Reincarnated as a Stupid Daug...

By DemLux_Pain

6.3M 326K 236K

Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey... More

RSDMB
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
CHARACTERS (So far)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96

Chapter 86

76.6K 4.1K 5.5K
By DemLux_Pain


Napatingin ako sa dalawa nang marinig ang kanilang mga sinabi. Ngayon pa lang ay alam ko nang hindi magiging maganda ang takbo ng araw ko.

Sa ingay ni Clive ay siguradong sasakit na ang ulo ko sa kaniya. Idagdag mo pa si Deyl na sobrang landi at talagang tinawag pa akong "my love" niya kuno.

"Geez! Kalma ka lang, Carnelia! Hindi naman siguro sila magtatagal dito kaya chill lang dapat tayo ngayon."

"Venven? Are you so stunned that you can't speak?" Nakangiting sabi ni Clive at lumapit na sa'kin.

 
"My love, don't worry! Don't pressure yourself. It's just us." Singit naman ni Deyl na talagang hinawakan pa ang kamay ko.

My goodness! Kung alam ko lang na may mga baliw pala na sasalubong sa'kin sa pagpunta sa opisina ni Lieutenant ay hindi na sana ako tumuloy.

Kaya naman pala nakaramdam ako ng kakaiba nang mabasa ko ang message ni Clive kahapon. May balak palang mambulabog ngayon. Aish!

Tinignan ko na lang sila habang pinoproseso ang nangyayari sa harap ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin natatapos ang pagbabangayan nilang dalawa. Para na nga akong ilusyon dito na hindi nila nakikita dahil sa patuloy nilang pagbubunganga.
 

"Hey, I told you to stop calling her like that! Haven't you learned your lesson?" Maangas na tanong ni Clive sa pinsan niyang naka-poker face lang. Kung makapagsalita nga siya ay parang bang may pinagpalalaban siya. Siraulo talaga!

 
"I didn't study, so no." Kibit-balikat na sagot naman ng isa pang animal na lalong kinasakit ng ulo.

Sigurado ako kapag hindi ko pa sila inawat ay baka umabot pa 'to sa patayan. Kaya bilang mas matino na nilalang sa kanila ay nararapat lamang na pigilan ko na sila. Hehe!
 

"What the hell?!" Inis na tanong ni Clive na akmang susugurin na si Deyl.

Bago pa siya makalapit ay agad na akong pumagitna sa kanila na agad nilang kinatingin sa'kin. Mabuti sana kung simpleng tingin lang, pero hindi ehh. Sabay nila akong sinamaan ng tingin na para bang naistorbo ko ang away nila. Geez!

 
"A--ahmm... Stop fighting." Kunwaring kinakabahan kong sabi kahit pa na gusto ko na silang sapakin dalawa.

Hindi ba sila makaramdam na hindi ako masaya na nandito sila dahil alam kong sakit ng ulo lang ang ibibigay nila sa'kin?! Napahinga na lang ako nang malalim at ngumiti sa dalawang nakatingin na sa'kin.  
 

"Okay, Venven!" Nakangiti nang sabi ni Clive at kinuha ang hawak-hawak kong bag.
 

"Sure, I'll listen to you." Sabi din ng isa habang tumatango-tango pa.

"Aiya? Bakit parang may mga bata akong kasama ngayon na kailangan kong alagaan? Seryoso? May mali sa magpinsan na 'to ehh!"

Tuluyan na akong pumasok sa loob ng opisina. Hindi ko namalayan na napatagal pala ang tayo ko sa may pinto dahil sa dalawang animal na kasama ko ngayon.

Pagkapasok ko ay agad na napansin ng mata ko ang mga pagkain na nasa lamesa. Pamilyar sa'kin ang mga itsura dahil nakakain ko siya dito sa Atlante, pero yung mga pangalan nila ay hindi ko kabisado.

Sa totoo lang ay ayoko nang alamin kasi baka kung ano-ano na namang natripan ng author sa mga pangalan. Kaya mas mabuting kumain na lang ako kaysa magtanong pa. Baka hindi ko na mapigilan yung tawa ko sa susunod, edi napagkamalan pa akong baliw.

 
"So, bakit kayo nandito, young master?" Tanong ko sa kanila nang makaupo na ako sa upuan.
 

"Syempre para bisitahin ka, Venven!" Nakangiting sabi ni Clive na sinasandukan na ako ng pagkain. Napataas na lang tuloy ako ng kilay nang makita ang ginagawa niya.
 

Bakit parang napapansin ko ang hilig ng mga male characters na sandukan ako ng pagkain? Nasa ugali na ba nila 'yon at hindi ko lang maalala sa nobela? Hmm... Ang weird!

Napadako na lang ang paningin ko kay Deyl nang marinig na nagsalita na siya. Katulad ng ginagawa ni Clive ay hindi rin nagpatalo ang animal dahil siya na rin ang naglagay sa'kin ng inumin sa gilid. Seryoso?! Nababaliw na ba 'tong mga 'to?

"Yeah, I was about to visit you alone, but this monkey beside me wants to go with me. Tsk! So annoying!" Inis na sabi ni Deyl habang sinasamaan pa ng tingin ang pinsan niya.

Ako naman na tahimik lang ay hinintay ang susunod na banat ni Clive dahil siguradong hindi siya magpapatalo.

 
"Hey! Who asked for Uncle Lieutenant's permission? Isn't it me?!" Sabi pa ni Clive habang nakaturo sa sarili.

Sa itsura niya nga ay para bang hindi inis na inis siya kay Deyl sa hindi ko malamang dahilan. Aiya! Anong nangyari sa dalawang 'to at parang may alitan sila sa isa't-isa?

"Yeah, right! You're so shameless that you have the guts to call him late at night!" Sigaw pa ni Deyl habang may hawak-hawak na kutsilyo ngayon.

Napalunok na lang tuloy ako sa gilid dahil sa nakikita. Hindi kasi kalakihan ang lamesa dito sa opisina ni Lieutenant, kumbaga apat na tao lang ang kakasya. Kung kaya't ngayon ay nasa gitna ako nakaupo, samantalang nasa magkabilang dulo naman nakatayo ang mga animal.

Kaya naman nagmukha lang akong spectator sa away ng dalawang animal. Kung tutuusin ay para akong nasa sabong sa kakaputak ng mga 'to. Pasimple na lang akong kumain at hinayaan silang magbangayan.

"That's not being shameless; I'm just smart! I called him late at night to annoy him so that he would give me a yes. I bet he's going to be surprised if he saw us here!" Agad namang sabi ni Clive na kinatango ko sa gilid.

Akalain mong may naisip din pala ang baliw na 'to na hindi kalokohan. Sa mga panahon kasi na nandito ako ay wala akong nakitang pagkakataon na seryoso ang animal na 'to. Minsan tuloy ay nakakalimutan kong Lucretius siya at kuya ng male lead!

Idagdag mo pa 'tong si Deyl na parang nagkaroon na rin ng defects. Ang mga Leywin kasi ay mas involve sa Government Sector at sila ay kamag-anak nila Vile sa side ng mga Lucretius. Samantalang ang mga Roosevelt naman ay kamag-anak nila sa side ng mommy nila.

Kung pagbabasehan ang lakas nila sa pagkikipaglaban ay higit na mas malakas itong si Clive kaysa kay Deyl no! Isa ba namang miyembro ng Lucretius ang animal ehh!

Mukha lang talagang baliw 'to kaya minsan ay hindi mo maiisip na kamag-anak siya nila Venom. Aiya! Bigla ko tuloy naalala si Cabell dahil sa kaniya. I miss that kid!

"Don't fight and let's just eat, young master." Singit ko na sa bangayan nila.

Kumain na lang ako nang tahimik at hindi na sila pinansin. Kaya lang agad na nahagip ng mata ko ang nakasimangot na si Clive na parang bata sa itsura niya ngayon. Problema niya?

"Bakit? May problema ba, young master?" Tanong ko sa kaniya habang nginunguya ang pasta na kulay brown ang sauce.

Hindi ko nga alam kung saan gawa 'to at ganito ang kulay pero masarap naman siya, kahit pa na mukha siyang tae na hindi ko maintindihan. P--pfft! Ehem! Kumakain ka, Carnelia, kaya huwag kang mag-imagine!

Nawala sa tae--este sa pasta ang atensyon ko nang magsalita na ang animal.

 
"Venven, how many times do I have to tell you that you should stop calling me that?" Parang bata niyang sabi na pasimple ko na lang tinarayan.

Kung umasta 'tong animal na 'to ay para bang mas bata pa siya kay Heavenhell. Wala akong tatanggapin na ganiyan umasta maliban kay Vile. Ang daddy ko lang ang papayagan kong umasta ng ganiyan sa harap ko. P--pfftt! Ehem! Ang landi, Carnelia ahh!

Pero in fairness naman dahil ang cute nitong si Clive kapag umaarte siyang ganito. Kung hindi nga lang siya baliw sa isip ko ay malamang ay nakurot ko na ang pisnge niya.

