If we fall in-luv

By SirIncredible

26K 61 1

"The most important subject that you need to learn in life is to learn how to love" - Pope Francis More

Introduction
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59

CHAPTER 17

274 1 0
By SirIncredible


Tambak na trabaho. Para masunod ni Janice ang deadline sa kanyang unang draft report ay nagdagdag pa siya ng mga bagong impormasyon sa ilang pahayagan at magasin. Pumunta rin siya ng National Library sa may Kalaw Street upang manaliksik at magtiyagang magpa-xerox ng mga kaugnay na litrato. Inabot na rin ng pagdilim ang dalaga sa isang silid nito kaya't sumabay na lang siya sa mga opisyales na nagbabantay at nagsasara ng library sa kanilang uwian.

Sinimulan ni Janice ang kanyang draft sa PC na nakalagay sa kanyang mini-library katabi lang ng kanyang kuwartong tulugan sa ikalawang palapag. Sadyang masikip ang daanan papunta rito dahil sa mga nakatambak na libro at kalat-kalat na papel sa daraanan. Ang pintuang kahoy nito ay may malaking butas sa ilalim dala ng pagkakabangga ng wheel chair ng matanda noong dumalaw ito sa ikalawang palapag upang magpahinga. Dahil sa siksikan at nakakapagod na pagpanhik mula sa hagdan, nanatili na lamang sa ibaba ang lola at ginamit ang isang bakanteng kuwarto roon upang kanyang maging tulugan. Nakabukas ang bintana ng kuwarto at ang tanging naglalaan ng liwanag doon ay ang maliit na lamp shade dahil ang lumang incandescent bulb sa kisame nito ay kumukurap-kurap na. Sa kalaliman ng gabi ay seryosong seryoso ang dalaga na nagta-type habang nakaharap sa monitor ng kanyang computer. Ilang sandali pa'y umihip ang hangin mula sa bintana na nagpa-tindig balahibo at nanlamig pa lalo sa journalist. Habang sinisimulan ang ikalawang pahina ng kanyang draft, inunat-unat muna nito ang dalawang braso at inikot ang leeg na tanda ng napapagod na mga buto. Hindi niya mapapansin ang dahan-dahang pagpasok ng isa pang tao sa naturang kuwarto. Unti-unti itong lalapit sa nakaupong dalaga at huminga ng malalim bago tapikin. Sa pagdikit ng mga daliri ng tao sa pagod na balikat ni Janice ay mapapasigaw ang abalang dalaga.

AAAAAAH!!!

Lilingunin ang kumalabit sa kanya. "...nak ng putakti! Virgo?! Bakit ka nandito?", wika ng nagulat na si Janice

"Ah... nakabukas na kasi ang pintuan kaya pumasok na po ako, Yayayain ka sana naming maghapunan...", banggit ni Virgo na maaaninag lamang ang mukha nang lumapit sa may monitor

"Oh, ganun ba? Susunod na ako... Tapusin ko lang saglit ito!", wika ng nahimasmasang si Janice

"Sige po!", banggit ni Virgo na dahan-dahang umalis dahil sa mga maapakang nakakalat na papel

"Haaay...", buntung hiningang banggit ni Janice na pinahid ang dalawang palad sa kanina'y nangangatog na mukha

Ang hapag ay binubuo ng apat na upuan. Sa pinakaharap na katapat ng lababo at lutuan ay nakaupo ang lola na sabik nang tikman ang nakahaing Fish Fillet at Tinolang baboy na may mainit na sabaw. Sa kabilang gilid naman ang magkasintahan na naghanda ng lamesa para sa masayang salu-salo. Ang nakasandong si Leo ang naglagay ng mga plato, kutsara, baso, tinidor at ilang prutas na binili nila sa palengke habang ang naka-Chinese look na si Virgo ang naglagay sa mga bowl ng mga ulam kasama ng kanyang nilutong pansit. Nasa kabilang silya naman ang hinihintay nilang si Janice na pagkababa mula sa hagdanan ay matutuwa sa makikita.

"Wow! anong meron? sa pagkakatanda ko ay sa susunod na taon pa ang piyesta ng barangay ah!", sambit ni Janice na tutungo sa nakalaang silya para sa kanya

"Naku Ate! Higit pa sa piyesta ang selebrasyon natin ngayon!", banggit ni Leo sa kabilang upuan. Mapapansing abala sa paglalagay ng juice sa mga baso si Virgo.

"Okay! mukhang interesado akong pakinggan 'yan ah!", sambit ni Janice na nakatingin sa mga pagkain sa mesa

"Nakausap na kasi namin ni Virgo ang mga magulang niya and they are sincerely approving our relationship finally!", banggit ni Leo na nakangiti kay Virgo

"Wow! that's great! Paano niyo naman na-convince sina Mr. and Mrs. Sy?", tanong ni Janice

"Well...", patuloy ni Leo ngunit puputulin ito ni Virgo na nakatayo sa likod ni Leo

"Sinabi po ni Leo na sisikapin po muna naming makapagtapos ng pag-aaral bago magseryosohan. Anyways, nag-promise po kami sa parents ko na magiging successful po muna kami sa mga career namin para sa future eh kami naman ang tutulong sa kanila... at sa negosyo nila!", wika ni Virgo

"Okay! mabuti at nagkaintindihan na kayo...", sambit ni Janice habang umuupo katabi ng silya ni Leo si Virgo

"Well... I guess that's love! that's being in love! Inuuna ang pamilya bago ang sarili", banggit ni Leo na tititig kay Virgo at hahalikan ito sa pisngi. Papalakpak ang lola.

"Iyan ang apo ko! Matalino na... mabait pa!", sabi ng matanda

"Haha! Lola... may nakalimutan pa kayo...", banggit ni Leo na magpapakyut at kikindat sa lola

"Ay! Oo nga pala, Sobrang guwapo pa!", sabi ng matanda

"Bigyan ng Pustiso!", banggit ni Leo sabay turo sa lola at nagsipagtawanan sila. Si Janice na nakatulala ay pilit na ngumiti at nainggit sa pag-iibigan ng dalawang kolehiyala.

"Ahm... Speaking of pustiso...", patuloy ni Leo at titingin sa nakatulala pa ring si Janice, "Kailangan nang magpagawa ng bagong pustiso si lola kasi malutong na raw 'yung luma niya kaya sasamahan na lang namin ni Virgo bukas ng umagang umaga para makaiwas sa mahabang pila. At dahil wala rin naman kaming dalawa pasok bukas, isasabay na rin namin ang pagpapa-check up kay lola bago bumalik sa kanilang bahay si Virgo..."

Mapapansin ni Leo na nakatulala pa rin sa kanila si Janice, "Ate... Ate..."

"Ay!", magugulat na sagot ni Janice

"Ate... nakikinig ka ba?", tanong ni Leo

"Oo! nad... nadinig ko! sige at samahan niyo na muna ang lola...", sambit ni Janice

"Okay! kain na tayo!", yaya ni Leo sa mga kapamilya. Lahat sila ay magsa-'sign of the cross' at maghahapunan ng sama-sama.

Alas-otso na ng umaga at sa mataas ng tirik ng araw ay hindi na rin mapigilan ang pahinto-hintong pagtilaok ng mga manok sa kapitbahay. Ang alarm ng cellphone ni Janice ay hindi tumunog dahil sa na-low bat ito sa kanyang kahimbingan. Suot ng dalaga ang paboritong panty at sando na natatakpan ng dilaw na kumot. Sa sobrang kalikutan sa pagtulog sa kanyang sariling higaan ay biglang gugulong siya pabagsak ng sahig at mauuntog ng bahagya ang ulo. Pagkamulat ng kanyang mga mata at paghimas sa ulong sumakit, titingin siya sa wall clock at magagambala.

WAAAAH!

Agad nagmadali si Janice. Hindi na rin siya naligo bagkos ay naghilamos ng tubig na lamang. Wala na ring oras upang makapagsipilyo at nagpalit na lamang ng pantaas na damit. Kinuha niya ang bag na naiwan sa mini-library at hinayaan na ang makalat at magulong kuwarto sa ikalawang palapag. Pagkababa gamit ang hagdan ay bitbit niya ang suklay at dumiretso sa kusina upang uminom na lamang ng malamig na tubig. Sa sobrang pagmamadali papunta sa trabaho, sinara na lamang niya ang pintuan at iniwang walang tao ang bahay bago maghintay ng masasakyan. Makailang ulit din siyang nagpapara ng sasakyan sa labasan ngunit pawang lahat ay punuan at humaharurot pa. Maya-maya'y may hihintong Volkswagen sa tapat niya na sobrang lapit sa maputik na manhole. Lilipat ng upuan ang driver at titingin kay Janice mula sa sliding window ng sasakyan.

"Ah... Miss! puwedeng magtanong?", tanong ng makisig na lalaking maputi at nakashades. Pagkatapos tumungo ni Janice ay magpapatuloy ang lalaki. "Saan ba dito 'yung papuntang Sitio Bartolome?"

"Ah...", nakatitig na sagot ni Janice at nagbigay ng directions, "Dumiretso po kayo tapos liko kayo sa kanan tapos isang kaliwa tapos sa may kanto may pishbolan, lampas kayo ng riles ng tren tapos kaliwa ulit... diretso kayo sa Covered Court tapos liko tapos doon sa harap ng highway kaunting kanan at Sitio Bartolome na!"

"Ah... Salamat Miss!", sambit ng lalaki na kahit nalilito sa instruction ni Janice ay pinilit na lamang intindihin ito. Agad niyang itinaas ang sliding window at bumalik sa driver's seat upang imaneho ang sasakyan.

Naiwang naghihintay pa rin ng jeep si Janice na halatang nagugulumihanan na dahil huli na siya sa Broadcasting Company. Ilang saglit pa ay paatras na bumalik ang lalaking kanina'y nagtanong sa kanya at madaraanan ng sasakyan ang maputik na manhole at matatalsikan ng maximum level ang suot ni Janice na damit pang-itaas habang nakasukbit ang kanyang ID. Bababa sa sasakyan niya ang lalaki at tutulungan si Janice na maglinis ng damit.

"Oh my... Sorry Miss!", banggit ng lalaki na pagkatanggal ng suot na shades of Grey ay lalantad ang kakisigan at amoy mayaman. Matutulala si Janice sa nakitang pagmumukha.

"I'm trying to remember all of the directions that you are saying...", banggit ng lalaki habang nakaharap kay Janice, "But I guess, it is still not helpful... Wala bang mas malapit na daan papunta roon?"

"Ma... la... pit? ma... la...", dahan-dahang sambit ng nabibighaning dalaga, "Pit! yun sa pinagtatrabahuhan ko!"

"Well... It seems a coincidence! Anyway, ihatid na lang kita doon para makabawi naman ako sa disgrasyang ginawa ko!", banggit ng lalaki na tinapik ang nakatulala pa ring dalaga, "Miss..."

"Ah!", magugulat na sambit ni Janice, "Salamat!"

Papunta na sana sa loob ng Volkswagen si Janice nang pigilan siya ng lalaking naka-formal attire, "Miss... wala ka bang nakakalimutan?"

"Ah! oo nga! Kailangan kong magpalit ng blouse sa loob! Haha!", biglang umatras si Janice at tumalikod papuntang bahay

"Ah... Miss, isama mo na rin yung...", at ngunguso sa hita ni Janice ang lalaki.

Nang makita ni Janice ang pagnguso, titingin siya sa kanyang ibaba at mapapansin ang panty na hello kitty na suot niya pa rin. Namula ang dalaga at mabilis na pumasok sa loob upang magbihis na rin ng pantalon.


Continue Reading

You'll Also Like

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...