#Stillunwell
#unedited
goodnight!
TPS 27:
"Is it fa-fatal?" matapos ang mahabang pananahimik, iyon ang kinakabahang itininanong ni Yuan sa kanyang kaharap. Noong una, naiisip niya na biro lamang nang sinabi na ito na maysakit, pero sa kaseryosohan na pinapakita nito sa kanya, hindi maaring nagbibiro lang ito....
"I'm glad it's not, kaya lang-"
"Thank God." Nasapo ni Yuan ang kangyang puso na muntikan ng malaglag kanina, pero ano nga ba ang tungkol sa sakit nito? ito ang uang beses na narinig niya iyon.
"Anong narcolepsy?" umayos ng upo ang kanyang kaharap, itinaas nito ang mga tuhod at ipinatong ang baba dito.
"It is an illness that put me in sleep, pwedeng minute, pwedeng oras, depende.." mataman na nakikinig si Yuan sa bawat paliwanag ni Ran, mababakas ang lungkot sa boses nito habang ibinabahagi nito ang parte ng pagkatao nito.
Ngayon nauunawan na ni Yuan kung saan nangagaling ang pagiging aloof ni Ran sa mga tao mula noon, noong bata pa sila alam niyang may sakit ito sa puso, kay naman madalas nasa tabi lamang ito at hindi nakikisali sa mga physical activites, bawal itong mapagod. Noong bumalik ito galing America, akala niya finally makalaro nya na rin ito, pero hindi iyon nangyari.
May dahilan pala kung bakit natutulog ito sa klase noon at laging may bantay...hanggang sa isang araw, hindi na talaga ito pumasok sa school.
Ran studied Yuan expression. Mukhang malalim itong nag-iisip, sari sari na rin ang tumatakbo sa kanyang isip. Ganoon talaga, buti hindi pa siya lubos na nagtitiwala. She just wish for him to keep her secret.
"More than a decade ka ng may ganyan na sakit? Kaya hindi ka nag-aaral sa school gaya ng kapatid mo, kung bakit bantay sarado ka lagi, dahil nag-aalala sila..."Yuan said those more to himself, hanggang sa humarap ang mga mata nito sa kanya."Pero bakit ka nila ngayon pinayagan na mag-aral sa isang university na puno ng iba't ibang klase ng tao?" hindi mapigilan ni Yuan na mangamba sa kung anong posible na mangyari sakaling mapagsamantala ang tao na makatagpo dito.
"I secretly wanted this," pag -amin niya sa kaharap, pakiramdam niya sa piling nito, kayang kaya niyang magpakatotoo," gusto kong maranasan na maging normal, kahit hindi naman," gustong pawiin ni Yuan ang lungkot sa puso ng babaeng kaharap.
Ngayon mas naiintindihan niya na ito, nag-indian seat siya paharap dito, nakaangat na ang ulo nito kaya nmana hinawakan niya ang mga kamay nito na nasa tuhod nito.
"You knew about my secret, I will kill you if you expose it." Pero hindi siya natakot sa banta nito, na-cucute-tan pa nga siya kung tutuusin. Dinadaan nito sa tapang ang kahinaan niito. He wanted her to know that in front if him, she doesn't have to be someonelse. Hindi niya kailangang magpanggap at magtatapang tapangan dahil gagawin niya na panatag ang paligid kapag siya ang kasama.
"Don't worry I won't," ngiti niya dito, I wont reveal your secret, because I want you to depend on me. He didn't voiced it out but it was what his heart says. Ayaw niyang takutin ito, baka kasi iba ang maging dating nito sa kaharap, gusto niya lamang na mangako dito. Itinaas niya pa ang kanang kamay.
"From this day onwards, I will protect you how a king protect his queen, how Eugene protect his Jenny and how a princess protected by his stalker," nagtaas ang kilay nito sa kanyang huling sinabi. Gusto niya namang matawa sa reaksyon nito, wala naman na kasi sa kanya kung matawag na stalker nito. gusto niyang patunayan na hindi lahat ng stalker ay masama, hindi lahat ng stalker ay mananatiling nasa dilim lamang , o bilang isang anino.
At higit sa lahat may stalker din naman talaga na saksakan ng gwapo...at aminado siya na siya iyon!
"Kung ano ano ang sinasabi mo." Saway nito sa kanya, naglakas loob na si Yuan na hawakan ang mukha nito. Masaya ito dahil ganito na sila kalapit na dalawa. Nagbunga ang kanyang pag-pupursige at ang kanyang Push Pa More Theory. Totoo din talaga yung kasabihan na kapag may tiyaga, may nilaga....at nasa harapan na niya ang nilaga na kanyang pinaka-aasam.
Gusto niya sanang ituloy ang naudlot na kiss kanina, kaya lang....mukhang hindi tama na magmadali pa sa ngayon.
"Gusto mo bang malaman ang sikreto ko? Para patas tayo? Para may pinapatago din ako sayo?" nakatingin lamang ang kaharap sa kanya , tumingin si Yuan sa paligid, tyempo naman na may papel at pentel pen sa tabi...kinuha niya yun at nag drawing ng dalawang pakurba na linya na magkadikit, nakabukas ang ibabaw noon...sa kanan na kurba ay may nilagay na tuldok sa gitna, nakangisi na iniharap ito ni Yuan kay Ran.
