman. Aiya!


"Yeah, they told me to do so." Sagot ko na lang. Wala kasi akong balak na magkwento sa kaniya kung paano 'yon nangyari, kaya bahala siyang mag-isip diyan.


"It seems you're getting comfortable with those idiots, unlike before." Seryoso pa rin nitong sabi na agad ko namang inilingan.


"Not really, we're just casually talking like normal people." Kunwaring inosente kong sabi na kinangisi niya naman ngayon. Tsk! Abnormal!


"Normal people, you say?" Tanong niya sa'kin na parang bang may malaki akong joke na nasabi kung makatingin.


"Aish! Syempre alam kong hindi sila normal, kung hindi isang abnormal! Bwahahaha! P--pfft! Stop joking around, Carnelia kung ayaw mong masapak nitong si Alexio!"


"Aha! So, where are they?" Pagbabalik ko sa tanong ko kanina sa kaniya. Hindi naman sa gusto ko silang makita no! Gusto ko lang malaman kung anong ganap sa buhay nila para naman may clue na ako.


"I told them to leave earlier." Naka-poker face nitong sabi na para bang wala siyang kinalaman dito.


"Why?" Tanong ko sa kaniya na lalong nagpakunot ng noo niya. Yikes.


Mukhang hindi niya gusto ang tinanong ko sa kaniya na lalong nagpagulo ng utak ko. Magsasalita na sana ako nang marinig ang susunod na sinabi niya na nagpalaki ng mata ko.


"Why? Of course, I'm here, so I'll take care of you."


Napatulala na lang ako saglit sa narinig bago ngumiti ng pilit sa kaniya. Oo nga naman, Carnelia! Nandito nga naman siya, kaya bakit kailangan pang nandito din sina Deyl at Clive diba?


"Ahh..."


"And they were loud as fuck earlier, to the point that I wanted to cut them in half." Madiin nitong sabi na nagpalunok sa'kin.


Hindi ko maiwasan ang kabahan nang makita ang pagkuyom niya ng kamao. Idagdag mo pa na nadidiin niya rin ang hawak nitong scalpel.


"I see. That's pretty obvious since Clive is really cheerful. He's also fun to be with." Sagot ko na lang na mukhang tinawanan lang ni Alexio. Tsk!


"You're probably the only person who said that Rence is fun to be with, Ms. Caventry." Naiiling nitong sabi na kinangiti ko lang.


"How about Lemuel?" Tanong ko sa kaniya nang maalala ang isa pang animal na 'yon.


Hindi ko kasi maintindihan ang pinagsasasabi nila Clive tungkol sa lalaking 'yon, kaya hindi ko masabi kung ligtas ba ang animal na 'yon o kung ano man.


"Nah, don't mention him." Bigla nitong sabi na mabilis kong kinalingon sa kaniya.


"Why?"


"He died." Nakangisi nitong sabi na agad na kinalaki ng mata ko.


"What did you say?!"


"Hahahaha! I'm just kidding! That was a big reaction, miss. You're pretty funny." Naiiling niyang sabi habang natatawa pa rin. Aiya! Kailan pa natutong maging komedyante itong si Alexio?


Bukod doon ay tumawa pa siya! Anong meron at parang naiiba ang mundo ngayon? Bukod sa napakagwapo talaga ng animal kanina ay nakakagulat din na talagang tumawa siya sa mismong harap ko! What a nice view kumbaga!


"I know that I'm pretty, doc." Walang hiya kong sabi na agad na nagpa-poker face sa kaniya. Hindi naman sobrang obvious na masama ang ugali niya diba?


"Sure. I'll go now. Don't move around and just take a rest, okay?" Paalala nitong sabi na kinatango ko na lang. Wala rin naman akong choice no!


"Yes, doctor."


Nang lumabas na si Alexio sa kwarto ay agad na akong humiga sa kama. Gabing-gabi na rin kasi kaya matutulog na muna ako nang maaga para sa makahabol sa fourth day ng Hell Week Training.


