Once Upon A Book

By phoeberryah

118 0 0

They first met at the library. Will this place also be their last moments together? More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48

Part 15

1 0 0
By phoeberryah

Nag-ayos na ako para sa date namin ni Hikaru mamaya. Nagsuot lang ako ng simpleng yellow dress, naghikaw at nagsuot ng necklace. First date ko ito kaya nag-ayos talaga ako.

Hindi na ako nag-high heels tutal concert naman iyong pupuntahan namin kaya nag-sandals na lang ako.

Nang 5:45 PM na ay tumawag sa akin si Hikari.

"Ready ka na?" Tanong niya.

"Yup." Sagot ko.

"Alright. Nasa labas na ako ng bahay ninyo." Sabi niya.

"Ang aga mo naman!" Saad ko at sinuot na ang sandals ko.

Nang lumabas ako ay hindi ko makita si Hikaru. Tanging ang kotse lang niya ang naandoon.

Lumabas siya sa gilid ko saka inabot sa akin ang bulaklak.

"Hindi ko alam kung mahilig ka sa flowers pero pinili ko iyong pinakamaganda at mabangong bouquet na nasa flower shop. Sana magustuhan mo iyan." Sabi ni Hikaru.

Kinuha ko naman abg bouquet sa kanya. "Salamat." Sabi ko.

Nang nakasakay na kami sa kotse niya ay nilagay ko muna sa likod ang flowers na bigay niya sa akin.

Nang makarating na kami sa venue ay maraming tao ang nakapila. Pumila kami kung saan iyong VIP.

"This way po ma'am and sir!" Sabi ng staff doon at pumasok na kami.

Buti na lang at VIP seated ang kinuha ni Hikaru kaya hindi mahihirapan ang legs ko habang may concert na.

Umupo na kami sa designated seats namin. Nagpaalam sa akin si Hikaru na bibili siya ng inumin at snacks kasi ilang oras din kaming manonood ng concert.

Nang magsimulaa na ang concert ay diretso lang akong nanood at kumakanta habang nakanta rin sila. Ang saya pala manood ng concert.

"Sino ang mga single dito?" Tanong ng singer.

Marami naman ang sumigaw from the crowd.

"Sino naman ang kasama ang mga mahal nila?" Tanong ng isa pang singer.

Nagsigawan naman ang may mga jowa.

"Sino naman ang mga nasa getting to know stage? Or malapit ng sagutin?" Tanong pa nila.

Naghiyawan ang mga tao na nasa crowd.

"Next song na kakantahin namin ay 'Upuan!'" Sabi ng singer at nagsimula na kumanta.

Nakikanta rin ako. Hindi ko namalayan na nakatitig pala si Hikaru sa akin sa buong oras na nasa concert kami.

Nang matapos na ang concert ay nagpapicture kami sa banda ng Ben&Ben. Dahil VIP kami, may chance kami na makipag-interact sa kanila ng ilang minuto at magpa-picture.

Nilapitan kami ng isang bandmate.

"Mag-jowa ba kayo! Bagay kayo sa isa't isa!" Sabi niya.

"Nako hindi po! Magkaibigan lang po kami." Sabi ko.

Inakbayan naman ako ni Hikaru.

"Actually, sasagutin na niya ako mamaya. Thank you po!" Sabi ni Hikaru. Namula naman ang mukha ko.

After naming magpa-picture ay sumakay na kami ng kotse.

"Grabe! Nakita ko ng malapitan ang Ben&Ben tapos nakapagpa-picture pa tayo!" Sabi ko.

"Oo nga eh." Sabi ni Hikaru.

"Ano nga pala ang sasabihin mo sa akin?" Tanong sa akin ni Hikaru.

"Ay oo nga pala. Before that, pwedeng kumain muna tayo ng dinner? Nagutom ako dahil buhos ang energy ko kakapanood kanina." Sabi ko.

"Baka kakasabay kakakanta sa kanila." Sabi ni Hikaru at natawa kami pareho.

Nang makarating kami sa tapat ng isang nagarbobg restaurant ay sinabi ko na sa fast food na lang kami kumain. Nag-insist si Hikaru kaya um-oo na lang ako.

"Pagbibigyan kita kasi birthday mo na bukas." Sabi ko. Nagulat naman siya at napatingin sa akin.

"Paano mo nalaman na birthday ko na bukas?" Tanong niya.

"Sinabi sa akin ni Dusk." Saad ko. Tumango siya.

Habang nakain kami ay nagkwentuhan lang kami sa nangyari sa concert.

