Their Long Lost Sister

By lialabspurple

46.8K 1.6K 284

The Fernandez family was thrilled to learn that they would have a princess in their family, especially when s... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
AUTHORS NOTE
JAZLEY'S STORY

CHAPTER 23

861 33 6
By lialabspurple

Habang abala sa pag-uusap ang dalawang lalaki sa may labas ng silid na kinalalagyan niya ay nag-isip ng paraan ang batang si Jazley kung paano makakatakas.

"Eu preciso sair daqui." I need to get out of here. He whispered habang sinusubukang tanggalin ang tali sa kamay niya.

Wala na siyang pakealam kung magkasugat-sugat man ang kamay niya dahil sa pagsubok na tanggalin ito. Ang mahalaga sa kaniya ay matanggal 'yon at makaalis sa lugar na 'yon.

Hindi rin naman nagtagal ay nagtagumpay siyang matanggal ang lubid na mahigpit na nakatali sa kamay niya. Napabuntong hininga pa siya dahil medyo masakit ang kamay at pulsuhan niya pagkatapos ng ginawa niya.

Bago tuluyang umalis ay tiningnan muna niya ang paligid niya kung may tao pa ba. Siya lang ang tao sa isang silid at nasa labas ang mga taong nagbabantay sa kaniya.

"Como posso sair daqui? Há muitos guardas do lado de fora." How can I get out of here? There are many guards outside. Muling bulong niya matapos ang ginawang pagsilip.

Maya-maya ay nakaisip na siya ng paraan kung paanong makakatakas. Hindi niya rin alam kung ilang araw na siya sa lugar na 'yon. Gusto na niyang makaalis do'n at makasama ang pamilya niya. Alam niyang nag-aalala na kasi ang mga ito, lalo na ang Mommy niya.

Puro siya sugat at pasa sa katawan dahil pinapahirapan din siya ng lalaking kumuha sa kaniya mula sa pamilya niya.

Ramdam na niya ang pagod sa katawan niya ngunit hindi siya sumusuko. Hindi siya pwedeng sumuko, lalo na at hindi pa siya nakakaalis sa kinalalagyan niya ngayon.

Habang hindi siya napapansin ng mga bantay sa labas ay nag-ikot siya sa loob, 'yung hindi siya mahahalata. 'Yung hindi siya makikitang nakaalis na sa pagkakatali sa kaniya sa lubid.

Mamaya ay babalik siya sa pwesto niya na kung saan nakalubid pa ang mga kamay niya dahil alam niyang babalik ang lalaking kumuha sa kaniya at muli siyang papahirapan.

"I need this." He said ng makakita siya ng kahoy na makapal. 'Yun ang ipanghahampas niya mamaya.

Wala kasing bintana ang kwartong kinalalagyan niya kaya hirap talaga siyang makatakas. Sinadya ng taong kumuha sa kaniya na walang bintana ang kwartong kinalalagyan niya para hindi siya makatakas basta.

Nanlaki pa ang mga mata niya nang makakita siya ng baril habang naghahalungkat ng kung ano. Sa isip niya ay baka nalimutan ito ng isa sa mga bantay.

Agad niya 'yung kinuha at tinago sa may tiyan niya at bumalik na sa pwesto niya dahil naramdaman niya na ang presensya ng lalaking nagpapahirap sa kaniya.

Sakto ngang natapos niya ang pagtaling muli ng lubid sa kamay niya ay siya ring pagbukas ng pinto ng silid na kinalalagyan niya at pumasok ang lalaking naka maskara.

Wala itong kasamang bantay. Nag-iisa lamang itong pumasok. Tiningnan niya lang naman ito nang walang reaction.

"Como você está, garoto? Você quer morrer?" How are you, boy? Do you want to die? The man asked him.

"Por que você não se mata?" Why don't you kill yourself? Matapang na sabi naman ni Jazley na ikinahalakhak ng lalaki.

"You're brave, huh?" sabi pa ng lalaki at muling tumawa na ikinairap ng batang si Jazley.

"Você é tão forte, você ainda não morre mesmo eu te torturando tanto." You're so strong, you still don't die even though I torture you so much. The man said and nag squat para mapantayan siya.

Akmang magsasalita ang lalaki nang duraan ito ni Jazley na ikinagalit ng lalaki. Doon kumuha ng pagkakataon si Jazley tsaka niya kinuha ang kahoy na nilagay niya sa tabi niya kanina at hinampas 'yon sa lalaki nang buong lakas.

Tinira niya ang ulo nito para mawalan ito ng malay. Nagtagumpay naman siya dahil nawalan nga ito ng malay. Hindi ba naman kasi niya tinantanan ng hampas. Hindi lang isang beses ang ginawa niyang paghampas dito.

Before he left, tiningnan niya ang baril na hawak niya kung ilan ang bala no'n. Napangisi siya nang malamang maraming laman 'yon. Hindi pa siya nakuntento at kinuha pa ang baril ng lalaki.

Hindi siya maalam sa paghawak ng baril pero kailangan niya 'yon para makatakas.

Nagpaputok siya dahilan para magsipasok ang mga tauhan ng lalaki sa loob. Nagtago pa muna siya sa likod ng pinto para hindi siya makita at hinintay na magsipasok ang mga ito.

Nang wala ng pumasok ay tumakbo na siya palabas at may nakakita sa kaniya kaya mas binilisan niya ang pagtakbo. Hirap pa siya dahil paika-ika siya.

"Mom, Dad. Wait for me, I'm going home." He whispered then may tumulong luha sa mata niya habang natakbo siya para iligtas ang sarili.

Alam naman niyang hinahanap na siya ngayon ng pamilya niya. Alam niyang nag-aalala na ang mga ito sa kaniya kaya kailangan na talaga niyang makaalis.

Habang natakbo siya palabas ay pinapaputukan siya at natamaan siya sa may balikat niya. Napangiwi siya pero patuloy lang siya sa pagtakbo.

Ramdam niyang maaabutan na siya ng mga ito pero hindi siya sumusuko. Alam niya sa sarili niyang makakatakas siya.

"Chase him!" rinig pa niyang sigaw ng mga ito pero hindi siya lumingon sa likuran niya.

Nanlaki ang mga mata niya nang may taong sasalubong sa kaniya kaya ng maalalang may hawak siyang baril ay tinutok niya ang baril na hawak niya dito at walang pagdadalawang isip na binaril ito.

After that tuluyan na siyang nakalabas at napasinghap siya nang malaman niyang kagubatan ang bumungad sa kaniya.

Hindi na lang niya pinansin 'yon at tumakbo lang nang tumakbo hanggang sa mapalayo na siya sa lugar na pinanggalinan niya.

Rinig pa rin niya ang boses ng mga taong humahabol sa kaniya at ang mga yapak nito pero nagawa na niyang magtago.

Hingal na hingal siya matapos sumandal sa isang puno. Hindi siya do'n makikita, 'yun ang nasisiguro niya.

Maya-maya lang ay hindi na niya rinig ang mga boses nito at ang mga yapak nito. Sa isip niya ay baka nakalayo na ang mga ito.

Napahilamos siya ng mukha dahil sa wakas ay nakaalis na siya sa lugar na 'yon. Ngayon nga ay ramdam na niyang pipikit na ang mga mata niya dahil sa pagod.

"I want to go home." He whispered bago siya tuluyang mawalan ng malay sa gitna ng kagubatan.

Napailing na lang si Jazley nang muling maalala 'yon. Nakwento na niya ito sa pamilya niya. Lahat-lahat ng nangyare sa kaniya, nakwento na niya sa pamilya niya.

Kasama na do'n ang sunod na nangyare sa kaniya pagkatapos niyang makatakas sa mga taong 'yon.

Nagising na lang siya na nasa ibang bahay na siya at doon din niya nalaman na wala na siya sa Brazil at nasa Pilipinas na siya.

Matapos no'n ay hindi na niya alam kung paanong nailibing daw siya ng mga magulang niya, eh buhay naman siya at paanong nasabi ng taong kumidnap sa kaniya sa magulang niya na patay na siya kung hindi naman siya nakuha nitong muli.

Hindi na lang niya inisip 'yon dahil nasa isip niya na baka maliwanagan siya, sila kapag nahuli na nila ang taong may galit sa kanila.

Ang magulang na tinuturing niya ngayon ay 'yun ang mga taong kumupkop sa kaniya at inalagaan siya kaya malaki ang utang na loob niya dito. 'Yun ang mga taong nagdala sa kaniya sa Pilipinas.

Walang anak ang mga ito kaya nagpasya ang mga ito na ampunin siya, alagaan at palakihin. Sobrang pasasalamat ng totoo niyang magulang sa nag-ampon sa kaniya.

Sobra ding nasaktan ang mga ito dahil sa dinanas niya, lalo na ang Mommy niya na umiyak na naman nang umiyak. Walang araw na hindi ito umiyak na ikinasakit ng puso niya.