 
"So, what should I call you?" Tanong ko na lang na kinangiti niya na nang malawak.

 
"The name you called me last time is okay. Many people don't call me by that name, so it sounds unique if it's you." Excited niyang sabi na tinanguan ko na lang. So, gusto niyang tawagin ko siyang Clive in public? I see!
 

"Okay! So, Clive, it is." Nakangiti kong sabi sa kaniya na kinangiti niya rin habang tumatango-tango na parang bata. Aiya!

Nang ipagpapatuloy ko na ang pagkain ay tsaka naman sumingit ang isa ring animal. Mukhang ayaw talagang magpatalo sa pinsan niya, kaya agad-agad ding nagsalita.

"Me too! Me too!" Sabi niya habang nakataas pa ang isang kamay na parang magre-recite sa guro. Tsk! Tsk!

 
"What?"

"Just Deyl is okay for me, my love." Nakangisi niyang sabi na kinataas ko ng kilay. Si Clive naman ay agad ding kumilos at binato siya ng kutsara na mabilis naman nitong naiwasan.

"Itigil mo 'yan, Deyl." Banta niya sa pinsan na nginisihan lang siya. Aish! Hindi na ako magtataka kung bakit biglang mawawala sa eksena itong si Deyl, dahil siguro sa ugali niyang mapang-asar. 

Agad na akong nagsalita nang makitang magsasalita pa sana siya. Mas mabuti kung matuturuan 'tong si Deyl na pigilan ang bibig niya minsan kung ayaw niyang mamatay. Geez!

"I will call you Deyl, but stop calling me that." Sabi ko na lang na kinailing niya. Halatang ayaw niyang pumayag dahil sa mukha nitong biglang naging cold.
 

"No way!" Malamig nitong sabi na kinalunok ko na lang. This guy is also scary! Bakit ba ako napapaligiran ng mga nakakatakot na tao aber?!

 
"Then I'll just call you young master." Kunwaring nanghihinayang kong sabi kahit pa sa loob ko ay kinakabahan ako ng konti.

Like duh? Mamaya magulat na lang at tinutok niya na sa'kin ang baril niyang nakatago sa damit niya, edi namatay naman ako agad! Medyo malaki pa naman ang handgun niya. Kaya kung isusubo niya 'yon sa bibig ko at papuputukin, siguradong tatagos ang bala sa likod ng ulo ko.

Nakasulat kasi 'yon sa nobela na ganon pumatay itong si Deyl. Ewan ko kung anong trip niya at kailangan niya pang ipasok sa bibig ng kalaban ang baril niya bago paputukin? Hindi ba't parang nakakadiri naman kung iisipin?

Mabuti na nga lang at kapag ginagawa niya 'yon ay agad niya ring tinatapon ang baril niya at pinapalitan ng bago. Geez!
 

"No!" Dinig kong sabi niya.

Hindi na lang ako nagsalita at tinitigan lang siya. Nang mapansin niyang nakatingin na ako sa kaniya at wala nang balak magsalita ay alam kong alam niya nang hindi na mababago pa ang isip ko.

"F--fine!" Nakasimangot niyang sabi na kinangiti ko na agad. Hehe! Malaking achievement na sumuko itong si Deyl sa'kin.

Sa libro kasi basta gusto niya, gusto niya at wala nang makakapagpabago pa ng desisyon niya. Ganon siyang klase na male character. Yung tipong may isang salita at kahit pa anong mangyari ay maninindigan siya sa sinabi niya.

Yun nga lang sadyang lamang ang pagiging malandi niya kaya siguradong nakakabaliw siyang kasama. Noong nagbabasa pa nga lang ako ay masakit na ang ulo ko sa kaniya dahil sa mga malalandi niyang ginagawa.

Paano pa kaya ngayon na masasaksihan ko siya ng harap-harapan?! Aish! Pero kahit may sira sa ulo 'tong si Deyl ay masasabi kong maraming fans ang character niya. Yung mga girla kasi kinikilig sa bawat paandar niya kay Lilian kaya hindi na ako magtataka pa.

Napailing na lang ako sa naiisip at hinarap si Deyl na nakasimangot pa rin. Mukhang napipilitan lang talaga siyang pumayag dahil gusto niya kunong tawagin ko siya sa pangalan niya.

Aiya! Nasa ugali ba ng mga kamag-anak ni Vile ang umasta ng ganito? O baka naman may time lang talaga na nababaliw sila kaya kung ano-anong ginagawa?

"Kumain ka na lang, Deyl." Sabi ko na sa kaniya na hinihintay yatang tawagin ko siya. Ngumiti naman siya nang marinig ang sinabi ko at agad ding kumain.

Mabilis na natapos ang pagkain namin kaya bilang masipag na side character ay ako na rin ang nagligpit. Nakakahiya naman kasi sa mga young master ng pinaka mayayamang pamilya ng Pangaea.

Pagkatapos ko sa ginagawa ay umupo na ako sa sofa na kaharap ng upuan nila at doon humiga. Si Deyl at Clive kasi ay nakaupo sa single sofa, kaya ngayon ay masarap ang buhay kong nakahiga sa mahabang upuan. Hehe!

Hindi ko na rin pinansin ang mga mata ng dalawa na nakatingin sa'kin. Nakasuot naman ako ng military uniform kaya wala silang makikita sa'kin kahit itaas ko pa ang paa ko.

"How are you here inside the Military Department, Heavenhell?" Biglang tanong ni Deyl na kinalingon ko sa kaniya.

"I'm fine here. It's kind of fun." Nakangiti ko nalang na sagot sa kaniya. Totoo naman kasi na masaya ang pananatili ko dito, kahit pa na may nakakainis na Abby at ibang trainees akong nakikita.

"It's good to know that you're enjoying yourself. Oh! We heard that you're close to Gideon, Heavenhell." Dagdag niya pa na kinalaki ng mata ko.

Napansin ko rin kasi ang pag-iiba ng tono ng boses ni Deyl kaya alam kong tungkol ito kay Javier na siyang kalaban din ni Vile bukod kay Lucas.

"Huh? We're not that close." Sagot ko na lang.

Hindi ko rin naman kasi matatawag na close kami ni Javier dahil lang nag-uusap kami dito. Atsaka wala naman kaming ibang ginawa ng animal kung hindi mag-away no.

"Aiya! Ayoko ngang maging close ang taong kalaban ni Vile! Baka malintikan ako sa male lead at pati ako madamay sa alitan nila ni Javier sa nobela. Kaya naman wala akong ibang kakampihan sa male characters bukod sa daddy ko! Ehem! I'm serious!"

"Really?" Paniniguro pa ng animal na tinanguan ko agad.

"Yeah, we're just talking because the lieutenant sometimes puts us together as partners in the activity." Kunwaring inosente ko pang sabi.

Syempre hindi ko hahayaan na mabuko ako ng dalawang animal na 'to. Like duh? Paano na lang kung makarating 'to kay Vile, edi patay na naman ako sa lalaking 'yon? Tinalo niya pa nga yung mga male lead sa nababasa kong novels noon sa sobra nito kung magtanong!

"So, it's my uncle's fault." Mahinang sabi ni Clive habang tumatango-tango pa.

"Huh? Anong sinabi mo?" Tanong ko sa kaniya nang hindi ko masiyadong narinig ang buo nitong sinabi. Pabulong lang kasi siyang nagsalita kaya hindi umabot sa'kin.

"Nothing. Just don't stay close to that guy." Seryoso nitong sabi na agad ding sinundan ni Deyl.

"That's right, Heavenhell. That guy is dangerous." Sabi niya na parang nagbibigay babala sa'kin.

Pasimple ko na lang silang tinanguan dahil sang-ayon ako sa sinabi nilang napakadelikado ni Javier. Syempre bilang reader ng nobela ay alam ko kung ano-anong kabaliwang ang nagawa na ng animal.

Marahil ay hindi pa ramdam sa ngayon, pero sa pagdating ni Lilian ay doon na mapapakita sa lahat kung gaano kabaliw ang lalaking 'yon. Base sa ranking ni author ay si Vile ang pinakauna sa mga male characters, sumunod si Lucas, si Trider at pang-apat itong si Javier.

Kaya ngayon ay nararamdaman ko na rin na patay ako sa mga susunod na pangyayari. Isipin ko pa lang ang koneksyon ko kay Javier, Trider, at kay Vile ay naiinis na ako. Idagdag mo pa na crush ko kuno si Lucas!

Sana lang talaga ay tinikom ni Theo ang bibig niya, dahil kung hindi ay siguradong may mangyayaring hindi maganda. Lalo na't ang second male lead ang pinag-uusapan dito!

"How dangerous?" Balik na tanong ko na lang kay Clive habang inalis na muna ang mga iisipin sa hinaharap.

"He's more dangerous than me." Diretsong sagot niya na kinagulat ko.

