Unang Beses

By 13blackandwhite

32.1K 2.8K 4K

Gab please,let me be your man,that's my wish. - Ken I like you so much Gab,and ayokong mapunta ka sa iba. - J... More

AUTHOR'S NOTE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY THREE
FORTY FOUR
FORTY FIVE
FORTY SIX
FORTY SEVEN
FORTY EIGHT
FORTY NINE
FIFTY
FIFTY ONE
FIFTY TWO
FIFTY THREE
FIFTY FOUR
FIFTY FIVE
FIFTY SIX
FIFTY SEVEN
FIFTY EIGHT
FIFTY NINE
SIXTY
SIXTY ONE
SIXTY TWO
SIXTY THREE
SIXTY FOUR
SIXTY FIVE
SIXTY SIX
SIXTY SEVEN
SIXTY EIGHT
SIXTY NINE
SEVENTY
SEVENTY ONE
SEVENTY TWO
SEVENTY THREE
SEVENTY FOUR
SEVENTY FIVE
SEVENTY SEVEN
SEVENTY EIGHT
SEVENTY NINE
EIGHTY
EIGHTY ONE
EIGHTY TWO
EIGHTY THREE
EIGHTY FOUR
EIGHTY FIVE
EIGHTY SIX
EIGHTY SEVEN
EIGHTY EIGHT
LAST PART

SEVENTY SIX

169 30 43
By 13blackandwhite

AUTHOR'S NOTE

WARNING!!!

(Some Sensitive Topics and Words)

(Ken's POV)

Naglalakad ako ngayon sa lugar na hindi ko alam kung bakit ko pinupuntahan,panay lang ang pagtulo ng luha ko habang papasok ako.

nakayuko ako habang naglalakad ako,napaluhod ako bigla dahil parang nanghihina ang tuhod ko,umiyak lang ako ng umiyak habang nakayuko.

i c-can't!i c-can't!

gumapang ako palabas dahil hindi ko kayang tumayo dahil sa panginginig ng katawan ko,pero biglang may nakita akong paang maliit sa harapan ko kaya dahan dahan akong tumingala para tingnan yon.

isang batang lalaki,nakangiti siya habang nakatitig sa mga mata ko kaya nakatitig din ako sa mga mata nyang kulay brown at may mahahabang pilik mata,matangos ang ilong nya at mapula ang labi,may nunal siya sa kaliwang pisnge nya,at yung mga ngipin nya ay pantay pantay at mapuputi.

tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa,napakadungis niya ng sobra,wala siyang tsinelas kaya yung paa nya sobrang dumi,bumalik ang mga mata ko sa mukha nya,pamilyar siya sakin,may kamukha siya pero hindi ko alam kung sino,wala akong maalala.

hello po kuya,bakit po kayo nagapang?pilay po ba kayo?

h-huh?n-no,n-no i'm not.

nagulat ako ng ilahad nya ang kamay nya sa harapan ko,tiningnan ko muna ang mukha nya ulit,nakangiti lang siya sakin kagaya kanina,hinawakan ko ang kamay nya,nagulat ako dahil nawala ang panginginig ng katawan ko,hindi nadin nanghihina ang mga binti at tuhod ko kaya nakatayo ako,tumakbo bigla ang bata at naupo sa unahan,nanatili akong nakatayo at nakatitig sa likuran nya pero bigla siyang humarap sakin at tinapik pa ang pwesto sa gilid nya.

kuya?!

naglakad ako palapit sakanya at tinabihan siya,nakayuko lang ako at hindi makatingin sa unahan,pero biglang nagsalita ang bata.

hindi po ba kayo magdadasal?

hindi ako umimik sakanya,hindi ako nagdadasal,kahit minsan ay hindi ko ginawa ang bagay na yon.

ibibigay Niya po ang hinihiling natin,lalo na kung maniniwala tayong kaya Niyang maibigay yon.

nang sabihin ng bata yon ay biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni gab nung pangalawang beses ko palang na nakapasok sa simbahan.

nakangiti siya habang tumutulo ang luha nya.

may pinagdasal ka na bang natupad ha?sabihin mo sakin kasi baka maniwala na ako Sakanya.

yes.

ano?

you.

tumulo ang luha ko nang maalala kong sinabi sakin ni gab yon,i'm the one she prayed for.

sa unang pagkakataon ay pinagdaop ko ang mga palad ko at pumikit,ayaw matigil sa pagpatak ang mga luha ko habang nakapikit ako at walang ibang iniisip kundi si gab.

i-i know i'm not a g-good guy,i know i never p-pray and c-call your name,but please,p-please,Lord God,i'm
b-begging,heal my love,p-please,please.

sinabi ko yon habang nakaluhod ako at nagsusumamo Sakanya,dumilat ako ng dahan dahan ng maramdaman ko ang pagkalabit sakin ng bata.

nagsalita na po siya.

kumunot ang noo ko ng sabihin nya yon sakin habang nakangiti ng malaki.

tumayo ako ng marinig ko ang boses ni queenie,ilang kwarto lang ang pagitan ng chapel sa kwarto ni gab kaya rinig na rinig iyon dito lalo na't tahimik,naglakad ako palabas pero lumingon ako ulit para tingnan ang bata.

nilibot ko ang paningin ko sa paligid,wala na ang bata kaya kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka,hindi ko nalang yon pinansin dahil baka naglaro na yon kung saan.

naglakad na ako papunta sa tapat ng room ni gab,nakatayo si mom and dad,lumapit ako sakanila kaya agad nilang binuksan ang pinto.

nakita namin si queenie na panay ang iyak habang hawak hawak ang kamay ni gab.

why hija?

t-tito,n-nagsalita po si gab,nagsasalita na po siya ulit.

nanlaki ang mga mata ko ng sabihin yon ni queenie habang nakangiti at humahagulgol,sunod sunod na tumulo ang luha ko at tumingin ako sa Taas.

oh God,thank you,thank you,thank you so much.