Sa tuwing naririnig niya ang hikbi ng nanay niya ay nadudurog ang puso niya. Hindi niya kinakaya. Simula din nang malaman nito na buhay siya ay hindi na siya nito nilubayan pa. Bumabawi ito sa kaniya at takot ng mawala pa siya kaya laging nakadikit sa kaniya ang Mommy niya sa tuwing kasama niya ito.

Wala namang kaso sa kaniya 'yon at gusto pa nga niya 'yon. Naiintindihan niya rin kasi ang Mom niya. Sobra lang itong nangulila sa kaniya at natatakot na baka mawala siya ulit sa piling nila na hindi naman na niya hahayaan pang mangyare.

"Jazley, anak. Aalis ka?" tanong ng Mommy ni Jazley nang makita nitong kinuha niya ang susi ng kotse niya.

Simula ng magkaalaman na kasi sila ay pinili na nilang manatili sa iisang bubong. Alam na rin ito ng mga naging magulang ni Jazley sa Pilipinas ang tungkol dito.

Wala namang kaso 'yun sa mag-asawa. Masaya pa nga sila at sa wakas daw ay nagkita-kita na sila at nagsama-sama na.

Wala din naman daw ang mag-asawa lagi sa bahay kaya pabor sa kanilang sumama si Jazley sa tunay nitong mga magulang. Nangako din naman si Jazley na uuwian pa rin ang dalawang mahalagang tao rin sa kaniya.

Hindi naman siya papayag na basta na lang niyang iiwan ang dalawang taong nagpalaki at nag-alaga sa kaniya.

"Yup, sunduin ko lang sila Mommy, Mom." sagot ni Jazley at naglakad palapit sa nanay niya para halikan ito sa noo.

"Oh? Nandito na sila? Papuntahin mo sila dito, anak. Sabihin mo inimbita ko silang dito mag dinner." napangiti naman si Jazley sa sinabi ng Mommy niya.

Naging malapit din kasi ang apat sa isa't isa. Sobra ang pasasalamat ng magulang niya sa Mommy at Daddy niya. Mom at Dad kasi ang tawag niya sa totoo niyang magulang. Mommy at Daddy naman sa taong nag-adopt sa kaniya.

"Okay, Mom. I'm sure matutuwa 'yon sina Mommy at Daddy." sabi niya nang may ngiti sa labi.

Sigurado siyang masaya na naman ang hapunan nila mamaya. Masaya naman lagi ang hapunan nila, mas masaya lang mamaya dahil nandoon ang Mommy at Daddy niya.

Close na ang Mommy at Daddy niya sa pamilya niya. Kapag may mga okasyon nga at pasko't bagong taon ay sama-sama silang ipinagdiriwang 'yon.

Natutuwa naman si Jazley sa nangyayare ngayon sa pamilya niya. Masaya siya dahil sa wakas ay kumpleto at masaya na sila.

Pinagdadasal lang nila na sana maging okay na talaga ang lahat. Pero hindi pa rin sila nakakasiguro dahil nasa labas pa rin ang taong may galit sa kanila.

Alam nilang baka mamaya or bukas, sa susunod na araw ay bigla na lang itong sumulpot ulit. Kaya nga grabe na lang ang pag-iingat nila ngayon.

Ginagawa naman na nila ang lahat para mahuli na ito. Hindi lang nila naaasikaso ng maayos ngayon dahil may iba pa silang pinagkakaabalahan.

"Hmm, can't wait to see them again. Mahaba-habang chikahan na naman ang magaganap sa 'min ni kumare." sa sinabing 'yon ng Mom niya ay parehas silang natawa.

Hindi rin naman nagtagal ay umalis na rin siya para sunduin ang Mommy at Daddy niya na nasa airport ngayon.

* * *

Nasa presinto ngayon sina Dhianne. Kasama niya ang apat niyang kuya. Isang taon na ang lumipas matapos ng nangyare sa kaniya. Magaling na rin siya ngayon at nagagawa na ulit ang mga nagagawa niya noon.

Kaya sila nasa presinto ay para bisitahin ang naging tatay-tatayan niya na hindi naman naging tatay sa kaniya.

Hindi na niya kasi ito nadalaw kaya naisipan niyang puntahan ito ulit. Sa ngayon ay kasama niya ang mga kuya niya. Hindi nga lang kasama ang magulang nila dahil mas gusto nilang sila lang.

"Are you sure about this, Dhianne?" Shawn asked and Dhianne nodded.

