Chapter 28
Boyish Reincarnated As Princess
Hating gabi na ay hindi mapakali ang lalaking kanina pa naghihintay na makapasok sa kwarto nang babaeng kanyang hinahanap matagal na panahon na.
"Caxyn.." Hinahaplos nito ang mukha nang dalaga, alam nyang si caxyn na nga ang kanyang hinahanap at hindi ang babaeng iyon.
Nangdahil sa paghaplos haplos nang lalaking ito ay naalimpungatan si caxyn pero hindi parin ito namulat.
"Caxyn.." Tawag muli nito sa pangalan ng babae at hinalikan sa labi nang biglang iminulat nang babae ang kanyang napakagandang mga mata para itong nanghihipnotismo..
Nagulat naman si Caxyn at hindi nakapagsalita agad nang bigla siyang halikan ng hindi nya kilalang lalaki na nasa loob nang kanyang silid, nang makawala siya sa halik ay bigla nalamang siyang sumigaw kaya nagulat ang lalaki..
"Dad!!!!" sigaw ni caxyn na syang nagpagising sa ama nito, dali daling nagpunta ang ama ni caxyn sa silid nang anak at nakita ang lalaking iyon..
"Caxyn anong-" nagulat ang ama nang makita ang prinsipe nang kahariang bampira.
"Ha! mahal na emperador, kamusta na ang iyong pagtatago" saad ng prinsipe nang mga bampira na si Blake.
"Prinsipe nang mga Bampira, ano ang ginagawa mo sa loob ng silid ng aking anak!" sigaw nang ama ni caxyn o ang tinawag na emperador nang prinsipe.
"Dad hinalikan ako.." parang nandidiring saad ni caxyn.
"Caxyn.." tawag ng ama nito kaya lumapit sya dito.
"At anong mahal na emperador, what the h*ll?" sigaw ni caxyn muli habang pinupunasan ang kanyang mga labi.
"Haven't you told her, Emperor?" tanong ni blake.
thefuck?
"Caxyn, you are supposed to marry me" dugtong nito.
"Eww mandiri ka kuya!" saad ni caxyn.
"Caxyn, paguusapan natin ito mamayang umaga, prinsipe magusap tayo.. hayaan mo ang anak kong magpahinga kakalabas nya lang sa hospital," saad nang emperador o tatay ni caxyn.
"Dad" tawag ni caxyn pero tiningnan lang sya nang tatay na parang sinasabi ay magpahinga na sya.
"Fine" dugtong nito
Nagumaga na kaya nagising nako, nakakainis ano kaya ang pinagusapan ni dad at nung lalaking maputla.
"Caxyn.." Tawag ni ate sabel.
"bumaba kana daw sabi ni sir" saad nito.
"Mmm, sige ate.." saad ko at bumaba na sa hapagkainan at kung minamalas nakita ko si kuyang maputla.
"Good morning, princess" saad nito habang nakatingin sakin, problema nito?
Itinuro ko ang sarili ko sabay sabing. "Me?" tumango ito at tumawa.
"Look here you looking vampire guy, I am not a princess and plus are you a psychopath, kissing someone on their sleep. And lastly will you please leave" napapa- english din tuloy ako.
"My name is blake not kuyang maputla, you're my princess though? and kissing you on your sleep is romantic." sagot nito sakin.
Romantic my face!
"Vamp-" pinutol nya ang sinabi ko.
"Blake, caxyn" saad nito.
Blake..
"Oo kuya blake-" pinutol nanaman.
"Blake lang walang kuya, shan" saad nitong muli.
shan..
"Okay, stop. do not speak a word " saad ko dito.
"Dad, just who the h*ll is this vampire looking guy?" i asked dad.
"Anak kailangan mo nang malaman, Isa kang prinsesa sa ibang mundo at ako ay isang emperor ang iyong ina ang aking empress.. nagkaroon nang labanan noong maliit kapa, iniligtas ka nang iyong ina, buhay pa sya natutulog sa ating kaharian, lumisan tayo sa immortal realm upang maligtas ka.. ito ang hiling ng iyong ina bago sya maka-tulog nang matagal.." huminga muna nang malalim si dad bago magpatuloy, wala akong maintindihan..
