"Zemiragh: The Unwanted Princ...

By SsweetySakura

376K 16.9K 3K

"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planeta... More

ZTUP S1 - I N T R O D U C T I O N :
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 6
ZTUP S1 - C H A P T E R: 1 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 4
ZTUP S1 - C H A P T E R: 2 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 37
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 4
ZTUP - C H A P T E R : 6 5
ZTUP - AUTHOR'S NOTE.
ZTUP S1: SPECIAL CHAPTER 1

ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 6

4.6K 300 98
By SsweetySakura

[=Frost Bylor=] :

Hindi ko alam kung saan ko na hahanapin si Prinsesa Zemiragh ngayon.

Halo-halo na ang emosyong nararamdaman ko sa aking puso.

Gulat, pagtataka at kaba dahil sa biglaang pag sulpot ni Prinsipe Lawrence kanina.

Hindi ko rin alam kung sana niya dinala si Prinsesa Zemiragh dahil bigla nalang sila nag laho na parang bula at iniwan kaming gulat sa loob ng Cantena kanina.

Nagulat ako sa biglang pagdating ni Prinsipe Lawrence kanina dahil sa buong akala ko ay mag hihintay lamang siya sa loob ng klinika at hindi na mag abala pang sundan kami at hanapin si Prinsesa Zemiragh.

Nagtataka ako sa mga nabasa ko sa kanyang mga mata nong nasalo niya sa kanyang bisig si Prinsesa Zemiragh.

Nabasa ko ang pag alala at pag iingat niya habang hawak-hawak niya ng dalawa niyang kamay ang katawan ng Prinsesa at kinabahan ako ngayon dahil sa hindi ko alam kung ano ang ginawa niya kay Prinsesa Zemiragh.

Sana ay hindi niya ito sasaktan o paparusahan dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kung makita kong nasasaktan si Prinsesa Zemiragh.

Napabuntong hininga ako ng malalim dahil sa bakit ba ang bagal ko.

Bakit nauunahan nalang ako lagi ni Prinsipe Lawrence pag dating kay Prinsesa Zemiragh.

Bakit nasasaktan ako pag may ibang humahawak kay Prinsesa Zemiragh.

Bakit naninibogho ako pag may ibang lumapit sa kanya.

Hindi naman ako ganito pero bakit naguguluhan ako sa aking nararamdaman.

Bago lamang sa akin ang lahat ng ito kaya hindi ko alam kung ano ang tawag sa nararamdaman ko.

Napabuntong hininga nalang ulit ako at ginolo ang aking buhok dahil sa hindi ako mapakali hanggat hindi ko makikita ang mukha ni Prinsesa Zemiragh.

"Ayos lang po ba kayo, Prinsipe Frost, Prinsipe Allaister, Prinsipe Larson, Prinsipe Ermell at Prinsipe Zaire?"

Napatingin naman ako kay Prinsesa Allikya na nagtatakang naka tingin sa akin at sa mga katabi kong naka upo dito sa mahabang upuan sa loob ng klinika.

Tinignan ko naman ang mga kasama ko at hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanilang ginawa o baliwalain nalang.

Parang ginagaya kasi nila ang ginawa ko dahil nasa ulo din nila ang kanilang mga kamay na tila ginugulo rin nila ang kani-kanilang mga buhok.

"Ah- ayos lang."

Nahihiyang tugon ni Prinsipe Larson habang ako naman ay taas noo na tila wala akong ginawang kakaiba.

Wala naman talaga pero napabuntong hininga nalang ulit ako at rinig ko rin ang pag buntong hininga ng mga katabi ko.

"Hehehehe"

Napatingin naman ako kay Prinsesa Nexzia na kanina pa humahagikhik sa kakamasid sa amin lalo na sa akin.

Napailing nalang ako dito sa kapatid ni Lawrence.

Hindi ko akalain na may itinatagong kulit rin pala ito sa katawan.

"Wahhh!! Bitawan mo nga ako itlog ka."

Agad ako napalingon sa pintuan ng klinika nang marinig ko ang boses ng babaeng kanina ko pa iniisip at hinahanap.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakapatong ang katawan nito sa balikat ni Prinsipe Lawrence na parang sako.

"Tumahimik ka nga at sundin mo nalang ang utos ko."

"Sabi kong ayaw ko siyang gamutin eh."

