Constellation of Love Season...

By estellenum

11.9K 4.4K 3.7K

The woman who owns a company airlines is one of the most well-known and wealthiest young business woman in th... More

PROLOGUE
- INITIUM -
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Author's Note
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33 - Special Chapter
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Special Announcement (PLEASE READ)

Chapter 43

111 36 25
By estellenum

"Leon! Ah! Ahhh! Fuck! Ahh!"

"Hold me, Leon! Shit! Ahh!"

"Fuck!"

"Ano ba?! Ang ingay mo" asik ni Leon dahil nabibingi na siya sa katabi niya.

Nasa rollercoaster kami, katabi ni Kuya si Leon habang sumisigaw na parang babae at naiirita naman si Leon kay Kuya dahil maingay ito.

"You're so dead to me, Mirus Estelle! Ahh!"

Birthday kasi ni Kuya ngayon kaya naisipan ko dalhin siya dito sa amusement park.

Gustong-gusto kasi niya pumunta dito, pinagbigyan namin— gusto niya na umuwi lalo na at dinadala namin siya dito sa extreme rides.

Nasa likod kami ni Miahri habang nasa pinakaharap naman si Rigel at Leon.

Habang nasa likod naman si Lucius at Logan.

Panay ang tawa nila dahil kay Rigel at Leon, mukhang happy pill nila ang dalawa.

"Face your fears daw, Kuya!" Sigaw ni Miahri.

"Fuck that face your fears! I wanna go home! Mom! Help me!"

"Dali na, birthday boy!" Pang-aasar ko lalo.

"Letse!"

Panay siya sa pagmumura at patuloy na nag mamakaawa na ibaba siya habang si Leon ay pilit kumakawala sa pagkakahawak ni Kuya sa braso niya.

Nakailang ikot pa kami hanggang sa makarating na kami sa loob at dahan-dahan huminto ang rollercoaster at biglang tumaas ang lap bar.

Tumayo si Kuya at biglang nanghina ang tuhod niya.

"Ano? Okay ka lang?"

Karamihan sa sumakay ay kilala siya at karamihan ay mga fans ni Kuya at binati din siya bago sila umalis.

Inalalayan ni Miahri si Kuya, naunang naglalakad ang dalawang kapatid ni Leon habang kami ni Leon ay sabay na naglalakad pabalik kung nasaan sila.

"Kumain muna tayo bago umalis, namumutla na si Kuya." Nag-aalalang tugon ni Miahri.

Nagkadikit ang kamay namin ni Leon, imbes na ilalayo ko na sana ang kamay ko, bigla niya itong kinuha, He even interlocks his fingers around mine.

Napatingin ako sa kanya sa gulat, wala man siyang sinasabi pero bahagya itong nakangiti.

"Hindi mo talaga papakawalan kapag may chance ka, 'no?" Siniko ko siya.

"Without a doubt. It's my only chance, so I'm going to grab it before it's too late." He gently squeeze my hand.

Napangiti na lang din ako dahil nagugustuhan ko ang kilos ng attorney ko.

Para kaming teenager secretly married, enjoying each other's company but...

"Nakuha mo na ba credit card mo? Masyado akong natuwa gamitin, e."

"Yeah, sunod-sunod ang text galing sa bangko. May credit card ka naman." he rolled his eyes and shaking his head in disbelief.

"Iniisip ko kasi baka kailangan i-exercise ang card mo." At naalala ko ang mga ginastos ko. I intentionally used it.

"I will use your card next time. Just watch and learn."

Nakabalik na kami at binitawan ko na ang kamay ni Leon habang tamang date naman itong magulang ko habang nandidiri si Kuya sa kanila lalo.

"Ano? Okay na kayo?" tanong ni Daddy.

"Are you asking the obvious? Come on, let's go home na." Umupo si Kuya sa gilid at tinungga niya ang tubig.

Bumili na lang kami sa store ng makakain at habang nasa biyahe kami ay pwede kami kumain.

"Nasa park 'n fly ang sasakyan ko."

"Dala mo pala kotse mo, nag short term airport parking kami kaya sasakay kami sa taxi. Mag-iingat ka, kita-kits na lang sa mansion." sabi ni Kuya at umalis na sila.

Galing kami sa Star City pero sasakay pa kami sa taxi para kunin ang aming sasakyan. Sana kinuha muna namin tapos diretso na din pauwi. Abnormal talaga itong si Kuya kahit kailan.