***


Maaga akong nagising kaya heto ako ngayon at nakatulala sa isang tabi. Hinihintay ko kasi si Alexio na dumating para sabihin na maayos na ang lagay ko.


Gusto ko nang makabalik sa A.I.A dahil ngayon ang ika-apat na araw ng Hell Week, kaya siguradong magiging exciting ang mangyayari doon. Ang water survival training ay mukha lang madali para sa mga magagaling lumangoy, pero hindi 'yon kasing Dali ng iniisip nila. Hehe!


Isipin ko pa lang ang mga magiging reaksyon ng trainees ay natutuwa na ako. Hehe! This is so exciting!


Napalingon ako sa pinto nang makitang pumasok na rin sa wakas si Alexio.


"Good morning!" Nakangiti kong bati sa kaniya. Syempre dapat mabait tayo ngayon dahil sa kaniya nakasalalay ang pag-alis ko sa hospital na 'to.


"Morning. How do you feel?" Seryoso nitong tanong na may hawak-hawak na naman ng papel.


"I'm perfectly fine, doc." Sagot ko na lang sa kaniya na agad nitong kinatango.


"Good. The nurse will bring your food, so just wait here." Malamig nitong sabi na kinakunot ng noo ko. Aiya! Sobrang bilis naman ng animal na 'to na magpalit ng emosyon! Siguro nasobrahan sa sa katalinuhan kaya ayan namatay!


"Okay, but how long am I going to stay here?" Nakangiti ko pa ring tanong kahit na gustong-gusto ko na siyang upakan. Pero nang marinig ko ang susunod nitong sinabi ay agad akong nanlumo.


"Two days."


What the heck?! So, ibig sabihin ay dalawang araw akong wala sa mga exciting na part ng Hell Week Training? Geez! I can't accept this!


"That's too much! I have to go to the training, doc. I'm really okay!" Agad kong sabi at talagang ginalingan na sa pag-arte, para naman dama niyang gusto kong present ako sa darating na paghihirap ng mga trainees.


"You don't have to go for the training in two days. The lieutenant ordered that."


Nang marinig ang pangalan ni Lieutenant ay alam ko na agad na hindi ako makakalusot. Bakit naman kasi ang O.A nilang mag-react? Iilang sugat lang naman ang natamo ko kaya kahit patakbuhin pa nila ako ng ilang kilometro ay ayos lang sa'kin!


"B--but, I'm fine, so I can just sit down there and watch the training." Dagdag ko pa habang nagpapaawa sa kaniya. Pero nakalimutan ko na wala nga pala ang salitang awa sa bokabularyo ng doctor na 'to!


"No, you'll stay here." Seryoso nitong sabi na agad kong kinasimangot.


"You can't do this to me, doc." Kunwaring naiiyak ko pang sabi, pero ang animal ay nginisihan lang ako!


"I can, miss."


"Please? I'll just watch them." Sabi ko na habang pinagdidikit ang dalawang palad na parang nagmamaka-awa.


"No," diretso nitong sabi na kinakuyom ng kamao ko.


"Aish! I'm so pissed! Bakit hindi niya maintindihan na gusto ko ngang manood ng training ng mga trainees?!"


"I'll go!" Kunwaring matapang ko pang sabi naagad namang kinontra ng animal.


"You dare?" Nagbabanta nitong tanong na nagpalunok sa'kin. Ano, Carnelia? Lalaban ka pa ba sa demonyo?!


"Y--yeah," Nakayuko kong sabi dahil kinakabahan ako sa mata ni Alexio kapag nakatingin siya sa mukha ko.


"I see, I guess I don't have a choice..." Seryoso nitong sabi na nagpaangat ng tingin ko.


"What do you mean?!" Tanong ko sa kaniya hanggang sa naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa kaliwa kong kamay.


Agad ding nasagot ang tanong ko nang matagpuan ang sarili na nakaposas sa bakal na meron sa gilid ng kama. Th--this...


"Behave yourself, miss." Nakangising sabi ni Alexio habang winawagayway pa talaga sa mukha ko ang hawak nitong susi ng posas. Hindi naman halata na bully siya diba?!


