Secrets Left Unspoken

By MissGorJuice

384 30 7

Hindi ko alam kung saan magsisimula. Kung saan at paano na nga ba ito nag-umpisa. Kung paano ang isang tulad... More

--
Panimula
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 1

42 5 1
By MissGorJuice

Chapter 1 : “hello?”

FIRST PAGE — JULY, 2017

Hulyo, 2017. Tuluyan na nga kaming umalis sa dati naming— tahanan. Hindi na ito, panaginip o kahit imahenasyon man lang.

Muli nanamang nagtapos ang buwan ng bakasyon, at magbabalik eskwela nanaman.

Totoo na ito? Ang mga gusaling nagtataasang at bahay na aming nadadaanan ay bago sa aking mga mata.

Lahat nang nakikita ko sa labas nang bintana ng aming sasakyan ay bago lamang sa aking paningin. Malayong-malayo sa aming probinsya. Hindi man ako sanay sa pamumuhay sa isang siyudad— handa naman akong matuto at kahit papano masasanay rin.

Marami kasing punong nagtataasan doon, kahit ang mga punong-kahoy. Napatitig na lamang ako sa labas ng bintana. Ang laki pala ng pagkakaiba sa probinsya na kinalakihan ko. Ang mga gusali kasi doon ay nabibilang pa sa daliri ang dami.

Kaya naman.....

Bigla akong napaisip? Magiging mabait kaya ang bagong lugar na pupuntahan ko. Sana, nawa'y maging maayos ang pakikitungo sa akin ng— lugar na ito. Magiging mabuti kaya sila sa akin. At magkaroon ng mga kaibigan.

Gusto ko ring panatilihin ang mataas kong grado sa eskwelahan. Nawa'y manatili ang mataas kung grado, hanggang sa susunod na semester. Sana— hindi maging ganoong kahirap ang pagdadaanan ko sa siyudad.

Sana maging maayos ang lahat sa lugar na ito.

“Ano ba ate! Kanina pa tumigil iyong sasakyan! Bumaba ka na riyan!” biglang sabi ng Kapatid ko, at doon ko lang napagtanto, kanina pa pala tumigil ang sasakyang sa isang simpleng bahay.

Tinulak-tulak niya naman ako sa naka saradong pintuan nang sasakyan kaya ang nangyayari ay nauuntog ako dito. Agad ko namang pinalo ang kamay niyang, tumutulak sa akin at sinasamaan siya ng tingin.

“Ikaw na! Ano ba! Alam mong nakasarado, itutulak mo ako! Ikaw talagang, bata ka!” at pinalo ko ulit siya sa kamay. Hanggang sa, nabuksan ko na ang pintuan at agad na bumaba, para matakbuhan ang batang iyon.

Pagkababa ko, agad akong pumunta sa likod nang sasakyan, at eksaktong andoon si Daddy. Agad naman niyang binigay sa akin ang mga gamit ko. Ang box kong naglalaman nang kung ano-anong libro.

Ngunit puro naman educational books, na binabasa ko kapag wala na akong ginagawa o gagawin.

Sakit sa ulo.

Hinihimas ko pa ang bahagi ng ulo kung tumama kanina sa pintuan ng sasakyan at baka magkaroon bigla ng pasa— ngunit nang lumingon ako sa paligid, bigla akong napatitig sa lugar.

Hindi kagaya nang inaasahan ko— walang rumi, o kahit na basura. Mukhang inaalagaan nang maayos ang subdivision na ito.

“Paki-ingatan ang pagbuhat! Ito, paki-lagay na lang doon sa sala!” rinig kong utos ni Mommy sa mga taong nagbubuhat nang mga gamit namin papasok ng bahay, ngunit hindi doon namalagi ang atensyon ko.

Mas pinagtuunan ko nang pansin ang buong paligid.