Hindi ko kasi inakala na aaminin ng animal na 'to na mas delikado sa kaniya si Javier. Bilang isang Lucretius ay sanay silang sila ang laging nauuna. Kung kaya't halos lahat ng miyembro ng pamilyang Lucretius ay talaga namang nakakatakot at masasabi mong maawtoridad.

"Geez! Isipin ko pa lang ang description ng pamilyang Lucretius sa nobela ay ayoko na agad ma-engkwentro sila! Lalo na yung Patriach ng Lucretius, grandfather, at great-grandfather nila Vile! They are so scary!"

Inalis ko na lang ang nakakatakot na pamilya sa aking isipan at tinuon na ang atensyon sa dalawa. Si Deyl ay naka-dekwatro ng upo habang nakapangalumbabang nakatingin sa'kin. Samantalang si Clive naman ay nakaupo din sa tabi nito na para bang boss ko siya kung tumingin.

Aiya! Mabuti na lang at nakahiga ako ngayon kaya pwede kong ilipat ang paningin sa ilaw ng opisina.

"Are you sure? His attitude is cold, but we're okay." Kunwari kong walang alam na sabi.

Hindi naman nila alam na may ideya na ako sa mga sinasabi nila, kaya mabuting galingan mo na lang sa pag-arte, Carnelia!

"No! Just listen to me. My brother is an enemy of that guy, so... you know!" Sabi pa niya na para bang may gusto siyang ipahiwatig. Hmm...

"I see. Since it involves your brother, I'll be careful." Nahihikab kong sabi atsaka pinikit ang mga mata.

"Hahaha! I know you'll listen if I mention my little brother." Nababaliw na namang sabi ni Clive na kinailing ko na lang.

Ewan ko ba sa lalaking 'to at parang pinupush niya sa'kin si Vile. Hindi niya ba alam na wala namang gusto sa'kin ang animal na 'yon kaya bakit pinipilit niya pa ring isali ang kapatid niya?

Aiya! Hindi kaya may hidden agenda 'tong si Clive kaya palagi niyang binabanggit ang kapatid niya? Well, kung meron ano naman 'yon?

Napatigil na lang ako sa pag-iisip nang may maalala. Da--damn! Muntik nang mawalan sa isip ko si Lemuel! Minulat ko ang mata ko at tumingin sa dalawa.

"By the way, where's Lemuel? Is he okay?" Tanong ko sa kanila na sabay pa nilang kinatingin sa isa't-isa. Okay? Kailangan pa ba nilang tumingin sa isa't-isa bago sumagot?

"Yeah, he's okay." Sagot ni Clive na hindi nakatingin sa'kin ngayon.

"So where is he?"

"He's currently resting. Am I right, Deyl?" Nakangising tanong ni Clive kay Deyl na tumango na lang din sa tanong niya.

"Ahh, yeah! He's enjoying his alone time, so we didn't bring him with us." Sabi pa niya na mukhang hindi pa sigurado sa sasabihin. Seryoso? Anong tingin nila sa'kin, uto-uto?

"Venven, I have a question..." Biglang sabi ni Clive na mukhang may malalim na iniisip ngayon.

"What is it?"

"Did you talk to Eli last night?" Tanong niya sa'kin na agad kong pinagtaka.

Hindi ba't siya ang nagsabi sa'kin na kausapin si Vile? Kaya bakit kung magtanong siya ay parang ang big deal naman non sa kaniya?

Aiya! Nalilito na talaga ako sa kinikilos nitong si Deyl at si Clive ehh. Nauntog din ba sila kaya nabaliw na naman at balak pa akong perwisyuhin?!

"Yeah, I called him. Why?"

"No, I'm just curious since Lemuel is okay now. Hahaha!" Natatawa niya na namang sabi. Wait! Ang ibig niya bang sabihin ay ligtas na si Lemuel dahil tinawagan ko si Vile? Tama ba ako nang pagkaka-intindi o hibang lang ako?

"So my da--I mean, your brother helps Lemuel?" Pilit-ngiti kong sabi habang hindi pinapahalata ang kalokohang muntik nang masabi.

Mukhang hindi naman napansin nila Deyl na may mali, dahil agad din akong sinagot ni Clive na lalong nagpagulo sa utak ko.

"He doesn't help. He just told him to stop what he was doing and come back." Nakangising sabi niya na nagpakunot ng noo ko. Ano raw? Bakit parang may mali sa pagkakaintindi ko sa sitwasyon?

"I didn't get it." Diretso kong sabi habang nakatingin sa kanila na nakangiti lang ngayon. S--shit! Anong nginingiti-ngiti ng dalawang 'to?

"Aish! Kalma ka lang, Carnelia! May hinala ka man pero hindi ka dapat maging assuming! Mamaya malintikan tayo dito tapos tayo pa ang maging talo sa huli. No way!"

"Just don't ask, Heavenhell. The important thing is that Lemuel is saved by you." Sabi na lang ni Deyl na mukhang napansin ang pagkunot ng noo ko kanina.

Mabuti na nga lang at hindi pa siya nasasapian ng kalandian niya ehh. Siguro dahil nandito si Clive kaya hindi pa siya naghahasik ng lagim. Hehe!

Hindi na ako nagsalita at mapahikab sa pagod. Balak kong magpahinga muna tutal may thirty minutes pa naman bago bumalik sa training ground.

"Are you tired, Heavenhell?" Tanong ni Deyl na tinanguan ko lang bilang sagot.

"Why don't you sleep first, and we'll just wake you up later?" Sabi ni Clive na tinaasan ko ng kilay.

Matutulog ako habang nandito sila? Hindi ba awkward 'yon? Napapansin ko nga na ilang male characters na ang nakakakita sa'king natutulog ehh! Laking pasasalamat ko na lang talaga na hindi pa naman ako nagigising na may baril sa ulo.

"Will the two of you stay here?" Tanong ko sa kanila at sinadya ko talagang ipakita na ayaw kong nandito sila. Pero ang mga animal ay patay-malisya lang na parang hindi naintindihan ang gusto kong ipahiwatig sa kanila. Geez!

"Yes, we heard that there would be sparring later, so we came to watch." Seryosong sabi ni Deyl na nakatingin na sa cellphone niya. Mukhang may inaasikaso ang animal at ganoon din si Clive.

May hawak kasi siyang libro ngayon kaya sa iba nakatuon ang mata niya. Nakahinga tuloy ako nang maluwag. Nandito man sila, at least hindi sila nakatingin sa'kin diba?

Ang awkward kayang matulog na may mga gwapong nilalang na nakatitig sa'yo! Imbes na makatulog ako ay kung ano-ano pang kababalaghan ang nai-imagine ko ehh!

"Okay, then I'll sleep a little. Make sure to wake me up!" Sabi ko sa dalawa na agad nilang tinanguan.

"Alright, Venven!"

"Sleep tight."

Tinignan ko muna ang ginagawa nila, at nang makita na nasa kaniya-kaniya nilang hawak nakatuon ang atensyon nila ay agad ko nang ipinikit ang mga mata ko.

***


Naalimpungatan ako nang maramdaman na may humahawak sa pisngi ko. Ramdam ko rin ang mainit nitong hininga na tumatama mismo sa pisngi ko na siyang kinagulat ng buo kong sistema. S--shit!

Agad kong namulat ang mata ko at doon unang tumambad sa'kin ang napakalapit na mukha ni Deyl. Sa sobrang lapit niya sa'kin ay konting lapit niya pa ay siguradong mahahalikan niya ako.


"Hey, you woke up." Nakangisi nitong sabi habang pinagdikit ang noo naming dalawa na halos ikawala ng kaluluwa ko.

Dahil siguro sa gulat ay hindi ako makagalaw. Pinoproseso ko pa kasi kung anong nangyayari at ganito siya kalapit sa'kin?! Nang matauhan ay mabilis kong nalagay ang kamay ko sa mukha niya at inilayo sa'kin.

"What the hell are you doing?!" Agad kong tanong na kinatigil ko rin pagkatapos.

"Aiya! Sa sobrang gulat, Carnelia ay nakalimutan mo na kaagad na isang demonyo ang kaharap mo?! Shocks! Sino ba naman ang hindi magugulat kung paggising mo may gwapong nilalang na ganoon kalapit ang mukha sa'yo diba? Geez! Itigil mo ang kalandian, Carnelia dahil lagot ka sa daddy mo! P--pfft! Ehem! Ehem!"


"Are you so surprised that you feel the need to shout, my love?" Nakangiti niyang tanong habang hinahaplos pa ang buhok ko.

Nakaupo na kasi ako ngayon habang siya naman ay nakaluhod ang isang tuhod sa sahig at nakatingin sa'kin. *Gulp*

"Why is your face so close?" Kalmado kong tanong habang nilalayo ang sarili sa kamay niyang malikot.

Napunta na kasi ang kamay niya sa leeg ko na agad ko namang inalis. Bakit ba ang hilig nilang pag-tripan ang leeg ko? May something ba sa leeg ni Heavenhell para puntiryahin ng mga animal?