Napakunot noo ako dahil hindi ko sila maintindihan lalo na sa utos ni Prinsipe Lawrence na gamutin ang mga taong nandito sa loob nang klinika.

Papaano naman mapapagaling ni Prinsesa Zemiragh sina Ahrimita kung wala naman siyang mahika.

.

.

.

.

.

.

.

.

[=Nexzeuss Lawrence=] :

"Saan mo ba ako dadalhin?"

Napatingin ako sa babaeng sobrang ingay na nasa aking bisig.

Mula nang makaalis kami kanina doon sa Cantena ay dinala ko siya dito sa paborito kong parte ng harden.

Hindi ko alam kung bakit gusto ko siya makausap ng masinsinan.

Basta ang alam ko ay inis at galit ako sa kanya nang makita ko ang ginawa niya kay Quinta pero nang makita ko siya kanina na nahuhulog mula sa iri ay napalitan ng pag aalala ang inis ko sa kanya.

Kahit alam kong hindi naman niya ikakamatay yong pagkahulog niya pero bakit kusa nalang gumagalaw ang katawan ko upang protektahan siya.

Hindi ako ganito noon kay Quinta.

Oo nag alala din ako minsan sa kanya pero hindi katulad ngayon kay Miragh na gusto kong nasa kanyang tabi lang ako lagi para ako ang unang po-protekta sa kanya.

"Hoy itlog, mag sasalita ka ba o hind-..."

"Tatahimik kaba o hahalikan kita?"

Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang lumabas sa aking labi habang naka dungaw sa kanya.

Ang kulit kasi niya eh.

Ang ingay sarap patahimikin.

Napalunok ako nang titigan ako nito ng mariin lalo nang ngumisi ito nang maloko at dinilaan nito ang kanyang pang ibabang labi sabay kagat.

"Bakit ka umiiwas ng tingin sa akin? Mmm?"

Nakagat ko ang aking pang ibabang labi dahil sa sobrang bilis ng kabog sa aking dibdib ng hawakan nito ang aking pisngi gamit ang kanyang malambot na mga kamay at pilit ako nito pinapatingin sa kanya ulit.

Pambihira bakit ako ang umiiwas nang tingin sa aming dalawa.

Dapat siya ang umiwas,mahiya at maasiwa dahil isa siyang babae pero bakit baliktad yata?

Hindi naman yata patas to kung mahihiya ako sa kanya.

"Bakit gusto mo ba talaga na halikan kita?"

Tinignan ko ulit siya sa kanyang mga mata hanggang sa mapadako ang mga mata ko sa kanyang mapupulang mga labi.

"Bakit gusto mo rin ba?"

Bigla nag init ang katawan ko nang ikawit nito ang kanyang mga braso sa aking leeg at bahagyang inangat ang kanyang katawan upang makalapit ang mukha niya sa aking mukha.

Sa hindi ko alam ang dahilan kung bakit parang kusa nalang umalalay ang aking mga braso upang mas lalo pang makalapit siya sa akin at magawa ang gusto niyang gawin sa akin.

Nang aakit ang bawat kurap niya lalo na ang bahagyang pag ngiti niya habang palipat-lipat ang tingin nito sa aking mga mata at sa aking mga labi.

Tahimik lang kaming dalawa habang nagkakatitigan sa isa't-isa hanggang sa napapikit nalang ako nang haplusin nito ang aking pisngi at sa hindi ko malamang dahilan ay bigla nalang nanubig ang aking mga mata.

Bakit nararamdaman ko ang mga hinahanap ko sa magaan niyang mga haplos.

Bakit parang naging isang bata akong naghahanap ng kalinga at pag aaruga.

Hindi ko alam pero bigla nalang ako napahikbi nang maalala ko ang paghihirap naming mga kapatid sa kamay ng aking mga magulang lalo na sa aking ina.

Hindi ko pa nararanasan ang ganitong pakiramdaman.

Ang pakiramdam na merun akong masasandalan sa aking mga problema.

Ang pakiramdam na merun akong masusumbongan sa aking mga hinagpis at kalungkutan.

Ang pakiramdam na hindi ako nag iisa.

Ang pakiramdam na alam kong may taong handang susuporta sa lahat ng aking gagawin.

Nakagat ko ang labi ko upang pigilan ang nag uumapaw na mga emosyon sa akin.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakakaramdam ng hiya sa kanya upang ipakita ang aking kahinaan.

