Once Upon A Book

By phoeberryah

118 0 0

They first met at the library. Will this place also be their last moments together? More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48

Part 11

3 0 0
By phoeberryah

Pagkatapos namin kumain ng dinner ay nagsimula na namin gawin ang cinnamon rolls.

"Iyan. I-lay mo iyong dough para magawa natin ng pahaba." Turo ko kay Dusk at ginawa niya ang sinabi ko.

"Iyan. Saka natin ilagay ang cinammon then iro-roll natin ito. Parang ganito." Sabi ko at ni-roll ang dough na ginawa ko.

"Iyan! Perfect!" Sabi ko ng matapos namin ilagay sa tray ang nagawa namin na cinnamon rolls. Nilagyan namin ito ng condensed milk sa taas para matamis ng kaunti.

Cinnamon Rolls

(credits to the owner)

Nilagay na namin sa oven ang dalawang trays ng cinnamon rolls.

Mga 8 pm ay natapos na namin ang pagpa-pack ng cinnamon rolls.

"Hala ginabi ka na." Sabi ko kay Dusk.

"Okay lang. Nagpaalam naman ako kay ate na gagabihin ako ng uwi." Sabi niya.

Pumunta naman si mama sa kusina.

"Dusk iho dito ka na lang matulog ngayon gabi. Gabi na madilim na sa daan." Sabi ni mama.

"Okay lang po ba?" Tanong ni Dusk.

"Oo naman! Doon ka matutulog sa kwarto ni Corby. Papahiramin ka niya ng damit niya." Sabi ni mama.

"Okay naman kay kuya?" Tanong ko kay mama.

"Oo. Sinabihan ko na siya kanina pagkatapos natin kumain." Paliwanag ni mama. Tumango naman ako.

Umakyat na si mama sa kwarto niya.

Inayos namin ang kalat sa kusina bago umakyat sa second floor ng bahay.

"Sa left side ang kwarto ni kuya." Sabi ko kay Dusk sabi turo sa pintuan ni kuya. Tumango naman si Dusk.

"Good night Celeste. See you tomorrow." Sabi niya.

"Good night rin. Sweet dreams!" Sabi ko at pumunta na sa kwarto ko.

Kinabukasan ay ni-ready ko na ay tiningnan ko kung okay na iyong dough na ginawa namin ni Dusk kahapon. Ni-ready ko na rin ang mga ingredients sa paggawa ng spanish bread at doughnuts.

"Good morning!" Bati ko kay Dusk pagkababa niya.

"Good morning!" Bati niya pabalik.

Napansin ko na mukhang inaantok pa siya.

"Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" Tanong ko sa kanya.

"Okay naman ang tulog ko." Sagot niya pero mukhang kabaliktaran ang nakikita ko kasi kinakamot niya ang kanang mata niya.

"Mukhang kabaliktaran ng sagot mo ang nakikita ko eh." Sabi ko sabay tawa.

"Hindi ko alam na may tinatago palang balak ang kuya mo. Nag-inuman kami ng kaunti sa kwarto niya at hindi ko namalayan na umaga na pala." Paliwanag niya.

"Eh? May hangover ka ba? Gusto mo gawan kita ng soup para mahimasmasan ka?" Tanong ko.

"Sige." Sabi ni Dusk at nagsimula na akong magluto.

Bumaba na si Kuya Corby mula sa kwarto niya. Nag-inat-inat pa siya.

"Kuya iyong bisita natin. Bakit mo pinainom ng alak?" Tanong ko sa kanya habang nakapameywang.

"May gusto lang naman akong malaman sa kanya at nalaman ko ito noong medyo nalasing na siya." Sabi ni kuya sabay tingin kay Dusk.

"At ano naman iyon?" Pagtataray kong tanong kay kuya.

"Secret!" Sabi ni kuya at bumalik sa kwarto niya. Napailing na lang ako.

Nang maluto na ang niluluto ko na soup ay nilagay ko na ito sa lamesa.

Pinagbukod ko sa isang bowl si Dusk.

"Ito na." Sabi ko kay Dusk at humigop siya ng sabay.

"Masarap itong soup." Sabi niya.

"Syempre! Made with love iyan!" Saad ko. Ngumiti na lang siya at kumain ulit.

"Gusto mo ng tasty? May whole wheat bread ako na binake last time." Sabi ko kay Dusk at tumango siya.

"Yes please." Sabi niya.

Bumaba na si mama at nakagayak siya.

"Anak, punta na ako sa palengke. Maaga akong uuwi tutal Linggo naman ngayon. Painitin ninyo na lang iyong natirang ulam kahapon saka magsaing ka mamaya kapag kakain na kayo." Sabi ni mama.

"Sige ma. Ingat po kayo." Sabi ko at lumabas na ng bahay si mama.

Bumaba naman si kuya na nakabihis na pang-alis.

"Kapatid! May pupuntahan lang ako ngayon. Dito ka muna kasama si Dusk ha! Physical distancing kayo dito habang wala kami ni mama!" Sabi ni kuya at umalis na.

Namula naman ang mukha naming dalawa ni Dusk.

Ang awkward tuloy. Isip ko.

Tumayo na si Dusk at pumunta sa sink para ilagay ang pinagkainan niya doon.

Bumalik siya sa dining area. "Hindi ka kakain ng breakfast?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ako nakain ng breakfast eh." Sabi ko. Tumango siya bilang sagot.

After kumain ni Dusk ay nagsimula na kami mag-bake ng Spanish bread at doughnuts. Inuna namin ang paggawa ng doughnuts.

"Ano kayang filling ang ilalagay naton sa doughnuts?" Tanong ko kay Dusk.

"Glazed doughnuts na lang para perfect pair sa caffeinated and non-caffeinated beverages." Suggestion ni  Dusk at tumango ako.

Glazed Doughnuts

(credits to the owner)

Nag-knead ulit kami ng dough at ginawa itong shape ng doughnut. Pagkatapos nito ay nilagay namin sa tray na may parchment paper at nag-drizzle ng glaze sa itaas ng dougnuts.

Pagkatapos nito ay nilagay na namin ito sa oven at nag-timer.

Next na ginawa namin ay Spanish bread.

Nag-knead ulit kami ng dough at ginawa ito sa style ng Spanish bread bago bago iyan ay nilagay namin ang filling sa loob. 

"Pwede ka na magtayo ng bakery sa lagay mong ito eh." Sabi ni Dusk.

"Oo nga eh. Balak ko magtayo ng pastry shop or restaurant balang araw." Sabi ko.

Nagpatuloy na kami sa paggawa ng Spanish bread at nang matapos namin gawin ito at natapos ng maluto ang doughnuts.

"Ang bango!" Saad ko pagkalapag ng doughnuts sa lamesa.

Next naman na nilagay namin sa loob ng oven ay iyong Spanish bread. Tatlong trays ang nagawa namin.

Spanish Bread

(credits to the owner)

"Palamigin muna natin iyong doughnuts bago ito i-pack." Sabi ko at tumango si Dusk.

"Gusto mo muna manood tayo ng movie? Wala na naman tayong gagawin after natin ma-pack ang na-bake natin." Sabi ko. Tumango si Dusk.

Siya ang pinapili ko ng movie habang ako naman ay kumuha ng snacks sa pantry.

"Here!" Sabi ko at nilagay sa mesa na katapat ng TV ang mga snacks.

"Wow! Ready na ready siya! May snacks!" Saad ni Dusk sabay kuha ng Piattos.

"Syempre naman! Masarap manuod ng movie habang nanguya!" Sabi ko.

Ang napili na panoorin ni Dusk ay #Alive. Korean movie ito na may mga zombies.

"Grabe agad itong first scene! Intense na agad!" Saad ko habang nanguya.

Napatango naman si Dusk.

Bigla akong sumigaw noong akala ko ay makukuha iyong bida ng zombie.

"Muntik na!" Saad ko.

Nang matapos na kami manood ay nilagay na namin sa oven ang Spanish bread samantalang ang doughnuts ay na-pack na namin.

Bandang tanghali ay natapos na namin lahat. Napalamig at nailagay na rin namin sa packaging ang Spanish bread. 

Nilagay namin sa lamesa ang lahat ng pastries na nagawa namin simula kahapon pati na rin ang mga nagawa ko noong isang araw.

"Ihatid na kita bukas ng hapon sa coffee shop. Ang dami ng naluto mo na pastries para dalhin iyan mag-isa." Sabi ni Dusk. Tumango naman ako.

"Medyo naparami nga ang gawa natin." Tabi ko.

Pinainit ko na ang ulam na niluto ni mama kagabi. Nagsaing na rin ako kanina bago kami i-pack ang Spanish bread.

May na-receive naman ako na text galing kay kuya.

Napailing na lang ako sa text ni kuya sa akin.

"Ano iyon? Bakit ka nailing?" Tanong ni Dusk sa akin.

"Ah wala. Nag-text si Kuya Cody na kumain na tayo. Biglang nagkayayaan silang magkakaibigan kaya mamayang hapon pa siya makakauwi." Saad ko.

"Sige. Pinatay ko na iyong apoy sa gas stove. Mukhang mainit na iyong ulam eh." Sabi ni Dusk.

Nilagay ni Dusk ang mainit na ulam sa lamesa habang ako naman ay nagsandok na ng kanin at nilagay ito sa mesa.

"Let's eat!" Sabi ko at nagsimula na kaming kumain ni Dusk.

"Gusto mo ng panghimagas?" Tanong ni Dusk sa akin. Tumango ako.

"I-try natin iyong mga niluto natin!" Sabi ko kay Dusk.

Muntik ko na makalimutan tikman ang mga binake namin.

Nagsimula naming tikman ang cinnamon rolls.

"Masarap!" Saad ni Dusk. Tumango ako.

Next naman ay iyong doughnuts, sumunod and Spanish bread hanggang sa ma-try namin lahat.

"Masarap lahat." Kumento ni Dusk at sinubo na ang last bite ng chocolate chip cookies.

"Mukha nga eh. Akala ko tikim lang pero mukhang kinain mo na lahat ng na-try mo." Sabi ko at natawa. Natawa rin naman siya.

Hinatid ko na si Dusk sa labas ng bahay.

"Ingat pag-uwi ah. Kita na lang tayo bukas. Salamat sa pagtulong!" Sabi ko sa kanya at binigay sa kanya ang isang box na may tig-iisa ng mga pastries.

"Salamat dito!" Sabi ni Dusk at naglakad na paalis.

Kinabukasan...

Ito na ang araw na pinakahihintay ko. First day of my work!

Hapon pa ang shift ko sa Coffee Bean Heaven, pangalan ng coffee shop ni Ate Daisey,  kaya naman ay sa bahay muna ang mga pastries na dadalhin namin ni Dusk mamaya.

Nang dumating na ang hapon ay pumunta si Dusk sa amin.

"Ayos na ba lahat? Naandito na lahat?" Tanong ni Dusk at dinouble check namin kung nasa compartment na niya lahat ng dadalhin namin sa coffee shop ni Ate Daisey.

"Yup. Naandito na lahat." Sagot ko ng ma-check ko ang listahan na dala ko.

Dumating na kami sa coffee shop at tama lang ang tao na naandoon.

"Hi Celeste!" Bati sa akin ni Ate Daisey.

Sa Wednesday pa ititinda ang mga pastries na nagawa namin ni Dusk kasi ipapatikim pa namin ito kay Ate Daisey at sa ilan sa mga pinsan niya. Titingnan namin kung approve sa panlasa nila.

"Ito na ba lahat iyon?" Tanong ni Ate Daisey at pareho kaming tumango ni Dusk.

"Sige. Sinabihan ko na ang mga pinsan ko na pumunta mamaya at bukas para matikman nila ang mga ginawa mong pastries." Sabi sa akin ni Ate Daisey. Tumango naman ako.

"Bukas ka na mag-start mag-work. Mukhang pagod ka kakadala ng mga pastries dito." Sabi ni Ate Daisey sa akin.

"Salamat ate. May homework din akong gagawin eh." Saad ko. 

"Dito mo na gawin. Gagawan kita ng coffee. Wait lang." Sabi ni Ate Daisey at pumunta sa counter. Umupo naman ako sa isang mahabang table na may apat na matataas na upuan.

"Mabuti't wala masyadong tao ngayon." Saad ko at inilabas ang laptop ko.

"Oo nga eh. Makakagawa ka ng homework mo ng tahimik." Sabi ni Dusk.

Dumating si Ate Daisey na may dalang tray. Binigyan niya kami ni Dusk ng tig-isang coffee at cheesecake.

"Thank you ate." Sabi ko. Nagpasalamat din si Dusk at nagsimula na kaming kumain.

Nang matapos na ako sa homework ko ay hindi ko na namalayan na gabi na pala.

"Saan tayo magdi-dinner?" Tanong sa akin ni Dusk.

"Wala akong ganang mag-dinner eh. Nabusog na ako doon sa cheesecake." Sabi ko.

"Burger and fries? Ayaw mo? Libre ko." Sabi ni Dusk at tumaginting ang mga mata ko noong narinig ko ang word na libre.

"Sige ba!" Sabi ko at natawa siya.

Sumakay kami sa kotse niya.

"Drive thru na lang para mabilis ma-serve." Sabi niya at tumango ako.

Kumain kami sa kotse niya habang nakatigil ito sa harap ng park. Marami naman streetlights kaya kita namin ang paligid.

"Okay ba? Masarap ba iyong Ebi burger?" Tanong sa akin ni Dusk.

May limited edition na burger kasi at ito iyong pinili namin.

"Oo. Masarap." Sabi ko at ngumuya ulit.

May shake shake fries pa on the side saka ice cream. Nilubos ko na dahil libre naman.

"Akala ko ba hindi ka gutom?" Natatawa na tanong ni Dusk.

"Eh libre mo naman eh!" Sabi ko at natawa kami pareho.

After namin kumain ay naglakad-lakad muna kami sa park para magpapababa ng kinain. May mga tao pa rin sa park kahit gabi na.

"Ang lamig ng simoy ng hangin." Saad ko.

"Ngayon lang ulit ako nakapag-stroll dito sa park na gabi na." Sabi ko.

"Hindi ka naman nilalamig?" Tanong ni Dusk sa akin.

"Okay lang. Hindi naman ako lamigin." Sabi ko.

Habang naglalakad kami at natingin lang ako sa paligid. Ang saya maglakad tuwing gabi kapag ganito kapresko ang simoy ng hangin.

Nang matapos na kami ay hinatid na ako ni Dusk sa bahay namin.

"Salamat sa libre mo Dusk!" Sabi ko.

"Sige. Good luck sa work mo bukas!" Sabi ni Dusk.

"Thank you! Ingat ka pag-uwi!" Sabi ko at umalis na si Dusk.

Continue Reading

You'll Also Like

983K 28.1K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
1.8M 35.1K 23
FORTALEJO•BILLIONAIRE SAGA #1 Highest Rank: #5 in GenFic (10.15.16) Paano kung Mahulog ang loob mo sa isang babaeng akala mo ay bayaran? Isang babae...
31.8M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
119K 5.9K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...