Nawala sa isip ko ang mga katanungan nang marinig ang sagot ni Deyl na literal na kinalaki ng mata ko.

"

Oh? I was planning to wake you up by kissing you, but you suddenly woke up." Nanghihinayang nitong sabi. Napahinto tuloy ako nang wala sa oras sa na-realize.

Bakit parang nasabi ko na yang linya na 'yan kay Vile? Ito na ba ang senyales na patay ako sa lalaking 'yon kapag nagkita kami?! Geez! Kalma ka lang, Carnelia! Wala ka namang ginawang masama atsaka pinsan niya naman 'tong nasa harap ko no!

"Why would you do that?" Naiinis kong sabi na kinatawa lang ng animal.

Aiya. Ngayon ay sigurado na ako na si Deyl at si Venom ay magkamag-anak talaga! Parehas silang malandi ehh!

Napatigil ako sa pagmo-monologue nang mapansin ang paglapit ng mukha ni Deyl. Agad kong iniwas ang paningin sa kaniya at hinayaang makalapit ang labi nito sa tainga ko.

Napakuyom kamao na lang ako sa pagpipigil na huwag tumama ito sa mukha ng animal. Sarap niyang durugin at sapakin sa sobrang harot. Aba'y tanggap kong may kalandian hormones ako sa katawan, pero hindi ako ganito kalandi no!

"I just want to annoy Rence." Bulong nitong sa'kin na kinakunot ng noo ko.

He wants to annoy Clive? Wait! Oo nga, nasaan na ba ang animal na 'yon at hindi ko pa naririnig na nagsalita mula kanina?!

"Where is he?" Tanong ko sa kaniya nang mahawakan ko ang balikat nito at nilayo ang katawan sa'kin.

In fairness, ang tigas ng braso at katawan nitong si Deyl. Sa suot pa lang nitong light blue na polo ay alam ko na agad kung gaano kaganda ang katawan ng hinayupak. Pero teka nga, wala doon ang usapan, bruha!

Napatingin na lang ako nang lumayo na sa'kin si Deyl at naglakad papunta sa gilid ng single sofa na inuupuan nila kanina.

Nang makalapit siya doon ay tsaka ko lang napansin si Clive na nakaupo sa sahig habang nakagapos ng lubid. May tape din siya sa bibig at sa itsura nito ay para bang handang-handa na siyang pumatay.

"M--my goodness! Natulog lang ako tapos ito na ang nangyari?!"

Natatawang tinanggal ni Deyl ang tape sa bibig nito. At tulad nga nang inaasahan ko ay agad na sumigaw si Clive na halatang-halata mo na talagang galit siya. *Gulp*

"You jerk! How dare you do this to me?!" Sigaw niya kay Deyl na nakangisi lang ngayon. Aish! Siraulo talaga 'tong magpinsan na 'to at balak pa akong idamay sa bangayan nila.

"Hahahaha! This is your punishment for the previous bombing!" Natatawang sabi ni Deyl pero bakas din sa kaniyang tono na may galit din ang animal kay Clive.

Ano kayang ginawa nitong si Clive para gantihan siya ng animal? Atsaka, ano raw sabi ni Deyl? Bombing?!

"

It's not my fault! You should complain to my brother." Agad na sabi ni Clive na lalo kong kinalito.

Bakit ngayon nasama naman sa away nila si Vile? Nananahimik ang daddy ko tapos idadamay nila. Pag-untugin ko kaya 'tong dalawang 'to nang matauhan na?

"No way! Punishing you is so much more fun than that." Naiiling na sabi ni Deyl na mukhang villain sa play nilang dalawa.

Ako naman na hindi nila sinasali sa dula-dulaan nila ay nanatili na lang tahimik habang nakatingin sa kanila. Mas mabuti pang maki-tsismis na lang muna ako bago pumunta sa training ground.

Sa hula ko nga ay kanina pa nagsimula ang weapon assessment dahil lagpas dalawang oras na pala akong natutulog. Hindi man lang talaga ako ginising ng dalawang 'to.

Well, paano nga naman nila ako magigising kung may ganito pa lang ganap sa opisina diba? Iniisip ko pa nga lang kung anong magiging reaksyon ni Lieutenant kapag nalaman niya kung anong pinaggagagawa ng dalawang 'to sa opisina niya ay natatawa na ako.

Siguradong hindi lang bala ang sasalubong sa kanila dahil sa sobrang istrikto ni Lieutenant. Hindi man halata sa tuwing magkasama kami, pero napakalala niya sa description sa nobela. Magtataka ka na lang talaga kung siya ba talaga 'yon! Geez!

Nilingon ko na ang dalawa at nakitang sinasamaan na ng tingin ni Clive si Deyl. Lagot 'tong animal na 'to kapag nakawala si Clive sa lubid, dahil siguradong hindi siya makalabas nang walang pasa sa mukha.

"You're dead! You also planned to kiss my sister-in-law in front of me?! I will kill you!" Inis na inis nitong sabi na inilingan lang ni Deyl. Naramdaman niya na rin siguro na talagang nainis niya na ang pinsan niya.


"Aiya! Mas mabuti pang mapigilan na ang dalawang 'to bago pa lumala ang sitwasyon. Mahirap na ang maipit sa kanila no. Kung papipiliin kasi ako kung sinong ang kakampihan ko sa kanila ay isa lang ang isasagot ko. WALA! Hehe!"

"Stop fighting, okay? And what do you mean by "previous bombing," Deyl?" Pag-iiba ko ng topic. Pero mukha yatang mas naging awkward ang mood nang biglang silang manahimik. Anong meron?

"Oh, it's about the---" Hindi na natapos ni Deyl ang dapat niyang sasabihin nang agad na siyang patahimikin ni Clive na lalo kong pinagtaka.

"Shut up, jerk! Do you want to die?" Banta nito kay Deyl na mukhang napagtanto ang lahat. Aish! Anong trip ng dalawang 'to at mukhang may tinatago na hindi ko maintindihan?

"What is it, Deyl?" Kunwaring wala kong napapansin na tanong sa kaniya.

"It's nothing special. It's just that this cousin of mine blew up my small property before." Naiiling na sabi ni Deyl habang sinasamaan pa ng tingin ang pinsan.

Hmm... So, kaya niya tinali itong si Clive dahil gusto niyang maghigante kuno kasi may pinasabog itong pagmamay-ari niya?

"Really? Why did you do that, Clive?" Tanong ko naman sa isa nang makita ang awkward nitong pangiti sa'kin.

Sigurado akong nag-iisip 'to ng palusot, kaya mas maigi pang sakyan na lang ang trip ng dalawang 'to. Mahirap na at baka matawag pa akong killjoy no!

"It's because I'm jealous of him." Diretso nitong sabi na kunwaring kinagulat ko.

Sinong tangang naniniwala sa palusot nitong animal na 'to, ganoong hindi uso ang salitang selos sa magkakapatid na Lucretius?

"Why would you be jealous?" Tanong ko lang habang inuunat ang braso ko.

"He--he stole my crush before, so it made me so mad." Sabi pa niya na muntik ko nang kinatawa.

Oh my gosh! Sa dami na pwedeng ipalusot, ito pa talaga? Sigurado akong walang babae ang maglalakas loob na saktan ang isang Lucretius. Imposible at mayabang mang pakinggan pero totoo yun sa nobelang 'to. Yung author kasi trip na trip yung mga male lead na overpowered kung tignan. Geez!

"Wow! The girl has the guts to hurt one of you." Namamangha kong sabi habang nakatakip pa ang isang kamay sa bibig. Natatawa kasi ako sa itsura ng dalawang 'to ehh.

Si Clive kasi ay nakatingin sa malayo habang napapasipol na lang, samantalang si Deyl naman ay nakangisi lang na para bang proud na proud siya na naagaw niya kuno Ang crush ni Clive. P--pfft! Ehem! Pigilan mo ang sarili mo, Carnelia! Huwag kang tumawa!

"Why? If it were you, who would you choose?" Tanong ni Clive na nakatingin na sa'kin ngayon. Ako naman na kunwari ay nahihirapan ay napaisip na lang.

"Yeah, choose between us, Heavenhell!" Dagdag pa ni Deyl na mukhang interesado sa isasagot ko. Heh! Pwede bang none of the above?

 
"You're both handsome, so if I were a girl, I would choose the two of you." Nakangiti ko na lang na sabi habang tumatango-tango pa. Nanlaki naman ang mata ng dalawa na parang hindi makapaniwala.

"The two of us?" Tanong ni Deyl na tinanguan ko na lang.

"Yeah, but that will only happen if Brother Eli doesn't exist." Nakangiti kong sabi na kinatigil ng dalawa.

"Aiya! Ang daddy ko lang ang pipiliin ko, kaya mas mabuti pang huwag na nila akong papiliin sa kanilang dalawa. Bwahahaha! P--pfft! Ehem! Ehem!"