Bagama't hindi kagaya nang ibang, subdibisyon na nakikita ko sa mga magazine o T. V na may nagtataasang bahay, dito iba— mas marami ang simple lamang ang bahay. Ngunit— magaganda ang itsura.

Ang kinuha naming bahay ay eksakto lang para sa amin, upang kahit papano— Hindi kami magsisikan at hindi rin ganoon kaluwang.

“Pre! Pakuha naman iyong pitaka ko, naiwan ko dyaan sa loob! Paabot na lang, wag mong ibabato!” hanggang sa naagaw ang pansin ko sa dalawang lalaking,  nakatingala ngayon sa isang bahay na parehas nang desinyo sa bahay namin.

“Sabing wag mong ibabato!” sigaw nang isa, kaya naman tinawanan siya nang isa niyang kasama. Hanggang sa maging ako'y, napangiti na lang ng bahagya.

“Ano pang tinatayo mo dyaan? Tumulong ka roon, Laiven! Aba!” sigaw agad ni Mommy na siyang nagpahinto sa akin sa pagngiti.

“Sino ba kasing tinitignan mo dyaan, ate?” rinig kong bulong ng kapatid kong nasa likod ko na pala.

“Ano ba! Magdala karin doon nang magagaan! Napakatamad mo!” singhal ko, rito. Ngunit, kanya lamang akong binatukan kaya ang ending! Hinabol ko siya papasok nang bahay!

“Wag kayong maghabulan, baka may mabangga kayo!” suway ni Daddy sa amin.

Tumango lamang ako, at agad binaba ang box na dala ko sa gilid. Kung saan hindi maapakan o mababangga kong mayroon mang dadaan.

Si Mommy na nagdedesisyon kong saan ilalagay ang mga gamit, at paano niya iyon aayusin? Siya lang naman may alam kong paano gawin iyon. Ayaw niya ngang nakiki-alam ako, e. Basta ang sabi niya, 'Laiven, mag-aral ka lang' at iyon lamang ang ginagawa ko.

“Laiven! Reaven! Maghati na lang kayo sa isang kwarto!” agad uminit ang ulo ko dahil sa narinig ko! Ayaw kong kasama ang batang iyon sa isang kwarto! I'm already, sixteen years old, for pete's sake! I don't share room!

“Ayaw!”

“No!”

Iyon ang mga sagot na lumabas sa bibig naming dalawa. Parehas ang kagustuhan, ngunit mag-kaiba ang dahilan!

“Kung hindi niyo ako bibigyan nang kwarto, babalik na lamang ako sa probinsiya at doon ko na lang ipagpapatuloy ang pag-aaral ko!” hindi ko alam kong gagana ito, pero wala akong ibang dahilan!

“At saka, may atraso pa iyang batang iyan sa akin! Nauntog ako, dahil sa kanya!” sabay turo ko sa batang, tahimik lang sa gilid.

“Anong uuwi? Nahihibang kana ba? Ang mahal nang gasolina ngayon!” iyon ang naging sagot ni Mommy sa akin, na ang ibig sabihin ay 'hindi siya, pumapayag o nadadala sa mga sinasabi ko' ito kasing batang ito! Sakit talaga sa ulo.

“May isa pa namang kwarto roon, nakita ko kanina. Ipalinis na lang. Pero pagtitiisan na lang, dahil hindi naman ganoon kalaki.” suhestiyon ni Daddy, na siya namang ikinangiti ko.

“Doon ako sa mas malaki, Daddy!” masaya kong sabi, ngunit agad din iyong nawala nang biglang umangal ang kapatid ko.

“Mommy! Doon ako!” sabi niya, at agad humarap kay Mommy. Kung saan siya magaling, ang magpa-awa.

“Hindi, doon ako! Kung ayaw mong, humingi ng tawad sa akin! Doon ako! Wag kang aangal!” mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko, at agad niya akong sinamaan nang tingin.

Ngunit hindi siya nagpatinag!

“Mommy!” naiiyak niyang tawag. Mukhang alam ko na ang kalalabasan nito.

