Things I've Never Done ✔

By sweet_tender

206 0 0

Being in a forced marriage with Aaron Foreman makes Kyla does the things she'd never done before, even some f... More

Disclaimer
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
EPILOGUE

CHAPTER 11

7 0 0
By sweet_tender

Kyla's PoV

"May ginagawa ka pa?" Bungad ko kay Aaron, lunch time na kasi at may hawak pa siyang papel. Sinulyapan niya ako bago ibalik ang tingin sa papel na hawak niya.


"Yeah." Tipid na sagot nito. I opened my phone at tinignan ang schedule niya, wala dapat siyang ginagawa ngayon hanggang 3pm dahil may meeting siya ng 3:30pm. 


"Sabi rito sa schedule mo, free ka hanggang 3pm. Ano ba 'yang ginagawa mo?" Tanong ko, nilapitan ko siya at kinuha ang papel na binabasa niya. It was the expenses and income of the company for the whole month. 


"Minamahal ka." Parang nagpintig ang tenga ko sa binitawan niyang salita. I looked at him before asking,


"What..?" He took the paper and inserted it in a folder. Tumayo siya bago tumingin sa akin.


"I said... minamahal ka. 'Yun ang ginagawa ko, minamahal ka." He smiled at my dumbfounded face. Unti-unti akong napangiti nang maintindihan ko ang sinabi niya, pilit kong pinipigilan ang ngiti kong iyon para hard-to-get kunwari ngunit hindi ko kaya. I playfully rolled my eyes and hit his chest.


"Puro ka kagaguhan--" Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil naramdaman ko ang malambot niyang labi na pumipigil sa aking paghinga at pagsasalita. Napangiti na naman ako sa pinaggagagawa niya.


Pa'no ko hindi masasabing ginayuma ako ng lalaking ito? Kung sa simpleng halik niya ay natutunaw na ako?


Kusang gumalaw ang mga braso ko upang ipulupot iyon sa leeg niya. Hindi para sakalin siya, kun'di para diinan ang halik naming dalawa.


I am lowkey enjoying this moment... and hoping that this will last forever.


"Kyla, let's have lun--- lock your fucking door!" Kusang naghiwalay ang mga labi namin ni Aaron nang marinig namin ang kalabog ng pinto. Napatingin kami rito at narinig namin sina Matthew at Ethan na nag-uusap.


"Oh, anyare?" Rinig kong tanong ni Ethan.


"Don't go in--- Ethan!" Huli na ang pigil ni Matthew dahil nakatingin na sa amin ngayon si Ethan. Nasa likod nila si Sam na kalong-kalong si Kylie.


"Ano meron?" Inosenteng tanong ni Sam. I smiled at them before dragging Aaron. 


"Wala. Lunch, us?" Tanong ko. Tinitigan lang nila ako. I scoffed before saying, "It's on me."


"Ayorn naman pala eh." Sambit ni Sam.


"Tara, saan ba?" Tanong naman ni Ethan. Si Matthew naman ay tahimik lang na nakatingin sa kamay namin ni Aaron na magkahawak. He cleared his throat and looked at me before speaking,


"Anywhere is fine. Pero dahil kasama natin si Kylie, he should decide." Binalingan naming lahat si Kylie. Sam asked him,


"Where do you want to eat?" Tinuro ni Kylie ang sentido niya at kumunot ang kaniyang noo, nakanguso pa ito animo'y nag-iisip.


"My classmate said that thewe's this best westauwant that he's evew been." He said. Para pa siyang nahihiyang magsabi sa amin kung saan iyong 'best restaurant' na iyon. We all looked at him with shining eyes, hoping that this restaurant is enough to satisfy our hunger.


"So, what's this best restaurant?" Tanong ni Ethan. 


"Hmm... it's jaweebee." Natahimik kaming lahat sa sinabi niya.


"H-ha... Jollibee?" Nakatangang tanong ni Sam. Masaya namang tumango si Kylie. "Akala ko naman kung saang masarap at the best talaga..." Sambit ni Sam gamit ang Filipino language dahil alam niyang hindi ito maiintindihan ni Kylie.


Halata sa mukha namin ang pagka-dismaya dahil hindi namin inaasahan ang sinagot ni Kylie.


"B-but, Kylie..." Panimula ni Ethan. "T-that's a cheap restaurant..." Nawala ang ngiti ni Kylie dahil sa sinabi ni Ethan, napayuko pa ito at yumakap kay Sam. I kicked Ethan's butt and spoke,


"You know what, I heard that it's a g-great restaurant, too." Pagsisinungaling ko. I gave them all a meaningful look. "Right, guys?" Pilit silang ngumiti at tumango-tango pa.


"L-let's go!" Kunwaring cheerful na aya ni Ethan sa amin. Nauna na siyang maglakad habang kinakamot ang ulo. 


"I'll get my van." Suhestyon ni Aaron, napatingin kaming lahat sa kaniya dahil for the first time... nagsalita na rin siya. His lips formed a thin line as he saw us quietly staring at him. "W-what?"


"No need. May dala kaming sasakyan. Sam, Ethan, and Kylie will ride with me." Sambit ni Matthew. 


"I want to wide with Sis and Bro Aawon." Napangiti naman ako dahil doon. 


I won, Matthew. Kylie loves me more than you.


Napasimangot naman si Matthew dahil doon. We ended up in the parking lot. Nakasalubong pa namin si Kenneth, yayayain niya raw sana kaming maglunch ng sabay-sabay ngunit may kasabay na pala kami. We suggested na sumama na siya sa amin upang mapakilala ko sila sa mga kaibigan ko. 


Si Kenneth ang driver namin, katabi ko si Aaron sa backseat habang nakakandong sa kaniya si Kylie. Sa totoo lang, hindi alam ni Kenneth kung saan kami maglulunch, basta lang nakasunod ang kotse na sinasakyan namin sa kotse nila Matthew.


"Saan ba kasi tayo kakain? Maganda ba do'n? Masarap ba?" Sunod-sunod na tanong nito habang nagd-drive.


Mayaman din si Kenneth, halata sa pananamit at pangangatawan nito na hindi ito nasasatisfy sa mga fast food restaurant lang. Pero dahil nakilala nila ako, babaguhin  ko iyon. Tuturuan ko silang makuntento sa fast food restaurant lang.


"Ewan ko rin, i-su-surprise daw tayo nila Matthew." Pagsisinungaling ko. Palihim akong tumingin kay Aaron at kitang-kita ko na nakatitig siya sa akin.


"Iyan ang gusto ko!" Napatingin kami kay Kenneth dahil doon. "Sorpresa ha! Mukhang mapapagastos ako nito ng malaki ng wala sa oras." Natawa naman ako sa inasal niya. 


I never thought that I could fool him this easy.


"Don't worry, libre ko ngayon. Kaya nga sila Matthew ang nagdecide kung saan tayo kakain para pagastusin ako ng malaki." Tumawa naman siya. Ang saya-saya pa niya habang nagd-drive. Tignan lang natin mamaya.


-


"..." Pare-parehas kaming nakatayo at walang imik na nakatingin kay Kylie na pumapalakpak habang nakatingin sa standee ng Jollibee. Pinagtitinginan kami ng ibang mga tao dahil nakahilera pa kami habang naka-awang ang bibig at nakatingin lang sa kawalan. In short, mukha kaming lutang.


Ito siguro ang feeling ng hindi pa nakakapag-try na kumain sa fast food restaurant.


"D'yos ko, ang ganda-ganda ng suot ko tapos Jollibee lang pala ang bagsak ko." Napatingin ako kay Kenneth na inaayos ang sleeves niya. 


"T-tara na... nakakahiya, pinagtitinginan na tayo rito." Sambit ni Ethan bago kalungin si Kylie at pumasok sa loob. Wala kaming nagawa at kundi sumunod na lang din.


"Hi, ma'am, sir, welcome to Jollibee!" Bati sa amin ng guard. Ngumiti na lang ako at sumunod sa kanila. 


"It's not as bad as I thought. Mukhang masarap ang mga pagkain dito." Sambit ni Matthew. 


Well, totoo naman. Amoy na amoy kasi ang mabangong putahe. Ito siguro 'yung tinatawag nilang langhap-sarap sa advertisement ni Anne Curtis. Pare-parehas lang kaming naka-upo at naghihintay ng waitress na lalapit... ngunit wala ni isa.


Kenneth sighed before raising his hand to capture the attention of a waitress. Ngumiti naman ito at lumapit sa table namin. 


"Yes po?" Nakangiting tanong nito.


"Pwede po bang makahingi ng list of menus?" Tanong ni Kenneth. 


"Kahit tatlo lang po, we'll share na lang po." Dugtong ko pa. The waitress laughed awkwardly. Nakangiti lang ako sa kaniya habang naghihintay sa magiging sagot niya. 


"Uh, hehe.. Actually po.. Nakapaskil po sa counter ang list of menus po namin at doon na po oorder." Nawala ang ngiti ko dahil doon. Nagpasalamat na lang si Kenneth at umalis na ang waitress.


Napatungo na lang ako at hinihiling na sana'y kainin na lang ako ng lupa upang  maalis sa kahihiyan nito.


"Damn..." Bulong ko. Narinig ko naman ang tawanan nila. Hindi ko rin mapigilang matawa dahil sa kahihiyan na nagawa namin ni Kenneth.


"For sure, pinagtatawanan na kayo sa kitchen no'n." Sam said habang tumatawa.


"Bakit kasi walang nagsabi na nasa counter pala?" Mas lalo kaming natawa sa sinabi ni Kenneth. Nahampas ko pa siya sa braso.