"Ouch! You broke my heart without hesitation!" Madramang sabi ni Deyl habang nakahawak pa sa dibdib nito.

"Deyl, stop talking! You better let me go if you don't want to get hit!" Agad na singit ni Clive sa pinsan na kinailing ko na lang sa isang tabi.

"Okay, I'll leave first." Sabi ko na lang nang makita kung anong oras na. My gosh! Hindi naman siguro ako papagalitan ni Lieutenant dahil sa pangalawang pagkakataon ay late na naman ako no?!

"Hey, sister-in-law, wait for me!"

Hindi ko na pinansin ang sigaw ni Clive at agad nang lumabas ng opisina. Mabilis akong tumakbo papunta sa training ground at tulad nga ng inaasahan ko ay tapos na ang weapon assessment.

Ang ginaganap na ngayon ay ang sparring na pasukan ng mga nakapasa sa assessment kanina. Geez! Late na nga talaga ako dahil sa dalawang animal na kung ano-ano ang trip sa buhay!

 
"Good afternoon, Lady Heavenhell!" Nakangiting bati sa'kin ni Jerry na may hawak-hawak na tubig ngayon.

"Good afternoon! Did they start the assessment?" Tanong ko na lang na agad niya ring sinagot.

"Yeah, so far so good. Some of them don't pass the required points in each assessment." Nanghihinayang niyang sabi habang umiiling-iling pa.

Agad ko namang naintindihan ang nais niyang sabihin. Ang weapon assessment kasi ay mahalaga sa training na 'to para malaman kung ano-anong klase ng armas ang kayang gamitin ng mga trainees.

Kung sa Earth ay ang normal na ginagamit ng mga sundalo ay baril at iilang patalim. Dito sa Pangaea ay medyo weird at may pagka-medieval period pa ang dating. Bukod sa baril ay ginagamit ang ilan sa kanila ng espada, pana, scythe at kung ano-ano pang armas na pwedeng magamit pangkitil ng buhay ng kalaban.

Kung iisipin mo ay sobrang cool na may giyera kang pupunta na hindi lang baril ang ginagamit. Syempre sadyang may advantage lang talaga ang paggamit ng baril kapag long range fight na ang pinag-uusapan.

Kaya nga ang weapon assessment ay importante ngayon para malaman din ng mga trainees ang mga armas na nababagay sa kanila.

Napalingon na lang ako may Janice na may hawak-hawak na espada ngayon. Halos mapalunok ako nang makita ang mukha nito. Da--damn! She looks so fine!

"Ayos ka lang, Lady Heavenhell?"

Napalingon ako kay Jerry na mukhang nagtaka sa bigla kong pagtahimik. Inalis ko na si Janice sa paningin at agad na nagtanong sa bilang ng mga nakapasang trainees ngayon.

"How many of them failed?"

"As of now, there are twenty who failed. So, the current list will now only have 130 trainees." Nakangiti nitong sabi na kinakunot ng noo ko.

"That's too many." Mahina kong sabi na agad na kinalingon ni Jerry.

"Huh?"

Nginitian ko na lang si daga--este si Jerry nang makita ang cute nitong mukha. Nanlalaki kasi ang mata nito kaya matatawa ka talaga kapag naalala mo si Jerry sa palabas.

"Don't mind me, where's the lieutenant?" Tanong ko sa kaniya nang hindi ko makita si Lieutenant sa paligid.

"He's talking to some officials that will oversee the event next week." Diretso niyang sabi habang nakatingin sa ibang sundalo na busy ngayon.

Inaayos kasi nila ang tatlong malaking stage na siyang paggaganapan ng sparring mamaya. Napangiti na lang tuloy ako sa sobrang pagkasabik na manood. Isipin mong mga pagod ang trainees kanina dahil sa morning activity, weapon assessment, tapos ngayon ay isasabak na naman sila sa sparring.

Aiya! Sinasabi ko na nga ba at si Lieutenant talaga ang demonyo sa training na 'to ehh! Siya ang may pasimuno ng activity kaninang umaga sa putikan. Ayan tuloy, hindi pa nagsisimula ang sparring ay mukhang naghihingalo na ang mga trainees.

Mabuti na lang talaga at friendly activity lang din 'tong sparring ngayon, dahil kung hindi ay siguradong lagpas kalahati sa bilang nila ang malalagas.
 
 
"You slept?"

Napalingon ako kay Javier nang marinig ang boses nito sa tabi.

"Yeah, how did you know?" Tanong ko sa kaniya habang nakataas pa ang kilay.

"'Cause you're late." Malamig nitong sabi na kinatawa ko na lang nang mahina. Para kasing alam na alam niya na agad ang dahilan kung bakit ako na-late dahil sa mukha niyang nakapoker-face lang.

"I see that you're an early bird." Nakangiti kong sabi na kinasama lang ng tingin niya.

Oh? Ano na namang ginawa ko sa kaniya at ang sama ng tingin sa'kin? Akala niya siguro ay pinagtitripan ko siya kaya nabaliw na naman.

"Yeah, unlike someone who doesn't know when to wake up early." Masungit niyang sabi na halatang may pinaparinggan. Aiya!

"Heh! Nahuli lang naman ako kanina dahil may isang insekto na hindi ako ginising kahit na alam niyang late na ako." Naiiling ko pang sabi at hindi pinahalatang nang-aasar lang ako. Hehe!

"Are you referring to me?" Malamig niyang tanong sa'kin habang nakaturo pa sa kaniyang sarili. Nagkunwari naman akong nagulat atsaka agad na umiling.

"Hindi ikaw 'yon no! Sa bait mo, young master? Naku! Imposibleng ikaw yon! Hindi ako naniniwala--pfft! Ehem!" Pigil tawa kong sabi nang makita ko na ang pagkainis ng mukha niya. Hehe! Laughtrip talaga 'tong animal na 'to ehh.

"I think you're referring to me just now." Madiin nitong sabi habang nakahawak na sa balikat ko.

"Bakit insekto ka ba? Hahah---ackk! Aray! Joke lang, young master!" Agad kong sabi nang maramdaman ang kamay niyang nasa leeg ko na.

"You're crazy!" Inis niyang sabi habang nakahawak pa rin sa leeg ko. Mabuti nga't isang kamay niya lang ang nakahawak sa'kin at medyo maluwag pa kaya nakakatawa pa ako ngayon. Bwahahahaa! Ehem! Be serious, Carnelia!

"Colonel, hindi nga Ikaw 'yon! Ang gwapo mo namang insekto---argghh!" Agad kong daing nang diinan niya ang hawak sa leeg ko.

"Geez! Ayan tawa pa, Carnelia baka bukas wala ka ng leeg dahil sa kabaliwan mo!"

"Young master, bitaw na! Bakit ba ang hilig mong manakal? Ano ka choker? Haha--aray!" Reklamo ko sa kaniya na kinangisi niya na lang.

"Bitaw na, young master! Please?" Nakangiti ko nang sabi kaniya pero ang animal ay inilingan lang ako.

"Why would I do that?" Tanong niya sa'kin habang nakahawak pa rin sa leeg ko. Hindi naman mahigpit ang hawak niya sa'kin kaya imbes na masaktan ay natatawa pa ako sa sobrang kiliti. Da--damn! Isa itong torture!

"Of course, as a concerned comrade and as your partner." Sabi ko na lang sa kaniya. Pero sadyang walang puso ang animal na 'to dahil talagang hinaplos niya pa ang leeg ko na lalong nagpataas ng balahibo mo.

"Shit! Bakit ang lalandi ng mga male characters ng nobela na 'to?! Natalo pa nila ang mga female characters ahh!"

"I don't care." Malamig niyang sabi sa'kin na tinarayan ko na lang. Sa inis ko ay mabilis kong hinampas ang kamay niyang nakahawak sa'kin dahilan para mabitawan niya ang leeg ko. Hehe!

"You're so sama talaga! You can't even dama some concern to your kasama? Hmmp! I will never forget that you sakal-sakal me just now--Hehe! I'm just joking, young master!" Agad kong sabi nang makitang sinamaan niya na ako ng tingin.

"Aiya! Ang bilis namang mapikon ng lalaking 'to. Bwahahaha! Ehem! Ehem! Magseryoso ka na, Carnelia kapag 'yan talaga nainis ay siguradong hindi ka na makakalakad!"

"Young master, I----Ahmmm!" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang maramdaman na may humawak ng bibig ko mula sa likod. F--fuck! This is a problem!

"Venven, I'm looking for you. Why did you leave me earlier?" Dinig kong tanong ni Clive sa mismong tainga ko na agad kong kinalunok.

"H--huh?" Wala sa sarili kong tanong nang mabitawan niya na ang bibig ko. Ngayon ang braso niya ay nakayakap sa'kin kaya naman hindi ako makagalaw sa pwesto ko.

"Don't talk to anyone again, okay?" Malambing nitong tanong sa'kin na kinakunot ng noo ko.

