BNDASD PART II: The Painful S...

By TheWhelveLady

20.9K 1.2K 170

-Aice The only Daisy among the Wild Thorns The only girl among the boys. They treat her as their Binibini. T... More

DISCLAIMER๐Ÿ“ฃ
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
ANNOUNCEMENT!

Chapter 94

320 17 1
By TheWhelveLady

A Date with a Twist

AICE’S POINT OF VIEW

“Saan ba tayo pupunta? Ang paalam ko lang kay kuya ay  sa Café lang tayo nina Migs,” sabi ko at nilingon si Deive na nakangising nagmaneho.

Tuwang-tuwa ang hudas.

“Malalaman mo rin mamaya. Mabuti at pinayagan ka?” nakangising tanong niya at nilingon ako.

Nakasuot siya ng jeans at black polo na bukas ang tatlong butones. Mayroon din siyang suot na kwintas na ang disenyo ay moon ata ‘yun. Ang buhok niya ay bahagyang naka-push back at halatang bagong ligo siya.

Ang guwapo at ang bango! Amoy expensive!

Samantalang ako naman ay nakasuot lang ng jeans at black t-shirt. Matchy-matchy tuloy kami. Nagdala rin ako ng sling bag para sa cellphone at pera ko.

Siya amoy expensive ako amoy bahay.

“Ipagpasalamat mo na lang na pinayagan ako, kung hindi baka nakatalon na ako sa bintana gaya ng suhestiyon mo,” ngiwing sagot ko at tinampal ang kamay niya nang ipatong niya ito sa ibabaw ng hita ko.

“What?” tatawa-tawang tanong niya at muling ipinatong ang kamay niya sa hita ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin. “Should I say thank you?”

“Should I say you’re welcome?” sarkastikong tanong ko at pinandilatan siya ng mata.

Tumawa ang loko at hinayaan ko na lang siyang ipatong ang kamay niya sa hita ko.

“Hindi ako tumatanggap ng you’re welcome. I only accept kiss and I love you’s,” hirit niya at nakangising nilingon ako.

Tumawa ako. “Ang landi mo ha,” ani ko at dinilaan siya.

Tumawa siya. “Sa’yo lang naman lalandi.”

Humagalpak ako ng tawa sa sinabi niya pero ang puso ko ay nagkakarambola na.

‘Yan ang gusto ko, ‘yung ako lang ang nilalandi.

Napailing na lang ako bago napasandal sa upuan. Bumaling ako sa bintana dahil napapansin ko na hindi na pamilyar ang dinadaanan namin.

“Saan ba tayo, Deive pupunta? Baka kung saan mo ako dalhin, ha?” tanong ko at nanatiling nakatingin sa bintana.

Puro puno na ang nadadaanan namin at madalang na ang mga bahay na nakikita ko.

“I told you, it’s a surprise,” aniya. Napanguso ako.

Surprise pero magugulat na lang ako na sa Motel niya ako dadalhin, gago.

“Pero alam kong makulit ka at hindi mo ako titigilan nang katatanong,” dagdag pa niya na ikinalingon ko. Mabuti at alam mo. “Sa probinsiya niyo tayo pupunta.”

Napaayos ako ng tayo at nanlalaking matang tiningnan siya. Pakiramdam ko ay nabingi ako at nayanig ang kaluluwa ko.

Joke time ba ‘to?

“S-Saan kamo?!” sigaw ko sa gulat. “Nagbibiro ka ba?!”

Napangiwi naman siya sa pagsigaw ko. “Sa probinsiya niyo kamo. I searched and found some beautiful tourist spot that you will probably like.”

Nag-init ang puso ko sa sinabi niya.  Talagang nag-search pa siya ng tourist spot sa probinsiya eh puwede namang magtanong na lang siya sa akin kasi doon ako dati nakatira.

Pero ang effort niya ha. Bigyan ng kiss ‘yan.

“Dapat sinabi mo agad sa akin. Ginulat mo naman ako!” reklamo ko pa. Nilingon niya ako.

Napakamot naman siya. “Kaya surprise ‘di ba? Saan ka ba nakakita ng surprise na sinabi do’n sa isu-surprise? Mag-isip ka naman,” biro niya pa. “Joke lang, joke lang,” agad na dagdag niya.

So hindi ako nag-iisip gano’n?

Pinanlisikan ko siya ng mata. “Gusto mong layasan kita?” banta ko. Umiling naman agad siya. “Stop the plane--- este the car.”

Naguguluhan naman agad siyang napatingin sa akin. “I-I’m just joking, wife. W-What are you saying? Fuck!” kabadong tanong niya.

Napangisi naman ako bago pinanlisikan siya ng mata. “I said stop the fucking car!”

Nanlaki ang mata niya at natatarantang iginilid ang sasakyan.

