Childhood Sweetheart | STALKE...

By riyazyn

5K 208 4

[COMPLETED & UNDER REVISION] STALKER #1 "Are you really a stalker of mine?" "Um, y-yeah..." **** Date Started... More

Author's Note
WORK OF FICTION
SYNOPSIS
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
Special Chapter
Special Chapter 2
Epilogue

11

101 4 0
By riyazyn

Chapter 11

Athena

"Why don't you give him a chance?" Nakaupo kami ngayon ni Astheria sa sofa ng unit ko. Si Skier naman, nanood ng movies sa Netflix.

"N-Natatakot ako..." Mahinang usal ko. "What if.. katulad lang din sa nangyari samin ni Jamie? Natatakot na akong masaktan ulit."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Alam mong hindi parehas sina Jamie at Daren. You like Daren, right?" Tumango ako. "Aurora, pain is part of love. In relationship, normal lang ang masaktan. Kaya nga nalalaman nalang natin ang tunay na naramdaman natin kapag tayo'y nasaktan." She caressed my hair. "Kagaya nalang kapag nakikita mo ang mahal mong may kasamang iba. Nasasaktan ka kasi mahal mo siya at natatakot kang mawala siya sayo. That's love works."

Naalala ko ang nangyari kagabi.

"I like you, Athena... mula pa noong hindi ko pa nalalaman ang lahat. I don't know kung kailan ang exact day pero nagising nalang ako, gusto na kita." Ngumiti siya ng tipid. "Sinubukan kong pigilan... sinubukan ko kaya lumayo ako sayo pero.. mas lalo lang palang lumala." He slowly held my hand. "Please, tell me you like me too.." nagsusumamo ang mga mata niyang nakatingin sakin.

May nakita pa akong isang butil ng luhang pumatak sa pisngi niya. Ngumiti ako sa kanya at pinahiran ang luha niya. "You don't need to say please. From the moment I kissed you back then at the hospital.. I fell for you too." Tumango-tango pa ako sa kanya.

Mas lumapad ang ngiti niya. "Is that true?"

"Yes. I like you too, Daren. Na-realize ko yan noong sa ospital kaya nagdesisyon agad akong itigil ang paggamit sayo at sinubukan kong iwasan ka."

"Please don't do that again.."

"Hindi na." Ngumiti ako sa kanya. "Akala ko lang kasi... ako lang ang may gusto sayo kaya iniisip kong wag ka ng guluhiㅡ" napatigil ako ng bigla niya akong halikan.

Joke! Yakapin pala haha! Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Don't worry, no pressure. I'll give you time to think about this matter." Naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. Now, I feel at ease.

Pagkatapos nun, hinatid niya ako sa tapat ng unit ko. "Umuwi ka na." Sabi ko. "Gabi na."

"Nah! I live here."

"H-Ha?"

"That's my unit." Turo niya sa unit na nasa harap lang ng unit ko.

Napanganga ako sa sinabi niya. "D-Dyan? I-Ikaw ang nakatira jan?" Nanginginig ang kamay kong nakaturo sa unit niya.

Bakit hindi ko man lang nalaman?

"Why? What's the matter?"

"H-Hindi ko man lang napansin." Mahinang sabi ko. So ibig sabihin, siya yung lalaking nakita ko na nakahubo't hubad?

Nag-init bigla ang mukha ko. Narinig ko ang tawa niya. "Why are you blushing?"

"Huh? Blushing ka jan! Nainitan lang. Sige, pasok na ako. Goodnight!" Magsasalita pa sana siya pero agad akong nakapasok at sinara ang pinto.

Nanghihina akong napaupo. Gosh! Siya pala yung nakita ko. Arrgghhh!

Nabalik ako sa huwisyo ng biglang kalabitin ako ni Skier.

"What?"

"What are you thinking? Astheria's already left." Aniya.

Tumango lang ako sa kanya at tumayo para pumuntang kusina.

"It seems like you're bothered with something, what is it? You can tell me, you know." Sumunod si Skier sakin sa kusina.

"Wala. I just missed dad and mom."

"Speaking of them, they called me last night. They said they can't reach you. Were you busy?"

