Once Upon A Book

By phoeberryah

118 0 0

They first met at the library. Will this place also be their last moments together? More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48

Part 21

3 0 0
By phoeberryah

After namin maligo ni Paisley ay nanood lang kami ng TV habang nakain ng snacks. Naramdaman ko naman na nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito.

"May chat sa gc nating walo." Sabi ko kay Paisley kaya tiningnan din niya ang phone niya.

After namin mag-usap sa gc ay natulog na kami.

Maaga kaming gumising kinabukasan dahil bya-byahe pa kami.

After namin mag-check out sa hotel ay sumakay na kami ng van. Ito iyong dinala ni Hikaru last time. 

Halos two hours din ang byahe. Nag-soundtrip lang kami habang nasa byahe. Iyong iba naman ay tulog siguro dahil late na natulog.

"Naandito na tayo!" Sabi ni Johann. Nakarating na kami sa Tagaytay Highlands.

Bumabasa na kami ng van at tiningnan ang paligid natin.

"Sulit na sulit ang one week vacation natin! Nakalanghap tayo ng fresh air!" Sabi ni Paisley/

"Sinabi mo pa!" Sabi naman ni Brielle.

Pumunta muna kami sa cabin na pina-reserve namin para ibaba ang mga gamit namin.

Tagaytay Highlands Cabin

(credits to the owner)

"Wow ang ganda!" Sabi ni Colette nang makita namin ang hitsura ng cabin na tutuluyan namin for two nights.

Pumasok na kami sa loob at mas namangha kami.

Parang bahay ang nasa loob. May kusina, banyo, bedrooms and such.

Pumasok na kami ni Brielle sa room namin. Siya naman ang kasama ko ngayon.

"Grabe nakakapagod sa byahe! 2 hours straight tayong nakaupo! Akalain mo, nakakapagod din palang umupo ng ganoon katagal?" Sabi ni Brielle at natawa kami parehas.

Inayos na namin ang gamit namin. May dalawang cabinet at hindi ko na masyadong inayos ang gamit ko sa loob ng cabinet kasi dalawang gabi lang kami matutulog dito.

"Ang bilis ng oras ano? Naka apat na araw na pala tayong nagba-bakasyon. Ito so far ang pinakamasaya at pinaka-adventureous na na-experience ko!" Sabi ni Brielle.

Pinapababa kami ni Johann dahil kakain kami ng brunch. Since medyo gutom na ako ay kakain na rin ako kasabay sila.

May alam na restaurant si Johann dito sa Tagaytay kaya doon kami kumain.

Pagkarating namin doon ay namangha kami kasi maliki ang Pamana Restaurant.

Pamana Restaurant

(credits to the owners)

Umakyat kami sa second floor at may mahahabang table at nakahelerang chairs dito. Umupo kami sa maganda ang view. 

Nag-order na kami ng pagkain namin. Ang mga in-order namin ay bestsellers ng Pamana Restaurant like Crispy Adobong Pusit Calamares, Sizzling Litid Sisig, and Kare-Kare Boneless Pata and Crispy Tadyang. 

Nag-order din kami ng panghimagas katulad ng Ginumis with Panucha Ice Cream o tinatawag na Batangas' Pinoy Fondue of puto, suman, and kutsinta na best paired sa kanilang hot chocolate.

Habang hinihintay na dumating ang pagkain ay nagpicture-picture kami doon sa tanawin na nasa likod namin.

"Ang ganda naman dito!" Sabi ni Paisley habang nakuha ng video ng scenery.

After several minutes ay dumating na rin ang foods namin. Pinicturan namin ang mga pagkain na in-order namin.

(credits to the owners)

Ilan iyan sa mga pagkain na in-order namin.

Sumunodn naman ay group photos. Pinicturan kami ng isang staff doon para magkakasama kaming lahat na nasa lamesa.

Nakakatuwa na friendly ang staffs dito.

