Bewitching Disaster

By GraciousVictory

179 12 0

STATUS: ONGOING Being the one and only daughter of Whiz Entertainment founder Ivory Laxamana, who was then kn... More

Bewitching Disaster
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9

Chapter 8

17 1 0
By GraciousVictory

“Iris, tahan na, please?”

“It’s that Aubrey’s fault. Silang dalawa ni Ryko,” Iris mumbled as she focused on the road with her arms crossed. Saglit na napalingon si Jasmine sa kaniya.

“Paano naman nadamay ang driver ng mommy mo?” tanong ni Jasmine.

“Sinira niya ang plano ko.”

Jasmine’s brows furrowed. “I don’t get you, Iris. Paano naging kasalanan ni Ryko ang nangyari gayong tumulong lang naman siyang pigilan ka? Hindi ba dapat magpasalamat ka pa sa kaniya dahil kung hindi ka niya pinigilan, baka mas malala pa ang magawa mo kay Aubrey.”

“Oh, eh, ano naman kung malala? Dapat lang sa kaniya ‘yon. Siya ang dapat magpasalamat kay Ryko. If it weren’t for him, literal na dila lang ang walang latay sa kaniya.”

“I still don’t get why it’s his fault...” Jasmine trailed.

Inis na nilingon ni Iris ang kaibigan. “Basta kasalanan din niya, okay? Argh!” Ginulo niya ang sariling buhok. “Kasalanan niya, kasalanan ni Aubrey — kasalanan nilang lahat kung bakit nangyari ‘to,” paninisi niya sa lahat.

Tama naman siya, eh. Kung hindi sinimulan ni Aubrey, hindi siya gaganti. Kung hindi maging bida-bida ang driver na ‘yon, hindi siya pagagalitan ng mommy niya sa harapan nito.

This is all their fault.

Masyadong abala si Iris sa paninisi ng ibang tao sa isip niya na hindi niya namalayan na itinigil na pala ni Jasmine ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

“Iris, are you hearing yourself?” Hinarap siya nito. “Alam mo ba kung gaano ka-immature ‘yang pinagsasasabi mo?”

“I’m not being immature. I’m just stating facts—”

“No, you're not. Naghahanap ka lang ng masisisi sa ginawa mo,” pagtatama ni Jasmine sa kaibigan. “I know Aubrey has a fault so ayos lang na sisihin mo siya pero si Ryko? Girl, tumulong lang‘yung tao. Dapat nga magpasalamat ka kasi kung ‘di ka niya napigilan, malamang malala pa roon ang magagawa mo kay Aubrey. Baka mademanda ka pa. And good thing your mother settled it. Nasaktan mo si Aubrey — physically. And they have evidences, Iris. ‘Di mo man lang ba naisip na kaya si Tita Ivory ang kumausap kay Aubrey at sa manager niya ay para pigilan sila na sampahan ka ng kung anong kaso?” Jasmine finally gave her comment. Nang magkuwento kasi si Iris kanina, wala siyang sinabing kahit ano. She kept her mouth shut thinking that Iris still hasn’t calmed down.

“What are you implying? Na dapat pa akong magpasalamat? Ni hindi nga ako inintindi ng mommy ko.”

“Paano ka niya maiintindihan kung dinadaan mo lahat sa galit?” Jasmine retorted.

“Jas, you know my mom. Kahit gaano pa kahinahon ang pagpapaliwanag ko sa kaniya, if she doesn’t want to listen, she won’t!” Sinuklay niya ang mahabang buhok gamit ang nga daliri. “Gano’n siya ka-close-minded.”

“Kasi close-minded ka rin.” She clicked her tongue. “Ayaw mong i-admit na may kasalanan ka. Sinisisi mo ang ibang tao — kahit ‘yung walang kasalanan. Ni hindi ko nga maintindihan kung bakit galit na galit ka kay Ryko, eh. Dinadaan mo ang lahat sa pakikipag-away at pakikipagsagutan. Sa inaakto mo, sinong gugustuhin na pakinggan ka, Iris?”

Iris has no words. Ngayon lang niya narinig na magsalita ng ganoon si Jasmine. She was the type of friend that supports her all the way. So hearing Jas lecturing her, Iris had a thought that maybe this time, it is her fault.

Pero mas nanaig pa rin ang galit niya. Hindi niya pinakinggan ang isipan. She stood by her belief.

“If people want to understand me, they’ll give an effort to do so. Kung ayaw nila ... Fine by me. Hindi ko kailangan ng mga taong ayaw akong intindihin. So kung sawa ka ng umintindi, I'll understand,” sabi niya saka inalis ang seatbelt at binuksan ang pinto.

“Iris, you’re misunderstanding me again. I’m just concerned!” pahabol na wika ni Jasmine habang bumababa siya ng kotse nito.

