Season of Spring

By hanieeebitchyyy

382 87 1

I was a gloomy woman with a dark life, a woman who study 23 hrs everyday, who prioritize studies, who just lo... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
17

16

4 0 0
By hanieeebitchyyy

"Nakita ko kayong dalawa!" 

Binagsak ni Pearl ang phone niya sa table ko. Nagulat ako sa nakunan nila sa picture. Kinuha ko kaagad ang phone niya at pinatay. 

"Hindi ako 'yon." Pagsisinungaling ko. 

Parehong nanliit ang mga mata nilang dalawa. 

"Maniwala sayo, kuhang kuha sa akto! Kayong dalawa pa!" Pag-aakusa sakin ni Niña. 

Umiwas ako habang may sinisipsip sa straw ng coke. 

"Hoy babae! Mag tapat ka nga samin, kayo ba?" Tanong ni Pearl. 

I rolled my eyes. Nagmumukha akong may kaso sa dalawang 'toh dahil sa mga kilos nito. "Do i have to repeat myself? I told you WALA NGANG KAMI." I empathize my last word.

Nagkatinginan silang dalawa at umiling iling ng ulo. 

"Hindi kami naniniwala, we saw you two with our own clear eyes kahit doblehin pa natin ang salamin ko, nakaholding hands kayo!" I just watched them talking. Nanatili akong tahimik at kumakain lang. 

Hindi ko na pigilang ikutan sila ng mata. Simula kaninang umaga ay umaasta na silang ganito. Panay ang akusa na kami daw na dalawa. Fake rumors are spreading so fast. 

Habang nanonood napatigil ako ng dumaan si Veronica. Sakaniya ba binigay ni Kio ang binili naming necklace?

Nakakunot ang noo ng makitang suot niya sa leeg ang necklace na pinili ko kasama si Kio. I thought he gave it to Pearl? Bakit nasa kaniya 'yon? 

Sa library ako ngayon, after ng break time i decided na mag hanap ng libro dito, bagong gawa lang ng library namin kaya naman ilang oras pa akong naghanap. Nang makuha ko ang babasahin, humanap ako ng bakanteng mauupuan. 

I sighed at bumaling na lang sa notes ko. Ilang araw na akong walang focus kahit anong gawin ko para makapag-aral ay wala pa din. Patuloy pa din ang pagpapakita ni Jacques sa isipan ko. 

Napapaisip ko na ngang baka gusto ko talaga siya at ayoko lang aminin sa sarili ko. 

Habang nakatitig sa notes ko hindi ko na pansing nalipat ito. Umangat ako ng tingin ng ilipat sa pangalawang pahina ang aklat na ginagamit ko. Umupo siya sa harap ko. 

"You're spacing so much this lately, ah, Dahil ba kay Jacques?" Diretsuhang tanong ni Louisiana. 

"Hindi ah. Stress lang siguro, kaya ganon." Tugon ko. 

Nilapit niya ang upuan niya, hinawakan niya ang kamay ko at tinapat kung saan banda ang puso ko. 

"Tinatanggi mo, pero halatang halata naman, kahit anong tanggi mo sa sarili mo hindi parin mag babago yan. Lalaki at lalaki ang nararamdaman mo sa kaniya." Ngumingiti siya  habang nag sasalita. 

"Sige ka, mamaya naunahan kana, e'di babye ka na lang sa feelings mo kay Jacques." 

Binaba niya ang kamay ko. "Expert ka ba sa sa pag-ibìg?" 

Natawa s'ya sa tanong ko. "You can say that i was used to love someone and the end he lost feelings." 

Natahimik ako sa sagot niya. Tumango na lang ako. Tumingin siya sakin at ngumiti na lang. "Huwag ka ngang maging malungkot d'yan, past is past kaya hindi na ako nalulungkot kapag kinukkuwento ko sa iba." 

She was so matured. Kahit na same lang kami ng grade at age siya talaga ang matured samin unlike me, childish pa ang isip ko. Idolo ko talaga siya tuwing ganito siya mag salita. 

Napapaisip ako na gayahin siya sa tono ng pananalita niya at sa pagiisip pero hindi kayang kontrolin ang pagiging maldita at masungit sa iba. 