Nagkwe-kwentuhan lang kami habang kumakain. Tuwang-tuwa kami sa brunch namin ngayon.

"Grabe nabusog ako doon!" Sabi ni Kayden sabay himas sa tyan niya.

"Masarap iyong sisig nila ha." Kumento ni Paisley.

"I like the dessert!" Sabi naman ni Brielle.

Pagkatpaos namin kumain ay nagpahinga muna kami saka pumunta sa next destination.

Si Dusk ang nagboluntaryo na mag-drive ngayon araw kaya nasa passenger seat ako ng kotse. Gusto ko kasi makita ang scenery kaya dito ako umupo.

Nang makarating na kami sa Twin Lakes Shopping Village ay namangha kami sa ganda nito.

Twin Lakes Shopping Village 

(credits to the owner)

"Wala akong masabi sa mga napupuntahan dito sa Tagaytay! Lahat magaganda!" Sabi ni Paisley. Nag-agree naman kaming lahat.

Ang Twin Lakes Shopping Village ay isang mall dito sa Tagaytay. May mga restaurants, coffee shops, boutiques, etc. ma makikita dito.

Since I haven't had a cup of joe this morning, um-order ako ng iced coffee sa isang coffee shop dito. Mainit kasi ang panahon pero mahangin pa rin.

Naglibot lang kami sa buong mall. Picture dito, picture dyan.

Pumunta kami sa pinakataas ng mall kung saan makikita ang magandang scencery. Makikita mula dito ang tanawin at bundok. Nag-picture kami doon kasi maganda talaga.

After namin mag-picture ay kumain ulit kami. Nag-order lang kami ng cakes and beverages.

Puro restaurants kasi ang naandito sa mall na ito.

Naglakad-lakad kami after namin kumain. Halos one and a half kaming naglibot sa mall.

"Where to next?" Tanong ni Dusk kay Johann.

"Saan ninyo gusto? Sa Sky Ranch, magpi-picnic na kita ang Taal Lake or pupunta ng zoo?" Tanong ni Johann sa amin.

Majority na pinili ay Sky Ranch kaya doon kami pumunta.

Nang makarating kami doon ay pumili muna kami para bumili ng ticket.

Sky Ranch Tagaytay

(credits to the owner)

Unang sinakyan namin na ride ay Carousel. Warm up sa mga following rides mamaya.

Carousel

(credits to the owner)

Next naman ay Bumper Race. Mahaba pa kasi ang pila sa bumper cars kaya dito muna.

Sunod na sinakyan kamin ay Safari Splash. Muntik na kami mabasa dahil may tubig itong ride na ito.

Syempre hindi kumpleto ang pagpunta sa amusement park kung hindi kami sasakay sa Log Coaster! 

Log Coaster

(credits to the owners)

Nagulat ako noong sumigaw ng malakas iyong mga lalaki kaysa sa amin. Tawa lang kami ng tawa habang sila ay nasigaw.

After namin doon ay nagpahinga muna kami.

Next na sasakyan namin ay Drop tower. 

Ayoko sanang sumakay sa dito kasi last time na sumakay ako sa ganito sa ibang arcade ay parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Sinabi naman ni Dusk na aalalayan niya ako kapag pababa na iyong tower.

Drop Tower

(credits to the owner)

Muntik na akong masuka nang makakaba kami sa Drop Tower. Buti na lang nagpahinga muna kami.

"Sinong gustong sumakay ng Zipline dito?" Tanong sa amin ni Johann.

Lahat sila ay nagtaas  ng kamay maliban sa amin ni Dusk.

"Dito muna kayo?" Tanong ni Hikaru sa amin at tumango ako.

"Medyo nahihilo pa ako dahil doon sa Drop Tower." Paliwanag ko.

Tumango si Hikaru. "Sige. Chat chat na lang sa gc mamaya." Sabi ni Hikaru at pumunta na sila sa pila ng Zipline.