panay lang ang iyak ko habang paulit ulit na nagpapasalamat.

w-what?!kailangan 'tong malaman ng lahat.

p-please,i-iwan nyo muna kami ni gab,i want,i w-want to be with her.

sinabi ko yon habang hindi sila tinitingnan dahil walang tigil ang luha ko habang taos puso akong nagpapasalamat.

sa labas muna kami anak ha?

yun nalang ang narinig ko at tuluyan na nilang sinara ang pintuan,sumandal ako sa pinto habang iyak ako ng iyak.

t-thank you!thank you!

panay ang kusot ko sa mata ko habang tulo lang ng tulo ang mga luha ko.

i-i'm s-so t-thirsty.

umawang ang bibig ko ng marinig kong sinabi yon ni gab,agad akong nag angat ng paningin sakanya at tiningnan siya,nakatitig siya sakin habang walang reaksyon ang mukha,pero bigla nyang itinaas ang kamay nya ng dahan dahan na parang inaabot ako kaya nataranta ako at agad na nilapitan siya,humila ako ng upuan at agad kong hinawakan ang kamay nya,idinikit ko yon sa pisnge ko at ilang beses hinalikan.

i-i'm t-thirsty.

kinuha ko ang bottled water at nilagyan yon ng straw,sumip siya doon at halos makalahati nya yon bago siya umayaw,kumuha ako ng tissue at dahan dahan kong pinunasan ang bibig nya,nagulat ako ng hilahin nya ng kaunti ang kamay ko at hinawakan yon,nakatitig siya sakin habang walang kakurap kurap,sa ilang araw nya dito sa ospital ay ngayon ko lang siya nakita ng malapitan,ang kirot kirot ng puso ko habang tinititigan ko siya,isang mata nya lang ang ginagawa nyang pangtitig sakin dahil sobrang bugbog ang isa at hindi maidilat.

n-nakikilala mo ba ako?

y-yes,y-you're,y-you're m-my,m-my mahal and m-my b-baby.

panay lang ang pagtulo ng luha ko habang pilit nyang sinasabi ang mga salitang yon,paos na paos siya,at napakahina ng boses nya kaya nakalapit pa ako sa mukha nya para lang marinig ko ang sinasabi nya.

yes,i'm your baby and mahal,how's your feeling baby?anong masakit sa baby ko?

e-everything,m-masakit,m-masakit lahat,u-uwi na tayo,p-please,i d-don't want na d-dito,i-i'm so n-nasasaktan na m-mahal.

sshhhhh,baby don't cry,i'm here okay?hindi kita iiwan.

d-don't l-leave me ha?

i won't baby,i won't.

pinunasan ko ng dahan dahan ang luha nyang panay lang ang pagtulo sa gilid ng mata nya.

nakatulog siya ulit,nakatitig lang ako sakanya habang panay lang ang halik ko sa kamay nyang hawak hawak ko.

may kumatok kaya napalingon ako doon,si daniel at ryan yon na pareho pang nakadungaw ang ulo sa pintuan,sinenyasan ko sila na wag silang maingay kaya dahan dahan silang pumasok.

why?

uuwi kami sandali,may ipapakuha ka bang gamit?

sabihin nyo nalang kay manang at ate eden lahat,alam na nila yon,pero may ipapakuha ako sainyo,yung teddy bear ni gab.

anong itsura at kulay?

colot white yon na nakablack na dress na may design na white daisy,hindi yon malaki,hindi din maliit,ingatan nyo ha?

sige bro.

una na kami ha?

okay.

lumabas na sila kaya naiwan na kami ni gab ulit,its 8pm na,hays parang hindi ko nararamdaman ang oras,nagiging umaga nalang,gabi,ng wala akong kaalam alam,paano wala naman akong nakikita kundi ang apat sulok na kwarto na 'to,tatlong linggo na si gab dito at sobrang tagal na non.

nung araw na nangyari ang panggugulo samin ay nakarating kami dito sa ospital na parang wala akong alam kung papaano,wala ako sa sarili,basta ang alam ko lang,si gab,sugatan si gab at walang malay,yakap yakap ko siya sa loob ng sasakyan,sugatan,puro dugo,yung mukha nya,sobrang namamaga.

pagkatapos non wala na akong maalala,na ICU ng sandali si gab pero bigla nalang e,parang himala na kaya nya kahit hindi don ilagay,nung dinala siya dito sa kwarto nya,hindi na ako lumapit sakanya kahit saglit,nakatitig lang ako sakanya sa malayo kasi hindi ko kaya,nasasaktan ako,nagagalit ako,sobrang galit na galit ako,sa harapan ko,ilang beses siyang hinalikan,hinawakan,at binaboy ng dalawang h*yop na lalaki,ilang beses siyang sinaktan,pinukpok ang ulo ng baril,sinabunutan,tinulak tulak,kinaladkad,lahat yon,lahat lahat ng yon ay hindi nawawala sa utak ko hanggang ngayon,at lahat yon nangyari nang dahil sakin.

halong emosyon ang nararamdaman ko kaya ayokong lumapit sakanya,nasasaktan ako,pero lamang don ang konsensiya,nakokonsensiya ako dahil ako ang puno't dulo ng lahat,wala na ang mama at papa niya,wala na si kuya jun,patay na sila,lahat ng impotante kay gab,wala na sila.

lumakas ang pag iyak ko kaya narinig ko ang pagbubukas ng pinto,si mom at dad yon,dahan dahan silang naglakad palapit sakin at hinaplos ang balikat ko,yumakap si mom sakin kaya niyakap ko din siya at umiyak ako ng umiyak don.

a-anak?what happened?tama na please?

m-mom,dad,k-kasalanan ko,ako ang may kasalanan.

huh?ng alin?wala kang kasalanan.

d-dahil sakin kaya sila gumanti,ako ang dahilan mom.

felip ano bang sinasabi mo ha?

nang sabihin yon ni dad ay tumayo ako at naglakad palayo kay gab,hindi niya pwedeng marinig,hindi nya pwedeng malaman.