Dahil half day ngayon pagkatapos ko sa library dumiretso ako sa coffee shop. I just ordered my favorite coffee, sometimes dito talaga ako bumibili ng kape tuwing umaga kapag hindi ako makapag isip ng maayos. 

Habang nasa pili napatigil ako sa pagsunod ng mapansing may mga written notes sa board. 

"Kakabagong update ng store namin yan ngayon, Ma'am, puwede din po kayong magsulat d'yan pero anonymous lang dapat, try niyo Ma'am?" Humarap ako sa nasa counter. 

Ngumiti ako at umiling. "Ah … hindi na." 

"Ah sige po Ma'am. Anong order niyo ma'am?" Ngumiti siya sakin. 

"Yung binibili ko palagi, yun na lang, Shirley." I simply answered. 

Napakamot siya sa ulo at ngumiti-ngiti. "Iced coffee po ma'am? Anong food Ma'am?" 

"Dalawang waffles na classic lang, could you please add some blueberries, strawberry with a whipped cream?" I smiled. 

Mabilis siyang sumang-ayon. "Okay po Ma'am, both take out po or dito lang?" 

"Yung isa paki take out and paki double na lang pala ang drinks." 

Nanliit ang mata niya sakin habang pumipindot sa screen. "Ikaw Ma'am ah, may binibigyan ka ah, jowa mo ba Ma'am?" Mapang-asad siyang ngumiti. 

I smile and laugh by what she said earlier. "Hindi ah, we're just friends." 

Tumango siya. Bumayad naman ako kaagad at humanap ng bakanteng upuan. Hindi naman ako tumagal dahil kaagad ding tinawag ang panglan ko.

Habang iniubos ang waffles ko tumitingin din ako ng mga bagong update sa shoppee. Hindi naman talaga ako bibili, tumitingin lang madami ng nasa cart ko but i was still doubtful kung bibili ba ako or hindi, minsan kasi ay manakiita akong pangit ang delivery kaya naman napapaisip na lang ako ng ganito. 

Hindi ko namang sinasabing pangit i mean, ang ibang produkto nila ay kakaiba minsan pag color green ibang color ang nabibigay. As a first timer at never pang bumili hindi talaga.

Irintado akong napapatay ng phone ng makita ang mga nakasulat sa anonymous board nila. Puro kay Jacques! ang iba ay kina Kuya. I don't care abou them. 

Pero kung Jacques, bakit kasi ang pogi niya?! 

Lumabas ako ng coffee shop dala dala ang take out ko. Nang makapasok ako ng school namin nadaanan ko ang mga ibang manlalaro ng volleyball. Tinatawag pa nila ang pangalan ko at kumakaway sakin. 

Nag lakad ako hallway na papunta sa gym. Nasa kagitnaan palang ako ng hallway ng naririnig ko na kaagad ang bawat takbo at sigaw nila ng defense. 


I opened the door at napatingin kaagad sila sakin. Nakakainis naman kasi bakit ang ingay nitong pinto. Napasinghap ako ng malalim at kaagad iyon sinarado. Nawala kaagad ang confidence kong dalhan siya ng pagkain. 


Tumalikod na ako para umalis ng bumukas ang pinto. 


"Artemis? Anong ginagawa mo dito? Papanoodin mo ba ako mag laro?" Sunod sunod niyang tanong. 


Kaagad kong hinarap sa kaniya ang takeout kong ice coffee at waffles. "I just remembered you while buying this, bumili din ako for Kuya's and Mom and Dad. Kaya don't think too much." I lied. 


Tinanggap niya yon at bigla akong sinunggaban ng yakap. Tinapik tapik ko siya ng marinig ang mga kantyawan ng mga kasama niya. Kumalas siya sakin at lumingon sa kanila.


"Manahimik nga kayo! Wala lang kayong Jowa eh!" ulirat nito sa kanila. 

He told them na jowa niya ako while i denied him to others.


"Yiiieee! Si Jacques pumapag-ibig!" Sumilip sila sa bintana. 

"Jacques hati tayo!" saad pa ng isa. 

Humarap na siya sakin at pawis na pawis pa ang braso. Kumuha ako ng towel sa bag at binigay yon sa kaniya. 