Anong nangyayari sa animal na 'to at parang sinapian? Teka lang! Baka naman gusto niya lang ding inisin itong si Javier at ako pa ang ginamit laban sa animal? Ehh ano namang kinalaman ko sa dalawang 'to aber?

"Oh! Mr. Gideon, you're here? I'm glad to see you again." Nakangisi nang bati ni Clive kay Javier na seryoso lang na nakatingin sa'kin ngayon.

"Wa--wait! Bakit sa'kin 'to nakatingin? Hindi naman ako ang umaaway sa kaniya no!"

"Tsk! I'm not glad at all." Malamig na sagot ni Javier na kinalunok ko na lang.

Aish! Hindi naman siguro ako ang gagantihan ng animal na 'to no? Like duh? Isang side character lang ako kaya huwag niyo kong pag-initan!

"Okay, that's too bad. If you'll excuse us, we'll go." Nakangiti pang sabi nitong animal na ang higpit ng kapit sa'kin. Kung makakapit nga siya ay para bang tatakas ako sa kaniya. Tsk! Mga abnormal!

"Go ahead." Seryosong sabi ni Javier na nginitian ko na lang bago kumaway sa kaniya.

Baka sakaling makarating sa kaniya ang mensahe kong hindi niya ako kaaway kaya huwag niya akong tignan ng masama!

"What are you doing, Clive?" Tanong ko sa kaniya na kasalukuyan akong hinihila palayo kay Javier.

"I told you to stay away from him, right?" Nakangiti nitong tanong sa'kin pero sa tono pa lang ng pananalita niya ay alam ko nang nagbabanta siya. Aiya!

Hindi na tatalab sa'kin ang pagbabantang ganiyan dahil ilang beses na ba akong pinagbabantaan ng mga male characters? Parang wala ngang engkwentro na hindi ako sinamaan ng tingin, o 'di kaya'y pinagbantaan ni Vile ehh!

"Geez! Buti na lang talaga't sanay na ako at medyo humaba na ang pasensya ko, dahil kung hindi ay baka nasapak ko na siya kanina pa."

"Okay! Okay! We're just talking, so you don't have to worry." Sabi ko na lang sa kaniya at inalis na ang pagkakahawak niya sa'kin.

Ang dami na rin kasing mga trainees at department staffs ang napapatingin sa'min dahil dito sa animal. Like duh? Sino ba naman ang hindi makakakilala kay Clive kung lagi siyang nasa balita diba?

Ayoko mang sabihin 'to pero kilala 'tong si Clive na billionaire under 20's sa listahan ng mga pinakamayayaman na tao sa mundong Pangaea. Syempre nandoon din sa listahan ang iba pang animal, lalong-lalo na si Vile at si Lucas.

Sabi ko naman kasi sa mundong 'to lang maraming gwapo na billionaire ehh! Kumbaga hindi makatotohanan kung wala lang ako sa nobela.

"Where's Deyl?" Tanong ko na kay Clive nang mapansing hindi niya kasama ang isa pang animal.

Ngunit agad ding nasagot ang tanong ko nang biglang may kumalabit sa'kin at doon lumitaw si Deyl na may sugat sa labi ngayon. Sigurado akong naupakan siya ni Clive kaya ganiyan ang itsura niya.

Medyo nagusot kasi ang suot niyang polo, idagdag mo pa ang magulo niyang buhok. Kaya alam kong nagrambulan muna 'tong dalawang 'to kanina kaya sila natagalan.

"I'm here, my love—I mean, Heavenhell! Do you miss me?" Nakangiti nitong sabi na mabilis kong inilingan.

"Hindi," diretso kong sabi na kinalungkot ng mukha niya.

"Ouch! I'm hurt!" Madrama niyang sabi na kinatigil ko na lang.

Bigla ko kasing naisip kung ganiyan din ba ako umarte sa harap ni Vile? Kasi kung oo, ibig bang sabihin non ay mukha akong tanga kung umarte? O baka naman sadyang pangit lang talagang gumanap itong si Deyl kaya na-iistress ako sa kaniya?

"Yikes! Isipin ko pa lang ay nandidiri na ako. Well, bahala na tutal hindi naman nagrereklamo si Vile kaya gora-gora lang ang peg ko ngayon. Heh!"

Napalingon ako sa mga trainees nang marinig ang iilan sa mga bulungan nila.

"Oh my god! Did I see it right?"

"Yeah! I can't believe that Young Master Lucretius and Young Master Leywin are here inside the military department!"

"They are with Lady Heavenhell!"

"Yeah, and they look so close."

"I'm so jealous! I want to be with them!"

"They are so handsome!"

"My gosh! I feel like I'm going to die!"
 

Pasimple na lang akong napailing sa mga sinasabi ng mga trainees. Hindi ko naman kasi sila masisisi dahil totoo namang napakagwapo ng dalawang animal sa tabi ko. Kamag-anak ba naman ng male lead, kaya syempre normal lang na maging ganito rin sila kagwapo.

"Tsk! They are annoying!" Dinig kong reklamo ni Clive sa gilid ko.

"Why? You should smile at them, my dear cousin." Sabi naman ng malandi--este ni Deyl na tinalo pa ang artista kung ngumiti sa mga trainees. Ang ending tuloy ay parang nabaliw at nagka-epilepsy ang mga babae dahil sa kakatili.

"I'm not a flirt like you." Sabat naman ni Clive na kinainis ni Deyl.

"Hey! Don't slander me in front of her!" Sigaw ng animal na mukhang gusto pa akong idamay sa away nila ng pinsan niyang isa ding baliw.

"The way you move will show what kind of person you are, so Venven, don't believe this jerk." Sabi pa sa'kin ni Clive na akala mo talaga matino siya.

Sinong niloko niya? Isa rin kaya ang animal na 'to sa mga mahilig ngumiti at mag-entertain ng mga babae. Kaya kung ako sa kaniya ay manahimik na lang siya at huwag niya na akong utuin dahil 'di ako uto-uto no. Anong akala niya sa'kin, si Lilian?
 

"So you two are really here, huh?"

Napatigil sa pagbabangayan ang dalawa nang marinig ang malamig na boses ni Lieutenant na bigla na lang ding lumitaw sa harap namin. Aiya! Konti na lang talaga at masasabi ko nang may lahing ninja sila Vile, kaya para silang kabute na bigla-bigla na lang sumusulpot sa kung saan-saan!

"Un--uncle... Hello!" Awkward na bati ni Clive kay Lieutenant na masama ang tingin sa kanila ni Deyl.

"The two of you, stay away from her!" Maawtoridad nitong utos sa dalawa na kinatawa ko na lang sa isip ko. Sa itsura kasi ni Lieutenant ay tinalo niya pa yung mga overprotective na tatay sa mga napanood ko dati.

"We're close, uncle!" Sabi pa ni Clive na halatang may pinaglalaban. P--pfft! He looks so funny!

"I don't care! She's a girl. Can't you see that she's uncomfortable standing with you?" Malamig na sabi nito na agad namang kinalingon sa'kin ng dalawa.

Napalunok na lang tuloy ako nang wala sa oras. Sa klase kasi ng tingin nila Clive ay parang tinatanong na nila ako kung hindi ako komportable sa kanila? Hehe! Ang sagot ay hindi malamang!

"Are you uncomfortable being with us, Venven?" Tanong sa'kin ni Deyl na hindi ko sinagot at lumapit na lang kay Lieutenant.

"Lieutenant, what am I going to do today?" Nakangiti kong tanong kay Lieutenant na kinatawa niya lang nang mahina.

"You're ignoring us, Heavenhell!" Reklamo ni Deyl na hindi na makalapit sa'kin.

"Venven!" Tawag pa ni Clive na nakasimangot na ngayon. Bwahahaha! P--pfft! Ehem!

Ang saya palang tignan ang mukha ng mga animal na 'to na mukhang nalugi. Hindi kasi sila makapalag dahil talaga namang nakakatakot ang aura ni Lieutenant no! Idagdag mo pa na may hawak siyang shotgun! Yikes!

"Shut up or I'll kill you!" Seryosong banta ni Lieutenant na tinutok na ang baril sa dalawa.

"We're just kidding, uncle. Hehe!" Natatawang sabi na lang ni Clive habang nakataas pa ang dalawang kamay.

"Ye--yeah, he's right. We're going to sit there quietly." Sabi pa ni Deyl na mabilis na hinila si Clive paupo sa bench na malapit sa stage.

 
"Aish! Si Lieutenant lang pala ang katapat ng dalawang 'yon, edi sana kanina ko pa sila pinadampot para iwas stress."

"I apologize to those crazy jerks, Heavenhell." Paumanhin sa'kin ni Lieutenant habang tinitignan pa rin ang pamangkin niyang kasalukuya nang nakaupo ngayon.

Sa itsura nga nila ay para silang bata na napagalitan ng magulang at sinabihan na mag-behave kung ayaw nilang mapalo. P--pfft! Cuties!

"It's okay, Lieutenant." Sabi ko na lang atsaka tinuon ang atensyon sa stage.