sumunod si mom at dad sakin,naupo ako sa couch ako umiyak don habang nakahawak ako sa ulo ko.

felip?ano ba ang sinasabi mo ha?

d-dad,d-dad nakapatay ako.

umawang ang bibig nila pareho ng sabihin ko yon,panay nadin ang pag iyak ni mom habang nakatitig sakin.

n-nakapatay ka?how?when?

y-yung nangyaring pambubugbog noon sakin sa b-bar,h-hindi naman talaga ako binugbog lang non,nakipag laban ako,g-gumanti ako,t-tatlo sila,tatlong lalaki,hindi ko sila kaya ng sabay sabay,kaya naisip kong hawakan ang isa,nilagay ko ang asero ko sa kamao ko,hindi ko ko yon binitawan,hindi ko yon binitawan hanggang sa m-mabasag ang mukha non,h-hanggang sa ano,kinuha ko ang balisong ko,s-sinaksak ko ang lalaki dad,t-tapos umalis na sila,s-siguro hindi nila alam na may saksak ang lalaki kaya namatay yon,d-dad nakapatay ako.

paano mo nalamang patay ang lalaki ha?

s-sinabi sakin nung babae,k-kasi dad nung araw na naospital ako dahil sa paglaslas ko,hinihiwalayan na ako ni gab non,d-dahil nahuli nya kami nung babae na m-magkasama sa iisang office,pero kasi may sinabi siya sakin e,t-tinanong niya ako kung gusto ko daw malaman kung sino ang may gawa ng p-pagbaril kay gab,t-tapos sabi nya ako ang nagsimula ng lahat,m-may pinainom siya sakin na dahilan ng p-pagkahilo ko,pero malinaw sa pandinig ko ang sinabi niya,n-napatay ko daw dad,n-napatay ko ang kapatid nila.

tsk!hindi ka padin nakakasigurado dyan anak,baka nililinlang ka lang ng babaeng yon e.

d-dad tayo ang puntirya nila,dahil yon sa galit nila sakin,n-nadamay lang si gab at ang p-pamilya nya,h-hindi nyo ba napansin?yun ang ganti nila sakin,ang masaktan at m-mapatay ang pamilya ng b-babaeng mahal ko.

tahimik lang si dad at mom na nakikinig sa mga sinasabi ko kaya tuloy tuloy lang ako sa pagsasalita habang tumutulo padin ang luha ko.

dad lahat sila kay gab lumapit,si primo,nagpanggap siyang anak ni mr.manansala,si janella,nagpanggap siyang secretary ng kuya niya,si patrick kaklase siya ni gab,dad pinasok nila ang buhay ni gab at ng pamilya nila dahil yun ang pinakamalaking ganti nila sakin,naiitindihan nyo na ba ha?kasalanan ko lahat dad,ngayon lang lahat pumasok sa isip ko lahat,yung pambubugbog kay josh sila ang gumawa non,yung palaging sumusunod samin kahit saan kami magpunta,yung nakaharap ko noon sa hotel nung may lunch tayo dahil naging governor na ang tatay ni gab,lahat ng gulong nangyari sa pamilya natin,sa pamilya nila,ako ang may kasalanan,at lahat din yon isinisi nyo sa mahal ko,sa mahal kong nadamay lang naman,dad,mom,ipakulong nyo ako,gusto kong makulong.

lumapit si mom at dad sakin at niyakap ako pareho,umiyak lang ako ng umiyak habang nakatitig ako kay gab na tulog na tulog.

dad,ipakulong nyo ako,please gusto kong makulong.

anak,hindi ka makukulong,hindi kami papayag.

pero dad ako ang may kasalanan e,kasalanan ko.

sshhhh,hindi ka makukulong anak dahil hindi naman sila nagsampa ng kaso,nabayaran mo na ang kasalanan mo sakanila anak dahil sa ginawa nilang pagpatay sa mga magulang ni gab at sa body guard nya,wala kang kasalanan,hindi mo yon sinadya.

paano kapag nalaman ni gab dad,aayawan nya na ako alam ko.

hindi nya na dapat pang malaman yon,tayong tatlo,ikaw,ako,at si mommy mo lang ang makakaalam nito,naiintindihan mo ba ha?

yes dad.

tumahan ka na,magpalakas ka para sa nobya mo,kailangan ka nya hijo.

kasama mo kami ng daddy mo anak,sasamahan ka namin palagi,baka ito nadin ang paraan para makabawi ako sayo.

hindi na ako nakaimik ng sabihin yon ni mom dahil narinig ko ang pag ungot ni gab,tumayo ako at agad siyang nilapitan.

baby?baby,why?

umawang ang bibig ko ng bigla siyang umiyak,panay din ang pagpiglas ng mga paa niya kaya hindi ko alam ng gagawin ko.

m-mama?!p-papa?!p-please!d-don't leave me!m-mama!p-papa!

tulo lang ng tulo ang luha ko habang nakatitig sakanya at hindi alam ang gagawin,biglang lumapit si mom kay gab at hinawakan ang kamay nito.

h-hija?hija calm down,this is tita jo,i'm here,hindi kita iiwan,i can be your mama,i'm mama jo,please calm down hija,calm down.

m-mama?

yes,i'm your mama.

itinaas ni gab ang kamay niya at hinaplos ang pisnge ni mom ng dahan dahan,hinawakan naman yon ni mom at hinalikan ng ilang ulit.

we're here hija,nandito din si papa felipe,hindi ka namin iiwan.

p-papa?

yes hija,i'm here.

nakatitig lang ako sakanilang tatlo na pareparehong tumutulo ang luha habang magkakatitigan.

nandyan si ken,your mahal and baby,aalagaan ka na niya anak,diba love mo si ken?

y-yes po,i l-love ken.

love kadin ni ken,love ka ni mama jo,ni papa felipe,lola ina,lola mildred,lolo felipe,josh,tapos lahat ng cousins ni ken and josh,and of course ni ken.