“F-Fuck, what the fucking hell did I do wrong?!”

Bumalanghit na lang ako ng tawa dahil sa itsura niya. Kabado malala ang loko. “Kalma ka lang. Tuloy mo na pagmamaneho. Wala akong masasakyan pauwi kapag itinigil mo.”

Hindi niya ako makapaniwalang tiningnan. “Seriously, wife? You almost scare the shit out of me because I thought I did something wrong tapos tatawanan mo lang ako? Where’s the fucking justice on it?”

Sorry, napagtripan lang.

“Hehe, bakit may angal ka?” pinagtaasan ko siya ng kilay.

Nagbuntong hininga lang siya bago umiling sa akin. Muli niyang binuhay ang makina ng sasakyan at nagsimulang magmaneho.

“Hay, wala talagang laban ang kaguwapuhan ko sa’yo,” bubulong-bulong pang aniya na narinig ko naman.

Napangiwi na lang ako. Lumipas ang isang oras at kalahati ay nakarating na kami sa bayan. Dumaan muna kami sa isang fast food restaurant at umorder ng lunch namin.

“What do you want, wife?” tanong sa akin ni Deive habang natuon sa bintana ang braso habang nakahawak sa labi. Nag-drive thru na lang kamim

“Kahit ano basta pagkain,” sagot ko at inirapan si ateng cashier na kanina pa pinagpapantasyahan ang kasama ko.

Hoy, ateng. Akin ‘yan, hanap ka sa’yo.

“Okay,” ani Deive at bumaling kay ateng cashier. “One bucket of chicken, two orders of spaghetti, rice and palabok. Add two large burger champ, large sundae, fries, chocolate pie and iced tea.”

Napanganga na lang ako sa order ng tukmol na ‘to.

Hindi naman halatang gutom na gutom siya, ah?

“Is that all, sir?” namumula pang tanong ni ateng cashier na mukhang namamangha pa sa kasama ko. Napairap ako.

“Wala ka nang idadagdag, wife?” baling sa akin ni Deive. Umiling lang ako sa kaniya.  Tumango-tango siya bago bumaling sa cashier. “That’s all, miss.”

Mas lalong namula ang babae sa sinabi ni Deive. “O-Okay, sir. P-Proceed to the next station and we will just prepare your orders. Have a good day!”

“Thanks.”

Muling umandar ang sasakyan namin.  Nagkibit-balikat ako bago bumaling sa bintana sa gilid ko.

“Mukhang bet ka nung babae, ah?” sambit ko na nanatili pa ring nakatingin sa bintana.

“Talaga?”

“Oo, hindi mo ba napapansin? Namumula ‘yung pisngi niya sa tuwing magsasalita ka. Bet ka talaga ‘yun.”

Bet ko rin siya. Bet ko siyang sungalngalin.

“What? I didn’t notice,” sambit niya kaya napalingon ako sa kaniya.

“Weh? ‘Di nga?” pagdududa ko pa.

“Oo nga, at saka paano ko mapapansin eh, nasa sa’yo lang naman ang atensiyon ko? My attention was only for you. I won’t give my attention to other girls unless it’s you,” usal niya habang nakangiti sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin dahil ramdam ko ang pamumula at pag-iinit ng pisngi ko.

Ay sus, dumali na naman.

“Oo na, dami pang sinasabi,” kagat labing sabi ko at binalingan na lang ang bintana sa gilid ko.

Narinig ko ang pagtawa niya pero hindi ko siya nilingon. Ilang sandali pa at nakuha na namin ang order ni Deive.

Puno ang hita ko ng inorder niya bukod pa ang nasa hita niya at nasa backseat kaya naman hindi ko alam kung ano ang uunahin ko.

Anong dapat unahin? Pagkain o ‘yung umorder?

“Ang dami naman nito, mauubos ba natin ‘to?” ngiwing tanong ko sa tukmol na sumusubo na ng fries.

Ngumuya muna siya bago sumagot sa akin.

Grabe! Pati pag-nguya, ang guwapo!

“Seriously, tinatanong pa ba ‘yan? Eh, sa’yo pa nga lang baka kulang pa ‘yan,” natatawang biro niya. Agad ko namang dinampot ang fries at ibinato sa kaniya.

“Grabe ka sa akin, ha? Diet na kaya ako ngayon,” singhal ko sa kaniya na mas ikinalakas ng tawa niya.

True ‘yun. Diet na talaga ako kasi napapansin ko na sumisikip na ang uniform ko. May dumagdag na ring panibagong tipak ng bilbil sa tiyan ko kaya kailangan ko nang mag-diet. At saka isa pa, baka ‘pag tumaba ako, ipagpalit ako ni Deive sa mas sexy sa akin.

Arouch malala ‘yun.

Habang nagda-drive si Deive ay sumusubo siya ng hawak na fries habang naghahanap ng mapaparadahan para makakain kami ng maayos.