"Dry yourself. Magkakasakit ka n'yan. Alis nako." Sabi ko at tatalikuran na siya ng hawakan niya ang kamay ko para pigilan ako. Nag si katyawan nanaman silang, huminto lang sila ng pumito na ang coach. 

"Hindi mo ako aantayin? Mas maganda kung sabay na tayong umuwi para alam kong nakauwi kana talaga." 

"I can handle myself. Uuwi ako sa ayaw mo at gusto mo." Saad ko sabay tinalikuran ko na siya. Hindi ko na siya pinansin ulit at nagpatuloy lang ang paglalakad. 

I sighed at lumingon sa likod ko, nakatalikod na siya at pumasok sa gym. I rolled my eyes at humanap ng bench sa may cafeteria. Nakabukas lang ito at bumili lang ako ng chichirya at coke at doon muna nagpalipas ng oras habang kumakain at nagbabasa ng comics. 

Hindi rin naman ako natatakot, there's some students na tumatambay din at kinakausap din ako ng mga teachers na dumadaan sa faculty. Napasandal ako sa upuan at tinignan ang relo. Maga alas kuwatro na hindi pa sila tapos? ang tagal naman nila. Napabuga ako ng hininga at tumayo na. 

Sinuot ko na ang bag ko at naglakad na. 

"Artemis!" Agad akong lumingon. 

Wow. Nakapalit na siya ng damit, ah. 

Tumakbo siya palapit sakin. "Akala ko ba umuwi ka na?" 

"I about too. Then miss Advisor called me to check the students papers." Saad ko. 

Napatango tango siya. "Ah, tara sabay na tayo umuwi, tapos na din naman kami sa training." 

Napasimangot ako at nagiisip ng gagawin. 

Tinalikuran ko siya. Huminto ulit at seryosong humarap sa kaniya. "Why don't we date?" 

Napabuga siya ng iniinom na tubig at umubo ubo. 

"Seryoso ka ba? ngayon pa talaga?" 

"Ayaw mo? Okay sige. Madali naman akong kausap." Tumalikod na kaagad ako at naglakad muli. 

"Saan mo ba gustong kumain? sige na 'wag ka ng mag tampo, bibilhan na lang din kita ng ice cream." 

"Sure ka? Meron kayong laro tomorrow tiba, kaya mas okay ngang huwag muna ngayon." Huminto ang bus at sasakay na sana ako ng may humila sakin palayo doon.

Hila hila niya ako, pumara siya ng taxi at pinapasok niya ako loob. Katabi ko siya sa backsit at sinabi niya sa driver kung saan kami pupunta. 

Malalim akong napahinga habang nakatingin sa labas inaantay huminto ito. Pagbaba namin ng taxi napatingin ako sa restaurant. Pagbayad niya sa taxi driver hinawakan niya ako sa kamay. Nag mu-mukhang magkapatid kami ngayon dahil napaka tangkad niya talaga. 

Kung tutuusin nahihiya ako tuwing kasama ko siya, hindi ko siya kinakahiya. Nahihiya lang ako sa sarili ko. Tuwing magkasama kami napapaisip ako kung deserve ko bang magkaroon ng lalaking ganito? 

"Huy, ano bang iniisip mo," narinig ko siyang tumawa, he squeeze my hand. 

Umiling ako. "Nothing." 

Mahina siyang tumawa ulit at pinagbuksan ako ng pinto. Pag pasok ko nagandahan ako sa designs hindi naman ganoon ka bongga ang restaurant pero para sakin maganda ang appeal nito sakin. 

"Favorite kong kumain dito. Si Mom kasi Busy and si Fiona naman, ayaw sa ganitong klaseng restaurant." Napangiti ako sa kinuwento niya sakin.

I blushed. So ako pa lang pala ang first time niyang dinala dito. I was like a special person para dalhin sa favorite restaurant niya. 

Pinaghila niya ako ng upuan at umupo naman ako sa upuang hinila niya para sakin, umupo naman siya sa kaharap kong upuan. Hinubad ko muna ang bag ko at nilapag sa baba ganoon din siya. Ngiting ngiti siyang tumawag ng waitress. 