“Mommy!” “Mommy!” “Mommy”

Sunod sunod ang tawag niya doon, na siyang nagpapasakit sa tainga ko.

“Sige na, Laiven, ibigay mo na ang kwartong iyon sa kapatid mo.” paki-usap ni Mommy, gamit ang mahinahon na boses.

Hindi na ako naka-angal, dahil alam na ng kapatid ko kung anong magiging sagot kaya naman agad siyang tumakbo doon at mukhang sisilipin ang kanyang bagong silid.

Sa pagtakbo niyang iyon ay siya namang paguntog ko ulit sa isang— aparador.

Kaya naman agad ko ulit sinapo ang ulo kong nauntog, pangalawang beses na ito!

Hindi naman siguro ako, magiging bobo ano?

“Tsss! Reaven!” sigaw ni Daddy, ngunit hindi siya pinansin nang kapatid ko, kaya sa akin na lamang siya lumapit.

“Does it hurt?” nag-aalalang tanong ni Daddy, ngunit hindi ako sumagot at hinawakan lamang ang noo kong, mukhang malapit nang magkaroon nang bukol.

“Kung hindi naman pala masakit, pumunta kana doon magpalit dahil pupunta tayo sa kabilang bahay mamaya, doon sa kababata at kaibigan nang Daddy niyo.” rinig kong sabi ni Mommy. Agad naman akong napanguso sa sinabi niya.

“Ayaw kong pumunta!” sabi ko.

“Wag nang umangal, sige na magpalit kana!” sagot niya.

——

Agad kumatok si Daddy sa pintuan, doon ko lang din napagtanto na mukhang hindi rin naman palang masamang pumunta, mukhang masasarap ang niluto nilang pagkain.

“Andyan na! Saglit lang!” sigaw nang boses galing sa loob nang bahay. Boses nang isang lalaki, mukhang iyong kaibigan ni Daddy.

Hindi rin nagtagal ay mayroong nagbukas nang pintuan, at sa wari'y siya ang kaibigan ni Daddy.

“Sandra! Nandito na sila!” sigaw niya sa isang pangalan, na mukhang pagmamay-ari nang kanyang asawa.

Kagaya kanina ay may sumulpot na magandang babae, bagama't mukhang mag kasing edad lamang sila ni Mommy.

“Tuloy kayo, pasok.” sabi niya.

“Siya nga pala ang Tita Sandra niyo, madalas ko siyang ekwento sa inyo, lalo na kay Laiven, hindi ba?” tumingin naman ako kay Mommy nang sabihin niya iyon.

Hindi naman ako makasagot agad, kaya naman nang pinanlakihan niya ako nang mata at halata ang pilit sa kanyang ngiti ay ngumiti na lamang ako kay Tita Sandra.

Lord, patawarin niyo ako sa gagawin ko, hindi ko naman po gustong magsinungaling, e. Hindi naman niya kasi nababanggit ang pangalan ni Tita Sandra.

“Hah? Nagkwekwe—” agad kong tinakpan ang bibig nang kapatid ko, at nahihiya akong ngumiti kay Tita Sandra.

“Ahh— Opo. Madalas nga po. Masaya po akong sa wakas, nakita na po kita nang personal. Nice to meet you po.” nakangiti kong sabi, at agad pang nagmano kahit sa loob-loob ko gusto ko nang lumuhod, at humingi ng tawad dahil sa pagsisinungaling ko.

PERO totoo naman na masaya akong nakilala siya. Hindi lang ako masaya, dahil sinunod ko nanaman ang pakulo ni Mommy.

——

Continue Reading

You'll Also Like

29.1K 643 17
Mayabang. Hambog. PANGET. That's my jerk roommate.
72.9K 2.9K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
160K 5.2K 59
Her name is Diamond but she is no gem. Juan Jose only treasures her body. Besides that, Diamond is worth nothing to him.
42K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"