Minsan pa nga ay nagpapasubo siya sa akin ng fries na isinawsaw ko sa sundae. Hindi naman ako nagrereklamo dahil gusto ko rin naman iyon.

“Ayun ‘yung park!” turo ko sa park na tinutukoy ko sabay subo kay Deive ng fries na isinawsaw ko sa sundae tapos sabay subo sa bibig ko sa natirang fries na kinagatan niya.

Narinig ko pa ang pagtawa niya pero hindi ko siya nilingon.

Tumigil ang sinasakyan namin at ipinarada sa may parking. Hindi ako makababa agad dahil sa kalong-kalong kong pagkain. Inintay ko pa na makababa muna si Deive bago ako tuluyang makababa.

May kinuha siyang kung ano sa backseat at nakitang isang basket iyon na puwede naming paglagyan ng pagkain.

Ready na ready, ah?

Kinuha niya ang pagkain sa hita ko at ang iba pa naming pagkain sa backseat. 

Nang matapos ay ini-lock niya ang kotse niya at iginiya ako papuntang park.

Marami-rami rin ang tao na nakatambay rito sa park. May magpapamilya, may mag-jowa, may mga magkakaibigan at mayroon namang nag-iisa lang.

Si Deive ang may bitbit ng basket namin pero ang isa niyang kamay ay nakahawak sa akin. At dahil sa kaguwapuhan niyang taglay, napapatingin lahat sa kaniya ang mga nadadaanan namin.

Pakiramdam ko tuloy ay gusto kong tundusin ang mga mata nila dahil talagang nanghahaba pa ang leeg nila sa pagtanaw kay Deive!

Ayos lang, hanggang tanaw lang naman sila.

Napapairap na lang ako sa hangin kung paano nila ako tingnan matapos nilang tingnan si Deive.

Hindi kayo makapaniwala, ano? Hahaha ako rin.

“Doon tayo.” Turo ko sa isang bakanteng picnic table.

Agad kaming tumungo roon at ibinaba ang pagkain namin.

“Grabe, dapat pala hindi na kita isinama. Agaw atensiyon ka sa mga babae rito, ah?”

Napatingin siya sa akin habang nag-aayos ng pagkain namin.

“Hindi ko naman kasalanan na nabiyayaan ako ng angking kaguwapuhan at karisma,” natatawang aniya na kumakagat-kagat labi pa.

Huwaw! Humangin bigla, pero true naman hehe.

Pinandilatan ko siya ng mata. “Gutom lang ‘yan, Deive. Gutom lang ‘yan,” ngiwing sabi ko at pinasakan ang bibig niya ng fries.

Napailing na lang siya sa akin. “Let’s eat. Alam kong kanina ka pa nagugutom.”

Napangiti naman ako sa sinabi niya bago naupo at lumamon.

Pero siyempre habang nakain, hindi mawawala ang kalandian niyang taglay. Na sinasakyan ko na lang dahil gusto ko rin naman.

Minsan lang ‘to, pagbigyan niyo na.

“Say ahh, wifey,” utos niya sa akin habang nakaharap sa akin ang balat ng chicken.

Pinaningkita ko siya ng mata bago ibuka ang bibig ko pero nagulat na lang ako nang sa halip na isubo niya ang manok na nakaaro sa akin ay labi niya ang lumapat sa akin.

Agad na napaatras ang ulo ko na siyang ikinahagalpak niya.

“More tasty than anything else,” komento pa niya na malaki ang ngisi sa akin.

Ang hudas, naisahan na naman ako!

Sinamaan ko siya ng tingin bago damputin ang tinidor sa lamesa.

“Gusto mong magka-gripo ka sa tagiliran?” nanlilisik na matang banta ko. Tumawa lang siya bago isubo sa akin ang balat ng manok na dapat isusubo niya sa akin.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Puro siya kalokohan pero sobrang gaan ng dibdib ko habang nakikipagkulitan sa kaniya.

Pakiramdam ko ay sobrang saya ko na dahil nakasama ko siya kahit patago at nagsinungaling ako kina kuya.

Alam kong pagagalitan ako dahil sa ginawa ko pero matagal pa naman ‘yun.

“Oh, narito pala ang pinakmamahal kong ex,” sabi ng pamilyar na boses sa likuran ko dahilan para matigil ako sa pakikipagkausap kay Deive.

Napatangin din agad dito si Deive at agad na nangunot ang noo niya. Bumitaw ito sa pagkakahawak sa kamay ko at agad na tumayo at hinila ako patungo sa likuran niya.

“So the poop is here?” muntik na akong kilabutan sa boses ni Deive na iyon.

Pero gusto kong matawa nang marinig ko kung ano ang itinawag niya kay Chris at sa barkada niya.