"Lumisan tayo sa immortal realm para sayo, dahil dumating ang propesiya noon.. ikaw ang magmamana nang kapangyarihan nang diwatang catastrophe, wala kaming magagawa sinalakay tayo nang kalaban noong nabuksan ko ang totoo mong kapangyarihan nanghina ang iyong ina dahil sya ang naaapektuhan nang kapangyarihan mo kung kayat nakatulog sya nang matagal pero hindi mo ito kasalanan, sadyang nasa tamang panahon iyon ngunit hindi maayos sa oras na iyon.. Namana mo ang kapangyarihan ni diwatang catastrophe ang kaibigan namin ni Nixyn ang iyong ina, naghimagsik si callisa isa sa mga kandidato noon na maging isang diwata kasamahan si Seria, at si Flare, si Seria at Catastrophe ang naging diwata samantalang si Callisa, ang iyong ina na si Nixyn at Flare ay hindi pero naghimagsik si Callisa dahil hindi sya napili bilang isang diwata, At doon nagsimula ang lahat.. nagkaroon ng lamat sa pagitan nina Flare, Seria, Nixyn, Catastrophe at Callisa.." Pagpapatuloy ni dad nakikinig lang ako..
Hindi ko alam to, sina ate sabel si kuya noell ay isa rin saamin mula sa immortal realm?
"Naghimagsik si Callisa, at ipinagbubuntis ka ng iyong ina noon.. naglaban si Callisa, Catastrophe at Seria noon, samantalang sina Nixyn ang iyong ina at si Flare ay pinapatigil si Callisa.." saad nuli nito I'm overwhelmed by the sudden confession of the truth.. hindi ko na alam.
"Hindi tumigil si Callisa na syang dahilan upang sya ay gamitan nang mahika ni catastrophe upang makatulog nang mahabang panahon, naging payapa muli noon ang lahat pero simula nang ipanganak ka nang iyong ina ay nawala si Catastrophe.. ipinaliwanag ni Seria ang lahat na napunta sayo si Catastrophe at hihina ang kapangyarihang nagpapatulog kay Callisa, nawala ka noon dahil dinakip ka ng kalaban at dahil doon ay aksidente mong nabuksan ang kapangyarihan nyo ni catastrophe na natutulog nang ilang taon.. at dahil doon ay naghimagsik muli sila at tinapos mo ang buhay nilang lahat at doon na nakatulog ang iyong ina, hindi sya nawala.. inaalagaan ni Seria ang iyong ina Kasama si Flare.." saad ni dad nang biglang sumakit ang ulo ko.. parang may pumapasok na mga alaala na matagal nang nakatago sa karimlan..
At doon nawalan ako nang malay.
------------
The Past..
"Come on Catastrophe! ang bagal mo baka mahuli tayo sa heaven realm, alam mo namang matagal na nating gusto maging diwata.." Saad nang isang magandang boses, may sinabi syang pangalan!? si Diwatang catastrophe!
"Oo na Callisa, at hindi tayo mahuhuli ano ba yan nandito si Seria o.. Hindi ba kaya nyang magteleport don sa heaven realm?, At kaya lang naman gusto kong maging diwata eh dahil gusto nyo!" Nakangiting wika ni Diwatang catastrophe, maganda rin ang boses nya..
Pero teka lang bakit ba ako nandito sa lugar nato, pinapanood ko sila pero hindi naman nila ako nakikita..
"Hoy hoy, bat ako nanaman ha catastrophe!? pagod ako, alam mo namang may pinagawa sakin si Maestro eh." Umaangal na saad nung sinabi nilang Seria..
"Ako nalang kaya?" Parang nagbibirong saad nung babaeng maganda rin, hindi ko lang alam ang pangalan nya..
"Nako Flare, tumigil ka natatandaan mo ba noon nung naligaw tayo dahil sa teleportation mo?" Tumatawang saad ng isang boses, alam ko ang boses at kung kanino iyon.. napalingon ako upang makita si Mama.
"Nixyn naman eh!" angal nung si binibining flare.
"Oo na nga, ako na" nagsalita muli si Diwatang catastrophe..
