A Little Bit of Sunshine

By aennui

727 124 206

A Little Bit of Sunshine || Sunshine is just your ordinary high school girl. Umikot ang buhay niya sa school... More

Opening Remarks
Simula
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
Wakas

38

0 0 0
By aennui

Kabanata 38: Tough on the Outside, Fragile on the Inside

Sinubukan ko lang namang umiwas pero hindi ko inakalang magdudulot pa ito ng mas malaking gulo.



After 10 years, mala-delubyo ang nangyari sa reunion namin ni Hanson dito sa convenience store. He suddenly pulled me after I did a lame cover up, I tripped-I mean, we both tripped and ended up ruining the stack of shelves in the convenience store.



Hindi ko alam kung sadyang aksidente lang ang lahat o talagang may kakambal na kamalasan ang lalaking to.



"Sandali lang po Maam at Sir ha? On the way na daw po si Sir Carriaga para makipag-usap sa inyo pero medyo matatagalan siya kasi kakaalis niya pa lang po ng Lachlane."



Kaya naman ngayon, hindi ko na alam kung ngingiti ba ako sa lalaking nagbabantay dito sa convenience store o ipapakita kong aburido ako dahil ilang oras pa akong maiistuck dito kasama ang ex ko.



"Sige lang. Kaya naman naming maghintay. Atsaka sanay na din talaga akong maghintay." I ended up giving the guy a weird and awkward smile that made him return the same expression.



Three hours pa ang biyahe mula Lachlane and I can't believe that I'll be wasting three hours that I was supposed to sleep para sa owner ng store na to. Gosh! Sayang ang weekends ko because of this damn stupid guy.



Asar akong lumingon kay Hanson na panay ang pagtatype sa cellphone niya. What the fvck? Talagang inuna niya pa yan kaysa makinig sa sinasabi ng tagabantay o magsorry man lang sa akin dahil sa nangyari niyang kapabayaan?



"Psh. Gago pa rin talaga." I rolled my eyes and crossed my arms.



We were just a few centimeters away kaya umaasa akong narinig niya ang binulong ko. Pero nang nilingon ko siya, nakafocus pa din siya sa phone niya.



"Hay nako. Andami na talagang may problema sa pandinig ngayon."



Tumayo ako at naglakad muna palabas ng convenience store. Hindi ko kayang tiisin na lumalanghap kami ng parehas na hangin sa loob ng store na yun. Hindi ko kayang makipagshare ng oxygen sa isa sa mga pinakaduwag na taong nakilala ko.



10 years na ang nakalipas pero iba pa rin ang epekto ni Hanson sa akin. Bakit pa ba kasi siya bumalik? Well, it's not like I own Alveolar or the Philippines pero balita ko maganda na ang career niya doon. Stable ang job, malaki ang sweldo, at napakaganda ng opportunities abroad!



Kaya naman, bakit? Gusto niya ba ulit akong siraan ng bait? Gusto niya ba ng comeback-?! Ay punyeta.



Napasampal ako kaagad sa sarili ko. Tandaan mong hindi ka marupok Sunshine. You must not fall inlove with this guy again.



I bet marami na siyang babae dun sa Canada. Who wouldn't fall for him with that tall height, gorgeous face, and personality? Minus lang talaga yung pagiging duwag niya. Pero pano kung mas naging matibay na siya because of his experiences?



Pano kung mas naging matibay na din siya tulad ko?



I clicked my tongue before finding that thing on my bag. Bakit ba kasi siya ang iniisip ko? Nawalan na siya ng pake sa akin 10 years ago kaya dapat ay wala na rin akong pake sa kanya ngayon. Naii-stress lang tuloy ako.



Teka. Nasaan na ba yung-



"Ate-!"



"Ay sigarilyo-!"



Nanlalaki ang mga mata ko nang lingunin ko ang batang tumawag sa akin. It was the same boy na kakilala ni Hanson na nilibre ko din ng footlong at hot choco.



"Ay sorry boy. Ginulat mo lang ako." Sinampal sampal ko ang dibdib ko before sitting up straight and smiling at him. "Ano palang kailangan mo?"



"Hindi niyo na po ba ako nakikilala?" Naningkit ang mga mata ko and tried my best to find him in my memory lane but I found none.



"Uhm sorry pero ang totoo niyan, hindi eh. Nagkita na ba tayo noon?" Humaba ang nguso niya at dinabog ang isa niyang paa habang nakayuko. "Fan ba kita?"



Sa muling pag-angat ng ulo niya, his expression totally changed. It was like he was trying to look cute, happy, and cheerful at the same time.




"Hello po Ate Ganda! Bili naman po kayo ng ice candy at turon ni Nanay! Mura lang at napakatamis, kasing tamis ng pag-ibig!" Napaawang ang labi ko habang nakapameywang siya at nakafinger heart.



Isa lang ang nakilala kong bata na may gantong linyahan.



Dahan-dahan tuloy akong napanganga, napaatras, at napatakip ng bibig ko habang ini-scan ko siya from head to toe at pabalik. Para akong maiiyak na ewan ng makita kong muli siyang ngumiti ng matamis at binuksan ang mga braso niya para sa isang yakap na para sa akin.



"Ohmygosh! Poli koooooo! Ikaw ngaaa!" Tumakbo ako kay Poli at niyakap siya ng mahigpit. He swinged me around while carrying me that made me laugh. "Ohemgee! Ohemgee! Dati ako lang ang kayang bumuhat sayo! Kumusta ka na?"



Poli held my hand at dinala ako pabalik sa loob ng convenience store. Umupo ako sa katabing table kung nasaan si Hanson and totally ignored him with our conversations.



Tawa ako ng tawa sa mga kwento ni Poli tungkol sa mga experiences niya. I was still amazed that the small boy that I met before is now already a teenager. Napakabilis nga naman talaga ng panahon at hindi ko na napapansin na patanda na rin ako ng patanda.



"Ate Sunshine! Pwedeng magtanong?"



"Ngayon ka pa nagtanong niyan eh puro tanong ka naman na sa akin?" Sinenyasan ko siya na magpatuloy at hindi ko alam kung bakit lumapad ang ngiti niya bago sandaling sumulyap kay Hanson.



"Meron ka po bang boyfriend ngayon?"



Nanlaki ang mata ko at napakurap-kurap ng ilang segundo. Wala akong boyfriend ngayon pero parang ang hirap sabihin na wala sa edad kong to. Atsaka, plus factor pa na nandito si Hanson. Baka isipin niya na hindi pa ako nakakamove on. Eeew.



"Uhm... Meron Poli pero complicated kami ngayon eh. Naiintindihan mo naman na siguro ang ibig sabihin nun diba?" I awkwardly laugh before taking a secret glance towards Hanson na nakatutok pa rin sa cellphone niya.



Ano ba kasing ginagawa niya? Dapat naririnig niya ang sinasabi ko ngayon!



"Talaga po? Meron na kayong boyfriend?" Dahan-dahang bumalik ang tingin ko kay Poli at tinaasan siya ng kilay.



Hindi ko alam kung dapat ba akong mahigh-blood, mainsulto dahil sa tono niya, o sumagot nalang ng tama at naangkop sa tanong niya.



"Ano bang gusto mong palabasin, Poli?"



"Ah-hahaha. Joke lang naman po Ate Sunshine. Hindi naman po ako nagtatakang hindi kayo nababakante kahit ni isang buwan lang! Ang ganda-ganda niyo tapos diba sikat na po kayo? Kaya marami pa sigurong nakapilang lalaki sa labas ng bahay mo." Nginiwian ko si Poli na awkward na pumapalakpak habang nakangiti sa akin.



Magaling pa rin talagang mambola ang batang to.



"Tigilan mo na ang pa Q&A mo sa akin. Ikaw naman ngayon ang tatanungin ko. Kumusta ka ng bata ka?"



Si Poli naman ngayon ang nagkwento tungkol sa naging buhay nila ng Mama niya. Kaya naman pala hindi ko na siya nakitang naglako sa eskwelahan ay dahil may tumulong sa kanilang makabangon. And I was surprised to find out that it was Hanson and Nanay.



Up to this day, tinutulungan pa rin daw sila ni Nanay pero dahil may sarili na silang tindahan at carinderia, hindi na sila gaanong binibigyan ng tulong financial. But to make up with those years of help, Poli currently helps Nanay and Hanson with his own little ways.