"Gusto ko lang po siyang makita ulit." sabi ni Dhianne kaya tumango sina Jazley. Ginulo pa ang buhok nito.

"Kung 'yan ang gusto mo, sige." Jazley said.

"Let's go, then." Vaxton said. Pumasok na nga sila sa presinto.

Pumunta na sila sa isang room sa presinto para hintayin doon ang tatay-tatayan niya.

Kukumustahin lang naman ito ni Dhianne. Sabi niya sa mga kuya niya na kukumustahin niya lang ito dahil kahit naman hindi ito naging maayos sa kaniya ay mahalaga pa rin ito sa kaniya. Siya ang nagsabi sa mga kuya niya na gusto niya itong makita at dalawin.

"Anong ginagawa niyo dito?" agad na bungad ng tatay-tatayan ni Dhianne nang makalapit ito sa kanila.

"Kuya's, pwede po bang iwan niyo muna po kami?" Dhianne asked. Tumango lang naman ang mga kuya niya.

"Kung may problema, tawagin mo lang kami. Nasa labas lang kami." sabi ni Jazley nang nakangiti sa kaniya.

"Tawag mo kami, huh?" Felix said at natawa pa sila dahil sa paraan ng pagsasalita nito. Napanguso na lang tuloy si Felix.

Marunong na rin naman itong magsalita nang diretso ng tagalog kaya wala ng problema. May accent nga lang.

Tumango na lang naman si Dhianne sa mga ito at niyakap pa muna bago ito nagsi-alisan na. Silang dalawa na lang naiwan ng tatay-tatayan niya.

Nasa isang room kasi sila. Meron nito sa kulangan na pinagkulungan sa tatay-tatayan niya. Dito nila naisipan na dalhin ito para hindi agad makakatakas kung sakali mang subukan niyang tumakas.

May mga bantay rin naman na police sa labas kaya mabilis lang silang matitingnan kung may nangyare ng kakaiba sa loob.

Nakaupo na ang tatay-tatayan niya sa upuan habang nakaposas ang mga kamay nito. Titig na titig sa kaniya ang tatay-tatayan niya. Ramdam niya 'yon nang maupo siya sa harap nito.

"Kumusta na po kayo, Tay?" mahinhing tanong ni Dhianne sa kaharap niya na tinaasan lang siya ng kilay.

"Sino ka?" napakunot ang noo ni Dhianne sa biglang tanong nito. Hindi pa pinansin ang tanong niya.

"Si Dhianne po. May sakit po ba kayo? Bakit hindi niyo ako kilala?" takang tanong niya sa kaharap. Umiling-iling lang ito sa kaniya.

"Sino ka sabi? Hindi ikaw si Dhianne." sabi pang muli ng tatay-tatayan niya.

"I'm Dhianne nga. Ano po bang sinasabi niyo? Pumunta ako dito para kumustahin kayo at hindi para makipagkilala. H'wag niyo akong pinagtitripan." naiinis na niyang sabi.

"Hindi, hindi ka si Dhianne. Kung sila naloko mo, ako hindi." sabi pa ng matandang lalaki sa kaniya na ikinairap niya.

"Hindi man ako naging mabuting tatay kay Dhianne, kilala ko ang batang 'yon. Hindi ako tatawaging Tay no'n at mas lalong hindi siya ganiyan makipag-usap sa 'kin. Kahit sigaw-sigawan ko siya at saktan, hinding-hindi siya maiinis dahil malambing ang boses no'n kahit na galit ka habang kausap siya. Hindi rin magkasalubong ang kilay niya katulad ng ginagawa mo ngayon dahil maamo ang mukha ng batang 'yon kaya sino ka?" The man said. Kuyom ang kamao. Natigilan ang Dhianne na kaharap niya.

"Pagkakita ko pa lang sa 'yo. Ramdam ko ng hindi ikaw si Dhianne. Magkamukha nga kayo pero hindi ikaw si Dhianne kaya sino ka?" dugtong nito.

"Ano po bang sinasabi niyo? Hindi ko po kayo naiintindihan. Ako nga po ito, si Dhianne." inis ng sabi ni Dhianne.

"Sinungaling ka! Alam ko at ramdam ko na hindi ikaw si Dhianne na pinalaki at inalagaan ng asawa ko." seryosong sabi ng tatay-tatayan ni Dhianne at doon rin pumasok sila Jazley.




Lia

Continue Reading

You'll Also Like

55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
17M 654K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
572K 10.6K 32
In which Jeon Jungkook, the most popular boy in school, falls in love with Kim Y/n, the most popular girl in school.