"Hindi mahina ang taong umiyak bagkus ay nagpapatunay lang ito na isa kang taong may mabuting puso at nanatiling matatag sa lahat ng mga problema at pag subok."

Naidilat ko ang aking mga mata nang masalita siya at kita ko ang pag lamlam ng kanyang lumuhang mga matang sumalubong sa akin.

Mas inalalayan ko pa siya nang pilit niyang inaahon ang kanyang sarili at nang medyo umangat na nang kaunti ang kanyang ulo sa akin ay dinungaw niya ako na may magaang ngiti sa kanyang mga labi.

Tinignan ko siya ng mariin habang may saya akong nakapa sa aking puso sa hindi ko malamang dahilan.

Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin at napapikit ako nang lumapat sa aking noo ang napakalambot niyang mga labi.

Tumulo ulit ang mga luha ko na may ngiti sa aking mga labi dahil pakiramdam ko ay tila pinoprotektahan niya ako at ligtas ako sa mga bisig niya.

Hindi man nakalalaking tunay kung pakinggan pero aamin kong nakaramdam ako ng kiliti sa aking puso dahil sa ginawa niya.

Napayakap ako nang mahigpit sa kanya nang lumipat ang kanyang halik sa aking magka kabilang mga mata na may mga luha.

Mas lalo pang kumabog ang aking puso dahil sa kanyang aksyon lalo nang lumipat ang kanyang malambot na mga labi sa tungki ng aking ilong.

Pero napadilat ako ng takpan niya nang kanyang kamay ang aking bibig bago niya ito hinalikan.

Wala na sa kanyang mga mata ang tingin niyang malamlam at napalitan na ito nang isang malukong ngisi.

"Pasensya na Prinsipe kung umasa po kayo sa aking napakasarap na halik pero hindi ko ito basta-basta lamang ibibigay kahit pa sa isang katulad mo."

Hindi ko naman mapigilang mapangisi nang maloko nang taas noo itong naka dungaw sa akin na may ngisi sa kanyang mga labi at sa hindi ko malamang dahilan ay bakit parang mas nakakaakit pa siyang tignan pag ganyan.

Sobrang ganda ng kanyang mga mata na tila naka tingin ako sa gabing kalangitan na puno ng mga nag liliwanag na bituin.

"Ahhh ganun ba Prinsesa? Pwede naman siguro akong umutang kahit isa diba?"

Nanlaki ang mga mata nito nang ipagpantay ko ang aming mga ulo at hinawakan ko ang kanyang batok upang makalapit sa akin ang kanyang mukha habang ang isa kong kamay ay nakakaalay parin sa kanya at naka suporta sa kanyang bigat.

Hindi naman siya mabigat dahil maliit lamang siya at medyo may kapayatan.

"Oy, oy, oy.. sinasabi ko sayong itlog ka. Huwag mo talagang subukan kong ayaw mong babasagin ko yang nguso mo."

"Pffttttt.. hahahahahahaha"

Hindi ko na mapigilang tumawa ng malakas dahil sa hitsura niya.

Kita ko ang kaba at gulat sa kanyang mga mata ng bigla kong mas lalo pang inilapit ang kanyang mukha sa akin.

"Hahahahaha-aray."

Napatigil ako sa kakatawa nang kagatin nito ang aking balikat at ramdam ko talaga ang kanyang ngipin kahit may telang nakabalot sa aking katawan.

"Ayan tawa pa. Itlog ka talaga..hhhmpp."

Pero sa halip na magalit o mainis ako sa kanya ay napangiti nalang akong pinag masdan siya habang masama ang pagkakatingin nito sa akin.

"Teka nga. Bitawan mo nga ako dahil parang namimihasa kanang kakabuhat at kakahawak sa aking katawan eh."

"Bawal."

Sabi ko sabay iling-iling na ikinatigil niya at napatingin sa akin.

Nanlaki ang mga mata nito habang namamanghang nakatingin sa akin na ikinakunot ng aking noo.

Ano na naman kaya ang kabaliwan ang pumasok sa isipan nito at bakit ganyan ang pagkakatingin niya sa akin.

"Hala. Ang kyut-kyut mo at ang pogi-pogi mo."

"Aray!!! Bitawan mo ang pisngi ko. Ano ba. Baliw kang babae huwag mo nga kagatin ang pisngi ko. Masakit iyan. Aray!!"