"Ah lowbat ang cellphone ko kagabi kaya ganun." Palusot ko. Ang totoo niyan, in-off ko ang phone ko dahil baka matext ko si Daren. Napapaisip kasi ako kagabi kung panaginip lang ba ang nangyari pero napagtanto kong hindi pagkatapos makurot ang sarili ko.

****

"Hey!" A tall guy approached me when I entered the university.

"Hey, Levin!" Buti nalang di ko nakalimutan pangalan niya. Matagal din kaming di nagkita ulit. Mahigit dalawang buwan. Parang hindi kami nag-aaral sa iisang paaralan. Nanliit ang mata ko ng makita ang kakaibang ngiti at kislap ng mata niya. "Hmm.. someone's happy." Sambit ko.

Mas lalo siyang natawa. "Yeah, I'm happy."

"May I know why?" Pinaamo ko pa ang mukha ko para sabihin niya.

"Parehas talaga kayo ng kambal mo." Aniya na may bahid na saya ang boses.

Tiningnan ko siya ng may panunukso. "Is my sister has something to do with this?" Nagtaas-baba pa ang kilay ko.

Tumikhim siya. "Hmm.. what do you think?"

Napasimangot ako. Ano ba yan! Hindi man lang sabihin ng deretso!

"I'll just ask my sister, then." I flipped my hair and walk passed by him.

Narinig ko pa ang tawa niya. "Sabihan mo ako sa isasagot niya ha?" Sigaw niya. I just rolled my eyes.

Naku, ang kambal kong yun, naglilihim na! Humanda siya mamaya!

Napatigil ako sa paglalakad ng makaramdam bigla ng hilo. Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit yun. "A-Ahh!" Hanggang sa unti-unting nawala ang paningin ko.

****

"Hey, you okay? How are you feeling?" Rinig ko ang boses ni Astheria. Dinilat ko ang mata ko at nalaman kong nasa clinic ako ng school. "You passed out earlier, buti nalang nakita ka pa ni Abo kaya nadala ka niya agad dito sa clinic."

Dahan-dahan akong bumangon. "S-Sinong Abo?" Mahinang tanong ko.

"Levin." Nakita kong tinuro niya ang bandang unahan kaya napasunod ang tingin ko. At dun nakita ko si Levin na nakasimangot habang kausap ang school nurse.

"Okay na ako. Pwede naman na siguro akong umuwi." Sabi ko. "Dun nalang ako magpapahinga."

"Are you sure?" Aniya at tumango ako. "Ano ba kasing nangyari? Bakit ka hinimatay?"

"Dahil siguro sa init ng araw." Sabi ko nalang.

Nakita naming palapit sina Levin at ang nurse. "Dear, wag kang magpapalipas ng gutom ha, kaya siguro sumasakit ang ulo mo." Napangiwi ako sa sinabi ng nurse pero tumango ako. Hindi naman ako nalilipasan ng gutom, ah! Nurse ba talaga to? "At etong gamot, inomin mo lang yan kapag sumasakit ulit ang ulo mo."

"Yes, nurse. Thanks."

Umalis na kaming clinic. Akay-akay ako ni Asteria kahit okay na ako. "Thank you, Levin."

"Buti nga ako ang nakakita sayo." Aniya. "Mag-iingat ka sa susunod. Alagaan mo naman ang katawan mo." Ginulo pa niya ang buhok ko.

Napatingin ako kay Astheria na nanliit ang mata na nakatingin samin. "Kung mag-usap kayo parang nakilala niyo na ang isa't isa ah. Wait, nagkakilala na siguro kayo no?"

"Haha, yeah. Nung nakaraang dalawang buwan lang." Si Levin ang sumagot. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

"A-Ano? Hindi niyo man lang pinaalam sakin?" Nagkibit-balikat siya, nagtatampo.

"Hahaha! Magpapanggap nga sana ako nun na ikaw eh kasi tinawag niya ako sa pangalan mo pero nagulat nalang ako ng makilala niyang hindi ikaw yun, kundi ako ang kaharap niya."

"Yeah, hindi kasi tumibok ang puso ko nun kaya nalaman kong hindi siya ikaw." Pilyong ngumiti si Levin na ikinangiwi ko.

Siniko naman siya ni Astheria. "Gagu!" Ngumuso lang si Levin. Mukhang may something na sa dalawang to. Bakit ba ito ang papel ko? Ako ang bida dito pero puro may mga something ang nakakasalamuha ko. Ako nga, walang lablayp eh!