“I don’t need your concern — I don’t need anyone’s sympathy! What I want is for people to stop blaming me! Kasi kung ano ako ngayon, dahil ‘yon sa kanila. Hindi sa ‘kin kundi dahil sa kanila!” she exclaimed one last time before hailing a taxi. Good thing na may tumigil kaagad kaya naman hindi na siya nasundan pa ni Jasmine.

Ginulo ni Iris ang sariling buhok. The iritation she’s feeling was too much. Hindi pa sapat iyong nagawa niya kay Aubrey kanina. Her hand is still craving to slap the woman. That’s how angry she was.

Dahil sa mabigat na traffic, halos isang oras ang naging biyahe niya pauwi — yes, pauwi. Wala na siyang choice. She walked out on Jasmine so basically, she has nowhere to go. Idagdag mo pa na nakalimutan niya ang bag sa opisina ng ina niya.

Just then did she realized ... wala siyang dalang wallet. Meaning, wala siyang pera.

“Shit,” mahina siyang napamura nang makita ang nag-aabang na driver sa ibabayad niya. Napatingin siya sa metro.

Almost five hundred. Great.

“Ahm, manong? I don’t have a wallet with me kasi. Puwede bang pumasok muna ako sa bahay para kumuha ng pera? I promise I’ll return,” aniya habang tinuturo ang bahay sa gilid nila.

Iris was silently praying that the driver will be considerate. Mabuti naman at nasagot ang dalangin niya.

“Ayos lang ho.”

“Great! Thanks, manong!”

Dali-daling lumabas si Iris at tumungo sa kabahayan. Nasa front yard pa lang siya nang makita niya si Ryko na lumabas mula garahe. Kaagad siyang bumusangot.

When she saw Ryko approaching her, hindi niya ito pinansin. She even purposely bumped her shoulder on his arm — braso lang dahil hindi niya abot ang balikat nito. He’s taller than her.

Umirap siya nang lingunin siya nito at nagpatuloy sa paglalakad.

Pagbalik ni Iris sa labas, nagtaka siya nang makitang wala na roon ang taxi. Luminga-linga siya sa paligid at natagpuan si Ryko na nagpupunas ng sasakyan.

Ayaw niya man itong lapitan, Iris had to ask where the taxi driver go. Hindi niya pa iyon nababayaran.

“Hey,” she called him. Nag-angat ng tingin si Ryko. “Nasa’n ‘yung taxi?”

Tumuwid ng tayo si Ryko at hinarap siya nang maayos. Iris did the same and raised her head to meet his eyes.

Na sana hindi na lang niya ginawa.

Normal lang naman ang mga mata niya. Hindi na bago ang hugis at kulay nito. He was just looking at her casually. But why does Iris feel like she’s being sucked into a deep hole? Why does she feel like she’s being hypnotized? Like she’s being charmed?

“Binayaran ko na. Sayang kasi ang oras kung hihintayin ka pa.”  His voice made Iris wake up from her reverie.

Napakurap-kurap siya saka tumikhim.

“Wow, may pambayad ka pala.” Ryko did not react. Iris blew a loud breath before taking his hand and placing a blue-colored bill on his palm. “O, hayan. Keep the change,” wika niya saka ito tinalikuran.

“Argh!” Iris threw her phone on the bed bago dumapa roon. Hinampas-hampas niya ang kama while her feet were stomping on the ground. “Ang kakapal ng mukha nila! Mukha ba akong taong pang-meme?!”

She was casually scrolling on her social media account when she came across a picture of her sitting on the floor with Ryko dragging her. Ginawan iyon ng katawa-tawang caption ng nag-post and now, it’s viral.

Kung kanina binabatikos siya, ngayon naman pinagtatawanan siya.

“Just how worse can this day get?!” sigaw niya saka tumihaya ng higa. She stared at the ceiling while scowling. Inis niyang inabot muli ang cellphone at tinitigan ang litrato.

Mas lalong nalukot ang mukha niya nang makakita ng comment na pinupuri ang “kaguwapuhang taglay” ni Ryko. Everbody was laughing at her but praising Ryko. Then, she remembered Jasmine’s question. Kung bakit daw ba siya galit na galit kay Ryko.

“Sino ba naman kasing hindi maiinis sa pagmumukha niya?” bulong ni Iris as she zooms into the picture. “Nakakainis ang mukha niya, nakakairita ang ngiti niya, nakaririndi ang boses niya — his whole presence is uncomfortable!” gigil niyang ani habang dinuduro-duro ang mukha nito sa screen.

Iris had no idea where her hatred towards Ryko came from, but she hates him. At mas lalong nakakabwisit na wether she likes it or not, magku-krus at magku-krus ang landas nilang dalawa.