Ako lang mag-isa at sumakay na ako sa taxi para kunin ang sasakyan ko.

Wala pang trenta minutos at nakarating na din ako at dumeretso na ako sa loob.

"Hi, how can we help you?" Bungad ng clerk.

"I'm here to pick up my car."

"Kunin ko lang ho 'yung driver's license niyo at 'yung official receipt pati ho 'yung Certificate of Regulation for verification lang ma'am."

Kinuha ko sa bag ang mga kailangan niya at kinuha niya ito.

She checked everything for my verification to confirm that I am the owner of my car.

Binalik niya na ang driver's license ko at may sinulat siya sa listahan.

"Okay na ma'am, sundan niyo na lang ako." Umalis siya sa upuan niya at inabot niya ang susi sa sasakyan ko.

Sinunod ko nga ang sinabi niya at pumunta kami sa parking at punong-puno ang parking lot.

"Na cleaning ba at na refuel ba 'yung sasakyan?" tanong ko.

"Yes, ma'am. As per request ho ng customer."

Itinuro niya kung nasaan ang sasakyan ko at muntikan na ako tumakbo— pinigilan ko lang ang sarali ko.

"Enjoy driving and safe travels, ma'am!"

"Thank you!"

Agad akong sumakay at binuhay ang makina at umalis na ako sa parking lot.

Tahimik akong nagmamaneho, inaalala ko kung ano ang ireregalo ko sa kapatid ko.

Naalala ko na may gustong libro ang kapatid ko not romance, mystery or fantasy book. The Wreck This Journal.

Pinindot ko ang call button sa steering wheel, at sinuot ko ang earpiece ko.

Wala pang segundo ay sinagot niya na.

"Miru-chan!"

"Sakura! Nakaalis na sila, ready na ba lahat?"

"Hai, hai. Ready na lahat."

"Okay, good. Pakibigay naman kay Frost. Kausapin ko lang."

"Fro-chan! Tawag ka!"  Rinig ko ang pag sigaw ni Sakura sa kabilang linya.

"Mirus?"  sagot ni Frost sa kabilang linya.

"Nabili mo ba 'yung pinapabili ko?"

"Uh-huh, binabalot pa lang ni Winter."

"Sige, sige, tawagan ko kayo kapag malapit na ako. Kailangan ko silang unahan."

"Okay, okay, be careful on your way back." At pinatay ko na ang tawag at si Leon naman ang tinawagan ko.

Nakailang tawag pa ako hanggang sa masagot niya.

"Yes? Mrs. Lozano?"  I could hear his calm yet husky voice.

"Parang tanga. Nasaan na kayo?"

"Traffic jam."

"Gusto mo puntahan ko kayo?"

Nakakita ako nang u-turn, I was about to spin the wheel—

"Hindi na. Mauna ka na, may car crashed kaya na traffic kami."

"Eh? Sigurado ka? Una na 'ko?"

"Oo nga."

"Sure ka?" Pang-aasar ko.

"Mirus."  Pagbabanta niya.

"Yes?" Napangisi ako.

"You really do enjoy teasing me, don't you?"

"Tawagan na lang kita kapag malapit na ako. Mag-iingat ka."

"You too,"

Pinatay ko na ang tawag at napapangiti na lang ako dahil dito sa lalaking 'to.

"Whatevs."

Pumarada ako sa gilid, at kinuha ko ang wallet at cellphone ko inangat ko ang pinto sa sasakyan ko.

Pumasok ako sa loob ng store at agad akong pumili ng cake niya. Mahilig si Rigel sa mango cake.

Wala na din akong time para mag bake dahil wala na akong oras, kailangan ko pa bumili sa grocery ng mga ingredients.

"Ate kunin ko 'yung 12x12 na vanilla cake." Turo ko sa glass stante.

"Isulat niyo na lang dito 'yung ilalagay niyo, ma'am." Inabot niya ang papel at ballpen.

Start acting your like age! Age cakefully!
Wishes or cash? Please choose wishes!

Natawa ako sa sinulat ko, gusto ko talaga pag tripan kapatid ko kahit ngayon lang. Ang mahalaga ay nakaganti ako!

Nag vibrate ang phone ko at nakita kong nag message si Leon.

@Alexeon
Traffic pa din kami, baka mamaya pa kami makakabalik.

@caerus
Seryoso ba? Baka may short cut diyan sa gilid niyo?

@Alexeon
Wala. But I'll try to find another way. Nakauwi ka na ba?