Napatigil ako sa pag-iisip nang mag-flash sa isip ko si Daren. Napalunok ako dahil hanggang ngayon hinihintay parin niya ang magiging sagot ko.

"Let's go." Napakurap-kurap ako at nakita ko nalang na wala na si Levin. "May gagawin pa kasi ang isang yun kaya pinaalis ko na."

Sumakay kaming taxi pabalik sa condo namin. Nang makarating sa tapat ng unit ko, napatingin ako sa unit ni Daren. Wala siya dun dahil dun muna daw siya sa bahay nila. Si Skier naman, nagtambay siguro sa baba. May cafe kasi sa baba at nagustuhan niya ang lasa kaya kapag na-bore siya dito sa loob, bumababa lang siya dun at magtambay.

"Ikaw ah, naglilihim ka na sakin. Hindi mo sinabi na nagkausap na kayo ni Levin." Pagmamaktol niya pagkaupo namin sa sofa.

"Nakalimutan ko na eh. Ikaw nga ang naglilihim na jan eh!" Balik ko sa kanya. "Kayo ba ni Levin?"

Natigilan siya at nag-iwas ng tingin. "Um..."

"So, kayo nga? Bakit hindi mo man lang sinabi na may boyfriend ka na pala. Samantalang ako, sinasabi ko sayo lahat, pati yung kay Daren." Nagtatampo kong sabi.

"E sorry na, naghahanap pa kasi ako ng timing."

"Kayo na nga?"

Dahan-dahan siyang tumango. "Nung lunes lang."

Byernes ngayon ah! "Well, ano pa nga bang magagawa ko? Congrats, sis."

Ngumuso siya. "Sorry.." guilty parin niyang turan.

"Ano ka ba, okay lang. Ang importante, alam ko na. Bat nga pala Abo ang tawag mo sa kanya?"

"Oh, he didn't mention his full name?" Umiling ako. "His full name is Ash Levin Fodd kaya Abo ang tawag ko sa kanya.".

Maya-maya pa'y, dumating si Skier. Nagdala pa ng fishball at kikiam. "Hey, san mo nabili yan?"

"Sa baba..." May accent pa rin ang Tagalog niya. "I was curious so I bought one stick. Masarap pala." Inilapag niya yun na nilantakan naman agad namin ni Astheria.

"Cousin, you know, it's our favorite street food. It's called fishball and kikiam." Inakbayan pa ni Astheria si Skier.

"Really? It's good that I brought it here." Ngumunguya niyang usal. "Yeah, it's good. It's my favorite now." Natawa nalang kami ni Astheria.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko muna. "Oh, mom wants to video call." Sabi ko sa kanila.

"Sagutin mo, bilis!"

"Hello, mom!" Kumaway pa ako.

"Hey, mom!"

"Hello, Tita!" Ani Skier. Tita kasi ang gusto naming itawag niya kay Mommy para feel parin ang pagkapinoy namin.

["Oh, hello, babies!"] We all groaned dahil sa tinawag ni mommy samin. ["Hello, how are you there?"] Nagulat kami ng biglang sumingit si Daddy. ["Um, nasa bahay niyo ako, dear. I came to visit your daddy."] Ani mommy.

Napangiti ako. Kahit na divorce na sina mom and dad, panatag naman kami dahil kahit papano ay okay sila. Friends nalang ata.

"Hi, Liane!" Kinawayan ko si Liane ng makita kong dumaan siya sa likuran ni mommy. She just took a glance at me and then walked away without any response.

"Tss!" Rinig kong singhal no Astheria. Ayaw niya kasi kay Liane.

["Kumusta jan, anak? Maayos ba kayo?"]

"Yes, mom, no worries. Okay na okay kami." Si Astheria ang sumagot.

["How about you, Skier? Do you enjoy staying there?"]

"Yes, Tita. I like it here. Nice people and nice foods!" Nagthumbs-up pa si Skier. "Oh, and I have a favorite street food now, Tita. It's called fishball and kikiam. Ta-da!" Pinakita pa niya sa camera ang binili niya.

Natawa si mommy sa kanya. ["That's good."]

Kung ano-ano pa ang pinag-uusapan namin hanggang sa magpaalam na sila dahil uuwi na daw sila mommy sa bahay nila.

