My Everything In His Past (2n...

By VR_Athena

60.6K 5.6K 2.2K

"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything." More

Mood Board
Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Author's Note
Chapter 19
Artwork
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Author's Note
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
Chapter 57
Chapter 58
Author's Note
Chapter 59
Chapter 60
Wattpad Filipino Block Party: 2022
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Past Life (WarLyn's Special Chapter)
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 68
Teaser for "My Sin In His Past" (Pedro)
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Author's Note
Chapter 74
Teaser for "My Sin In His Past" (Victoria)
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Author's Note
Author's Note
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Update Question
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Character Inspiration
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
ON-HOLD
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Epilogue
Special Chapter 1: WarLyn's Teaser
Special Chapter 2
Story Playlist

Chapter 67

533 50 16
By VR_Athena

"Yohan!" gulat na ani ni Apple Pie habang nakatingin sa bagong gising na lalake. He was standing at the top of the stairs with his disheveled hair and morning voice. Mukhang kagigising lang at lumabas ng kwarto dahil wala siya sa tabi nito. Hinanap ata siya.

"Kanino galing iyan?" he asked again while intensely staring at the basket that she was holding. Alam niyang ang bulaklak ang kitang-kita doon dahil iyon ang nasa pinakaibabaw. She tried to hide the basket behind her but she knew that all of her efforts were in vain. Malaki ang sisidlan na iyon sapagkat maraming binibigay sa kaniya si Heneral de Castro. Mostly mga pagkain dahil napansin ata nito na iyon ang kinawiwilihan niya tuwing nag-uusap silang dalawa. Pinagpapasalamat na lamang niya na usually nitong nilalagay sa pinakailalim ang maiikling liham na binibigay nito sa kaniya.

"Uhmm . . . kay . . . kay Xav!" She immediately conjured up an alibi and the first person to come into her mind was Xavier.

"Why would Xav give you flowers?" kunot-noong tanong nito as kaniya. Hindi niya alam kung nagseselos ito o naghihinala pero sigurado siyang hindi maganda ang posisyon niya ngayon. 

Agad siyang humulukay ng excuse sa kaniyang isipan. "Ahh . . . Ano kasi . . . Nagpabili ako sa kaniya."

Akala niya ay tatanggapin na ni Yohan ang sinabi niya ngunit mukhang mas nagtaka pa ito. "You do realize that anthuriums are flowers for courting, right? Bakit ka bibigyan ni Xav ng ganiyan? He knew that people might misinterpret his actions towards you."

Natampal niya ang noo sa kaniyang isipan at nais na niyang kainin na lamang ng lupa dahil sa sunod-sunod na mga tanong ng lalake. Kaysa panghinaan ng loob ay mas ginalingan pa niya ang pagsisinungaling. "Ipangdi-design ko sana sa bahay kaya ako nangulit kay Xav na bilhan ako. Hindi ko naman alam na may ibig sabihin pala ang bulaklak na ito . . ." paliwanag niya dito habang pigil-pigil ang hininga. 

Nakatitig lamang siya sa seryosong mukha ni Yohan na masamang nakatingin sa hawak-hawak niyang basket. Akala niya ay may itatanong pa ito sa kaniya ngunit salamat sa diyos dahil mukhang na-satisfied na ito sa sagot niya. "Mag-ayos ka na. Aalis na tayo maya-maya," tipid nitong ika habang diretsong nakatitig sa kaniya.

Siya naman ay nagdidiwang sa loob ng isipan niya habang naglalakad papunta sa hagdanan. Nilagpasan niya si Yohan na nakasunod pa rin ang mga tingin sa kaniya ngunit hindi na niya iyon ininda. Bagkus ay mas binilisan pa niya ang paglalakad hanggang sa makaabot siya sa kaniyang kwarto.

Nang makapasok at ma-lock ang kwarto ay nagmamadali naman siyang naglakad sa may wardrobe niya at tinago ang basket doon. She took the flowers and then read the note first.

"Kilala ako bilang malakas ngunit hindi ko lubos akalain na ang pagpapaalam sa iyo ang magpapabagsak sa akin."

Iyon ang nakalagay sa maikling liham na binigay sa kaniya ng heneral. Hindi niya maintindihan ngunit unti-unti siyang napangiti dahil doon. Nakatitig lamang siya sa liham nito habang unti-unting hinahawakan ang necklace na binigay nito sa kaniya. Doon niya biglang natandaan ang necklace na nakita niya noong unang araw pa lamang niya bilang si Christina. Nakatago iyon sa loob ng saya ng babae na para bang pinakakaingatang kagamitan iyon. Nagmamadali siyang lumapit sa cabinet kung saan niya iyon tinago pansamantala at kinuha. Pinagtabi niya ang dalawang pendant at nakita na may pagkapare-parehas ang mga iyon. Ang pinagkaiba nga lang ay kaysa helmet ay kabayo ang nasa taas na bahagi ng pendant at ang apelyidong Zaldua ang nakatatak sa ibaba. Kasama ng pendant na iyon ay isang mukhang mamahaling bato.