"Bakit wala akong alam dito?" I mumbled before pouting.



"Kasi galit po kayo kay Tita Sunny, di ba?"



Poli caught me off guard that's why I was lost with words to answer. Ngunit nang matauhan ako, umiwas na muna ako ng tingin sa kanya at tinuon ang atensyon ko sa mga nagulong estante.



Nakaramdam naman si Poli and asked me other questions about my work and the artists that I've interviewed for the past years. His eyes shimmered when I told him about a celebrity na talagang idol na idol niya pala.



"You like him? Hayaan mo at kapag nagkita kami, hihingian kita ng autograph."



Tawa ako ng tawa habang nagtatatalon siya sa tuwa. Hindi ko tuloy agad napansin na papasok na pala sa convenience store ang may ari nito.



"G-Good morning Sir."



"Walang good sa morning kapag ganito ang umaabala sa trabaho ko, Ralph." Napalingon ako sa may-ari na nasa harap ng counter. His back was facing me which made me unable to see his face. "Ano bang nangyari dito?"



His voice was so deep that made my lips form an O. Pwedeng pwede siyang news anchor sa radyo. Kung gwapo naman, bagay siya sa TV.



Nagpaalam si Poli na kailangan niyang mauna kaysa Hanson kaya naman pinayagan ko siya agad-agad. We already exchanged numbers earlier so he just rapidly went outside the convenience store and rode his bike.



"Apologies for my intrusion Mister." Napatayo ako kaagad nang tumayo na si Hanson at pumapel sa usapan ng counter boy at ni owner. "But please don't get mad with your employee."



"Who the hell are you?" Napaatras ako ng magsukatan ng tingin si Hanson at yung owner.



I was finally able to see the side view of his face and he is so damn handsome! Ang ganda ng pagkakatangos ng ilong niya, ng haba ng pilikmata niya, at ang pagkapula ng mga labi niya. I could tell that he have foreign blood running in his veins because of how dark and heavy his features look.



"I was the one to blame for this mess, Sir. I'm Prince Hanson Miranda." Hanson extended his arm for a handshake. "I will be handling all the expenses for your store so you don't have to worry."



The guy just raised one of his eyebrows and didn't accept Hanson's hand. It was my cue to enter the scene and forcibly grab the hand of Mr. Owner.



"What the-"



"Hello Sir! I'm Sunshine Ortiz-"



"-hell are you doing?!"



Nanlaki ang mga mata ko ng malakas na tanggalin ni Mr. Owner ang kamay ko sa kamay niya. I almost lost my balance because of the impact but Hanson was able to hold my waist for support again.



"Are you okay?"



"I'm okay." I replied with almost a whisper.



Natulala na kasi ako nang makita kong nanginginig ang kamay ng lalaki. I became more speechless when he turns his back to us and clenched his fist tightly while catching his breath.



Anong problema niya?



"S-Sir. Alcohol p-po." The guy on the counter brought an alcohol spray and sprayed it rapidly on the owner's hands. He was still catching his breath that made me step back for a bit.



Dahil ba to sa paghawak ko sa kamay niya?



Tinitigan ko lang si Mr. Owner habang parehas na kaming umupo muna ni Hanson sa isang upuan. Patuloy pa rin sa pag-ispray ng alcohol ang counter boy sa kamay niya kaya naman patuloy lang sa paglipad ang isip ko kung anong meron sa kanya.



If I'm not mistaken, this is a kind of phobia which makes the person afraid of touching hands, doing physical contacts, and touching random things.



Mr. Owner sat on the chair in front of us and started talking about the amount that we need to pay. I felt my whole system was breaking down as I continue to listen to the speech of the convenience store's owner. Hindi ako mahilig sa numbers kaya parang magdudugo ang utak ko sa computation na ginagawa niya ngayon.



"So, the price is settled. Nag-usap na ba kayong dalawa kung sinong magbabayad ng amount?" Mr. Owner gave us exchanging and questioning glances but his eyes last longer in Hanson.



Galit ba siya sa akin? Naiilang? Or...



Bigla kong nahigit ang hininga ko kaya naman nakuha ko ang atensyon nilang dalawa. I awkwardly smiled and laughed before motioning them to continue.