"Uy … Jacques, ngayon lang kita nakita ah, girlfriend mo?" Tanong ng lalaki. Mukha namang magkaibigan sila sa tono ng pananalita nito kay Jacques.

"Hoy Zen, long time no see, ah, oo si Artemis nga pala girlfriend ko." Pagpapakilala niya sakin. I bow a little to him. Nakakahiyang mag salita. 

Ganito pala ang feeling ng pinapakilala ka sa friends ng jowa mo. Nagkatinginan silang dalawa at sabay tumawa. 

"Naka jackpot ka boi, retohan mo din ako ng maganda, gago ka eh sinosolo mo lang mga magaganda sa school niyo." He throw a fake punch on Jacques arm..

Tumawa si Jacques. "Gago ka Hindi, pano ba yan boi babaero ka eh, ako naman hindi babaero." 

"Tanga hindi kaya. Osige na, ano bang order niyo?" umayos siya ng tayo. Nagtatawanan ulit sila ni Jacques. Ewan ko kung seryoso na ba tong kaibigan niya o nakikipag biruan pa din. 

Kaya ba gusto niya dito para makita 'tong friend niya? 

"Artemis, anong drinks gusto mo?" Tanong niya. "Kung ano na lang sayo." Sagot ko at tumango naman siya. Kinuha ng friend ni Jacques ang order namin. 

Tumitingin ako sa design ng resto, madilim siya kaunti dahil nasa dulo kami pero may ilaw naman at napaka ganda ng lighting nito. Kaunti din ang mga taong kumakain naikinasaya ko naman. Nakukuryos akong napatingin sa kinakain nila. Bakit nasa malaking plate? 

"Eto na order niyo, dahan dahan lang sa pagkain baka mabulunan kayo." Umayos ako ng tingin at napanganga ng kaunti ng makitang puro seafood ang nakahain. Nakalagay sila sa isang bilao na nakatrapal sa baba ang dahon ng saging. 

Ngumiti lang sakin si Jacques. Habang ako naman ay natatakam lalo ng makita ko ang crab. Inabotan ako ni Jacques ng plastic gloves. Dumating na din ang drinks namin at nagsimula na kaming kumain. 

I slip in my hand on plastic gloves. Napatitig na lang ako ng maalalang hindi ako marunong magbukas ng crab. 

"Kain ka na para maaga din tayo makauwi." Usisa niya sakin. 

I pout. "I don't know how to eat a crab and open it." 

Napatingin siya sakin at natawa, malakas siyang natawa at umabot ng sprite niya at uminom. I rolled my eyes. Galing nga naman kesa tulungan ako tinawanan ako. 

"Hanap ka ng gusto mong crab bubuksan ko." Sabi niya. 

I nodded at ginawa yon. Kinuha ko siyempre ang malaking crab at super yummy tignan. Kinuha niya yon at mabilis niyang nabuksan ang crab. Tulad ko nakasuot din siya ng plastic gloves. 

Tinuro niya ang orange sa loob nito. "Yan kainin mo." 

Tumango ako. Binalik niya sakin ang crab kong bukas na, i almost melt when i taste it. "Ang sarap.." tugon ko, ngumiti naman sakin si Jacques. 

"Try mo toh," nilapit niya sakin ang kamay niya, ngumanga ako ng kaunti at tinikman ang pagkaing binigay sakin.

Napatango tango ako habang nilalasaan ang kakaibang seafood. "Wow it's delicious… anong seafood 'yon?" Tanong ko. 

Nayuko siya habang may binukbuksan. "A-ah tawag doon ay oyster shell. S-sarap ba?" He utterly said. 

I nodded at naghanap ulit ng seafoods. Siya ang taga bukas ko ng crab at ng oyster shell. Kumain din kami ng noodles with a cheese. Gabing gabi na kami ng nakauwi sa building, takam na takam pa din ako sa seafoods na natikman ko ngayon.

"Ang sarap talaga.." aniko, lumingon ako sa kaniya. "Isama mo ulit ako doon okay? i want to eat there again." 

Tumango siya. Ngumiti ako at lumabas na kami ng elevator. Hindi ko na nga nabilang kung ilang beses na akonh nag pabukas ng seafood kay Jacques. Mabuti he didn't dislike me for ruining his food mood. 