"Do you really have to put a handcuff on me?" Nakakunot-noo kong tanong sa kaniya.


"No, but that's only to prevent you from sneaking out." Seryoso nitong sabi na kinalugmok ko. Sa itsura niya pa lang ayaw wala na talaga akong laban sa kaniya!


"No way..." Pagdadrama ko na lang kunwari.


"Don't mess around and stay still." Malamig nitong utos sa'kin bago mabilis na akong tinalikuran.


"Remove this first. Doc!" Sigaw ko sa kaniya pero kahit ilang beses ko siyang tawagin ay hindi pa rin siya lumilitaw.


"S---shit! Did he really leave me like this?"


"Good morning, my--my lady..." Napalingon ako sa nurse na may dala-dalang pagkain ngayon.


Hindi nakatakas sa'kin ang pagkagulat sa mukha niya nang makita akong nakaposas sa kama. Well, kahit sino ay mawiwirduhan kapag nakakita ng ganito no! Aish! This is so not cool, Carnelia!


"Here's your breakfast. I'll go now, my lady." Nagmamadali niyang sabi na agad kong pinatigil.


"Wait! Help me remove this thing. I can't eat like this."


"Forgive me, my lady, but Dr. Virion has a message for you. He said, "Use your other hand to eat and behave." Kinakabahan nitong sabi na kinasama ng tingin ko.


"Really?"


"I'll go now, my lady. Call me or the other nurse when you need something." Mabilis nitong sabi bago nagmamadaling lumabas ng kwarto.


"What the heck?! Do I really need to stay here for two days?"


***


Buong araw ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang humilata sa kama at tumulala. Iniisip ko pa lang na kailangan kong manatili dito ay naiinis na ako.


Sigurado sa mga oras na 'to ay katatapos lang ng fourth day ng Hell Week Training ng mga trainees. Yun nga lang ay wala ako doon para makita ang mga reaksyon nila.


"Aiya! Tanggapin mo na lang ang kapalaran mo, Carnelia! Malay mo may mas exciting na mangyayari sa'yo bukas kaya kalma ka lang, bruha!



Pasimple na lang akong nag-unat dahil gabi na ulit ngayon. Ang posas naman na kakatanggal ko lang ay tinabi ko na lang sa gilid dahil gagamitin ko pa yan bukas.


"Aish! This is so boring! What I want is an action scene! Wa--wait! If it's boring, then maybe I can call my daddy Vile to reduce my anger."


~ Calling Daddy Vile...


Makalipas ang ilang segundo ay sinagot na rin ni Vile ang tawag na agad kong kinangiti. Hehe!


"Hello?"


Nang wala akong marinig na sagot sa kabilang linya ay alam ko na agad na nakikinig na sa'kin si Vile.


"Daddy..." Malambing kong tawag sa kaniya.


"Hmm?"


⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄


My goodness! Bakit naman ang hot pakinggan ng boses ng animal na 'to sa kabilang linya? May special effects ba ang microphone niya o sadyang hot lang talaga ang daddy ko?


"P--pfft! Ehem! Ehem! Magseryoso ka na, Carnelia dahil tumawag ka lang naman para mawala ang stress mo kay Alexio."


"I'm hurt..." Nakanguso kong sabi habang pinipilit na magtunog cute ang boses ko.


"Where?"


"My face hurts a little, and my head aches so much! I also have some cuts and bruises." Sabi ko na lang na para bang bata na iiyak na maya-maya.


Siguro nga nagmukha na talaga akong batang nagsusumbong sa magulang niya ehh! Aiya! Napatigil na lang ako sa pag-iisip nang marinig na ang boses ni Vile sa kabilang linya.


"Why?" Tanong niya sa'kin. Ang tinatanong niya siguro ay kung bakit ako maraming sugat at pasa.


"Well, we had an activity earlier, and I had to fight Sergeant Abby. Since I'm too weak, this is what I've got." Pagpapatuloy ko pa sa kwento habang hindi na napigilan ang inis sa aking boses.