@caerus
Hindi pa, nasa cake store ako ngayon, bumibili para kay Rigel.

@Alexeon
Alright, mag-iingat ka pauwi.

@caerus
Miss mo 'ko, ano?

@Alexeon
What would you say if I told you I really miss you?

@caerus
Bakit? Mukha ba akong kikiligin?

@Alexeon
Hmph. Wala naman akong sinasabing kiligin ka. Gusto mo ba? Pakikiligin kita.

@caerus
Overconfident ka masyado, Mr. Lozano.

@Alexeon
If that's the only way to make you happy, so be it.

@caerus
Hoy, ang kapal mo naman!

@Alexeon
You're welcome ^_^

"Ma'am, ito na 'yung order niyo. Ma'am? Ma'am?" Ilang beses niyang tinawag si Mirus pero nakatutok ito sa phone niya habang may ngiti sa labi.

"Ma'am Mirus?"

Bigla akong natauhan at nakita ko si ang babae sa cashier na titig na titig sa akin. Hala, baka na-weirdohan siya.

Bwiset na 'yan, magaling din lumandi si Leon, pati ako napapangiti— kinikilig! Hmph.

"Cash po ba?"

Binuksan ko ang wallet ko, tanging laman lang ay isang daan at bente kasama na ang mga mamiso.

"Hindi. I'll pay using my credit card." At inabot ko sa kanya ang itim kong card.

"Pirmahan na lang po dito sa may verifone."

Kinuha ko ang stylus pen sa tabi ng verifone at pinirmahan ko ito, ginandahan ko talaga ang pirma ko.

Binalik niya na ang card at inabot niya na ang cake na binili ko, it's quite big and heavy pero kaya ko naman.

Nilagay ko ang cake sa shotgun seat at pinaharurot ko na ang sasakyan ko para makauwi na ako.

"Ano ba 'yan, ang tagal naman ni Mirus."

"Baka traffic, kaya natagalan. Kakasabi lang din ni Leon." tugon ng katabi ko, Castriel.

Nandito na lahat, most of it ay mga artistang mga kaibigan ni Rigel na karamihan ay galing sa Hollywood at nandito kami ngayon sa mansion nila.

Ako ang namamahala habang wala si Mirus at ready na ang lahat. Ang birthday celebrant na lang kulang.

"AJ, tapos na sila." Inform ni Rance.

"Sige, tulungan ko sila."

Sinamahan ni Rance si Castriel at Cross para ihanda ang mga pagkain sa garden dahil doon ang party.

Napatingin ako sa relos ko at ilang minuto na lang, isang oras na.

Si Zoren naman at si Torrance ay kinakausap ang kapwa actors and actresses dahil kaibigan din nila bukod kay Rigel.

"Why look so hopeless, Doc? You should be smiling, you know?" at bumalik si Castriel sa tabi ko.

"Tsk. Why do you even care?"

"Relax, I'm not even sure what the hell is wrong with you."

Napailing na lang siya at hindi ko na ulit pinansin, pagod ako. I performed a surgery earlier bago ako mag leave sa trabaho ko.

Nakaraan ko pa iniisip kung ano na ang gagawin ni Mirus, tinupad niya nga na nahuli niya ang sumagasa sa kanya.

I told her not to get involved in other people's trouble. Especially when Han Sung Min is not around for a while.

Except for her family, I was the only one who was aware of Mirus's true identity.

Because I was present when the person I loved the most died in my arms.

Her amnesia performance should be announced as soon as possible, hindi naman permanent ang sakit-sakitan niya at— kinakabahan ako dahil parang nakakahalata na sila.

Hope everything is going to be alright.

Lumiko ako pakaliwa papasok sa Wisteria Village at binati naman ako ni manong, gano'n din ang ginawa ko pabalik.

Pinaharurot ko na ang sasakyan ko sa loob at nakita ko na agad ang mansion.

Pinarada ko ang kotse ko sa tapat, kinuha ko lahat nang gamit pati cake saka ako kumaripas ng takbo papunta sa loob.

Pagkabukas ko sa dalawang malaking pinto, sumalubong sa 'kin ang mga bisita pati ang mga kaibigan ko pati ni Leon.

"Mirus! You're late!" Singhal ni AJ.

Nilagay ko muna sa refrigerator ang binili kong cake pati ang mga hired chefs and waiters and waitresses ay nandito din.

"Okay... Ready na ang lahat maliligo lang ako! Cross tawagan mo naman si Leon!"