Her thinking was disturbed when she heard a subtle knock on her door.

“What?”

“Handa na ho ang hapunan.” It was Ryko’s voice.

Tumayo si Iris at dali-daling binuksan ang pinto.

“Bakit ikaw ang nagtawag?” pambungad niyang tanong habang nakataas ang kaliwang kilay.

“Para ibalik sa ‘yo ‘to—”

“Hindi ba sabi ko, keep the change?”

“—at para na rin mag-sorry.” Iris froze at that.

“What?” Hindi niya iyon inaasahan.

“Alam kong galit ka sa ‘kin kaya gusto kong mag-sorry,”  ulit pa ni Ryko.

Iris didn’t say anything but deep inside, she was shocked and thankful. Thankful because Ryko noticed that there was something wrong and that it was him who did something first.

Sa katunayan, iyon lang naman ang gusto niya. People keep on telling her to do the first move — she complies most of the time — that now, she just wanted them to do it before her.

In short, nag-iinarte lang siya.

Pero kahit ano pang nararamdaman niya, hindi niya iyon ipapakita kay Ryko. Nakakahiya kaya.

“Buti naman naisipan mong mag-sorry.”

“Hindi naman kasi tama ang ginawa ko. Hindi dapat kita hinila at niyakap ng gano’n. Kaya kung nagalit ka dahil do’n, sorry. Gusto ko lang namang umawat.”

“Do you really think sorry is enough, though? Thanks to what you did, our faces are all over the internet. Congrats, Mr. Driver. Sikat ka na.” Peke siyang ngumiti.

“Iyon ba ang ikinagagalit mo?” he sound unbothered. “Wala na akong magagawa ro’n. Hindi ko naman kontrolado ang mga tao.”

“Hindi nga. Pero kung hindi ka nanghimasok, walang ganoong picture. We wouldn’t be a laughing stock right now.” She rolled her eyes and flipped her hair.

Kumunot ang noo ni Ryko. “Sinisisi mo ba ako?”

“Yeah.” She nodded and crossed her arms. “Kayong dalawa ni Aubrey, kasalanan niyo lahat ‘to.”

Ryko wanted to scoff but he controlled himself. Instead, he licked his lips.

“Ma’am, ayokong sagutin kayo dahil baka isipin niyong hindi ko kayo nirerespeto. Pero mawalang galang na ho. Wala akong ibang maling ginawa maliban sa mga sinabi ko kanina. Wala akong masamang intensyon at sa katunayan, ginawa ko iyon para mapabuti ka. Huwag mo naman sanang isisi sa ‘kin ang pagkakamali mo.” Nilagyan niya ng diin ang huling sinabi.

Kahit na bahagyang nagulat sa pagsagot ni Ryko, nagawa niya pa ring inisin ang binata. Iris is not Iris when she don’t piss people of. Brat is her middle name after all.

“Oh, talaga?”

Napigtas na ang pisi ng pasensiya ni Ryko. His jaw clenched and his eyes were brooding. He took a threatening step making Iris step back.

“May sagot ka talaga sa lahat, ano?” His voice was dangerously low again. Iris can feel her heart pounding loudly. “Kanina, naaawa ako sa ‘yo. Kasi nakikita kong gusto mo lang namang intindihin ka ng mommy mo. Pero ngayon? Tingin ko, naiintindihan ko na kung bakit ayaw ka niyang intindihin. Kasi maging ikaw, sarado ang utak.”

Ryko looked at Iris’ face like he was searching for something. And when he saw the stubborn glint on her eyes, napatango siya. Iris gulped at the distance of their faces.

“Pero mukhang kahit anong payo ng mga tao sa ‘yo, hindi ka makikinig.” Dumako ang mga mata nito sa mata niya. “Paalala lang, Ma’am Iris. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa ‘yo. Kung hindi mo isasaisip ‘yan, hindi na ako magtataka kung bakit walang taong nananatili sa tabi mo,” he said before turning around and walking away.

“E-Eh, ‘di umalis sila! Paki ko naman?” pahabol niya.

Ryko shook his head when he hears Iris’ last statement. He admits, he finds it cute when Iris is irritated and annoyed. He can tolerate how bratty she could be. Pero may hangganan din ang pasensiya niya. And her, blaming him for something he didn’t do was over the line. Napipikon din naman siya.

Now, dalawang katangian na ang nakasisiguro siyang taglay ng dalaga.

Matigas ang ulo at sarado ang utak.

✨GraciousVictory✨

Don't forget to vote, comment on this chapter if you have some questions, and of course, follow my acc, @GraciousVictory. Thank you!😘

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 33.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
66.9K 2.3K 55
A love letter, a confession, and a blossoming heart. I got nothing to lose, only my heart to break.
95.1K 60 41
R18
191K 6.2K 50
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...