Kasi naman no? Si Abby naman talaga ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon! Ayan tuloy hindi ko na napanood ng live ang mga training nila!


"I see." Maiksing reply ni Vile na kinakunot ng noo ko. Sa dami kong sinabi ay yan lang ang sasabihn niya?


"Is that it?"


"Hmm..." Maiksi nitong sagot na kinanguso ko na lang

.

"You're not concerned about me?" Tanong ko ulit sa kaniya pero nang marinig ang susunod niyang sinabi ay doon na ako napataray.


"Do I have to?"


"Ahmm... Nevermind. I'll hang up now. Goodnight!" Mabilis kong sabi pagkatapos ay pinatay na ang tawag.


"Aiya! Sino ba naman kasi ang gaganahan na makipag-usap sa mga ganoong ugali diba? Napakagwapo niya lang, pero malakas 'to! Bwahahahaa! P--pfft! Ehem! Ehem! Nababaliw ka na naman, Carnelia!"


Pagkatapos ng tawag ay agad na akong humiga ng kama. Nag-iisip ako kung paano ako makakalabas bukas. Lagpas isang araw na kasi akong nananatili sa hospital na 'to at hindi ko kakayanin na magtagal pa.


Pakiramdam ko ay mababaliw ako kapag hindi pa ako nakalabas. Kaya naman kapag hindi nadaan sa mabuting usapan si Alexio ay tatakas na ako palabas ng hospital na 'to.


Pinikit ko na lang ang mata ko at akmang matutulog na nang maramdaman na may nagbukas ng pinto.


"Get out. I'll sleep now." Diretso kong sabi sa nurse na pumasok. Kagabi din kasi ay may nurse na nag-check ng mga patient nila kaya alam kong isa 'yon sa mga nurse na 'to.


Kaso makalipas na ang ilang minuto ay naramdaman kong hindi pa din umaalis ang nurse. Sa halip na umalis ay agad kong nalaman na nasa tabi ko na siya at nakaupo sa kama.


Lalo lang nanindig ang balahibo ko nang maramdaman ang kamay nitong dumako sa pisngi ko. Dahil sa kaba ay agad akong nagmulat ng mata at doon nakita ang malapit na mukha ng male lead sa'kin.


"He--he's here?"


Agad akong napaupo sa kama at humarap kay Vile. Ngayon kahit nakasuot lang siya ng simpleng polo shirt at pants ay hindi mo pa rin maipagkakaila na talagang napakagwapo niya.


"Wh--why are you here, young master?" Gulat kong tanong sa kaniya habang nakatingin mismo sa mukha niya.


"Visit." Maikli nitong sabi na kinangiti ko na lang. So, he's here for me? Bwahahaha! I see!


"But awhile ago, you didn't seem concerned about me. I'm hurt, but you still say something bad that makes me feel sad." Kunwaring malungkot ko pang sabi habang pinipigilan ang sarili na mapatawa.


Ang cute kasi ng animal na 'to kahit na naka-poker face lang siya ngayon. Well, dahil sa nakaupo siya sa kama ko ay mabilis lang nahahagip ng mata ko ang mukha niya.


Napatigil na lang ako sa pasimpleng pangmamanyak sa mukha ni Vile nang marinig na nagsalita na siya.


"You're hurt?"


"Hmm! Hmm! I have some bruises and cuts here, young master." Nakanguso kong sabi habang tinuturo ang maiksi na hiwa sa gilid ng labi ko at maging sa pisngi.


"Where?" Seryosong tanong nito, kaya para mas makita niya ang sugat ko ay nilapit ko na ang sarili sa pwesto niya.


Medyo madilim kasi ang buong kwarto ko at ang ilaw sa balcony lang ang nagbibigay sa'min ng liwanag ngayon. Kaya kapag hindi ako lumapit sa kaniya ay hindi niya maaaninag nang maigi ang sugat ko.


"Here!" Nakangiti kong sabi atsaka nilapit ang mukha kay Vile na ilang inches na lang ang layo sa'kin.


