Once Upon A Book

By phoeberryah

118 0 0

They first met at the library. Will this place also be their last moments together? More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48

Part 24

1 0 0
By phoeberryah

Ngayon ko lang na-realize na February 29 kahapon. Year 2020 ngayon kaya may leap year.

Naandito na ako sa Coffee Bean Heaven.

Coffee Bean Heaven

Ngayon lang ulit ito binuksan dahil nagbakasyon kami last week. One week itong sarado.

Marami ang customers namin ngayon. Siguro dahil one week na sarado ito. May ilang customers pa nga na nagtanong kung bakit sarado ang coffee shop for one week.

Nagba-bake ako ng pastries ngayon sa kitchen. Ang best sellers namin na pastries ay Pianono, Spanish bread at Cinammon Rolls.

Kagabi ay nag-rest na ako ng dough para inkne-knead ko na lang ngayon. Kailangan kasi gawin agad ito para sa Spanish bread.

Minsan ay tinutulungan ako nina Paisley at Brielle sa tuwing kakaunti ang customers. Ngayon nga lang ang marami kaya ako lang mag-isa ang nagba-bake ngayon.

Nang matapos na ang araw ay umuwi na rin ako. Ginabi na ako ng uwi dahil nag-extend ng oras ang bukas ng coffee shop.

Sinabi ng manager ng Coffee Bean Heaven na extended hanggang 10 PM ang bukas ng shop. Mabuti na lang na this semester ay halos hapon ang pasok ko tuwing weekdays.

Pagod na pagod ako pagkarating ko sa kwarto ko.

Nag-check lang ako ng phone ko at nakita ko na ngayon pa lang pinost nina Hikaru, Paisley at Colette ang pictures namin sa Facebook.

Nag-react naman ako sa mga posts nila.

Nang napagod na ako kaka-scroll ay nag-ayos na ako at nakatulog.


Ilang araw na ang lumipas at ilang araw ng hindi nagpaparamdam si Dusk sa akin. 'Ni text o ni tawag ay wala.

Hindi ko rin namalayan ito dahil busy ako sa studies at sa paggawa ng pastries sa coffee shop. Dahil extended ang working hours ay minsan pagkauwi ko sa bahay namin ay tulog na agad ako sa sobrang pagod.

Busy ako ngayong araw dahil malapit na ang finals namin.

"Grabe! Second year na tayo next year!" Sabi ni Colette. Nasa coffee shop kami ngayon kung saan nagtra-trabaho si Dusk.

"Oo nga eh. One year na rin pala. Ang bilis ng panahon." Sabi ko habang nagbabasa.

Napansin ko naman na tumingin sa paligid si Colette saka tumingin sa akin.

"Napapansin ko na parang hindi kayo magkasama ni Dusk. May problema ba kayo?" Tanong niya sa akin. Umiling ako.

"Eh bakit hindi ko siya nakikita dito? Mukhang wala siya sa counter oh." Sabi niya sabay turo sa counter. Wala nga doon si Dusk.

"Hindi ko nga alam eh. Hindi ko nga napansin na ilang araw ng walang paramdam si Dusk sa akin dahil sa sobrang busy ako." Sabi ko.

"Akala ko ba nanliligaw na siya sa iyo? Eh bakit kabaliktaran naman ang nangyayari?" Takang tanong niya.

"Hindi ko rin alam. Hintayin na lang natin ang explanation niya kapag nagkita ulit kami." Sabi ko.


Dumating na ang finals week namin. So far so good dahil nag-aral talaga ako ng mabuti this time kahit na sobrang busy ko.

Last day of exams na ngayon at wala pa ring paramdam si Dusk. Nag-aalala na ako kaya pagkatapos kong mag-take ng last exam ay dumiretso na ako sa coffee shop.

Tinanong ko si Ate Daisey kung nasaan si Dusk. Nagulat siya dahil hindi niya alam na hindi ko alam kung nasaan si Dusk.

"Hindi ba niya sinabi sa iyo? Pinapunta siya nina mama at papa sa Japan dahil may pinapaasikaso sila doon kay Dusk." Sabi ni Ate Daisey.

"Teka, ip-pm ko lang si Dusk." Sabi niya at nag-text sa phone niya.

May tumawag naman sa kanya kaya sinagot niya ito.

"Dusk! Bakit hindi mo sinabi kay Celeste na nasa Japan ka ngayon?" Bungad ni Ate Daisey kay Dusk.

"Kausapin mo siya. Naandito siya ngayon." Sabi niya saka binigay sa akin ang phone niya. Kinuha ko naman ito.

"Sorry Celeste. Biglaan lang. Baka akalain mo hindi na ako nagparamdam sa iyo after mo ako sagutin. Malapit na rin naman akong bumalik. May pinapaasikaso lang sina mama at papa sa akin." Paliwanang ni Dusk.