"What is that?" Umubo pa ang kaharap bago nagpaliwanag, iniharap ng maigi ang drawing kay Ran.
"This is my puwet, at ito" tinuro nito ang itim na tuldok, " ito ang aking nunal sa kanang puwet, iyan ah, patas na tayo, wag mong ipagsasabi ang sekreto ko ha?" tatawa tawang sabi nito sa kanya, sa inis ni Ran, kinuha nito ang unan sa likod at pinukpok sa ulo ni Yuan.
"Pervert! Do you think I'm interested!?" patuloy niyang hinahampas ito ng unan, nakaharang naman ang kamay nito habang tumatawa.
"Tama Na!" saway ni Yuan na tumatawa, muli pa niya itong hahampasin kaya lang nasagi nio ang unan sa kanyang kamay, ang siste napadagan siya dito. Ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat ng marealize ang kanilang position.
Nakangisi pa rin ito sa kanya na parang hindi nasaktan.
"Sino sa atin ang pervert ngayon?" pangaasar nito, bigla naman nahawi ang kurtina,
"At kailan ka pa natutung mang-rape ha, prinsesa?" si Ali na nakataas ang kilay habang nakatingin sa kanila, dala nito sa mga kamay ang kanyang bag, katabi rin nito ang kanyang kaklase na si Grace na hindi makatingin sa kanilang dalawa. Agad siyang umalis sa ibabaw ni Yuan, bumaba at kinuha ang kanyang gamit.
Nagpaalam siya sa doctora na makahulugang nakangiti sa kanya.nakakahiya!
Hindi niya na matignan si Yuan. Baahala kang baliw na manyak ka!
"Ang tagal mo!" sita niya kay Ali, nauuna siyang naglakad dito, tapos na rin ang kanyang klase, at kung meron man, ayaw niya ng pasukan ngayong araw. Di niya na rin pinansin ang pagtawag ni Yuan sa kanyang pangalan.
"Ano yung nakita ko?" habol sa kanya ni Ali.
"Nothing, he was teasing me and I amt trying to kill him." Sagot niya, mukhang nagiging bukambibig niya na ang salitang kill...hindi naman siya ganoon dati.
"Parang hindi naman ganoon ang obserbasyon ko," panunukso ni Ali, nalampasan niya rin ang mga kaibigan ni Yuan, hindi na niya siguro maiiwasan kung sabihin ni Yuan sa barkada nito ang sakit niya, close ang mga iyon.
"Sasabay ka ba?" tanong ni Ran kay Ali, sumirko naman ang kilay nito..
"Para makasabay ang may sapak mong kapatid, wag na lang, may club meeting pa ako," paalam nito at madaling umalis. Pagkabukas niya , nandoon na nga ang kanyang kapatid sa loob, may pinapanood sa Ipad nito.
"Sis," lumingon siya dito na hinaharap ang ipad sa kanya, may ipinakita itong video, siya ng binato ng bola kanina...
"Tss, that was nothing,"
"Nothing for you, but not for me...binalaan ko na sila." Seryosong sabi nito, saka muling nilapit ang ipad may pinilay na video, yung lalake kanina, binabato ng maraming bola ng basketball habang nakatayo lang...nakakaawa ito habang humihiling na itigil na.
"Sa tingin mo nasa eksena ka sa isang drama? I am not pleased so stop your immature act,"mataray niyang sabi sa kakambal. Hindi naman niya kasi gusto ang ginawa nito, alam naman na rin nito na naganti na siya ni Yuan doon, no need for him to interefere. Maliit na bagay lamang iyon.
Kinuha ni Ren ang phone at may denial,"Sabi ni boss, I mean, set him free." Yun lang ang sinabi nito saka binaba ang phone. Hindi siya pabor sa ginawa ng kapatid, sa kanya iyon may atraso, pero wala naman siyang planong gumanti.
Tumingin siya sa labas...problema pa rin kapag nalaman ng kanyang daddy ito.
"Don't tell it to dad." Hindi siya nakikiusap, Inuutusan niya ang kakambal.
"Why? Dahil confident ka na na may nagbabantay sa'yo?" nilingon niya ang kapatid, ang sarap suntukin ng pagiging pakialamero nito," You told him your secret, you trust him?"
Yes she is...pero hindi niya pa iyon kayang sagutin, kaya lang magkakambal sila, kaya alam na rin nito ang sagot kahit na hindi sya magsalita.
"Figures." Ren sighed.
"Why, you don't like him?" di mapigil na tanong ni Ran, she needs his opinion, kahit naman alam nya na madalas negative ang sagot nito.
"I don't really like him," sagot nito, sabi na nga ba nya...
Ayaw talaga kahit kailan.
She open the car window and extend her arm,
"Pero kung gusto mo ang baliw na yun, may magagawa pa ba ko? Kaya lang kawawa yun kapag nagustuhan mo na, pero kasalanan niya yun eh, ginusto ka niya eh hindi ka naman mabait, tss."
Hindi niya ito nilingon.
Hindi niya rin pinatulan ang panlalait ng kanyang kakambal.
Hindi niya ito nilingon at hindi niya pinatulan ang panlalait nito dahil abala ang kanyang bibig sa pagngiti.
Mukha rin na mas maganda ang panahon ngayon dahil sa mga ulap na kanyang nakikita.