Halos maluha-luha na ako nang bigla nito dakmain ang aking makabilang pisngi at pinag kukurot pagkatapos ay kinagat.

Bigla ko siya ibinaba dahil sa wala na yata talaga siyang balak pang bitawan ang aking pisngi.

Hinawakan ko ang aking magka bilang pisngi at tinignan ng masama ang dewendeng babaeng nangingislap ang mga matang naka tingin sa akin.

"Karga."

Sabi nito sa akin habang naka dipa ang mga kamay at para bang batang sabik na sabik na kargahin.

Mas lalo ko pa siyang sinamaan ng tingin nang magpapadyak ito nang hindi ko siya buhatin at sinamaan din ako ng tingin nito.

Abay! Siya pa talaga ang may ganang magalit? Eh siya nga itong nangangagat nalang bigla ng pisngi.

"Ang pangit mo. Ampppp."

Irap nito sa akin at tumalikod bago nag lakad papalayo.

"Hoy babaeng baliw saan ka naman pupunta?"

Saan na naman ba ito mag susuot at bigla bigla nalang aalis.

Hindi ko pa nga nasabi sa kanya ang gusto kong sasabihin.

"Malayo sa isang pangit na tulad mo."

Bakit parang ang dami na yatang tinatawag nito sa akin.

Yung totoo ano ba talaga ako sa kahariang ito para sa kanya?

Hindi man lang ba siya na aakit sa aking hitsura?

Nang hindi ito huminto sa kakalakad ay ginamit ko na ang aking mahika upang mag laho at pupunta sa kanyang harapan.

"Wahhhhhh!!! Mama!! Multo!!!"

"Pffttttt.. hahahahaha."

Kakaiba talaga.

Hindi ko tuloy mapagilang humahalakhak ng malakas dahil sa muntik na siyang matumba sa pagka gulat at buti nalang ay agad kong nahawakan ang kanyang bewang.

Sobrang laki din ng kanyang mga mata at nawalan ng kulay ang kanyang mga mukha na tila takot na takot talaga.

"Letsee ka!! Pag ako talaga mamatay dahil sa gulat ay wala ka na talagang masisilayan pang napakagandang nilalang na tulad ko."

Napangisi nalang ako sa pagmamalaki nito sa kanyang sarili at hindi ko na itatanggi pang sa lahat ng babaeng aking nakita ay siya lamang ang pinakamaganda na walang katulad.

"Pasensya na. Hahaha. Ikaw kasi eh, bigla- bigla ka nalang umalis na hindi ko pa nga nasabi sayo ang nais kong sabihin."

Sinamaan ako ng tingin nito at nginisihan ko lamang at hinapit ang kanyang bewang papalapit sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pero parang mas gusto ko yatang lagi nalang kaming magkalapit sa isa't-isa.

"Bakit ba ano ba yon? At pwede ba, bitawan mo nga ako."

Sa halip na bitawan siya ay mas lalo ko pang siyang hinapit papalit sa aking katawan at kita ko ang pamumula ng kanyang mga pisngi na ikinatigil ko dahil mas lalo lamang siyang kaakit-akit sa aking paningin dahil sa mas lalo siyang gumanda sa aking mga mata.

Kinagat ko nalang aking pang ibabang labi dahil sa kahit gusto ko siyang halikan ay hindi pwede.

Dahil gusto kong respituhin ang tulad niyang kakaiba sa lahat.

"Ahhmmmm... Ano- ahmm. Gusto ko sanang pagalingin mo si Prinsesa Quinta."

Kita ko ang talim nang kanyang paningin sa akin at nag bago bigla ang kanyang emosyon na ikinalunok ko ng aking laway dahil sa kaba.

Si Quinta lamang ang may pinsalang itim sa mukha kaya siya lamang ang ipapagamot ko sa kanya hindi dahil sa nag alala ako kay Quinta pero alam kong pag malaman ito ng kanyang Ama at ng Reyna sa kanilang kaharian ay baka pagsasalitaan na naman siya ng mga ito ng mga masasakit na salita.

Ayaw kong makita ang mga mata niyang puno ng luha at ayaw ko ring may lumalapit sa kanya na iba.

"Bakit hindi nalang ikaw ang gumamot doon sapagkat ikaw din naman ang nag alala diba?"

Inangat ko ang isa kong kamay upang haplusin ang kanyang pisngi na ikinatigil niya at napatingin sa aking kamay at sa aking mga mata.