l-love n-nyo po ako?

yes,love ka namin dahil love ka din ni ken.

w-where's ken po?i w-want him.

ayan siya oh?gusto mo iwan namin kayong dalawa?

tumango siya ng dahan dahan kay mom and dad kaya bumitaw sila kay gab,humalik pa si mom sa pisnge ni gab ng dahan dahan bago sila lumayo dito,lumapit sila sakin,si mom ay niyakap ako kaya niyakap ko din siya,si dad naman ay panay ang haplos sa ulo ko.

uuwi na muna kami anak ha?kailangan kong asikasuhin ang kumpanya natin at nila gab,pati nadin ang pabrika nila.

okay dad.

ako nadin muna ang titingin sa bakeshop at farm ni gab anak,wag natin yon ipasara dahil sayang ang kikitain,yung mall mo inutos ko na yon sa mga tauhan namin ng dad mo.

okay,salamat mom.

pwede mong pakainin si gab kung nagugutom siya,hangga't maaari ay lugaw nalang muna or mga healthy soup anak.

opo.

sige na,baka parating nadin sila manang at eden,pati na ang dalawa mong kaibigan,magpahinga anak ha?

i will dad.

humarap pa si mom and dad kay gab at kumaway,nakatitig naman sakanila si gab habang seryoso lang ang mukha.

bye anak,magpahinga kayo ni ken ha?

bye hija,babalik kami bukas.

lumabas na silang dalawa kaya naiwan nanaman kami ni gab,hindi ako makakilos at nakatingin lang ako sakanya,ganun din siya na dahan dahan pang inilahad ang kamay sakin kaya lumapit ako sakanya at hinawakan yon.

b-baby,i w-want you t-to h-hug me and k-kiss me.

tumulo ang luha ko at agad akong naupo sa upuan sa tabi nya,niyakap ko siya ng dahan dahan sa balikat nya lang ako nakahawak dahil baka madali ko ang tahi nya sa tiyan,hinalikan ko siya ng dahan dahan sa pisnge ng ilang ulit,humarap siya sakin at tinitigan ako gamit ang isang mata,pinilit nyang abutin ang pisnge ko gamit ang kamay niyang may suero at hinaplos yon ng marahan,napapikit ako habang iyak lang ng iyak.

i l-love y-you m-mahal,i l-love you so so m-much.

mas umiyak ako ng sabihin nya yon sakin habang pilit pinagkikiskis ang ilong namin,hinawakan ko ang likod ng ulo nya at hinaplos yon ng dahan dahan.

mahal na mahal kita mahal,please magpagaling ka na ha?namimiss na kita e,namimiss ko na yung lambing mo,namimiss ko na lahat lahat sayo,please magpagaling ka na.

i-i'm s-sorry,i-i'm so s-sorry i-if i'm weak ha?

no you're not baby,you're not weak,you're so strong and brave,you saved me,you saved us,baby i love you,i will take care of you,i promise,hindi kita iiwan hangga't hindi ka pa gumagaling,pangako.

nang ngumiti siya ay lalo lang akong umiyak,niyakap nya ang braso kong nakayakap sakanya.

m-mahal,sila m-mama and papa,where are t-they b-buried?

umawang ang bibig ko nang tanungin nya yon sakin,nakatitig lang siya sakin habang ako ay ganun din at panay ang lunok,biglang may kumatok kaya napahinga ako ng malalim,hindi ko pa kasi kayang sagutin ang mga tanong niya,natatakot akong may masabi ako sakanyang hindi naman dapat.

si manang,ate eden,daniel at ryan yon,nag ayos agad si manang at ate eden ng gamit,si ryan at daniel naman ay lumapit samin.

hi gab.

hello gab.

nakatitig lang ako kay gab,tiningnan niya lang pareho si ryan at daniel tapos ay binalik nya agad ang paningin nya sakin.

bro eto pala yung pinapakuha mo samin.

kinuha ko ang paper bag na iniabot ni daniel,kinuha ko doon si fiel at agad na iniabot kay gab,kitang kita ko ang saya sa mukha niya kaya nag umpisa nanamang tumulo ang luha ko,kinuha nya yon sakin at agad na niyakap gamit ang isang kamay at idinikit pa sa pisnge niya,kita kong pilit niyang pinipindot ang dibdib non pero mahina siya kaya ako ang gumawa non para sakanya.

hi mama i'm fiel,papa always loves you so much.

napangiti ako habang umiiyak ng makita ko ang pagngiti niya,namiss ko ang mga ngiti niya,kahit na kaunti lang yon ay napakasaya ng puso ko dahil nakita ko yon ulit sa wakas.

naramdaman ko ang paghawak ni daniel at ryan sa balikat ko na alam kong dinadamayan ako,itinaas ni gab ang kamay niya kaya hinawakan ko yon.

nakatitig lang ako sa ginagawa niya,inilagay nya sa gitna ng kamay naming magkahawak ang kamay ni fiel at tsaka idinikit nya yon sa tapat ng dibdib nya at pumikit,maya maya lang ay sunod sunod ang naging pagtulo ng luha niya kaya yumuko ako dahil mas nasasaktan lang ako kapag nakikita kong umiiyak siya.

m-mahal?sinasama ako ni mama at papa,t-tapos si gian,si gian kasama nila.

nag angat ako ulit ng paningin sakanya ng sabihin niya yon,nakapikit siya habang panay lang ang pag iyak.

s-sobrang beautiful sa place nila,nung nandoon ako w-walang masakit sakin,i'm so so h-happy lang lalo na we're magkakasama nila mama,papa and gian,b-but,but bigla kong narinig yung voice mo kaya nung papasok na kami sa big na door lumingon ako,then i saw you crying while nagpepray ka,i'm umiyak kasi i don't want to see you crying,you are nagmamakaawa kay God na iheal ako,kaya i'm nagpaalam kay mama,papa and gian,i don't want sumama sakanila,because i k-know na you are magiging sad,baby?baby i d-don't want you to be sad kaya i'm bumalik,baby?i love you,i don't want kang iwan,i love you.

