Zylie Claire Arizona
Nakakuyom ang mga palad ko habang nanatili nakatitig sa kanya. Bakit wala ako maramdaman? May parti sa akin gusto siya'ng lapitan subalit wari bang mas nais ko humakbang papalayo o tumakbo palabas sa silid na to. Pakiramdam ko ay bumalik sa ala-ala ko ang lahat. Nakapiring ang mata niya puno ng galos ang kahubaran ng pantaas niya. Alam ko isa na naman itong ilusyon mula kay Tenebris. Ano ba ang pakay niya at ginugulo niya ako?.
"Alam ko ilusyon na naman to" Seryoso ko wika malakas sya'ng tumawa na nakakainsulto.
"Natruma na ba kita noon? Pano kong sabihin ko totoo na to". Mahigpit ako napakuyom at pinatatagan ang loob ko.
Marahan ako umiling nagbabadya ang mga luha ko na nais kumawala. Alam ko hindi to totoo. "Hindi mo ko malilinlang Tenebris" nilabanan ko ang takot na nararamdaman ko.
"Hindi kita nililinlang sadyang pinapakita ko sayo ang katotohanan. Na hindi kayo para sa isa't isa" Walang emosyon niya'ng wika.
"Bakit ba hindi mo matanggap na nagmamahalan kami ng kapatid mo"
"Nagmamahalan? Pano ka nakakasiguro mahal ka ng kapatid ko " Nanlalabo ang paningin ko tumitig sa walang buhay niya mga mata. Hindi ko namamalayan ang pagtulo ng luha sa akin mga mata.
" Kilala ko ang kapatid ko Zylie gagawin niya ang lahat makuha ka lang.Dahil lahat ng babaeng dinala niya dito sayo lang siya nahirapan" nakangiti napapailing ito
"Alam mo ba kong bakit?" Humakbang siya papalapit sa akin. Nilapit niya ang mukha niya sa'kin at lumihis iyon sa akin tainga. Ramdam ko ang mainit niya'ng hininga tumatama sa akin balat.
"Dahil hindi ka niya kayang akitin" mahinang bulong niya sa akin. Matalim ko siya'ng tinitigan sa walang buhay niya'ng mga mata. Bakas ang ngisi sa labi niya.
Binigyan niya ng destansya ang sarili niya sa akin habang nanatili nakangisi ang labi niya, pinaglalaruan ang patalim na nasa kamay niya. Mahigpit ko kinuyom ang aking mga kamay dahil sa panginginig nito.
"At dahil nahulog ka na sa sariling plano mo hindi mo namamalayan pinaglalaruan ka lang ng kapatid ko" Nakaramdam ako ng matinding takot sa sinabi niya. Marahan ako napailing. Hindi ko siya dapat paniwalaan.
"Hindi totoo yan, a-alam ko mahal niya ako, nasasabi mo yan dahil hindi mo alam kong ano ang ibig sabihin ng pagmamahal!"
"Ano ba alam mo sa pagmamahal ? Dahil kailan man hindi mo mababago ang pusong meron siya. Pumatay siya ng libo libong babae para lang makaraos, at kaya niya'ng patayin ang lalaking nasa harapan mo ng walang kahirap hirap mapasakamay ka lang niya, yon ba ang ibigsabihin ng pagmamahal mo ang mapabago mo siya" marahan siya'ng tumawa. Nakakatakot ang paraan ng pagtawa niya wari bang nababaliw na siya!
"Hahayaan mong mamatay ang kasintahan mo dahil sa taong mahal mo?"
"Kilala ko Sage hindi niys magagawa ang bagay na yan"
"Zylie ikaw ba yan?" Wala sa sariling napaatras ako. Nanginginig ang mga palad ko hindi ko kayang humakbang papalapit.
"Ngayon na alam niya'ng nakuha ka na niya wala ng silbi ang kasintahan mo para sa kanya, ano ba ang dahilan kong bakit pinapanatili niya ang lalaking yan dito?"
"Hindi, alam ko mahal niya ako"
"Zylie! Zylie! Ikaw ba yan ! Tumakbo kana umalis na tayo dito malapit na siya umalis na tayo!" Napayuko ako patuloy ang pagluha ng mga mata ko. Pinilit ko ihakbang ang mga paa ko papalapit sa kanya.
"Zylie umalis na tayo dito! Tumakas na tayo!" Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang hikbing nais kuumawala. Dapat ay maging matatag ako hindi ko hahayaan mapanghinaan ng loob dahil sa gagong prinsipe na to
"Zylie!! Zylie" napapikit ako ng mariin hindi ko kayang makita ang kalagayan niya natatakot ako. Natatakot ako.
"I'm sorry, I'm sorry gyros "
"Zylie diba makakaalis na tayo diba gumagawa ka ng paraan para makatakas tayo dito ayoko na dito!"
"Gyros..."
"Pinapaibig mo lang siya at makakalaya na tayo diba? yon ang sabi ng lalaking kasama mo totoo yon diba" hindi ko magawang mag-angat ng tingin sa kanya Hindi ko mapigilan ang luha na patuloy parin ang pagluha.
"Zylie...mahal mo parin ako diba". Wala sa sasariling napahinto ako. Isang tanong na hindi ko kayang sagutin. Dahan dahan ako nag-angat ng tingin mula sa kanya.
"Ako parin ang mahal mo diba? Sabihin mo mahal mo ko ako parin diba ! Sabihin mo!" Humagul-gol siya at pilit na kumakawala sa kadena. Bakit ba kailangan mangyare to sa amin. Bakit kailangan mawala ang nararamdaman ko sa kanya. Bakit mas lalo ko minahal si Sage. Sa una pa lang ay plinano ko na ang lahat. Dapat hindi ako nahulog sa kanya dapat hindi ko siya minahal. Ayoko makasakit ng dahil sa pagmamahal ko sa kanya.