"Okay lang ano ka ba. Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo. Take your time." Sabi ko.

Nang matapos na kaming mag-usap ay binalik ko kay Ate Daisey ang phone niya.

"Kayo na ni Dusk?" Tanong ni Ate Daisey sa akin.

Umiling ako. "Nililigawan pa lang niya ako ate." Sabi ko. Tumango siya.

"Akala ko naman kayo na. Oh siya, magtrabaho ka na. Sa cashier ka muna ngayon dahil marami pa naman iyong binake mo. Kasya pa naman siguro iyon hanggang mamaya." Sabi ni Ate Daisey at nagpalit na ako ng damit.


Nang dumating na ang tanghali ay nag-out muna kami nina Paisley, Brielle at Hikaru. Kailangan maiwan ni Johann kasi barista siya doon.

Kumain kami sa isang fast food restaurant malapit sa coffee shop.

Nang dumating na ang order namin ay nagsimula na kaming kumain.

"Kumusta naman daw si Dusk? Nagkausap na kayo?" Tanong ni Paisley sa akin.

"Oo. Nasa Japan pala siya, may pinapaasikaso ang mama at papa niya sa kanya doon." Sagot ko.

"Akala ko naman kung ano na! Mabuti na lang nagtanong ka kay Ate Daisey." Sabi naman ni Brielle.

Tumingin ako kay Hikaru. "Alam mo ba na pumunta si Dusk sa Japan?" Tanong ko sa kanya at umiling siya.

"Ang alam ko lang ay aalis siya pero hindi ko alam na sa Japan pala siya pupunta." Sabi niya.

"Bakit kaya hindi sinabi ni Dusk na pupunta siyang Japan? Siguro sosorpresahin ka niya ano?" Kinikilig na sabi ni Paisley.

Alam na nila na nililigawan ako ni Dusk. Okay naman si Hikaru nang malaman niya ito. Ngumiti lang siya noong sinabi ko ito.

"Hmm... pwede. Pero sabi naman niya na may aasikasuhin lang siya sa Japan." Sabi ni Brielle.

"We'll see!" Sabi ni Paisley.

Nang matapos na kami kumain ay bumalik na ulit kami sa work.


Past 10 PM na kami natapos sa work namin. Naglinis pa kasi kami dahil bukas ay may magi-inspect sa coffee shop.

"Ayos na ba ang lahat?" Tanong ng manager namin at tumango kaming lahat.

"Great. Good job everyone! Ingat sa pag-uwi." Sabi niya at lumabas na kami ng coffee shop.

Sabay na umuwi sina Paisley, Brielle at Johann. Ako naman ay diretso uuwi na sa amin.

"Wait!" Sabi ni Hikaru at tumigil ako sa paglalakad.

"Ihatid na kita sa inyo. Gabing-gabi na oh." Sabi niya at tumango na lang ako.

Habang naglalakad kami ay tahimik lang kaming dalawa.

"Uhmm... Kailan ka pa sinimulan ligawan ni 'insan?" Pagbabasag sa katahimikan ni Hikaru.

"Noong February 29 pa." Sabi ko.

"Woah! Leap year." Sabi niya.

"Ang cool nga eh! Dinala niya ako sa isang napakagandang lugar at naisipan ko na doon sabihin ang sagot ko sa kanya." Sabi ko. Tumango naman siya.

"Matanong ko lang... bakit hindi ang sagot mo noong nagtanong ako sa iyo na gusto kong manligaw?" Tanong niya sa akin.

"Uh... sa totoo lang ay naguguluhan ako sa nararamdaman ko. May crush na ako kay Dusk noong una kaming magkita. Noong tinanong mo ako kung gusto mong manligaw ay nagulat talaga ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nalilito rin ako sa feelings ko para kay Dusk at that time kaya ko tinanggihan na ligawan mo ako dahil ayokong umasa ka sa wala." Paliwanag ko. Tumango naman siya.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya at tumango ulit siya.

"Oo naman! Matagal na iyon ano!" Sabi niya. Napansin ko naman na malungkot ang boses niya.

Tinapik ko ang balikat niya. "Makakahanap ka rin ng taong para sa iyo. Mas makakapagpasaya sa iyo. Naandito lang kami bilang kaibigan mo." Sabi ko. Ngumiti naman siya.

"Salamat dahil sinabi ko ang totoo sa akin. Masakit man at mahirap man tanggapin pero mahirap nga umasa sa wala." Sabi niya.

"Ano ka ba! Hindi lang naman ako ang babae sa mundo! Malay mo, may naghihintay lang sa iyo na ligawan mo siya kaya hindi ang sagot ko sa iyo. Ngumiti ka na dyan!" Sabi ko at nilagay ang dalawang thumbs ko sa dulo ng labi niya. Natawa kaming pareho dahil sa ginawa ko.