So Christina has her own family mark too . . .

Akala niya noong una na ninakaw lamang iyon ng babae sa pamilyang iyon. Hindi niya lubos-akalain na sa babae pala iyon mismo. Mas nasemento sa isipan niya ang katotohanang Zaldua talaga siya. Christina came from a rich half-European, half-Filipino family and she was being hunted by her own relatives. Hindi niya pa alam kung anong dapat gawin o kung sasabihin ba niya kina Kuya Zy ang natuklasan niya. For the meantime, she wanted to keep all those information to herself.

Agad naman niyang nilagay ang liham kasama ng iba pang mga sulat ni Heneral de Castro sa kaniy at tinago iyon sa ilalim ng kutson niya. Ang basket ay tinago muna niya doon sa wardrobe niya. Ang bulaklak naman ay kaniyang dinala at nilagay sa isang vase. Matapos iyon ay mabilis siyang naligo at nagbihis dahil pupunta pa sila kina Xav.

All throughout their journey, Yohan remained silent. He seemed to be deep in thought. Kung ano ang iniisip nito ay hindi niya alam at ayaw naman niyang magtanong at baka bigla nitong ungkatin ang nangyari kaninang umaga. Nanahimik na lamang siya hanggang sa makarating sila sa patutunguhan. 

This time, tinulungan na siya ni Yohan na bumaba sa kalesa. Lately, he seemed to become nicer and nicer to her. Habang naglalakad papunta sa bahay ay nakita niya ang iilang kalesa na nakaparada sa harapan. Kumunot naman ang noo niya dahil doon ngunit agad na nasagot ang mga katanungan niya nang makita ang pagbaba ni Pedro sa isa sa mga kalesa. It was Kuya Zy who helped him get down just like what she witnessed yesterday. Katulad nga kahapon ay namula ulit ang bata dahil doon. 

Sigurado siyang hindi nalalayo ang edad niya kay Pedro. Gusto lang talaga niya itong tawaging bata dahil ang liit-liit nito. Ito nga ata ang pinakapandak sa kanilang lahat. Talagang mapagkakamalan itong bata ng kahit sino. Kung ipagtatabi nga ito at si Kuya Zy ay nagmumukha itong tungkod dahil ang laki-laki at ang taas-taas ni Kuya habang ito naman ay pandak at mas payat pa kaysa sa kaniya.

Tuwang-tuwa siya habang pinapanood ang dalawa lalong-lalo na ng pagbuksan rin ito ni Kuya Zy ng pintuan. Mukhang hindi inaasahan ni Pedro iyon dahil siguro mga babae lamang ang tinatratong ganuon.

She already knew Kuya Zy and his past. He has always been supportive of gays and even fell in love with one of them. He treats them the same as he treats any other woman. May pagka-gentleman kasi si Kuya Zy at ito ang mahigpit na nagturo kina Xav at Yohan kung gaano kaimportante na tratuhin ng maayos ang isang babae o binabae. Siguro para kay Kuya Zy ay normal lamang ang ginagawa nito kay Pedro pero kita niya ang unti-unting paghanga at pagkagusto ng bata kay Kuya.

Naku, lagot na!

"Magandang umaga," bati niya na agad namang nagpakuha ng atensyon ng dalawa. 

"Magandang umaga po," balik na bati sa kaniya ng cutie patootie. Sarap pisilin ng pisngi nito.

Si Kuya Zy naman ay naglakad papalapit kay Yohan at kinausap ito. "Tulungan mo muna ako dito." Nilingon niya ang dalawang lalake at nakita na naglalakad na ang mga ito pabalik sa mga kalesang nakaparada sa harapan. Mukhang iyon ang tinutukoy ni Kuya na ipapatulong nito.

"Anong mayroon?" nagtataka niyang tanong kay Pedro na nakatitig sa papalayong pigura ni Kuya Zy. She was confused because there were multiple kalesa parked in front of the house, but it seemed as if she was just talking to a ghost.

Naku . . . May crush talaga ito kay Kuya.

"Uy," ika niya sabay sundot sa tagiliran nito nang hindi siya nito sagutin. Masyado kasing naka-focus ang mga mata sa malapad na likod ni Kuya.

Mukhang natauhan naman ang bata dahil halos mapatalon ito sa kinatatayuan dahil sa gulat. "Ah! Ano po . . . Mga gamit ni Ate Elisa po. Pinalipat na po rito sapagkat nakipaghiwalay na po siya kay Ginoong Roberto."

"Ahh . . ." tipid niyang sagot habang suspicious na nakatingin sa bata. "Pasok na tayo," aya na lamang niya dito dahil bukas na rin naman ang pintuan. Tumango ito at naglakad na sila papasok. Agad naman silang dumiretso sa may patio dahil alam na nila na nandoon tumatambay si Elisa tuwing umaga. She always has her morning tea in the patio while sitting down like a Disney princess. Hindi na nga siya magtataka kung nakikipag-usap sa mga hayop ang babaeng iyon. 