"Alrighty!"

Hindi na ako nag sayang ng oras pa at naligo na ako.

Saglit lang ako naligo, ginawa kong maximum ang volume sa blower para matuyo agad ang buhok ko.

Kumuha ako sa walk-in closet ko ng red off shoulder dress at nag lagay lang ako ng pulbo at lipstick saka ako tumakbo pababa.

"Ano? Nasaan na sila?" tanong ko kay Cross.

"Papasok na sila sa Wisteria." Inform ni Cross.

Nanlaki ang mata ko sa gulat talagang binilisan ni Leon ang pagmamaneho.

"O-okay... I want e-everybody to hide and turn of the lights!" Sinadya ko mag utal-utal para hindi nila mahalata.

Pinatay nila ang ilaw at kanya-kanya sila sa kanilang hiding spot.

Hindi ko alam kung saan ako mag tatago dahil lahat ng vacant ay kinuha na nila.

Pumunta na lang ako sa likod ng pinto, bahala na kung bahala na.

Nag vibrate ulit ang phone ko binalita ni Leon na nasa tapat na sila. Ilang lakaran na lang at nandito na sila.

Tahimik kaming lahat, at unti-unti ko naririnig ang mga yapak nila.

Pagkabukas sa pinto, nakita ko ang liwanag at alam kong si Kuya ang nagbukas sa pinto.

"Ano ba 'yan. The mansion is too big tapos walang ilaw"

"Surprise!" Bumukas ang ilaw at sinurpresa namin ang kapatid ko.

Nakita ko ang expression niya, gulat na gulat ang mukha niya, at nakikita ko ang sarili ko noong nag birthday din ako.

Umuulan ng confetti sa buong mansion na biglang yumuko si Kuya na pinagtaka namin.

"Kuya?" Sabay pa kami ni Miahri sa pagtawag sa kanya.

Napatingin din ako kay Leon at napailing din siya.

Dahan-dahan niya ingat ang ulo niya, umiiyak ang loko.

"You fuckers... I was surprised! Thank you, thank you, thank you for your efforts! I will cherish it for the rest of my life!"

Pumunta siya sa mahaba naming mesa dahil doon nakalapag ang mga cake, pati ang binili kong cake.

"Ang daming cake, kaya ko ba kainin lahat kaya 'to?"

"Huwag kang buraot, sharing is caring pare." Sumabat si Chad, kapwa actor at best friend ni Kuya.

"Nagbibiro lang! Akala mo mauubusan ka!"

Pinalibutan namin siya, ready to sing na.

"One, two, three."

"Happy Birthday to you! Happy Birthday, Rigel! Happy Birthday, happy birthday! Happy Birthday Rigel!" Kanta namin habang pumapalakpak.

"Oh, korean naman!" Sigaw ni Chad, niloloko si Kuya.

"Saengil chukha hamnida, saengil chukha hamnida, saranghaneun Rigel-shi, saengil chukha hamnida!" At kinanta din namin ang korean version, baliw talaga 'to.

"Tagalog naman!" Humirit pa si Chad at napailing kami.

"Maligayang bati, maligayang bati maligayang, maligayang, maligayang bati!" We screamed out our lungs while singing.

"Spanish naman—"

"Oy tama na 'yan! Lusaw na 'yung kandila, aba!" Pinigilan niya ang best friend niya habang tumatawa, halos mamatay na sa kakatawa.

Nag make a wish naman si Kuya— hindi na ata make a wish, nagdadasal na ata. Kanina pa siya nakapikit habang nakangiti.

He opens his eyes and blows all ten of the cakes on the table.

"Ayun, oh! Inuman na!"

"Yeah, let's get the party started!" At nag start na ang music.

Kinakausap ni Rigel ang nga bisita niya galing sa ibang bansa, mga nakatrabaho niya sa Hollywood, sayang wala si Chris Evans o kaya si Cole Sprouse!

Ako ang nangunguna sa pila dito sa buffet area, nahihirapan ako pumili kung ano ang kakainin ko.

"Mirus, make it quick!" Reklamo ni AJ sa pinakadulo.

Wala akong kain simula umaga kaya nagpatulong ako sa waiter na kunin lahat ang mga pagkain na nakadisplay.

Nasa garden kami ngayon, malaking field din ang garden namin kaya kasya kami lahat.

Umupo ako sa tabi ni Leon habang kausap niya si Frost.