panay lang ang hagulgol ko habang nakikinig ako sa sinasabi niya,sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon,sobra.

m-mahal,d-don't l-leave me,p-please?i'm n-nagmamakaawa,w-wag mo akong i-iiwan,i d-don't w-want to be alone,m-mama and p-papa are already d-dead,p-please?p-please kahit anong mangyari please wag mo akong iiwan.

lumapit ako sakanya at hinalikan ang pisnge nya ng dahan dahan,pinunasan ko ang luha nya at tinitigan siya sa isang mata niya na nakadilat.

i don't know why,but i can't,i can't promise right now,i'm so sorry baby,but i'm not sure na kakayanin ko pang makasama ka na alam kong ako ang dahilan ng lahat kaya ka nasasaktan ngayon,i'm so sorry for everything baby,i'm sorry.

i love you so much mahal,don't forget that okay?ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay.

i l-love y-you m-mahal.






2 MONTHS LATER

Nakatitig lang ako ngayon kay gab na panay ang pagkain dito sa bakeshop niya,hawak hawak nya ang isang kamay ko habang ang isang kamay niya ay napakabilis gumalaw na akala mo gutom na gutom siya,tinanggal ko ang pagkakahawak niya sakin at kumuha ako ng tissue at pinunasan ang bibig niya,lumingon siya sakin at ngumiti ng malaki kaya umiwas ako sakanya ng tingin.

nagulat ako ng bigla niya akong yakapin sa waist at ipinatong pa ang mukha sa likod ko,hindi ako makagalaw dahil hindi siya bumibitaw sakin.

mmm,baby i love you so much.

hindi ako umimik at gumalaw pero bigla siyang tumayo at hinalikan ako sa pisnge kaya nilingon ko siya,sinapo niya ang magkabilang pisnge ko at hinalikan ako sa lips ng dalawang ulit tapos ay niyakap ako ulit at sinubsob pa ang mukha sa dibdib ko,tumulo ang luha ko ng maramdaman ko ang paghikbi niya.

dalawang buwan na ang nakakaraan simula ng mangyari ang malaking pagsubok na hinarap namin,pagkatapos ng lahat ay alam kong pinipilit ni gab maging normal,pero ako hindi ko kaya,sa dalawang buwan ay naging malamig ako sakanya,alam kong napapansin niya yon dahil nakikita ko na lahat ay ginagawa niya para bumalik kami sa dati pero hindi ko kaya,hindi ko na kaya.

mahal na mahal na mahal ko siya,sobra sobra yon,pero hindi ko na kayang makasama siya ng matagal,sobrang hirap para sakin ng ginagawa ko pero unti unti ko na siyang binibitawan,kapag nakikita ko siya paulit ulit lang bumabalik sa isip ko lahat ng mga nangyari,at lahat ng yon ako ang dahilan kaya sobra ang konsensiyang nararamdaman ko,kapag alam kong kaya na ni gab,magpapaalam na muna ako sakanya,hindi ko pa kasi kaya ngayon dahil nag iipon pa ako ng lakas ng loob,hindi ko kasi alam kung anong magiging reaksyon niya.

nandito kami sa mall namin,naglalakad kami habang magkalayo lang,nasa unahan ko siya kaya nakasunod lang ako sakanya,bigla siyang lumingon sakin at agad akong binalikan,yumakap siya sa bewang ko at tiningala ako,hindi ako tumitingin sakanya dahil lumalambot ako sa tuwing tinititigan ko ang mukha niya,narinig ko ang pagbuntong hininga nya bago siya bumitaw sakin,pero kinuha niya ang kamay ko at hinawakan yon ng mahigpit,hinalikan nya yon ng paulit ulit pero nanatili akong tahimik at parang wala lang yon sakin kahit na ang gusto ko namang gawin ay yakapin at halikan siya ng madami.

nasa bag store kami,nakaupo lang ako habang siya ay panay ang pili ng bag para kay mom at lola mildred.

pupunta kasi kami ngayon sa bahay dahil nandoon ngayon sila lola at lolo,naging okay ang na ang pakikitungo ni lola at mom kay gab,and i know masayang masaya siya dahil don.

mmm,mahal do you think magugustuhan 'to ni mama jo?

yeah.

mmm,how about this?para kay lola mildred?

good.

kitang kita ko ang pilit na pagngiti niya at tsaka agad na siyang nagpunta sa cashier para magbayad pero tinawag ko siya.

ah,g-gab?

kumuyom ang kamao ko ng makita kong nilingon niya ako habang kagat kagat nya ang ibabang labi niya na halata kong ginawa niya para magpigil ng luha.

w-why?

use my credit card.

a-ah,n-no,i'm the one nalang na magpapay,m-mahal.

tumango lang ako sakanya,habang naglalakad kami palabas ay huminto pa siya and i know kung bakit.

i want ice cream.

wag na,baka mabusog ka at hindi pa makakain sa bahay,i know nagluto si mom at lola for you.

mmm,o-okay.

nasa bulsa ko lang ang dalawa kong kamay dahil ayokong humawak siya sakin pero mali ako dahil sa braso ko naman siya humawak,niyakap niya pa yon ng mahigpit habang palabas kami.

inalis ko yon nang malapit na kami sa sasakyan,pinagbuksan ko siya ng pinto tapos ay sumakay nadin ako,magkatabi kami sa likod dahil may driver naman kami,nagulat ako dahil bigla siyang kumandong sakin at yumakap pa sa batok ko ng mahigpit.

sa bintana lang ako nakatingin dahil alam kong nakatitig siya sakin ngayon,hinalikan niya ako sa pisnge kaya napalingon ako sakanya,kinuha nya ang dalawa kong kamay at iniyakap yon sa waist niya tapos ay tinitigan niya lang ako.

i miss you so much,why mo ako iniiwasan mahal?

