Tula

By Andreysqueen

16 5 4

Tula/Spoken Poetry Tagalog More

MAKASARILI
PINILI

HILING

7 3 4
By Andreysqueen

HILING

Ang tangi kong hiling sa mga bituin
na sana ako ay intindihin.

Ipag patawad mo ginoo kung madalas
Ikaw ay nasisigawan ko,
Ipag patawad mo kung madalas mataas ang boses ko na animo'y galit ako.

Napapagod lamang ako din ako
Napapagod sa mga bagay bagay na tumatakbo sa isipan ko,
Napapagod sa mga akusang ibinabato.

Minsan pakiramdam ko wala akong kwentang tao,
Walang ibang alam gawin kundi pasusuhin ang anak mo.


Maliban sa paglalaba, paglilinis ng bahay at pagluluto ng pagkain ay wala akong ibang maitulong sayo.

Minsan pa nga nanliliit ako sa sarili ko,
Pakiramdam ko wala akong silbing ilaw ng tahanan mo.

Ngunit huwag kang mag alala gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para lamang pag silbihan ka,
Pati pagmamahal ko sayo ay buong pusong ipapadama.

Hindi ako magsasawang iparamdam sayo at sa anak natin ang pagmamahal ko,
Hindi ako aalis sa tabi nyo hanggang maging kulay puti ang mga buhok ko.

Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sainyo habang humihinga ako,
Ngunit isa lang ang hiling ko,
Na sana minsan ay kamustahin mo din ako.

-ALY2022

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 17 14
sa mga taong nasaktan o patuloy na nasasaktan.. wag na umasa baka ikaw ay malipasan.. basahin mo to baka ikaw ay mahimasmasan.. ayaw mo yun?, matatap...
58 14 39
Both stings when it hits the skin. - A collection of prose and poetry by August Archer.
659K 2.6K 32
Para sa mga wasak, nadudurog at nasasaktan pero patuloy pa rin na nagmamahal.
456 26 20
Mga tulang nakabatay sa nararamdaman ng isang tao. Marahil isa sa mga tulang ito ay naaayon patungkol sa iyong nararamdaman. Iyong alamin.