Pagkapasok na pagkapasok nila sa patio ay agad na bumungad sa kanila ang nakangiting mukha ng babae habang hawak-hawak nito ang tasa ng tsaa nito. "Magandang umaga. Nais niyo bang samahan akong magtsaa?" mabini nitong bati at tanong sa kanila.

She immediately agreed even though she hates tea. May nakita kasi siyang mamon na nakadisplay sa may parang cupcake holder. Kahinaan niya ang pagkain kaya hindi siya makakatanggi. Si Pedro naman ay umiling na lamang bago nag-ani, "Mamaya na lamang po siguro, Ate Elisa. Tutulungan ko po muna sina Ginoong Crisostomo sa pagbubuhat papasok ng mga gamit niyo po." 

Matapos iyon ay umalis na muli ang bata at mukhang tutulong talaga. For sure naman ay gusto lamang nitong makita ang masungit na pagmumukha ni Kuya Zy. Dahil doon ay naiwan siya kasama ni Elisa. Truthfully ay hindi pa rin sila close ng babae. Siguro ay dahil na rin sa magkaiba sila ng vibes. Masyado itong perpekto para sa paningin niya at simula nga ng ginawa ng tatay nina Yohan sa kaniya ay naging ilang na siya sa mga taong tila ba pinaboran ng Diyos. Mga favorite child ni God, ika nga ng iba. Ganunpaman ay narito siya at handang tumulong dahil na rin sa nalaman nilang buntis ito at may malaking chance na mamatay sa panganganak.

Despite her awkwardness, she still tried striking up a conversation with the woman until they eventually softened up to each other. Magiliw na silang nagkwekwentuhan tungkol sa mga kalokohan ni Xav noong bata pa ito nang bigla nilang marinig ang boses ni Kuya Zy. Lumingon sila sa may bandang sala dahil kita lamang iyon mula sa patio.

She first saw Pedro holding some stuff. Mukhang talagang tumulong sa paghahakot ng gamit ni Elisa. Kung sa bagay ay right hand ito ng babae at trabaho nito iyon. Agad namang napadako ang kaniyang mata kay Kuya Zy na nakatayo sa harapan ni Pedro. May mga dala-dala rin itong sisidlan na tiyak na mabibigat.

"Ibaba mo iyan. Umupo ka doon," nakakunot-noong utos ni Kuya Zy kay Pedro habang minumwestro kung nasaan sila. Mukhang sinasabi nito na sumama na lamang sa kanilang mga babae si Pedro kaysa tumulong sa mga lalake. 

"Tutulong po ako-" sagot naman ni Pedro sa tila pang-babaeng boses nito. Napakagaan at malambot kasi ng boses nito kaya naman maaaring mapagkamalang babae kung pipikit ka.

"Upo," Kuya Zy ordered in his commanding voice. It was short and precise but it held so much power. Mukhang naramdaman rin iyon ni Pedro dahil unti-unti nitong binaba ang mga dala at nag-aalangang naglakad papunta sa kanila. Si Kuya Zy naman ay sinunod ito ng tanaw na para bang sinisiguradong pupunta sa kanila si Pedro. Nang makitang umupo si Pedro katabi nila ay walang hirap nitong kinuha ang mga gamit na dala-dala ng bata kanina at ito na mismo ang nagbuhat niyon. 

Napangiti siya dahil sa napanood at binalingan ang bata na mukhang nahihiya pang umupo sa may katapat ni Elisa. Tinapik niya ang braso nito kaya naman napalingon ito sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala, ganiyan talaga si Kuya Zy sa mga babae. Bawal pagbuhatin ng mabibigat," paliwanag niya dito para naman maibsan ang guilt nito. Halata naman kasing sanay ito na inuutusan kaya naman siguro napaka-uncomfortable para dito ang walang gawin.

"Pero hindi po ako babae . . ." nagtataka nitong angal ngunit pinutol niya ito kaagad.

"Shh . . . Babae ka," ika niya sabay ngiti dito. Halata naman kasi na binabae ito ngunit ni minsan ay hindi na-acknowledge ang kagustuhan nitong tratuhin na babae. Tinignan niya ang maikli nitong buhok bago nag-ika, "Gawan kaya kita ng wig?"

Continue Reading

You'll Also Like

67.5K 3.1K 59
Dagmar Zania has it all. Wealth, family business, beauty, personality, and intelligence. She is an epitome of a perfect daughter any parent could wis...
39.2K 4.2K 45
Ang pakikipagpaligsahan ng mga tao sa alon ay nakakabilib kung minsan. Hindi nila tinitigilan ang paghahanap ng tatalo sa akin, ilang libong taon man...
208K 12.3K 45
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...
1K 60 22
Life has been very hard for Shane. There are a lot of disasters hindering her success in life. But as her heart is pure, the angels in the Department...