["Goodbye, babies. Call us if you need anything, okay? Love you all!"] Si mommy na ang nagbaba ng linya.

Tumayo nalang ako at naligo dahil balak ko nang magpahinga. Napagod siguro ako kaya nahimatay kanina.

****

"I'll just buy something outside. Don't come out, okay?" Paalam ko kay Skier. Meron kasi ako ngayon at nakalimutan kong bumili ng sanitary napkin kaya bibili muna ako.

Sumakay akong elevator patungong ground floor. Buti nalang pinasuot sakin ni Skier ang malaki niyang jacket kaya natatakpan ang likuran ko.

Pagkatapos kong bumili ay bumalik ako sa pagsakay ng elevator. Pero nagulat ako ng may humahangos na lalaking pumasok din ng elevator. Nakahoodie siya kaya hindi ko maaninag ang mukha.

Hindi ko nalang siya pinansin. Siya naman, pinindot lang ang close button. "Where have you been?" Nagulat ako ng tanongin niya ako.

Napatingin ako sa kanya pero wala na ang suot niyang hoodie kaya nakita ko ng maayos ang mukha niya. Kaya pala pamilyar ang pabango.

"Uh may binili lang." Iwas-tingin kong sagot sabay tago ng napkin sa likod ko.

"Ano yan?" Tanong niya habang nakaturo sa napkin na tinago ko sa likod ko.

"W-Wala. Ito lang binili ko." Nahihiyang ani ko.

"Ano nga?" Pangungulit niya at pilit abutin ang kamay ko kaya todo iwas ako. Please, wag ka ng magtanong, nakakahiya!

"Wala nga. Ano.. um.. bastaㅡ" nanlaki ang mata ko ng matagumpay niya yung nakuha sa kamay ko.

Parehas nanlaki ang mata namin na nakatingin sa isa't isa. Si Daren naman, parang hindi alam ang gagawin habang nasa kamay niya ang pad ng napkin. Agad ko yung hinablot at ipinasok sa loob ng jacket ko. Lumayo din ako ng konti sa kanya, na nakapikit. Nakakahiya!

Isinandal ko ang ulo ko sa pader ng elevator. Parang ayokong magpakita ulit sa kanya. Teka, bat ba ako nahihiya e normal naman sa mga babaeng bumili ng napkin? Hays! Basta, nakakahiya!

Narinig kong tumikhim siya. "Ang laki ng jacket mo, kanino yan?" Hindi siya nakatingin sakin na tanong niya.

"Kay Skier..." Mahinang sagot ko. "H-Hiniram ko lang saglit." Nakita kong tumango siya.

Tahimik ulit kaming dalawa sa puntong paghinga nalang namin ang naririnig. Hindi ko alam ang gagawin ko. Awkward ng atmosphere.

"Why are hiding your face?" Humarap siya sakin kaya mas lalong tumagilid ako. "Athena.."

"Hindi naman. Feel ko lang dito hehe.." mas napalunok ako ng maramdaman ko ang braso niyang nadikit sa likod ko.

"Let me see your face. Wait, are you shy?" Medyo natawa niyang Ani.

"Hindi!" Napasimangot ako. Bat ba ang tagal naming makarating sa floor ko? Kapag sumakay ako ng elevator hindi naman ganito kabagal ah! May sira ba? Argh!

Napapikit ako ng tagumpay niyang naiharap ang mukha ko sa kanya. Natawa siya lalo. "No need to be shy, normal lang naman yan sa mga babae. O sige, ganto lang. Kapag naging tayo na, ako ang bibili niyan para sayo." Dahil sa sinabi niya napadilat ako. "There. Dumilat ka rin."

"A-Ano bang sinasabi mo jan? Confident ka naman masyado." Mahinang sabi ko.

Natawa ulit siya. "It's because you're too easy to read. At kung may balak kang hindi pumayag, sana sinabi mo kagabi diba? Wala kang sinabi kaya alam kong may pag-asa." He smirked at me. Ngumuso ako at napasimangot. "Cute."

Hindi ko siya pinansin at buti nalang din, huminto na ang elevator. Nauna akong lumabas sumunod lang siya sakin.