"Sorry, guys, wala kasing Jollibee sa bundok." Naluluhang sambit ni Matthew. Nagtagal pa ang tawanan namin bago ako tumayo at um-order ng kung ano-ano sa counter. Binigyan nila ako ng standee number at sinabing hintayin na lang ang order ko. Nag-iwan muna ako ng tip bago bumalik sa mesa namin.


Ilang minuto pa ay dumating na ang order namin. Hindi pa nga ito kumasya sa table namin at napilitan pa ang waiter na magdagdag ng dalawang table upang magkasya ang mga pagkain.


"Nga pala. Kaya pala kami sumabay kasi may good news kaming ipaparating kay Kyla." Napatingin ako kay Ethan ng sabihin niya iyon.


"Oo nga pala. May nakita kaming hiring ng musicians or band sa isang bar. Nag-apply na kami, need na lang daw natin magsound check, at kapag nagustuhan daw ng manager nila, pasok na tayo. Ten thousand ang offer nilang salary kung sakaling makapasok tayo. Pwede na rin, 'di ba? Tig-t-two-five tayo?" Salaysay ni Matthew. Napangalumbaba ako at tumango.


"Pwede na siguro 'yun. As long as we can start our future career anywhere, it's fine." Sagot ko. Napagdesisyunan namin na mag-audition mamayang gabi. 


Maya-maya pa'y natapos na kaming kumain. Nagpaalam sina Kenneth at Aaron na lalabas lang sila sandali. Out of curiosity, I followed them.


"I can see how you look at her." Panimula ni Kenneth, parang hindi ko makilala ang boses nito dahil masyado itong seryoso. Parehas silang nakasandal sa likod ng kotse at naninigarilyo. Nakasandal naman ako sa gilid, kung saan hindi nila ako makikita.


"So what? I already love her." Sagot naman ni Aaron, wala sa sariling napangiti ako dahil doon. 


"I thought you'll never fall in love with a girl like her?" Nawala ang ngiti ko dahil doon. Parang naninikip ang dibdib ko habang nagsasalita si Kenneth. "Akala ko ba pinakasalan mo lang siya para makuha mo na talaga ang kumpanya? You said it clearly, Aaron, you'll marry someone until the corporation is under your name. Nakapangalan na sayo, bakit hindi mo pa hiwalayan si Kyla? Saka hindi ka ba  nagtataka kung bakit siya pumayag na magpakasal kahit hindi niya alam ang dahilan mo? At kahit naman alam niya ang dahilan, para sa inosenteng tulad niya... hindi iyon valid reason para magpakasal kayo." 


Nagsimulang mangilid ang luha ko habang nakikinig sa kanila. Parehas lang naman kami ng rason kung bakit kailangan naming magpakasal... pero bakit ang sakit? Bakit ang sakit malaman na nagpakasal siya sa akin para makuha ang isang bagay? Bakit ipinakita niya sa akin na mahal niya ako kahit para lang ito sa isang bagay?


May part sa akin na ayaw nang magpatuloy makinig sa usapan nila upang hindi na masaktan. Pero may part din sa akin na handang masaktan... para lang malaman ang tugon ng kauna-unahang lalaking minamahal ko ngayon.


Aaron cleared his throat. Bumibilis ang tibok ng puso ko bawat segundo habang naghihintay sa sasabihin niya.


"You're right... I should end my relationship with her." Bulong ni Aaron. Parang hindi ko kakayanin nag susunod niyang sasabihin kaya nilisan ko ang lugar na iyon. Bumalik ako sa loob at umupo sa tabi ni Matthew.


"Oh--"


"Uwi na tayo." Putol ko sa sasabihin niya. Hindi ko mapigilan ang mabilis na tibok ng puso ko.


"Bakit... natatae ka na?" Tumango ako.


"O-oo.." Pagsisinungaling ko. Kunwari pa akong humawak sa tyan ko. "Hindi ako sanay kumain ng ganito. U-umuwi na tayo, p-please?" Mula sa mga narinig ko kanina, sumisikip at parang sinasaksak ang puso ko. Hindi ko na mapigilang maluha.


"Hala... constipated si accla. Tara na." Yaya ni Sam. Binuhat naman ni Ethan si Kylie. Inalalayan pa ako ni Matthew maka-labas. 


Nagulat sila Kenneth nang makita ang itsura namin ni Matthew. Agad silang lumapit sa akin. Hindi ko alam at parang nandidiri akong lapitan si Aaron. Hinawi ko ang kamay niyang dapat na hahawakan ako. 


"B-baby.. what happened..?" Hindi ko siya pinansin at tinignan man lang. Basta na lang akong sumakay sa kotse ni Matthew at nilock ang pinto. Mula sa peripheral vision ko, nakita ko siya na nakatitig sa akin.


Hindi ko makita ang emosyon o itsura niya. Ang alam ko lang, I was crying on the way home.

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 303K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
3.9M 159K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...
9.9M 501K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...
4.6M 290K 106
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...