sunod sunod ang naging pagtulo ng luha niya ng sabihin nya yon sakin,umiwas ako ng tingin sakanya pero hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko at tinitigan ako sa mga mata.

hindi mo na ba ako love baby?

nakatiim bagang lang ako habang tinititigan siya,lumakas ang paghikbi niya at agad umalis sa pagkakakandong sakin,tumalikod siya sakin at umiyak ng umiyak,tumulo din ang luha ko habang tinititigan siya mula sa likuran niya.

i love you my baby,why mo na ako hindi love?

nang sabihin niya yon ay agad kong tinakpan ang bibig ko para pigilan ang gustong kumawalang paghagulgol doon.

f*ck!ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon,bakit ko ba ginagawa 'to?sinasaktan ko si gab,sinasaktan ko ang baby ko.

pagdating namin sa bahay ay nauna na siyang bumaba dahil inalalayan naman siya ni matt,kagaya kanina ay nakasunod lang ako sakanya,sinalubong si ni mom at dad ng yakap at halik.

anak?!kamusta ka hija?

i-i'm okay naman po mama jo,ah this is for you po mama.

wow!thank you so much anak,para kay mama ba yan?

yes po.

naku matutuwa yon,come on pasok na tayo sa loob,madami kaming niluto para sayo.

hindi na lumingon si gab sakin at sumama nalang kay mom,naglakad palapit si dad sakin at tinapik pa nag balikat ko.

how are you son?

i'm not good dad.

i know,gusto ko lang talagang marinig mula sayo.

tumulo ang luha ko kaya yumuko ako at pilit yon tinago pero alam kong nakita yon ni dad dahil hinaplos niya ang likod ng ulo ko.

bakit mo ba kasi ginagawa ang bagay na 'to?kitang kita ko namang labag yon sa kagustuhan mo.

i love her dad,so much,so so much.

yeah i know,and pareho din nating alam na mahal ka niya,hays.

sa tingin nyo ba kapag nalaman niya na ako ang puno't dulo ng lahat ganyan padin ang mararamdam niya para sakin?dad,i know she will be mad,ipagtatabuyan niya ako,at hihilingin niya na sana,sana ako nalang ang namatay.

anak?

dad ayokong dumating yung araw na yon kasi hindi ko kaya,hindi ko kakayanin na kamuhian ako ng babaeng mahal ko,dad naiintindihan nyo naman ako diba?

yes of course,pero hindi ba ang selfish mo kung ganun ang gagawin mo?iniiwasan mo siya ngayon,ang tigas tigas mo,hindi ka ba naaawa sakanya?she needs you.

kaya nga ako nandito padin hanggang ngayon diba?kasi gusto ko bago ko siya iwan kaya niya na.

sa tingin mo kakayanin niya?

yes,naghihintay lang ako ng pagkakataon dad,sana pagkatiwalaan nyo ako.

nagtitiwala ako sayo hijo.

thanks dad.

pumasok na tayo sa loob baka makahalata na sila.

diretso kami sa dining,umawang ang bibig ko nang makita ko si gab na nakaupo sa tabi ni lola,bakante ang upuan sa tabi ko pero hindi siya sakin tumabi,hays i know masama na ang loob niya sakin ngayon,sh*t!

apo,anong gusto mo ipaglalagay kita sa pinggan mo.

a-ah,i want to t-taste po lahat lola.

sige,yan ang gusto ko sayo e,kapag nagluluto kami ay pakiramdam ko ito ang pinakamasarap na pagkain sa buong mundo kapag ikaw ang kumakain.

yeah that's true mama,ang sarap sarap paglutuan ni gab.

pilit lang ang ginawa niyang pagngiti kay mom at lola.

anay lang ang kain ko habang masayang nagkukwentuhan sila mom,lola,dad at lolo,nag angat ako ng paningin para tingnan si gab,nakatitig lang siya sa pagkain niya habang pilit iyong inuubos kahit na kita ko naman sakanya na ayaw nya na.

nang matapos kami kumain ay panay pa ang pilit ni mom at lola kay gab na dito kami matulog pero nagsalita ako.

babalik nalang kami tomorrow mom,lola.

anong oras?

hays,umaga.

siguraduhin mong umaga kayo pupunta dito mga apo ha?

yes.

apo,pwede mo ba akong dalhan ng cake mo at cupcake?

yes po lola.

bakit naman ikaw lang mildred,gusto din namin ng cake at cupcake ni gabriela.

e matanda ka na hindi na pwede sayo yon.

aba,dalawang taon lang naman ang pagitan ng edad natin ah?kung makasabi ka naman ng matanda dyan.

dalawang taon lang ba?bakit kapag katabi kita ay mukha kang uugod ugod?malayo sa itsura kong napakasexy pa at malakas.

sexy?saan banda?

tsk!ma,pa,para kayong mga bata kung mag away,pareho lang kayong gurang kaya wag na kayong magtalo.

nagtawanan naman sila dahil sa sinabi ni dad,humalik na si gab sakanilang lahat tapos ay naglakad na kami palabas.

bye apo,bukas ha?

bye po lola.

bye mga anak.

kumaway pa si gab sa bintana sakanila hanggang sa makalayo na kami,tahimik lang kami pareho nang biglang mag ring ang phone niya,sinagot niya din yon agad kaya nag abang lang ako.

Hello josh?

hello gab,how are you?

mmm,i'm good,how about you?

i'm okay but i'm tired.

ow mmm,are on duty pa?

yes,tsk!

diba you're wala pang rest since yesterday?

yes,sobrang dami kasing may sakit ngayon,lalo mga bata,hindi ko kayang pabayaan e kaya hindi ako makauwi,ang engot pa ng mga nurse ngayon dito,tsk!bilisan mo na nga para ikaw na ang kasama ko palagi.

huh?w-what do you mean?

diba soon magiging nurse ka na din?wag mo sabihing hindi ka dito sa hospital namin magtatrabaho?

nakita kong natawa si gab kaya narinig ko din ang pagtawa ni josh sa kabilang linya,sinandal ko ang ulo ko at sa bintana ako tumingin.

nakakuyom lang ang kamao ko simula umpisa ng pag uusap nila hanggang sa ngayon,selos na selos ko,sobra sobra,pero kapag pinakita ko yon kay gab i'm sure aasa nanaman siya sakin.

bye josh,take care.

bye gab,see you soon.

nakarating na kami sa bahay,diretso lang si gab sa kwarto namin,ako naman ay sa kusina agad kumuha ako ng alak at tsaka sa harap ng countertop ako pumwesto.

oh hijo,umiinom ka nanaman?parang masyado na atang napapadalas nanaman ang pag inom mo?

kailangan ko po nito manang.

may nagdoorbell kaya napalingon ako don,pero naririnig ko na ang bunganga nila pareho kaya alam ko na agad kung sino yon.

bro,nainom ka pala hindi ka nagyayaya.

oo nga,kung hindi pa kami magpupunta dito hindi namin malalaman.

uminom nalang kayo pwede?

ay,sorry ang sungit mo naman,may r*gla ka ba?

oo nga,mukha kasing meron e.

tiningnan ko sila pareho ng masama kaya napalunok sila ng sabay.

s-sorry sorry,tatahimik na.

uminom nalang ako ulit at hindi na sila inintindi dahil nabibw*sit lang ako lalo.

narinig ko ang tunog ng pintuan ng kwarto kaya tumingin ako sa gilid ng mata ko,nakabihis na siya ng pantulog,bitbit niya si fiel habang nakaluhod sa sahig at may sinisilip sa ilalim ng sofa kaya nakatuwad siya don.

nilingon ko ang dalawa g*go para tingnan at tama nga ako dahil yung mga mata nila ay nakahabol kay gab,sabay ko siyang binatukan kaya nagkauntugan pa sila.

f*ck!anong gusto nyong gawin ko dyan sa mga mata nyo ha?

h-huh?b-bakit?

k-kaya nga,n-nananakit ka pa,wala namang ginagawa.

ah wala?

inambahan ko sila ng suntok pareho kaya tumalikod sila kung nasaan si gab.

eto,titingin lang naman ang damot pa.

ano?

w-wala,hays.

madamot yan e,gusto siya lang nakikinabang.

t*ngina hindi ba kayo titigil ha?!

hindi na nga,sorry na,tsk!

nilingon ko si gab,kandong kandong niya na ngayon si kuro at gali habang nakangiti doon,nag angat siya ng paningin at nagtama ang paningin namin kaya mabilis akong tumalikod para umiwas.

napapikit ako habang nakakuyom lang ang kamao ko,hindi ko napigilan at tumulo ang luha ko.

f*ck!i miss her,so much.

naramdaman ko nalang ang pagtapik sa balikat ko kaya napadilat ako at pinunasan ang luha ko.

ayos ka lang bro?

hays,bakit mo ba kasi tinitiis si gab ha?

kasi yun yung tama.

paano naman magiging tama yon e pareho lang kayong nasasaktan,tingnan mo nga si gab,ang lungkot lungkot niya,bro payo lang ha?baka kakaganyan mo hindi mo napapansin bumibitaw na pala si gab sa relasyon nyo.

yun nga yung gusto ko e,gusto ko kapag nagpaalam ako sakanya okay na,wala ng hirap.

hays,hindi ka ba naaawa kay gab?ang tindi ng mga pinagdaanan niya,dalawang buwan palang ang nakakalipas tapos ngayon eto naman ang pinapakita mo sakanya.

para sakanya naman 'to e.

paano magiging para sakanya yan e kaselfishan yan?tsk!

hindi nyo ako naiintindihan.

hindi ka talaga namin maiintindihan bro,tsk!sinasayang mo si gab,ang daming nakaabang kay gab.

oo isa kana don,tsk!

tsk!gusto ko padin si gab hanggang ngayon,pero hindi ako g*go para saluhin siya dahil mas mahalaga ka padin kesa sa kaligayahan ko,akala ko ganun kadin sakanya pero hindi pala,mas uunahin mo pa ang sarili mo.

tsk!alam mo bro,bakit hindi ka nalang makipaghiwalay kay gab?pinapatagal mo pa e,mas pinapatagal mas masakit.

hindi ako makikipaghiwalay kay gab.

tsk!e ano?paghihintayin mo siya ng ilang taon?napakag*go mo talaga kung ganun.

inubos ko nalang ang iniinom ko at tsaka tumayo na ako,mas naguguluhan lang ako kapag si ryan at daniel ang kaharap ko,hindi ko kasi natiis na hindi magkwento sakanilang dalawa kaya lahat ay alam nila,pero simula umpisa ay tutol sila sa ginagawa ko kay gab dahil hindi naman daw sapat na reason yon para ganituhin ko si gab pero para sakin yun ang tama kaya yun ang mangyayari.

bago ako pumasok sa kwarto ay nilingon ko pa si gab,natataranta siyang inilagay si gali at kuro sa higaan nito tapos ay nagpaalam pa siya kay ryan at daniel kaya pumasok na ako.

diretso ako sa bathroom para maghilamos at magtoothbrush,nakasarado ang pinto pero bumukas yon,nakadungaw siya sa loob kaya hindi ko siya tinitingnan.

mmm,m-mahal?can you brush my teeth?s-super tagal mo ng hindi yon ginagawa sakin e.

tinapos ko na agad ang ginagawa ko at niyaya ko siyang pumasok,binuhat ko siya at iniupo sa lavatory,sabi ko hindi ako titingin sa mga mata nya basta sa bibig lang dahil alam kong manghihina ako kapag tumingin ako sa mata niya,pero habang binubrush ko ang ngipin nya ay naramdaman ko ang pagkayakap niya sa waist ko,napalunok ako at pilit pinigilan ang sarili kong mapatingin sakanya.