Sayang naman kung parehas siya ng iniisip ko. But I'll stop thinking about it anymore. I need to focus!



"I already offered her na ako nalang ang magbabayad but she opposed my decision. She said that it was partly her fault too kaya pag-uusapan nalang namin ulit ang tungkol dito." Hanson said politely before giving me a glance.



Oo nga pala. Itong pride kong hindi nagpadaig kanina ang magbabawas ng pera ko.


"So what's your final decision? Are you going to divide the money?"



Napabuntong hininga ako.



"Okay naman sa akin. Okay nalang..." Matamlay akong tumayo before getting my wallet from my bag. "Tawagan mo nalang ako or itext para sa account number mo, Sir. I'll have the money transferred tomorrow but for now, just let me sleep."



Inabot ko sa kanya yung card but I suddenly remembered his phobia. That's why I slowly placed my calling card on the table for him to pick up. I turned to Hanson and also gave him my calling card without any word before leaving both of them alone.





It was already 10:00 am in the morning when I got woken up with the annoying sound of the doorbell. Napapadyak ako sa higaan ko at iritadong lumabas ng kwarto ko habang naghihilod ng mata para buksan ang pinto.



"Sino bang lapastangan ang napakaagang-?!" Natigilan ako at dahan-dahang nanlaki ang mata ng makita kung sino ang nasa harapan ko.



It was Hanson who looks so neat and intelligent with his hair pushed up backwards and with his specs on. He was wearing a white long sleeves polo that is paired up with black pants and white shoes. His scent started dominating my sense of smell pero biglang may pumitik sa utak ko ng maalala ko ang itsura ko.



Pucha.



My hair is probably messed up na parang kakabagyo lang ngayon. Meron din siguro akong mga muta at panis na laway sa pisngi ko making it worst. I was wearing a silk dress at dahil galing ako sa pagtulog ay wala akong suot na... wala akong suot na....



"Magbilang ka muna up to ten bago ka pumasok!"



I closed my eyes at padabog na sinara yung pintuan before running back to my room. Nagmamadali kong kinuha ang towel at pumili ng damit na susuotin ko bago pumasok sa CR.



It took me 10 minutes or more para matapos sa pagligo at pagbibihis. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ng maayos si Hanson because of how I looked earlier but I decided to shrug those thoughts away.



Muli akong tumakbo pabalik sa sala and saw Hanson na kalmadong nakaupo sa sofa at pinapanood ang tv na kasalukuyang nasa isang sports channel. Natulala ako at tinitigan siya ng ilang segundo habang pinaglalaruan niya ang labi niya gamit ang kanyang kamay.



That looks-Grrrrrrrr! Ano ba tong pinag-iisip ko?



Sinampal ko ang sarili ko bago kinuha ang atensyon niya. Galit pa ako sa kanya. Galit pa ako!



"Hey." Magkasalubong ang mga kilay ko ng umupo ako sa kabilang sofa at nagsimulang magsuklay. "Paano mo nalamang dito ako nakatira? And why are you here? It's so early in the morning at inistorbo mo pa ang tulog ko!"



"I'm sorry but I'm here because we have the thing from yesterday to talk about. At ang sinabi mong maaga?" He stopped to look at his wristwatch. "Malapit ng mag alas dose ng tanghali. Maaga pa ba to para sayo?"



Lumingon ako sa wall clock to check if he's really serious about it. Tama naman siya dahil nasa 11:15 na nakatigil ang kamay ng orasan ngayon.



"Ayaw kong nakikita ang pagmumukha mo dito but fine. Ano bang napag-usapan niyo ni Mr. Owner?"



"He said that he wanted to get the money within this week. Matitigil kasi ang operations ng convenience store niya dahil nga sa damage kaya gusto niyang mabalik kaagad siya sa pagbebenta dahil malaki ang mawawala sa kanya." He suddenly looked at the ceiling.



"He was quite offended nang layasan mo kami and said that you should watch out for him." Kaagad akong natigil sa paglalaro ng buhok ko to look at him. "I don't know if that was a sign for revenge or death threat-"



"What the fudge?! Sino ba kasi yang Mr.Carriaga para pagbantaan ako?! Did you get his calling card?"