"Yes!" Excited na sabi ni Binibining Callisa.
"Okay" Pagod na ata yung si Diwatang Seria.
"Mmm" Si Flare.
"Sige" si Mama yon.
Nagteleport sila sa heaven realm, pero nagulat ako nang mapunta rin ako doon.
"Hoy meron ba kayong naramdaman?!" tanong ni Binibining Callisa.. " Huh!? ano ba yon Callisa?" parang takot si Diwatang Seria.
"HAHAHA wala ang sasabihin ko, sana mapili tayong lahat ano!?, marami rin kasing kandidato eh.." Saad ni Callisa.
"Pero kamusta na pala kayo ni Caston, Nixyn?" Tanong ni Flare.
"Wala.." sagot ni mama, " sabihin mo na kasi Nixyn!!" si Flare ulit.
"Kalmado lang!" si mama.
"Kayo ba ni Ashton!?" pagpapatuloy ni mama.
"Wala din.." si flare.
"Wala daw, nakita ko kayo magkausap doon sa puno nang buhay!" si Seria.
"Wala yon! nagtanong lang yung tao eh!" si flare.
"Tama na yan, nandito na tayo" biglang nagseryoso ang mga mukha nila nung binanggit iyon ni diwatang catastrophe.
"Making ang lahat nang nandirito ngayon sa Silid ng katotohanan sa heaven realm!" Biglang sumigaw yung MC ata.. " Ilalagay ang pangalan ng mga nakapasa sa Dingding, isasabit ito.. Ngunit bago kayo makapasa ay ito na ang huling pagsusulit!" Kadugtong ng sinabi nito.
"Akala ko walang huling pagsusulit?" si Callisa.
"Hindi ako nakapaghanda, lagot!" si Flare.
"Lahat tayo.." Si Diwatang catastrophe.
"Ang huling pagsusulit ay sasagutin lamang ang katanungan.." iyon ang sinabi nung MC ata.
Marami ang naririto sa silid daw ng katotohanan, pero kada tanong sakanila ay walang nagsalita.. wala ding naiilagay sa nakasabit sa dingding.
"Catastrophe!" sigaw nung MC.
Hindi ko marinig ang tanong pero alam kong nagulat si Diwatang catastrophe, pero sumagot sya.. At pagkaalis nya doon ay nakalagay na ang pangalan nya sa dingding, isa na syang ganap na diwata.
"Seria!" ganoon din ang nangyari kay Diwatang Seria.
"Flare!" si flare na pero pagkatanong sakanya ay bigla nalamang syang napaupo, kita ko ang takot at gulat sa mga mata nya.. nagtanong muli ang MC pero hindi nakasagot si Flare..
"Flare! ayos kalang ba!?" si Callisa iyon, tiningnan lamang siya ni flare na parang ayaw na nya..
"Oo.." sagot ni flare.
"Nixyn!" si mama na, mukhang nagulat din si mama pero nakabawi sya.. sumagot sya pero nakatingin sya kay Callisa..
nang umalis si mama doon ay hindi kasama ang pangalan nya sa nakapasa.
"Callisa!" sumigaw ang MC, doon ay nagpunta si callisa.. at doon ay narinig ko ang tanong.
"Callisa, kung papipiliin kita.. sasabihin ko sayo, naging diwata na si catastrophe at seria hindi natanggap si nixyn at flare.. Paano ka?" saad nito kay callisa at nagpatuloy.. "Papipiliin kita, kung papatayin ko ang mga kaibigan mo at iisang lang ang pwede mong iligtas! sino iyon?" tanong nito.
"Bakit ganyan ang tanong.." sagot ni Callisa.
"Mali, pangalawang tanong.. Sasakupin mo ba ang buong Immortal Realm?!" tanong nung MC, bakit ganon ang tanong.
"Hindi!" saad ni callisa.
"Pangatlong tanong, bakit anak ka ng kalaban callisa!?, bakit ka umalis sa kahariang kadiliman?" tanong nito kaya naman nagulat si Callisa.
"Hindi! hindi!" sigaw ni Callisa.. umalis na sya doon at hindi nalagay ang pangalan nya sa dingding.
-----------