nang matapos ay pinunasan ko ang bibig niya,bigla niya akong hinalikan sa labi kaya nagulat ako,ang higpit higpit ng pagkakayakap niya sa batok ko ng gawin niya yon,pero lumayo lang siya ulit dahil hindi ako kumilos,napatiim bagang ako nang makita ko ang pagtulo ng luha niya habang hinahaplos niya ang pisnge ko.

m-mahal na mahal kita m-mahal,diba l-love mo padin naman ako?

yumuko at inalis ang pagkakahawak niya sa pisnge ko kaya narinig ko ang paghikbi niya ng malakas.

napapikit ako ng madiin at pinunasan ang luha niya at niyakap siya,yumakap din siya sakin ng mahigpit,binuhat ko siya kaya pinulupot niya ang binti at hita nya sakin,panay lang ang iyak niya habang magkayakap kami.

matagal ko siya buhat buhat lang,hinahaplos ko lang ang likod niya,maya maya ay bumigat na ang paghinga niya,binababa ko na siya sa kama pero ayaw niya bumitaw sakin,pinilit ko alisin ang pagkakayakap niya pero umiyak nanaman siya kaya naupo ako lang sa kama habang nasa ganung posisyon kami,hinaplos ko lang ang likod ng ulo niya para makatulog na siya ulit,pero bigla siyang umalis sa pagkakayuko sakin at agad akong tiningnan,hinaplos niya ang magkabilang pisnge ko at tinitigan ako sa mga mata.

a-are you g-going to a-abandon me?

umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya,panay lang ang pagtulo ng luha niya habang nakatitig sakin.

p-please,d-don't be in love with somebody else.

she kiss me habang panay lang ang pagtulo ng luha niya,hinahaplos niya ang pisnge ko habang magkadikit padin kami,nang lumayo siya at ngumiti siya ng malaki sakin.

i love you,i love you so much.

hinalikan niya ulit ako kaya napapikit ako pero hindi ko ginantihan ang halik niya kahit na gustong gusto ko yon gawin.

ang tagal tagal ng paghalik na ginawa niya sakin kahit na nararamdaman ko naman ang paghikbi niya.

nang lumayo siya sakin ay tinitigan ko siya,hinaplos niya ang magkabilang pisnge ko.

grabe,ibang iba na ang itsura ng mahal ko,ang lungkot lungkot ng mga mata niya,nasasaktan siya.

pilit siyang ngumiti sakin,ang laki laki ng pagngiti niya pero hindi naman yon umaabot sa mga mata niya.

mahal na mahal kita baby,i'm not nakakalimutan yung promise mo sakin two months ago,i'm umaasa padin na gusto mo padin na ako ang maging mama ng mga magiging baby mo,i'm umaasa padin na someday,we're ikakasal and magiging maghusband and wife,i'm umaasa padin na ako lang ang mamahalin mo forever.

kiniss niya ulit ako kaya pumikit ako at niyakap siya ng mas mahigpit,and this time hindi ko na natiis,i kiss her back.

ito na ata ang pinaka ayokong kiss na ginawa namin sa buong pagsasama namin,dahil hindi yon masarap sa feeling,wala akong nararamdaman pagtibok sa dibdib ko dahil sa kilig,puro sakit lang ang nararamdaman ko ngayon,wala ng iba.

nang maghiwalay kami ay tinitigan niya ulit ako sa mga mata kaya ganun din ako sakanya.

i'm so nasasaktan mahal.

sinabi niya yon habang panay ang pag iyak niya,bumalik sa pagkakayakap sakin,sunod sunod na tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan habang magkayakap lang kami.

doble ang nararamdaman kong sakit mahal,patawarin mo ako,mahal na mahal kita.

mahigit isang oras ata kami sa ganung pwesto,ngalay na ngalay na ako kaya sinubukan ko siya ulit na ihiga,sa wakas ay pumayag na siya kaso ay pagbaba ko sakanya ay bigla siyang dumilat at umiyak nanaman kaya napabuntong hininga ako at tinitigan siya.

m-mahal?p-please d-don't leave me,parang a-awa mo na,w-wag mo akong iiwan,h-hindi ko kayang mag isa e,y-you nalang ang m-meron ako,please n-nagmamakaawa ako mahal,w-wag mo akong iiwan.

humiga ako sa tabi niya at niyakap siya,humarap siya sakin at niyakap din ako,paulit ulit kong hinalikan ang noo niya habang hinahaplos ko lang ang pisnge niya kaya nakita kong naiidlip na siya ulit.

f*ck!paano ko ba siya iiwan ng ganito siya?nakikita ko na e,hahabulin niya ako hanggang sa hindi ko nanaman siya matiis.

sinilip ko ang mukha niya,nakaawang ang bibig niya habang tulog na,tumulo ang luha ko at hinalikan siya sa labi,iyak lang ako ng iyak habang kinikiss ko siya,nang lumayo ako ay tinitigan ko ang buong mukha niya habang panay ang haplos ko sa pisnge niya ng marahan.

mahal na mahal na mahal kita baby,sobrang mahal na mahal kita,patawarin mo ako pero kailangan kong gawin 'to,para sayo,para satin,hindi ko na kayang bumalik tayo sa dati na alam kong ang laki laki ng kasalanan ko kung bakit ka nawalan ng mga mahal sa buhay,tutuparin ko ang mga pangako ko sayo,babalikan kita pangako,at kapag nagkita tayong muli,hinding hindi na kita papakawalan.








enjoy reading!❣️

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 264 72
//COMPLETED// "Sirena ako at ikaw ang aking shokoy." "Sana hindi ka makahinga sa ilalim ng tubig." The Neos series #4 By: Haeitsu
34.1K 869 47
May mga bagay talaga sa mundo na hindi natin inaasahan, yung bigla na lang dadating kahit hindi mo naman ito kahilingan. Akala ko lahat ng "unexpecte...
1.2K 256 5
Do visit the Journey of Srinitha , Chartered Accountant by profession, and Dr.Santosh a Doctor by passion and profession.
374K 32.5K 92
Sequel to my MHA fanfiction: •.°NORMAL°.• (So go read that one first)