Once Upon A Book

By phoeberryah

118 0 0

They first met at the library. Will this place also be their last moments together? More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48

Part 19

1 0 0
By phoeberryah

Naisipan kong kainin ang mangga malapit sa may beach kaya pumunta ako doon. Nagdala rin ako ng fruit shake, bili namin kanina sa mall.

Maraming fruit shake stalls doon kaya bumili ako. Mabuti at hindi ito natunaw kasi nilagay ko agad ito pag-uwi sa loob ng ref.

Naglakad ako papunta sa beach. Low tide ngayon. Masarap ang simoy ng hangin tapos naririnig ang pagsayaw ng mga dahon ng puno.

Nang makahanap na ako ng maayos na spot ay doon ako umupo. Binalatan ko na kanina ang mangga kaya kakainin ko na lang ito.

Habang nakain ako ay nag-vibrate ang phone ko kaya tiningnan ko ito.

Natawag si Dusk. 

Sinagot ko sa tawag.

Binaba na namin ang tawag pagkatpos naming mag-usap.

Habang nakain ako ay nakarating na si Dusk sa gawi ko. Umupo siya sa tabi ko.

"May dala rin akong mangga saka kaunting snacks." Sabi niya.

"Bakit ka naman mag-isang nakain dito? Parang kanina mo pa guatong mapag-isa." Sabi ni Dusk.

"Wala lang. Sinusulit ko ang oras ko na mag-isa ako. Having some time alone." Sabi ko. Tumango siya.

"Sabagay, nakakapagod din makipaghalubilo sa maraming tao sa ilang araw." Sabi niya.

"Ikaw? Bakit gusto mo akong samahan dito?" Tanong ko sa kanya.

"Kanina ko pa napapansin na gusto mong mapag-isa pero ayoko naman na mag-isa ka lang kaya sinasamahan kita ngayon." Sabi niya at napangiti ako.

Kumain lang kami doon ng tahimik habang nakatingin sa alon ng tubig.

"Ang ganda ng reflection ng buwan sa tubig." Sabi ni Dusk.

"Oo nga. Ang ganda." Sabi ko.

"Gusto mo tingnan iyong stars? Ang dami nila oh." Sabi niya at sabay kaming tumingin sa taas.

"Ang ganda!" Sabi ko.

"Oo nga. Ang ganda." Sabi niya. Hindi ko napansin na sa akin siya nakatingin habang sinasabi ito.

After several minutes ay nagsalita si Dusk.  "May gusto sana akong sabihin sa iyo." Sabi niya.

"Ano iyon?" Tanong ko.

"Uhmmm... Naalala mo ba noong una tayong nagkita?" Tanong niya. Tumango ako.

"Noong sa isang araw ay tatlong beses tayong nagkita. Napaka-coincidence ng araw na iyon para sa akin. Napansin kita na hindi mo maabot iyong libro kaya tumulong ako. Nagkataon naman na kumain kasa coffee shop na pinagtra-trabahuhan ko. Tapos pag-uwi, naulan nun pero iisa lang pala ang sakayan natin pauwi. Nakalimutan ko pa magdala ng umbrella kaya pinayungan mo ako." Sabi niya.

"Alam mo pagka-uwi ko, hindi ako makapaniwala na mame-meet kita. Parang umiikot ang mundo ko noon. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko." Patuloy na sabi niya. Nakinig lang ako sa sinasabi niya.

"The next time naman na nagkita tayo ay hindi ko rin inaasahan. Kasama mo iyong kaibigan mo na si Kayden. Hindi ko masyadong narinig ang pinag-kwentuhan ninyo noong una kasi pauwi na rin ako nun. Nagulat ako na tanungin ka niya bigla sa daan kung gusto niyang manligaw sa iyo. Napansin mo naman ako pero umalis agad ako kasi hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko." Sabi niya.

"Akala ko nga nagselos ka that time eh." Sabi ko at natawa. "Pero naisip ko na imposible kasi kakakilala lang natin noon." Sabi ko pa.

Natawa naman siya. Nagpatuloy ulit siya sa sinasabi niya.

"Nagkita naman tayo sa library at pinahiram kita ng mga libro. Natuwa ako na natuwa ka sa mga pinahiram ko sa iyo. Gusto ko sana ibigay sa iyo iyong mga libro kaso hindi pa tayo masyadong closw noon saka wala namang occasion." Sabi niya.

"Tapos naalala mo noong unang beses kita na hinatid sa inyo? Ang bait ng mama mo. Pinakain pa ako. Actually, noong araw na iyon ulit ako nakakain ng lutong bahay na luto ng nanay. Nasa abroad kasi sina mama at papa kaya most of the time ay nagta-take out lang ako." Sabi niya.

"Eh 'di lagi kang pumunta sa bahay namin. Welcome na welcome ka doon at kilala ka na naman nina mama at kuya." Sabi ko. Ngumiti siya.

Nagkwento pa siya ng mga moments naming dalawa hanggang sa ma-curious ako kung bakit niya sinasabi ito.

"Uhmmm Dusk, bakit mo kinukwento ang mga nangyari sa atin?" Tanong ko sa kanya.

"Ah eh..." Sabi niya at mukhang hindi siya mapakali.

"I want to ask something. It's okay if you don't answer right away." Sabi niya. Medyo kinabahan naman ako sa sinabi niya.

"Mangungutang ka ba? May kailangan ka bang pabor na hilingin? Sabihin mo sa akin." Sabi ko sa kanya.

Medyo kumalma naman siya at natawa.

"Uhmmm, not that. I am financially capable at wala akong favor na hihilingin sa iyo. I just want you to think carefully about your answer to my following question." Sabi niya. Tumango ako.

"Here it is." Nag-pause muna siya saka huminga ng malalim.

"Kaya ko sinabi sa iyo lahat ng pinagsamahan natin ay dahil may gusto akong i-confess sa iyo..." Sabi niya.

"I think... I like you." Sabi niya. Napatigil naman ako.

"Oh..." Iyan lang ang tanging nasabi ko. Hindi ako makapaniwala.

"Are you alright?" Tanong niya. Tumango ako.

"Is my confession okay? You look quite pale." Sabi niya.

"Okay lang ako. Hindi ako makapaniwala na nag-confess ka ngayon." Sabi ko.

"Well, ilang weeks ko rin pinag-isipan itong nararamdaman ko. You keep bothering me these past few weeks and I realized that maybe I like you. Not just a friend, but you as a person." Sabi niya. Namula naman ang mukha ko.

"I don't know what to say..." Sabi ko.

"It's fine. But is it okay to ask you a question?" Tanong niya at tumango ako.

"If ever na manliligaw ako, what would be your answer?" Tanong niya sa akin.

Natameme ako.

"It's fine if you don't answer right away. Hindi naman ako nagmamadali." Sabi niya.

"Sorry for not answering your question. Parang ang unexpected ng lahat kaya hindi ako makapaniwala up until now. Kakakilala lang natin pero you already like me. I have so may things that doesn't sink in my mind yet." Sabi ko.

"It's alright. I understand. I'll wait for your answer and give it to me as soon as your ready." Sabi niya.

"Thank you Dusk. I can't handle the situation since hindi naman ako nakaka-encounter ng mga ganitong bagay. Pero don't worry, I'll make sure that my answer to your question ay pinag-isipan ko talaga." Sabi ko.

"Okay. Can I hug you?" Tanong niya at tumango ako. Hinug namin ang isa't isa.

I tapped his back. "I hope hindi tayo awkward sa isa't isa hangga't hindi ko pa sinasagot ang tanong mo." Sabi ko.

"Of course. We will still be friends after this." Sabi niya.

Habang yakap namin ang isa't isa ay hindi namin namalayan na nakatingin sa amin si Hikaru mula sa malayo.

Kinabukasan ay nag-ready na kami para pumunta sa farm. Nag-aayos na si Colette habang ako ay inaayos ang gamit na dadalhin ko.

Lumapit sa akin si Colette at tiningnan ang mukha ko ng malapitan.

"Nakatulog ka ba ng maayos? May eyebags ka." Sabi niya. Umiling ako.

"Masama ang magpuyat lalo na kung mayroon! Bakit ka hindi makatulog kahapon?" Tanong niya.

"Wala naman. Siguro hindi lang ako makatulog ng maayos kagabi." Sabi ko.

"Nasaan ka nga pala kagabi? Hinahanap kita pero nakatulog na ako sa sobrang pagod." Sabi niya.

"Ah nag-usap lang kami ni Dusk malapit sa beach. Sinamahan niya kasi ako noong malaman niya na mag-isa ako." Paliwanag ko.

"Ah kaya naman pala hindi ka makatulog kagabi. May sinabi si Dusk na nakapagpagabag ng gabi mo ano?" Tanong niya. Tumango ako.

Lumapit naman siya sa akin. Naghihintay na mag-kwento ako.

"Sinabi niya kasi na may---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may kumatok sa pinto.

"Ready na ba kayo?" Tanong ni Johann.

"Saglit lang nag-aayos pa ako." Sagot ni Colette.

"Sige. Kitaan na lang tayo sa van." Sabi ni Johann at um-oo kaming dalawa ni Colette.

After naming mag-ayos ay pumunta na kami sa van. Naandoon na silang lahat.

"Sorry kung late kami. Ang tagal kasi mag-ayos nitong si Colette eh pupunta laang naman ng farm." Sabi ko sa kanila.

"Kahit na! Dapat fresh pa rin!" Sabi niya.

Nakaramdam naman ako ng hilo bago makapasok sa van. Napansin naman ako ni Dusk kaya pumunta siya sa gawi ko.

"Okay ka lang?" Tanong niya. Umiling ako.

"Medyo nahihilo ako." Sabi ko habang nakahawak sa ulo ko.

"Mukhang maputla ka. Gusto mo maiwan tayo sa vacation house? Kailangan mong magpahinga." Sabi ni Dusk.

"Okay lang ba sa inyo na kayo na lang ang tumuloy sa farm? Mukhang hindi kayang sumama ni Celeste kasi masama ang pakiramdam niya." Sabi ni Dusk.

"Sige. Alagaan mo siya ah." Sabi ni Paisley at sumakay ng van.

"Magpahinga ka ng mabutk Celeste. Dadalhan ka na lang namin ng pasalubong pagkauwi namin." Sabi ni Brielle.

Nang makauna na sila ay pumasok kami ni Dusk sa vacation house. Dinala niya ako sa sala.

"Dyan ka lang. Bibili lang ako ng gamot." Sabi niya at tumango ako.

Pagkarating niya ay may dala na siyang gamot. Agad niya itong pinainom sa akin.

"May pain killer din akong binili. Siguro dahil sa period mo iyan kaya ka nahihilo ngayon." Sabi niya. Nagpasalamat naman ako.

"Sorry kung hindi ka nakasama papunta sa farm. Nahilo lang ako kaya hindi ako makatayo ng ayos kanina." Sabi ko.

"Ano ka ba! Mas mahalaga na maalagaan kita. Saka nakatulog ka ba ng maayos? Parang may eyebags ka." Sabi niya. Umiling ako.

"Dahil ba ito sa pinag-usapan natin kagabi? Dapat pala hindi ko muna sinabi." Sabi niya. Umiling ako.

"Okay lang ako. Kumain din kasi tayo bago matulog kaya hindi ako makatulog kagabi." Sabi ko.

"Gusto mong magpahinga? O manood ng movie? Kahit ano basta iyong makakapagpahinga ka." Sabi niya.

"Buksan mo na lang iyong TV. Manonood ako." Sabi ko at binuksan niya ang TV.

Habang nanonood ako ay nasa kusina si Dusk.

Pagkarating niya ay may dala siyang isang bowl.

"Hindi ka nga pala nakain ng breakfast kaya ginawan kita ng soup. Sana okay lang ang lasa." Sabi niya at sinubuan ako.

"Okay naman." Sabi ko.

Nang matapos na ako kumain ay nagpahinga ulit ako. Naramdaman ko na sumasakit ang puson ko.

"Ito, inumin mo itong pain killer." Sabi ni Dusk at binigay sa akin ito. Ininom ko naman ito.

"Gusto mo ng prutas? May apple syan saka watermelon." Tanong niya.

"Watermelon na lang." Sabi ko at naggayat siya ng watermelon.

Nakain lang ako habang nanonood. Hanggang ngayon ay nag-aalala si Dusk sa akin kaya naisipan niyang tawagan si Hikaru.

"Hi Celeste!" Bati nila sa akin nang sagutin ni Hikaru ang tawag.

"Tingnan mo oh! Ang lawak ng lupain! Nakapagtanim na kami kanina! Makikita mo mamaya sa videos pag-uwi namin." Sabi ni Colette.

Nagkwento lang sila doon habang pinapakita ang farm. Mage-enjoy sana ako doon kung hindi ako nahihilo at sumasakit ang puson ngayon.

"Sige, ibaba ko na itong tawag. Kakain lang kami ng lunch. Dadalhan ka namin ng pagkain pati si Dusk." Sabi ni Hikaru saka binaba ang tawag.

Dumating na sila sa vacation house. Ang dudumi ng damit nila.

"Bakit may putik ang damit ninyo?" Tanong ni Dusk sa kanila.

"Pinagtanim kami doon. Buti na labg may hats doon kaya suot-suot namin iyon habang nagtatanim. Masarap naman iyong pagkain na kinain namin doon. Ito nga pala, pagkain ninyong dalawa ni Celeste. Mainit pa." Sabi ni Hikaru sabay abot ng ulam kay Dusk.

Kumain na kaming dalawa ni Dusk habang sila ay naglilinis.

Nang matapos na kmai kumain ay nagpasya si Dusk na siya na ang maglipit. Nagpahinga na lang ako sa salas at nanuod ulit ng TV.

Nang okay na sila ay sumama sila sa akin sa panood ng TV.

"Anong gusto ninyo panoorin?" Tanong ni Hikaru.

"Horror movie?" Tanong ni Paisley.

"Good idea! Kakalabas lang ng Orphan:First Kill. Gusto ninyo panoorin iyon?" Tanong ni Hikaru at tumango kaming lahat.

Habang nanonood kami ay nakain kami ng snacks. Chichirya ang kanila samantalang akin ay prutas.

Nasa kalagitnaan kami ng movie ng bigla kaming magulat sa nangayari.

After namin manood ay nanood pa kami ng ilang movies hanggang sa gumabi na.

"Mukhang napagod kayo kanina galing farm ah." Sabi ko.

"Ang hirap pala magtanim! Itong si Johann muntik pa madulas sa putik!" Natatawang sabi ni Brielle.

"Kung nakita mo lang Celeste, diring-diri si Kayden sa lupa! Dirty daw!" Saad naman ni Colette.

"Eh totoo naman eh!" Sabi ni Kayden at natawa kaming lahat.

Pinakita nila sa akin ang videos na nakuha nila. Nakakatuwa na nag-enjoy sila sa farm.

Continue Reading

You'll Also Like

5M 101K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
15.1M 584K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
3.8M 90.7K 54
Noreen Lorelai Mendiola a high profile socialite model who admires by everyone. She can make any man kneeled by just doing a stare. Her name always r...