Kinausap din ako ni Winter pati ni Sakura, may chismis na namang kumakalat. Syempre kailangan ko maging present pag dating sa gossips.

Kung sino ang kasama namin sa lamesa noong founding anniversary nang Solis at Cosmos, sila din ang kasama namin ngayon.

Kung nakaraan ay tahimik kaming kumakain, ngayon ang iingay namin. Pati si Leon nagiging makulit.

"Alam mo ba, Mirus natalo si Leon sa kaso niya few days ago! Nakita ko siyang umiiyak." Panimula ni Cross.

"Totoo ba?" tanong ko.

"What?! Stop saying nonsense, Cross!" Depensa ni Leon.

"Oo nga, promise. Akala mo inagawan siya nang candy, gano'n itsura niya kapag umiiyak siya." At lumakas ang tawa ni Cross tapos ginaya niya pa kung ano ang mukha ni Leon habang umiiyak siya.

Inaasar lang siya para inisin ang kaibigan niya, never naman umiyak si Leon just something like that.

"Cross!"

"Roommate ko dati si Leon noong nasa Harvard pa kami, I discovered his ladies underwear underneath his bed." Nandidiring tugon ni Dominic.

Seryoso ba? Grabe!

"Huh? Baka sa 'yo! Sa taas ako natutulog noon! Gago kayo ha!" Natuwa ako sa expression ni Leon, inis na inis.

"May isa pa, pre. Napaaway tayo sa bar, it's the Baseball team's retirement party. Gago kasi 'tong si Leon. Paano kasi, lasing na lasing tapos hinamon niya pa 'yung lalaki." Exciting naman pala ang kwento tungkol kay Leon.

"Tapos hindi niya alam na police officer pala ang hinahamon niya, ayon nauwi siya sa police station." tugon ni Daisuke.

"Gago, hindi! Inaawat ko lang si Zoren, kahit hindi niya kilala, hinahamon niya ng suntukan! Pati ako nadamay!"

"Hindi kaya, sabi ni Castriel sinulsulan mo si Zoren makipag-away."

Napatingin si Leon kay Castriel pero nag panggap itong walang alam, na wala si Leon sa harapan niya.

"Grabe ka naman, Leon. Hindi ka pala matino." Napanguso si Sakura sa dismaya.

"I swear! Those stories are fabricated! Wala akong ginagawang masama! Don't believe them, ako na ang nag sasabi sa inyo."

Tinignan ako ni Leon, silently asking for a help pero kumain na lang ulit ako. I ignored him and I didn't saw anything like that.

Maya-maya, dumating si Kuya at Miahri habang dala nila ang mga plato nila.

"Oh? Bakit nakasimangot si attorney?"

"Ayaw niya kasi aminin 'yung mga kalokohan niya dati." sabat ni Castriel, nakangisi.

"I told you I didn't you know, what? Never mind. Rigel, what do you want as a gift?" Leon swiftly changes the subject.

"Y-you don't have to! Kahit wala na, okay na ako doon. Ang mahalaga ay nandito kayo. Ayiee!" Panunukso ni Kuya.

Lahat kami nakatingin lang sa kanya, bigla kaming nanahimik at kumain na lang.

"H-hey! Hindi niyo ba papansinin ang birthday celebrant?! Hi? Hello?!"

After namin kumain, hindi ako mapakali kaya tumayo ako sa kinauupuan ko.

"Where are you going?"

"Teka, may kukunin lang ako." I excused myself.

Pumasok ulit ako sa loob, pumunta ako sa kusina at kumuha ako ng ilang pirasong lemon saka ko ito hiniwa.

Mga sampung lemon ang hiniwa ko, nilagay ko lahat sa malaking plato at kumuha din ako ng asin.

Pumatong ako sa upuan para kunin ang pinakahinihintay ko— tequila baby!

Malaki ang ngiti ko habang dala ko ang tray palabas.

Inuman na!

Continue Reading

You'll Also Like

7.5K 337 63
CAMBRIDGE ACADEMY SERIES #1 - Kylie Gomez With a broken family and with her mom missing, Kylie Gomez believes that love doesn't exist in her life. Sh...
37.8M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...
516K 11.9K 57
"Mahal kita, Audixamperge Leorouge!" Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. Hindi parin nawawala sa mukha niya ang lamig. "Spell my name" he or...
67.9K 1.9K 51
How does it feel when you're idolizing someone? I mean, we already have an advance technology and there's a lot of people or artist you'll find amazi...