Papasok na sana ako sa unit ko ng bigla niyang hawakan ang kamay ko kaya napaharap ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sakin. "Next time, don't wear someone else's clothes. If u need one, just tell me and I lay all my clothes in front of you and let you wear them. Only mine you can wear. Not someone else's." Mariing aniya kaya napatango ako.

Hanggang sa makapasok ako ay hindi nawala ang lakas ng tibok ng puso ko. Napangiti ako at hindi napigilang mapatalon.

"Hey!" Napatigil ako ng lumabas si Skier sa kwarto.

"Magbibihis lang ako, Skier." Sabi ko at daling pumuntang cr. Hindi parin nawala ang kilig sa katawan ko. Gosh! He was so... hot hehe!

Sa gabing yun, nakapagdesisyon na ako. Sana, hindi ko to pagsisihan.

Pagkatapos kong magbihis ay humiga ako sa kama, si Skier naman natulog na ata. Hawak-hawak ko ang cellphone ko habang nanginginig ang kamay kong nagtype. Hindi pa man ako natapos ay nagpop-up ang pangalan niya sa screen. Nagtext siya!

From: Daren

Rooftop.

Napangiti ako at napakagat-labi. Dali akong nagsuot ng pajama since malamig sa labas. Nagsoshort lang kasi ako kapag natutulog. Inayos ko rin ang buhok ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naging ganito. Not even when I was with Jamie.

****

Nang makarating sa rooftop, wala pa siya dun kaya umupo nalang ako sa upuang nandun at tumingin sa langit.

Ang ganda, ang daming stars! Oo nga pala, hindi ko nasabi sa inyo na isa akong Astrophile. I love astronomy.

"BOO!"

"AHHH!" Napahampas ako sa taong nasa likuran ko.

"HAHAHA! You should've seen your face! Hahaha! So cute!" Nang mapagtantong si Daren yun, tinigil ko ang paghampas sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"Bwisit ka!" Sinipa ko siya sa tuhod niya.

"Ouch!" Pag-iinarte niya saka umupo at patuloy na umarteng nasasaktan. Hinimas-himas pa niya ang tuhod niya. "A-Ang sakit!"

Nagpanic ako bigla. Mahina lang naman yun ah! Boba! Sinipa mo siya kaya malamang masakit!

"S-San masakit? Sorry, sorry. Ikaw naman kasi!" Hinawakan ko rin ang tuhod niya kaya napaigil siya. "Oh my god! A-Anong gagawin ko? Masakit pa ba?" Ako nalang ang humimas sa tuhod niya. Nakasandal nalang siya sa sandalan habang bakas ang sakit sa mukha.

Na-guilty tuloy ako. Patuloy lang ako sa paghimas sa tuhod niya. Para pa akong maiiyak, hindi alam ang gagawin.

Naramdaman ko ang titig niya kaya tiningnan ko siya. "M-Masakit pa ba?"

Nakatitig lang siya sakin bago bumuntong-hininga. Hinila niya ako at niyakap. Nagulat pa ako ng marinig ang bilis ng tibok ng puso niya. Kasingbilis ng sakin.

"Sorry..." Mahinang usal niya. "I was just joking." Aniya kaya napatigil ako. Joke lang pala yun? Ibig sabihin, hindi siya nasaktan! Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero nagtaka ako ng hindi makaramdam ng galit.

"Wag mo na ngang ulitin yun!" Sabi ko nalang at niyakap siya pabalik.

"Sorry.." dahan-dahan siyang kumalas saka tiningnan ako ng deretso sa mata. "Athena.. please give me a chance." Seryoso siyang nakatingin sakin. "So that I can prove to you that my feelings aren't false."

Nginitian ko siya. "Yes, Daren. I... I am now ready to be in a relationship with you."

A/N: Astrophile means a person who loves astronomy.

THANKS FOR READING!

VOTE & COMMENT

RIYA 💟

Continue Reading

You'll Also Like

427K 12.9K 22
You and Bucky make a bet on who can take down more agents for a year. Whoever wins gets what they desire most. For you, it's Bucky being your persona...
139K 5.3K 54
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
8.1K 368 28
Unusual- Different, Strange Nefarious- Wicked, Evil Obtuse- Blunt, Stupid Rambunctious- Uncontrollable, Boisterous Defamatory- Maliciously Misrepres...
471K 15.6K 44
Rival Series 1 -Completed-