Nang matapos na kami kumain ay naisipan ko na dito na sabihin ang gusto kong sabihin.

"Hikaru..." Sabi ko.

"Yes?" Tanong niya.

Naalala ko na may gift nga pala akong binili sa kanya.

Bago kami umalis ng concert venue ay may nagtitinda ng merch ng Ben&Ben. Sinabi ko na magc-CR lang ako pero ang totoo ay bumili ako ng merch.

"Hindi ko alam kung marunong kang maggitara pero ibinili kita nito. Sorry kung hindi naka-guft wrap. Kakabili ko lang nyan kanina eh." Sabi ko at inabot sa kanya ang paper bag na may guitar pick.

"May signature iyan ng Ben&Ben." Saad ko pa.

"Salamat dito! Pwede ko itong gawing necklace." Sabi niya. Napangiti naman ako.

"Uhmmm... about sa sasabihin ko. Ah ano..." Sabi ko ng may boses na naghe-hesitate.

"Ano iyon? Huwag kang mag-hesitate. Sabihin mo sa akin kung ano'ng gusto mong sabihin." Saad niya.

"Friends pa rin ba tayo after nitong date natin?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang sana i-confirm para alam ko na friends pa rin tayo after nito." Sabi ko.

"About that, may gusto akong sabihin sa iyo bukas but I'd rather ask you today." Sabi niya.

Tumahimik muna siya saka huminga ng malalim.

"Can I court you starting today?" Tanong niya. Natameme naman ako.

"Uhmmm..." Iyan lang ang nasabi ko.

Two times in a row na ako natameme sa sinasabi ni Hikari sa akin. Isip ko.

"Do I have to answer that right away?" Tanong ko.

"Hindi naman." Sabi niya.

Whew! Buti naman. Isip ko.

"Anyway, what would you like to tell me?" Pag-iiba niya ng topic.

"Ah ano. Sasagutin ko na pala ang tanong mo about courting me." Sabi ko.

Kinabahan naman siya kasi napaayos siya ng upo.

"Could we stay as friends?" Tanong ko sa kanya.

"Sure, as long as I can talk to you comfortably and  same for you, I would gladly accept your decision." Sabi niya.

"Thank you for understanding. First time lang kasi na may nagtanong sa akin na gustong manligaw kaya hindi ko alam ang sasabihin ko." Sabi ko.

"It's alright. First time ko rin naman magtanong kung pwede akong manligaw to the girl that I like." Sabi niya at namula ang mukha ko.

"Kailan mo pala ako nagustuhan?" Tanong ko sa kanya out of curiosity.

"Since the day we first met? Pero I think I've seen you before meeting you already." Sabi niya.

"Ah! Sa coffee shop na pinagtra-trabahuhan ni Dusk! I was there qaiting for him nang makita ko na kinausap ka niya. I asked him who he was talking to and he said that he just met you that day." Sabi niya.

"Oh. So matagal na pala." Sabi ko.

"Yeah." Sabi niya at tumahimik ang paligid.

Nang makarating na kami sa tapat ng bahay ko ay nagpasalamat ako sa treat ni Hikaru sa date namin ngayon.

"You're welcome! I enjoyed our date! Thank you for being honest with me about your feelings. I hope I don't made you confused with what I said earlier." Sabi niya.

"Ano ka ba! Wala iyon! Basta friends pa rin tayo ha?" Sabi ko.

"Of course! Sige pumasok ka na sa inyo! 11 PM na." Sabi niya at pumasok na ako sa loob ng bahay namin.

Dumating na ang ilang weeks at bakasyon na namin. Nakaraos ako sa first semester as a first college student.

Magme-meet kami ni Colette sa coffee shop mamaya para asikasuhin ang aming enrollment. Mga kailanganin lang before enrollment para kapag day na ng enrollment ay pipila na lang kami.

"Colette!" Tawag ko sa kanya.

"Tara na?" Tanong ko at pumunta na kami ng school.

Pagkatapos namin asikasuhin ang dapat asikasuhin ay naisipan naming maggala.

"Ukay-ukay here we come!" Sabi ni Colette at pumasok na sa ukayan.

Mahilig kami mag-ukay-ukay ni Colette kaya during wash day namin sa university ay iyong nga ukay-ukay namin ang sinusuot namin. Minsan pa nga ay naghihiraman pa kami ng damit.

"Ang daming magaganda ngayon beh! Tapos 20 pesos lang all items!" Sabi ni Colette habang limang damit na ang bitbit. Tatlo pa lang ang damit na nagugustuhan ko.