"Zylie! Mahal mo ko diba!" Huminga ako ng malalim. Walang pagaalinlangan ako lumapit sa kany. Sinapo ko ang magkabilang pisngi niya.
"Gyros...makakaalis din tayo dito" kumbinsi ko sa kanya.
"Gusto ko malaman mahal mo ko....mahal mo parin ako diba" Halos hindi ako makahinga dahil sa hikbi nais kumawala sa labi ko.
"Zylie sabi mo mahal mo ko" nakagat ko ang labi ko. Gusto ko pigilan ang bibig ko sa nais nito isagot.
"O-oo oo Gyros"
"Makakalis din tayo dito" Nahabag ako sa kalagayan niya. Wala sa sariling niyakap ko siya.
"Kunting tiis nalang gyros makakaalis din---"
BLAAAG
"Ahhh!" Napadaing ako nang maramdaman ko ang malakas ko pagtama sa pader kasunod yon ang mahigpit niya'ng kapit sa akin leeg dahilan ng pagmugto ng akin paghinga.
"Papatayin kita" May diin niya'ng wika. Mas tumindi ang sakit na nararamdaman ko ng unti unti ko masilayan ang kaitiman ng mata niya. Hindi ko makita si Sage na minahal ko sa kanya. Ibang iba siya ngayon. Wala ako makita kundi galit.
"Ahh...S-Sage" Pakiramdam ko ay wari bang pinipiga ang akin leeg sa subrang sakit ng pagkakahawak niya. Unti unti niya ako iniangat.
"Ginawa ko ang lahat para sayo. Pero nagawa mo ako lokuhin" Gusto ko magpaliwanag gusto ko sabihin sa kanya lahat lahat. Gusto ko sabihin na lahat ng yon ang kasinungalingan. Pero hindi ko magawa. Alam ko hindi niya ako paniniwalaan. Sa una pa lang ay totoong niloko ko siya subalit lahat ng yon ay pinagsisihan ko na.
Marahas niya ako binitawan dahilan ang pagbagsak ko sa sahig. Hinihingal ako habang hawak ko ang akin leeg.
"Mahal mo siya?" Hindi makapaniwala wika niya. Marahan siya'ng napailing habang may pekeng ngiti sa mga labi niya.
Ramdam ko ang emosyon na bumabalantay sa mga mata niya.
"Pinaniwala mo ko sa isang kasinungalingan mo, hindi mo ba ko kayang mahalin!" Marahas niya'ng hinila ang buhok ko dahilan ang pagangat ko ng tingin sa kanya.
"Sa isang mahinang katulad niya ang minahal mo?!" Marahan ako umiling. Gusto ko sabihin na nagkakamali siya na lahat ng sinabi ko ay hindi kagustuhan ng puso ko. Pero ano pa ang silbing sabihin ang nararamdaman ko? Paniniwalaan niya ba ako? Pakikinggan ba niya ako? Alam ko naman hindi niya ako paniniwalaan.
"Kong hindi ka din magiging akin" Marahas niya ako binitawan at mabilis ang mga habang lumapit siya kay Gyros. Nanlaki ang mga mata ko ng masilayan ko ang pagtutok niya ng patalim sa leeg ni Gyros na patuloy ang pagsigaw ng tulong.
"Wag!!" Nakangisi ang mga labi nakatabingi ang ulo niya na wari bang pinagmamasdan ang bawat kilos na gagawin ko.
" S-Sage ..... Nakikiusap ako sayo wag" bumilis ang tibok ng puso ko ng unti unti bumabaon ang patalim sa leeg ni Gyros.
"Wag!! Sage please" marahan ako umiling habang nakikipagtitigan sa itim niya'ng mga mata.
"Hindi ikaw to" hindi ko magawang tumayo dahil sa panginginig ng tuhod pakiramdam ko ay namanhid ito. Gusto ko siya'ng lapitan hagkan at halikan para iparamdam ko kong gaano ko siya kamahal.
"Ganun mo ba siya kamahal" may hinanakit sa boses niya na mas lalong nagpapabigat ng damdamin ko. Paulit ulit ako umiling.
"Sage..."
"Minahal mo nga ba ako Claire" Unti unting bumabalik sa abuhin ang kanya'ng mga mata. Wari bang hindi ako makahinga na halos para bang pinipiga ang dibdib ko ng unti unti ko masilayan ang luha ngayon ko lang nakita.
"S-Sage.." Peke siya'ng ngumiti habang nakatitig siya sa mga mata ko. Halo halong emosyon ang nakikita ko mula dito.
"I hate you"
"but hating you are not enough to fade away the pain you've done to me. Dahil sa oras na to unti unti mo ko pinapatay" Dahan dahan siya'ng naglakad patungo sa akin. Doble ang sakit ng marahan niya'ng hinawi ang hibla ng buhok mula sa mga mukha ko.
"Hahayaan ko pakawalan ka, dahil ganun kita kamahal"
"Sage!! Hahayaan mo lang ba to! Niloko ka niya kailan ka pa naging santo!" Singhal ni Tenebris sa kanya. Subalit wari bang wala ito pakiaalam at dinaanan niya lang ang kapatid niya.
"Sage!" Nanggagaliting wika ni Tenebris hindi ito binalingan ng tingin subalit ang paningin niya ay nanatiling nakatitig sa akin mga mata.
"Ano pa ang saysay ng pagiging mortal ko?" Nanlaki ang mga mata ko sa turan niya. Tama ba ang narinig ko?
"Anong sabi mo" rinig ko mula sa kanyang kapatid. Mabilis siyang umiwas ng tingin sa akin.
"I'm about to be a human idiot"