Hanson got the wallet from his pocket and flashed the calling card of that guy. Kaagad namang nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang pangalan niya.



Break Carriaga
Journalist
The Alveolar Bulletin



"I think you should fix ties with him before it gets too late." Tinignan ko si Hanson at nakita siyang nagtatype ng kung ano sa cellphone niya. "He's an influential person and the top from the list of journalists that you should never mess with."



Napakurap ako ng ipakita sa akin ni Hanson ang article na nasa cellphone niya. I grabbed his hand and started reading the details about Carriaga.



He was really a part of the famous Alveolar Bulletin! In fact, kasama pa siya sa board editors. Bigla nalang akong nanliit sa sarili ko because he had tons of recognitions and achievements even if he's just 31. Hindi naman nagkakalayo ang edad namin pero napakarami niya ng nagawa sa buhay niya.



He was able to direct a film who won for the Alveolar City Film Festival last year. He was featured in the cover page of Avenue Magazine for being their new ambassador. And he published 5 books and currently working on a new one for a famous publishing house.



Naging hot topic siya sa social media after publishing an article about a corrupt politician. He posted details and pictures na makakapagpatunay na palihim itong kumukuha sa budget ng siyudad gamit ang sarili niyang Twitter account! Imagine how fierce he is? Digging up a powerful man's dirt and putting his life at risk!



Pucha! Nangyari lahat ng to one year ago. Pero bakit hindi ko kilala ang ganito kasikat na journalist?! Hindi na ba ako mamamayan ng Pilipinas at Alveolar para mapag-iwanan ng ganito?



"What's your plan, Sunshine?"



"I don't know." Binitawan ko yung kamay ni Hanson at binagsak ang katawan ko sa sofa. "Bayaran na muna natin yung utang ngayon. Mag-iisip nalang ako ng paraan kung paano makakabawi sa kanya sa susunod."



Walang gana akong nakipag-usap kay Hanson about sa hatian namin ng bayad sa damages. Siya nalang daw ang magtatransfer ng pera sa account ni Mr. Carriaga ngayong araw at makikipagkita sa kanya. He already texted him a message informing him about the deal to get all the things settled.



"Hey Sunshine. I'm currently texting Mr. Carriaga. You really wouldn't come to our meet up later?" Tinaasan ko ng kilay si Hanson.



"I already told you about it. Ayokong makita siya, ayoko. Baka patayin niya lang ako tulad ng iniisip mo."



I crossed my arms before fixing my eyes on the tv. Narinig ko naman ang sunod sunod na pagvavibrate ng cellphone ni Hanson kaya muli akong napalingon sa kanya.



"Hello Mr. Carriaga..." Nanlaki ang mata ko ng dumapo ang tingin niya sa akin. "...Yes, we'll get the money transferred later."



Hanson motioned me to come closer to him kaya naman napatayo kaagad ako. He turned the speaker of the phone on bago kami nakinig sa sinasabi ni Mr. Carriaga.



"I have tons of aappointments for today so I'm leaving the transaction to my secretary. You can meet her on 567 Convenience Store to give her the cheque. That will finally end our contact with each other."



"Okay Mr. Carriaga. Thank you and we're really sorry for the inconvenience." Sinulyapan ko si Hanson and my cheeks automatically heated up nang halos magdikit ang mga ilong namin.



'Ano ba? Lumayo ka nga sa akin!' I shouted, half whispering.



Itinulak ko siya palayo at agad na hinanap yung alcohol sa lamesa. I sprayed some on my hand before rubbing it on my nose making one of his eyebrows raise upwards.



"I almost forgot about this, Mr. Miranda. Have you already told Ms. Ortiz about my warning?" Bumalik ang tingin ko sa cellphone ni Hanson. "She's not answering my calls. Can you pass her this message for me?"



Tinignan ko si Hanson and gave him a warning look. One corner of his lips went up that gave me shivers.



"She's actually with me, Mr. Carriaga." Nanlaki ang mata ko at agad na sinipa si Hanson but he didn't budge. "And she's listening to you already."



"Hanson!" I gave him my deadliest stare but he smiled and chuckled.



I'll really kick the balls of this guy kapag hindi ako nakapagtimpi.