Pagkatapos namin mag-ukay ay kumain na kami ng lunch. Kumain lang kasi sa fast food restaurant.

"May work ka ba mamaya?" Tanong ni Colette sa akin.

"Yup. 1 PM." Sagot ko.

"Sige. Sama na ako sa iyo papunta ng coffee shop. Ime-meet ko si Kai doon." Sabi niya. Tumango ako.

"Bakit? May date kayo ano?" Tanong ko at namula ang mukha niya which means tama ako.

"Kailan mo siya sinagot? Tinanong ka ba niya kung gusto ka na niya naging girlfriend?" Tanong ko.

"Actually, pinarank ko siya na huwag na akong ligawan. Akala naman niya ay itigil na niya ang panliligaw at mag-stay as friends. Muntik na nga siya umiyak kung hindi ko pa sinabi na I want to be his girlfriend eh." Sabi ni Colette.

"Ikaw talaga! Ang tagal ka kaya hinintay ni Kayden bago mag-make ng move sa iyo! Palibhasa kasi sa iba ka nakatingin kaya hindi mo siya nakikita noon. Napansin ko na dati simula noong nasa choir pa tayo. May pagtingin na talaga siya sa iyo. Ikaw lang itong sadyang manhid!" Sabi ko.

"Malay ko ba!" Sabi niya at natawa na lang kami pareho.

Pagkarating namin sa Coffee Bean Heaven ay naandoon na si Kayden. Binati namin ang isa't isa saka ako nag-ayos na.

The usual naman ang ginawa ko sa coffee shop. Nag-bake ako tapos habang nasa oven ang bina-bake ko ay minsan sa cashier ako. Sabi naman ni Ate Daisey na gawin ko lang ang gusto ko kaya natulog ako hangga't may time ako.

Nang wala masyadong customer ay nagpahinga muna ako at uminom ng frappe.

Umupo muna ako sa isang table kung saan wala masyadong tao. May umupo naman sa harap ko at inilagay sa lamesa ang isang doughnut at isang Spanish bread.

"Kainin mo iyan. Wala pa naman masyadong customers." Sabi ni Hikaru.

"Thank you." Sabi ko. Tumango naman siya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya siya na lang ang nagsalita.

"Anong ginagawa mo tuwing bakasyon bukod sa work?" Tanong ni Hikaru sa akin. Napatigil naman ako kumain.

"Pagkauwi ko ay nanonood muna ako ng Kdrama habang nagpapahinga. Minsan naman ay nagpa-practice ako mag-bake sa bahay para gamay ko na kapag gagawin na dito sa coffee shop." Sagot ko.

Tumango siya. "Are you free this Sunday? Gala lang? Mag-rewind? Tutal bakasyon pa naman." Sabi niya.

Dumating naman sina Johann, Paisley at Brielle at narinig ang sinabi ni Hikaru.

"Gala? Where? Pwede ba kaming maki-join?" Tanong ni Brielle. Tumango naman sina Paisley at Brielle bilang pagsang-ayon.

"Oo nga! Never ko pa nagagamit ang vacation leave ko kaya pwede akong sumama." Sabi ni Johann.

"Same here!" Sabi naman ni Paisley.

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko.

"Saan nga ba?" Tanong ni Johann at napaisip kaming lahat.

"Gusto ninyo mag-bakasyon tayo sa Boracay? My mom owns a vacation house there." Sabi ni Hikaru. Natuwa naman kaming apat.

"Sure! Anong oras ang alis?" Tanong ni Paisley.

"Tomorrow at 8 am since bya-byahe pa tayo." Sabi ni Hikaru.

"Okay! Kaso Sunday na bukas. Ilang days tayo doon?" Tanong ko kay Hikaru.

"As much as we like but we have work. Nagpaalam na naman ako kay Ate Daisey na we will be having a vacation so a few days of the coffee shop being closed wouldn't hurt." Sabi ni Dusk. Tumango ako.

Nagtatalon naman sa excitement iyong tatlo.

"OMG! Bakasyon sa Boracay? Yes please!" Sabi ni Brielle.

"Ano pala ang mode of transportation natin papunta doon?" Tanong ni Johann.

"I will rent a van for tomorrow. Gagamitin natin papunta at pabalik dito." Sabi ni Hikaru.

"Shall we go home already? Maaga pa tayo bukas. Mag-iimpake pa tayo." Sabi ni Hikaru. Tumango kaming lahat at umuwi na.

Continue Reading

You'll Also Like

119K 5.9K 42
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
24.2M 708K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
15.1M 585K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
4.5M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy