Their Long Lost Sister

By lialabspurple

46.9K 1.6K 284

The Fernandez family was thrilled to learn that they would have a princess in their family, especially when s... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
AUTHORS NOTE
JAZLEY'S STORY

CHAPTER 24

618 24 3
By lialabspurple

"What's happening here?" agad na tanong ni Shawn nang makita ang ayos ng dalawa sa loob.

Agad namang tumakbo palapit si Dhianne sa kuya Shawn niya at niyakap ito.

"Kinakausap ko lang naman po siya, kuya tapos bigla na lang niya akong sinigawan. Natatakot po ako, kuya. Akala ko po sasaktan niya ako." sabi ni Dhianne habang nakayakap sa bewang ng kuya niya. Ang paningin ay nasa tatay-tatayan niyang masama ang tingin sa kaniya.

"Ang galing mo rin umarte, ano? Tsh, hindi siya ganiyan." sabi ng tatay-tatayan ni Dhianne na ikinakunot ng noo nila Jazley.

"What's your problem po ba, ha? And why are you saying that our sister is magaling umarte?" nakataas ang kilay naman na singit ni Felix. Imbis na sagutin ang tanong ni Felix ay umirap lang ang matanda.

"Gusto ka lang kumustahin ng kapatid namin, bakit ganiyan ka?" inis na sabi naman ni Jazley.

Nagpipigil na kwelyuhan ang matanda dahil may respeto pa rin siya dito.

"Buti nga dinadalaw ka pa, eh." dugtong pa ni Jazley.

Binaon na lang ni Dhianne ang mukha niya sa dibdib ng Kuya niya.

Natigilan naman sila ng tumayo ang matanda at tumawa. Tinuro niya pa ang mga lalaking nasa harapan niya na ikinakunot ng noo nila Shawn.

"Uto-uto pala kayo?" nakangising tanong nito. Nagkatinginan ang magkakapatid na lalaki.

"H'wag niyo siyang pakinggan, mga kuya. May sakit na po ata siya, eh. Baka po baliw na siya. Kung ano-ano ng sinasabi niya, eh." agad na singit ni Dhianne.

"Wala akong sakit. Ang kapal ng mukha mong magpanggap." galit na dinuro ng matanda si Dhianne.

"Hey, stop." seryosong sabi ni Shawn.

Mas niyakap ang kapatid. Humigpit rin naman ang yakap sa kaniya ng kapatid niya.

"Akala ko ba mga matalino kayo? Wala pala kayong kwenta, eh. Mga uto-uto kayo. Sabagay, hindi naman kayo ang nagpalaki kay Dhianne kaya hindi niyo siya kilala." iiling-iling na sabi ng matanda.

"What the fuck are you saying?" kunot noong tanong na ni Vaxton.

Naguguluhan sila sa sinasabi ng matanda. Tumawa lang naman ang matanda.

Alam nilang hindi lumaki sa kanila si Dhianne. Napaisip din tuloy sila kung talagang kilala nga nila ang kapatid nila. Hindi nila maiwasang kabahan dahil sa sinasabi nito.

Para bang may narerealize sila dahil sa sinasabi nito. Simula nga nang magising si Dhianne no'n ay may naramdaman na silang kakaiba dito pero hindi nila 'yon pinansin dahil naka focus sila kay Dhianne na sa wakas ay nagising na matapos ng ilang buwang pagka-comatose.

"Bakit hindi niyo alamin? Baka pasalamatan niyo pa ako kapag nalaman niyo ang dapat niyong malaman." ngising sabi nito at tiningnan si Dhianne na nakatingin din sa kaniya. Kita ng matanda sa mga mata ni Dhianne ang takot.

"Pa, tama na po 'yan." singit na ni Dhianne at akmang lalapit pa sa tatay-tatayan nang pigilan siya ni Shawn. Bumitaw na kasi siya ng yakap dito.

"Stay here, Dhianne. Don't come near him. He might do something bad to you if you went near him." seryosong sabi ni Shawn habang nakatingin sa matanda.

"Kanina tay tawag mo sa 'kin tapos ngayon Pa na dahil sinabi ko kanina na–" hindi na natapos ng matanda ang sasabihin niya nang sumigaw si Dhianne at takpan ang dalawang tainga niya.

"Dhianne, hey. What's happening?" nag-aalalang tanong ni Shawn sa kapatid. Nilapitan na rin ito ng tatlo.

"Gumagawa ng eksena para hindi mabuking." iiling-iling na bulong ng matanda habang nakatingin sa magkakapatid.

"A-alis na po tayo, kuya. Ayoko na po dito." natatakot na sabi ni Dhianne nang kumalma na ito.

Hindi alam nila Shawn kung bakit bigla na lang itong sumigaw. Naisip nila na baka ginawa 'yon Dhianne para huminto na ang matanda.

"Vaxton, mauna na kayo sa kotse." sabi ni Jazley sa kapatid na si Vaxton.

Tumango lang naman si Vaxton at inalalayan na si Dhianne palabas ng kwartong 'yon.

Pinasunod rin naman ni Jazley si Felix sa tatlo na agad rin namang sumunod. Sinabihan niya ang mga ito na hintayin na lang silang dalawa ni Shawn.

Nagpasya kasi sila ni Shawn na maiiwan sila dahil kakausapin nila nang masinsinan ang matanda.

"Oh, bakit nandito pa kayong dalawa?" tanong ng matanda at muling naupo. Naupo rin naman ang dalawa sa harapan ng matanda.

"Pwede bang pakilinaw ng sinasabi mo? Ano bang sinasabi mong totoo, na dapat naming malaman? " kalmadong tanong ni Jazley.

"Why are you saying na nagpapanggap lang si Dhianne?" tanong naman ni Shawn.

Tinitigan naman ng matanda ang dalawang binata sa harapan niya saka siya tumawa nang malakas. Napakuyom na lang ng kamao si Shawn.

Kung hindi lang matanda ang kaharap nila ay baka nasapak na nila ito. Laking pasalamat nito na nagagawa pang magpigil ng dalawa sa kaniya.

"Tulad nga ng sabi ko. Alamin niyo. Wala ng thrill kapag sinabi ko sa inyo ang nalalaman ko. Paghirapan niyo. Hindi na ako makahintay sa magiging reaction niyo haha. Goodluck na lang sa inyo." nakangising sabi ng matanda.

"Buti na lang talaga at napakulong ka na namin. Hindi ka pa rin nagbabagong matanda ka. Simula ngayon ay hindi na kami papayag na puntahan ka ni Dhianne dito." Jazley said.

"Sino ba kasing may sabi na pumunta siya dito? Pero buti na lang pumunta siya dito dahil may nalaman ako." nakangisi na namang sabi nito.

Napatingin lang sila kay Shawn nang tumayo na ito. Walang reaction ang mukha nito at kuyom na kuyom na ang kamao.

"Let's just go, kuya. We're just wasting our time for this old man." Shawn seriously said and Jazley nodded. Tumayo na rin siya sa pagkakaupo niya.

Bago pa man sila tuluyang makaalis do'n ay nagsalita pang muli ang matanda.

"H'wag niyo sanang hayaan na habang buhay niya kayong lokohin." seryosong sabi nito.

Nakatalikod na sila kaya hindi na nila nakita ang mukha nito pero hindi na lang nila ito pinansin at tuluyan ng lumabas sa kwartong 'yon para umuwe na.

Nang nasa kotse na nila sila ay nakita nila sa loob na nagtatawanan ang tatlo sa may likuran. Napangiti naman sila sa nadatnan. Silang dalawa ang mauupo sa unahan at si Jazley ang magmamaneho ng sasakyan.

"Umayos na kayo, papaandarin ko na ang kotse." sabi ni Jazley ng makaupo na sila nang maayos.

Agad rin namang sumunod ang tatlo sa likuran nila. Nagsuot na rin ang mga ito ng seatbelt. Nang masigurong ayos na ang lahat ay doon na sinimulan ni Jazley paandarin ang kotse.

Naging tahimik lang naman sila sa gitna ng biyahe. Medyo traffic rin kaya natatagalan sila sa pag-andar. Hindi alam ni Jazley kung bakit biglang tumahimik ang tatlo.

Hindi na lang niya 'yon pinansin. Hindi rin naman siya nagsalita dahil wala siya sa mood. Hindi mawala sa isipan niya ang pinagsasabi ng matanda sa kanila kanina.

Hanggang sa makarating sila sa bahay nila ay tahimik sila. Nang mai-park ni Jazley nang maayos ang kotse ay bumaba na rin ang mga kapatid niya.

"Nasa loob kaya sina Mommy?" tanong naman agad ni Dhianne pagbaba ng kotse.

"Of course. Nandiyan sila ngayon." sagot ng kuya Vaxton niya at inakbayan pa siya.

"Let's go na." sabi naman ni Felix.

Sabay-sabay naman na silang magkakapatid na pumasok sa loob ng bahay nila.

Hindi na binuksan nina Jazley ang topic about sa nangyare kanina sa presinto. Mukhang ayaw na rin naman ni Dhianne na buksan ang topic na 'yon kaya nanatili na lang silang tahimik.

Palaisipan pa rin sa kanila ang sinasabi ng matanda sa kanila pero mas minabuti nilang h'wag na lang 'yon pansinin dahil baka pinagtitripan lang sila nito.

* * *

"Dhianne cutie!" agad na ngumiti si Dhianne nang marinig ang sigaw ng kaibigan niya. Sinalubong niya naman ito ng yakap.

"Hey." bati rin ni Flawrence.

Nginitian niya naman ito at niyakap din matapos yakapin ang kaibigan na si Josephine.

Naisipan kasi nilang gumala ngayon kaya nagkita-kita sila sa isang mall kung saan sila gagala. Simula ng maging kaibigan ng dalawang babae si Flawrence ay palagi na din nila itong kasama.

Mas naging protective din si Flawrence sa dalawa niyang kaibigan na babae dahil sa nangyare sa mga ito noon. Natatakot kasi siyang baka maulit ang nangyare noon kung wala siya sa tabi ng dalawa.

"So let's go na, girls?" nakangiting sabi ni Flawrence habang akbay na niya ang dalawa.

Natawa naman sina Dhianne at Josephine bago tumango sa sinabi ni Flawrence. Matapos no'n ay pumasok na sila sa mall. Akbay pa din sila ni Flawrence.

Wala namang pakealam si Flawrence sa mga taong natingin sa kanila. Ang mahalaga sa kaniya ngayon ay makasama ang mga kaibigan niya.

Hindi niya inaasahan na magkakaroon siya ng kaibigan na babae. May kaibigan siyang lalaki pero mas gusto niyang samahan ang dalawa.

"Uy, bagay sa 'yo 'to." maya-maya ay sabi ni Dhianne.

May pinakita si Dhianne na damit kay Flawrence. Nasa isang shop ng damit kasi sila ngayon. Nagtingin-tingin sila doon.

Binigyan naman si Dhianne ng pera ng mga magulang niya kaya may pang-bayad siya sa mga gusto niyang bilhin.

"Hmm." tanging sabi lang ni Flawrence. Ngumiti lang naman sa kaniya si Dhianne at naghanap ulit ng bagong damit.

Nagtingin-tingin rin naman si Flawrence ng damit para sa dalawa. Nang may magustuhan ay agad niya 'yung pinakita sa dalawa.

Nagustuhan din naman ng dalawa kaya binili niya na 'yon. Binilhan rin siya ng dalawa ng damit. Nang matapos sila sa damit ay umalis na sila doon at nagpunta sa tom's world para maglaro.

Nakailang oras din sila sa paglalaro doon. Tawa pa nga sila nang tawa dahil wala silang nakuha ni isang teddy bear sa claw machine. Nagsayang lang daw sila ng pera. Madaya naman din daw kasi ang claw machine.

Nang magsawa na sila sa kakalaro sa tom's world ay nag-ikot na lang sila ulit at nang magutom na ay nagpasya na silang kumain sa isang restaurant sa mall kung nasaan sila.

"Ang mamahal naman dito." mahinang bulong ni Dhianne nang makita ang presyo ng mga pagkain na nasa menu.

Narinig naman 'yon nina Flawrence at Josephine. Tinawanan lang naman ng dalawa si Dhianne. Hindi rin naman nagtagal ay nag-order na sila na agad din namang dumating.

"Uy, 'yan 'yung regalo ni Flawrence sa 'yo no'ng 18th birthday mo 'di ba?" maya-maya ay tanong ni Josephine kay Dhianne nang makita niyang suot nito ang relong regalo ni Flawrence kay Dhianne.

"Oo." nakangiti namang sagot ni Dhianne. Napangiti din si Flawrence nang makitang suot nga ni Dhianne ang regalo niya.

Ngayon lang kasi nila nakitang suot ito ni Dhianne. Isa din si Flawrence sa kasali sa 18th roses ni Dhianne at Josephine no'ng mag debut ang dalawa. Parehas niya itong niregaluhan ng relo. Magkakaparehas silang tatlo ng relo. Iba lang ang mga kulay.

"Bakit ngayon mo lang sinuot 'yan? Isang taon na nakalipas saka mo lang sinuot haha. Buti na lang suot namin lagi ni Flawrence ang sa 'min kaya parehas tayong tatlo ngayon na suot 'yung gift sa 'tin ni Flawrence. Cutie." tuwang sabi ni Josephine. Napailing na lang si Flawrence pero may ngiti sa labi.

"Wala lang, baka kasi biglang nakawin kapag suutin ko lagi." sabi ni Dhianne.

"Okay." sabi lang ni Josephine at nagkibit balikat. Ngumiti lang din naman si Flawrence at tinapos na lang nila ang pagkain nila.

Ang ingay nila habang nakain, lalo na si Josephine. Walang katapusan sa kakadaldal si Josephine. Natutuwa lang naman si Flawrence. Mas gusto niya ngang ganito sila kesa ang tahimik sila.

"Nakakainis naman. Pasukan na naman natin bukas. Bakit kasi ang bilis lang matapos ng weekends? Ayaw ko pang pumasok, eh." maya-maya ay angal ni Josephine.

"Gano'n talaga." natatawa namang sabi ni Flawrence.

Napanguso naman si Josephine. Hindi matanggap na papasok na ulit sila dahil tapos na ang weekends.

Nasa first year college na sila ngayon at nasa iisang school lang din sila pero magkakaiba sila ng course na kinuha. Malapit na din naman silang mag second year college. Buti nga at nakatapos sila nang matiwasay ng senior high school.

Buti na lang din at nakahabol pa si Dhianne sa senior high school matapos ng nangyare sa kaniya kaya kasabay niya pa rin sa college ang dalawa niyang kaibigan.

Tatlong taon na rin kasi ang lumipas matapos niyang ma-comatose dahil sa nangyare sa kaniya. Sa ngayon ay busy pa rin ang pamilya niya sa paghahanap sa taong may gawa nito sa kaniya. May lead na rin ata sila kung sino ang taong 'yon.

Nang matapos silang kumain ay nagpahinga lang muna sila saglit bago maglibot ulit sa mall. Tamang kwentuhan lang muna sila.

"Uy, need na nating umuwe." maya-maya ay sabi ni Josephine habang naglalakad-lakad sila bitbit ang mga pinamili nila.

"Mamaya na, maaga pa naman, eh." sabi naman ni Dhianne. Napatingin tuloy si Flawrence sa oras sa suot niyang relo.

"8pm na din nang gabi. We really need to go home." sabi ni Flawrence kaya napanguso na lang si Dhianne.

"Okay." sabi lang ni Dhianne.

"Hey, don't be sad. May next time pa naman. Mas susulitin natin 'yon, okay?" pagpapagaan ng loob ni Flawrence kay Dhianne nang mapansin niyang nalungkot ito.

Gustuhin man niyang magtagal pa dito ay hindi pwede. Mahaba na rin naman ang nagawa nilang paggala. Hindi na nga nila namalayan 'yon, na ilang oras na sila sa mall.

"Okay." ngiting sabi na ni Dhianne kaya napangiti na rin si Flawrence at inakbayan na ang dalawa.

"Uwian na!" sigaw ni Josephine kaya natawa sila, lalo na nang may mapatingin sa kanila. Hindi naman nila pinansin 'yon at tumatawang naglakad na lang sila palabas ng mall habang akbay ni Flawrence ang dalawa.



Lia

Continue Reading

You'll Also Like

17.5K 358 9
"Family is supposed to be our safe heaven. Very often. It's the place where we found the deepest heartache" Highest Rank rank obtained as of (12-20...
3.4K 55 25
Note: Planet Krypton and kryptonians belong to DC comics During the fall of Krypton colonial outposts across the 28 galaxies.A desperate kryptonian c...
204K 9.9K 56
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
4K 129 16
athena who is a daughter of a governor died because of kidnapping but the kidnapper realize that she is not important in governor's life because she...