"Hello Ms. Ortiz! Did you have a good sleep?" Napahilamos ako ng palad sa mukha ko bago kinuha ang cellphone ni Hanson.



"Hi there Mr. Carriaga! Oh yes, I had a really good sleep last night! What about you?" I gritted my teeth when Hanson walked away from me and went directly to the kitchen.



Anong gagawin ng isang yun?



"I wasn't able to sleep last night because of this girl who randomly touched me without my permission." Napapikit ako.


"I'm really sorry about that Mr. Carriaga. Hiyang-hiya talaga ako sa nangyari kagabi kaya naman hinding-hindi na talaga ako magpapakita sayo.."



"Really?"



"Yes. Really."



Biglang nakuha ng atensyon ko si Hanson na tumitingin sa picture frames na nasa shelves. He carefully got one of the frames that made my eyes squint before standing up.


"Okay. But I hope that..." One of my eyebrow raised when Mr. Carriaga stopped before clearing his throat. "I'll be able to meet your friend again... Oh wait. Is Mr. Miranda just your friend?"



Muntikan ko ng mahulog ang cellphone ni Hanson dahil sa narinig ko.



"OMG! ANO?!"



Oh shet. Mukhang tama nga talaga ako.



Bet nga niya si Hanson!



Dahil nagulat si Hanson sa pagsigaw ko ay bigla niyang nahulog ang picture frame na hawak niya which caused its glass to shatter on the floor. Both of us were surprised. Kaya naman ilang segundo kaming natulala sa nabasag na picture frame.



Ibinaba ko ang tawag at agad na lumapit kay Hanson. His lips was still parting and its obvious that he can't think straight due to shock.



"Ano ba Hanson?! Wag ka kasing humahawak ng kung ano-anong bagay sa bahay ko!"



I was clenching my fist after shouting bago ako umupo para damputin yung mga nabasag na frame. I was totally pissed off kahit na simpleng bagay lang naman yung nasira.



"I-I'm sorry. Papalitan ko nalang-"



"Wag na! Hindi na kailangan!" Patuloy lang ako sa pagdampot ng glass habang siya ay natatarantang umupo din para dumampot.



"I'm really sorry, Sunshine-"



"Shut up."



"I just like your picture that's why-" Iritado akong nag-angat ng tingin sa kanya before letting out a heavy sigh. "-okay. I'll shut my mouth."



Matatapos na kami sa pagdampot ng nabasag na frame ng makita ko ang picture na nahulog sa tabi ni Hanson. I was about to reach for it but my eyes widened when I saw that another picture was under it.



Oh shit. Sinong naglagay ng pagmumukha ni Hanson sa likod niyan?!



My heart started beating rapidly before taking simple steps towards Hanson. I successfully grabbed the pictures using my hand pero biglang nanuyo ang lalamunan ko ng makita ang tumutulong likido sa palad ko.



Lintek sa lahat ng mga lintek. Bakit nakalimutan ko na may hawak akong bubog sa kamay ko?



I sat on the cold floor, shut my eyes tightly as I felt that my body starts to tremble. No, please, not this time. Ayaw kong makita ako ni Hanson sa ganitong estado.



"Anong problema-?" I was still closing my eyes nang marinig kong magsalita si Hanson. At dahil bigla siyang napahinto, tingin ko'y nakita niya na ang nagdudugong kamay ko. "Shit Sunshine! Your hand's bleeding! Are you okay?!"



"N-no I'm not."



Sinubukan kong huminga ng malalim pero nahihirapan pa rin ako. And the next thing I knew, the room turned black and my body was already being lifted from the floor.

Continue Reading

You'll Also Like

28.9K 2K 54
Dahil sa isang deal, nakaramdam ako ng kakaibang kaba. T'wing nandiyan siya ay parang naglalaho ang lungkot at nabubuo ang saya. Nagiging maliwanag a...
When We Met By Zy

General Fiction

3.4K 175 38
Arianne, the manila girl who enjoys living her life to the fullest with her friends partying every week to different places they can think of, meets...
1.8K 286 38
"It should be you. The girl I met at the Sunrise Café when everything was not right," Leonox tried his best to hold Caramel's hand while swimming in...