"Let me see." Malamig nitong sabi bago inayos ang pagkakaupo niya para makalapit sa'kin. *Gulp* He's so close!


"Kalma ka lang, Carnelia! Gamitin mo ang kalandian hormones mo sa katawan para hindi ka masiyadong tablan ng charm ng male lead!"


"Here, it kind of hurts a little." Parang bata kong reklamo sa kaniya habang nakaturo pa rin kung saan ang sugat ko sa mukha.


Agad namang nagtaasan ang balahibo ko sa katawan nang bigla niyang hawakan ang aking pisngi at nilapit ang mukha sa'kin. Sh--shit!


"Is it here?" Tanong nito habang ang kaniyang mainit na hininga ay nararamdaman ko na sa pisngi ko. Shocks! Bakit parang sobrang lapit naman niya sa'kin?!


"Ye--yeah!" Sagot ko na lang.


Ngunit agad ding tumigil ang paghinga ko nang maramdaman ang labi nitong marahan dumampi sa aking pisngi na talaga namang nagpataas ng balahibo ko! Da--damn! What is happening right now?!


"Wa--wait, what are you---hmmm!" Agad kong natikom ang bibig sa susunod niyang ginawa. Why the heck is he using his tongue?!


"There, does it still hurt?" Tanong nito sa'kin na agad kong tinanguan. Wait! Bakit ka tumatango, Carnelia?! Siraulo ka ba?!


Hindi ko na siya napigilan dahil bago pa ako makapagsalita ulit ay nilapit niya na naman ang mukha sa'kin na muntik ko nang ikawala ng hininga.


Ang kaniyang labi ay dumampi sa gilid ng labi ko habang ang kaniyang kamay ay nakahawak pa rin sa pisngi ko. Napaangat siya ng tingin at tinignan ako sa mata na kinalunok ko na lang.


"How 'bout that?" Tanong niya ulit habang bahagya pang nakatagilid ang ulo na para bang ang inosente niya?!


"Just a little bit." Nakangiti ko nang sabi dahil ayokong matalo sa kaniya. No way!


Katulad kanina ay marahan niyang dinampi ang labi sa aking pisngi pero this time ay napapangiti na lang ako sa nangyayari.


"Hehe! This is good, Carnelia! You're doing a great job! Isa kang matibay na puno na hindi kayang matibag ng kahit sinong anay katulad ng mga male lead!"


Napatigil ako sa pag-iisip nang tumingin na sa'kin ang male lead at ilapit ang kaniyang mukha sa'kin. 


*Gulp*


"Is it okay now?"


⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄


*Tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug tug dug*


"Okay! Binabawi ko na! Ang lakas talaga ng appeal nitong animal na 'to!"


Niyakap ko na lang si Vile at binaon ang ulo sa kaniyang balikat. I am so embarrassed! I want to die!


"Hmm, I'm fine now. I'm really okay, daddy..." Sabi ko na lang habang pinipigilan ang mapatawa sa aking isip.


"Carnelia, please itigil mo muna ang kabaliwang naiisip dahil hindi ka pa sigurado. Pero kasi--pfft! Ehem! Let's just see first what will happen in the future."


Hindi ko na natuloy ang mga iniisip nang marinig ang boses ni Vile na nagpagulo na naman sa utak ko. Sh--shit! Kailan ba siya titigil?!


"Baby..."


*Gulp"


"Ye--yeah?" Tanong ko habang nakayakap pa rin sa kaniya.


"Next time..."


Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Ano raw? Next time?


"Next time, what?" Malambing kong tanong dito habang nasa leeg nito ang mukha ko. Napatigil ako sa ginagawa nang marinig ang susunod nitong sinabi na nagpayanig ng sistema ko. S--shit!


"Don't get hurt, okay?"


_________________________________________


Dem's note: May mga errors pa sa mga details na minsan ay nakakalimutan ko rin, kaya intindihin niyo muna kung meron man. The typos and grammatical errors are also there since the writer is not perfect! Thank you!

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

267K 10.1K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...