Mukha kasing magsisimula na ang sparring kuno na magaganap ngayon. Diretso lang ang tingin ko hanggang sa nakita si Clara at ang isa pang Seargent na babae na umakyat.

Maging sa natitirang stage ay may mga sundalo na rin na umakyat at tumuntong doon. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok dahil sa katabi kong si Lieutenant. Sana naman ay hindi ako kasali di---

"There's going to be some sparring later, and you'll fight with Seargent Abby." Pagputol ni Lieutenant sa hihilingin ko ngayon lang.

"Da--damn! Tama ba 'tong dinig ko? Ako lalaban sa harap ng mga trainees, mga sundalo, staffs, at maging kina Javier, Clive at Deyl?! Ang masama ay kay Abby pa na veteran kuno sa pakikipaglaban?! Seryoso ba 'tong si Lieutenant o nantitrip lang?"

"H--huh? Me? With Seargent Abby?" Gulat kong tanong sa kaniya na kinangiti niya lang bago sumagot.

"That's right! Isn't it exciting?" Excited nitong tanong na kinanganga ko na lang pagkatapos.

Shit! Si Lieutenant na talaga ang pinakademonyo sa training na 'to! Tama bang pati ako ay isama niya sa training ng mga sundalo? Ang usapan pa naman namin last time ay sa tabi lang ako at sina Javier na ang gagawa ng mga mahihirap na gawain. Hindi ko naman akalain na fake news pala 'tong si Lieutenant!

Well, hindi naman ako takot makipaglaban kay Abby. Sadyang nandito lang talaga ang mga human lying detector sa paligid, kaya konting pakita ng martial arts ay siguradong buko ang lola niyo. Aish!

"There's no way I'm going to fight with her, Lieutenant!" Pagtutol ko agad sa kaniya pero ang demonyo ay tinawanan lang ako.

"Don't worry, I know you'll have a chance to win." Sabi pa niya na parang bilib na bilib siya sa'kin.

Syempre may chance talaga akong manalo, dahil isang sipa ko lang diyan kay Abby ay makikita niya na ang panandaliang kadiliman! Kaya nga lang nandito sila Javier kaya anong gagawin ko?

"But she's a sergeant, a veteran! What if I die?" Kunwaring natatakot ko pang tanong kay Lieutenant.

Umaasa kasi akong matauhan siya at mapagtanto niyang napakademonyo niya naman, kung isasabak niya ang isang walang alam kuno sa pakikipaglaban sa isang seargeant!

"Don't worry, that will never happen. We prepared a best doctor so dying is not an option." Sabi niya pa na kinanlumo ko na lang.

My gosh! Pakialam ko naman sa doctor? Para niya na ring sinabi na okay lang mabugbog ako kasi may "best doctor" kamo silang hinanda.

"But--"

"I'll go now, so just wait for your turn. Don't worry, those two jerks will stay in their place until the end of the sparring." Biglang sabi ni Lieutenant at agad akong iniwanan na nakatulala na lang sa isang tabi.
 

"Aiya! Sa nakikita ko ngayon ay wala akong choice kung hindi ang lumaban. Pero syempre hindi naman ako papayag na matalo no! So, anong role mo ngayon, Carnelia? Hmm..."

Napatango na lang ako nang may maisip. Ang role ko ngayon ay yung nabugbog sa umpisa pero nanalo sa huli. Yung mga heroine vibe na napapanood ko sa anime dati.

Yung aakalain ng mga nanonood na talo ka na, pero magugulat silang ikaw ang nanalo dahil hindi ka kuno sumuko hanggang sa huli. P--pfft! Iniisip ko pa lang na magpapaka-hero vibe ako ngayon ay natatawa na agad ako. Shit!

Hindi ko kailanman naisip na magkakaroon ako ng oras na kailangan kong magpabugbog para lang hindi ako mabuko. Geez! Lakas maka-anime ang dating at talagang kinarir ko pa ang pag-arte ahh!

Pasimple na lang akong napailing at tinuon na ang atensyon kay Clara na nakikipaglaban na ngayon sa isa ring Seargent. Nang makita ko ang mabilis na pagkilos ng seargeant ay alam ko na agad ang susunod nitong magiging pag-atake.

Base sa galaw ng paa at posisyon ng katawan niya ay susuntukin niya si Clara gamit ang kanan nitong kamay. Pagkatapos sisipain niya ang tagiliran nito para mawalan ng balanse si Clara at magkaroon ng opening.

Ang kaso lang ay nakalimutan niyang basahin din ang mga magiging galaw ng kalaban. Nang mapansin kasi ni Clara ang kamao ng babae ay mabilis niya itong naiwasan. At bago pa man siya masipa nito ay agad na siyang tinuhod ni Clara sa kaniyang sikmura dahilan para mapayuko siya.

Ang ending tuloy ay napakalaking opening para kay Clara. Sikuhin niya lang 'yong Seargent o tamaan ang iilan sa vital spots nito ay siguradong talo na siya. Kaya ngayon pa lang ay siguradong si Clara na ang mananalo kahit pa na makabangon pa yung Seargent.
 
 

Naghanap na lang ako ng upuan at hinintay ang pagtawag ni Captain Wood sa pangalan ko. Nang matapos ang sparring sa tatlong stage ay isa-isa nang tinawag ang mga pangalan na susunod na lalaban.

Nang mapadako ang paningin sa'kin ni Captain Wood ay alam ko na agad na katapusan na ni Abby. P--pfft! Ehem! Magseryoso ka bruha dahil bukod sa pakikipaglaban ay kailangan mo ring umarte. Tsk!

"Lady Heavenhell and Seargeant Abby, come up here." Seryosong pagtawag niya sa'min na agad namang umani nang sari-saring reaksyon mula sa mga trainees.

Hindi ko na pinakinggan ang mga bulungan dahil wala naman akong ibang naririnig kung hindi ang matatalo ako, o 'di kaya'y unfair para sa'kin dahil Seargeant ang lalabanan ko. Aiya! Kung sinabi nila yan kay Lieutenant ay baka natuwa pa ako sa mga sinasabi nila.

"Lady Heavenhell, good luck!" Nakangising sabi sa'kin ni Abby na nginitian ko na lang.
 

"Yeah, good luck."

Pagkatapos na pagkatapos kong magsalita ay agad na sinimulan ni Captain Wood ang sparring kuno naming dalawa. So, ang rules ng larong 'to ay kung sino ang maaalis sa stage ay talo. Ang unang mag-collapse at mag-surrender ay talo. Kaya naman mga five minutes ay hindi na siguro masama diba? Hmm... Let's just see!

Napangiti na lang ako nang makitang sumugod sa'kin si Abby. Sa kilos niya ay alam kong sisipain niya ako sa tagiliran. Kaya imbes na umiwas ay sinalubong ko pa ang atake niya habang pasimple na hinarang ang kamay, para kahit papano ay mabawasan ang pwersa nang pagsipa niya.

Naging matagumpay naman ang pasimple kong pagharang dahil konti lang ang naramdaman kong sakit mula sa sipa niya. Pero sa mata ng mga manonood ay napakalakas ng pagkasipa sa'kin ni Abby, dahil talagang kinarir ko na ang pag-arte at nagkunwari pang natumba.

Narinig ko na nga rin ang pagmumura ng iilan sa mga trainees na nakasama ko sa land navigation test. Marahil ay pakiramdam nila ay luging-lugi ako sa labanan na 'to. Aiya!

Nang tatayo na ako ay naramdaman ko ang papalapit na paa sa'kin ni Abby na mabilis ko namang naiwasan. Sa umpisa ay nakita ko pang nagulat siya dahil hindi niya siguro inakala na makakailag ako.

Actually, hindi ko naman sinasadya na ilagan siya sadyang kusang gumalaw lang ang katawan ko palayo sa kaniya. Geez!

Napatayo na lang ako at nagkunwaring iniinda ang sakit ng tagiliran ko. Kaso papatayo pa lang ako nang maramdaman ko na agad ang kamaong dumapo sa mukha ko. F--fuck! Ang sakit non ahh!

Napaubo na lang ako ng dugo dahil sa lakas nang pagkakasapak ng bruha. Para ngang lahat ng galit niya nitong mga nakaraang araw ay binuhos niya na sa sapak na 'yon. Aish! Kung ibuhos ko rin kaya ang inis ko sa mukha niyang isda, edi nalamog na ang itsura niya kung nagkataon!

Napatingin ako kay Abby at tinignan ang mukha nitong nakangisi. Halata ko ngang nag-eenjoy siyang bugbugin ako dahil sa lakas niyang hindi kontrolado.

Like duh? Kung totoo kang sundalo tapos may kalaban kang hindi marunong makipaglaban ay normal at nararapat lang na kontrolin mo ang lakas mo. Pero 'tong bruha na 'to ay walang pakialam at todo sugod lang sa'kin. Tsk!