"If we date again sa iba naman tayo." Anito sakin. 

Tumango ako. "Puwede naman, huwag lang sa matao." 

He lick his lower lip and nodded after. 

I was about to push the doorknob ng kusang bumukas ito and it revealed mama and my two kuya's. Napaatras ako ng kaunti sa gulat. Shit. Nandito pa si Jacques. 

"Abaw Artemis…" tugon ni Mama at biglang ngumiti sakin ng pang aasar. "Jacques nag date kayo? hm? kayo ahh, akala ko kung sino sino ng dine-date ng anak ko eh." 

Jacques chuckle. "Hindi naman po tita, at saka.. " nagkatinginan kami sa isa't isa. 

"At saka nag kita lang po kami d'yan sa baba." Tumango ako at dumurugtong sa palusot niya. "And i accidentally fall asleep habang nasa bus ako."

Tumango tango kaming dalawa. 

Napansin ko ang pag ngiwi nina Kuya sa loob at pagtawa. I rolled my eyes at pumasok na sa unit. Nakabukas pa iyon dahil kinakausap ni mama si Jacques. 

"Pa! May ka date si Artemis!" Sigaw ni Kuya Erin. 

Inirapan ko lang ito at pumasok sa room ko. I took a shower and after that sumabay ako sa kanila kumain para hindi na nila isipin na kumain kami ni Jacques sa labas. 

Bumalik na ako sa kuwarto after kong maghugas ng plato. It's my first time to volunteer myself na mag wash ng dishes. Habang naghuhugas pa ako ay nakakainis dahil itong mga kapatid ko ay kanta ng kanta ng mga love songs at akusa pa ng akusa tungkol kanina. 

I lock my door at humiga sa kama ko. Bwisit naman ang ganda na ng puwesto ko tapos nakalimutan ko pang kuhain ang cellphone ko. Tamad tamad akong tumayo para kuhain ang phone ko sa study table ko. 

Bumalik ulit ako sa kama at agad na binuksan ang phone ko. I check kaagad my messenger. Napanguso ako ng maalalang hindi ko nga pala friend si Jacques. Bumalik ako sa wallpaper at pinindot naman ang facebook. I check again Jacques friend request. Dahan dahan kong cinofirm siya. Napahinga ako ng malalim. 

Akala ko kapag cinonfirm ko na siya may message na darating kaagad. Pinatay ko na lang ang phone ko at bigla naman itong tumunog. Animo'y batang nag aantay sa isang lalaki ako, nawala din ang ngiti ko sa labi ng group chat  lang namin 'yon nina Niña at Pearl. Usually silang dalawa lang talaga nag-uusap doon dahil nga hindi ako pala gamit ng cellphone. 

Wala din akong time para doon. 


Pia the witch: ay wow open si madam Ezell @Ningñing beh,,, online siya

I rolled my eyes ng tawagin niya akong Madam.

Niña paasa: bob k nsa mundo aq ng mga pogi ngayon 

Pia the witch: hahaha tanga sa una lang yan,, baka hair cut lang papogi 

Niña paasa: gago kA kaTlga @Artemis hoy seen lang cht din mare. After 3 years di k n nag lapag. 


Pia the witch: yaan m o lang nasa date yan, speaking of them intrams tom ano suot niyo? Ezell gumaya ka ah


Niña paasa: mg blAck ka broken k e, red ako love ako


Pia the witch: tangina mo makabroken ka ah, wala sa umpisa lang saya niyo. Mag white tayo mean we're angels. 


Niña paasa: para lng yun sa mga namatay 


Naliliit ang mga mata ko habang binabasa ang mga text nila. Nagback muna ako doon at nahulog nanaman sa mukha ko ang cellphone. 

Jacq Sevilla: hemmlooe<3 

Jacq Sevilla: date tayo tom? after game don't worry. Treat ko again. 


Wow diretsong diretso to the point siya ah. 

Ezell Echizen: ayoko 


A/N: vote and read are highly appreciated, thankyouu! 

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 89.7K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...
63.9K 2.8K 48
Book One of the Adler series ** St. Sinclair, the illustrious academy honoured nationwide as a catalyst for the intellectually gifted youth. Though i...
216K 10.3K 57
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
174K 1.1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...