"Hindi ako nag alala sa kanya. Sayo ako nag alala na baka papagalitan ka na naman ng iyong Amang Hari pag maka abot sa kanila ang ginawa mo."

"Ayaw ko."

Tinabig nito nang mahina ang aking kamay na ikinabuntong hininga ko.

"Pero baka ano na naman ang lalabas sa bibig ng iyong Am-..."

"Wala akong pakialam sa kanila at sa kahit anong sasabihin pa nito kay Mira- sa akin."

Binatawan ko ang kanyang bewang at sinakop ko ng dalawa kong palad ang kanyang pisngi at tinignan siya sa mga mata.

"Kahit sabihin mong wala kang pakialam ay hindi pwede sa akin. Dahil may pakialam ako hindi para sa kanila kundi para sayo."

"Huh? Ano ba iyang pinag sasabi mo?"

Sa halip na sagutin siya ay binuhat ko siya na parang sako at ginamit ko ang aking mahika upang maglaho at makarating ka agad sa klinika.

.

"Wahhh!! Bitawan mo nga ako itlog ka."

Kita ko ang gulat sa mga kapwa ko Ūníc estudyante na nag hihintay pala dito sa loob ng klinika.

"Tumahimik ka nga at sundin mo nalang ang utos ko."

Hindi rin naman ito para sa akin dahil pag malaman ng Ama niya na mas malakas pa siya sa kahit na sino man ay baka mag iba ang tingin nito sa kanya.

"Sabi kong ayaw ko siyang gamutin eh."

Napakatigas talaga nang ulo nitong baliw na ito.

Binabaliwa ko nalang ang nagtatakang mga tingin ng iba sa amin at binababa ang babaeng nag wawala na sa aking balikat.

Hinila ko agad siya upang pumasok sa isang silid kong saan naka higa ang mga taong may karamdaman.

Nang maka pasok na kami ay kita ko ang panlalaki ng mga ni Quinta, binibining Ahrimita at ng iba pa na gising narin ngayon.

"Ayan si Prinsesa Quinta."

"Kilala ko siya pero ayaw ko siyang gamutin."

Kita ko rin na sumunod na sa amin ang iba na nasa labas kanina at bakas parin sa kanilang mga mata ang pagtataka at pag tatanong.

Binabaliwala ko nalang sila at hindi ko mapigilang ngumiti ng ngumuso ang baliw na babae habang inaalis ang nito tingin sa akin.

Binitiwan ko ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at pinaharap sa akin.

"Para din naman sayo to. Kaya gawin mo nalang."

"R-rence? Bakit hawak-hawak mo ang kanyang pisngi?"

Binabaliwala ko ang pagtatanong ni Quinta sa akin ng ngumisi sa akin si Miragh na para bang nag tagumpay ito sa isang bagay.

"Okay este sigi pero isa muna."

Napakunot noo ako nang itunuro nito ang kanyang kanang pisngi habang malawak ang kanyang pagkaka ngiti sa akin.

"Hindi kita maintindihan."

"Hindi ko siya gagamutin kong walang isa. Hehehe."

Nagtataka ko parin siyang tinignan nang sinusundot-sundot na nito ang kanyang kanang pisngi habang ngumunguso sa akin.

Napangisi nalang ako sa kanyang kapilyahan at agad ibinigay ang kaniyang hiling at sa halip na sa gitna ng kanyang pisngi lalapat ang aking labi ay sinadya ko itong ilapat sa gilid ng kanyang labi na rinig ko ang singhapan ng lahat habang may isa namang tumili ng pagka lakas-lakas na alam kong galing ito sa aking kapatid.

"Ayon. Salamat. Muah muah. Hahahaha"

Napailing-iling nalang ako nang tumawa ito ng malakas habang lumalapit sa kamang kinahihigaan ni Quinta na umiiyak na ngayon habang masama ang pagkakatingin kay Miragh na malaki ang pagkangisi sa kanya.

.

----------

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
Blood By Morrigan Dierdre

Mystery / Thriller

7.3K 360 51
What if you wake up one day, and realized that everything has changed? Would you accept it? Started: 05-13-20 Ended: 06-16-20
20.9M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
38.2K 1.7K 52
Ilang taon na akong mag isa. Ilang taon na akong naghahanap ng sagot. Ilang taon pa ba ang gugugulin ko para dito? Hindi ako tao sa mata ng tao. Hind...