Limang sapak at sipa na lang ang tatanggapin ko sa babaeng 'to, at pagkatapos non ay babaliin ko na isa-isa ang mga buto nito sa daliri.

Tahimik lang ako habang tinatanggap ang sipa at sapak sa'kin ng bruha. Kailangan ko kasing ma-achieve ang bugbog look bago lumaban. Pero syempre hindi naman sobrang bugbog na dumating sa punto na pati mata ko ay namamaga na rin.

Konting cuts lang sa mukha ang tatanggapin ko kasi cool tignan. Bwahahaha! Yung tipong may gang war tapos cuts at iilang bruises lang ang matatanggap mo. Geez! So cool!

Nang matanggap ang last na sipa mula kay Abby ay agad akong tumayo at pasimpleng pinatunog ang buto ko sa leeg. It's showtime, baby!
 

Nang lalapit na sa'kin si Abby ay mabilis ko siyang sinipa na hindi agad niyang kinatumba. Syempre yung sipa ko ay pinagmukha kong hindi professional, kumbaga clumsy na sipa lang para hindi agad mabuko ng mga human lying detector.

Lumapit ako kay Abby na mukhang hindi maka-move on na nasipa ko siya ngayon lang. Dahil sa pagkatulala nito ay malakas kong tinapakan ang kamay nito na agad niyang kinasigaw.

"A--argghh! Sh--shit!" Naiiyak nitong sigaw na kinagulat ng mga trainees. Sino ba namang hindi magugulat kung inapakan ko siya sa kamay suot-suot ang military boots namin diba? Hehe!

Imbes na maawa sa kaniya ay mas lalo ko lang diniinan ang pagkakatapak sa daliri nito na lalo niyang kinaiyak. Maririnig din mula sa daliri niya ang mahinang pag-crack ng mga buto niya na kinalunok ng marami.

"Le--let go!" Pagmamakaawa niya na kinailing ko lang. Ano siya special para sundin ko?

"Why? Nag-surrender ka na ba? Ni hindi ka pa nga nag-collapse ehh!" Reklamo kong sabi sa kaniya na kinalaki niya ng mata. Hehe! Her face is so funny!

Dahil hindi pa siya nagsasalita ay agad kong sinipa ang mukha niya. Sayang naman kasi ang pagkakataon na makaganti kaya naman sulit-sulitin na natin.

Tutal hindi naman ako nagpakita ng mga flashy moves, kaya sigurado akong mas maiisip ng mga manonood na sadyang lutang lang talaga 'tong si Abby. Kasi naman no? Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatayo na mukhang nanghina na yata talaga sa ginawa ko kanina. Hehe!

"Sh--shit! Stop it!" Sigaw niya ulit sa'kin nang tapakan ko naman ang isa niya pang kamay.

"Surrender now, Se--seargeant." Kunwaring nag-aalala ko lang sabi na lalong kinasama ng mukha niya.

"Surrender now, Abby!" Sigaw na ni Captain Wood na agad na nagpasama ng mood ko.

Kaninang ako yung nabubugbog ay wala akong narinig na ganiyan mula sa kanila. Tapos ngayon ay mas nag-aalala pa sila sa bruhang 'to, kaysa sa'kin na walang alam sa pakikipaglaban?! My goodness!

Sa inis ko ay sinipa ko ulit ang mukha ni Abby na agad na kinadugo ng mata nito. Brutal man kung titignan ang ginagawa ko, pero mas brutal 'tong bruha na 'to! Paano na lang pala kung wala ako dito sa katawan ni Heavenhell, edi namatay na ang babaeng 'yon sa kamay nitong si Abby?! 

"I--I surrender! Stop now!" Naiiyak nitong sabi na kinatango ko na lang. Mabilis kong inalis ang pagkakatapak sa kamay niya at agad na bumaba ng stage.

Pinakalma ko na lang ang sarili at huminga ng malalim. Pinikit ko ang mga mata atsaka inalis ang mga madidilim na bagay na naiisip.

"Calm down, Carnelia..."  

"Heavenhell, are you okay?!"

"Look at your face! Do you want me to kill that bitch?"

Napalingon ako kina Clive at Deyl na mabilis akong inalalayan pababa ng stage. Geez! Kung alam lang nila kung gaano ako nadi-distract sa mga pinagsasabi nila kanina. Habang sinisipa kasi ako ng bruha ay ramdam na ramdam ko ang sama ng tingin nila kay Abby. Kung umasta nga sila ay para bang sila yung nabugbog!

"Are you okay, Heavenhell?" Biglang tanong ni Lieutenant na mukhang nag-aalala na hindi ko maintindihan ngayon.

"I'm okay, Lieutenant." Nakangiti kong sabi pero Hindi pa rin namwala ang pag-aalala sa mukha nito.

Hindi ko tuloy maiwasan ang ma-guilty ng konti kahit wala naman ako non. Well, pakiramdam ko kasi ay sinisisi ni Lieutenant ang sarili kung bakit ako nabugbog ngayon.

Ang hindi niya alam ay kusang loob akong nagpabugbog dahil feeling ko ay nasa gang war ako at para cool akong tignan. P--pfftt! Ehem! Hindi yan ang rason mo, Carnelia! Be serious!

"Bring her to the hospital!" Mabilis na utos ni Lieutenant na agad na kinalaki ng mata ko. Wa--wait! Hospital agad?!

"Yes, uncle!" Sagot pa ni Clive na kinanlumo ko na lang. Aish! Bahala na nga kayo diyan! Ang sakit nila sa ulo!

Katulad ng sinabi ni Lieutenant ay agad akong isinakay nila Deyl at Clive sa kotse nila at mabilis na pinatakbo papunta kuno sa hospital.

Tsk! Ang O.A naman ng mga animal na 'to! Pero dahil sa utos 'to ni Lieutenant ay sigurado akong walang magagawa ang dalawang 'to kung hindi ang sumunod.

"Kapit lang, Venven! Malapit na tayo sa hospital!" Natatarantang sabi ni Clive na kinatawa ko na lang. P--pfft! Parang tanga ang putcha! Mukha na ba akong mamamatay ha?!

Napailing na lang ako at hinayaan silang mabaliw diyan. Makalipas ang halos sampung minutong pagmamaneho ay agad na huminto ang kotse sa isang mataas na building.

"Let's go, Heavenhell." Sabi sa'kin ni Deyl na agad ko namang tinanguan.

Sa sobrang bilis ngang kumilos ng dalawang 'to ay hindi ko na nabasa kung saang hospital nila ako dinala. Geez!

Hindi ko alam kung lutang ba ako o ano,  dahil maya-maya lang ay natagpuan ko na agad ang sarili na nasa loob na ng private room ng hospital. Si Deyl at Clive ay nasa labas at mukhang may inaasikaso. Kaya habang wala pa sila ay mabilis akong pumasok ng banyo at isa-isang hinubad ang mga suot kong weights sa katawan.

Mahirap na ang mahuli ng mga animal kaya mabuti na ang handa. Pagkatapos na ilagay ang mga gamit ko sa bag ko na dinala nila Clive ay tsaka ako humiga sa kama. Makalipas lang ang ilang minuto ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.


***


Marahan kong minulat ang mga mata ko nang makaramdam ng gutom. Pagtingin ko sa itsura ko ngayon ay nakasuot na ako ng hospital gown at may mga gamot na rin ang iilan kong sugat sa katawan.

"Hmm... In fairness, masasabi ko ngang magaling ang mga doctor dito, dahil hindi ko man lang naramdaman na nahubaran na pala ako ng damit. Geez!"

Naputol ang pag-iisip ko tungkol sa doctor ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Pero dahil sa nakapatay ang ilaw at tanging ang ilaw lang sa balcony ang nagbibigay sa'min ng liwanag ay hindi ko tuloy maaninag ang mukha nang pumasok.

Nang maglakad ito papalapit sa'kin ay agad kong nakita ang suot nitong white coat. Okay! Kinabahan ako doon, akala ko assassin tapos balak akong patayin!

"Are you my doctor? Do you have food with you? 'Cause I'm hungry..." Walang hiya kong sabi habang pinipilit na magtunog mabait.

Nang lumingon sa'kin si Doc, ang unang naka-agaw ng pansin ko ay ang hawak-hawak nitong kumikinang na bagay nang tumama ang ilaw dito.

"Wa--wait... Is that a scalpel?"

"Oh?" Nang marinig ang malamig nitong boses ay agad na nagtayuan ang balahibo ko sa katawan. Sh--shit! I refused to believe that he is...

"You are..." Naputol ko ang dapat na sasabihin nang tumama ang ilaw sa napakagwapong mukha ng taong nasa harap ko ngayon.

"What do you want to eat, my dear patient?" Nakangising nitong tanong na kinalunok ko na lang.

"F--fuck!"

________________________________________


Dem's note: May mga errors pa sa mga details na minsan ay nakakalimutan ko rin, kaya intindihin niyo muna kung meron man. The typos and grammatical errors are also there since the writer is not perfect! Thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

260K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...