Mukha naman talaga siyang tae, eh.

Naalala ko noong nagkaroon kami ng activity sa dati kong school tapos nagkaroon ng gulo sa pagitan namin ni Chris tapos umentrada sina Deive at tinawag niyang ‘poop’ si Chris.

“Siraulo ka pala, eh!” sigaw ng isa sa barkada ni Chris at akmang susugudin si Deive pero hinarangan siya ni Chris na nakangisi ngunit matalim ang tingin sa amin.

“Kung siraulo ako, ano ka pa?” pamimilosopo ng kasama ko kaya natampal ko na lang ang noo ko.

Lintek na ‘to, balak pa atang magsimula ng gulo rito.

Tumikhim ako bago lumabas sa likod ni Deive at pumantay sa kaniya.

“Anong kailangan mo, Chris?” seryosong tanong ko sa kaniya.

Ngumisi siya bago humakbang sa akin papalapit. Nakakaagaw ng atensiyon ang barkada niya ang ang nangyayari rito sa aminng puwesto.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Simple lang naman ang kailangan ko. . .” nakangising aniya at inabot ang kamay ko pero tinampal ko lang iyon. “Ikaw, Aice ang kailangan ko.”

Sinamaan ko siya ng tingin at akmang magsasalita na ako pero naunahan ako ng katabi ko.

“Kung papayag ako na makuha mo siya,” maangas na ani Deive at inihara ang ang kamay niya sa akin. Madilim ang mukha niya at ano mang oras ay handa na siyang manuntok ng kaharap. “Back off, dude. She’s mine. Ex ka na, bakit naghahabol ka pa?”

Ohh! Bagay sila ni Athalia, parehas habol nang habol!

Mukhang hindi iyon nagustuhan ni Chris dahil tumalim na ang mata niya kay Deive. Bumaling siya sa akin at mariin akong pinakatitigan. Binigyan ko naman siya ng nanghahamong tingin.

“Ito ba ang ipinalit mo sa akin?” sarkastikong tanong niya sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay at nag-cross arms sa harap niya.

“Oo, bakit?” walang pag-aalinlangang sagot ko.

Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hawakan ng mahigpit ang braso ko.

“Akin ka lang, Aice! Akin ka lang---”

“Tangina mo, hindi ako sa’yo!” galit na sigaw ko sa kaniya at akmang sasapakin siya nang may mauna na sa akin.

“Fuck you! How dare you to hurt my girl in front of me?” galit na sigaw ni Deive at lumagapak na lang si Chris sa sahig habang dumudugo ang ilong at labi sa lakas ng sapak ni Deive.

Naalerto ang mga kasama niya at agad na sinugod si Deiveng suntok.

“Eh, tarantado ka pala eh!”

“Dayo ka lang dito!”

Inilagay lang ako ni Deive sa likuran niya na para bang pinoprotektahan ako. Nagsialaisan na rin ang mga nakatambay sa park malapit sa amin dahil sa takot na madamay aa gulo.

“Mas tarantado ‘yang gagong ‘yan!” sigaw ni Deive sa kanila at ginantihan sila ng suntok. At sa bawat suntok niya ay tila ba hindi na makakabangon pa ang barkada ni Chris sa lakas ng sunto niya.

Medyo marami-rami rin ang barkada ni Chris kaya alam kong hindi kakayanin ni Deive kung siya lang ang lalaban.

“Aice, run! Run and seek for help! Ako na rito!” utos sa akin ni Deive pero pinanlisikan ko lang siya ng mata.

“Anong tatakbo? Ayoko nga!” sagot ko at pinatunog ang kamao ko. “Hindi puwedeng ikaw lang ang lalaban, dapat ako rin!”

Let’s get it on, baby!

“Aish, ang reckless mo talaga!”

Ngumisi ako sa kaniya bago sinuntok ang isa sa barkada ni Chris na akmang susuntukin si Deive sa tagilaran. Napaatras ito kaya sinipa ko siya sa dibdib dahilan para matumba siya.

Nilingon ko si Deive na nilingon-lingon ako habang kasuntukan ang kaharap niya. Ngumisi ako sabay kindat sa kaniya.

“I know that I am reckless, baby!”

———————————————————

~Please don't forget to vote and comment💖

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 136K 52
After her mother's death Lilith gets a new legal guardian, her older brother. With no knowledge of having four other older brothers, Lilith is send...
Riptide By V

Teen Fiction

321K 8.2K 116
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
16.9M 652K 64
BitmiลŸ nefesi, biraz kฤฑrฤฑlgan sesi, Mavilikleri buz tutmuลŸ, Elleri nasฤฑrlฤฑ, Gรถzleri gรถzlerime kenetli; "ฤฐyi ki girdin hayatฤฑma." Diyor. Ellerim eller...
801K 70.4K 37
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...