Nang nasa harap na kami ng bahay ko ay nagpaalam na kami sa isa't isa.

Pagkahiga ko sa aking kama ay napaisip ako.

Sana lang ay may mahanap si Hikaru na makakapagpasaya sa kanya. Isip ko at tuluyan ng nakatulog.

Ilang weeks na ang lumipas. After almost a month of waiting for Dusk ay saka lang siya nakauwi ng Pilipinas.

Magkikita kami mamaya sa ibang coffee shop. Malapit lang ito sa bayan namin.

Habang nasa work ay ay hindi ako mapakali dahil magkikita ulit kami ni Dusk after a long time.

"Anong susuotin ko?" Tanong ko kayna Paisley at Brielle habang pinapakita sa kanila ang mga dress na tinary on ko sa bahay na mayroon ako.

"Mas maganda itong nasa kaliwa. Mas simpleng tingnan." Sabi ni Brielle.

"Mas maganda iyong nasa kanan! Mas elegant tingnan!" Sabi naman ni Paisley.

Hindi naman ako makapili dahil sa opinion nila kaya si Hikaru na lang ang tinanong ko.

"Mas maganda ang suot mo doon sa kaliwa." Sabi niya.

"Sige, iyan na lang ang susuotin ko. Iyan din ang unang pinili ko eh." Sabi ko at tinago na ang phone ko.

"Bakit sa akin mo tinanong ang susuotin mo? Nandyan naman sina Paisley at Brielle ah." Sabi niya. Tumango ako.

"Magkaiba kasi sila ng pinili eh kaya ikaw na lang ang tinanong ko." Sabi ko at tumango siya.

Nagsimula na siyang magtrabaho at ganoon din ako.

Nagpaalam ako sa manager namin na maaga akong mago-out ngayon at pumayag naman siya.

"Kapag tapos ka na sa pagba-bake mo ay pwede ka ng mag-out." Sabi ng manager namin at nagpasalamat ako.

Nag-out na ako at nag-text kay Dusk na magme-meet kami sa coffee shop in thirty minutes. Nag-reply naman agad siya na papunta na siya doon.

After kong mag-ayos ay pumunta na ako sa coffee shop. Isang sakay lang ay naandoon na ako.

Nang pumasok ako sa loob ng coffee shop ay hinanap ko si Dusk pero mukhang wala pa siya.

Umupo muna ako sa isang table na malapit sa windowpane.

Habang naghihintay ako ay may waiter na naglagay ng coffee at cheesecake sa harap ko.

"Hindi pa po ako nago-order." Sabi ko sa kanya.

"Sabi daw po ni sir ay ibigay ko raw po ito sa kakarating na babae. Bayad na po iyan." Sabi niya at umalis na.

Tumingin naman ako sa paligid ko. Wala pa rin si Dusk.

Naghintay na lang ako ulit. Tinikman ko ang cheesecake at masarap ito.

Nagulat ako nang may tumapik sa likod ko. Tiningnan ko naman kung sino ito.

Isa itong mascot na teddy bear.

(credits to the owner)

Parang hinihingi niya ang kamay ko kaya nilagay ko ang palad ko sa kamay niya. Kinuha naman niya ito at niyakag ako sa gitna.

Nahiya ako kasi maraming tao ang nakatingin sa amin.

May nag-play na music at niyaya akong mag-slow dance ng mascot. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya ginaya ko na lang siya sa pagsayaw.

Ngayon ko lang napansin na may mga color brown at white na balloons sa paligid ng loob ng coffee shop.

May mga balloons na nasa ceiling at sa gilid ng coffee shop. Mayroon din sa sahig pero nasa gilid lang din ito. 

(credits to the owner)

Nang matapos na ang kanta ay may inilabas mula sa likod ang mascot at isa itong bouquet of flowers. Binigay niya sa akin ito at tinanggap ko naman.

Colorful ang flowers na binigay niya sa akin. Nagpasalamat ako saka inamoy ang mga bulaklak.

(credits to the owner)

Tinanggal na ng mascot ang suot niya sa ulo at hindi ako nagulat kung sino ito.

Ngumiti siya sa akin. Niyakap ko agad siya.

"Almost a month kang nawala ng hindi nagsasabi sa akin tapos isur-surprise mo ako ng ganito?" Sabi ko sa kanya.

"Sorry na.  Namiss rin naman kita. Naghanda pa ako nitong surprise ko sa iyo. Mabuti na lang at pumayag ang manager nila dito na i-surprise kita. Sinabi ko na anniversary natin para may libre tayong foods at drinks mamaya." Sabi niya. Natawa naman ako.

Umalis na kami sa yakap. Muntik na ako maluha sa sobrang pagkamiss sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
23M 588K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
984K 28.2K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
4.5M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy