PINILI
Pinili kita dahil mahal kita
Pinili kita dahil sa'yo ako sasaya
Pinili kita dahil pangarap kita.
Eh ako?
Bakit nga ba ako ang pinili mo?
Ay, mali! ako nga lang pala ang pumili sayo,
Kase nung una hindi ka naman talaga sa akin intresado.
Sa madaling salita, oo pinilit mo lang ang sarili mo na gustuhin ako.
Sa madaling salita ay kasalanan ko
Kase hindi na kita iniwan, hindi na kita pinakawalan,
Kase naniniwala ako na ang pagmamahalll ay napapag aralan.
At yun ang pinaka maling desisyon na ginawa ko sa buhay ko,
Ang piliin kita bago ang sarili ko.
-ALY2022