"So... saan naman tayo?" Tanong ni Dusk sa akin habang naglalakad kami. Medyo nahimasmasan ang pakiramdam ko.

"Pwedeng sa Express Train tayo? Para malibot natin ang buong Sky Ranch." Sabi ko at tumango naman siya.

Sumakay na kami sa Express Train after pumila. Nalibot namin ang buong Sky Ranch. Kumuha ang ng video ng dinaanan namin saka video na kita kaming dalawa ni Dusk.

Express Train

(credits to the owner)

"Okay lang ba na i-post ko ito mamaya sa Facebook?" Tanong ko kay Dusk at tumango siya.

"Selfie tayong dalawa?" Tanong ni Dusk at kumuha siya ng litrato gamit ang phone niya.

Nang matapos na kami sumakay ng Express Train ay nagkita-kita ulit kaming magkakaibigan sa Super Viking.

"Okay ka na Celeste?" Tanong sa akin ni Paisley.

"Oo, ayos na ako. Sumakay na lang kami ni Dusk sa Express Train habang nasa Zipline kayo." Sabi ko at tumango siya.

Sumakay na kami sa Super Viking.

Super Viking

(credits to the owner)

Medyo nahilo ulit ako kasi paduyan-duyan ang ride na ito. Nagpahinga muna kaming lahat.

"Saan naman tayo next?" Tanong ni Kayden sa amin.

"Sa Express Train? Hindi pa natin nalilibot ang buong Sky Ranch." Sabi ni Johann. Tumango naman silang lahat.

"Maiwan kami ni Celeste. Sumakay na kami sa train kanina eh. Sasakay naman kami sa Zipline." Sabi ni Dusk.

"Kaya mo ba 'insan? Akala ko takot ka sa heights." Sabi ni Hikaru kay Dusk.

"Okay lang. First time ko naman sasakay doon saka pipikit na lang ako kapag masyadong mataas." Sabi ni Dusk.

Pumunta na sila sa pila ng Express Train samantalang kami namang dalawa ni Dusk ay umakyat sa may Zipline.

Nauna muna ako sa Zipline sa sobrang excited ko. Kita kasi mula sa taas ang view ng Tagaytay.

Zipline

(credits to the owner)

Nag-video ako habang nasa Zipline. Ang saya kasi kita ko ang view tapos ang ganda pa ng sky.

Nang sumunod si Dusk ay vinedeohan ko rin siya. Natatawa ako kasi pumukit talaga siya habang nasa Zipline.

Nang makababa na siya ay tinawan ko siya at pinakita ang video ko sa kanya. Namula naman ang mukha niya dahil sa hiya.

"Nasaan na sila?" Tanong ni Dusk sa akin.

"Nasa pila sila ng Sky Cruiser. Hinihintay tayo ni Hikaru bago pumila." Sabi ko at pumunta na kami doon.

Sky Cruiser

(credits to the owner)

Pang-dalawahan lang ang ride na ito. Dahil nahuli kaming tatlo nina Hikaru at Dusk sa pila, kay Hikaru naman ako sumama.

Pinicturan ko si Dusk at ang katabi niya. Tawa ako ng tawa kasi napapaikot ang ride na ito tapos ang awkward ni Dusk at ng kasama niya.

Kami namang dalawa ni Hikaru ay nag-selfie at pinicturan ang view mula sa itaas.

Nagtanong naman sa akin si Hikaru habang nakasakay pa rin kami sa Sky Cruiser.

"Nag-enjoy ka ba ngayon?" Tanong niya at tumango ako.

"Oo. Nakakatuwa na dito tayo pumunta. Ang tagal na simula noong pumunta ako sa amusement park." Sagot ko. 

"Mabuti naman." Sabi ni Hikaru.

Nang matapos na kami sa ride ay inalalayan ako ni Hikaru paalis sa Sky Cruiser.



Continue Reading

You'll Also Like

46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
16.1K 165 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
5M 101K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...